BOOK OF ABSTRACTS Panel A1: Studies on Philippine Ethnolinguistic Groups I Day 1 (May 9, 10:15-12:45) Ms. Rossell Areola
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Iligan City
Batbat ng Higaonon sa Dumagat: Talabang Kros-Kultural Tungo sa Postkolonyal na Pagbasa ng Basahan
Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang epekto ng interaksyong kultural ng Higaonon at dumagat na makikita sa mga basahan. Basahan ang tawag ng mga Higaonon sa kanilang tula. Ito ay may katangiang pasalita na kanilang ipinapasa sa bawat henerasyon. Repleksyon dito ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Higaonon sa mga dumagat na lumilikha ng talabang kultural. Etnikong pangkat ng Iligan ang Higaonon na tinatawag na lumad kasabay nito ang pangkat ng Kristiyano at mga Meranaw. Tinatawag naman ng mga Higaonon na dumagat ang mga pangkat na Kristiya at mga Meranaw na may malaking epekto sa kanilang buhay sa Iligan. Gamit ang lente ng postkolonyalismo, nakita mula sa kinalap na tatlumpu’t tatlo (31) na mga basahan, ang patuloy na ugnayan ng mga Higaonon sa mga dumagat. Hindi ito maiiwasan dahil sa sitwasyong ekonomiko ng lungsod Iligan tulad ng nasa sentro ang lagakan ng pangunahing pangangailangan ng tao, hanapbuhay, at maging paaralan. Ang kros-kultural na ugnayang ito ng Higaonon at Dumagat ay nagbunga ng kuryusidad sa mga Higaonon. Ngunit, gamit ang kanilang basahan, iginigiit nito ang naratibong Higaonon at nagsisilbi itong kanilang pagpapaalala sa kanilang sarili laban sa mga Dumagat.
Dr. Vicente Villan
History Department, University of the Philippines Diliman, Quezon City
Colonos, Sacadas, at Settlers: Mga Konseptong Pamansag sa mga Migrante sa Pag-unawa ng Kalinangan at Kasaysayang Pilipino
Hindi lamang maaaring tingnan ang wika sa pagkakaroon nito ng deskriptibo,ekspresibo, at direktibong kapangyarihan, kundi ang wika rin higit sa lahat aymaaring kasangkapanin sa pakikipag-ugnayang panlipunan, pagpadaloy ngkultura, kapahayagan ng realidad, at imbakan ng kamalayang pangkasaysayan. Maiuugnay kay Gary Palmer, isang sosyolinggwista ang idea hinggil sa pagtinginsa wika bilang mabisang kasangkapan sa pang-akademikong pagsisiyasat. Dahilnakatuon kung susuriin sa kabuuan ang gampanin ng mga iskolar sa AghamPanlipunan hinggil sa pag-unawa ng mga penomenong panlipunan, sapamamagitan ng adaptibong konsepto – colonos, sacadas, at settlers – hindilamang maipakita sa pamamagitan ng pagpapaksang gagawin ang kaganapanukol sa migrasyon sa kasaysayan ng Pilipinas, kundi mapapalitaw rin angpenomena ng kolonisasyon sa Pilipinas sa pangkalahatan. Sa isasagawang presentasyon, tatlong idea ang nais na ihain ng tagapaglahadsa paksaing ito para sa mga kalahok: 1.) ang katagang pamansag ay maituturingna batis o source sa pagsasakasayayan sapagkat nagtataglay ang mga gayonng mga nakatagong kamalayan; 2.) adaptibong konseptong maituturing angmga pamansag na salita upang tukuyin halimbawa ang taksonomiya atkronolohiya sa ilalim ng kaganapan sa migrasyon at phenomena ng kolonisasyonsa Pilipinas; at 3.) isang makabagong praxis sa pagsasakasaysayan anggagawing halimbawa sa paglalahad ng panukalang papel na ito. Sa pagsasagawa nito, gagamit ng interdisiplinaryong lapit ang tagapaglahad, ibigsabihin, mula sa tinutuntungang disiplina ng kasaysayan, tatawid ang may-akdasa panglinggwistikong ng pagsusuri tulad ng leksikograpiya at sosyolinguistika,at pati na rin mula sa larang ng antropolohiya tulad ng antropolinggwistika.Inaasahang sa pamamagitan ng nasabing hakbangin, mabibigyan natin ngalternatibo at makabagong pagsipat ang kasaysayang kolonyal ng mga Pilipino. Kapuna-punang sa pamamagitan ng mga tiyak na layuning binanggit sa unahanat lapit-kaparaanang ginamit, nakita ng tagapaglahad na mula sa mga pagsuyodng mga sangguniang diksyunaryo at kaalamang bayan lumitaw na produkto ngkasaysayan sa pananakop ang mga salitang pamansag at nagpatuloy na umiiralsa lipunang Pilipino bunsod na rin ng malakas na kultura sa pangangayaw (pangingibang bayan para sa buhay, ginhawa, at dangal). Naitatatampok din sa pamamagitan nito maging ang kaugnay na mga konseptong ginamit napamansag sa mga migrante na siyang nagpapatibay sa nagpapatuloy nakamalayan sa pagpangayaw sa lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng ganitongkaparaanan sa pagsasakasaysayan sa migrasyon at kolonisasyon sa bansa,nakapaglilikha ang tagapaglahad ng bagong kaalamang pangkasaysayan namahalaga sa pagtataguyod ng mga inisyatibang pangkaunlaran para sasangkapilipinuhan.
1