2 minute read

Susi sa apoy ng kamangmangan

Mga salita ni Andrew Dela Plana at Alexie Jeanne Masangkay

Puno ng usok ang paligid mula sa apoy ng panlilinlang na lumamon sa dating ligtas na tahanan. Habang lumalagablab ang liyab ng misteryosong apoy, kumaripas ng takbo patungong pintuan ang babaeng binubulag ng abo. Ngunit, sa pagmamadali niyang makalayo sa init nito, huli na nang maalalang nakakandado ang mga tanikala sa pintuan. Kinakailangan na niyang makahanap agad ng paraan upang makatakas sa nagliliyab na kapalaran— isang susi na makakapagbigay kalayaan mula sa apoy ng kamangmangan.

Advertisement

Ayon kay Angelo Fajardo, isang guro mula sa Humanities and Social Sciences faculty, maaaring maging susi ng kamalayan ang mga pelikula at iba’t ibang media dahil nagbibigay ito ng kabatiran sa mga manonood. “Nakikita (kasi sa) film and media kung ano ang mga nangyayari sa lipunan (sa simple) o komplikadong aspekto man,” paliwanag niya.

Gapang ng mainit na pag-alab

Unti-unting kumakalat palapit sa babae ang matinding siklab ng apoy. Upang makatakas tungo sa mapayapang kinabukasan, kailangan niyang harapin ang nagliliyab na nakaraan upang hindi basta-basta mawala ang susi sa kamalayan.

Ipinaliwanag ni Fajardo kung paano gumagamit ang pelikula, at iba pang media, ng mga paraang masasabing tulay para ipahatid ang mga isyu sa totoong buhay. “[Movies and media] have the power to encourage a positive impact on the people with certain issues, however (they also have) the power to alter the (said) issues,” paliwanag ni Fajardo.

Upang magbanggit ng halimbawa, idinagdag ni Fajardo ang isyu ng pag-iral ng mga spliced videos, na kalimitang ginagawa upang linlangin ang mga manonood. “[N]owadays, (there are) ‘spliced videos’ in the (media); pwede ka maniwala kasi right away despite (the lack of context) sa video,” sabi niya.

Pagharap sa matinding liyab Nagdadalawang isip, buong lakas hinarap ng babae ang init na kanyang tinalikuran. Nagmamadali at kinakabahan, sinimulan niyang hanapin ang susing magbubukas sa pintuang nakakandado. Nasa kanyang kamay na lamang kung paano niya lulunukin ang matinik na katotohanang dala ng kahapon.

Para kay Edrich Esguerra (STM17), isa sa mga sakit ng lipunan na kinakailangang ipabatid sa nakararami, ang panghuhusga nang hindi inaalam ang kabuuan ng kwento.

“It’s all about perspective because not everyone can understand each other,” paglalahad niya. Idinagdag din niya na may mga pagkakataong hindi nabibigyang pansin ang mga biktima dahil sa pagmamanipula ng ibang tao. “(Manipulating others to victimize oneself) doesn’t give justice to those who are actually affected,” saad ni Esguerra.

Batay naman sa mga salita ni Ezekielle Chavez (HMS25), maaring magbago ang pananaw ng isang tao sa mga pangyayari ng ating kasaysayan na pinipilit baguhin dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.

“There (is) a lot of history [distortion] that (is) happening, especially nowadays since television and (other media) are (evolving).” Ipinaliwanag ni Chavez ang kapangyarihan ng mga pelikula sa mga tao. “Movies are being used as weapons to change one’s perspective,” aniya.

Pagtakas sa siklab ng apoy Nang mahanap ang susi, nagmadaling binuksan ng babae ang kandadong pumipigil sa kanya upang makawala sa kapit ng init. Sa pagbukas niya sa pintuan ng kinabukasan, dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanyang dating ligtas na santuwaryo. Ipinaliwanag ni Fajardo sa mga taong naghahanap ng mga magagawang paraan para maipabatid sa mga taong pilit tumatalikod at iwasan sa mga

This article is from: