Ang Sinagtala June-December 2017 Issue

Page 2

BALITA

B2

ANG SINAGTALA HUNYO-DISYEMBRE 2017

SA UNANG PAGKAKATAON

DLC, kampeon sa Higalaay Parade ni Princess Leah Joy D. Sagaad Best Marching Band! Most Disciplined! Best in Uniform! Gumawa ng kasaysayan ang Gusa Regional Science High School-X Drum and Lyre Corps ng SY 2017-18 sa pagsungkit sa pinakamataas na parangal sa isinagawang 2017 Higalaay Civic-Military Parade nitong ika-27 ng Agosto 2017 na parte ng selebrasyon ng kapistahan ng syudad ng Cagayan de Oro. Nakakuha ng 94 porsyentong kabuuan mula sa apat na mga hurado at hinirang na Best Marching Band, Most Disciplined, at Best in Uniform ang GRSHS-X DLC laban sa 91 mga sumaling pampubliko at pampribadong paaralan sa lunsod. Pumangalawa rito ang Liceo de Cagayan University na nakakuha ng 92. 88 porsyento at pumangatlo sa 91.88 porsyento ang Iponan National High School.

“Isang malaking karangalan ito hindi lamang para sa aming sarili kundi para sa ating paaralan. Nakalulugod isipin na ang lahat ng pagod dulot ng aming pagpupursigi sa pag-eensayo ay nagbunga,” ani DLC Moderator Samuel O. Linog, sa wikang Ingles. Pinangunahan ni band mother Queenie Lyn Mandang at band major Niel Brian Opeña ang parada kasama sina Angela Karylle Go bilang seal bearer; Colene Santa Cruz bilang assistant band mother, at iba pang humigit kumulang 100 mga estudyanteng ipinakita ang kanilang galing. Kasama rin sa parada ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng paaralan sa pangunguna ni troop leader Francis Gem Patigayon. "Happy kay mi kay first time nadaug ang RS sa parade. Worth it kay siya na experience," nagagalak na pahayag ni Go sa kanilang pagkapanalo.

VINTA / Mula sa pahina B1

NGITING TAGUMPAY. Nakangiti pa rin at di alintana ni Angela Go at Franz Maurene Leuterio, mga miyembro ng GRSHS DLC, ang init ng arAaw at haba ng paradang nagsisimula sa Rodelsa Circle patungong Limketkai Center na binabaybay ang mga kalye ng Apolinar Velez at C.M. Recto. Kuha ni Jorge Nathaniel Amores

134 iskawt sumabak sa BSP, GSP backyard camp Kent Bryan C. Maglinao kentbryanmaglinao9@gmail.com

M

atapos ang dalawang taong puwang, umabot sa 134 miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) ng Gusa Regional Science High School ang muling lumahok sa Joint BSP and GSP Backyard Camping sa GRSHS-X campus noong Setyembre 1-2, ngayong taon. Dinaluhan ito ng 85 kasapi ng GSP at 49 kasapi ng BSP na kapwa mula junior at senior high ng GRSHS-X. Pinangunahan ito nina Rochelle Besin, GSP coordinator, at Julius Tan, BSP coordinator. Binubuo ng iba't ibang gawain ang naturang aktibidad na nakatuon sa temang, "Making A Difference Through Service". Ang mga gawain sa unang araw ay Investiture Ceremony, Orientation, Basic First Aid/Disaster Preparedness, Team Building, at Camp Fire. Samantala, sa ikalawang araw naman ay Physical Fitness, Knot Tying, Team Building, at Clean Up. Sentro ng nasabing camping ang inihandang Team Building Activities na naglalayong mapaunlad ang pagkakaisa at pakikipagkapwa ng mga miyembro, ayon kay Besin. Sa isang panayam, ibinahagi ni Besin ang kanyang galak sa matagumpay na paglunsad ng backyard camping sa paaralan. Aniya matagumpay ito dahil sa buong kooperasyon ng bawat manlalahok. Pinasalamatan din niya ang ilang panauhing nakilahok at nagsilbing guest speakers sa camping. "Grabi among pasalamat [sa ila] kay at least karon ma-active na gyud ang atong GSP at BSP," ani Besin. Kabilang dito sina Cynthia Yañez, GSP Division coordinator; Ma. Carmen Ebron, GSP assistant coordinator; Lyra Vaguchay, GSP Mis. Or. Council executive; at, Ramil Abellon, Red Cross Mis. Or. Chapter representative. "Taud-taod na ta wala ka participate, so at least na witness sa division na active na atong BSP ug GSP," dagdag pa niya. Ang Joint BSP and GSP Backyard Camping ay paraan ng GRSHS-X upang ihanda ang mga iskaut sa Division-wide camping base sa Division Memorandum No. 313 s. 2017.

“The readiness of the community had really resulted in preventing the loss of lives,” wika ni Moreno sa isinagawang press briefing Biyernes ng gabi sa CDRRMD. “We have seen how the cooperation of the people can save lives,” dagdag pa ni Moreno. Nangako naman si Punongguro Evelyn Q. Sumanda at General ParentsTeachers Association ng paaralan na mamamahagi ng tulong sa pamilya ng

IGNITE 2017

Leadership Training inilunsad ng GRSHS SSG

mga mag-aaral nitong napinsala ng STS Vinta kabilang na ang pamilya ni Rhea. Inihahanda na umano nila ito at ipamimigay sa ika-3 ng Enero, pagbalik ng klase. Nag-iwan man umano ito ng dimaalis-alis na dungis ng pait na alaala ng nakaraan para sa mga Kagayanon, magsisilbi naman itong palala at babala upang maging handa sa pagdating ng sakuna.

Kuha ni Melvin P. Villacote

ni Princess Leah Joy D. Sagaad

N

aging inspirasyon para sa humigit kumulang 50 mga mag-aaral na kalahok sa ginanap na IGNITE: Leadership Training Seminar ang binahaging diskusyon ng resource speaker na si Ricky John Goyeneche, isang USA Certified NeuroLinguistic Programming Master Practitioner at Backpack Inspirational Leadership and Development (BILD) Cotrainer mula sa University of Science and Technology in Southern Philippines (USTP). Pinamagatan niyang ‘Reprogram: How to Think Positively and De-Stress Your Life’ ang kanyang lektyur. Inilunsad ng Supreme Students Gocernment ng paaralan ang nasabing leadership training upang magbigay ng inspirasyon at pagganyak sa mga kabataang naghahangad na maging epektibong lider. Binuo ng workshop na naghahasa ng leadership skills at team building ng mga mag-aaral ang isang araw na seminar na ginanap nitong ika-9 ng Disyembre 2017. “Nakatulong ng husto ang seminar na ito sa amin lalo na’t nagkaroon kami ng panibagong idea tungkol sa mental health na siyang ibihagi namin sa Dilaab Ph, isang online campaign na aming sinimulan,” wika ni SSG Vice President Melvin Villacote.

KATALISTA. Nagbabahagi si Ricky John Goyeneche tungkol sa stress management sa mga partisipante ng leadership training na isinagawa sa Gusa Regional Science High School-X nitong ika-9 ng Disyembre, 2017.

Journalism Training sa GRSHS, ibinunsod

B

ni Razaele F. Manales

ilang paghahanda sa kaunaunahang District Schools Press Conference, nagdaos ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ng Journalism Enhancement Traning nitong Setyembre 6-8. "We are training you to become smart, fair, and independent journalists," tugon ng Punongguro, Evelyn Q. Sumanda, sa 122 mamamahayag pangkampus na dumalo sa pagsasanay. Aniya, ito ay hindi lamang upang ihanda sila sa

kompetisyon, kung hindi'y pati na rin sa hinaharap. Sinanay rito ang mga mamamahayag sa walong isahang kategorya: Pagsulat ng Balita, Pangulong Tudling, Lathalain, Balitang Pampalakasan, Artikulong PangAgham at Teknolohiya, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan, Pagguhit ng Kartung Editoryal, at Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Nilinang rin ang kakayahan at talento ng mga mag-aaral sa tatlong pangkatang kategorya: Script Writing and Radio Broadcasting, Collaborative Desktop Publishing,

at ang pinakabagong kateogrya, TV Newscasting. Ilang mga tagapagsalita ang inimbitahan ng paaralan upang magbahagi ng karunungan sa mga mag-aaral. Sila rin ang humusga at pumili ng 58 mamamahayag na kakatawan sa paaralan sa District Schools Press Conference. Labing-anim na mamamahayag ang nasala para sa mga kategoryang indibidwal– walo sa English, walo sa Filipino. 42 naman para sa tatlong kategoryang pangkatan– 21 sa Filipino at 21 sa English.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.