6 minute read

PH’s Anti-Child Development Juvenile Justice and Welfare Law

Next Article
NO MORE PLAYTIME

NO MORE PLAYTIME

With the same tenets of the presidency under the Dictator’s son, Ferdinand Marcos Jr., children are left at no better place. They would endure the heat and long lines outside the DSWD office waiting for the Social Amelioration Program (SAP), only to find out that the government agency was not prepared to cater all children who need subsidies for education. Owing to that, children are forced to drop out of school and once again, scuffle the streets to live. Children face various crises due to the pandemic yet one of the key persons for children’s rights, the Secretary of Education has been giving out toothbrushes to starving children; has been pushing for repressive school policies. No changes. No actions. Not even under a new administration. Genuine programs to make society a safer place for minors is yet to see the light of the government’s urgency. The call for restorative justice is yet to be prioritized. The narrative always puts children to blame for adults and the state’s co-equal failure to humanize rehabilitation and reform. Children are not criminals. If there is one, it is the politician who deliberately curves the law in his or her favor. Only the powergreedy are capable of such horrendous acts; no children are adept to be one.

NGO s ON THE GO, GOVERNMENT ON THE LOOSE

Advertisement

Children should not be jailed nor should they be treated as if they are prisoners behind metal bars in youth rehabilitation centers. Resolving the roots of why children are forced to commit crimes should be addressed. However, the government seems to be on the loose while non-government organizations (NGOs) are on the go exhausting all possible channels to continue their humanitarian efforts.

In partnership with an international NGO, children advocates from UP Manila formerly led by Paul Carlo A. Alibin turned to all possible forms of initiatives to deliver service to children. ‘Through Little Hands: Isko With UNICEF,’ a service-oriented university-based organization, launched educational situationers and online fora on topics concerning children’s rights. They also hosted “Awit ng Kabataan,” a year-end concert and income-generating project (IGP) for Bahay Tuluyan that caters to street children and launch “Isko Merchandise” as an incomegenerating project (IGP) for the Child Hope Philippines. Through their information-education campaign, “Hope 5000,” the organization was also able to publish educational materials intended for public dissemination.

Children’s organizations and advocates went above and beyond. Despite their successes, Little Hands expressed they still had to work under a few constraints. “These initiatives are not enough given the limitations imposed by the pandemic, especially the online setup, but we really tried our best to work around what we have”, Alibin said.

Organizations dedicated to ensuring the welfare of children have been receiving little support from the government, in spite of the role they play in mitigating the impact of repressive government policies. And instead of providing a more systematic response to cases of child abuse and exploitation using their wealth of resources, the government opts to free ride on organizations’ efforts to deliver effective services to affected communities.

New year, same old predicament. Children are continuously discounted and mistreated by the very institutions that should protect them. To this day, they are wrecked by systemic culpability, causing them to suffer deep injuries they bring with them throughout their life.

The government should recognize the urgency to implement pro-children laws and programs, as well as revisiting existing child laws in place to meet the changing orientation of juvenile abuse. It needs to provide livelihood assistance to urban poor families and introduce them to the concept of family planning while equipping them to engage in one. Instead of trampling on children’s rights, the government should act on a decades-long call to protect children and listen to their needs. After all, it is the country’s future that needs saving. ▼

ALAS TRES ng madaling araw.

*Bzzzt bzzzt bzzzt,* tunog mula sa de-keypad na cellphone. Hudyat ito ng panibagong araw ng pagpasok sa pinto ng karimlan. Bumangon si Tano, isang ama at sekyu, sa kanilang mumunting silid—tulala. Pinagtatanto kung ang pagtakas sa lupit ng reyalidad ay hanggang panaginip na lamang ba. Gumising siyang binibilang ang oras na muling makasama ang kapayapaan sa kanyang paghiga.

Sa halip na tilaok ng manok, binati si Tano ng kaluskos ng FX, karipas ng motor, at hikahos ng mga tulad niyang manggagawang naliligaw kahahanap ng direksyon. Sa dakong kaliwa, kasama niya ang mga taong ginawa na ring agahan ang usok ng dyip. Sa dakong kanan naman, tanaw niya ang napakahabang pila sa tricycle na hindi na maaninag ang dulo.

Gaya niya, ang mga taong ito’y nauna pang magpakita sa araw, suotsuot ang kanilang mga unipormeng gusot at relong naglalaman ng natitirang oras sa pakikipagsapalaran. “K’ya. Penge naman akong barya. Pangkain lamang,” pakiusap ng isang gusgusing bata kay Tano habang naghihintay ng masasakyan. Ngunit nang tingnan niya ang kanyang pitaka ay kulang pa ang laman nito pang-uwi. Kasabay ng pagbuntonghininga, malungkot niyang itinuon ang atensyon sa paparating na bus.

Alas tres na ng madaling araw.

Bagaman gising na si Tano at sanay na sa paulit-ulit na buhay ay hindi pa rin handang harapin ang isa na namang araw ng hirap sa pagsakay.

Isang malakas na busina ang pumawi sa kaniyang pagpupungas. Bitbit ng higanteng bus na ito ang lagpas singkwentang pasaherong dinaig pa ang sardinas sa lata. “Kuya, wala na. Hindi na kami kasya rito,”

‘‘

Siksikan na nga sa loob ng bus, siksikan pa rin sa may labas. Animo’y mga musmos na nag-aabang ng sundo; lukot ang mukha sa pagkabagot. Ang iba’y walang pakundangang namamangga ng kapwa, makaalpas lang sa rehas ng malaimpyernong pagdurusa. reklamo ng katabi niyang mapalad ding nakasiksik sa bus. Bagaman alanganin ang pagkakasabit ni Tano, wala siyang magawa kung hindi makipagsiksikan upang umabot sa pasok niyang alassyete ang simula.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Balewala ang pagpulido niya sa buhok dahil sa bumulusok na usok na sumira nito. Bakas ang pawis sa uniporme niyang mabusising pinlantsa ng kaniyang misis. Umuurong na lamang din ang kaniyang gutom sa tuwing maaalalang nagmahal na ang paboritong agahang ensaymada.

“We’re not really that high,” saad ng well-mannered na pangulo sa telebisyon ng bus. Nang marinig ito ni Tano, hindi niya mapigilang ihambing ang kapabulaanang narinig sa arawaraw na kalbaryong kinahaharap nilang mga komyuter.

Siksikan na nga sa loob ng bus, siksikan pa rin sa may labas. Animo’y mga musmos na nag-aabang ng sundo; lukot ang mukha sa pagkabagot. Ang iba’y walang pakundangang namamangga ng kapwa, makaalpas lamang sa rehas ng mala-impyernong pagdurusa. Sapagkat, ang inaasahang bathalang magliligtas sa kanila’y nagpapakasasa sa nakaw na yaman, nagpapakasarap habang nakatirik ang mga mata.

Alas tres na ulit ng madaling araw.

Papasok na muli si Tano. Pagkababa ng bus, rekta na agad sa mala-blockbuster na pila sa MRT. Gaya niya, marami sa mga pasaherong ito ang mayroong bakas din ng hirap ang pinagdaanan.

“Paki-usog na lamang po sa tabi. Nasiraan kasi ang tren sa may bandang Q. Ave,” marahan na anunsyo ng sekyu na nagbabantay sa dulo ng riles.

Nilalamon ng pagkabigo si Tano sa bawat gapang ng orasan; alanganin pa pala ang gising niyang alas tres.

Tumulala na lamang si Tano sa kahabaan ng EDSA— balisa. Tanaw niya ang mga kotseng ginawang paradahan ang abenida; nagbabakasakaling mas maluwag ang buhay kung mayroon siyang awtomobil.

Unting-unting napagtatanto ni Tano ang laki ng agwat nilang mga komyuter sa mga mayroong kakayahang maglakbay nang hindi gusot ang uniporme at hindi basa ang kili-kili. Mula sa bus hanggang pagsakay ng tren, mas lalo niyang nadarama at ng ilang libong naaagrabyadong pasahero ang lumalalang krisis ng transportasyon sa bansa. Mga karanasang suntok sa buwan ang layo sa ginhawang ipinangako ng ‘Build, Build, Build’ ng rehimeng Duterte.

Alas tres na naman ng madaling araw.

Mayroong galit talaga ang mga diyos-diyosan at naghahari-harian sa mga komyuter gaya ni Tano dahil hindi lamang punuan at siksikan, kundi, makupad pa ang pag-usad ng mga sasakyan ngayon. Mga sasakyang animo’y naghahatid ng patay sa huli nitong hantungan.

“Bakit may sad dahil back to work na? Dapat grateful kasi may work!” wika ng isang burgis na influencer na pinapanood ng katabi ni Tano. Kung sasagutin ni Tano ang tanong na ‘yon, siguro’y aabutin sila ng magdamag dahil sa dami ng dahilan.

Sa ‘di kalayuan, pulutan ng dalawang magkumpare ang untiunting pagsasapribado ng gobyerno sa mga pampublikong sasakyan. Anila’y pasakit lamang pagdating ng Bagong Taon dahil hindi na raw libre ang EDSA Bus Carousel. Kakaunting ginhawa na nga lamang ang naibigay nito sa aming mga komyuter, ipinagkait na naman ng gobyerno. Tiyak na magmamahal pa ang pamasahe dahil ganid ang mga kapitalistang magmamay-ari nito. Napabuntong hininga na lamang si Tano; aabot pa kaya sila sa kanilang destinasyon? Dahil sa bawat minutong nahuhuli sa trabaho, isinusugal nila ang kapakanan nila at ng kanilang mga pamilya.

Ang bawat oras na nawawala ang nagtatakda kung mayroong maihahain ba sa lamesa ang mga tulad nilang mistulang namamalimos ng tamang serbisyo mula sa gobyerno. Sumagi sa isip ni Tano ang batang namalimos sa kanya noon. Wala naman pala silang gaanong pinagkaiba. Parehas silang nananabik sa ambon na biyaya ng mas nakaluluwag sa kanila. Sa kabila ng lumulobong utang ng bansa, silang mga komyuter ay ‘di nakatitikim ng kahit katiting na ambon ng mas maginhawang transportasyon. Sa wakas, alas tres na ng madaling araw.

*Bzzzt bzzzt bzzzt,* tunog na gumising kay Tano. Hudyat ito ng isa na namang araw ng pagpasok. Subalit, hindi siya sa trabaho paroroon, kung hindi sa pagbuwag ng walang tigil na pasakit na dala ng patuloy na nabubulok na sistema. Baon ni Tano ang mulat na kaisipan at lakas ng loob mula sa araw-araw niyang karanasan. Kung saan tutungo si Tano ay iba pang kuwento. ▼

This article is from: