7 minute read

“Diskarte” ngayong Golden Era

THEODORE

NATURAL NA SA MGA PILIPINO ang maging madiskarte, ika nga “kapag maikli ang kumot, matututong mamaluktot.” Sa depinisyon nito, ito ay ang paggawa ng ibang paraan upang makamit ang isang bagay. Mula’t sapul, nasa dugo na ng mga Pilipino ang pagiging madiskarte at pakikibagay sa mga pangyayari sa bansa. Ito ay isang abilidad na nagpapalakas at nagpapataimtim sa ilang mga kababayan lalo na’t sa kasalukuya’y nagsisitaasan na ang mga presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

Advertisement

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo habang ang sahod ay nananatiling mababa, samu’t saring diskarte na ang mga naiisip ng mga Pinoy. Imbis na bumili ng de-kalidad na mga groceries, bumibili na lamang ng mga alternatibo na hindi hamak na mas mababa ang kalidad. Kamakailan ay patuloy na sumirit ang presyo ng mga handa sa noche buena. Sabi ng gobyerno, puwede naman daw hindi magarbo ang handa at PHP500 lamang ang gastusin. Ito ay nagmula sa gobyerno ni Marcos na kilala naman sa pagiging magastos—nakita naman natin kamakailan lamang ang selebrasyon ng kaarawan ni Imelda Marcos sa Malacañan.

Kahit hirap na, diskarte lang ang upang malampasan ang bawat oras na lilipas, marahil sa mga liku-liko at baku-bakong patakaran at pangungurakot ng pamahalaan.

Sabi pa na imbis na ulamin ay pandesal, hotdog at itlog, puwede naman daw na sinangag na may tuyo na lamang, katulad na lamang ng pagiging diskarte ng ilan sa ating mga kababayan noon pa man pagdating sa pagkain. Ika nga ng Department of Trade and Industries (DTI), at least may nakakain ka, may nabibili ka, at nabubuhay ka. Diskarte na naman. Pilipino na naman ang hahanap ng paraan para mabuhay.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng karamihan, ang pagiging madiskarte ay isang paraan para maipasa ang responsibilidad ng gobyerno sa kanyang mamamayan. Pinalalala lamang ng diskarte ang kahirapan at kakulangan sa mga batayang pangangailangan at serbisyo ng mga mamamayang Pilipino. Tila bulag ang ilan sa kahirapang hindi nabibigyang solusyon ng gobyerno, na ang diskarte ay ipinapasa na lamang sa kanyang mamamayan. Kahit hirap na, diskarte lamang upang malampasan ang bawat oras na lilipas, marahil sa mga liku-liko at baku-bakong patakaran at pangungurakot ng pamahalaan. Ngayong nasa pandemya, diskarte pa rin ang bumubuhay sa ilang mga Pilipino, at makikita ang mababang alokasyon ng gobyerno para sa mga proyektong ikauunlad ng mamamayan. Hanggang kailan magiging madiskarte ang Pilipino? Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, diskarte pa rin ba ang aasahan? Ang taumbayan pa rin ba ang siyang magkukulang kung hindi siya magiging madiskarte? Marahil panahon na upang mas bigyang pansin ang mga pangangailangang dapat na makamit ng taumbayan. Ngunit, tunay naman talagang maabilidad ang mga Pilipino sa paghahanap ng paraan sa maraming pagkakataon. Subalit kung ito ay manggagaling sa isang pabayang gobyerno na siyang dapat umaalalay sa taumbayan, ibang usapan na iyan. Gaano kalakas na pagkalam ng sikmura ba ang kailangan ng gobyerno upang marinig ang sambayanang nagugutom? Hanggang kailan magpapakasasa sa limpak-limpak na pera ang mga politiko na inihalal ng taumbayan? Hanggang kailan magtitiis ang masang api sa kahirapan? Hindi kailanman malulutas ng diskarte ang lumalalang kahirapan sa bansa. Panahon na upang kalampagin ang gobyerno na patuloy na nagpapasarap sa pera ng taumbayan upang pondohan ang kani-kanilang mga luho.▼

NAPAG-IWANAN

Sakit ng Lipunan, Sakit sa Kalusugan

layong pag-aralan ang sakit ng lipunan. Ito ay sapagkat lagi’t laging napagiiwanan ang mga estudyante ng DSS sa mga polisiyang ipinatutupad sapagkat laganap ang baluktot na kaisipan na maaaring online na lamang muna ang departamento dahil wala naman itong laboratory classes katulad ng health disciplines. “Flexible learning,” giit nga ng administrasyon.

kinakaharap ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng harapang diskurso, mas mapayayabong nila ang antas ng kaalaman ng isa’t isa hanggang sa pagbuo ng kritikal na solusyon sa mga isyung ito.

HAMON SA ADMINISTRASYON

ANG HEALTH DISCIPLINES ng UP Manila (UPM) ang mga unang programa sa UP System na nagkaroon ng limited face-to-face classes simula noong 2021, alinsunod sa pangangailangang medikal ng bansa dulot ng rumaragasang pandemya. Samantala, huli nang nabigyan ng pagkakataon na magbalik silid-aralan ang mga programa ng Department of Social Sciences (DSS). Manipestasyon ang ganitong klaseng kalakaran sa makitid na pananaw na hindi magkaugnay ang dalawang pang-akademikong disiplina sa paglutas ng suliraning pangkalusugan sa bansa.

HINDI PATAS NA PAGTINGIN

Lumang tugtugin na ang mababang pagtingin sa social sciences at humanities programs sa bansa. Nandiyan ang kawalan ng mga oportunidad kagaya ng scholarship grants bilang isang malinaw na indikasyon na wala ito sa prayoridad ng estado. E, bakit nga naman? Hindi ito ang “in-demand” na karera sa pandaigdigang merkado. Ano ba naman ang silbi ng pag- uugat sa sakit at suliranin ng lipunan kumpara sa salaping naipapasok ng health professionals na ikinakalakal ng gobyerno habang nagdurusa ang sariling bayan sa problema ng brain drain?

Bilang isang mag-aaral ng Political Science sa UPM, ang tinaguriang “Health Sciences Center” ng Pilipinas, sa gitna ng pandemya, mas naging hayag sa akin ang hindi patas na pagtingin sa mga programang

TEORYA AT PRAKTIKA

Subalit ang hindi lubos na napagtutuunan ng pansin sa pamimilit na yakapin ng mga mag-aaral ang flexible learning ay ang unti-unting pagkitil sa kaluluwa ng agham panlipunan na nakasandal sa teorya at praktika. Walang saysay ang malalim na teoretikal na kaalaman ng mga mag-aaral kung hindi ito nakalapat o angkop sa materyal na kondisyon ng masang Pilipino.

Sa katunayan, mapanganib ang ganitong klaseng patakaran. Kung walang praktika, magiging pabrika lamang ang pamantasan ng mga reaksiyonaryong intelligentsia na hindi marunong bumaba sa kanayunan at komportable lamang na nakaupo sa kanilang toreng garing. Taliwas ito sa gampanin at ipinaglalaban ng UP.

Bukod pa rito, napakahalaga para sa mga estudyante ng DSS ang face-to-face learning dahil dito lubos na natatasa ang kanilang abilidad na suriin ang iba’t ibang isyung

Bilang health sciences center ng Pilipinas, hamon ko sa UPM na gamitin ang posisyon nito upang maipamulat na ang kabulukan sa sistemang pangkalusugan ay sintomas ng sakit ng lipunan. Maraming mga Pilipino ang namamatay nang hindi nakatatanggap ng serbisyong medikal sapagkat hindi itinuturing ng pamahalaan na karapatan ang kalusugan. Nagkukulang sa medikal na personel ang bansa sa kabila ng pagiging eksporter nito ng mga nars dahil mababa ang sahod and benepisyo na kanilang natatamasa sa sarili nilang bayan.

Magagawa lamang ang hamon kung pantay-pantay ang turing at pagpapahalaga ng administrasyon sa bawat programa ng pamantasan at kasangga ito sa paglaban sa neoliberalisasyon ng UP. Ang edukasyon ay karapatan. Hindi dapat na pinagbabangga ang health sciences sa social sciences at humanities programs dahil magkasapakat ang dalawang disiplina na ito sa pagpapabuti ng kalagayan ng mamamayang Pilipino.▼

...sa gitna ng pandemya, mas naging hayag sa akin ang hindi patas na pagtingin sa mga programang layong pag-aralan ang sakit ng lipunan. Ito ay sapagkat lagi’t laging napag-iiwanan ang mga estudyante ng DSS sa mga polisiyang ipanapatupad sapagkat laganap ang baluktot na kaisipan na maaaring online na lamang muna ang departamento...

Kilusan

Pagpupunyagi sa ika-54

JOHN REY AMESTOSO CHIA REVINA

LAGI’T LAGING TUMATAMBAD sa mga balita ang ‘di umano’y mga rebeldeng sumuko at kumalas mula sa hanay ng Communist Party of the Philippines (CPP). Madalas inihaharap ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga surrenderee sa midya nang nakapulupot ang ulo ng itim na tela habang namamanata bilang tanda ng kanilang pag-aklas sa Partido.

Lumang tugtugin na ang naratibong ito pagka’t taon-taon pinaparada ng rehimen ang mga fake surrenderees upang paniwalain ang mga Pilipino na maraming umaaklas sa Partido na nangangahulugang paghina ng kilusan, ngunit ito ay isang malaking kabalintunaan.

Matatandaan na naglabas ang militar ng ritrato ng mga rebeldeng sumuko noong Disyembre 2019 sa kasagsagan ng ika-51 anibersaryo ng CPP na mabilis namang umani ng batikos dahil photoshopped ang ritratong ibinigay ng AFP sa midya. Dagdag pa rito, iniulat ng Paghimutad Negros noong nakaraang taon na pinagbantaan ang mga magsasaka mula sa Cauayan, Negros ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army. Pauna ng mga militar ay livelihood support ito mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ngunit pagdating sa pinagdausan, sila ay pinarada bilang mga NPA surrenderees.

Kung bakit patuloy na gan’tong taktika ang pinalilitaw ng militar ay dahil sa kalakip na salaping galing sa kaban ng taumbayan.

Madaling dungisan at magbato ng mga paratang ang mga militar laban sa pulang mandirigma dahil ang reaksyunaryong gobyerno ay may monopolyo ng daluyan ng impormasyon. Ngunit sa kabilang banda, hindi nakapagtataka kung bakit umabot sa 54 taon ang Partido at patuloy pa rin itong ‘di matalo-talo.

Sa bawat napasusukong rebelde, nakatatanggap ito ng mahigit kumulang Php 10,000 bilang gantimpala. Dagdag pa rito ang natatanggap na ganansya ng mga miyembro ng AFP sa kanilang napasusukong rebelde na kadalasan ay inosenteng mamamayan lamang. Ang sapilitang pagpapasuko sa fake surrenderees ay nangangahulugang mas maraming salaping makukurakot ang militar imbes na ilaan ito sa serbisyong panlipunan. Magkakasalungat din ang estadistika na inilalabas ng AFP sa naturang numero ng puwersang gerilya sa mga nagdaang taon. Noong 2018, binanggit ng AFP na tatlong libo na lamang ang mga miyembro ng NPA ngunit datos din ng gobyerno ang nagpawalang-bisa sa inilabas ng AFP pagkat 17,000 na miyembro ng NPA ang sumuko ayon sa kanilang nakalap.

Ang ganitong baluktot na naratibo ay sumasalamin kung paano nilulutas ng mga namumuno ang matagal nang problema ng kahirapan sa bansa. Madalas idinadaan sa bandaid solution na ‘di kailanman kayang ugatin ang sanhi ng pagdami ng mga umaanib sa pwersang gerilya.

Halos lahat ng rehimeng nagdaan ay nangakong bubuwagin ang kilusan. Maraming nagsabing bilang na lamang ang mga pulang mandirigma kung kaya’t tuluyang mauubos ito sa pagtatapos ng kanilang termino, subalit ano mang paghihigpit ng sinturon at pagpapatupad ng counterinsurgency programs patuloy pa rin silang nagpupunyagi sa loob ng limang dekada.

Marahil ang mga pulang mandirigma sa katunayan ay kabaliktaran kung paano sila ipinakikilala sa taumbayan ng mga militar. Puspusang nakikibaka laban sa reaksiyonaryong AFP ang mga NPA upang paglingkuran ang sambayanan. Sa mga kasuluk-sulukang bahagi ng bansa, sila ang umaagapay sa mga masang tuluyan nang kinalimutang paglingkuran ng estado. Dahil sa presensya ng hukbong bayan, mayroong mga iilang lupang sakahan na ang napasailalim sa tunay na reporma at marami ring mga naisalbang potensyal na minahan na makasisira sa kalikasan kung saan nakatira ang mga katutubo. Madaling dungisan at magbato ng mga paratang ang mga militar laban sa pulang mandirigma dahil ang reaksiyonaryong gobyerno ay mayroong monopolyo ng daluyan ng impormasyon. Ngunit sa kabilang banda, hindi nakapagtataka kung bakit umabot sa 54 taon ang Partido at patuloy pa rin itong ‘di matalo-talo. Pagkat buo ang loob at kaisa ng mga pulang mandirigma ang layunin ng malawak na hanay ng masang Pilipino, ang mapalaya ang bayan sa tanikala ng mga mapagsamantala.

Kung kaya’t kahit maraming administrasyon na ang nagdaan, bagaman maraming nasawi sa hanay ng hukbong bayan, patuloy pa rin itong nagpupunyagi. Sapagkat hangga’t walang katarungang panlipunan sa bayan, patuloy na dadanak ang mga rebolusyonaryo hanggang makamit ang tagumpay.▼

This article is from: