PAKSA: Ang Panitikang Sebuwano at ang Pagbuo ng Panitikang Pambansa PAPEL: Ang Tradisyon sa Tagay at Talinghaga ni Richel G. Dorotan ___________________________________ Ilang Sagot at Tanong Desiree Balota
Kgg. Virgilio Almario, mga kampeon ng wika, mga panauhing pandangal, guro, mag-aaral, at kapwa nagmamahal sa panitikan, isang mapagpalang umaga. Sa reaksyong ibabahagi ko ngayon, mayroon akong mga tanong na sisikapin kong sagutin ayon sa aking karanasan at repleksyon. Mayroon din akong mga katanungang hindi ko natitiyak ang sagot at hindi ko na lang palaging iniisip dahil sa aking palagay ay mas mahalagang naitanong ang mga ito. Hindi man dumating agad ang kasagutan o hindi man talaga dumating ang kasagutan, ang mahalaga ay naitanong ang mga ito at makabubukas o makapagpapatuloy ng diskusyon. Nawa’y sa bawat talakayan ng mga pananaw, bukod sa mababahaging kaalaman at point of view ay palagi ring maging kasama ang siyang katuturan ng nagpapapintig ng puso na siyang nagbibigay-buhay at dahilan sa panitikan. Ito ang limang punto na nabigyan ko muli ng pansin at panahon at bibigyan ko pa ng pansin at panahon bunga ng tingkad, tunog, talim, talas, tamis, hamon, kaisipan, at paanyaya ni G. Richel Dorotan: 1. Napaka-specific man ng imahe at karanasan ni Noy Tiago at ng mga katulad niya, hindi maliliit o mabababa ang kanikanilang damdamin at insight. Kung mapakikinggan ang mga Noy Tiago, may pagka-tayo tayong matututunan. Sa pananaw ko, specific tayong mag-isip at galing sa specific na iyon, nalilikha natin ang mas malawak at
2.
3.
4.
5.
nakatutukoy tayo ng insight patungo sa general. Kung general naman an gating naririnig at nababasa, nadarama natin ang saysay at nito sa ating karanasan at sa karanasan ng mga mahalaga sa atin. Maa-achieve natin ang puso at kahulugan ng panitikang pambansa kung pagyayamanin natin ang mga espasyo ng mga specific dahil sa pakikinig at pagbabasa nito, gugustuhin nating danasin ang kulay, saya, at lalim ng buhay na iba ng sa atin. Maiintriga tayo, mapupukaw, at madadayo sa dako roon. Kakailanganin ang translation kung hindi naiintindihan ang wika na gamit ng manunulat ngunit hindi kakailanganin ang translation kung dama natin ang hugot ng panitikan. Pero walang hugot na madarama kung kulang ang espasyo at pagkakataon ng pakikinig. Politika, preference, at pera ay mga perpetual na hamon sa panitikang pambansa. Ang mga ito ay kinakailangan ng constant reflection at revisit kasabay ng pag-aaral, pagpapalitan ng kuro-kuro, at pakikipaglaban. Kailangang batid at dama natin ang ating mga sarili dahil dito natin matutukoy at maiintindihan ang ating espasyo sa isang malawak na lugar, diwa, at gunita. At bansa.
Kuwento ng unti-unting kong pagkilala at patuloy na pagkilala sa panitikang Sugbuanon ang dala ko sa pagbabahaging ito. Sa aking repleksyon, sagot at tanong ang hamon ng katotohanan sa dako ng aking kinalalagyan. Kailangang madama ang panitikang pambansa. Hindi sapat na makita ito sa anyo ng kanyang mga titik at marinig sa mga inatasang pagbasa. Upang mabuo ang panitikang pambansa, kailangan din itong maamoy, malasap, at mahawakan ng bawat tao kung kaninong buhay ay sinasalamin nito. Upang mabuo ang panitikang pambansa, kailangan ang
pagpapakilala at pagkilala nang tuluyang mabago ang paniniwalang may mga panitikang pambaryo o lokalidad lamang. Dalawa ang pangunahing katanungan dito. Ang una, Bakit? Bakit kinakailangan ang pagbuo ng panitikang pambansa? Dahil kailangang maging buo ito. Mabubuo lang ito kung walang mga nawawalang bahagi. Sa usaping nawawala, mayroong nawawala dahil nakalimutan, ipinalimot, isinantabi dahil sa sadya o di sadyang dahilan, at mayroon namang tuluyang naisantabi dahil sa simula pa lang ay hindi nalalamang may nag-eexist na ganito. Mula sa tanong na Bakit ay maaring maitanong ang E ano naman? E ano naman kung hindi mabuo? Ang mahalaga ay buo siya sa aking karanasan. Kung gayon naman, wala ba talagang isang buo at ang mayroon tayo ay siyang mga buo at hindi mga kapiraso? Mula sa mga tanong na ito ang isa pang tanong. May tiyak bang batayan upang masabi nating buo ang panitikan? Kung mayroon, ano ito? Kung wala, bakit? Ang pangalawang mahalagang tanong ay Paano? Paano nabubuo ang panitikan? Ito ang hamon natin. Kakailanganin nating patuloy na manaliksik, kumausap, mag-ipon, magpreserba, magpakilala, at kumilala. Kung paano ito gagawin, alam nating mangangailangan tayo ng panahon at puhunan-puhunan di lang ng salapi kundi pati rin ng pagpupunyagi. At bukas na pag-iisip. Kailan natin malalamang naabot na natin ang kabuuan? Mababalik muli tayo sa mga tanong ng batayan ng buo. Sa aking pananaw, hindi ang katiyakan ng kabuuan ang pinakamahalaga kundi ang katiyakan ng paglago, pagpapayaman, at patuloy na pagpapalawak ng perspektibo at kamalayan.
Naalala ko ang aking karanasan sa sinaad ni G. Dorotan sa pagtalakay niya sa sinasabing rehiyunal na panitikan. Kahit walang nagsabi
sa akin, sa aking kamusmusan o kaya kawalan ng sapat na nalalaman ay naniwala ako na upang matukoy ang isang akda na pambansa, kailangang nasusulat ito sa wikang hindi wika ng probinsiya ng aking kapanganakan. Kinailangan kong bigyan ang aking sarili ng panahon na pag-isipan ang diwa ng “bansa� upang marating ang repleksiyong ito: Higit sa lahat, isip, danas, at puso ang mga pangunahing sangkap ng panitikang pambansa. Naniniwala rin ako na ang isip, danas, at puso ay kailangang maisulat nang magaling at mahusay sa aspekto ng istruktura gaya ng pagpili ng salita at pagbuo ng mga linya at pangungusap na akma sa lunan, sitwasyon, at personalidad sa katha anumang wika ang gamit. Kung paano maisasakongkreto ang kaisipang hindi lang pangrehiyunal ang kathang mahusay (spotlight sa salitang mahusay) na naisulat sa rehiyunal na wika, kailangang una sa lahat ay ang pagbabago ng pananaw. Nang nabigyan na ako ng pagkakataong maamoy, malasap, at mahawakan ang ilang akda sa Cebuano tulad ng mga akda nina Cora Almerino, Michael Obenieta, Adonis Durado at ng iba pang manunulat sa Kabisdak at Bisaya Magazine, sa galing ng mga ito napagtanto kong specific man ang ang karanasan sa isang pamayanan, bahagi ito ng pambansang kamalayan dahil hindi mabubuo ang siyang pambansa kung hindi naipaaalam at kinikilala ang bawat bahagi nito. Dahil hindi medaling mabago ang pananaw na matagal nang pinanghawakan, kailangan ang exposure, mentoring, at celebrating upang tuluyang magkaroon ng higit na malawak na pananaw ng konsepto ng pambansa. Nang mailarawan ko ito, ibabahagi ko ang aking munting kuwento. Cebuano ako. Gayunpaman, baguhan ako sa panitikang Cebuano. Wala akong Noy Tiago sa aking kabataan at wala rin akong mga kapamilya at kaibigang nagpakilala sa akin sa mga obra ng mga manunulat na nabanggit ni G. Dorotan. Hindi ko pa lubos na kilala ang aking panitikan. Oo, bagong salta ako--isang bagay na hindi ko ipinagmamalaki. Hindi ko rin masasabing ikinagagalit. Ikinalulungkot, pwede, pero sigurado akong hindi mananatili ang maaring lungkot dahil sa sigasig ng mga haligi, tagapagtaguyod, at nagmamahal sa panitikang Sugboanon.
Nagsimula kong makilala ang panitikan ng Pilipinas sa wikang hindi ko kinagisnan. Sa paaralan, ang panitikang binibigyang panahon ay ang panitikang isinulat sa wikang banyaga o sa wikang Filipino na, sa aking karanasan at pandama, isang wikang malayo sa siyudad at probinsiya kung saan ako ipinanganak at lumaki. Sa usaping panitikang pambansa, ang pagkamulat ko rito ay panitikan ito na naiintindihan ng karamihan sa mga nakatira sa Pilipinas. Sa aking pagkaintindi noon, kailangang isulat ito sa wikang Ingles at Filipino na muli, sa aking danas at dama, kailangang isulat sa “tinagalog.” Tinanggap ko itong siyang katotohanan at nararapat at sa aking kabataan, hindi ko ito kinuwestiyon. Para sa akin, ang pinakaibig sabihin ng “nauunawaan” ay kung ang wikang ginagagamit ng nagsasalita o nagsusulat ay wikang hindi na mangangailangan ng interpreter o translation upang malaman ang ibig sabihin ng mga pangungusap. Dahil dito, ang panitikang pambansa ay kailangang isulat sa wikang iba sa wika ko. Sinikap kong maging akin ang iba at sa aking palagay noon ay achieve ko naman ito. Sa paaralan ay nagbasa ako ng Ingles at Filipino at nagsulat sa Ingles at sa Filipino. Wala naman akong nadamang kakulangan dahil wala akong alam na ibang mayroon. Sa aking naging palagay, hindi aking mother tongue ang wika ng paaralan. Tapos na ako ng kolehiyo nang unti-unti akong na-expose sa panitikang Cebuano na isinulat sa Sinugb]oanong Binisaya. Nang mangyari ito, mayroon akong nahanap at nadama na hindi ko maipaliwanag. Mayroong pintig ng pusong sumabay sa aking pagbabasa. Mas dama ko ang ngiti, luha, at pagdiriwang. Mas dama ko ang kabiguan, pagsisikap, at tagumpay. Mas dama ko ang tahanan, pamilya, at kaibigan. Sa madaling salita, mas nadama ko ang aking sarili. Sa pananaw ko at sa puso, ganito dapat ang panitikan. At para maging lubos na pambansa ang panitikan, kailangang bigyan ng tugon at espasyo ang lahat ng wika sa ating bansa—isang bagay na patuloy na dumarami ang nakikilahok at nakikibahagi.
Hindi na bago ang mga sumusunod: ang pagsali ng mga akdang Cebuano sa Sinugboanong Binisaya sa klase ng Philippine literature (hindi na kailangang Cebuano literature ang descriptive title ng subject para mangyari ito), ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng mga akdang Cebuano sa mga interest groups sa paaralan kahit hindi Buwan ng Wika, ang pagkakaroon ng mga pagtitipon ng pagpapakilala at pagtalakay gaya ng kumperensiyang ito, ang pagkakaroon ng mga pagsasaliksik at pagkolekta ng mga akda ng mga Cebuano gaya ng ginagawa ng Cebuano Studies Center, at pagkilala ng mga akdang Cebuano sa mga national na patimpalak katulad ng Palanca. Kailangan lang na ipagpatuloy ito at palawakin. Spotlight sa salitang palawakin. At bigyan ng higit na lalim. Bukod sa exposure sa panitikan ng Cebuano, kinakailangan ang mentoring (na dumarami na ang gumagawa dahil dumarami na ang lumalawak na ang pananaw) upang bukod sa awareness na sinasabi ay may pagpapalalim na magaganap. Magagawa ito kung mas magiging madalas ang pagdiriwang dito hindi lang sa mga sulok o sa mga sitio kundi sa paaralan. Kailangang mailabas ito sa imahe na “local lamang� upang makilala ang galing nito at upang ma-appreciate ng mga Cebuanong katulad ng sa akin ang karanasan. Kailanganin man ang translation sa ilang partikular na pagkakataon, kung ipagdiriwang ang mga ito sa kanilang mga orihinal na wika, maaabot pa rin ang musika at puso nito. Napaindak nga tayo sa KPop at napapalakpak sa anime, sa sariling atin pa kaya? Kailangang madama ang panitikang pambansa. Hindi sapat na makita ito sa anyo ng kanyang mga titik at marinig sa mga inatasang pagbasa. Upang mabuo ang panitikang pambansa, kailangan din itong maamoy, malasap, at mahawakan ng bawat tao kung kaninong buhay ay sinasalamin nito. Upang mabuo ang panitikang pambansa, kailangan ang pagpapakilala at pagkilala nang tuluyang mabago ang paniniwalang may mga panitikang pambaryo o lokalidad lamang. Sa tanong na Bakit kinakailangan ang pagbuo ng panitikang pambansa, mabubuo lang ito kung walang mga nawawalang bahagi.
Upang maiparating sa kamalayan ang nakalimutan, ipinalimot, isinantabi dahil sa sadya o di sadyang dahilan, at mayroon namang tuluyang naisantabi dahil sa simula pa lang ay hindi nalalamang may nageexist ito, una sa lahat ay kailangang tanggapin ang katotohanang ito. Pero tanggap na naman natin ito. Ang kinakailangan ng malalim na pagtanggap ay ang angkop, makatarungan, at sensitibong anyo at uri ng ating pagkilala --sa pagsali man ito sa textbook o antolohiya, sa kung anong mga aklat ang ilalathala at paparangalan, o sa mga pagkakataon ng ating pagdiriwang. Sa dakong E ano naman kung hindi natin mabuo, mahalaga na buo ang indibidwal na karanasan ngunit hindi rin dapat ipagkibit-balikat ang pangkatang karanasan ng pangkat na kinabibilangan ng indibidwal at ng mga pangkat na nagpapalibot sa indibidwal. Dahil sa pakikinig at pagbabasa sa kanilang mga kuwento ay lumalawak at lumalalim tayo bilang mamamayan at bansa. Pananaw man natin na walang isang buo at ang mayroon tayo ay mga buo o pananaw man natin ay bahagi tayo ng mga buo, ang diwa ng bansa na siyang pagbubuklod at pagkakaisa ang dapat na umiral. Kung paano ito mararating, kailangang patuloy tayong maglakad na ninanamnam ang bawat paligid at ang pamumuhay at pilosopiya ng mga nakatira rito. Sa usaping batayan upang masabi nating buo ang panitikan, husay, lalim, at kaliwanagan ng paksa at intensyon ang napupusuan kong batayan. Ano naman ang sa inyo? Mapag-uusapan iyan. Sa tanong na paano nabubuo ang panitikan, lakas ang kinakailangan upang matugunan ang hamon ng pananaliksik, pagkausap, pag-iipon, pagpreserba, pagpapakilala, pagkilala. Dahil pagpupunyagi at bukas na pag-iisip ang kinakailangan, hindi ko tiyak sa ngayon kung anong uri at anyo ng lakas ang akma rito. Pero kung lakas ito ng pagkagusto ng pakikinig, pagkatuto, at pagdama, hindi ang kumpetisyon ang mananaig kundi ang mas mataas na baitang ng kooperasyon. Oo, ideyal ito pero hindi ba makatataba ng puso na ang salitang ‘rehiyunal� ay tutukoy na lang sa lokasyon at hindi magsa-suggest ng kakulangan ng lawak at galing? Maari kayang makarating tayo sa gayong paradigm?
Kailan natin malalamang naabot na natin ang kabuuan? Sa aking pananaw, hindi ang katiyakan ng kabuuan ang pinakamahalaga kundi ang katiyakan ng paglago, pagpapayaman, at patuloy na lumalawak na perspektibo at kamalayan. Magandang umaga po.