3 minute read

MILYON-MILYONG PAGKALTAS MILYON-MILYONG APEKTADONG BUKAS

Next Article
PAGKALTAS

PAGKALTAS

Chairperson, at Trevor Lomotos, 2024 Batch Representative, ang pagkaltas sa badyet ng UP-PGH ay pagkakait ng isang komprehensibong edukasyon sa susunod na healthcare workers ng bayan.

Pangatlong taon na nina Resuello at Lomotos sa unibersidad. Sa isang panayam ng The Manila Collegian, ibinahagi ni Resuello ang kaniyang mga karanasan habang nagdyuduty sa PGH. Isa kasi sa mga rekisito ng kaniyang kurso ang aktuwal na pagsasanay bilang nars sa ospital.

Advertisement

“Mabigat siya [dahil sa] papers pero very fulfilling ‘yung experience and masaya that you get to interact with patients, and more than their health conditions [or] their treatment, you also get to learn about their background, since we also recognize that healthcare is, of course, multifactorial,” aniya. “We also considered the economic conditions of these families, and we recognize that these are factors that contribute [to] why they acquire certain diseases.”

Dagdag pa ni Resuello, naging hamon din ang malaking agwat sa bilang ng mga propesor at estudyante. Kadalasan, isang propesor lamang ang itinatalaga sa isang grupo ng mga estudyante tuwing duty. Para kay Lomotos, isang malaking limitasyon ang kakulangan ng faculty-in-charge (FIC) sa kanilang pagsasanay.

“Kapag nagkasakit ka sa duty, dahil nga [bilang] effect din ng budget cuts, less teachers, less time sa wards. Kapag nagkasakit ka talaga, parang ang hirap bumawi, kasi ‘yon, hindi ka nga ma-ha-handle ng mga professors dahil kakaunti rin sila,” sabi niya. Nang tanungin kung maaapektuhan ng nakaambang PGH budget cut ang accessibility ng edukasyon sa UP, sumagot si Resuello, “Oo… kasi nagiging very limited ‘yung acceptance rates ng nursing students… considering na sobrang daming naga-apply sa UP College of Nursing, pero sobrang nagiging rigorous nung process of accepting these applicants kasi… the capacity for them to operate or to teach these students is very limited since one, limited nga ‘yung faculties natin, yung professors natin, [and] two, limited din ‘yung facilities natin.”

Para kina Resuello at Lomotos, mahalagang mayroong sapat na alokasyon ng pondo sa mga kagamitan sa PGH upang maisagawa nang maaayos ang iba’t ibang medical procedures na bahagi ng kanilang pagsasanay. Kuwento ni Lomotos, dahil sa kakulangan sa rekurso sa PGH, napipilitan nang gumamit ang kanilang kolehiyo ng alternatibong materyales sa pagtuturo.

“[The] good thing is that, these healthcare workers, or ‘yung nurse na nag-assist kasi sa akin, they understood na it’s part of our duty or it’s part of our training na dapat bigyan kami ng materials or bigyan kami ng instruments para magawa namin ‘yung procedure and ma-train kami. Pero ‘yon, we cannot avoid [these] types of circumstances [kasi] talagang limited ‘yung resources na available sa PGH,” pahayag naman ni Resuello.

Bukod pa rito, anila, nananatiling salat ang accessible mental health services hindi lamang sa kanilang kolehiyo, kung hindi pati na rin sa buong unibersidad. Kasama sana ito sa pinopondohang University Health Services (UHS) ng UP-PGH, pero maging UHS providers ay walang gaanong kapasidad na makapagbigay ng konsultasyon sa lahat ng estudyante.

‘‘Sa pagtungo ng bansa sa isang new normal, bitbit pa rin ng sektor ng kalusugan ang mga dating sugat na hindi kayang hilumin ng panahon. Dehado pa rin ang mga nars at mga kontraktuwal na manggagawa ng UP-PGH dahil sunod-sunod ang pagkaltas sa pondo nito, sa kabila ng mga problemang hindi pa rin natutugunan hanggang ngayon.

Naniniwala si Resuello na kawalan ng pondo ang nagiging ugat ng mga problemang kinakaharap ngayon ng PGH.

“I think, ‘yung [effect] ng budget cuts [na] limited resources that [have] been happening since before is immeasurable,” aniya. “It’s not enough na mag-duty kami and then pumasa kami and then, mag-proceed kami sa higher courses without recognizing that there are actual limitations within the healthcare system of the country and patients are really affected [by] these limitations and limited budget and resources na in-a-allot ng government sa ‘tin.”

“[A]s students… we deserve the budget, we deserve the resources. Kasi, at the end of the day, the people we want to serve naman is the Filipino people,” dagdag ni Resuello.

KARAPATAN ANG KALUSUGAN Sa pagtungo ng bansa sa isang new normal, bitbit pa rin ng sektor ng kalu sugan ang mga dating sugat na hindi kayang hilumin ng panahon. Dehado pa rin ang mga nars at mga kontraktuwal na manggagawa ng UPPGH dahil sunod-su nod ang pagkaltas sa pondo nito, sa kabila ng mga proble mang hindi pa rin na tutugunan hanggang ngayon. Noong 2022, inasahan ng pamunuan ng PGH na patuloy na mababawasan ang bilang ng kanilang mga manggagawa dahil sa pagbubukas ng international borders. Paano pa kaya ngayon na ginigipit ang pondo ng ospital? Paano pa ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin habang nananatiling mababa ang pasahod?

Ang isyu sa paggawa ay nakatali sa kalusugan. Kung mananatiling mababa ang kinikita ng mga manggagawa, maaapektuhan ang kanilang kaligtasan maging ng kanilang pamilya. Kung hindi na nakabubuhay ang sahod na tinatanggap ng mga nars buhat ng kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, lohikal lamang na maghanap ng trabaho sa ibang bansa kung saan kinikilala ang kanilang natatanging kontribusyon sa usapin ng kalusugan.

Iisa ang panawagan: dagdagan, sa halip na bawasan, ang pondo ng UPPGH. Mula noon hanggang ngayon, walang espasyo ang pagsasamantala sa gitna ng sunod-sunod na krisis na kinaharap at kinakaharap ng bansa. Magbago man ang panahon, magbago man ang mukha at tindig ng mga nakaluklok sa puwesto, mananatiling karapatan ng bawat mamamayan ang kalusugan.▼

This article is from: