Emiliano de catalina reaksiyon na papel sa kasaysayan ng panitikang sebwano

Page 1

REAKSIYON NA PAPEL SA KASAYSAYAN NG PANITIKANG SEBWANO Emiliano C. De Catalina

I – PAGBATI AT PAGPAKILALA 1.1 Pagbati Ginoong Virgilio Almario, Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino;Dr. Hope Sabanpan-Yu, Kasalukuyang Direktor ng Cebuano Studies Center;Mga kampeon ng Wika; Mga tagapagsasalita sa Kumperensiyang ito;Mga kalahok sa Kumperensiyang ito; at kayong lahat na narito – Magandang hapon sa inyong lahat. 1.2 Pagpakilala Ang reaksyong ito ay nahahati sailang mga bahagi: 1) Pagbati at Pagpakilala 2) Pagpapahalaga ng Papel ng Tagapagsalita 3) Ilang mga Puna sa Ilang mga Punto 4) Ang Sanaysay sa Panitikang Sebwano, at 5) Ilang mga Mungkahi. Noong nakaraang buwan tumunog ang aking selpon. Hindi ko inasahan na tawagan at anyayahan ni Dr. Sabanban-Yu na maging isa sa mga reaktor sa Kumperensiyang ito. Hindi ako nag-atubiling nagbigay sa aking tugong Oo. Naisip ko na ito ay isang malaking pagkakataon na ako ay makapagsalita sa madla tungkol sa paksang Panitikang Sebwano, ang paksang mahal ko. Lubos akong nagpapasalamat sa prebilehiyong ito sapagkat nadagdagan at napalalim ang aking kaalaman sa Kasaysayan ng Panitikang Sebwano. Sa kasalukoyan, ako ay patuloy na nagsusulat ng

1


iba‘t-ibang uri ng Panitikang Sebwano na gamit ang salitang BinisayangSinugboanon. II – PAGPAPAHALAGA NG PAPEL NG TAGAPAGSALITA 2.1 Pre-Kolonyal at Kolonyal na Panahon Dalawang beses ko pong binasa ang papel ng tagapagsalita sa paksang Panitikang Sebwano. Sa totoo lang, nahirapan kong intindihin ang wikang Pilipino. (Naalala ko noong ako‘y nasa hayskol, muntik akong bumagsak sa Pilipino, buti na lang sumali ako sa ―cheering competition‖ at nabigyan ako ng bonus at sa awa ng Diyos pumasa ako. Sana pagkatapos ng kumprehensiyang ito magiging bihasa na ako sa wikang ito). Ang papel na panaliksik tungkol sa Kasaysayan ng Panitikang Sebwano ni Binibining Rama ay may malaking kahalagahan. Humahanga ako na kanyang ibinakas ang pag-unlad ng pantikang Sebwano, mula sa mga panahon ng pre-kolonyal, Kastila, Amerikano, Pagsasarili, at hanggang ngayon. Inilahadniya ang mga ibat-ibang uri ng panitikan noong pre-kolonyal na panahon. Tulad ng garay (taludtod), harito o yamyam, tigmo (bugtong), at panultihon o sanglitanan (Kasabihan). May balitaw, kulilising hari (Duplo sa Tagalog); ang epikong Hinalawod; ang gawa-gawang tungkol sa pinagmulan ng tao; ang kwento ni Sikalak at Sikabay; ang alamat niMaria Cacao; si Lapulapu ng isla ng Mactan; ang pabula na Haring Gangis at Haring Leon; ug si Juan Pusong. Ang paglalahad na ito ay nagpapahiwatig na umiral na ang sibilisasyon sa Bisayas. Bahagi sa sibilisasyon na ito ay ang panitikan. Ang iba‘t-ibang anyo ng panitikan sa pre-kolonyal napanahon ay nagpahayag ng pantaong diwa ng ating mga ninuno. Ibinakas din niya ang mga pagbabago na naganap sa panitikang Sebwano sa panahon ng mga Kastila. Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang kultura at kasama nito ang panitikan.Ipinalaganap nila ang Kristiyanismo. Hindi natin maipagtataka kung bakit sa panahong ito nangibabaw ang mga relihiyosong tema sa mundo ng panitikang Sebwano. 2


Ang iilan nito ay: pasyon at corridor; ang Soneto ng Pagpuri kay Santa Maria Birhen; ang Nobena (na umiiral hanggang ngayon); ang Gozos at Bato Balani para kay Sto. Nino ng Cebu. Hindi natin maikakaila na may malaking inpluwensiya sa ating panitikan ang kulturang Espanyol o Eurropeo.

2.2 Mga Pahayagan at Panitikang Sebwano Ipinakita sa Tagapagsalita na sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, nagsimulang lumitaw ang mga sasakyang pampanitikan. Sa katunayan, ito ay may malaking kahalagahan sa Panitikang Sebwano. Lumitaw ang mga pahayagang El Boletin de Cebu (1886); Boletin de la Diocesis de Cebu (1888-1892); at Boletin Eclesiastico (1893-1998). Ang mga pahayagang ito ay nagsilbing labasan ng mga gawang panitikan; gayunman, tila mayroong limitasyon ang pagpahayag dahilmalakas na ipinatupad ng mga Espanyol ang Kristiyanismo. Kahit ganito ang nangyari, ang mahalaga ay nakita natin na nagsimulang umiral ang kahalagahan ng mgapahayagan para sa mga gawang panitikan.

2.3 Ang Paglitaw ni Vicente Sotto (1877-1950) Sa panahong ito, lumilitaw naang pahayagan ay may malakas na impluwensiya sa panitikan. Ginamit ni Vicente Sotto ang mga pahayagan bilang sasakyan ng pagpapahayag, hindi lang para sa mga gawang panitikan kundi pati na rin sa pampulitikang mga layunin. Sa katunayan, ito ay ang instrumentong ginamit sa ating pambansang bayani, Jose Rizal, sa pagpahayag sa kanyang mga saloobin. Kaya, noong 1899, mayroong lumitaw naLa Justicia at El Nacional, kung saan ito ay ang dahilan sa pagkabilanggo ni Vicente Sotto sa loob ng tatlong buwan. Pero, walang takot, itinatag ni Sotto ang isa pang pahayagan, ang El Pueblo, noong 1900.

3


Ngunit, Ang Suga,na pahayagan ni Sotto ay tumagal nang sampo at isang taon, 1901 hanggang 1912. At, ayon sa ating tagapagsalita, nagkaroon ito ng pinakamalaking impluwensiya sa pag-unlad ng panitikang Sebwano, tulad ng modernong dula at maikling kuwento. Si Sotto ay nagtatag ng isang grupo, na tinawag na Academia de la Lengua Bisaya, na tumutol sa paggamit ng wikang Ingles lalo na panitikan. (Ang pangalan ng grupong ito ay tilang muling binuhay sakasalukuyang grupong tinatawag na Akademiyang Bisaya.) Ang panahon ni Sotto ay bumuo ng maraming napakahusay na mga manunulat, tulad ng dakilang makata, si Vicente Ranudo, kung sino ay tinawag na Poet Laureate ng Panitikang Sebwano.

2.4 Ang Paglitaw ni Vicente Rama Noong dekada 1920s, si Vicente Rama ay lumitaw sa eksena. Itinayo niya ang limbagan, ang Bag-ong Kusog (Bagong Puwersa).Ang limbagang ito ay tilang isang pagbabagong buhay ng nakaraang puwersa. Ito ay sinabing nagyaman at nagpa-unlad sa wikang Sebwano bilang karapat-dapat para sa mga gawang panitikan. Mayroon ding limbagan, ang Babaye (Babae) at ang Nasud (Bansa); mayroon ding maikling-buhay na mga limbagan, ang Sugbuanon (Sebwano) at ang Lungsoranon (Bayan); (itong huling limbagan ay tilang muling binuhay sa kasalukuyang pahayagan ng Arkdiyosis ng Cebu, Ang Bag-ong Lungsoranon (Ang Bagong Bayan).

2.5 Ang Paglitaw ng Bisaya Magazine (1930-present) At nandito ang matagalang magasin ng wikang Sebwano, ang Bisaya magasin, kung saan ay, higit sa lahat, isang pampanitikang magasin. Ito ay itinatag noong taong 1930, sa pamamagitan ng isa pang dakilang makata na si Vicente Padriga, kung sino ay tinaguriang ―Prinsipe ng mga Makatang Sebwano‖ at ―Hari ng Panulaang Labanan sa Cebu.‖ Ngayon, ang Bisaya magasin ay ang nag-iisa lamang na nagtatalaga para 4


sa pagtataguyod ng panitikang Sebwano. Makikita ito sa bilang ng mga pahina na itinalaga sa gawang panitikan, tulad ng maikling kuwento, tula, at serye ng nobela. 2.6 Ang Pagtalakay sa Tatlong Panitikang Anyo Ang papel na ito ay nagbibigay din ng mas malaking pagtalakay sa tatlong panitikang anyo: ang tula, ang drama, at ang maikling kuwento at nobela. Itinuro nito ang realsimo, na nagsimulang lumitaw sa panahon ni Vicente Sotto. Sa panulaan, ito ay nagbabakas sa mga gawang mala-tula, mula sa panahon ni Ranudo, ang panahon ng ―klasiko at pormal‖, at tinaguriang ―Gintong Taon‖ bago ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, at patungong dekada 60, dekada 70, ang panahon na tinaguriang ―mula-sasariling modernong panulaan,‖ at hanggang ngayon. Ito ay nagsasalita tungkol sa kahirapan sa pag-angkop ng metrong Ingles sa wikang Sebwano, na nagreresulta sa pagtanggap ng malayang taludtod. Sadrama, noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, itinuro nito ang pagyabong ng linambay (isang drama ginamit ang taludtod, at ito ay naglarawan sa hindi pagkasundo ng Moro at Kristiyano), gaya ng gawa ni Emiliano Gabuya. Itinuro rin ang paglitaw ng secular na drama sa panahon ni Vicente Sotto, na makikita sa kanyang dula na pinamagatang,Ang Paghigugma sa Yutang Natawhan (Ang Pag-ibig sa Lupang Sinilangan), at ang paghina sa drama ng dumating ang teatro at radyo. Nabanggit din sa papel na itoang maikling kuwento at nobela. Itinuro nito ang unang maikling kuwento ni Vicente Sotto, na pinamagatang, Maming. Nailahad din sa papel na ito ang pagnanais ni Sotto na gisingin ang kanyang kapwa tao sa pamamagitan ng kanyang gawang panitikan. Dahil nito, si Sotto ay tinaguriang ―Ama ng Panitikang Sebawano.‖ Ipinakita rin nito ang paglitaw ni Marcel Navarra, kung sino ay nakilalang unang ―modernista at realista‖ sa Sebwanong piksiyon, at tinaguriang Guy de Maupassant ng panitikang Sebwano, at tinawag bilang 5


―Ama ng Modernong Sebawanong Panunulat.‖ Sinisipi sa papel na ito ang tinawag na ―stream of consciousness‖ na unang nakita sa gawa ni Godofredo Roperos. Sinisipi rin ang manunulat na si Gremer Chan Reyes, kung sino ay tinaguriang ―Ernest Hemingway‖ ng panitikang Sebwano. At sinisipi rin ang pagdating ni Ernesto Lariosa at Lamberto Ceballos sa panitikang Sebwano. Itong si Lariosa ay sinabing matagumpay na nagpapakita sa kahalagahan ng kapaligiran sa kanyang gawang panitikan, at naging Palanca awardee. Sa Mindanao, tatlong tanyag na mga manunulat sa wikang Sebwano ay nabanggit, sina, Saturnino Apoyon, Marcelo Geocallo, at Macario Tiu. Marami pang ibang mga manunulat ang nabanggit, isa nito ay ang bantog na nobelista na si Martin Abellana, kung saan ang Abellana National High School ay pinangalanan sa kanayang apelyido. Nabanggit rin ang mga babaeng manunulat, na sina Gardeopatra Quijano, kung sino ay tinaguriang ―Ina ng Babaeng Panitikang Sebwano, si Maria Kabigon, Hilda Montaire,at Fe Remotigue. Nadoon din sa listahan ang dalawang bilingguwal na mga manunulat, sina Estrella Alfon at Lina Espina Moore. Subalit, itong si Alfon ay naging mas popular dahil sa kanyang kontrobersiyal na gawa, Fairy Tale for the City (Engkantong Kuwento para sa Lungsod), kung saan ay sinabing nagkaroon ng malalaswang mga pagpapahayag. Tilang may iilang mga manunulat na napapansin at nagiging popular dahil sa kanilang ―pornographic‖ o malalaswa na tema.

2.7 Mga Samahan sa Panitikang Sebwano Mayroong mga samahan nanabanggit sa ating tagapagsalita. Itoay ang mga sumusunod: BATHALAD, WILA, NOMADS, TINTA, at MAD. Subalit, may isa pang samahan na hindi nakilala sa akademiya, ang DAGANG FOUNDATION INC. kung saan, sa kasalukoyan, ako ay naglilingkod bilang sekretaryo. 6


2.8 Ang Kahalagahan sa Papel Sa kabuoan, ang papel na ito ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na dahilan: ito ay nagbagkas sa kasaysayan sa pag-unlad ng panitikang Sebwano, mula sa pre-kolonyal na panahon, sa panahon ng Espanyol, sa panahon ng Amerikano, sa panahon ng pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, at hanggang sa ating panahon ngayon; at ito ay isang mabuting gabay sa mga guro, mag-aaral, at manunulat na gustong mananaliksik sa paksang panitikang Sebwano. Ang papel na ito ay karapatdapat na ilathala. Ito ay kailangang isalin sa wikang Cebuano at ilathala sa Bisaya magasin.

III – ILANG MGA PUNA SA ILANG MGA PUNTO Mayroong ilang mga punto sa papel na ito na nais kung pagtuonan ng pansin. 3.1 Mga Puna nga Nakatumbok sa mga Maikling Kuwento at Tula Unang-una, nais kong magbigay ng ilang mga salita tungkol sa uri ng panunulat sa panahon ni Vicente Rama. Ayon sa inilahad ni Binibining Rama, ―noong 1920, maraming mga peryudiko ang nagsipagsulputan at ito ay may malaking papel sa pag-unlad ng ating Sebwanong panitikan, mas lalo na sa uring tula at maikling kwuento.‖ Dito, makikita natin na noon pa lang 1920, ang tula at maikling kwento ay ang mga uri ng pagsusulat na pinagtuonan ng pansin ng mga malikhaing manunulat. Hanggang ngayon, ganito pa rin ang nagyayari; karamihan sa mga nailathala ng mga pahayagan sa wikang Sebwano ay ang maikling kwento at tula. Ang ibang mga anyo ng panitikan ay parang naiisantabi, lalo na ang sanaysay. 7


Makikita ito sa mga limbagan ngayon na naglalathala sa mga Sebwanong sulating. Halimbawa, karamihan sa mga gawang nailathala sa Bisaya magasin ay mga maikling kuwento at mga tula. Subalit, mayroong iilang seniseryeng mga nobela, tulad ng gawa ni Junne Cañizares at Gremer Chan Reyes. Pero, sa pangkalahatan, lumilitaw na parang ibinuhos ng mga manunulat ang kanilang lakas sa paggawa ng mga tula at maikling kuwento. Isa pang halimbawa ay ang mga Sebwanong tabloid, tulad ng Banat News at Superbalita. Karamihan sa mga panitikang sulating na nailathala ay mga maikli-maikling kuwento (short-short stories) o (Sugilagming sa Cebuano), na may haba na isa ug dalawang pahina lamang. Meron ding mga tula na nailathala. Ang pangyayaring ito ay maiintindihan natin dahil ang mga tabloid na ito ay inilaan para sa pag-uulat ng mga balita. Ngunit ang mga tabloid ay naglaan ng maliit naespasyo para sa mga gawang panitikan. Ang espasyong ito ay tamang-tama para sa maikli-maikling kuwento at tula. Tiyak ako na ang mga pahayagang ito ay hindi tumatanggap ng mga mahabang gawang panitikan, tulad ng three-act play, nobela, at mahabang maikling kuwento. Maaring magtataka tayo kung bakit umiiral ang pangyayaring ito. Bakit karamihan sa mga manunulat nagpopokus sa maikling kuwento at (lirikong) tula bilang panitikang paksa? Maaaring ang mga tugon sakatanongang ito ay ang mga sumusunod: 1) Una, karamihan, kundi lahat, sa mga pampanitikang manunulat ay hindi namumuhay sa pamamagitan ng panunulat. Natandaan ko pa ang aking tagapagturo, na nagsabi sa akin noong bata pa ako, na―mga pampanitikang manunulat ay mamatay sa daluyan ng tubig‖ (―Literary writers die in a gutter‖). At ito ay totoo sa lugar nating ito, maliban na lamang kung magiging katulad tayo sa New York City, kung saan ang mga 8


gawang panitikan ay maiibenta, at kaya ang mga manunulat ay namumuhay sa ganitong paraan. Sa ating bansa ang mga manunulat ay unang naaabala sapamumuhay. Ang panitikang panunulat ay pangalawa lamang na alintana. Kaya ang mga manunulat sa kanilang malimit na panahon dumulog lamang sa mga maikling gawang panitikan, tulad nga maikling kuwento (o maikli-maikling kuwento) at mga lirikong tula. Maliban sa iba na ang kanilang panitikang diwa ay mainit na mainit; hindi nila mapipigilan ang pagbuhos ng kanilang malikhaing pagpapahayag, kahit sa kalagitnaan o sa buong magdamag, tulad ni Temistocles Adlawan. Dagdag pa nito, ang tagapagsalita ay nagsabi na ―hanggang ngayon, ang Sebwanong panitikan ay palaging nakadepende sa pahayagan o magasin.‖ Totoo ito, dahilkung kayo ay maglathala ng isang aklat o koleksiyon ng mga gawang panitikan sa wikang Sebawano, iilan lang ang bumibili nito, at maaring kahit isa walang bumibili. 2)Pangalawa, ilan sa mga manunulat ay gustong kumita ng kuntipara madagdagan ang kanilang pera. Sila ay sumusulat ng maikli-maikling kuwento at maikling lirikong tula para sa mga tabloids. Ang mga ganitong panunulat ay masmadaling gawin at mapagkakitaan. Minsan o kadalasan ang panunulat sa panitikang sining ay nagkaroon ng diwa ng komersiyalismo. Ang resulta nito ay karamihan sa gawa ng sining ay sinusulat para sa pag-aaliw ng mga mambabasa. Dahil nito, hindi nabigyan ng mas mabigat na kahalagahan ang panitikang sining. Totoo, na sa isang aspeto ang panitikang sining ay nag-aaliw ng mga tao. Winika niHorace (dakilang Romanong makata), ―literature is dulce et utile‖ o ang panitikan ay nag-aaliw at nagtuturo. Ang kabuoang kahalagahan ng panitikan ay nakaugat sa mga itiniturong pangaral nito sa buhay moralidad, buhay espiritu, at buhay emosyonal ng tao.

3.2 Pangkomunikasyong Aspeto ng Tula 9


Sinabi ng tagapagsalita na, ―sa kasalukuyan, malaking halaga ang ipinatong sa pangkomunikasyong aspeto sa tula.Ang tula ay binibigkas upang makagawa ng epekto, ‗magpaliwanag‘ ng sitwasyon, o mag-ayos ng diwa at damdamin.‖ Dito, sinabi na ang tula ay mayroong pangkomunikasyong aspeto. At ito ay tama. Ang tula ay hindi isang bugtong; ito ay isang pagpapahayag sa katotohahan. Ang makata ay hindiisang manlilikha ng palaisipan para lutasin ng mambabasa; kung hindi, gagawin niyang malinaw ang ibig niyang sabihin, upang matupad ang pangkomunikasyong aspeto ng panulaan. Ang makata ay hindi tagapagkanlong ng katotohanan, kundi siya ay isang tagapagpahayag ng katotohanan sa artistikong paraan. Gawin niyang malinaw ang mga bagay; pindutin niya ang pantaong diwa. Ang layunin ng panulaan ay malinaw na naipahayag sa gawa ni Vicente Ranudo, kung sino ay tinaguriang Poet Laureate ng Panitikang Sebwano, at kanyang mga tagasunod, tulad ni Vicente Padriga, kung sino ay tinaguriang Prinsipe ng mga Sebwanong Makata at Hari ng Panulaang Labanan ng Cebu. Binasa ko ang gawa ni Ranudo, na pinamagatang, Hikalimtan! (Nakalimutan?)(1906) at ang gawa ni Padriga, na pinamagatang, Kagawasan(Kalayaan). Ang tula ni Ranudo, bagama‘t pinamagatang Hikalimtan?(Nakalimutan?)ay hindi maaaring makalimutan. Ito ay isang napakahusay na tula ng pag-ibig. Ayon sa mga kritiko, ito ay naging ―modelo ng pansukat na katiyakan at timbang na kaayusan.‖ Ang wika ay malinaw; ang mensahe ay malinaw at mala-tula. Ito ay kumakalabit sa kuwerdas ng pantaong diwa. Ito ay malinaw na nakikipanayam. Ito ay isang magandang halimbawa, kungano ang ibig sabihin ng pangkomuniskayong aspeto ng panulaan.Ang ganitong uri ng panulaan ay hindi kumukupas. Ang tula ni Padriga, Kagawasan (Kalayaan) ay isa ring dakilang tula. Ito ay nagdiriwang sa pagsasarili na natamo ng mga Filipino. Ito ay naghihikayatsa mga tao na magbibigay pugay sa ating mga ninuno, bilang kabayaran ng kalayaang natamo. At ito ay naghihikayat sa mga tao na 10


pananatilihin at ipagtanggol ang kalayaan na binubuhosan ng dugo ngating mga ninuno. Gaya ng tula ni Ranudo, ang wika at mensahe nito ay malinaw at ito ay mala-tula. Ito ay kumakalabit sa kuwerdas ng pantaong diwa. Ito ay malinaw na nakikipag-usap. Ito ay isa pang magandang halimbawa, kung ano ang ibig sabihin ng pangkomuniskayong aspeto ng panulaan. Itonguri ng panulaan ay tunay na panghabangbuhay. Gayunman, sa panulaang Sebwano ngayon, mayroong lumitaw na mga tula na sumusunod sa tinaguriang surrealismo o impresionismo. Tungkolsa surrealismo, ito ay sinabing nagkaroon ng ―disdain for literal meanings given to objects and focused rather on the undertones, the poetic undercurrents present‖ and it holds the "psychic automatism in its pure state, by which one proposes to express — verbally, by means of the written word, or in any other manner — the actual functioning of thought. Dictated by the thought, in the absence of any control exercised by reason, exempt from any aesthetic or moral concern" (Breton, Surrealist manifesto).

Tungkol sa impressionismo, ito ay sinabi na ―they use a narrative style that is intentionally ambiguous, placing more responsibility on the reader to form his or her own conclusions about events within the novel [or literature in general], rather than relying on the narrator‖ (http://www.mrssuevaughn.com/page/page/3921475.htm).

Hindi ko susuriin ang pahayag na ito, pero nais kongsasabihin na ang mga pilosopiyang ito na ginagamit sa panitikan ay nagbubunga ng isang uri ng panulaan, na mayanyong nakakaiba para sa karaniwang mambabasa. Halimbawa, ang mga impressionistang makata ay sinasadya nilang hindi maliwanag ang kanilang mga salita. Hindi maiintindihan ng mga mambabasa kong anong ibig sabihin ng makata. Kailangan pa nilang humahanap ng isang kritiko na siyang magpapaliwanag sa kanila kong anong ibig sabihin ng tula. Ang mgakaraniwang mambabasa ay hindi makapagbigay ng pagpapahalaga sa ganitong klaseng mga tula. Maaaring sulok ang hahantungan sa mga tulang ito.Ang surrealismo at impressionismong panulaan ay naging eksklusibo sa mga makata, sa maaring maging makata, at ilang mga kritko. 11


Ang karaniwang mambabasa at ang tula ay magkakahiwalay sa isa‘t isa. Ang mga mambabasa ay hindi nakakapasok sa daigdig ng mga tulang ito. Ang mga tulang ito ay hindi nakapag-aabot sa kanilang mga mensahe doon sa mga mambabasa. At ito ay ang isang posibleng dahilankung bakit kukunti na lang ang mga taong gusto at ibig bumabasa ng panulaan. Sa katunayan, may ilang mga tao na nagsasabi, na sila ay humihinto na sa pagbabasa ng tula dahil hindi nila maintindihan kong anong ibig sabihin ng makata. (Ito ay malinaw na sumasangguni sa surrealismo at impressionismong panulaan.) Sa uri ng panulaang ito, ang pangkomunikasyongaspeto ng tula ay nawawasak. Ang mga panulaang ito ay parang nagbibigay ng bugtong sa mga mambabasa na kailangan nilang sasagutin. Kong hindi nila mahuhulaan ang sagot nito, walang bisa at halaga ang tulang ito sa kanilang buhay. Ang tula ay nagiging isang nakalimutang gawaat may mabisa lamang sa makata, sa maaring maging makata, at ilang mga kritiko. At ngayon, mayroong mga makatang umuusbong sa panitikang Sebwano. Sila ay tilang sumusunod samga pilosopiyang ito na hindi man lamang naitanong kong anong mga katangian nito at anu-ano kaya ang mga epekto nito epekto sa gawa ng sining na tinatawag na panulaan. May isangmagasin nanagtataguyod ng isang uri ng panulaan na may estilong impressionismo. Alam kaya ng mga tagapamahala at mga manunulat ng magasing ito kongano ang maidudulot nito sa panitikan? Ito ba ay isang nag-aalaga, nag-iingat, at nagpapahalaga sa ating panulaan? O ito bay naghahasik ng lagim para mawawasak ang panulaan? Kaya, kung ano ang sinabi ng ating tagapagsalita tungkol sa pangkomunikasyong aspeto ng panulaan, ito ay totoo sa panahon ni Ranudo,Padriga, at ang iba pa na kung saan ang kanilang mga gawa ay walang duda na nananatiling epektibo hanggang ngayon. Ang kanilang mga tula ay nananatiling buhay at mananatiling buhay sa mga taong dadating. 12


Pero ito ay hindi tutuo sa surrealismo at impressionismong panulaan ngayon, kung saan ito ay gaya ng tinatawag nga mga Sebwano na ―ningas kugon‖ (ibig sabihin, cogon grass flares up a little while and then dies). Itong uri ng panulaan ay inilathala ngayon pero mamamatay ito sa maulap na silid sa ilalim ng lupa at pagkatapos makalimutan sa pagrating ng ilang araw. Bilang tugon sa uri ng panulaang ito, nais kong buhayin muli ang tinatawag kong Ranudian tradition. Ang layunin nito ay ang pagpapalapitmuli sa panulaan sa tao at ang pagpapalit muli sa tao sa panulaan.

3.3 Tungkol Wikang Sebwano at Panulaan Isa pang punto na nais kong pagbigyang diin ay ang tungkol sa wikang Sebwano at panulaan. Ayon sa ating tagapagsalita, ―sa pagtuklas na ang metro ng Ingles ay mahirap na gamitin sa ating wika, lumabas ang malayang taludtod na nanaig hanggang ngayon. Tinawag itong ―modernong‖ tula ng nakararami subalit yugto ng eksperemento lang sa palagay ng iba. Dahil sa kawalan ng isang sapat na kaalaman na maibabagay sa bersipikasyong Sebwano ay napilitang dumulog ang ating mga makata sa libreng taludturan.‖

Ito ay totoo na ang metrong Ingles, tulad ng iambic meter, ay mahirap, o hindi nauukol sa Sebwanong panulaan. Ang dahilan nito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng wikang Ingles at wikang Sebwano. Habang ang wikang Ingles ay isang impleksiyonal sa kanyang likas na katangian, ang wikang Sebwano ay isang aglutinatibo sa kanyang likas na katangian. Kaya, bilang aglutinatibong wika, ang Sebwanong mga salita, pagkatapos ng aglutinasyon, nagkaroon ng maraming pantig saloob ng isang salita. At, bilang may maraming pantig, ang Sebwanong mga salita ay mahirap itakda sa metrikong huwaran, tulad ng iambic meter at iba pa, sa wikang Ingles.

13


Ngayon, ang tinaguriang malayang taludtod ay mayroong dalawang aspeto sa kanyang pagiging malaya. Ito ay malaya sa mga tuntunin ng sinukat na linya at malaya sa mga tuntunin ng rima. Una, sa mga tuntunin ng sinukat na linya, mahirap talagang susukatin ang mga Sebwanong salita, di katulad ng regular na metro ng wikang Ingles. Subalit, ang wikang Sebwano ay maaaring gagawing suwabe ang mga linya ng tula. Sa Sebwano, maaring lumikha ng mgalinya ngtula ng kung babasahin at bibigkasin ay suwabeng pakingggan. Ito ay ating matutunghayan sa tula ni Ranudo. Sa katunayan, nabigkas ko na ito noong nakarang mga minuto, na ang kanyang tulang pinamamagatangHikalimtan?(1906) ay nagiging ―modelo ng metrikong katiyakan at timbang na kaayusan.‖ Kaya, bagamat ang Sebwanong mga salita, sa mahigpit na pananalita,ay hindi maaring maiaakma sa metrikong huwaran sa wikang Ingles,ngunit maaari pa rin itong gagawingsuwabengritmong mga linya ng panulaan, tulad ng ginawa ni Ranudo. Ikalawa, sa mga tuntunin ng tungkol sa ritmo, ang wikang Sebwano ay maaring gawan ng ritmo. Sa muli, ang tula ni Ranudo ay ang siyang nagpapatunay nito. Ang mga linya ni Ranudo ay linikha sa napakanatural na ritmong ―pattern‖; hindi ito sapilitang nilagyan ng ritmong ―pattern‖. Para sa akin, hindi sapat na dahilan na ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa wikang Sebwanoay ang siyang idahilan kong bakitang mga makata ay dumulog sa malayang taludtod ng panulaan.‖ May kilala akong isang manunula dito sa Cebu. Ayon sa kanya, mahirap ang pagsulat ng isang tula kong may dalawa kang titingnan: ang idea at ang metro at rima. Mahirap talagang magkaroonng momentum sa pagpapahayag sa ating mala-tulang diwa. Pero sa malayang taludtod, sabi niya, madali lang ang pagkakaroon ng momentum dahil hindi tayo nagmamasid sa metro at sa rima. Madaling ipapahayag ang ating mga ideya at damdamin kong walang alalahaning metro at rima. Ang tugon labansa ganitong opinion ay ang wikang Sebwano hindi mahirap gamitin sa paglikha ng metrikong panulaan. Ang wikang Sebwano 14


ay hindi hadlang sa pagsusulat ng metrikong panulaan. Bilang katunayan nito ay ang mga bantog na tula nina Ranudo at Padriga.

IV – Ang Sanaysay sa Panitikang Sebwano Ang ating tagapagsalita ay nagtalakay sa mga panitikang anyo tulad ng tula, drama, maikling kwento, at nobela. Pero hindi niya itinalakay ang isa pang panitikang anyo, ang Sanaysay.Sa palagay ko, ito ay dahil sa walang nailathala na aklat, o isang koleksyon tungkol sa mga sanaysay. Ang Sanaysay ay nagmula kay Michel de Montaigne; inilathala niya ang kanyang Essaisnoong 1580. ―The word essay derives from the French infinitive essayer, "to try" or "to attempt". In English, essay first meant "a trial" or "an attempt", and this is still an alternative meaning. The Frenchman Michel de Montaigne (1533–1592) was the first author to describe his work as essays; he used the term to characterize these as "attempts" to put his thoughts into writing….‖

Ngayon, gaya ng nabanggit sa itaas, noon pa lang 1920s, sa panahon ni Vicente Rama, ang pinagtuonan ng pansin ng mga manunulat ay ang mga tula at maikling kwento. Hanggang ngayon, ito pa rin.Sa ngayon, karamihan sa lumalabas sa mga pahayagan o magasin ay ang tula at maikling kwento. Ang Sanaysay, bilang panitikang anyo, ay malinaw na naisasantabi. Karamihan sa ating mga manunulat sawikang Sebwano ay hindi hilig sa Sanaysay. Hindi ito nagagalugad ng marami. Mayroon akong kaibigang manunulat dito sa Cebu. Tinatanong ko siya kung bakit ang mga manunulat ay hindi sumusulat ng sanaysay bilang panitikang anyo. Ayon sa kanya, ito‘y dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman kung paano ito susulatin. Parang hindi nila nakilala ang kaibahan nito sa tinatawag na feature article.

15


Sa mga manunulat sa panitikang Sebawano, mayroong ilang mga mananaysay. Pero, sila ay nakilala bilang mga mananalaysay, hindi bilang mga mananaysay. Si Vicente Padriga ay nakilala bilang manunula, pero isa rin siyang mahusaya na mananaysay. Ngayon, nandito, ang isa sa mga kampeon ng wika na binigyan ng paggawad kaninang umaga, si Cesar Kilaton Jr. Siya ay isa ring mananaysay. Sana, gagalugarin ang anyongpanitikang ito sa mga manunulat na Sebawano, para sa gayun ito ay mapauunlad.

V – Mga Mungkahi Ngayon, nais kong gumawa ng ilang mga mungkahi: 1) na magkaroon ng isa o higit pang mga magasing limbagan dito sa Cebu, o sa ibang bahagi ng Bisayas kung saan ang wikang Sebwano ay sinasalita. 2) na magkaroon ng isang journal na tanging ilalaan lamang para sa panitikang Sebwano at wikang Sebwano. 3) pananaliksik sa panitikang Sebwano at wikang Sebwano ay kailangang itataguyod at hihikayatin. 4) na magkaroon ng pagpopondo para sa publikasyon sa panitikang Sebwano at wikang Sebwano. Haayon po akong tapusin ito sa pamamagitan ng pagsipi sa sinabi ng isang propesor ng panitikan tungkol sa panitikang Sebwano. Sabi niya: ―Panahon na, na ang kasaysayan ng Panitikang Sebwano ay dapat basahin sa kasalukuyan at sa hinaharap na mga henerasyon, para magiging may kamalayan sila tungkol sa kanilang mga ugat, at humanga kundi magpapahalaga sa mga gawang panitikan ng kanilang mga ninunong Sebwano.‖ 16


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.