2 | DAPIT-HAPON
S A PAG LU B O G NG ARAW, PAYA PA A N G LALAMBING. Sa Paglubog ng Araw MERIC B. MARA
DAPIT-HAPON | 3
Dether Marco Marinda at Tyrone Jasper Piad
4 | DAPIT-HAPON
ISINUSULONG ang active citizenry sa Pamantasang De La Salle (DLSU) sa pangunguna ng iba’t ibang sektor ng pamayanang Lasalyano gaya ng University Student Government (USG) at mga partidong politikal. Inilulunsad ang mga programang makapagpapaigting sa pakikiisa ng mga Lasalyano sa mga pangunahing isyung pang-kampus at panlipunan upang maisabuhay ito. Ipinakikita ng USG ang pakikibahagi nito sa mga napapanahong isyu sa pamamagitan ng paglalabas ng pahayag patungkol dito sa tulong ng National Affairs Committee ng DLSU. Bilang paghahanda para sa National Elections 2016, matatandaang nagsagawa rin noong nakaraang taon ng pagpaparehistro para sa mga nais maging botante. Ani Carlo Inocencio, pangulo ng USG, muling itong ilulunsad sa Marso upang mas maraming Lasalyano ang makabahagi sa darating na eleksyon. Kabilang pa rito ang programa ng Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) kung saan isinusulong ang youth empowerment. Itinataguyod din ito ng Alyansang Tapat sa Lasalista (Tapat) sa pamamagitan ng paglalabas ng manifesto patungkol sa mga isyung panlipunan. Sa kabi-kabilang programang inilulunsad para rito, ano nga ba ang implikasyon at kahalagahan ng pagsasabuhay ng active citizenry sa isang pamantasan? Paano ito sumasalamin sa kulturang isinasabuhay ng mga mag-aaral? Kahalagahan ng pakikibahagi
Ipinaliwanag ni Victor Manhit, Political Science Department, na hinuhulma ng Pamantasan ang mga mag-aaral upang aktibong makilahok sa mga napapanahong isyu sa loob at labas ng kampus. “Ang La Salle kasi it’s a venue where a young people congregate,” pagbabahagi ni Manhit. Kaugnay nito, naniniwala siyang sumasalamin sa magiging partisipasyon ng mga Lasalyano sa
labas ng Pamantasan ang kasalukuyang antas ng active citizenship sa loob ng kampus. Aniya, mahalaga ang kontribusyon ng bawat mag-aaral sapagkat ito ang bumubuo sa pampulitikal na kalagayan sa Pamantasan. “Ang active citizenry is you help shape you influence public policies,” paglalahaad ni Manhit. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikibahagi ng mga Lasalyano sa pagsasaayos ng sistema ng pamamalakad ng isang pamahalaan. “[Kapag] wala tayong active citizenry, we allow the political leaders to do what they want,” paliwanag niya. “Ang political parties sana should not simply see themselves as simply vehicles for student leaders to get elected [dahil] nakikita lang natin sila tuwing elections,” komento ni Manhit sa mga partidong politikal sa DLSU.
sa Pamantasan upang hindi tuluyang mapaigting ang active citizenry. Pahayag niya, “Nagkaroon ng pagbabago ng kultura dulot ng pagpapalit ng henerasyon sa mga nakalipas na taon.” Para naman kay Manhit, hindi kakikitaan ng kultura ng active citizenry ang mga Lasalyano. Aniya, isinasabuhay lamang ito ng mga mag-aaral sa mga pagkakataong mayroong mainit na usapin. “[Kapag] nagiging national issue [ang isang balita] tsaka tayo nagagalit,” aniya. Sa kabila ng pagpapahalaga ng ibang mga Lasalyano sa active citizenry, hindi pa rin maiiwasang mayroong ibang hindi nakibabahagi para maisulong ito. Pahayag ni Ramos, “Ito siguro ay dahil mayroon silang ibang mga layunin o gusto sa buhay kaya sila ay hindi nagiging aktibo.” Dagdag ni Inocencio, maituturing na mababaw na rason lamang ang naturang sitwasyon at hindi dapat ito humadlang sa pakikibahagi ng mga mag-aaral.
Kalagayan ng active citizenry sa dlsu
Naniniwala si Pam Ramos, pangulo ng Santugon, na patuloy pa ring isinasabuhay ng pamayanang Lasalyano ang kultura ng active citizenry. “Napapansin ko na ito ay dahil sa mga maraming opportunindad na binibigay ng [iba’t ibang] organisasyon [sa DLSU],” dagdag pa niya. Ipinahayag pa ni Ramos na ang adhikaing makapag-alay ng kontribusyon sa Pamantasan ang nagtutulak sa mga Lasalyano na patuloy na isabuhay ito. Bunsod nito, aniya, nabibigyan din ng pagkakataong malinang ang kakayahan ng mga magaaral na maglaan ng serbisyo para sa Pamantasan. Sa kabilang banda, isinaad ni Robbie Arcadio, pangulo ng Tapat, na mapapansing mas aktibo noon ang mga Lasalyano pagdating sa mga usaping pangkampus at panlinpunan. “Ang Lasalyano ay mas aktibo noon sapagkat sila’y nahaharap sa mga mas mabigat na problema sa labas ng pamantasan,” paliwanag pa niya. Bukod dito, nakikita ring dahilan ni Arcadio ang pagkakakaiba-iba ng kultura ng mga mag-aaral
Tungo sa mas pinaigting na pakikiisa
Ayon kay Inocencio, hindi nagkukulang ang DLSU upang tulungang paigtingin ang active citizenry ng mga Lasalyano. “If there is one thing na maganda sa Pamantasang ito ay hindi lamang tayo hinuhubog sa ating chosen career ngunit hinuhubog din para maging holistic,” pahayag niya. Ipinaliwanag naman ni Arcadio na ang pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon ng active citizenry ang solusyon upang mapunan ang maaaring pagkukulang dito. Ibinahagi ni Ramos na patuloy na magsasagawa ng hakbangin ang kanilang partido upang maisabuhay ang active citizenry sa DLSU. “Kami ay gagawa ng mga proyekto at programang mahihikayat sila at patuloy silang aalagaan dahil sila ay ang haligi ng aming organisasyon,” aniya. Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Manhit na tungkulin ng bawat isang manindigan bilang isang mamamayan ng bansa patungkol sa mga napapanahong isyu.
DAPIT-HAPON | 5
Puno ng pananabik si Kokoy nang makarating na siya sa kanyang destinasyon—Maynila. Bitbit ang kanyang dalawang bagahe, bumaba siya ng bus na kanyang lulan upang masilayan ang buong paligid. Binalot ng mga matatayog na gusali ang paningin ni Kokoy at bumakas ang ngiti sa kanyang mukha. Naglakad-lakad siya upang patuloy na magmasid sa lungsod—hawak-kamay na naglalakad ang mga pamilya, pumaparada ang magagarbong sasakyan sa kalsada, mabilis na naglalakad sa kanilang patutunguhan ang mga tao. Umupo siya sa isang bangko sa Luneta upang magpahinga mula sa kanyang paglalakad. Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang tama ang kanyang naging desisyong lumipat sa lungsod. Sumibol ang panibagong pag-asa sa kanyang buhay, isang bagong simula para sa kanyang paglalakbay. Dulot ng pagnanais na makakamit ng magandang buhay ang pagpunta niya sa Maynila. Isa lamang si Kokoy sa ilang kapatid nating katutubo na sumasailalim sa nabanggit na karanasan. Sa kabila ng paghihirap na maaaring kaharapin bunsod ng pagpunta sa Maynila, bakit patuloy pa ring lumolobo ang bilang ng mga taong lumilipat sa lungsod? Ano ang implikasyon nito sa pagsasabuhay niya ng kanyang kultura? Pagbubukas ng bagong kabanata
Isa sa mga nakikitang rason ng paglipat ng mga tao sa Maynila ang paghahanap ng mas maginhawang pamumuhay. Ito ang nagtutulak sa kanila upang makipagsapalaran sa magulong siyudad at iwanan ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Sa kabila ng nabanggit na katotohanan, ito nga lang ba ang dahilan bakit iniiwan ng indigenous people ang kanilang lupain? Ipinaliwanag ni Yellowbelle Duaqui, sociologist, na hindi lamang ito ang natatanging dahilan ng kanlang hangaring lumipat sa siyudad. “Alam mo dahil sa [privatization] at sa malawakang modernisasyon ng mga lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa kanayunan nagiging biktima itong mga ating [indigenous people] ng land conversion,” aniya. Bunsod nito, nawawalan ng lupaing maaaring 6 | DAPIT-HAPON
matirahan ang mga indigenous people, dahilan upang maghanap sila ng malilipatang lugar. Pagbabahagi ni Duaqui, “Nandito sila sa city para maghanap ng alternative living o kaya disposess sila sa mga kalupaang minana pa nila sa kanilang mga ninuno.” Isinaad pa niya ang iba’t ibang epektong hatid ng paglipat ng mga indigenous people sa siyudad. “Social mobility, access sa social welfare that’s one. Yung mga iniwang lugar, nagkakaroon ng depopulasyon,” pagbibigay niya ng halimbawa. Bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga tao sa isang lugar, maaari ring hindi mapangalagaan nang mabuti ang mga lupaing iniwan. Bukod dito, sinabi pa niyang maaaring maging ugat ito ng korupsyon sa lipunan. “Kung nagtake over ang isang korporasyon in running and managing a particular territory you are at the mercy of the kind of management and governance that corporation will hold towards that piece of land,” patunay niya. Pagmamahal sa sariling kultura
Pinatunayan ni Duaqui na maraming dahilan ang mga IP sa kanilang desisyong makipagsapalaran sa Maynila. Gayunpaman, sa pagbabahagi ni *Martin sa APP, isang Tausug, inihayag niyang paghahangad na magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang dahilan ng paglipat niya sa Maynila. Aniya, mas maraming oportunidad ang Maynila pagdating sa edukasyon. “Hindi naman kasi masyadong maganda yung kalidad ng pagaaral sa probinsya namin,” paliwanag pa niya. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa ilalim ng kursong Accountancy. Lumipat siya sa Maynila noong nasa hayskul pa lamang siya upang mag-aaral sa Claret School of Quezon City. Sa paglipat niya sa Maynila, humarap siya sa maraming pagsubok na nakatulong sa kanya upang mas maging matatag habang naninirahan siya rito. Ipinahayag niyang nahirapan siyang makisalamuha sa ibang tao sapagkat mahiyain siya. Nakaranas din siya ng culture shock sapagkat ibang-iba ang kulturang kanyang isinasabuhay. “Mas liberated ang mga tao sa Maynila kumpara sa amin,”
ani *Martin. Ikinatuwa naman niyang hindi naging hadlang ang pagkakaiba ng kanyang kultura upang magkaroon siya ng kaibagan. “Itinuturing ko ng ikalawang tahanan ang Maynila sapagkat nandito na ang bago kong friends,” pagbabahagi niya. Kasama ng mga bitbit na bagahe ni *Martin ang kanyang kulturang kinagisnan nang pumunta siya sa Maynila. Isinasabuhay niya ang mga paniniwalang pinanghahawakan ng relihiyong Islam. Kaugnay nito, nagsasagawa ng limang pananalangin si *Martin araw-araw upang matugonan ang isa sa mga utos na ipinatutupad dito. Bukod dito, mayroon ding isang uri ng pagsasayaw ang kinagigiliwan ng mga tao sa Sulu— Pangalay. “Noong bata pa ako, nagpa-participate ako rito dahil masaya talaga itong sayawin,” pagbabahagi niya. Itinatampok sa Pangalay ang makukulay na suotin at masisiglang musika kung saan kasabay na umiindayog ang mga mananayaw. Ibinahagi pa niya ang mga masasayang alaala ng kanyang pagkabata. Aniya, madalas siyang makisali sa iba’t ibang laro sa kalsada tulad ng patintero at tumbang-preso. Masaya pa niyang isinalaysay na isa ito sa mga pagkakataong hindi niya malilimutan kailanman. Matapos ang ilang taong paninirahan sa Maynila, napagpasyahan na ni *Martin na sa siyudad na tuluyang manirahan. Nahirapan man siyang sumabay sa agos ng pamumuhay sa Kamaynilaan, hindi ito naging hadlang sa kanyang maliwanag at matayog na pangarap tulad ng nagtataasan at nagkikinangang gusali. Sa kabila nito, patuloy pa rin niyang panghahawakan ang kinagisnang pamumuhay at kultura. “Ito (kultura) ang identidad ko bilang isang [mamamayan] ng Sulu kaya patuloy ko itong [isasabuhay].” Kahit na lumipat sa Maynila si *Martin, tinitiyak pa rin niyang patuloy na isinasabuhay ang mga kulturang kinagisnan niya sa Sulu. Sa katunayan, tuwing umuuwi siya rito, nanunuod siya ng Pangalay upang mapaalala sa kanya ang uri ng pamumuhay sa probinsya. Ipinaliwanag ni Duaqui na mahalagang napananatili ng mga indigenous people ang kanilang kultura upang mapangalagaan ang kanilang identidad. “Hindi naman ibig sabihin sa
Michael Owen Lombos at Tyrone Jasper Piad
globalisasyon ay mawawala o dapat tanggalin na ang kultura ng IP ito nga ang nilalabanan ng mga social scientists sa globalisasyon,” aniya. Isinaad niyang ang pagkakaroon ng malalim na pagkakilanlan sa sariling kultura ang susi upang makisabay ang mga tao sa globalisasyon. “Ang iba nga they capitalized on local traditions eh, ‘di ba they use it for tourism so that they can invite the others to witness the local, to see the local,” pagpapatunay ni Duaqui. Sa panahon ngayon, matalinong desisyong matatawag ang pagsabay sa globalisasyon. Tulad ng sinabi ni Duaqui,“Kung magaling ka, kung kilala mo ang sarili mo bilang isang lipunan you would work on globalization because this is the
playing field, the arena where you can pursue national development, lahat pwede makinabang sa globalization because it is a two way street.” Binigyang-diin pa ni Duaqui ang epekto ng pagpapanatili ng kultura sa ikinabubuhay ng mga tao. “When you lose culture this could lead to poverty. Ganun ka konektado ang economic at cultural,” paliwanag niya. Kaya naman, mahihinuhang lubos na mahalaga ang papel na ginagampanan ng kultura sa ikauunlad ng bansa. Nagpadala sa daluyong ng pagbabago
Tunay ngang hindi madaling bitiwan ang kinagisnang kultura kahit na magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng isang indibidwal
sapagkat isa itong mahalagang salik ng pagkatao. Sakaling mawala ito, maaaring mabura na rin ang pagkakilanlan ng isang pangkat etniko at mabawasan ang kulay ng kultura sa bansa. Napatunayang hindi hadlang ang klase ng lipunang kinabibilangan upang kalimutan ang tradisyong nakagisnan. Ipinaaalalang nagsilbing paraan ito upang malampasan ang mga kaakibat na problema ng mga pagbabago sa ating buhay. Huwag nating limutin ang mga paniniwalang unang ipinakilala sa atin, dahil sa gayong paraan, natututunan nating harapin ang bagong bukas nang may buong paninindigan at lakas.
DAPIT-HAPON | 7
Jessie Angelo Lee at M
Wika – isang mahalagang sangkap ng pagkakakilanlan. Ilang halimbawa nito ang mga Amerikanong gumagamit ng Ingles, mga Pilipinong nagsasalita sa wikang Filipino, at mga Tsinong Mandarin ang ginagamt. Kaakibat ng mga pisikal na katangiang dala ng isang lahi, madaling masasabi kung saang grupo kabilang ang isang tao. Sa kabilang panig, mahirap malaman ang kinabibilangang grupo ng isang tao kung pampisikal na anyo lamang ang pagbabatayan. Madalas binabatay sa wikang ginagamit ng isang tao upang mapagtanto ang tunay na grupomg kinabibilangan nito. Aminin natin, may mga wikang mas nakaaakit gamitin kumpara sa iba kung kaya’t mas pinipili natin ang mga ito. Paano na ‘yong mga naiwang wika? Kung walang gagamit ng isang wika, tuluyan itong mamamatay. Kung saka-sakaling namatay ang isang wika, malaking bahagi ng pagkakakilanlan ng grupo ng tao ang nawawala o namamatay. 8 | DAPIT-HAPON
Pagkamatay ng isang wika ang hudyat ng wakas ng pagkakilanlan ng isang grupo ng mga tao. May ilang wika na ring namatay dito sa Pilipinas at may ilang nanganganib na mawala. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit namamatay ang isang wika? Ano ang nagiging epekto nito sa kultura isang bansa? Pagkamatay at pagkabuhay ng wika
Ayon sa pormal na depinisyon, isang sistema ang wika na gumagamit ng iba’t-ibang mga tunog at simbolo upang maipahayag ang kaisipan. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit kumulang 180 wika sa Pilipinas, nanganganib ang 13 at 10 na mamaalam. Kung bahagi ng kultura ang isang wika, hindi ba’t malaking bagay ang pagkawala ng sampu? Ayon sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Viveca Hernandez, pakultad ng College of Arts and Letters – UP Diliman, maraming dahilan ang umuusbong kung bakit namamatay ang isang wika. “Maraming factors yan: mass media,
prestige, education, konsepto ng tao sa kung ano ang mas prestigious na wika,” pagbabahagi niya. Mas pipiliin umano ng ilang taong gamitin ang mga wikang tunog matalino kumpara sa kani-kanilang wika. Kung magpapatuloy ito, maaaring mamatay ng tuluyan ang isang wika. Ayon sa ibinigay na halimbawa ni Yellowbelle Duaqui – pakultad mula sa department of Behavioral Sceinces, napipilitang makibagay ng ilang mga Pilipinong laki sa bukid at kalimutan ang wikang kinagisnan para lamang kumita. “Halimbawa yung mga Aetas na nadisplace sa Manila na namamalimos, sa mga Badjao na nangingisda,” pagbibigay niya ng mga halimbawa. Nagiging dahilan ang kahirapan upang ikompromiso ng ilang indigenous people ang kanilang kultura para lamang kumita ng pera. Sa mga wikang namatay, wala pang konkretong solusyon upang muling buhayin ang wikang kinalimutan na ng halos lahat. Ayon kay Hernandez,
Michael Owen Lombos
kung wala ng nagsasalita ng isang wika, imposible na itong buhayin muli. Pagpapayaman ng wika
Sa panayam ng APP kay Hernandez, isinaad niyang maaaring kultura ang naaapektuhan bunsod ng pagkamatay ng wika subalit hindi natin ito maaaring pigilan. “We cannot hinder the change because if we do, then the language will still die,” pagbabahagi ni Hernandez. Aniya likas na nagbabago at dumarami ang bokabularyo ng isang wika dahil buhay ito. “Filipino will not die but it is possible that the technicalities behind it will change due to its evolution,” ani Hernandez. May ilang wikang namamatay ng tuluyan dahil iilan na lamang ang gumagamit nito. Ibinigay ni Hernandez na halimbawa ang Latin. “We still use Latin in medical terminologies, in law and taxation but it is classified as a dead language,” aniya. Tinaguriang patay na wika ang Latino sapagkat
hindi na ito nagbabago. Wala ng gumagamit ng naturang wika sa pangaraw-araw na pakikipagusap kung kaya’t hindi na ito napapayaman. Sinalungat naman ni Duaqui ang ideya ni Hernandez patungkol sa pagkamatay ng mga wika. Aniya importante ang wika sapagkat isa itong repositoryo ng kultura. “[Ang] pagkawala ng wika ay isang simbolo na namamatay na ang kultura,” pagbabahagi ni. Hindi umano tamang isawalambahala ang ibang wika sa kadahilanang napapalitan naman ito ng iba. Marahil napapayaman natin ang ibang wika at maaaring nakabubuo tayo ng bagong wika, subalit hindi natin matatabunan ang katotohanang nawawala ang isang kultura bunsod ng pagkamatay ng wika. Hahayaan na lang ba natin?
Sa huli, bihasa man tayo sa iba’t ibang wika, babalik at babalik tayo sa ating wikang kinagisnan. Maaaring sa panlabas na pakikipagsalamuha,
banyagang wika ang gamit natin pero kung mag-isa at taimtim na nag-iisip, Filipino ang ating ginagamit. Sapat na ito upang angkinin natin ang titulong Pinoy ako. May mga wikang namamatay bunsod ng hindi pagyaman. Lumiliit ang bilang ng mga gumagamit ng wika kung kaya namamatay ito. Marahil malaking bahagi ito ng ating kultura subalit tuwing may wikang namamatay, may mga panibagong terminong umuusbong sa iba’t ibang wika o posible, magkaroon ng panibagong wika. Sa kadahilanang nabanggit, hindi natin ipinagluluksa ang pitong wikang namatay. Hindi natin pipigilan ang pagbabago ng ating wikang kinagisnan sapagkat isang paraan ito upang pagyamanin pa ang ating kultura. Kung pipilitin nating maging “sariwa” ang kulturang pinoy, maaaring matagal nang naglaho ang wikang Filipino. DAPIT-HAPON | 9
10 | DAPIT-HAPON
Celina Bianca de Chavez at Maria Estela Luz Paiso DAPIT-HAPON | 11
Bilang isang bansa, tila tumitigil ang mundo sa pagkakataong may isang malaking labang magaganap sa isports. Sa oras na malaman ng mga Pilipinong may nagwagi at nagkamit ng parangal, maituturing na isang pangangailangang ipagdiwang ang panalong ito na nakamtan. Kaya naman, nararapat lamang na bigyangpapuri ang mga atletang ito na walang ibang hinangad upang makapagbigay ng karangalan sa bansa, at ipamalas ang kanilang angking galing sa buong mundo. Gayunpaman, hindi maiiwasang tanungin ang sitwasyon na noong 1996 pa ang huling medalyang natamo ng Pilipinas sa Olympic games. Naiuwi ni Onyok Velasco ang pilak mula Atlanta. Sa mga nagdaan na 20 Olympic games, 9 lamang ang nakuhang medalya ng Pilipinas—kung saan pito ang tanso at dalawa ang pilak. Kamakailan lamang, narinig din ng madla ang hinaing ng ina ni
Michael Martinez ukol sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa mga atletang kinatawan ng bansa sa international olympic games. Ano na nga ba ang tunay na kalagayan ng Philippine Sports, partikular na sa pangangalaga ng mga atleta sa bansa? Kalagayan ng mga atleta
Sa tuwing may kompetisyon, kinakailangan lamang na paghandaan ito ng mga atleta sa pamamagitan ng mga pagsasanay. Masasabing hindi rin basta-basta ang preparasyon, dahil dapat pang magkaroon ng opisyal na trainer, at kagamitan ang mga atleta. Nakapataw sa pamahalaan ang obligasyong tiyaking makatatanggap ng ganitong benepisyo ang mga atleta bilang kinatawan ng bansa. Gayunpaman, makikita ang epekto ng unti-unting pagbaba ng alokasyon at suporta ng
pamahalaan para sa mga Pilipinong atleta kung mabusising pagmamasdan ang patuloy na pagkaunti ng medalyang nasungkit ng mga Pilipino sa mga nagdaang pandaigdigang kompetisyon. Higit pang sumikip ang sinturon ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa kawalan ng itinakdang remitans sa halagang 40 Million piso na inaasahan mula sa Philippine Sweepstakes Office (CSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Bunsod nito, nanatiling kulang ang benepisyong natatanggap ng mga atleta upang mapagtuunan ang kanilang pagsasanay. Isa ang Track and Field Philippine team sa mga naapektuhan ng kakulangan sa tamang lugar na pagsasanayan. Ilang ulit nailipat ang kanilang training venue dahil inuna ng PSC ang pagsasanay ng Philippine Azkals. Kasabay nito, nabigo rin ang pamahalaan na panatilihing maayos ang diyeta ng bawat atleta. Tuyo at sayote ang karaniwang pang-
Celina Bianca de Chavez at Dether Marco Marinda
12 | DAPIT-HAPON
araw-araw na pagkain ng mga atleta. Kabilang sina Arniel Ferrera at Narcisa Atienza sa mga atleta na nabigong depensahan ang kanilang gintong medalya sa Southeast Asian Games noong 2011. Ibinahagi nila na malaki talaga ang magiging epekto kung mapapaigting ng pamahalaan ang suporta sa programa ng pagsasanay nila. Kaugnay nito, minsan nang humantong sa pagkakataon na nakakaligtaan na ng PSC na humanap ng mga bagong atleta na maaaring isabak sa kompetisyon. Noong 2012, nawala ang korona ng Pilipinas sa Judo SEA Games bunsod ng kawalan ng bagong recruits. Dumulas sa palad ni John Baylon ang panalo matapos niyang kaharapin ang mas bata at mas malakas na atleta mula sa ibang bansa. Kaparehong sitwasyon ang hinarap ni Cecil Mamiit sa Badminton Sea Games. Matapos ang pagwawakas ng kanyang karera bilang atleta, inanunsyo niya na maglillingkod siya sa PSC bilang isa sa coach ng national team. Sa kasamaang palad, mayroong mga pagkakataon kung saan mismong mula sa bulsa ng mga manlalaro nangagaling ang pondo. Ito ang sitwasyong kinaharap ng SEA Games Gold medalists, Philippine Baseball team noong 2012. Sa mga sitwasyong ito, patuloy na kinukwestyon ang papel ng pamahalaan at komisyon sa pagtupad sa kanilang tungkuling paigtingin ang Philippine Sports at magbigay ng suporta sa mga atleta. Tugon ng pamahalaan
Noong 1990, sa ilalim ng President Corazon Aquino, pinasinayaan ng Republic Act No. 6847 ang Philippine Sports Commission upang pangasiwaan ang usapin at larangang isports sa Pilipinas. Layunin ng komisyon na pangalagaan at magbigay ng suporta, pampinansyal man o pagsasanay, sa mga atletang kumakatawan sa bansa tuwing olympic games. Upang mas bigyang-diin pa ang kahalagahan ng olympics sa bansa, binuo rin ang Philippine Olympic Committee (POC) upang mabigyan ng suporta ang mga Pilipinong atleta. Dagdag pa rito, isinaayos din ang “godfather” project upang bigyan ng pagkakataon ang ilang opisyal mula sa mga pribadong kompanya upang mag-sponsor ng atletang kanilang pipiliin. Inaprubahan na rin ng pamahalaan ang
malawakang renoboasyon sa Rizal Memorial Sports Complex. Inaasahang mapapaganda ng proyekto ang mga imprastraktura na tutulong sa pagpapatibay ng training program ng mga atleta. Napabilang din ang pondo na matatanggap ng PSC sa iminungkahing kabuuang halaga ng 2015 national budget. Inaasahan mula rito na mas mabibigyan ng suporta ang mga atleta. Gagamitin ang halagang ito sa pagpapamahagi ng buwanang allowance at pagdadagdag ng mga kagamitan sa pagsasanay. Mula rito, inaasahan ng mga atleta na kaakbay nila ang pamahalaan sa pagbibigay karangalan sa bansa upang maibalik ang dating sigla ng Pilipinas sa Olympic games. Gayunpaman, bakit hindi pa rin nakikita ang renobasyong ipinangako sa PSC tungo sa mas maayos na pagsasanay ng mga atleta? Sa pagpapatupad din ng “Adopt-an-athlete” program, tila inamin na rin ng PSC na kinakailangan pang humingi ng tulong mula sa mga pribadong institusyon upang mabigyang-suporta ang mga atleta. Hindi ba tungkulin ng PSC at POC ang tiyaking mula mismo sa kanila ang kinakailangang tulong ng mga atleta? Ayon sa nakasaad sa RA 6847 Section 7, isa sa mga tungkulin ng PSC ang pagpapanatili ng “fully equipped sports facilities” para sa “major international competitions.” Sa isang pahayag ni Sen. Sonny Angara, kulang ang P750 Million na taunang badyet ng PSC upang suportahan ang mga atleta at panatilihin ang magandang sports facilities para sa kanila. Dagdag pa niya, kumpara sa mga bansang Thailand na mayroong P13 Billion para sa pundasyon ng isports sa bansa, masasabi ngang hindi sapat ang badyet na binibigay ng pamahalaan sa PSC. Dahil dito, nagsampa naman ng bill sina Sen Bam Aquino at Angara upang dagdagan ng P2 Billion ang pagsasagawa ng mas maayos na sports facilities para sa mga atleta. Gayunpaman, hindi pa rin nito naisasailalim ang suportang pampinansyal para sa ibang atletang nangangailangang tugunan ang gastusin sa patimpalak sa ibang bansa. Isinasaad lamang na mayroong nararapat na bigyang-halaga ang pangangailangan ng bawat
sektor ng bansa. Dahil nakasaad na sa batas ang obligasyong pangalagaan ang Philippine Sports, inaasahang ipatupad ito sa paraang mararamdaman ng bawat atleta ang suporta sa kanila ng pamahalaan. Bagong umaga para sa mga atleta
SUPORTA – ito ang daing ng bawat atletang hindi nabibigyan ng prayoridad ng pamahalaan sa kanilang paglalakbay sa daan ng tagumpay sa tuwing mayroong pandaigdigang kompetisyon. Hindi maikakailang ilang atleta na rin ang lumapit sa midya upang ipamahagi ang impormasyong hirap sila sa pagkuha ng badyet para sa mga sinasalihang kompetisyon. Bunsod nito, imbes na mas umangat ang mga Pilipino sa Olympics, naging dahilan pa ito upang panghinaan sila ng loob dahil hindi naman nila nararamdaman ang presensya ng pamahalaang dapat na nakaalalay sa kanila. Panahon na upang gisingin ang pamahalaan upang pakinggan ang mga daing na ito, at tuparin nang tunay at kumpleto ang pangangailangan ng mga mahahalagang taong layuning hindi lamang tuparin ang kanilang pangarap, kung hindi, itaguyod at buuin din ang pagkakakilanlan ng bansa. Ano na nga bang naghihintay sa Philippine Sports? Hangga’t walang pagbabago sa sistema ng pagbibigay-suporta at halaga sa mga atletang Pilipino, sino’ng nakaaalam, at baka isang araw, sila na mismo ang sumuko sa bayang hindi lumaban para sa kanila. Sanggunian http://iskwiki.upd.edu.ph/flipbook/ viewer/?fb=2010-52754-Complati#page-1 http://sports.inquirer.net/31135/anatomy-ofa-debacle http://www.philstar.com/sports/750824/ poor-nutrition-training-venue-blamed-athleticsdebacle http://www.pinoyheadline.com/2014/10/06/ team-philippines-off-target-debacle-in-asiangames-2014/ http://www.rappler.com/what-happened-tophilippine-sports-2014/ DAPIT-HAPON | 13
Marami na namang ralyista sa Mendiola. Ibinabandera nilang muli sa kanilang mga plakard ang katagang “patalsikin ang pangulo!” na parang dati lang, may mga sundalong humaharang sa kanila, pilit silang pinaaalis. Kung ayaw nilang sumunod, binobomba sila ng tubig at kung nagkainitan, ginagamitan ng dahas. May mga nasusugatan, mayroong napipilayan at may ilang kailangan dalhin sa ospital. Ito ang nakapanlulumong imahen ng katotohanan sa ating bansa. Sa lahat ng mga pangulong nagdaan, wala na yatang niisang pumasa sa panlasa ng masa. Bunsod nito, walang tigil ang kilos-protesta ng mga Pilipino sa Mendiola. Si Erap na “makamasa”, pinatalsik ng People’s Power 2; hinahabol ng administrayong Aquino si Arroyo na pilit namang tumatakas. Sa kasalukuyan, hindi rin nakaiwas si Aquino sa pambabatikos ng mga Pilipino. Lagi na lang problema’t reklamo, kailan kaya makokontento ang mga anak ng bayan sa kanilang ama? Ngayong patapos na ang termino ni Aquin, marami ang hindi makapaghintay na makababa siya sa pwesto bunsod ng mga kinasangkutan niyang anomalya. May ilan namang nalungkot dahilan ng pananaw nilang malaking pagbabago ang kanyang naidulot sa bansa. Base sa mga nabanggit, ano ang naiambag ni Aquino pagdating sa pagpapaunlad ng ating bansa? Higit pa, ano ang hinaharap ng Pilipinas sa kamay ng susunod na pinuno? Positibo’t negatibong naidulot ng kasalukuyang administrasyon
Matapos ang labing-apat na taong pakikipagsapalaran tungo sa kaunlaran, naisabatas ng administrasyong Aquino ang Reproductive Health Law noong Disyembre 2012. Ginawa nitong legal ang pagbili at paggamit ng contraceptives upang makontrol ang paglaki ng populasyon ng Pilipinas. Sinalungat ito ng simbahan dahil isang akto umano ito ng aborsyon. Sa kabila ng mga banta, matikas na ipinagpatuloy ni Aquino ang pagsulong sa naturang kautusan. Ngayon, nakamit ng Pilipinas ang isang susing tutulong dito upang 14 | DAPIT-HAPON
maisakatuparan ang Millenium Development Goals (MDGs). Kaakibat ng isinagawang RH Law, isinulong din ni Aquino ang K to 12 program upang makasabay ang edukasyon ng Pilipinas sa buong mundo. Sa programang nabanggit, dinagdagan ng senior high school level ang sekondarya kung saan ituturo ang mga kinakailangan sa trabaho. Ayon sa administrasyon, madali ng makahahanap ng trabaho ang mga mag-aaral na sekondarya lamang ang tinapos. Isa rin itong paraan upang paliitan ang bilang ng mga taong nabubuhay sa kahirapan sa bansa. Masasabing dalawa lamang ngunit substansyal ang mga ibinahagi ng ating pangulo sa bansa. Kahit papaano, maaari nating sabihing nasa puso rin niya ang pag-unlad ng Pilipinas. Marami pa siyang nagawang mga proyekto subalit tila nananaig ang mga pagkakamaling naidulot ni Aquino. Ilan sa mga ito ang: Disbursement Acceleration Program (DAP), pagkamatay ni Jennifer Laude at trahedyang nagyari sa Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF). Totoong walang kapatawaran ang ginawa ng kasalukuyang administrasyon sa kaban ng bayan. Sampung bilyong piso ang nawala at napunta lamang sa mga bogus na Non-government officials (NGOs) o sa madaling salita, sa bulsa ng mga taong tulad ni Napoles at ilang mga kasangkot niya. Kahit papaano, nagbayad naman ang mga napatunayang nagkasala subalit hindi na nabalik ang salaping pagmamay-ari ng bayan. Hindi pa nareresolba ang nasabing problema, nagkaroon ng anomalya patungkol sa Visiting Force Agreement (VFA). Pinatay ang isang Pilipinong si Jennifer Laude ng isang sundalong amerikano. Isang hakbang ba ito upang matakpan ang DAP? Hindi tayo maaaring manghusga. Nitong Enero, 44 na miyembro ng SAF ang namatay bunsod ng “maling pag-aakala”. Malaking pagkawala ito para sa mga pamilyang iniwan ng 44 na mga bayani. Simpatya lamang ang hinihingi ng mga asawa’t anak na naulila subalit maski ito, hindi kayang ibigay ng ating pangulo. Ayon sa ating
Jessie An
ngelo Lee
pangulo, patas lang umano sapagkat namatayan din siya ng ama. Base sa mga positibo’t negatibong pangyayaring nailahad, sa tingin ng ilan, sino kaya si Aquino? Sa tingin ng ilan, sino si Aquino?
“Pasado subalit kulang,” ito ang ibinahagi ni Victor Manhit, Political Science Department, sa Ang Pahayagang Plaridel. Ibinahagi niyang hindi lang pasadong marka ang kinakailangan ng isang pangulo kundi higit pa. “Kung ikukumpara sa mga nakalipas na pangulo, halatang umusad ang bansa natin sa ilalim ng pamahalaang Aquino,” pagbabahagi ni Manhit. Malaki ang naging papel ni Aquino pagdating sa kasalukuyang pag-unlad na natatamasa ng ating bansa. Sa kabila ng magandang takbo ng ekonomiya, hindi malinaw ang landas na tatahakin ng Pilipinas matapos bumaba sa trono ni Aquino. “Mainam kung may maliwanag na hinaharap para sa bansang iiwan si Aquino,” pagtatapos ni Manhit. Maliwanag na hinaharap at hindi lamang puro pangkasalukuyang benepisyo ang dapat tinitingnan ng isang pangulong maaaring bigyan ng mataas na marka. Sinuportahan naman ni Jansen Arthur Uy, III AE-LGL, ang ideyang ibinahagi ni Manhit. Sa pagbabahagi niya sa APP, naging malaking bahagi si PNoy sa pagtamasa ng kasalukuyang antas ng ekonomiya ng bansa. “Overall, there has been a large economic development under his administration.” Inilahad din niyang kumpara sa ibang administrasyon, kapansin-pansin ang mga pagbabagong hatid ni Aquino. “I think Aquino was under evaluated since we (Filipinos) are emotional,” pagbabahagi niya. Ayon kay Uy, masyado nating binibigyang-importansya ang emosyon at pinabababayaan ang kababawan ng mga nasabing problema tulad ng pagkamatay ni Jennifer Laude at trahedyang nangyari sa Mamasapano. Sinalungat naman ni Vinz Simon, mag-aaral ng Graduate Studies sa DLSU, ang mga argumento ng dalawang naglahad ng kanilang opinyon. Ayon kay Simon, nangunguna sa pang-aabuso ng kapangyarihan si Aquino. “Si Pnoy [ang] pinaka-
ulo ng naghaharing uri,” aniya. Sinusuportahan umano ng ating pangulo ang pangkapitalistang interes ng mayayaman at mga maimpluwensya at isinasawalang-bahala ang kapakanan ng mahihirap. Dagdag pa rito, wala sa listahan ni Aquino ang pagpapayabong ng dekalidad na edukasyon dahil inuuna niya ang interes ng mayayaman. “‘Di niya sinusulong [ang mga] rights ng masa, [bunsod nito], nilalayo niya ang opportunity na magkaroon ng quality education [ang mga Pilipino],” pagbabahagi ni Simon. Dapit-hapon ng kasalukuyang termino: pasado o bagsak?
Maraming kapintasan ang kasalukuyang termino. Lahat naman ata may sariling kapintasan. Hindi natin maaaring sabihing pinakamalala ang kasalukuyang administrasyon dahil lagi namang pinakamalala sa tingin ng masa ang kasalukuyang humahawak ng Pilipinas. Sa susunod na administrasyon, mayroong magsasabing mas matino pa ang administrasyong Aquino. Malaki ang tiwala natin kay Aquino noon. Tila isa siyang bituing gumagabay patungo sa kaunlaran ng Pilipinas. Nagbago ang lahat sa DAP. Patuloy ang paglagapak ng pangalan ni Aquino bunsod ng trahendyang nangyari kay Jennifer Laude at sa SAF hanggang sa pilit natin siyang pinapababa sa kanyang trono. Marahil ito ang dapit-hapon ng kasalukuyang administrasyon: magtatapos sa isang nakapanlulumong paraan bunsod ng pagbubulagbulagan sa emosyon. Kung pasado o bagsak, depende ito sa tumitingin. Kung emosyon ang mananaig, walang duda bagsak na bagsak si Aquino subalit kung titimbanging maigi ang naidulot niya sa ating bansa, maaari pala siyang pumasa. Ipanalangin nating magdadala ng pag-asa ang paparating na adminsitrasyon. Nawa hindi nito masira ang tiwala ng masa upang hindi ito matulad sa kasalukuyang administrasyon: lugmot sa pambabatikos at sira ang imahen sa taong masa.
DAPIT-HAPON | 15
Habang naglalakad ka sa isang tahimik na kalye sa bahagi ng Cubao X, mapapansin mo ang isang kakaibang tindahan na hindi ka sigurado kung ano nga ba ang inilalako. Nang lumapit ka na, nalaman mong nagbebenta pala sila ng mga lumang plaka. Parang sa pelikula mo na lang nakikita ang mga ganito, sambit mo sa iyong sarili. Napagtanto mo na napakalaki na nga talaga ng pagbabago ng paraan kung paano tayo nakikinig ng musika. Nagsimula tayo sa plaka, na naging CD, at ngayon naman, kahit digital file lang, maaari ka nang makinig sa musika. Sa pagtingin-tingin mo sa mga plakang masinop na inihanay ng pantay-pantay, nakita mo ang pangalang Apo Hiking Society. Naalala mo rito ang galak sa mukha ng lolo mo sa tuwing patutugtugin ang mga kanta ng Apo sa radyo. Paglingon mo sa dulo ng kwarto, naroon ang isang malaking mukha ni Francis Magalona na nakapaskil sa dingding. Siya ang paboritong rapper ng iyong tatay dahil alam mong kabisado niya ang bawat salita sa mabibilis na kanta ni Francis M kahit magkapili-pilipit pa ang kanyang dila. Habang naglalakad patungo sa kabilang parte ng kwarto, nasagi ng iyong paa ang isang lalagyang nag-uumapaw sa lamang mga cassette tape. Pinulot mo ang isang nahulog sa lapag upang ibalik ito sa tamang lagayan at nabasa mo ang pangalan ni Jose Mari Chan. Kinahuhumalingan siya ng iyong nanay at mga tiyahin pati na rin ang kanyang mga kanta. Napansin mo rin ang isang salansanan na punong puno ng mga lumang CD. Bumunot ka ng isa mula sa tumpok na ito at swerte dahil nakuha mo ang CD ng bandang paborito mo, ang Eraserheads. “Lumaki ako sa mga kanta niyo,” natutuwang sinabi mo. Natigil ang iyong pagbalik sa mga memoryang nabaon na sa iyong pag-iisip nang biglang tumunog sa buong tindahan ang kanta ni Sarah Geronimo. Nabanggit sa iyo ng iyong
16 | DAPIT-HAPON
nakababatang kapatid na hilig niya ang sumasayaw sa saliw ng kanyang mga kanta. Halos buong pamilya mo ang iyong naalala sa maikling paglalakbay na iyong tinahak sa loob ng tindahang iyon. Kalakip din nito ang pagkatuklas mong malayo na nga ang narating ng musika natin at isa lang ang tindahang iyon ang nagkaroon ng pagkakataong magbuklod ng iba’t ibang henerasyon ng musikang Pilipino. Musikang Pilipino sa panahon ngayon
Hindi maikakailang malaking pagbabago na ang naganap sa musika nating mga Pilipino. Nagsimula tayo sa Manila Sound na sinundan naman ng Pinoy Rock, Pinoy Rap, at ang kilala natin ngayong OPM Fusion, kung saan pinagsama-sama ang mga henerasyon ng musikang Pinoy sa iisang kategorya. Sa panahon ngayon, maraming pangalan na ang nagsusulputan sa larangan ng musika. Madalas ding sinasabi na nawawala ang esensya ng mga Pilipino dahil sa impluwensyang hatid ng musika galing ibang bansa sa atin. Paano nga ba nasusukat ang galing ng isang obrang musika sa panahon ngayon? Tuluyan na nga bang mamamatay ang tunay na diwa at tatak ng mga Pilipino sa musikang ating likha? Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Rob Sunico, manager ng mga bandang Hilera at Octaves at may-ari rin ng Club Dredd, inihayag niya ang simulang kanyang karera sa industriya ng musika at pati na rin ang impluwensya ng musika ng ibang bansa sa OPM ngayon. Tulad ng maraming musikero, nag-umpisa rin siya ibaba. “Nasa U.P. Ako noon nung nagmanage ako ng isang ska band na pangalan ay Skavengers. 1987 ito,” paglalahad niya. Sa bagong linya ng musikang Pilipino, kapansin pansin ang talamak na impluwensya ng banyagang musika sa estilo ng mga Filipino pop music. “Mas
malaki ang kita ng mga media company sa import [at dahil dito], mas napopromote yung canned music galing abroad,” kanyang pagpapaliwanag. Kaugnay nito, mas madali raw kasing ibenta sa publiko ang mga musikang halos katunog ng mga banyagang musika dahil mas sikat ito sa masa. Kahit patuloy ang pagbago ng mga hilig natin sa musika, hindi maikakailang may mga musiko na patuloy pa ring nagsusulong ng kamalayan bilang isang Pilipino. “Tingnan na lang nyo yung [bandang] Asin. Their songs carried the torch for the masa sa rural areas or yung punk [o pinoy rock] sa urban areas. Music serves as a rallying point, a badge, a sense of community for minorities,” ani Sunico. Dagdag pa niya, “marami pa rin ang nagsasakripisyo para lang makatugtog. Ang daming mga bagong banda na tumutugtog pa rin miski walang kinikita” Saan na nga ba patungo?
Hindi man natin masasabi na iisang diretsong linya ang pagbabago ng mga genre ng musikang Pilipino matitiyak na iisa ang pinagmulan naman ang lahat. Simula sa mga katutubong musika patungo sa mga may liriko na mga kanta hanggang sa nagkaroon ng mga sanga ang linya. Nagkakaroon ng pagtigil ang ibang linya ng genre at may panibagong uusbong na simula. Nagmula naman ang ibang genre sa pagbaling ng linya patungo sa mas bagong landas. Maputol man ang linya ng OPM, nakasisiguro naman tayo na habang may Pilipino, may bagong linya ng musikang Pilipino ang sisibol at patuloy na sasalamin sa ating bali-baliko ngunit makulay na buhay.
Michael Owen Lombos at Dianne Nicole De Guzman
DAPIT-HAPON | 17
Celina Bianca de Chavez at Dianne Nicole De Guzman
18 | DAPIT-HAPON
“Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko..” Masasabing napakadakila na ng kantang Magtanim ay ‘di Biro, sapagkat simula elementarya pa lamang, kinakanta’t sinasayaw na ito. Siguro nga, kahit ang mga henerasyong mas matanda sa atin, alam din kung paano kantahin at sayawin itong tanyag na awiting Filipino. Hanggang ngayon, sa patuloy na pag-awit ng bawat mag-aaral ng kantang ito, mahihinuhang hindi pa rin nagbabago ang sistema ng agrikultura sa Pilipinas. Kung ikukumpara sa ibang bansang agrikultural, mistulang ang Pilipinas na lamang, ang may usad-kalabaw na sistema sa pagtatanim. Sa isang tropikal na bansang biniyayaan ng matabang lupa para sa pananim, tila nakababahala ang paulit-ulit na reklamo tungkol sa walang progresong reporma sa lupa. Saksi rito ang mga magsasakang manuhan pa rin ang paraan ng pag-ani at pagtatanim ng palay at pananim. Nasaan na ang pamahalaan upang buhayin ang mahalagang sektor sa bansa? Kalagayan ng sektor
Nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) si Dr. Marites Tiongco, direktor ng Research and Advanced Studies ng School of Economics ng Pamantasang De La Salle, ukol sa kasalukuyang kalagayan ng industriya ng agrikultura ng ating bansa at kung ano ang mga problemang kinakaharap nito. Ayon sa datos ng National Economic and Development Authority, tinatayang may growth rate na -2.2% ang sektor ng agrikultura ng bansa noong ikatlong sangkapat (quarter) ng 2014. Tumaas naman ito sa 4.8% noong sumunod na sangkapat. Kung ikukumpara ang mga datos na ito sa sektor ng serbisyo at industriya, tila napapagiwanan na ang agrikultura dahil sa mababa o negatibo nitong growth rate. Nagbigay ng dalawang rason si Tiongco kung bakit ganito ang estado ng sektor na ito. “In fact, ‘yung agriculture sector natin, yung growth niya has been very stagnant. Kulelat pa rin yung agri. Kumbaga, very slow growth rate,
negative in a sense na bumababa yung growth rate. It may be attributed sa (1) mga natural disasters last year kaya mababa yun pero kung titiganan mo yung other years, mababa na talaga siya, masaydo lang bumagsak nung nagka-calamities. Tapos yung second, kulang din tayo sa investment sa agriculture, mismong farmers kulang sa support,” aniya. Noong mga nakaraang taon, ang sektor ng agrikultura ang may pinakamalaking national budget allotment, kasunod nito ang health at education. Pero noong nakaraang taon, nabago ito. Nauna ang health at education at nahuli naman ang agrikultura. Kahit pangatlo lang ang agrikultura, malaki pa rin ang pondong napupunta rito, at sadyang hindi lang lubusang nakakarating sa mga magsasaka ang pondong nilaan para sa kanila. Paano maitatama ang mga mali sa sistema
Kahit nabibigyan ng tamang atensyon at tulong ang mga magsasaka, bakit tila mabagal pa rin ang pag-unlad nito? Ayon kay Tiongco, may mali sa sistema ng distribusyon ng pondo. Sa ginagawang impact assessment ng mga ekonomista. pinagaaralan nila ang mga epekto ng isang proyekto at kung ano ang mali rito. Naglahad siya ng ilang mga resulta ng pag-aaral na ito. “Yung sa irrigation, nalaman sa pag-aaral na mas maganda pala kung mas maliliit lang [ang ipapatayong irrigation system], e mas nag-invest tayo on big ones, big dams, na mahal ang pagmaintain kaya ngayon, nasisira na. So ang laking pera yung gagamitin mo para irehab or ireconstruct yun,” paglalahad niya. Dagdag pa niya, kinakailangan ng marami at agarang aksyon upang umunlad ang sektor. “Noong nagsara ang NABCOR, hindi sila (opisyal), nakapag-submit ng SALN, inaudit pero walang mapakitang statements of assets and liabilities Nagpagawa sila ng mga dryers or facilities pero sira naman, (at) hindi nagagamit,” pahayag niya. Ayon kay Tiongco, nagagawa ring unahin ang pagpapatayo ng mga gusali sa ibabaw ng
matabang lupa kaya bumababa ang bilang ng lupang pang-agrikultural sa bansa. Subalit, inihayag din niyang may positibong epekto ang real estates; nagkakaroon lamang ng problema sa tuwing hindi produktibo ang lupang pinatatayuan ng mga gusali. “Dapat ‘yung cinoconvert lang is ‘yung hindi na productive. Katulad nung ginawa sa Nuvali (dating sugar land), bumaba ‘yung value ng sugar by that time so nawalan ng halaga ‘yung lupa,” saad niya. Dagdag pa niya, kinakailangan ding agarang matugunan ng gobyerno ang food insufficiency. “Hindi lang rice self sufficiency ang habol natin eh, dapat may food security din. Dumaan na si 2015, 2013 dapat rice self sufficient na tayo, pero hindi pa rin,” aniya. Para sa kanya, kailangan ding taasan ng gobyerno ang investment sa agrikultura, partikular na sa research at development upang lumago ito. “Taasan mo ‘yung expenditures niyan (agrikultura), tataas din ‘yung income. In short, ‘yung structural transformation ang ine-expect natin sa agri pero hindi siya nangyari,” aniya. Karagdagang suporta para sa mga magsasaka, at pagpapatupad ng mga programa nang walang katiwalian—kung maisasakatuparan at mabibigyang-solusyon nang maayos ang dalawang ito, mangyayaring umunlad ang agrikultura sa bansa. Kapag may itinanim, may aanihin
Tunay ngang biniyayaan ang bansang Pilipinas sa mga saganang anyong lupa. Bakit hindi naman tayo ang mismong kumilos upang mapalago at mapaunlad ang biyayang ito? Gobyerno nga ba ang may pagkukulang o tayong mga mamamayang sadyang hindi gumagawa ng paraan? Sabi nga, kung pagtutuunan lang ng sapat na pondo at pansin ang sektor na ito, tiyak na magiging posible ang pagbabago, tiyak na makakamit ng Pilipinas ang pag-unlad na inaasam. Sanggunian: http://www.neda.gov.ph/?p=5011
DAPIT-HAPON | 19