VIM NADERA Propesor III, CulEd 205
CulEd 205
PhilArts Compilation of Written Outputs and Activities
TABLE OF CONTENTS CONTENT TITLE
PAGE
Cover Page …………………………………………………………………………
i
Table of Contents …………………………………………………………………
ii
Compilation of Activities ………………………………………………………… Katutubong Tula
1
Pagsusuri sa Tula
11
Parodiya
33
Awit at Korido
47
Pananaliksik
65
Tula
68
Talambuhay
95
Dagli
143
Repleksyon
160
Monologo
190
Elemento ng Dula at Kwento
249
Paliwanag sa Nais na Dula
252
Short Film
273
Pagsusuri sa Pelikula 1
284
Pagsusuri sa Pelikula 2
320
Pagninilay sa Gintong-Aral
360
Journal
416
ii
UNANG ARAW (Mayo 11) Gawain 1 (Katutubong Tula) Panuto: Sumulat ng tula tungkol sa napili ninyong bayani gamit ang isang uri ng katutubong uri ng tula: a) tanaga (apat na linyang agkakatugma/pitong pantig); b) diona (tatlong linyang magkakatugma/ pitong pantig); o c) dalit (apat na linyang magkakatugma/ walong pantig)
“TANDANG SORA� -tanaga
Ina ng Katipunan Ikaw ay na bansagan. Era ng himagsikan, Kinalong mo ang bayan.
SI PULE Utak ng rebolusyon Talino ang pundasyon Bayaning inspirasyon
Noon, bukas at ngayon
1
JOSE RIZAL Romilyn M. Brual
Kulay ay kayumanggi Tunay siyang bayani Dangal ng ating lipi Walang makagagapi *** PLUMANG SANDATA Pluma mo ang sandata Sa labang walang saya Upang ang iyong bayan Asam ang kalayaan ***
Tanaga Paglisan Ikaw man ay lumisan Dito sa ating bayan Dala mo ay pangalan Nang lupang kinagisnan. Diona Tanyag Ikaw nga Fe del Mundo Dahil sa’yong imbento Naging tanyag sa mundo. Dalit
Incubator “Incubator” mong imbento Bata maliligtas dito Mga magulang sa mundo Nagpapasalamat sa’yo
2
GABRIELA SILANG Sa paglaba’y nanguna, Tabak kanyang sandata, Modernang Pilipina, Tumayo, lumaban ka! ***
*** Bayani 1 [Hen. Manuel Tinio (Bayani ng Nueva Ecija)] TANAGA
DALIT
Magiting kung kilanlin,
Anak ng Novo Ecija,
Tinyong bayani mandin,
Itinigis kanyang luha,
Tapang ay sinalamin,
Upang laya ay makuha
Dakila sya’t gayundin.
Biyaya sa mga dukha.
DIONA Halimbawa’t huwaran. Dakilang katapangan, Manuel Tinio ang ngalan.
Bayani 2 [Don Pedro Madrigal (Bayani ng Marinduque)] TANAGA
DALIT
Maharlikang bayani
Bida siya ng digmaan,
Baya’y itinatangi,
Gamit kanyang karunungan,
Dangal kanyang inani,
Bayani ng lalawigan,
Don Pedro mandin ngani.
Don Pedro ang kanyang ngalan.
DIONA Ambag sa kasaysayan, Moog ng lalawigan, Kadakilaa’y tangan.
3
Diona ni Rizal ‘ Talino niyang taglay Kinikilalang husay Buhay niya’y inialay’ ***
*** SI TEODORA Dakila’t maimpluwensya Pangalan ay Teodora Guro at inspirasyon pa Bayani syang talaga *** SI BONIFACIO AT AKO Itong si Bonifacio, pintay ng Magdalo. Kap’wa ko Pilipino, Humatol sa Supremo.
4
GABRIELA Bayani kang maybahay Inialay ang buhay Sa bayang minamahal Gabriella ang ‘yong ngalan ***
*** SI PLARIDEL NGAYON Pagdampi ng ‘yong tinta Hinubog ‘yong ideya, Tinig ang bawat letra. (Plaridel, ang sambit ko, Plaridel, ang bulong ko, Plaridel, makatao.) Ang makapangyarihan, Ikaw, di ang kalaban, Nakikinig ang bayan. Plaridel, ang sambit ko! Plaridel, ang sigaw ko! Plaridel, makatao! ***
5
*** SI RIZAL ANG BAYANI Kilalang Dimasalang Kung minsa’y Laong Laan Lumaban sa Dayuhan Pinalaya ang Bayan *** TANDANG SORA Inang mapagkalinga, Bayan ay inaruga, Buhay man ay mawala Para lamang lumaya *** KARANGALAN NG ISANG GAMO-GAMO (Dalit) Nasunog ang gamo-gamo ‘sang idlap ay naging abo Hindi ang mithiin nito Ningas ay tayo, Pil’pino ***
6
KATUTUBONG URI NG TULA Plaridel kung tawagin sya Dakilang Propagandista Dyaryong Tagalog ay kanya Laban para sa reporma *** MALUWALHATING HUNYO Niluwal ang ‘sang Indio Kasabay ng pag-samo Kalayaan ng tao *** SI GABRIELA AT SI INA Tapang mo’y pambihira, Sadyang nakakahanga Handang makipaglaban Kanan man o kaliwa ***
7
*** 8
Matapang na Gabriela Siya noo'y nakibaka Masidhing layunin niya Ay ang baya'y mapalaya *** SUPREMO Supremo ‘sang karangalan Ika’y aking kababayan Ang handog mong katapangan ‘Di namin malilimutan *** BAYANI Si Mabini ay isipin Isang bayaning magiting Atin nang alalhanin Ambag nya sa bayan natin. *** SI DR. JOSE RIZAL AT AKO Bayaning idolo ng kabataan Ika’y nagsilbi sa’ting bayan Isang pagpupugay oh, sa’yo Idol Kabataan ang pag asa ng ating Bayan ***
9
“PEPE” BUHAY MO’Y INIALAY IKA’Y HUWARANG TUNAY. KABAYANIHANG TAGLAY, TUNAY NA NANALAYTAY. *** Bayani ng Bulakan, Sa siniil na angkan, Tagatangol ng bayan Gregorio ang pangalan.
Isa siyang mensahero, Hanggang nagging sundalo Tanggol ni Aguinaldo. Aking iniidolo. ***
DR. JOSE P. RIZAL Rizal taong mahusay May kabutihang taglay Inialay ang buhay *** GABRIELA SILANG Gabriela iyong ngalan Dangal ng kababaihan Katapangan iyong taglay Kahit buhay inialay ***
10
UNANG ARAW (Mayo 11) Gawain 2 (Pagsusuri sa Tula) Panuto: Basahin ang tula ni Bea Alonzo tungkol sa para sa ABS-CBN. Suriin ang anyo at nilalaman nito batay sa inyong alam sa malayang taludturan o di kaya'y spoken word. ***
“PAGBABAGO” Walang permanente sa mundo Kaya’t wag makampante, O kaibigan ko Pagkat sa buhay laging may pagbabago Hindi dahil hawak mo’y, siguradong sayo na’to. Ang buhay nga ay tila isang roleta Laging kalakip nito ang luha at ligaya Kung paano mo harapin, iyon ang mahalaga Ugaliing magpasalamat, nasa itaas man o ibaba. Kay hirap talikdan kung ano ang nakasanayan Mahirap humakbang na di mo alam ang pupuntahan Hinubog kang matatag, yan lagi ang pakatandaan Andiyan ang Diyos, di ka pababayaan. Miss Bea Alonzo, taas kamay… ako sayo’y saludo Sa kabila ng kinakaharap mas pinipiling maging positibo Di ginagamit ang katanyagan upang tuligsain ang gobyerno Kaya’t walang duda, maraming tao sa iyo’y umiidolo. Aming aabangan ang inyong pagbangon Magiging maayos muli ang lahat, sa takdang panahon Di man natin maipaliwanag kung ano ang naging rason Yan ang halaga ng buhay, parating may hamon. 11
Pagsusuri sa Tula ni Bea Alonzo Para sa ABS-CBN Isa sa maiinit na topiko sa ating bansa ngayon ay ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN. Marami ang umalma at nagalit sa hakbang na ito gobyerno. Ngunit sa kabilang banda ay marami din ang natuwa. may kanya-kanya tayong pananaw at saloobin sa bagay na ito. Iba iba din ang paraan na nagsisilbing daluyan sa pagpapaabot ng kanilang hinaing. Isa na rito ang aktres na si Bea Alonzo na kung saan, ipinarating niya sa madla ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng malayang taludturang uri ng tula o kilala sa tawag na “free verse poetry�. Ang tulang isinulat ng aktres na si Bea Alonzo ay tulang puno ng sakit, paghati at lungkot. Maingat ang pagpili ng mga ginamit na salita, madaling maintindihan ngunit malalim ang pinagmulan. Mararamdaman din ang nais ipahiwatig ng aktres para sa mga nakikinig at mambabasa tungkol sa kaniyang pagmamahal para sa estasyong nagsilbing tahahan niya sa loob ng mahigit dalawang dekada. Walang anumang sukat ang bawat taludtod sa saknong ngunit ang mga huling salita ay magkakatunog. Ang paksa naman ng kaniyang akda ay angkop sa gustong ibigay na emosyon sa nagbabasa at nakikinig. Kahit na ito ay malayang taludturan, hindi nawala ang kariktan sa bawat salitang nakasulat sa bawat linya. Masasabi natin na pinagisipan ng may-akda ang mga salitang inilagay niya dito. Ang tulang naisulat ng aktres ay isang halimbawa na hindi natin kailangan ng magulo at bayolenteng reaksyon upang maibatid natin ang ating damdamin. Bukod sa maaari kang makahikayat ng mga indibidwal na gumawa ng ganoong uri ng literatura, nakadagdag ka pa upang magising ang kamalayan ng mga kabataan na nakakaligtaan na ang ganda at halaga ng ating literatura dahil sa makabagong gadyet at panahon. Ang tula ding ito ay isang obra na tila isang litratong nagsasalita, na ipininapakita ang nakatagong imahe sa bawat salitang nakapaloob rito. *** Ang tulang binuo ng artistang si Bea Alonzo ay maihahalintulad sa isang makabagong tula na tinatawag ding spoken word poetry. Malaya ang mga taludturan, walang sukat at walang eksaktong bilang. Gayunpaman ay malaya niyang nailahad ang kuwento ng kaniyang buhay sa isang malikhain at mapanghamong kaayusan ng isang tula. Binigyan niya ang mga tagapakinig ng pagkakataong makagawa ng imahe ng kaniyang emosyon at nararamdaman sa kanilang mga isipan. Naging mabisa ang kaniyang paggamit ng mga salita upang mahikayat ang ibang tao na pumanig at maniwala sa kaniyang pinaninindigan. Bagamat nakatago sa mga matalinhagang persona at paulit ulit na salita ang ilan sa mga kuwento na kaniyang nais iparating, hindi ito naging hadlang upang pakinggan hanggang dulo ang kaniyang akda. 12
Masasabing mahusay at matalino ang pagkakabuo ng kaisipan ng tula.Ang ganitong uri ng tula ay may kakayahang magbigay ng impluwensiya sa mas malawak na bilang ng tagapakinig sapagkat kaya nitong abutin maging ang mga kabataang nalalayo na sa paniniwala sa makalumang uri ng tula. *** Ang spoken poetry na pinamagatang "Muli" ng isa sa tanyag na aktres ng naging matunog na estasyon sa kasalukuyan ay isang napakagandang obra na kung saan ay nagpapakita ng buhay ng tao na may pagbagsak at tagumpay. Sa una ay isinalaysay ang isang eroplanong papel na kung saan ay kumakatawan uri ng tao. Mahina, madaling maligaw ngunit may ambusyon at humaharap sa daloy ng pagkakataon. Bilang isang taong may ambisyon masarap mangarap masarap gumising sa isang umaga na natupad mo na ang iyong mga naisin sa buhay. May magandang karera may magandang tirahan may mga sasakyan may mabuting pamilya maraming pera iginagalang sa lipunan at may negosyo pa. Ngunit kasabay ng ating mga mabubuting pangarap ang bangis ng isang malupit na pag-bagsak. "Paulit-ulit, uulit-ulit tumitiklop ng paulit -ulit tinitiklop ng paulit-ulit." Napakalalim na talinhagang kung saan ay paulit-ulit na nagpapaliwanag ng buhay ng tao. Na ang buhay natin dito sa mundo ay isang pag-daan ng paulit ulit. Ngunit sa pag-ikot ng pagikot ay may "aral" aral na kung saan ay may pag-asa. Pag-asang muling makakabangon sa pagka-lugmok at pag-asang mag-mahal lalo't higit ang sarili. *** Ang ginawang tula ni Bea Alonzo tungkol sa pagsasara ng pag-ere ng ABS CBN ay isang isang halimbawa ng malayang taludturan. Nilalaman ng tula ay ang kanyang mga naging karanasan sa dalawang dekada niyang pagtatrabaho sa ilalim ng kapamilya network. Ibinahagi niya sa kanyang tula kung paano siya nagsimula bilang artista at kung paano siya hinubog ng mga naging kasalamuha/kasama niyang tao sa ABS CBN. Kanya ding ipinahatid sa kanyang tula kung paano siya inakay at ginabayan ng mga tao sa ABS CBN sa oras ng siya ay nasa ng pighati at kalungkutan, sa mga panahong kailangan niya ng ilaw na natatanglaw at mga kamay na aakay. Sa huli, ipinababatid ng kanyang tula na ang mundo ay sadyang umiikot o parang isang roleta na minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ibaba. Gumamit si Bea Alonzo ng malayang taludturan upang maipahayag niya ang kanyang masidhing damdamin sa pagsasara ng ABS CBN. Malaya niyang naiparating ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng ganitong uri ng tula sapagkat hindi niya kailangang sumunod sa bilang ng pantig o tugma ang kanyang tula. Hindi na niya kinailangan pang isipin ang pagkakatugma ng bawat salitang kanyang ilalagay sa tula dahil sa ito nga ay malayang taludturan. Subalit naging kaakit 13
akit ang kanyang tula dahil sa pagamit niya ng malalalim at matatalinhagang mga pahayag. Ang kanyang damdamin na nagmula sa kanyang puso at isipan bugso sa pagsasara ng ABS CBN na kung saan siya kabilang ay malaya niyang naiparating sa pamamagitan ng kanyang tula. *** Ang likhang tula ni Bea Alonzo patungkol sa pagsasara ng istasyong ABS-CBN ay may malayang taludturan. Ito ay walang sinusunod na bilang ng pantig, walang sukat at tugma at hindi rin kinakailangang magkasintunog ang mga salita sa hulihan ng bawat saknong. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng isang masidhing damdamin mula sa puso, isip at mayamang imahinasyon. Masasabi kong napakaganda at malikhain ang tulang kanyang ginawa. Matagumpay niyang nailahad ang kanyang saloobin at damdamin sa biglaan at hindi inaasahang pangyayari sa istasyong kanyang kinalakihan at itinuring na niyang tahanan. Tulad ng linya sa tula, hindi iyon isang pagpuna, hindi isang reklamo bagkus ay pagbabalik tanaw sa kanyang dalawang dekadang buhay sa Kapamilya network. Para sa kanya ang istasyon ay hindi lamang nagsilbing lugar kung saan siya nagtatrabaho bagkus malaki ang naging gampanin nito sa paghubog ng kanyang pagkatao bilang artista at isang indibidwal. Kanyang inihalintulad ang sarili sa isang musmos na walang alam sa kanyang pagsisimula sa industriyang pinangarap lamang niya noon. Mula doon ay ibinahagi niya ang kanyang pagkapit sa pag-asa na muling magbubukas ang istasyon sa mga darating na araw bagamat walang sinuman ang nakakaalam kung kailan ito magaganap. *** Noon pa ma’y mayroon ng kaligiran si Bea Alonzo pagdating sa panulaan. Nababasa ko ang ilang niyang mga tula sa kanyang mga social media accounts. Di makakaila ang kasanayan ni Bea Alonzo nang kanyang ilabas ang kanyang spoken word poetry para sa kanyang istasyon na ABS-CBN na kamakailan ay ipinasara sa pamamagitan ng cease and desist order. Ngunit, kung husay ay malaon pa ito makamit ni Bea Alonzo, ngunit kugn susuriin ang ma pangunahing elemento ng isang spoken word poetry ay naisaalang-alang naman niya ito. Ilan sa elemento ng isang spoken word poetry ay: 1) sinasalamin ang isang mahalaga o kontrobersyal na isyu sa lipunan. Gaya ng kanyang tema at paksa na uminog sa naging pagsasara ng ABS-CBN, maluwalhati niyang naiparating ang kanyang sentimyento ukol dito. Gayundin, binuksan niya ang kanyang tula mula sa kanyang pagsisimula, patungo sa kanyang paglalakbay at tagumpay kasama ang kanyang istasyon. 2) Namumutawing damdamin na marahil nakatulong nang malaki kay Bea Alonzo na mabigkas ang kanyang tula nang may pagkamadamdamin dahilan 14
sa una, inirekord lamang niya ang kanyang tinig; ikalawa, hindi nakaabala sa kanya ang pagrerekord ng bidyo; ikatlo, naka-ugnay (relate) siya nang husto dahil isa siya sa mga apektado ng nangyaring pagpapasara; ikaapat, dahil sa kanyang karanasan at ikalima, dahil isa siyang aktres na sanay at hasa pagdating sa pagbibitaw ng emosyon at mga linya. 3) Paggamit ng sining ng pananalita gaya ng intonasyon, daynamiks at impleksyon. Mapapansin na may pamamaraan si Bea Aonzo sa paglalaro sa mga salita (word play). Nakadagdag sa sining ng kanyang tula ang estilong pabulong na mas nakakaalpas sa damdamin ng mga nakikinig. Gayundin, ang daynamiks ng kanyang boses, pa-hina’t palakas at pa-hina muli, pabilis at pabagal. Mas nabigyan niya ng diin ang mga salitang namumutawi sa kanyang tula. Mapapansin rin ang kanyang paggamit ng impleksyon at intonasyon. Ang pagbabago ng modo at emosyon ay nagpasidhi rin ng kanyang sentimyento. 4) May pag-uulit (repetisyon), persona, atityud, at tugma at iba pa. Nabigyang-diin ni Bea Alonzo ang kanyang tula sa pamamagitan ng pag-uulit sa mga salitang ‘kapamilya’, ‘mali’, ‘ilan’, ‘roleta’, ‘kulang’ at iba pa. Napansin ko rin na mabisa ang paggamit niya ng ilang tugma sa bawat bahagi ng mga linya ng kanyang tula. 5) Paggamit ng sining ng wika. Nasa malayang talduturan ang tula ni Bea Alonzo. Ang kanyang mga ginamit na salita ay pangkaraniwan ngunit maramihan ang maaaring ipakahulugan. Gumamit din si Bea Alonzo ng ilang simbolismo at larawang-diwa gaya ng ‘pula, berde at bughaw’ na tumutukoy sa ABS-CBN sa pamamagitan ng mga kulay sa logo nito; ‘mahiwagang kahon’ na tumutukoy sa ABS-CBN TV Plus o ang mahiwagang black box na isa sa mga ugat ng sentimyento sa pagpapasara sa istasyon; at ang ‘roleta’ na simbolo ng kapalaran ng istasyon, na noon ay makasaysayan ang pagisismula, hanggang sa makamit ang rurok nito hanggang sa pagpapasara nito. Mabisa rin ang naging pagpipira-piraso ni Bea Alonzo ng mga salita gaya ng (‘Isa itong parinig. Mali. Isa itong reklamo. Mali. Isa itong pagpuna. Mali.’ at ‘Ilang minuto. Ilang segundo. Ilang hakbang. Ilang hinga. Ilang luha. Ilang sakit. Ilang ngiti. Ilang pighati. Kayo ang pinipili.’) sapagkat pinagyaman niya ang ugnayan at kahukugan ng mga salitang ito. Habang binabasa ko at pinakikinggan ang spoken poetry ni Bea Alonzo, napansin ko na pinahusay ni Bea Alonzo ang kanyang spoken poetry sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay at pagkukuwetno sa bawat detalye ng kanyang paglalakbay sa gabay ng istasyon. Ngunit sa kabila ng mga ito, isang elemento ang kinaligtaan ni Bea Alonzo, ito ay ang itanghal ito sa harap ng madla kagaya ni sikat na manunula ng spoken poetry na si Juan Miguel Severo. Bagaman ginamit na midya ni Bea Alonzo ang pagrerekord ng tinig ay hindi pa rin maisasalangalan ang kaganapan ng kanyang spoken word poetry. Kinaligtaan rin niyang gumamit ng musika bagaman may mangilang-ngilang tunog ng teklado ng keyboard akogn narinig. Hindi man maililinya ang gawang tula ni Bea Alonzo sa mga batikang manunula sa kasalukuyan ay masasabi kong kinatha niya itong may pagpapahalaga sa sining 15
ng modernong panulaan. *** Sa tula ni Binibining Bea Alonzo hinggil sa pagsasara ng ABS-CBN kung saan siya nagtatrabaho, mapapansin natin ang labis na emosyon na nakatago rito. Kahit na ang tulay ay maituturing na isang malayang tula na may malayang taludturan, kapansin-pansin ang ilang pamamaraan na labis na nagpatingkad sa mismong piyesa tulad na lamang ng Pag-uulit at limitadong pagbibigay na tugma. Makikita mo rin sa tula ni Bea Alonzo ang iba’t ibang klase ng emosyon na higit na nagpatingkad sa kaniyang tulang ginawa. Higit sa lahat, ang mensahe ng panghihinayang, pag-ibig at pasasalamat ang siyang isa sa mga mapapansing mensahe ng nasabing tula. ***
16
Napakagandang isipin na nailabas ni Bea Alonzo ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng isang spoken poetry na kung saan malaya niyang nailabas ang kanyang saloobin, bagamat di nya alintana kung ito ba ay naayon, di man ito nagpapakita ng anumang sama ng loob, mahalaga’y nailabas niya ang kanyang paninindigan. At sa anyo nito, gumamit siya ng pag-uulit, tayutay at maging mga simbolo na llaong nagpaganda ng kanyang tula. Ang kanyang ginawang tula ay nagpapakita ng pagbabalik tanaw kung paano siya nagsimula. Lahat ng kanyang nasimulan sa nasabing tahanan, kung saan doon nabuo lahat ng kanyang pangarap. Isang tahanan kung saan doon niya napagyabong ang kanyang sarili mula nun siya ay nagsisimula pa lamang, doon nagsimula ang kanyang minimithi. Sa likod ng tahanan na iyon na magbibigay sa kanya ng anumang pagkukulang na meron siya sa buhay, andun pa din yung mga taong aalalay sa kanya. Pero darating ang araw na lahat ay may hangganan, hangganan na kung saan ito ang magsilbing daan para ikaw ay bumalik sa iyong nakaraan. Ika nga niya, parang isang roleta, di laging nasa itaas, di laging nasa ibabaw. Pero di tayo mananatili sa ganung sitwasyon, habang may buhay, may pag-asa. Maaaring magwakas, pero maaaring magbalik sa kung saan nag simula noon. Sa pamamagitan ng ginawa niya, isang maayos na pagpapahayag ng nararamdaman, isang malayang pamamahayag para sa mga kanyang kasamahan. *** Ang Tula ni Bea Alonzo Ang tulang nilikha ni Bea Alonzo para ABS-CBN ay isang uri ng malayang taludturan. Sa tulang ito inihayag ng aktress ang kanyang mga saloobin hinggil sa desisyong ipasara ang nasabing TV Network dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Ang suilraning ito ng ABS-CBN ay usaping pulitikal. Ngunit hindi maikakaila na napakaraming hanapbuhay ang nakasalalay sa kompanyang ito. Sa videong kalakip ng liham, mababanaag na kaagad nang makikinig o magbabasa ang kulay na nais ipahayag ng aktress. Madilim, isang blankong espasyo. Nagpapahayag ng kawalan. Sumisimbolo sa katapusan. Sa unti-unting pagbubukas ng liham, agad humingi ng paumanhin ang aktress sa kanyang kakayahan sa paglikha ng nilalaman ng liham na ito. Sa konteksto ng kumonikasyon, ang liham ay isang personal na pakikipag-usap. Sa pagpapatuloy nang nilalaman ng kanyang liham, hindi mawari ng lumikha kung ano ang layunin nito, kung ito ba ay isang parinig, reklamo, o pagpuna. Subalit kanyang nilinaw na ang liham na ito ay isang pagbabaliktanaw sa kanyang halos dalawang dekadang karanasan sa nasabing kompanya. Tahanan, ganyang kung paano ituring ni Bea Alonzo ang ABS-CBN. Nahubog sa istasyong ito ang lahat ng pangunahing emosyon na nararanasan ng isang indibidwal na naghahanap ng puwang sa mundo. Isang indibidwal na naghahanap ng kanyang 17
pagkakakilanlan. Isang indibidwal na may sariling mga kahinaan na pinuno ng mga taong itinuturing na kanyang sarling kadugo, sariling kapamilya. Sa pamamagitan na iba’t ibang bilis at bagal ng pagbabasa, inisa-isa ng aktress ang damdaming kailang ipabatid sa kanyang tagapakinig. Kanyang nabanggit ang roleta ng buhay. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ganito rin ang naramdaman ko habang pinapakinggan ko ang nilalaman ng liham. Isang elemento ng tula, ang talinghaga. Dinala ako ng mga salitang kanyang binigkas sa mundong kung nasaan man siya ngayon. Sa dilim ng mundong ito, kanyang pinaalala na may pula, berde, at buhaw na ilaw na patuloy na gagabay. Sa pamamagitan ng mga kulay na ito, kanyang natukoy ang kanyang pagkakakilanlan sa mundo. Isa siyang kapamilya. At sa huli, nagbilin ang aktress na pasasaan ba at ang roletang ito ay muling iikot, tuluyang magbabalik ang liwanag sa kahong kanyang itinuring nang bahagi ng pagkatao. ***
Bilang isang masugid na tagapagsubaybay ng estasyong ABS CBN, ramdam ko ang hinaing ng isang kapamilyang nangungulila hindi lamang sa kanyang trabaho kundi sa mga taong naging bahagi na ng kanyang pang araw araw na buhay. Ang tulang isinulat ng isa sa mga iniidolo kong artista na si Bea Alonzo ay isang akda na makapukaw damdamin. Gumamit siya ng matatalinhagang salita upang maipahayag ang kanyang saloobin. Sa aking pagkakaunawa gumamit siya ng “tayutay” o “figure of speech” sa wikang ingles upang maging mabisa at matalinhaga ang kanyang pagpapahayag. Ilan sa mga halimbawa ng tayutay na ginamit sa tula ay ang pag- uulit, pagtutulad at pagtanggi. *** Ang tulang isinulat ng aktres na si Bea Alonzo ay isang mensahe patungkol sa kamakailang pagsasara ng ABS-CBN, Inc. dahil hindi na-renew ang prangkisa nito. Ang papel na ito ay isang pag-aanalisa sa parehong aspetong teknikal at laman o mensahe ng tulong ito ng aktres. Simulan natin sa teknikal. Ang tulang ito ay isang spoken word poetry, isang popular at kontemporaryong uri ng tula na may malayang taludturan – walang ispesipikong tugma o bilang ng pantig. Bilang ito’y isang tula, ang mga sumusunod na aspeto ay naobserbahan: 1. Konkretong lenggwahe (Imagery) – Gumamit si Bea Alonzo ng mga salita at parirala na malinaw na nilalarawan ang bawat detalye ng kanyang nararamdaman at naiisip. Bilang resulta, nagawa niyang maiparamdam sa mga mambabasa o makikinig ang kanyang mensahe. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa nito: “Isa itong parinig. Mali. 18
Isa itong reklamo. Mali. Isa itong pagpuna. Mali.” … “Ilang minuto. Ilang Segundo. Ilang hakbang. Ilang hinga. Ilang luha. Ilang ngiti. Ilang sakit. Ilang pighati.” Tunay na naisabuhay ni Alonzo ang kanyang haraya sa pamamaraang ito. 2. Paggamit ng Tayutay o Pampantikang Aparato • Repetisyon – Talamak ang paggamit ng pampanitikang aparato (literary device) na ito sa mundo ng spoken word poetry, gaya na lang ng mga akda ni Juan Miguel Severo na tulad ni Bea Alonzo, ay gumagamit ng iba’t ibang klase ng repetisyon bilang pampanitkang aparato o tayutay. Ang mga halimbawa nito’y (1) Anapora, (2) Aliterasyon, (3) Anadiplosis, (4) Asonans, at (5) Konsonans. Ilan sa halimbawa nito’y ang parehong halimbawang ibinigay sa taas (sa ilalim ng kontretong lenggwaheI). • Pagpapalit-saklaw/Sinekdoki – Gaya rin ng iba pang tula at literatura, mas nagiging kawili-wiling basahin ang isang inilathala kung ito’y mayroong tayutay na pagpapalit-saklaw o ang pagbabanggit ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo. Halimbawa: kamay = tao • Pagwawangis – Gumamit din si Alonzo ng pagwawangis o metapora sa kanyang akda. Ang pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na inihahambing. Halimbawa: pula, berde, bughaw = ABS-CBN kahon = telebisyon roleta = tadhana/buhay 3. Persona – Mayroong tiyak o ispesipikong persona ang tulang ginawa ni Bea Alonzo, at ito’y sa pagitan niya bilang isang empleyado ng ABS-CBN at sa mga kapwa niyang manggagawa sa nasabing korporasyon. Personal at emosyonal ang personang ihinayag ni Alonzo sa akda niyang ito, na tila ba masinsinan siyang nakikipag-usap nang one-on-one sa makikinig nito; at sa tulong ng iba pang sangkap ng tula na nabanggit sa taas, epektibo niyang naihayag ang kanyang kaluluwa. Dumako naman tayo ngayon sa laman ng tula. Gaya ng nasabi ko sa unang bahagi 19
ng sanaysay na ito, ang tulang ito ni Alonzo ay isang mensahe patungkol sa kamakailang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa hindi nito na-renew na prangkisa. Ang ABS-CBN na ang itinuturing na tahanan ng mahigit-kumulang 11, 000 na empleyado nito, kabilang na ang mga sikat na artistang ating araw-araw na napapanood sa telebisyon, at isa na rito and tanyag na si Bea Alonzo; kung kaya’t hindi natin masisisi kung bakit dagsa ang bilang ng mga artista na naglabas ng kanilang saloobin patungkol sa usapin na ito – mayroong naghumiyaw sa kanilang IG (Instagram) stories, mayroon ding nakipagtalo sa mga nakipagtalo sa Twitter at comment section sa Facebook, at meron din namang nanahimik na lamang at ipinagpasa-Diyos na lamang ang insidenteng ito. Para naman kay Bea, idinaan niya sa pagsulat ang kanyang pagpapahayag ng emosyon: “isang mensahe para sa aking tahanan, susulat kahit hindi magaling, maiparating lamang ang aking damdamin.” “Isa itong parinig. Mali. Isa itong reklamo. Mali. Isa itong pagpuna. Mali.” Hindi tulad ng nakararami, ang mensahe ni Bea ay para sa kanyang mga kabarong itinuring na niyang pamilya; isang mensaheng nagsilbing pagbabalik-tanaw sa dalawang dekada niyang pananatili bilang isang Kapamilya. Hindi isang pagtuligsa. Hindi pagtutol. At hindi politikal. Isa ring mensahe ng aprisyasyon o pagpapahalaga ang tulang ito. Binalikan ni Bea ang mga araw na siya’y nagsisimula pa lamang sa industriya, kung paano siyang “nangarap na humarap sa madla at magkaroon ng puwang sa industriyang hinahangaan”, at na tila isa siyang “batang walang muwang sa mundo”. Habang lumalaon ang tula ay epektibong naisasalamin ni Alonzo ang kanyang mga pinagdaanan sa pagdaan ng mga taon: ang pagtulong sa kanya ng ABS-CBN na tumayo sa kanyang sariling mga paa, ang patuloy na paggabay sa kanya ng industriya, ang importansya ng pagkakaisa at ng pamilya sa kabila ng mga kanyakanyang hirap at pagdurusa, ang patuloy na pagbibigay ng aliwan at maihatid lang ang “kahon ng ligaya at pag-asa”, ang kasiguraduhan ng sariling pagkakakilanlan sa kabila ng maraming maskarang naisuot, at ang pag-asang “iikot muli ang roleta”. Hindi man maituturing na obra maestra ang tulang ito ni Bea Alonzo kung ibabatay ito sa pamantayan ng literatura, ngunit hindi dapat natin ipagsawalang-bahala ang epektong naihahatid nito sa sinumang makikinig o mambabasa – pag-asa. *** Ang isinulat na tula ni Bb. Bea Alonzo, “Para sa Dalawang Dekada” ay laan para sa kanyang saloobin tungkol sa pagsasara ng ABS CBN kamakailan lamang. Ang tulang ito ay mapapasailalim sa malayang taludturan. Kung ikakategorya ito, malalagay ito sa modernong tula na Spoken Word Poetry. Ang ganitong klaseng tula ay patok sa mga kabataan, at pinasikat ito ni Juan Miguel Severo. Nakarinig na rin ako ng ganitong tula mula sa mga kapwa ko estudiyante sa mga patimpalak sa Marinduque State College. 20
Ang nilalaman ng tula ay ang mabigat na saloobin ng pagkawala (ni Bea Alonzo) ng ABS CBN sa larangan ng entertainment, at malayang pamamahayag. Ipinahayag niya ang kanyang mga karanasan kasama ang kanyang mga “Kapamilya” sa loob ng dalawang dekada. Mahihinuha sa tula kung paano nakikita ni Bb. Alonzo ang ABS CBN. Ito -- ay di lang kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan-- bagkus, isang pamilya. Dito siya nagsimulang mangarap, lumaki, at makilala ang sarili. Sa pagkakasara ng ABS CBN, maraming umaasa na muli itong magbabalik sa ere, at magbabalik sa serbisyo. Maraming mga Pilipino ang sa mga palabas ng istasiyon lumaki. Naaalala ko pa ang pagnunuod ko ng Sineskwela, Goin’ Bulilit, at Wansapanataym. Dito ko unang nakita at nadama ang lawak ng aking imahinasyon at pantasiya. Ang mga Pilipino, nanghihinayang hindi dahil sa kung anong kayang ibigay ng istasyon sa kanila, kung di ang tagal ng pinagsamahan nila at ng mga palabas ng istasiyon. Ang telebisiyon kasi ang isa sa mga pangunahing libangan ng Pilipino. Sa panahon ng peste, mahirap ang buhay. Kaya mas lalong pinahirap pa ito sa pagkawala ng kanilang istasyon ng libangan. Maraming Pilipino ang umaasa sa pagbubukas muli ng ABS CBN. Maraming nakatutok at nag-iinit sa mga taong nasa likod ng pangyayaring ito. Ang pagsasara ng ABS CBN ay di lang pagkawala ng trabaho 11, 000 tao, kundi pagkawala ng konting “ginhawa” ng sambayanan sa panahon ng peste. Kagaya ng inaasahan ni Bea, “Iikot muli ang roleta ng buhay…Hindi laging nasa ibaba.” *** Ang tulang handog ni Bea Alonzo tungkol sa ABS CBN ay nagsasaad ng isang kwento sa pamamagitan ng tula. Kung saan, naipahahayag ng may akda ang kanyang masidhing damdamin sa pamamagitan ng malayang paglalahad o pagsasalaysay. Naipadarama rin ng may-akda sa tagapakinig ang kaniyang saloobin, hinaing, at mga kuro-kuro sa malikhaing paraan, kung kaya’t kinaaliwan itong pakinggan. Itong kanyang tula ay naglalaman ng isang masidhing damdamin na nagpapakita ng pagkadismaya sa kinahantungan ng kanyang pinakamamahal na kanlungan. Ang tinuring niyang pangalawang tahanan. Ang tulang kanyang ginawa ay isang spoken word na nagpapahayag nang temang may tugma pero nasa malayang pamamaraan ng paglalahad. Ito ay pagpapakiuta ng malikhaing kaisipan sa pamamagitan ng pagsasaulat ng nilalalaman ng damdamin. Nais nitong gisingin ang pananaw ng bawat isa sa maling ppamamaraan ng pansamantalang pagpapatigil sa kanyang tinuring na trabaho. Anu man ang kanyang saloobin ay nagpapakita lang na ang bawat isa ay may karapatann na maglatag ng koro koro at opinion sa masining na papaparaan. *** 21
Ang tulang ginawa ng aktres na si Bea Alonzo ay alay niya sa kanyang home network na ABS-CBN. Matatandaang pinasara ang TV network dahil sa napaso nitong prangkisa kamakailan. Mararamdaman sa malayang taludturan na ginawa ng aktres ang masidhing damdamin nais niyang iparating sa mga tagapakinig. Sa simula ay kanyang ipinaliwanag kung para saan ang kanyang tula, na ito ay hindi puna o reklamo bagkus pagbabalik tanaw sa network na itinuring na niyang pamilya. Aking naramdaman mula sa kanyang ginawang tula na ang pagsasara ng ABSCBN ay hindi lamang nangangahulugang pagkawala ng hanapbuhay kundi pagkawala ng isang pamilya. Sa bawat salita na kanyang binibigkas, mababanaag ang kanyang pasasalamat sa network. Isang pamilya na humubog sa kanya mula pagkabata hanggang sa loob ng dalawang dekada. Bagamat may mga pagsubok at balakid ay kanya itong nalalampasan sa tulong na rin ng network. Ginamit niya rin sa kanyang akda ang salitang roleta na sumisimbolo sa ating buhay, na minsan nasa baba pero may panahon din na nasa taas. Sa kanyang tula rin ay gumamit siya ng mga simbolo tulad ng mga kulay na nagprepresenta sa tv network ang pula, berde at bughaw. Mga kulay na laging gumagabay at nag-aakay sa kanya. Bagamat siya ay isang taong may kahinaan ngunit dahil sa network ay siya ay naging buo, nahanap niya ang kanyang pagkakakilalan at kahalagahan sa mundo. Sa huli nag-iwan siya ng positibong mensahe na muling iikot ang roleta at magbabalik ang kapamilya. *** Ang nasabing tula ni Bb. Bea Alonzo ay ginamitan ng malayang taludturan sa kadahilanang hindi ito kakikitaan ng sukat at tugma. Ngunit ito ay makikitaan naman ng musikalidad na sinusunod sa loob. Sapagkat mararamdaman mo ang musikalidad ng piyesa/ ng akda. May himig ang paraan ng pagbigkas ni Bea Alonzo sa tula. Ang kanyang buong emosyon ay nailahad sa tula sa pamamagitan ng pagbigkas ng kanyang saloobin. Kaya masasabing isang spoken poetry ang nasabing tula ni Bea Alonzo. Batay sa nilalaman o mensahe na gustong ihatid nito ay ang isang pagbabalik tanaw ng aktres sa kanyang pinagmulan bilang nangangarap noon pa lamang, itinuring na tahanan sa loo ng dalawang dekada. Ika nga nya, “hindi ito isang parinig, reklamo o puna� bagkus isang pag-aalaala kung paano siya nagkamuwang sa larangan ng enterianment na kanyang piniling maging at pinangarap. Ang industriyang humubog sa kanya para matupad ang kanyang pangarap. Dahil sa kompanyang ito, higit na nakilala siya gamit ang mga pamosong linya sa pelikula at maging karakter na kanyang ginampanan. Na sa kasalukuyan ay nahaharap sa maraming isyung ibinabato dito, mga paglabag umano kumpanya sa interes ng mga manggagawa nito (hindi umano nabibigyan ng dapat na incentive at kontrakluwalisasyon), at ang usaping legal sa operasyon nito na humantong sa hindi 22
pagsulong sa kahilingang makapag-renew ang prangkisa nito at pagkasara kamakailan. Sa pasimula ng tula ay ating mapapakinggan ang paghingi ng paumanhin ng aktres sa sinumang makadidinig, ito ay marahil hindi siya bihasa sa paglikha at pagbigkas ng tula ngunit kanyang susubukin maipahayag lamang ang kanyang saloobin. Ito ay personal niyang pagbabahagi ng kanyang damdamin sa pangyayaring hindii niya lubos maisip na mangyayari. Ang pagkasara ng ABS-CBN. Itinutirng niyang tahanan ang ABS-CBN. Dito niya naranasan ang lahat ng emosyon, damdamin, karanasan bilang isang indibidwal - na tinitingala ng lipunan (hinahangaan ng madami) at isang indibidwal na may pribado ring buhay. Madadapa, matitisod, makakabangon, luluha at tatawa- mga emosyong tunay niyang nasaksihan habang nabibigyan ng puwang sa mundo ng entertainment. Ang anumang kahungkagan na kanyang nararamdaman ay napupunan ito ng mga taong kanyang nakakasalamuhasa trabaho at maging sa big boss ng kompanya. Ito ang umakay sa kanya, gumabay habnag tinahahak ang daan niya. At sa bandang huli ay itinuring na niyang TAHANAN Ang huling mensahe ng aktres ay pag-asam o umaasa siya na muling makakabangon ang minsan niyang itinutinuring na tahanan. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba- ito ang gawain ng isang roleta. Umaasang sa pagbagsak ng katanyagan ng ABS-CBN ay muli itong makakapag-ere ng mga palabas at makpagbibigay ng serbisyo. Muli makakabangon ang ikalawang tahanang may malaking ginamapanan sa kanyang pagkatao- artista at anak nito. *** Ang tulang isina-publiko ng isang Kapamilya actress na si Bea Alonzo kumakailan ay walang ibang pinatutunkulan kundi ang kanyang saloobin sa pagshutdown ng ABS-CBN. Ginamit niya ang malayang taludturan o spoken word poetry na patok sa karamihan lalong lalo na sa mga kabataan. Masasabi kong patok ang uri ng tulang ito sapagkat bukambibig na ito ng aking mga kaibigan mula pa noong 2016. Napakarami rin ng mga videos nito sa social media at karamihan ay patungkol sa pag-ibig, lalong-lalo na sa lungkot at hinagpis ng hiwalayan. Ipinahayag ni Bea Alonzo ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagkwento ng kung paano niya, at paano siya itinuring na kapamilya ng “Kapamilya Network”. Gayundin ang paggabay ng kanilang pamilya sa pamilyang Pilipino sa loob ng ilang dekada. At gaya ng lahat ng pamilya, mayroon din silang tinanatawag na ups and downs sa kanilang buhay. Inirepresenta niya ito sa pamamagitan ng isang gulong, gulong ng buhay. Bagama’t alam ng lahat na kasalukuyang dumaranas ang ABS-CBN ng mga pagsubok, umaasa naman ang karamihan na muli silang babangon sa kanilang kinaroroonan. Itinapos ni Bea ang kanyang tula sa isang banayad na pangakong muli silang magbabalik, “Hanggang sa Muli, Kapamilya.” *** 23
Ang aking pananaw sa Tula ni Bea, maraming bagay na mahirap ipaliwanag, minsan malungkot, minsan masaya isang bagay ang gusto nyang ipadama, ang pagbalik tanaw at pagpupugay sa tinuring nyang bahay o “kahon” aka niya Maraming pinagsamahan, maraming pinagdaanan, maraming pinagpaguran, pinagsakripisyuhan Ilan lamang sa mga bagay na mahirap kalimutan Tama nga si Bea, umiikot ang roleta, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim, Minsan masaya, minsan malungkot Ngunit tanggapin ang katotohanan, mahirap ma’y kailangan Walang nakakataaas, sabi ng mga mambabatas Dama ko ang lungkot sa nararamdan,ngunit ano ba ang katotohanan? sino ang tama?sino ang mali? Sino ang dapat managot?sino ang dapat sumagot? Isang bagay ang sa tingin ko ang ipinapaabot, na laging tandaan Walang permanente sa mundo kung hindi pagbabago Hindi pa dito natatapos,at walang magtatapos Manalig lang, at maniwala, gumawa ng tama para sa sila’y magtiwala. *** Sa piyesang tula na binigyan ng buhay ni Ms. Bea Alonzo ay dito makikita ang bugso ng kanyang damdamin sa pagsara ng kapamilya network na itinuring niyang tahanan nang mahabang panahon. Kumandili hanggang nakilala na niya ang kanyang sarili at ang layunin sa buhay. Habang aking binabasa ang bawat salitang nakasulat at pinakikinggan ang kanyang sinasabi na hatid ay pagbabalik tanaw at lungkot na tila ba ako ay kanyang dinadala sa panahon nang magsimula ang kapamilya network. Lungkot, pagkadismaya na ikinuwento habang sinasariwa ang panahong siya’y musmos pa sa industriya. Kung susumain ang tulang kanyang ginawa ay may malaya at di malayang itong taludturan. Ang karikitan nito ay umibabaw sa bawat taludtod sa paggamit ng matatalinhagang pahayag at tayutay na lalong nagpasidhi ng damdamin na kanyang ikinuwento sa madla. Sa tulong ng metapora, o pagmamalabis ay kanyang ikinuwento ang pagdadalamhati nang mabawasan ang kanyang tadyang nang magsara ang Kapamilya Network. Gayundin, ang simbolismo rin ay naging isang mabisang sangkap niya upang mailarawan ang kanyang nararamdaman, halimbawa na lamang nito ay ang nabanggit niyang mga kulay “berde, pula at puti” na nagrerepresenta sa logo ng kanyang tahanan. Makikita rin sa bawat pantig ng mga salita ang nagpakilala na ang tulang ito ay malaya sapagkat hindi alintana kung mayroong sukat o pantig 24
ang bawat salita, tanging nangibabaw lamang ay ang emosyon. Ngunit sa kabila ng pagiging malayang taludturan ng tulang ito’y sa kabilang banda ay naging di malaya din ito, at ito ay aking nakita sa tugmaan ng ilang mga salita na nangangahulugan na lamang na hindi lahat ng salita na ginamit ay walang tugma. Sa pag-agapay ng pagbabago ng tono ni Bea Alonzo, pagbagal man o pagbilis, paglakas man o paghina, ang lahat ng ito’y naging mabisang elemento upang mailahad niya ang damdamin na kanyang nararamdaman at maging ang lahat ng kapamilya. *** Noong nakaraang linggo ay ginulat tayo sa balitang magsasara na ura-urada ang dambuhalang istasyon ng Pilipinas na ABS-CBN. Lahat tayo ay nagulat, dahil aminin man natin o hindi, ang ABS-CBN ay parte na ng buhay ng bawat mamayang Pilipino. Ilang araw na ang lumipas pero maugong pa rin ang isyu ng pagsasara ng nasabing istasyon. Kabi-kabila ang pagwewelga at iba’t-ibang paraang ng pagpapakita nila ng suporta sa ABS-CBN, ang iba naman ay nagpapakita din ng pagsuporta sa desisyon ng ating Gobyerno. Kabilang sa mga pagsuporta na naging maugong, ay ang tinuran ni Coco Martin, ang kontrobersyal na pahayag ni Kim Chu gamit ang salitang classroom at ang sulat ng betaranang aktres na si Bea Alonzo. Ang Hanggang sa Muli Kapamilya ni Bea Alonzo ay isang paraan rin ng papakita nya ng suporta sa nakagisnang istasyon. Sa aking sariling pananaw din, ang sulat na ito ay isang spoken poetry na nagpapakita ng kakaibang anyo ng pagkatao ng isang Bea Alonzo. Laki ako sa mga palabas ng ABS, sanay akong makita si Bea na umaarte gaya ng turan niya na bilang Basya, Bobbie at iba pa. Sanay rin ako na makita sya sa ASAP or Showtime na sumasayaw o kumakanta. Kaya para sa akin ay big reveal ito ng kanyang pagkatao. Natuwa ako sa kanyang spoken poetry, inakala ko kasi na mala dalit, diona at tanaga ang kanyang sulat na mapapaisip ka pa ng malalim bago mo maintindihan ang nais niyang iparating, dahil sa makakatang mga salita na gamit nito. Buti na lang at hindi. Sa kanyang spoken poetry din ay maliwanag nyang naparating ang nais niyang sabihin. Mararamdaman mo talaga ang lungkot at kanyang pighati, ika nga nga mga bagets ay tagos sa puso. Napansin ko din sa kanyang tula ay hindi magkakatugma. Hindi rin ako bibilang ng 8 o 9 na pantig. Wala siyang eksaktong sukat. Kahit an gang linya ng kanyang tula ay iba-iba rin ang bilang. Sa panahon ngayon, naniniwala ako na ang panitikan pa rin ang isa sa mabisang armas na panglaban natin sa ating lipunan. Si Coco Martin ka man, si Kim Chu o si Bea Alonzo. Magulo ang mundo, madami ang pagsubok. Bawat gabi lahat tayo ay umuusal na sana matapos na ang taong 2020 na sa aking palagay ay puro kamalasan ang ating naranasan. Pero ganun talaga ang buhay, sabi nga ni Bea Alonzo, ito ay parang roleta minsan nasa ibaba at minsan nasa itaas. Lahat tayo ay maghihintay at aasa, ano nga kaya ang mangyayari sa roloeta ng ABS-CBN. Kami ay maghihintay, hanggang sa muli kapamilya. 25
***
*** Batay sa aking nalalaman tungkol sa malayang taludturan o di kaya’y spoken word, isang halimbawa nito ay ang isinulat na tula ni Bea Alonzo para sa ABS-CBN. Kung anyo at porma ang pag-uusapan, ang kanyang tula ay walang sukat ni tugma. Kaya naman masasabing ito’y nasa pormang malayang taludturan. Sa kabilang banda, kinakailangan din na napananatili ang karikatan upang masabi na itong isang tula na nasa pormang malayang taludturan. Gumamit si Bea Alonzo ng matatalinhagang mga pahayag sa kanyang tula. Ilan sa kanyang mga matatalinhagang pahayag ay ang ABS-CBN bilang kanyang tahanan, s’ya bilang isang batang hindi marunong sa mundo, ang pagkadapa at pagkatapilok na sumasagisag sa kanyang mga pagkabigo, ang ABS-CBN bilang kamay na umakay sa kanya, roleta na sumasagisag sa buhay, atpb. 26
Bilang mambabasa, naantig ako sa nilalaman ng kanyang tula. Marahil, may mga magsasabi na niroromanticize n’ya ang issue na kinakaharap ng ABS-CBN. Ngunit para sa akin, ang nilalaman ng kanyang tula ay isang simpleng pagpapahayag ng kanyang pagpupugay sa istasyon na tumulong sa kanya na magtagumpay at kilalanin ang sarili n’ya. Ito’y nilinaw n’ya sa simula na ang kanyang tula ay hindi parinig, reklamo o pagpuna. Ang tula ni Bea Alonzo ay isa lamang sa napakaraming mga pananaw kung papaano natin titingnan ang usapin tungkol sa ABS-CBN. Sa kabuuhan, masasabi ko na ito’y isang magandang halimbawa ng tula, na nasa pormang “malayang taludturan”, batay sa anyo at nilalaman. Ang tula ni Bea Alonzo ay isang makabagong paraan ng pagsasabi ng saloobin na kung saan ang kanyang nararamdaman ay nasabi at nasulat na nauunawaan ng lahat ng nakababasa at nakaririnig. Malaya ang pagkakasulat at ang mga sinasabi ay mula sa puso. Isa itong pagpapahiwatig ng salo obin kung paano nabago ang kanyang buhay simula unang hakbang hanggang sa matutunan nyang makatayo sa sarili nyang mga paa. Nagpapahiwatig ito na sa kabila ng mga pagsubok, na kahit may mga nararanasan tayong problema ay huwag mawawalan ng pag-asa. Ang buhay ay umiikot, may problema at saya. Anumang problema ang dumating lagi itong may kaakibat na solusyon. Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Huwag mawawalan ng pag- asa na sa huli ay magpapatuloy ang magandang buhay. *** Natural sa ating mga Filipino ang pagiging isang makata. Mula pa nang panahon ng Dakilang Ama ng Balagtasan na si Francisco Balagtas, mula nang panahon ng pagkasulat ng Florante at Laura hanggang sa kasalukuyan, nananalaytay sa ating dugo ang pagiging makata. Pero dahil sa tagal ng panahon maraming bagay ang nagbabago at naiiba rin ang nauuso. Kung noon uso ang mga balagtasan, ngayon naman ay nauuso ang spoken poetry, dahil ito sa pagiging malikhain nating mga Filipino. Marami ngayon ang kilalang mga spoken poetry artists dahil sa kanilang kakayahang pagsamahain ang modernong porma ng tula at ng ating sariling wika nadagdag pa ang usong uso na mga hugot na naisama sa tula na nakadagdag rin upang lalong maging popular ang Spoken Word Poerty. Dahil sa problemang kinakaharap ng isa sa pinakamalaking media network sa bansa, maraming mga Filipino ang nagpakita ng suporta at pagmamahal lalong lalo na ang mga kapamilya artist. Isa na rito ang ginawa ni Bea Alonzo, kung saan siya ay nagbigay ng pagpupugay sa kanyang naging tahanan ng mahigit dalawampung dekada, ABS27
CBN sa pamamagitang ng isang malayang tula o spoken word poetry na kanyang ibinahagi sa kanyang instagram account noong May 6, 2020. Ang tula na isinulat ni Bea Alonzo ay hindi isang pagpaparinig o reklamo kundi pagbabalik tanaw kung paano siya inakay at ginabayan ng ABS-CBN na maging isang mabuting tao at magaling na artista. Hindi naging madali ang lahat para sa kanya may pagkakataong nais niyang sumuko at mawawalan ng pag-asa, ilang luha at ilang sakit ang kanyang naramdaman hanggang sa natutong tumayo sa kanyang sarili sa tulong at gabay ng kanyang tahanan, ABS-CBN. Ang ginawa at ipinakita ni Bea Alonzo na nagpapakita ng kanyang suporta at pagmamahal sa ABS – CBN ay ginawa niya sa malikhaing pamamaraan at ito nga ang spoken word poetry. Ano nga ba ang spoken word poetry o kilala rin sa tawag na Slam Poetry? Ang spoken word poetry ay isang tula na ginawa o isinulat para iperform sa harap ng madaming tao, katulad na lamang ng ginawa ni Bea Alonzo. Ginamitan niya ito ng musika para makadagdag sa emosyon na nais iparating. Malaya ring ipinahayag ng kanyang spoken word poetry ang kanyang nararamdaman at ito ay mula sa kanyang puso. Taglay ng ginawang tula o spoken word poetry ni Bea ang mga matatalinhaga at mabubulaklak na mga salita na hindi lamang siya ang nakauunawa bagkus ay isinalangalang niya kung ito ay mauunawaan din ng kanyang mga tagapakinig. Ang ginawang tula ni Bea ay isang malayang taludturan kung saan ito ay walang sukat at tugma, dahil dito malaya niyang nailabas at naipakita ang kanyang nararamdamn at saloobin na nais niyang iparating. Ang buhay ng tao ay katulad ng isang tula, sa tagal ng panahon ay maraming nagbabago at nauuso. Kung noon ay sikat at nasa ibabaw dadating din ang panahon na nawawala at napupunta sa ilalim. Pero ating tandaan na katulad ng isang tula na nabago man ng panahon ay babalik at babalik pa din. Nasa ating mga kamay kung paano natin haharapin ang bukas at kung paano natin yayakapin ang mga pagbabago sa ating buhay ito ay sa tulong at gabay ng ating paninoon. *** Humanga ako kay Bea Alonzo sa ginawa niyang tula sa pagsasara ng ABSCBN. Dahil kakaiba ang estilo or style nya sa pagpaphayag ng damdamin at pagsuporta sa kanyang network. Idinaan niya ang kanyang mensahe sa isang malayang taludturan or spoken word. Para sa akin hindi ito reklamo o pagpuna sa nangyari sa Kapamilya Network. Nais lamang niyang ilabas ang kanyang nararmdaman tungkol dito. Nagpahayag din si Bea ng pakikipagsimpatya sa libo libong Kapamilya na nawalan ng trabaho. Sa aking opinyon isa lamang nya itong pagbablik tanaw kung papaano sya nag umpisa sa industriyang hinahangaan nya. Kung paano nya nilaban ang mga pagsubok at kahirapan upang makamtan lang ang rurok ng tagumpay. Sa dalawang dekada nyang pagtatrabaho bilang artista, napakarami ng mga malalking artista sa Industriya ang nakasama niya sa maraming 28
pelikula at telesrye. Sino ng ba sya para magsalita? Isa lamang si Bea sa mga sikat na artista na hinubog ng ABS CBN at naging malaki ang ambag nya sa larangan ng pelikula. Naninwala rin ako sa sinabi nya na ang buhay ay parang isang raketa... minsan ay nasa itaas.. minsan ay nasa ibaba. Pero ayon sa kanya hindi pwedeng laging nasa ibaba kailangan mo rin bumangon para sa pamilya nya at upang mas marami pa syang maiambag sa kanyang bayan. *** Isang matapang at palaban na Bea Alonzo ang napakinggan natin sa ginawang tula na naka upload sa Youtube. Punong puno ng puso, tagos sa puso, sa kaluluwa. Bilang isang kapamilya, kinalakhan ang istasyon na paborito bagaman madaming bumabatikos at maraming natuwa na sila ay naipasara, Mananatiling forever kapamilya. Isang malayang pagpapayahag ng kanyang damdamin sa pagpapasara sa istasyon na itinuring nyang tahanan sa loob ng dalawang dekada. Ramdam ko si Bea, isang taong nawalan ng tahanan, yung kinagisnan nyang tahanan, kung saan nahubog ang kanyang talento at hanggang maging isang kinikilalang bituin. Hindi lang basta tranaho ang nawala kung hindi ang buhay na mayroon siya, silang mga artista, buhay nila, na magpaligaya at makapagbigay saya sa mga tao. *** Batay sa tula na ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayaring kinahaharap hindi lamang ng istasyon ng ABS-CBN kung saan siya nagtratrabaho kungdi ang pati na rin ng mga kapwa niya nagtratrabaho sa nasabing istasyon. Ang tulang kanyang ibinahagi ay isang malikhaing pagpapahayag ng kanyang nadarama. Mapapansin na siya ay gumamit ng malayang tula kung saan ito ay isang uri ng tula na gawa ng malayang isip at isinulat ng puso. Karaniwan sa malayang tula, ay walang sukat at walang tugma, ngunit sa tula na ginawa ni binibining Alonzo, may mga bahagi na may tugma at sukat bagamat hindi ito pangkabuuan. Ganoon pa man, napanatili niya ang kariktan ng kanyang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga mga salita na may buhay na naglalarawan ng kanyang karanasan at nararamdaman. Dagdag pa dito, maaari din itong iugnay sa spoken poetry kung saan ginamit niya ang tula upang isaad ang kanyang kwento sa pamamagitan ng pagsasalaysay o “narration�. Dahil sa paggamit ng spoken poetry, nakaaaliw itong pakinggan. *** Una sa lahat ay nais kong purihin ang tulang isinulat ni Bea Alonso na sa unang dinig ko pa lang ay napukaw na nito ang damdamin ko. Ang tulang ito ay may 29
malayang taludturan. Wala itong sukat at tugma, bagkos gumamit ito ng matatalinhagang salita at maging mga matatalinhagang pahayag. Ayon sa aking pagkakaunawa sa tula, inilahad ni Bea Alonso dito kung ano ang naiambag o gaano kalaki ang naitulong ng ABS-CBN sa kanyang buhay maging sa kanyang pagkatao gayundin kung gaano siya nagpapasalamat sa kumpanyang kanyang naging tahanan sa mahigit dalawang dekada. Ayon sa kanya isinulat niya nag tula para di magparinig, hindi rin para magreklamo o pumuna bagkus ay upang isiwalat ang kanyang saloobin. Ang karera niya sa industriyang ito ay hindi naging madali, maraming beses siyang nadapa ngunit natutong bumangon sa tulong na din ng kompanyang itinuring na niyang tahanan at pamilya. “Pula, berde at dilaw’, ito ang kulay ng istasyong ito na nanaisin niyang masilayan at masilayang muli pagkalipas ng unos na kinahaharap nito. Ang paggamit niya ng salitang “roleta” ay napakagandang pagpapasimbolo sa kalagayan ngayon ng ABS-CBN na maaaring ibig ipakahulugan ay pag-asa. Patuloy at patuloy na iikot ito at kung sila man sa ngayon ay nasa ilalim darating ang panahon na muli itong susulong o iikot upang makapag-bigay muli ng ngiti sa labi ng milyun-milyong taong pansamantala nilang inulila. *** Ang tula ni Bea Alonzo para sa ABS-CBN ay isang representasyon ng kanyang pagmamahal sa kanyang lugar na pinagsimula at kasama sa kanyang tagumpay, mga suliraning pinagdaan, ganun din ang kanyang pighati sa pagkawala nito sa ere. Ang kanyang tula ay nasa anyong malayang taludturan. Ito ay isang uri o porma ng tulang ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla na kilala din sa panawag na AGA. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula kahit na ito ay walang sukat at walang tugma gaya n gating nakasanayan. Ngunit dapat ay manatili ang karikitan nito, ito ay ang paggamit nhg matatalinhagang pahayag. Mula sa tula ni Bea ilan sa tumatak sa akin na mga matatalinhagang salita o pahayag na siyang nagpayabong ng punto at damdamin niya ay ang mga sumusunod.. 1. “Isa itong parinig, mali. Isa itong reklamo, mali Isa itong pagpuna, mali.” Sa una pa man ay binigyang diin na niya na ito hindi mga negatibong paraan o pagpuna. 2. Isa lamang itong pagbabalik tanaw kung paano nagkamuwang at nabuo ang pagkatao sa piling ng mga taong pinagkakatiwalaan at sa lugar na tinuring ng tahanan. - simula pagkabata ay nagging bahagi na siya ng istasyon na nagging gabay upang yumabong ang kanyang sarili. 30
3. Ilang minuto, ilang Segundo, ilang hakbang, ilang hinga, ilang luha, ilang sakit, ilang ngiti, ilang pighati, kayo ang pinipili. - Hindi nagging madali ang kanyang nagging simulain ngunit nagging matatag siya bilang isang miyembro ng itinuturing niyang pamilya. 4. nag-uumpisang gumapang hanggang sa tulong mo, akoy natuto ng tumayo, unti unti, isang hakbang pagkatapus ng isa, at isa pa.. at isa pa. Lumakad hanggang mapunta sa landas na gustong tahakin, hindi nagging madali, madals ndadapa, madalas natatapilok, pero isa lang ang laging sigurado, may kamay na aakay sa iyo. May ilaw na laging gagabay sayo. -sa kanyang pagiging artista at bukas na libro, naranasan niyang mabigo at magtagumpay. Sa kanyang mga pagkabigo ay patuloy siyang kinapitan at tinanggap ng kanyang Kapamilya. 5.minsan makikita mo ang buhay mo na parang isang roleta - piantutungkulan niya dito na ang problema ay dumadating, dadalhin ka sa ialalim at minsan naman sa ibabaw, katuald nalang ng kinakaharap na pagsasara ng istasyon na kaniyang minahal. 6. pero laging natatanaw, pula.berde at bughaw. - sumisimbolo ito sa kanyang kompanya, ang ABS-CBN. 7. kasa- kasama mula sa kahon na pinagmumulan ng pag-asa - isa ito sa mga naging kilalalng istasyon sa t.v. na pinapanuod at tinatangkilik ng napakaraming Pilipino. 8. nagkaroon ng tapang upang harapin ang buhay habang kumkaway sa dating ako. - nabuo at naging matatag bilang isang tao si Bea, naging matatag at iniwan ang dating pagkatao na may takot at pangamba. 9. sila ay ako, sila ay kayo, - ang kanyang kompanya ay isinasalamin niya sa kanyang sarili ganun din sa mga tumatangkilik at tumatanggap sa mga programa nito. 10. Iikot muli ang roleta, hindi laging nasa ibaba. - Marahil para sa kanya, na hindi matatapos ang serbisyo ng Abs- cbn sa kinakaharap noitong suliranin, bagkus ay ito ay muling magbubuka at magbabalik upang patuloy na magserbisyo sa nakararaming mamayang Pilipino Sa kabuuan, ang malayang tulang ito ay simbolo ng isang taong nagmamahal at lumalaban oara sa kanyang minamahal. Naniniwala siya na maisasaayos din ang kanilang mga suliranin upang muling magsilbi at magpasaya sa mga tao. *** Makaraang aking mapakinggan ang mensaheng kanyang sinabi , Pinapatungkol ito sa kanyang nakagisnang pamilya sa halos dalawang dekada. 31
Labis kong naramdaman ang mga salitang kanyang ipinahayag Ang pagbibigay niya ng pagbabalik tanaw sa isang tahanan na kung saan ay kanyang naging sandigan sa haba ng kanilang pinagsamahan. Aking nabatid ang kalungkutan sa bawat sambit na binitawan, Na kung saan wala siyang magawa kundi ang maghintay sa pag ikot muli ng mundong kanilang ginagalawan Upang makapagbigay ng kulay sa buhay ng mga manunuod. Batid ko rin ang pighati na natatamasa niya sa biglaang pagsasara ng tahanang naging isang malaking parte na ng kanyang buhay. ***
Ayon sa tula ni Bea Alonzo, ilan sa mga bagay at punto na aking naobserbahan ay: 1. Malayang taludturan -walang sinusunod na espisipikong pormal na pamantayan 2. Ilang linya ng tula ay inuulit sa bawat taludtod 3. Gumamit ng tayutay- pagtutulad na kung saan ang buhay ay inihalintulad sa isang roleta, direktang pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay. Ang buhay ay inihalintulad sa roleta na kung saan ang buhay ng tao ay umiikot, hindi palaging nasa itaas at hindi rin naman palaging nasa ibaba. Sa buhay tayo’y nakakaranas ng tagumpay, saya at pagkabigo. 4. Ang tula ay hango sa personal na karansan ng may akda. 5. Ito ay kinapapalooban ng temang malungkot at paghihinagpis na minsa’y naranasan o nararanasan ng may akda. Dagdag pa dito, nagbigay aral ito sa taong lahat ng bagay ay may limitasyon o hangganan. ***
32
UNANG ARAW (Mayo 11) Gawain 3 (Parodiya) Panuto: Pumili ng isang awiting-bayan at palitan ang titik para inyong gawing paggagagad o parody tungkol sa COVID-19 “COVID AY LABANAN” Tune: Sitsiritsit (Marindukanon Version) Ang dulot nireng COVID Ay hirap, takot, sakit Kung hindi magaingat Buhay, agad ay gawakas…
Mga kamay ay hinawan Mag-ehersisyo ng katawan Kalusuga’y ingatan Nang ang COVID malabanan.
Asundin baya natin Paalala sa distancing Pagsuot ng face mask Ay pirmeng agaw-in
Ang gobyerno ating sundin Para sa kapakanan natin Katawa’y wag abusuhin Purbahi’t iki ligtas din. ***
COVID AY ‘DI BIRO (MAGTANIM AY ‘DI BIRO) COVID ay hindi biro Delikado sa tao Intsik ang nagpauso Pinakalat sa mundo
Long distance relationship Di ka pwedeng dumikit Kapag virus ay kumapit Buhay mo ang kapalit
Studies ay naperwisyo Travel goals naging bato Trabaho, ‘di makadalo Dahil sa virus na ‘to
Halina halina mga kasama Stay at home para ‘di mauna Sumunod palagi sa ama’t ina Magbasa, magsulat at kumanta Magbasa, magsulat at kumanta
Madami na ang namatay Sinisira ang buhay Hanggang kailan ka tatambay ‘Di ka welcome sa bahay ***
33
SITSIRITSIT NG COVID 19 ROMILYN M. BRUAL Pasilip –silip yaring bata Nakadungaw sa bintana May tanong sa isip niya Ano nga bang problema?
Maitaguyod pamilya niya Ate, ate magtipid ka na Lalo na’t may pandemya Walang silbi ang pagpaganda Sa pagtanim tumulong ka
Pasilip-silip yaring ina Naghihintay ng ayuda Walang makain sa mesa Kaya’t kumakalam tiyan nila
Please naman po maawa na, Pamamasyal ay itigil na Upang ‘di makahawa ECQ i-lift up na Mag new normal na
Sumasamo yaring ama Pandemya’y matapos na Makabalik sa trabaho niya ***
TAONG KAY LUPIT (Himig ng “Ang Pipit") May 'sang bansang naghasik ng isang malubhang sakit. Sa mundong ang hangad walang iba ay ang pag-unlad. Dahil sa bagsik ng covid-19 virus ay bumagsak ang ekonomya Pilipinas lahat 'pektado na. Taong kay lupit, maging aral ang nangyari upang hindi ka magsisi sa lahat ng mga mangyayari. La la la la la la la la la la la la la. *** COVID-19 kahit munti Sa ating mundo salot ang hatid Maghugas ng kama’y at maligong lagi Gumamit ng “facemask” parati Sa mga frontliners ang aming dasal Gabayan at ingatan ng Poong Mahal Nang sa kan’lang pag-uuwi Sa mahal sa buhay Ligtas sa sakit at buhay. 34
*** COVID-19 PARODY (Sa saliw ng Bahay-kubo) COVID-19 tawag dito Sakit na sumindak sa buong mundo Nagisip ng paraan, pagkalat mapigilan Maligtas ang sambayanan Una’y lockdown at ito’y sinundan, Nitong home quarantine Tas ECQ naman At para maibsan, hirap ng buhay Sa paligid ligid SAP ay ibinigay. *** SINGKIT NA CHIKADING (Halaw sa tono ng ‘May Isang Chikading’)
May singkit na chikading Palipad-lipad May singkit na chikading Palipad-lipad May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Dumapo sa Pinas Naku, kumalat na. May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Nagimbal ang Pinas Naku, naglockdown na
May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Pilipinas umaray Kwarantin dineklara May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Ang SAP inilaan Merong di kasama May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Curfew hours inilabas Pasaway marami pa. May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina ABS nagsara Kawawang artista
May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina Sa kahirapa’y sumabay Mga Pinoy kawawa na. May singkit na chikading Na nanggaling sa Tsina COVID-19 ngalan nya Pwede ba, babay na!? May singkit na chikading Palipad-lipad May singkit na chikading Palipad-lipad
35
*** Paru- parong bukid, na lilipad-lipad ( CoronaVirus19,nakakahawang sakit) Sa gitna ng daan,papaga-pagaspas (Sakit sa paghinga, dulot ng bagong virus) Isang bara ang tapis (Ibat’t ibang sintomas) Isang dangkal ang manggas (Maaaring maranasan) Ang saying de kola ( Kalaban di nakikita) Isang pyesa ang sayad ( Kaya lahat pinag-iingat) May panyeta pa siya-uy ( Disiplina’y kailangan-uy) May suklay pa mandin-uy (Para sa kaligtasan-uy) Nagwas de ohetes, ang palalabasin (COVID ay delikado, sa mga mamamayan) Haharap sa altar at mananalamin (Epidemya kay lawak, na ng naging saklaw) At saka lalakad ,ng pakendeng-kendeng 36
( Tayo’y matutong sumunod, sa pinag-uutos) Ang CoVID ay di biro Ang CoVID ay di biro, Maghapong umuubo. Di man lang makaupo, Di man lang makatayo. Baga ko'y namamanhid, Katawan ko'y nangangawit. Puso ko'y pumipintig, Sa pag-alala sa CoVID. Sa tuwing gumigising, Lunas ang iisipin. Kung saan man ‘to nanggaling Laking pasalamat para sa’kin. Duterte ko’y namamanhid, Duque ko'y sumasabit. Yorme ko'y nakikinig, Sa pagtupad ng mga ibig. Galing na, magaling na, mga kaliyag. Tayo na’t pumili ng tapat. Magpanibago tayo ng dapat, Para sa araw ng bukas. Para sa araw ng Pinas! *** I-
Bata at matanda Tayo’y maging handa Sa virus na nagmula Doon sa Wuhan China Dumating sa ating bansa Nagdala ng pinsala Trabaho’y nawala Ekonomiya’y bumaba
II -
III -
Sumunod sa mga batas Upang maging ligtas Maghugas ng kamay Nang virus mamatay Dumistansya muna 37
Nang ‘di ka mahawa Manatili sa bahay Balita’y gawing gabay IV - Bata at matanda Tayo’y maging handa Sa virus na nagmula Doon sa Wuhan Chiha Dumating sa ating bansa Nagdala ng pinsala Trabaho’y nawala V-
Sa diyos manalangin Siya’y ating kasama Dasal ang pananggalang Pamilya’y sandalan Pangambang nadarama Ating lalampasan Tayo ay lalaban Para sa ‘ting bayan ***
COVID BA-BYE (Sa tono ng Ako ay May Lobo)
Saan man sa globo Ay mayro’n nang COVID Nagmula sa China At kumalat pa
Iyo nang hugasan Iyong mga kamay At kumain ng gulay, Para resistensya’y tumibay.
Paano kakaiwas? Ano sa palagay? Halina’t kumanta. Sa’kin ay sumabay!
Makinig kay nanay, Pati rin kay tatay Upang COVID-19, Tuluyang magba-bye!
***
38
MAG-QUARANTINE AY DI BIRO Mag-quarantine ay di biro Maghapong naka-upo Di man lang makagala Di man lang maka-galore
Tuyo sa agahan Itlog sa tanghalian Noodles kinagabihan Kanin ang kaparisan!
Braso ko’y namamanhid Baywang kong nangangawit Bilbil ko’y lumalaki Sa pagkain ng madami.
Halina, halina mga ka-ECQ Tayo’y magsipag-unat-unat Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas Ito ang new normal, bukas!
Sa umaga paggising Ulam sa tanghali’y iisipin Kung sana may birthday-han, May masarap ng pagkain. ***
TAONG 2020 Himig ng Leron-Leron Sinta Sadya pong kay bigat Ng Year 2020 Dala-Dala’y lungkot No’ng bulka’y pumutok Pagsapit ng Marso Ang COVID nauso Apektado ang lahat Pati buong bansa
Ang Tanging solusyon Ay ang isolation Alcohol at sabon Dapat laging baon Saludo po Kami Sa mga Bayani Na hindi nagsasawa Sa Pagsisilbi Sa pandemyang ito ‘Wag tayong susuko Lakipan din ng Dasal Sa Poong Maykapal
Dahil sa pandemya Puso ay may kaba Pagkat ang kalaba’y Hindi nakikita ***
39
MAG-INGAT KA SINTA SA COVID19! (Sa Saliw ng awiting Leron-Leron Sinta) Mag-ingat, mag-ingat sa sakit na covid, Kapuso, kapamilya at mga kapatid. Upang makaiwas sa bahay tumigil, Maghugas ng kamay, immune system palakasin! Utos ng gobyerno, sumunod tayong lahat, Manalangin, magdasal upang tayo’y maligtas. Tayo’y magdisinfect, magsuot ng facemask, Sa mga frontliners, salamat, salamat! *** Waray-Waray ni Elizabeth Ramsey Covid19 isang pandemya Nakaklerkey, di maka-awra Pati beso ngayo’y bawal na Paano na tayo sinta?
Bridge: At may naisip pamahalaan Laging maghugas ng kamay Social distancing muna igan Face mask mo ay ‘wag kalimutan.
At ang siste sa online lamang Makikita mahal sa buhay Lalo na ‘yong nasa ibang bayan Stay put ka lang muna dyan.
Covid19 nakakaborkot Bka lahi mo ay maubos Pero igan, wag kang matakot Di tayo pababayaan ng Diyos. ***
AKO AY MAY UBO (Ako ay may Lobo Parody)
Ako ay may ubo Galing sa tropa ko last week Ilang araw ko nang dala Dalwang linggo na pala Sabi ng gobyerno Pag malala ang ubo Ipaalam na sana Upang hindi makahawa
Ako ay may ubo Kumpirmadong Covid Ngayon ako’y naka-admit Yaw ko pang pumuntang langit Kaya mga kabayan ko H’wag matigas ang ulo Magtahan sa bahay niyo 40
Nang maging ligtas lahat tayo Puksain COVID 19 (Bahay Kubo) I. Tayo nang puksain ang COVID 19 Sa pagtutulungan at pagkakaisa Maghugas ng kamay, at wag ng lumabas Tumahan na lang sa bahay Tayo’y kumain ng prutas at gulay At tsaka magexercise hanggang sa pawisan Magtakip ng bibig, kung kayo’y uubo At panatilihin, social distancing II. Tayo nang sumunod at wag nang pasaway Sa ikakabuti ng lahat ng tao Wag kalimutan na tayo’y magfacemask Kapag may kausap Tayo ay magdasal ng mataimtim Na sana’y matapos na ang ipedemya Ng sa gayon ang lahat, bumalik na sa normal Sa ikakabuti at pagunlad ng lahat *** TAYO’Y MAGKAISA PARODY (Tune: Leron-Leron Sinta) Tayo’y magkaisa Iligtas ang bansa Bitbit ang pag asa Tuklasin ang bakuna Pagharap sa CoViD Hindi padadaig Sama-samang lalaban CoViD ay iiwasan Kumilos ang lahat Tayo ay sumunod Manatiling STAY at home Upang di maimpeksiyon Pagkat ang kalusugan Dapat na ingatan
Huwag tayong lumabas Igalang ang batas Ang CoViD Pandemic Ay pambihirang sakit Masamang dulot nito Sa kalusugan mo Ang Pandemic na ‘to’y Ating pupuksain Isang buong bansa Sama-samang lalaban Isang buong bansa Sama-samang lalaban 41
Ang Virus by Jing-Jing L. Mendoza May virus na kumalat sa China at sa buong mundo At nahagip ang Pinas at karatig pang bansa Dahil sa sakit, lahat ay nagtotal lockdown At ang nagyari ay may nasawi, ngunit ang iba’y lumalaban pa Taong kay bait, yan ay ang mga fronliners Nagliligtas ng buhay ng mga tao sa buong mundo ***
42
SITSIRITSIT ALIBANGBANG Folk Song (Tagalog) Sitsiritsit, alibangbang Salaginto, salagubang Ang kumalat sa lansangan Sisitahin, papayuhan
Mama, mama, na may kaya ‘Yong tulungan yaring kapwa Pagdating ng panahon ‘Yong kapwa makakaahon
Manong tanod sa daanan Kabaranggay sa pasyalan Kung ayaw mong mapagbayad? Sa bahay na lang tumahan.
Ale, ale pumipila, Sa bigayan ng ayuda Pag-uwi sa kanila Ipinagbili sa iba. ***
COVID AY SERYOSOHIN (Tune: Tutubi-Tutubi) Huwag balewalain Itong covid-19 Ang sakit na ito Ay napaka delikado Sisirain nito Anti-bodies ninyo Pag ika'y nahawa Pamilya'y kawawa *** CoViD19 Tune: Bahay Kubo CoViD19 ay biglang dumating Buhay natin ay biglang dumilim Handshake at mano o kaya’y beso-beso Lahat ng ito’y nagbago Kung tayo’y lalabas Siguraduhing nakamask At laging panatilihin ang social distancing Maghugas ng kamay Upang virus ay humiwalay At upang sa pamilya’y hindi mawalay 43
Ang COVID Ay Di Biro (Sa Tunog ng Magtanim ay Di Biro) Ang COVID ay di biro Maghapon nakakulong Di man lang makalabas Di man lang makaluwas Braso ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit Binti ko’y namimitig Sa Pagpila sa Q Pass na makulit. *** ORDER Tala By Saragh G. Siguro nga masyadong matamis na matamis Ang luto mo, kesa sa luto ko Siguro nga akoy masyadong feel na feel, ang mag bake Sa takbo ng isip, Hindi ko maipilit… Tila ako’y puro bake lang at patikim Ngunit nalulunod sa mga hugasin At kung hanggang dito na lang ang mga order Hindi ako papayag na mag graham de leche pa mamaya! At kung umabot tayo hanggang Gasan Kapit lang ng mahigpit paaabutin natin ang mga orders Order, Order, Orderrrrr Ang binake kong mga cake tunay nakakatakam, Mapapa isa ka pa Order, order, orderrrrr Ang binake kong mga cake tunay nakakatakam talaga ***
44
COVID19 ay Di Biro COVID19 ay di biro, Frontliners at gobyerno Maghapong nakabantay., Di man lang makauwi.
COVID19 ay di biro, Frontliners at gobyerno Maghapong nakabantay., Di man lang makauwi.
Puso ko'y nalulungkot, Ating bansa,buong mundo. Isang sakit, di makita, Dalamhati ang dala. Sa umagang paggising, Ang kamay ay hugasan. ng sabon, alcohol at iba pa Upang ligtas sa COVID19. Paglabas ay iwasan, Manatili sa tahanan. Magsuot ng facemask din, ito’y tulong ating magagawa.
Puso ko'y nalulungkot, Ating bansa,buong mundo. Isang sakit, di makita, Dalamhati ang dala. Sa umagang paggising, Ang kamay ay hugasan. ng sabon, alcohol at iba pa Upang ligtas sa COVID19. Paglabas ay iwasan, Manatili sa tahanan. Magsuot ng facemask din, ito’y tulong ating magagawa. Halina, halina, mga kaliyag. Tayo'y magtulungan. at wag munang pasaway, Para sa araw ng bukas. Para sa araw ng bukas!
Halina, halina, mga kaliyag. Tayo'y magtulungan. at wag munang pasaway, Para sa araw ng bukas. ***
(In the tune of MAGTANIM AY DI BIRO) Magkasakit hindi biro, Lalo na sa panahong ito Dahil may virus po tayong Corona kung tawagin ‘to. Coronavirus na salot, Umalis ka na’t ako’y bagot! Hatid mo sa amin ay takot, Kelan k aba matatapos? Sa radio ikaw ang bida, Maging mapa-TV pa! Mga kasong tumataas,
Dulot mo talaga’y nakakashock!
Kaya naman hindi mapalagay, Takot sa araw-araw ay taglay. Sapagkat ang iniisip ko tuwina’y, Hindi ang sarili kundu ang nag-iisang supling na mahal. Isip ko’y naprapraning! Di ko alam ang gagawin! Kapag naiisip si darling, Asa Saudi pa mandin! 45
COVID ay Di-biro… (“Magtanim ay Di-Biro” Parody) COVID ay hindi biro, Buong mundo ay ginulo, Pinas ay isa dito, Sa China galing ito.
At huwag kukutyain. Kung katawan ay manhid, Ubo’t sipon, nanlamig. Huwag ka ng lumabas, Sarili’y bigyang lunas.
Mag-ingat, huwag manhid, Huwag din magagalit, Tulungan, kapit-bisig Susi dito ay pag-ibig.
Halina, halina at ipahayag, Tayoy huwag magsalungat. Covid man ay nasa landas, Labanan ng magwakas. Labanan ng magwakas.
Fronliner laging gising, Tayo ay iisipin. Sila ay tulungan din, ***
Bahay Kubo, kahit munti kami ay ligtas dahil di lumalabas Hindi kami pasaway, sumusunod sa batas, upang hindi mahawa. Ugaliing maghugas ng inyong mga kamay, sabunin ninyo itong mabuti. At kapag lalabas, huwag ninyong kalimutan Magsuot kayo ng FACE MASK *** Aming bayan, sadyang munti Pandemiya doon ay di tinatangi Sakit na COVID ay walang pinpilii Maraming buhay na ang sadyang nasawi Tayo ng maalarma sa mga paalala At ating sundin ang mga direktiba Manatili lamang sa ating tahanan At Ingatan ating kalusugan ***
46
IKALAWANG ARAW (Mayo 12) Gawain 1 (Auit at Korido) Panuto: Sumulat ng auit tungkol sa pagiging anak at korido sa pagiging magulang: (a) auit (apat linyang magkakatugma/ 12 pantig), at (b) korido (apat na linyang magkakatugma/ walong pantig). “Kami’y Mapalad!” ni:Kryzta Roundrock
“Batang Ina” ni: Kryzta Roundrock
Apat kaming anghel na nagbigay galak. Pilit itinaguyod, buhay ma’y payak. Laging naka-suporta, sa tinatahak. Solido kami, walang makakawasak.
Buhay ko’y inyong binago, ‘Sang saglit akoy natuto. Sulit aking sakripisyo Basta sa inyo, kaya ko,
Anuman ang ibato sa’tin ng mundo Magpakababa, maging mabuting tao. Yan ang madalas, paalala nyo’t turo Aming huwaran, mataas ang respeto.
Hindi nalang pansarili Luho ay inisang-tabi Sa iba ay naging bingi Kayo’y pinagmamalaki.
Tay, nay walang katapusang pasalamat Pagkilala sa inyo ay nararapat Ang tula kong ito ay hindi man sapat Pagmamahal na buhos sa aming apat.
*** ILAW ni: G. John Michael T. Ballovar Tanglaw ka sa aming buhay O Inang walang kapantay Maging buhay ibibigay Na’ng sa anak di mawalay.
“MIRASOL” ni: G. John Michael T. Ballovar Ako’y tila ‘sang bulaklak na kayganda Lumago sa dilig ng ama at ina Inalagaan mula noong binhi pa Hanggang sa naging simbolo ng pag-asa *** 47
***
48
*** ANAK Pag-usbong ng bata sa sinapupunan Dala-dala ng Ina, siyam na buwan Ano pa at bata ng kanyang isilang Naging suwail at sakit ng magulang.
MAGULANG “Bata tanda mo pa sila?� Inakay ka, inaruga, Tatlong pantig na nagbuhay, Ngayon ay kung ano ikaw. 49
*** Durong salamat sa buhay na bigay n’yo; Aral ay baon sa pagtahak sa mundo; Makabawi sana sa pagkukulang ko; Mapaltan ng saya ang paghihirap n’yo Kung ano ako ngayo’y dahil sa inyo; Maraming salamat sa pagmamahal n’yo, Pagsisikapang mapaligaya kayo; Sa mga pagkukulang makabawi ako. Anak, ng ika’y bata pa, magulang walang problema, Nang lumaki ay nag-iba, Parang kami’y itsapwera. ***
*** 50
*** Auit Kay Anak Hinulmang pag-ibig sayo’y ipinunla Iningatan sa tuwina’t kinalinga Binigyang ngalan at binihisang dapat Dulot mo’y siphayo’t pantanggal hirap.
Ma-Pa-Korido Sa tiis ay wagi sila Sa sipag ay silang una Sa kanilang pagkalinga ‘la ka ng hahanapin pa.
Sa’yong paglaki, bilin ay ingatan mo Huwag padadaig sa lahat ng tukso Mababang loob sa puso’y ikintal mo Laging tumingala sa Poong Diyos mo.
Inay, Itay kayo’y ginto Na aking papakatago Hindi ko ipagpapalit Sa kahit na anong bato.
*** 51
***
Bata pa lamang simula ng nangarap At sa ngayon ay akin ng nalalasap Isa ngiti para na akong nasa alapaap Nasuklian na lahat ng ating hirap
Magulang walang kapantay Tuwid na landas aakay
Anumang hirap lahat ay kakayanin
Kasama mo habang buhay
Lahat ng tulong maluwag sa damdamin
Sayo lagi aagapay
Magandang buhay akin laging mithiin Para sa pamilya lahat aking gagawin
Dahil sa inyo anuman ako ngayon Pasasalamat sa ating Panginoon Lagi siyang nandyan simula pa noon Ako’y maasahan yan ang tugon
52
NANG MINSANG BALIGTAD ANG AKING MGA TSINELAS ni Joseph L. Lozanta Madaling araw nang ako ay isilang, Pagkatapos ng s’yam na b’wan na binilang. Dal’wa na ang anak ng aking magulang, Ikatatlong anak ako ang pumatlang. Masaya ang aking naging kabataan, pagsuot sa tsinelas ay baligtaran. Batas ng kalye ang aking patakaran, Matira matibay ‘yan ang kalakaran.
Materyal na bagay man kami ay salat, Budget lang nami’y ay para sa mga aklat, Walang ibili ng sapatos na balat, Nagsumikap para makatapos lahat. Tanging sukli sa magulang ay diploma, mapudpod man sapatos naming goma. Walang nakatapos sa’min bilang Summa, balang araw kami ay pupuntang Roma.
Labing-dalawang taon pa ang lumipas, Kaming mga anak, sa anim lumampas. Utos ng panganay sa akin ang kumpas, ‘di p’wedeng tumanggi’t may lakip na hampas.
Ngayong hindi na baligtad ang tsinelas, nito batang minsa’y naging mandurugas. Guro na’t nagdarasal na ng madalas, nagsusumikap upang siya’y maging pantas
Mahirap ang anak na pumapagitna, Kailangang timbangin at punan ang patna. Sa paglaro’t paggala ako’y atat na, ngunit, nanay ko’y sa kamay may patpat na.
Batid kong ako’y hindi perpektong anak, madalas lakwatsa lang ang aking balak. Tamang landas naman aking tinatahak, magulang namin ay lilisang may galak.
Mga panganay laging wala sa bahay, Mga bunso nama’y madalas pasaway. Kapag nasa bahay, madalas mag-away, mapapabigkas ka na lang ng, “Hay, buhay!” ANG KUWENTO NG MGA ALAMAT ni Joseph L. Lozanta
Nagsimula sa ligawan, ang aming pagmamahalan. D’yos ang saksi sa sumpaan, simple man naging kasalan. Nagdesisyon nang bumukod, sa magulang na may tungkod. Tahana’y wala pang bakod, mahalaga’y to’y may tukod. Nangarap hanggang sa ulap, ayaw na namin sa hirap. Magandang buhay ang lasap, Kaming dalwa’y magsisikap. Nang iluwal ang panganay, gan’to pala maging tatay, gan’to pala maging nanay, kaligayahan ay tunay.
Sumunod ang ikalawa, Nagalak aking asawa. Dal’wang sanggol sabay ngawa, Kami’y wala nang magawa. Anak umabot sa pito, Gawa diyan, gawa dito. Mag-asawa’y litong-lito, bakit buhay naging gan’to? Kami ay hindi bumitaw, ulam man ay laging sitaw. Utang sa Intsik na hilaw, patong-patong na ang butaw. Kumapit sa pananalig, mawala lang ang ligalig. D’yos lang ang tanging didilig, 53
sa kailangan at hilig. Hanggang sa’ming huling hinga, at mailagay sa banga. Sa Kanya’y hihiling pa nga, mga anak sami’y humanga.
Mahirap maging magulang, laging may kulang at kulang. Buhay minsan may madalang, anak isaalang-alang.
Takip-silim sumisilay, kita ko sa aming bahay. Sa’king huling paglalakbay, sa ‘sang alamat na buhay
Kami’y walang ibang hangad, buhay na magandang bungad. Anak ma’y iba ang pangad, Naging bisyo ang paglung-ad. .
*** AUIT Mag mula nang maging ina Kapakanan ng pamilya Iniisip sa tuwina Nais na sila’y Masaya May araw na nagsusungit Kung minsan at palatawa Dinadaan din sa awit Kung problema ay sa pera Pinipilit magsumikap Maibigay lang sa anak Hinahangad at pangarap Kung matupad ay may galak
KORIDO Mga bilin mula kay ama at ina Gabay ko sa buhay saan man magpunta Patnubay ng Diyos sa tuwi- tuwina Umunlad sa buhay tanging hiling nila ***
54
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KINA MAMA ni V. Madriaga Hindi ko alam kung sa'n magsisimula Tila ba'y nabubuhol ang aking dila Sapagkat hindi ganitong klaseng paksa Ang napapag-usapan at ginagawa
May hihigit pa ba sa pagmamahal n'yo Magulang na mapagmahal, buo't totoo Buhay ma’y handang ialay ninyo Pusong wagas, iyan ang mayroon kayo
Siguro'y gusto ko lamang na sabihin Na kayo'y mahal na mahal kong mariin Hindi ko man araw-araw na sambitin Nawa'y sapat na ang koneksyon natin
Ngayon, ang buhok ninyo'y pumuputi na Nakakatakot ding isipin sa t'wina Baka isang araw kayo'y mawala na Kaya babawi ako sa inyo, mama.
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA AKING ANAK ni V. Madriaga Anak ko, mahal kong anak, Ikaw sa aki’y regalo ‘Yan ay tunay at totoo At hindi na magbabago.
‘Wag mahihiyang lumapit Sa aking kamay kumapit Yayakapin nang mahigpit ‘Pag unos sa buhay sumapit.
Asahang magiging gabay Sa agos ng iyong buhay Sa iyong patuloy na pagbaybay Asahan mo aking kamay.
Palagi mong tatandaan Saanman ikaw magparyan Mayron kang mauuwian Sa’king bisig, walang hanggan.
***
LAMPIN Pinagbabalutan ng ‘yong pagmamahal, No’ng ako sa mundo ninyo’y iniluwal. Pinangpupunas ng luhang dumaratal, Kapag nadapa’t sa sugat ay umangal.
Minsan ko nang nasira at dinumihan, Napagpálot at pinagsinungalingan, Subalit parati ninyong nilalabhan, Ang mga lampin ko’t aking katauhan.
Kahit ito ay aking kinalak’han na, Bahid ng pagkabata ko’y nakamarka. Bawat hibla ay alaala ang dala, Na kasama kayo no’ng ako’y bata pa.
Hanggang ngayon suot ko pa rin ang lampin, Nang pag-aaruga ninyo’t mga bilin. Ibibigay ko ito sa aking salin, Upang ang aral ninyo’y aking buhayin.
55
ANG PABORITO KONG KALINGA SOUP Mainit kong inihain, Sa hapag kapag kakain. Ang Kalinga kung tawagin, “Kain na, h’wag palamigin.”
Halang ng aking sinturon, At tamis ng pag-aampon. “Ang payo’y h’wag mong iluwa, Lunukin ang bawat hiwa. Kapagdaka’y manariwa, Kung pa’no ito ginawa.”
Ito’y sama-samang sangkap, Ng dusa, hirap, at sarap. Pagtitiis, pagsumikap, Pinaghalo ko nang ganap.
“Higupin anak ang sabaw, Lakas mo sa buong araw. Magdarating din na ikaw, Magluluto nitong sabaw.”
Alat ng determinas’yon, Malaman na edukas’yon,
***
56
*** Anak, apat na letrang nagbigay saya Sayang walang katumbas sa ama’t ina Mula sa pagsilang hanggang sa pagtanda Anak, ikaw ang nagbibigay ligaya.
Anak, kumalinga ka sa magulang mo Sapagkat sila ang humubog sa iyo Sa mundong puno ng pagbabago Di dapat mawala ang iyong respeto
Hindi ipinagkait ang iyong gusto Pagmamahal at kalinga, isukli mo. Sa iyong magulang o kahit kanino Panatilihin ang pagiging maginoo 57
Pasalubong (Awit)
Tuloy Kayo, Mga Anak (Korido)
Pa, pasaan ka po? Aalis ka na ba? Tanong ko habang tanaw ang bag n’yang dala Ay oo nga, tugon sa alertong pula Ingat kayo, yung pasalubong ko Pa ha?
Tuloy kayo, mga anak Sa mundong ito na hamak ‘ko’y lubos na nagagalak Sa inyong unang pagtapak
Ma, pasaan ka po? Aalis ka na ba? Tanong ko habang tanaw ang bag n’yang dala Ay oo nga, may pasok ngayon sa ‘skwela Ingat kayo, yung pasalubong ko Ma ha?
Hangad ko ang kaligtasan Aruga’t kasaganaan Ninyo sa inyong pagtahan Sa ating munting tahanan
Si Mama ay guro, Papa ay sundalo Para sa bayan ang kanilang serbis’yo ‘La sa bahay dahil nasa ibang baryo Napakalaki ng kan’lang sakripis’yo
Ang mundong ito’y masungit At nababalot ng pait Marami ang nagagalit Marami ang mapanakit
Kahit dalas sila’y wala sa piling ko Proud na proud ako sa magulang ko, oo Walang iba akong hinihingi sa’n’yo Kundi’y pagmamahal na pasalubong n’yo
Pero kahit na ganiyan Mundong inyong kalalak’han Kayo ay magagabayan Andito kami, tandaan Sa mundong ito na hamak ‘ko’y lubos na nagagalak Sa amin kayo’y tatahak Tuloy kayo, mga anak
***
58
AWIT sa pagiging anak
KORIDO sa pagiging MAGULANG
SALAMAT ni Ja Marciano
GABAY ni Ja Marciano
Buwan ng Setyembre nang ako’y mabuhay Ang aking magulang ang s’yang naging gabay Hindi hinayaang puso ay malumbay Sa mga problema sila’y kaagapay.
Simula ng maging nanay Kamay nila’y laging akay Lagi nilang kaagapay Hangga’t ako’y nabubuhay
*** Isang malaking hamon ang maging anak Sa mundong magulo't sa lupang tinahak Hindi madali ang alinmang sandali Kahit sumahin pa at iyong ikubli
O Inay! Pagkabata’y inaruga Huminog man at magbunga Ilaw sa dilim ng buhay Haliging nagbigay tibay Mahirap man ay binigay Sakripisyo ang inalay Sikap, sipag inyo’y tanim Magulang na bigay sa’kin Hangad ay kinabukasan Pagkat ito’y tanging yaman Yaman na maaring dalhin Sa’n man pumunta’t pulutin Hangad nila’y mapabuti Hindi man laging katabi Dadalhin hanggang tumanda Lumipas man at mawala
59
***
60
Awit
Korido
Nanay at tatay salamat po sa inyo Sa paggabay nyo hanggang sa paglaki ko Tangi kong dasal sakit huwag dumapo Maging laging ligtas at malakas kayo
Noong sinilang ko kayo Kay saya ng aking puso Itinuro mga ikabubuti ninyo Binigay ang lahat san'yo
*** Anak Ni Anthony E. Murillo
Magulang, Walang Kapantay Ni Anthony E. Murillo
Ang isang anak ay dapat na magbunyi Dahil sa magulang na katangi-tangi Sila’y laging nariyan dala ay papuri Sa mabuting anak na minimithi
Magulang ay isang gabay Sa anak ay umaakay Upang makamit ang tagumpay Sila ay walang kapantay
*** MAGULANG Sa magulang kong gumabay Salamat ang aking alay Sa lahat naging karamay Mamahalin habang buhay.
ANAK Kaligayahan ko’y aking nadarama Sa pagkayod ko, hirap di alintana Upang sa paglaki, ako’y maligaya. ***
61
MAMA KO Sa ganitong panahon, oh aking Ina Lalo kitang namimiss at sa tuwi- tuwina Hangad ko sana’y andito ka pa at si Papa Na makapiling ka ng mahaba at kay saya
NANAY AKO Bata man na ako’y naging Ina Ito’y walang kaparis, alam mo ba? Ang tawagin kang Nanay Dakilang bigay ng Maykapal
Oh Mama, mahal na mahal kita Sana ay nasabi ko na dati pa Maraming sana na makapiling ka pa Sa paraiso alam kong masaya ka na
Nanay, Inay, Mama ah ah Kay sarap sarap sa tenga Buhay man ay iaalay Para sa inyo aking mahal
***
62
May sandaling ako’y di maunawaan, Ama, Ina ko sana’y maintindihan. Pagmamahal sa inyo ay lubusan. Kayo ang tunay kong lakas at sandalan
Pagod hindi alintana, Dahil ikaw ay biyaya. Kahit pa magkandakuba, Makita ka lang sagana *** AWIT Mayabang ka’t Nasa Pugad (Awit)
KORIDO MAGULANG AY LIWANAG (Korido)
Linggo ng umaga nang ako’y mahantad Iri ng Inay, ulirat ay nabatad Sa mukha ni Itay ngiti ay lumantad Mayabang ako pagkat nasa ‘yong pugad.
Nagmula sa ating bahay Abakada ang s’yang taglay Aral ay handang ialay Para sa iyong tagumpay.
Mayabang ako pagkat nasa ‘yong pugad Sa aral at mga dasal ako’y nalantad Aking sininop para sa maling ladlad Ang pagsuway sa inyo ay walang tawad.
Sa dakilang mga pangarap Nagmula sa aking hirap, At sa dakilang paglingap Inyong nais ay makalap
Minsan kong pagkakamali ay nagbahid Damdamin ko ay pilit ipinahatid Aking pagkakasala lahat nasaid Kabutihan ay muli kong sinisid.
Hinagpis ng mga magulang Habang bata ka pa lamang Pagmamahal at pagsilang Nais lamang ay paggalang
Bilang isang anak, luha ko’y nangilid, Sa maling daan man tayo ay mabulid Huwag na susuko sa problemang sampid Iangat ang sarili sa himpapawid.
Magkulang kana sa iba Huwag lang sa ‘yong pamilya Kamiy inyong ama’t ina Yan ang laging paalala.
63
AUIT Anak nga bang maituturing ako Kahit marami na akong binigo Sa mga naisambit na pangako Tila ba ninanais ng sumuko KORIDO Wika nila Ama’t Ina Maging mabuti sa kap’wa At lagi kong ipadama Pamana nilang kalinga ***
AUIT Tungkol sa Pagiging Anak Ni: Clarissa L. Vitto Utang sa magulang itong aking buhay, Pagmamahal sa’kin handang ibigay, Sapitin man ninyo itong dapit-hapon, Kayo’y mamahalin sa habang panahon KORIDO Sa pagiging magulang Ni: Clarissa L. Vitto Siyam na buwan kang tangan, Dito sa sinapupunan, Galak walang mapagsidlan, Nang ikaw ay aking masilayan. ***
64
IKALAWANG ARAW (Mayo 12) Gawain 2 (Pananaliksik) Panuto: Saliksikin ang talambuhay ng tungkung-bato o triumvirate ng musikang Filipino: (a) Nicanor Abelardo, (b) Antonio Molina at (c) Francisco Santiago, si Molina. Musiko
Nicanor Abelardo
Antonio Molina
Francisco Santiago
Pebrero 7, 1893 San Miguel de Mayumo, Bulacan, Valentin Abelardo at Placida Santa Ana
Disyembre 26, 1894
Enero 29, 1889
Quiapo, Maynila
Santa Maria, Bulacan
Larawan
Kapanganakan Lugar ng Kapanganakan Magulang
Buhay
Natutunan ang solfeggio at pagtugtog ng bandurya noong siya’y 5 taon Natutong tumgtog ng gitara sa edad na 6 na taon Isinulat ang Unang Buko nang siya ay 8 taong gulang Natutong tumugtog ng piano sa edad na 9 Nagturo sa isang paaralan sa musika sa Bulacan sa edad na 15 Naging piyanista sa isang teatro sa Maynila Nag-aral sa University of the Philippines
Juan Molina at Felipe Santiago at Simeona Naguiat Maria Santiago Nakatugtog ng Nag-elementarya sa violincello Colgeio San Juan Tumugtog sa de Letran orkestra at bilang Naghayskul sa Liceo soloista sa Manila de Manila Grand Opera House Natutong mag-piano Gumamit ng mga sa edad na 7 inobasyon sa musika sa kanyang Naging guro sina paggamit ng whole Blas Echegoyen, tone scale, Faustino Villacorta pentatonic scale, at Primo Calzada dominant ninths at Naging tagapagturo elevenths at linear ng piano sa UP counterpoints Conservatory of Music noong 1916 Nag-aral sa Escuela Catolica de Nuestro Naging guro si Padre Jesus Robert Schofield sa Nazareno sa advanced harmony Quiapo, Manila, at counterpoint Nagkolehiyo sa San Nakuha ang Juan De Letran kung teacher’s certificate saan soya sa agham at ginawaran ng komposisyon noong Bachelor of Arts 1922 degree noong 1909. 65
Conservatory of Music Nakuha ang teacher’s certificate sa agham at komposisyon noong 1921 Naging puno ng composition department ng UPCM noong 1924 Kinatha ang UP Naming Mahal noong 1917 Nag-aral sa Chicago Musical College
Kasapi ng pakuldad ng UP Conservatory Guro kina Lucresia Kasilag at Felipe de Leon Naging dekano Centro Escolar Conservatory of Music Itinatag ang CEU String Quartet
Taguri
Ama ng Filipinong Sonata
Espesyalisasyon at Larangan
mga awit
Claude Debussy ng Pilipinas impresyonistang musika
Mga Likha at Komposisyon
Komposisyon sa piyano at orchestra Concerto in B Flat Minor (1923) Waltz Ang Unang Buko (1901) Awit UP Beloved (1917) Ang Aking Bayan (1922) Ultimo Adios Bituing Marikit (1926) Kundiman Nasaan ka Irog? (1923) Kung Hindi Man, Magbalik Ka Hirang (1920) Himutok, Paghanga, Sa Libingan ng Irog (1928) Kundiman ng Luha (1924) Mutya ng Pasig (1926) Sarswela Sumilang
Unang komposisyon Matinal (1912) Harana Hatinggabi Orkestra Misa Antoniana Grand Festival Mass Ang Batingaw Kundiman Kundangan Chamber Music Hating Gabi String Quartet Kung sa Iyong Gunita Pandangguhan Vocal Music Amihan Awit ni Maria Clara Larawan Nitong Pilipinas
Natapos ang masters sa musika sa Conservatory of Chicago noong 1924 Natapos ang doktorado sa musika sa Chicago Music School noong 1924 Ang unang komposisyong Purita ay inialay kay Pura Villanueva (unang Carnival Queen) UP Emeritus Professor of Piano noong Mayo 25, 1946 Ama ng Kundiman kundiman, piano concerto Unang komposisyon Purita (1908) Piano forte/orkestra Concerto in B flat minor (1924) Kundiman Anak-Dalita (1917) Sakali Man (1917) Hibik ng Filipinas (1917) Pakiusap (1921) Ang Pag-ibig (1922) Suyuan Alaala Kita Ikaw at Ako Ano Kaya ang Kapalaran? (1928) Hatol Hari Kaya? Sakali't Mamatay Dalit ng Pag-ibig Aking Bituin Madaling Araw Pagsikat ng Araw Musikang Klasikal Philippine Overture Sonata Filipina in D flat major (1922) Iba pang komposisyon 66
Dakilang Punglo Sonata Sonata in G Major (1921) Sonata for violin and piano (1931) Sonata for String Quartette (1932).
Mga Karangalan
Kamatayan
Legasiya
Unang Karangalan sa UP Beloved Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika (1973) Marso 21, 1934 (sakit sa puso dahil sa alkoholismo) Sa kanya ipinangalan ang pangunahing teatro sa CCP at UP College of Music
Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika (1973)
Enero 29, 1980
Itinatag ang CEU String Quartet
Ave Maria (1919) Musical transcriptions Ay, Kalisud! (1928) Ang Kumintang Kura-Kura Hawi-Hawi Pampasko Sumilang na Ang Manunubos (1932) Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika (1973) Patnubay ng Sining at Kalinangan Award (posthumous) Setyembre 28, 1947 (atake sa puso) Kundiman Sa kanya ipinangalan ang isang bulwagan sa BDO Head Office
67
IKALAWANG ARAW (Mayo 12) Gawain 3 (Tula) Panuto: Gumawa kayo ng inyong sariling bersiyon ng Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla sa pamamagitan ng tulang-dugtungan na pinamagatang Ako Ang ___________.
I Ako ang indayog Ako Ang tugtog Ako Ang indayog Ang tugtog Ako Ang indayog Ng tugtog Ang tugtog ng indayog Ako Ang walang kupas na ako Ang walang katapusang ako Ang indayog ng tugtog II Ako Ang indayog ng tugtog Ako Ang tugtog ng indayog Ako Ang walang kimeng ako Toto sa sarili Sa aking indayog ng tugtog Ako Ang tugtog sa indayog Ako Ang indayog Ng tugtog Ako
III Ako Ang emosyong malaya Ako ang kulay ng buhay Ako Ang buhay Na walang katapusan Ako Ang emosyon Ang kulay Ang buhay Emosyon Kulay Buhay Indayog Ako IV Ako Ang indayog sa tugtog Ako Ang indayog ng tugtog Ako Ang indayog Ako Ang tugtog Indayog Tugtog Ako
68
Ako ang Musika ni: G. John Michael T. Ballovar
I. Ako ang musika Ako ang buhay Ako ang musika ang buhay Ako ang musika ng buhay ang buhay ng musika Ako ang nagiisang ako ang pinagpalang ako ang buhay ng musika II. Ako ang musika ng buhay Ako ang buhay ng musika
Ako ang nagsisilbing tinig nagbibigay halaga sa aking musika ng buhay Ako ang buhay sa musika Ako ang musika ng buhay Ako III. Ako ang ritmong malumanay Ako ang melodiyang sinusundan Ako ang lirikong binibigkas Ako Ang ritmo
Ang melodiya Ang liriko Ritmo Melodiya Liriko Buhay Ako IV. Ako ang musika sa buhay Ako ang musika ng buhay Ako ang musika Ako ang buhay Musika Buhay Ako
***
69
AKO ANG PUNGLO ROMILYN M. BRUAL
ako ang punglo ako ang pag-ibig
at punglo
ako ang punglo ng pag-ibig ako
ako ang punglo ng pag-ibig ako ang walang awa na ako ang mapag-imbot na ako ang punglo ng pag-ibig
ako ang damdaming mapaniil ako ang larawan ng kataksilan
ako ang taksil na damdamin mapagkunwari’t walang halaga
ako ang punglo ng pag-ibig ako ang pag-ibig ng punglo
ako ang damdamin mapagkunwari walang halaga
ako ang sakim na ako buktot ang pag-iisip sa aking punglo ng pag-ibig
damdamin mapagkunwari walang halaga pag-ibig ako
ako ang pag-ibig ***
70
AKO ANG IMAHINASYON ni Arwin Jones Epa I ako ang imahinasyon ako ang isip ako ang imahinasyon ang isip ako ang imahinasyon ng isip ang isip ng imahinasyon ako ang walang hanggang na ako ang walang katapusang ako ang isip ng imahinasyon
sa imahinasyon ako ang imahinasyon ng isip ako
III ako ang sining mo sa utak mo ako ang sining ng buhay ako ang makapangyarihang disenyo sa inobasyon ako ang ideya ang disenyo ang konsepto ideya disenyo konsepto bukas ako
II ako ang imahinasyon ng isip ako ang isip ng imahinasyon ako ang walang maliw na ako patuloy na lumalago para sa aking isip ng imahinasyon ako ang isip
IV ako ang imahinasyon sa isip
***
71
AKO ANG PATAK Rhia Galloniga
72
AKO ANG KAPITAN Crysal Insigne I Ako ang kapitan Ako ang manlalakbay Ako ang kapitan ang manlalakbay Ako ang kapitan na manlalakbay Ang manlalakbay ng kapitan Ako Ang nalilitong ako Ang matatag na ako Ang manlalakbay ng kapitan II Ako ang kapitan ng manlalakbay Ako ang manlalakbay ng kapitan Ako ang nagugulumihanang ako Sagipin ang sarili Sa aking kapitan na manlalakbay
IV Ako Ang Kapitan Sa manlalakbay Ako Ang manlalakbay Sa kapitan Ako Ang manlalakbay Kapitan Manlalakbay Ako
Ako ang kapitan sa manlalakbay Ako ang manlalakbay ng kapitan Ako
III Ako Ang naglalakbay sa malawak na karagatan Ako ang naglalayag di alam san tutungo Ako Ang naglalakbay Ang Pag-asa Ang Pagtuklas Naglalakbay Pag-asa pagtuklas Manlalakbay Ako 73
AKO ANG GURO Jellie Ann Jalac
ako ang karunungan
ang guro ng karunungan
ako ang guro
ako ang uhaw na ako una ang pagtuturo sa aking karunungan ng guro
ang gumagabay ang nagmamahal
ako ang guro sa karunungan
tinitingala gumagabay nagmamahal guro ako
ako ang karunungan ang guro ako ang karunungan ng guro ang guro ng karunungan ako ang walang sawang matuto na ako ang pasensyosang ako ang guro ng karunungan II ako ang karunungan ng guro ako
ako ang karunungan ng guro ako III ako ang tinitingala na ehemplo ako ang gumagabay sa kabataan ako ang nagmamahal sa inyo
ako ang tinitingala
IV ako ang karunungan sa guro ako ang karunungan ng guro ako ang karunungan ako ang guro karunungan guro
ako
***
74
75
76
77
78
AKO ANG TANGLAW Ni: Micha M. Lanete I Ako ang tanglaw
ako Ako Ang liwanag sa landas mo Ako ang ilaw sa tinatahak mo Ako ang simbolo na aakay sayo Ako Ang liwanag Ang ilaw Ang simbolo
ako ang daan ako ang tanglaw sa daan, Sa daan, Magsisilbing tanglaw
Liwanag Ilaw Simbolo Ako
Ako Ang laging gagabay sayo, Ang laging magbibigay liwanag sayo Ang tanglaw sa daan
IV Ako Ang tanglaw Sa daan
II Ako ang tanglaw Sa daan Sa daan, Magsisilbing tanglaw
Ako Sa daan Ay magsisilbing tanglaw
Ako ang simpleng ako Ngunit kailangan mo
Ako ang tanglaw Ako ang daan
Sa aking tanglaw sa daan
Tanglaw Daan Ako
ako ang tanglaw ako ang tanglaw sa daan
***
79
AKO ANG KASALUKUYAN Joseph L. Lozanta I ako ang kasalukuyan ako ang hinaharap
ako III ako ang oras na malaya ako ang minuto segundo ako ang segundo na walang hanggan ako ang oras ang minuto ang segundo oras Minuto segundo hinaharap ako
ako ang kasalukuyan ang hinaharap ako ang kasalukuyan ng hinaharap ang hinaharap ng kasalukuyan ako ang walang hanggang ako ang walang katapusang ako ang hinaharap ng kasalukuyan II ako ang kasalukuyan ng hinaharap ako ang hinaharap ng kasalukuyan ako ang natatanging ako dakila sa lahat sa aking kasalukuyan ng hinaharap ako ang hinaharap sa kasalukuyan ako ang kasalukuyan ng hinaharap
IV ako ang kasalukuyan sa hinaharap ako ang kasalukuyan ng hinaharap ako ang kasalukuyan ako ang hinaharap kasalukuyan hinaharap ako ***
80
Ako Ang Araw Isinulat ni: Myra M. Luci
I Ako Ang liwanag Ako Ang hari Ako Ang liwanag Ang hari Ako Ang liwanag Ng hari Ang hari Ng liwanag
Ako Ang walang lamig na ako Ang walang hanggang init na ako Ako ang hari ng liwanag II Ako Ang linawag ng hari Ako
Ang hari ng liwanag Ako Ang napakainit na ako Nasisilaw ang mata Sa aking liwanag Ng hari
katapusan Ako Ang pag –asa
Ako Ang hari Sa liwanag
Ang tanglaw Ang gabay Pag- asa Tanglaw Gabay Hari Ako
Ako Ang liwanag Ng hari Ako
IV Ako Ang liwanag Sa hari
III Ako Ang pag-asang Pinagmumulan
Ako Ang liwanag
Ako Ang tanglaw Ng buhay Ako Ang gabay Na walang
Ako Ang hari Liwanag Hari Ako
***
81
AKO ANG PAG-ASA ni V. Madriaga I ako ang pag-asa ako ang bukas ako ang pag-asa ang bukas ako ang pag-asa ng bukas ang bukas ng pag-asa ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang bukas ng pag-asa
III ako ang boses mo sa puso mo ako ang liwanag ng buhay ako ang pagbangon sa pagkakalugmok ako ang damdamin ang boses ang liwanag damdamin boses liwanag bukas ako
II ako ang pag-asa ng bukas ako ang bukas ng pag-asa ako ang matibay na ako patuloy na tumitbay para sa aking bukas ng pag-asa ako ang bukas sa pag-asa ako ang pag-asa ng bukas ako
IV ako ang pag-asa sa bukas ako ang pag-asa ng bukas ako ang pag-asa ako ang bukas pag-asa bukas ako
*** 82
Ang Aral sa K’wento Rizalyn Magno Ako ang k’wento. Ang mahabang k’wentong pakikinggan mo. Ako rin, ang aral. Ang aral sa k’wento. Ang aral na matututunan mo. Ako ang k’wento sa aral, At ang aral ng k’wento. Iyong pakikinggan, Iyong matututunan. Ang k’wento ko Ang aral ko Ako. ***
83
AKO ANG MAESTRA Anna Jessa J. Malco
I Ako ang maestra Ako ang pamana
hanggan Ako ang damdamin Ang larawan ng kultura Damdamin Pagkakakilanlan Pamana Maestra Ako
Ako ang maestra ng pamana Ang pamana ng maestro Ako ang makabayang ako Ang may kulturang ako Ang pamana ng maestra
IV Ako ang Maestra Ng Pamana Ako ang Pamana ng Maestra Ako ang Pamana ng Kultura Ako ang Maestra Ako ang Maestra ng Pamana Ako ang Kultura Ako ang Pamana Pamana Kultura Ako‌
II Ako maestra ng pamana Ako ang pamana ng maestra Ako ang may tungkuling ako Ang magbahagi kultura sa kabataan Isang maestra ng pamana Ako ang maestra ng pamana Ako ang pamana ng maestro III Ako ang damdaming malaya Ako ang larawan ng kultura Ako ang larawang buhay ng kultura Ako ang bahagi ng kultura na walang
Pamana Maestra Ako.. ***
84
AKO ANG GURO Eric N. Maningas Ako ang Guro Milenyal na guro Ako ay naghuhubog Ako ang guro Ako ang guro sa makabagong panahon Ako ang milenyal na guro Gurong milenyal Makabagong guro sa panahong milenyal Gurong di mauupos Di mauupos..makikiagos Makabagong yugto ng
pagkapatuto Matututo, dahil ako ay guro
Ako ang aral Ang halaga Ang papanday Pangarap Buhay Ako ang guro
Ako ang guro Gurong magtatanim Magtatanim ng kaalaman Dahil guro ako Ako ang iyong guro Huhubugin ka sa tama Ang asal na salat Ako ang guro Siyang magtatama
Ako ang gurong milenyal Milenyal akong guro Ako ang guro Humuhubog Milenyal Guro Ako
Ako Ang ugat *** AKO ANG SIMULA’T KATAPUSAN Joen Earl Manlisis
Ako ang simula Ako ang wakas Ako ang simula at wakas
Ako ang wakas ng aking nasimulan Ako ang simula Ng aking wakas Ako ang wakas Ng aking nasimulan
Ako ang magsisimula Ng aking magiging wakas Ako ang simula ng aking wakas
Simula Wakas Ako
Ako ang magwawakas Ng aking nasimulan
***
85
AKO ANG TAHANAN Ni Ja Marciano Ako ang Tahanan Ako ang alon Ako Ang tahanan ng alon ang along ng tahanan Ako Ang walang maliw na ako Ang walang kamatayang ako Ang alon ng tahanan Ako Ang tahanan ng alon
Ang alon ng tahanan Ako Ang malayang ako Matapat sa sarili Sa aking tahanan na alon Ako Ang damdaming Malaya Ako Ang buhay na walang hanggan Ako Ang damdamin Ang larawan Ang buhay
Damdamin Larawan Buhay Ako Ako Ang tahanan sa alon Ako Ang tahanan Ng alon Ako Ang tahanan Ako Ang alon Tahanan Alon Ako
86
AKO ANG PERLAS Jing-Jing Mendoza Ako Ako ang perlas Ako Ang silanagan Ako Ang perlas Ng silangan Ang silangan Ng Perlas Ako ang bayang hinirang na ako ang maningning na ako ang perlas ng daigdaig II Ako Ang perlas ng silangan Ako Ang silangan ng perlas
Malaya Ako Ang republikang Buhay Ako Ang lupang Na walang hannggan Ako Ang simbolo Ang kalayaan Ang Buhay Simbolo Kalayaan Buhay Silangan ako IV Ako Ang bansa Sa silangan
Ako ang malayang ako May kalayaan sa sarili Sa aking perlas Ng silangan Ako Ang silangan Sa perlas
Ako Ang silangan Sa bansa
Ako Ang perlas Ng silangan Ako
Ako Ang silangan
III Ako Ang bansang
Ako Ang Perlas
Perlas Silangan ako 87
***
88
AKO ANG PAG-ASA Anthony E. Murillo I Ako Ang guro Ako Ang pag-asa
II Ako Ang guro ng pag-asa Ako Ang pag-asa ng guro
Ako Ang guro Ng pag-asa Ang pag-asa Ng guro
Ako ang malayang ako Matapat sa tungkulin Nasa akin ang pag-asa Ako ang guro
Ako Ang walang tigil sa trabaho Ang walang kapagurang ako Ang guro, ang pag-asa
Ako Ang pag-asa Ng guro Ako ang guro 89
ng pag-asa ako III Ako Ang gagawin Ang lahat
Masasandalan Pag-asa Ako IV Ako Ang guro Sa pag-asa
Ako Ang huwaran Ng kabataan
Ako Ang pag-asa Sa guro
Ako Ang huwaran Sa buong paaralan
Ako Ang guro Ako Ang pag-asa
Ako ang huwaran Ang larawan Ang masasandalan
Guro Pag-asa Ako…
Huwaran Larawan
AKO ANG BULAKLAK Rufina Nepomuceno
I AKO ANG TALULOT AKO ANG BULAKLAK AKO ANG TALULOT ANG BULAKLAK
ANG WALANG KATAPUSANG AKO ANG TALULOT NG BULAKLAK. II AKO ANG BULAKLAK NG TALULOT AKO ANG TALULOT NG BULAKLAK
AKO ANG TALULOT NG BULAKLAK ANG BULAKLAK NG TALULOT
AKO ANG BABAENG AKO MAPAGMAHAL SA KALIKASAN NA BULAKLAK NG TALULOT
AKO ANG WALANG KUPAS NA AKO
AKO ANG TALULOT SA BULAKLAK 90
AKO ANG BULAKLAK NG TALULOT.
***
AKO ANG PUSO Hannah Cinkee Nocum I Ako ang pag ibig Ako ang puso Ako ang pag ibig ng puso Ako ang puso ng pag ibig
III Ako ang pag ibig Ako ang puso Ako ang pag ibig ng puso Ako ang puso ng pag ibig
Ako, na walang kamalayan na ako Ang walang sawa sa pag-ibig ng puso
Ako ang larawang patunay Ako ang buhay na walang hanggan Ako ang damdamin ng larawang patunay Damdamin larawan patunay pag-ibig ako
II Ako ang pag ibig Ako ang puso Ako ang pag ibig ng puso Ako ang puso ng pag ibig
IV Ako ang pag ibig Ako ang puso
Ako ang maligayang ako Nagmamahal sa pag-ibig ng puso
Ako ang pag ibig ng puso Ako ang puso ng pag ibig Pag-ibig puso ako
*** 91
AKO ANG PAG-IBIG I ako ang pag-ibig
matapat na umiibig sa iyo sa aking pag-ibig na aking iniibig.
ako ang inibig
ako ang pag-ibig na umibig
ako ang pag-ibig ng inibig ang pag-ibig ng inibig
ako ang pag-ibig na inibig ako
ako ang nagmamahal na ako ang walang sawang ako ang inibig ng pag-ibig
III ako ang di magsasawang ako
II ako ang pag-ibig ng inibig ako ang inibig ng pag-ibig
ako ang suporta at tanglaw mo
ako ang matapat na ako
ako ang uunawa
ang aagapay ang aakay uunawa aagapay aalalay pag-ibig ako IV ako ang pag-ibig ang inibig ako ang tula sa pag-ibig ako ang pag-ibig pag-ibig inibig ako....
AKO ANG GABAY Johnnel Palacios
I Ako ang gabay
ako ang liwanag ako ang gabay ang liwanag ako ang gabay
ng liwanag ang liwanag ng gabay
ang gabay ng liwanag ako ang liwanag ng gabay
ako ang walang pagsuko na ako ang walang pagtigil na ako ang gabay ng liwanag
ako ang palabang ako matiyaga sa sarili sa aking gabay ng liwanag
II ako
ako ang liwanag sa gabay 92
ako ang salaming makata
ako ang gabay sa liwanag ako
ako ang kulay na walang kapantay
III Ako Ang kaisipang sagana
damdamin salamin kulay liwanag ako
ang liwanag
IV ako ang gabay sa liwanag ako ang gabay ng liwanag ako ang gabay ako
gabay liwanag ***
AKO ANG MUSIKA Ann Margaret Perolino Ako ang Musika Ako ang mundo Ako Ang musika Ang mundo
Ang musika ng mundo
Ako ang Musika Ng mundo Ang mundo Ng Musika
Ako Ang mundo ng musika
II Ako Ang musika ng mundo
Ako Ang masayang ako Mapagmahal sa sarili Sa aking Musika Ng mundo
Ako Ang walang takot na ako Ang walang hanggang ako
***
93
I ako ang musika ako ang tinig ako ang musika ang tinig ako ang musika ng tinig ang tinig ng musika ako ang siyang aliw na ako ang masiglang ako ang tinig ng
AKO ANG MUSIKA Clarisse Vitto musika ako ang musika II ng tinig ako ako ang musika ng tinig III ako ako ang awiting ang tinig ng Malaya musika ako ang notang ako simbolo ang masiglang ako aliw sa ako nakararami ang himno sa aking musika na bumubuhay ng tinig ako ako ang awitin ang musika ang nota sa tinig ang himno awitin
nota himno himig ako IV ako ang musika sa tinig ako ang musika ng tinig ako ang musika ako ang tinig musika tinig ako
94
IKATLONG ARAW (Mayo 13) Gawain 1 (Talambuhay) Panuto: Hanapin ninyo online ang headline ng isang peryodiko o diyaryong lumabas noong araw na ipinanganak kayo. Anong balita noon? Martial Law o ba noono Edsa Revolution na? May bagyo ba? Mataas ba ang bilihin? Sinong nanalong kampeon: Chicago Bulls? O San Miguel Beer? Anong hula noon sa Horoscope? Virgo ka ba? Pumili kayo ng isang bagay noong araw ng pagsilang mo na may kaugnayan pa rin sa inyong buhay ngayon. Nagkakatotoo ba? Sumulat ng inyong talambuhay ngayon ayon sa nangyari noon. Abril 19, 1990, petsa ng aking kapanganakan, panahon din kung saan kauna-unahang ginanap ang “World Nintendo Competition” sa Worcester Centrum na nilahukan ng iba’t-ibang bansa. Marahil ay hindi pamilyar ang ilan dahil sa ang terminong ginamit ay sinunod sa pangalan ng kompanyang lumikha. Ito ay larong elektroniko na ginagamitan ng joy stick. Kung naaalala nyo ang sumikat na video game na Super Mario at Tetris. Sa panahong iyon, ito ay karaniwang nilalaro lamang ng nakaangat sa buhay gamit ang “family computer”. Gayon pa man, ito ay mainam na libangan upang mabuklod sa tahanan. Ako nga pala si Christabel Peñaredonda Alojado. Bunso sa apat na anak ni Ernesto at Estrella. Lumaki sa payak na pamumuhay. Sunodsunod kaming ipinanganak ng aking mga kapatid kung kaya’t na hirapan ang aming mga magulang na tustusan ang araw-araw naming pangangailangan lalo’t ang aming pag-aaral. Bagamat salat kami sa pananalapi, nagpupursige ang aking ina na isang guro na maiparanas sa amin ang buhay na maging isang bata. Aniya minsan lang ang pagiging bata. Hinayaan nya kaming sumali sa lahat ng mga palabas at patimpalak sa paaralan kahit ang kapalit nito ay kaliwa’t kanan niyang utang. Ang aking tatay ay dating nagtatrabaho sa ibang bansa. Pero sa kagustuhan nila na makita kaming lumaki ng buo at sama-sama, dalawang taon lang umuwi na siya. Istrikto at maselan, yan ang ilan sa kanyang mga nagmarkang katangian ngunit lingid sa kaalaman ng ilan, hindi matatawaran ang paniniwala at pagsuporta niya sa kakayahan at abilidad naming apat. Sa aming paglaki, hindi namin naranasan ang modernong laro gamit ang makabagong gadyet. Tanging takbuhan at larong lansangan ang aming pinagkakaabalahan. May pagkakataon na nakikinood kami sa kapitbahay na minsan pa’y kami’y pinagsasarhan. Sa kagustuhan ng aming ina na di kami mahuli, bumili sya ng type writer nung uso na ang kompyuter at VHS nung mayroon ng DVD player. Sa kabila ng nakakatuwang sitwasyon, hindi ko hinanap kung ano yung kulang. Lumaki akong may positibong pananaw sa buhay. Pinanghawakan ang kasabihang “Kung kaya ng iba, ako pa ba?” Hindi man ganoon katalino, pero handang matuto. Maraming gustong marating at mabili kaya madiskarte. Napapagod, umiiyak, magpapahinga pero tatapusin. Rumireklamo pero gagawin din. Ako yung ganitong uri ng babae. Natapos ako sa kursong hindi ko naman gusto. Ayaw ko nito dahil saksi ako sa gabundok na trabaho ng nanay ko. Na kahit may mahahalagang kaming gawain sa paaralan, hindi niya kami 95
sisiputin dahil sabi nya tawag ng tungkulin. Sa kabila ng pag tanggi, walang nangyari. Sabi ko na lang sa sarili ko, andito na rin lang ako kaya apagbutihin ko. Sa kasalukuyan, ika-siyam na taon ko na sa serbisyo. May sariling pamilya at munting negosyo. Nagsusumikap upang lahat ng di namin makuha noon kaya namin maibigay sa mga anak namin ngayon.
ANG AKING TALAMBUHAY: NOON, HANGGANG NGAYON Ni: G. John Michael T. Ballovar Masasabing isa sa importanteng pangyayari sa buhay natin ay ang araw ng pagsilang, araw na kung saan pinagkalooban tayo ng regalo ng buhay. Kaya’t nararapat lamang na atin itong pahalagahan, sulitin ang bawat sandali at mabuhay hanggang sa sukdulan. Ang pagpapahalaga natin sa ating buhay ay ang s’yang magiging batayan kung paano dapat ito pahalagahan ng iba. Noong ika-29 ng Agosto, 1996, unang narinig ang aking pag-iyak ng aking mga magulang na sina Marilyn at Federico Ballovar at agad akong pinangalanang John Michael alinsunod sa pangalan ng aking nakatatandang kapatid na may John din sa pangalan, at Michael dahil ang petsa ding iyon ay ang kaarawan ng nagiisang King of Pop na si Michael Jackson. Isinilang ako sa Caloocan, malayo sa kinagisnang lugar ng aking mga magulang. Tubong Negros Oriental ang aking ama, samantalang laking Romblon ang aking ina.
Nagdesisyon sila na dito na sa Romblon magpirme sapagkat mas madaling pumunta at umuwi dito galing Manila. Dito na ako nagkaisip at nagkamuwang. Dito na din nahubog ang aking pagkatao. Nakapagtapos ng primaryang pag-aaral sa Mababang Paaralang Sentral ng Looc, sekondarya sa Mataas na Paaralang Nasyunal ng Looc, at nakapagtapos ng kolehiyo sa Romblon State University sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Pagaaral, Medyor sa MAPEH. Ngayon, ako ay isang ganap nang guro sa paaralang minsan nang humubog sa aking kaalaman, ang Mataas na Paaraalang Nasyunal ng Looc at masayang ninanamnam ang bunga ng aking pagpapagal. Hayaan ninyong balikan ko ang araw na ako’y isilang upang hanapin kung ano ang kaugnayan ng petsang ito sa aking pagkatao. Ayon sa aking pagsasaliksik, sa araw na ito ay pinirmahan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ang pagdedeklara sa ika-30 ng Agosto bilang Araw ni Marcelo H. Del Pilar. Makasaysayang pangyayari sa buong Pilipinas at sa ganitong dahilan siguro ay nagkaroon ng puwang sa aking isipan na gumawa ng kasaysayan o pamana noong ako ay nag-aaral ng kolehiyo. Sa araw din na ito ay inilabas ng grupong Bayside Boys ang sikat na kantang Macarena, na magpahanggang ngayon ay sinasayaw at kinakanta pa din ng lahat. Bukod sa ang Agosto 29 ay kapanganakan din ni Michael Jackson, marahil simula pagkasilang ay musika na ang may pinakamalaking impluwensya sa aking pagkatao. Base naman sa horoscope o kutob ng mga Intsik ng araw na iyon, ako ay napabilang sa Virgo, na kung saaan ang mga ugali at katangian na nakasulat ay akma sa kung sino ako ngayon at kung ano ang pagharap ko sa mga bagay-bagay. Ilan sa mga ito ay naghahangad ng mas marami pang impormasyon, kinokonsidera ang iba’t ibang tapyas ng impormasyon bago magdesisyon, at gumagawa ng maingat na paraan sa paguunawa ng dahilan kaysa sa bunga. Lahat ng ito ay masasabi kong aking binabatayan at isinasabuhay bagama’t hindi ako naniniwala sa horoscope o kutob. Sa kabuuan, masasabi kong makasaysayan ang aking pagsilang hindi dahil sa mga pangyayaring naitala, kundi dahil merong isang John Michael Taladtad Ballovar na nabuhay, patuloy na nakikibaka sa hamon ng pagkakataon, at nagsisikap na magkaroon ng pamana na aking maipagmamalaki, sa kasaysayan ng mundo.
96
ROMILYN M. BRUAL
Si Romilyn M. Brual ay ipinanganak noong ika-apat ng Hunyo 1980, araw ng Miyerules. Isang milenyal. Ipinanganak sa panahon ng pagsisimula ng Panahon ng Teknolohiya. Naging laman ng pahayagan ang mga naglalakihang pangalan ng mga artistang sina Fernando Poe Jr, at Lito Lapid sa taon ng kaniyang pagsilang. Masigla ang temang may kasamang aksiyon sa mga sinehan. Kasabay nito ang pag-alimbuyo ng mga karera ng mga hubadera Queens sa pinilakang tabing. Naging makinang man ang mga bituin ng pinilakang tabing, ang kaniyang kapanganakan ay sinabayan din ng pagsisimula ng Pamahalaang Diktaturyal at pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagkakautang sa IMF-WB. Sa panahong ito naitala ang mataas na antas ng kawalan ng hanapbuhay ng mga Pilipino. Bilang isang Gemini, pinaniniwalaang masayahin, mahilig makipag-usap, may positibong pananaw at tila hindi nawawalan ng lakas sa bawat araw. Ang horoscope na ipinakita ng mga bituin sa kaniyang kapanganakan ay tila may kapangyarihang nagdidikta ng kaniyang ikikilos sa kasalukuyan sapagkat ang naitalang pag-uugali niya ay mababanaag sa kaniyang pagkatao hanggang sa kasalukuyan. Masasabing, tama ang kasabihang sadyang umuulit ang kasaysayan sapagkat masasalamin sa ngayon ang malawakang kawalan ng hanapbuhay ng mg Pilipino dahilan sa Pandemya. Maaaring magkaiba ng dahilan sapagkat ang pamahalaan noon ay umutang sa hindi maipaliwanag na kadahilanan o sa sariling kapakanan ng mga nakaluklok sa pamahalaan, at ang pamahalaan ngayon ay nagkaroon ng malawak na pangangailangan sa pananlapi dahilan sa pandemya, maituturing pa ring iisa ang naging kinahinatnan, malawang pagkawala ng hanapbuhay. Isa si Romilyn sa nakasaksi ng pangyayaring ito. Maging ng mga kabataang nagpapakita ng laman sa malawak na entablado ng midya para sa papuri o anumang katanyagang maaring ibigay nito sa kanila. Walang ipinagkaiba sa panahon ng mga hubadera noong 1980. Panahong ipinanganak si ROMILYN M. BRUAL. *** 97
Buong Pangalan Palayaw Petsa ng Kapanganakan Edad Kasarian Ina Ama Kapatid Primaryang Edukasyon Sekundaryang Edukasyon Tersiyaryang Edukasyon Propesyon
Arwin Jones Malapad-Epa Arwin Nobyembre 15, 1996 23 Lalaki Celinde Malapad-Epa Juancho Malbog-Epa Aristottle Malapad-Epa Capayang Elementary School St. Mary’s College of Marinduque Marinduque State College Guro
Si Ginoong Arwin Jones Malapad – Epa ay nakatira sa Isok – 1, Boac, Marinduque. Ipinanganak siya sa Pamprobinsyang Ospital ng Marinduque noong a15 ng Nobyembre taong 1996. Ang kanyang ina ay si Ginang Celinde Llante Malapad – Epa at ang ama naman ay si Ginoong Juancho Malbog – Epa. Siya ay may isang bunsong kapatid na lalaki na nagngangalang Aristottle Malapad – Epa. Ang pareho niyang mga magulang ay guro ng Kagawaran ng Edukasyon at parehong nagtuturo sa Mataas na Paaralan ng Marinduque samantalang ang kapatid naman niya ay nagtatrabaho sa Estado Kolehiyo ng Marinduque bilang empleyado sa opesina. Scorpio, Ito ang Sodiac sign ng ating tampok na personahe. Base sa mga patungkol na paliwanag sa scorpio, ito raw ay may apat na katangian. Una, ang scorpio raw ay mabangis ikalawa ay matindi ikatlo, nabanggit din na ito raw ay ambisyoso at pangapat na katangian naman ay ang pagiging tapat nito sa kanyang mga mahal sa buhay. Kung titingnan ang katangian ng scorpio nananaig sa kanya ang pagiging matapang at madiskarte sa buhay na kung saan ay inspirado dahil sa kanyang mga mahal sa buhay. At ganoong ganoon din ang katangian ni Ginoong Epa. Bagamat nagmula sa hindi naman kahirapang pamilya, namulat ang ating tampok na personahe sa 98
responsibilidad at dedikasyong mabigyang karangalan ang mga magulang kaya bagamat hindi naman salat ay nasubok agad ang ating bida na maging masikap upang mabigyang pugay ang mga magulang. Kaya gunawa niya ang lahat upang mapabuti ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Capayang, Mogpog noong taong 2009. Bagamat nakapagtapos man ng walang nakamit na karangalan ay sinigurado niyang mabubuti pa rin ang kanyang mga marka at makapasa sa entrance examination sa kanyang kinakamit na paaralang sa sekondarya. Ang inaasam na paaralan niya ay ang St. Mary’s College of Marinduque. Dito rin nakita ang unang katangian niya na pagiging mabagsik sapagkat nakilala siya sa kanilang paaralan bilang isang alagad ng sining. Satwing may roong kompetisyon patungkol sapag-guhit, collage, pagpinta at maging paguukit ay siya ang palaging pa.mbato at kalahok sapagkat napakahusay ng kanyang mga kamay sa mga ganitong gawain. Hindi naman niya binibigo ang kanyang pangkat sapagkat laging ang iniuuwi niya ay medalya ng kampyon. Sa loob ng apat na taon ay napatunayan niya ang kanyang talent ng maibigay niya sa kanilang paaralan ang pagiging 2nd placer sa provincial competition. Nakita naman ang ikalawa niyang katangiang pagiging matindi sa kanyang pagpasok sa seminary pakatapos ng kanyang sekondarya. Ang seminaryong ito ay ang Our lady of the Most Holy Rosary Seminary St. Joseph Institute of Formation sa Pagbilao, Quezon. Mas nahubodg ang ating bida sa pagpasok niya sa seminary. Masnaimulat ang kanyang mga mata sa responsibilidada at tunay na buhay. Nagkaroon siya ng tunay na katindihan ng pangunawa, katinduhan ng kaalaman at katindihan ng takot sa D’yos habang siya ang nasaloob ng seminaryo at tangan tangan na niya ito maging siya ay nagdesisyon na, na lumabas na matapos ang isang taon. Nang makauwi na sa kanilang probinsya, nagdesisyon siyang pumasok sa Estado Kolehiyo ng Marinduque o Marinduque State College taong 2014. Ang kanyang kinuhang kurso dito ay Bachelor of Arts Major in English. At sa apat na taon ng pananahan niya sa institusyong nabanngit ay mas naimulat nito ang kanyang mga matang magkaroon ng ambisyon at pas magkaroon ng pangarap. Sa awa ng may kapal, mapalad siyang natanggap sa institusyon kung saan siya nakapagtapos bilang guro. Pakapasok na pakapasok sa pagtuturo ay nagsimula na rin na mag-aral an gating bida ng kanyang master’s degree na Master’s of Education Major in Language Teaching sa nasabi ring estado kolehiyo noong taong 2018 at sa awa ng may kapal ay magtatapos na ngayong parating na taong 2021. Dala dala ng ating bida Sa kanyang puso ang pagmamahal sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay kaya lubos lubos ang kanyang pagpupursiging makatulong at makabawi sa mga sakripisyong ibinigay nila sa kanya. At kagaya ng scorpio, matapang an gating bida sa pagsuong sa mga problema sapagkat may mga mahal siyang kanyang inspirasyon at lalo’t higit ay may gabay sa Poong may Kapal. *** 99
Ang Aking Talambuhay Rhia J. Galloniga Alas siyete ng umaga noon, ika -13 ng Enero, 1982 kasabay ng pagpirma ng “Executive Order No. 765, s. 1982: Granting certain incentives to domestic manufactures bidding in government projects financed out of foreign loans” ako ipinanganak. Ito ay bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang na sina Alexander Monteagudo Jimenez at Vicenta Ola Jimenez, parehas taal na taga Sumangga, Mogpog, Marinduque. Ikalawa ako sa panganay sa aming limang magkakapatid na sina Aileen, Alvin, Alexis at Annjannette. Ito din ang petsa kung saan nagulantang ang buong mundo dahil sa pagbagsak ng eroplano (Air Florida Flight 90) sanhi ng “snowstorm” na kumitil ng 78 na buhay. Dahil sa maraming buhay ang nawala, naitala sa kasaysayan ng Washington na ito ang ikalawa sa pinakamasaklap na trahedya sanhi ng panahon, pangalawa sa tinatawag na “1922 Knickerbocker Snowstorms’s death toll of 98”. Tumapat ang buwan ng aking kapanganakan sa konstelasyon ng Capricorn. Masasabi ko na ang mga katangian nito ay aking nakuha na kung saan ay medyo reserved at may tiwala sa sarili. Gayundin, hindi kailanman nagbibigay ng impresyon ng hitsura. Ito din ay napatunayan base sa obserbasyon ng aking mga guro mula elementarya hangang magkolehiyo. Pumasok ako sa Mababang Paaralan ng Mogpog Central School at nagpatuloy sa Mataas na Paaralan ng Quezon Roxas High School sa Mogpog noong 1998. Ipinagpatuloy ko aking pag-aaral sa Marinduque State College at nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education taong 2002. Dito ko din natapos ang aking Master of Arts in Education major in Educational Management noong 2014 at Master of Arts in Education major in Biological Science noong 2019. Sa kasalukuyan, ako ay nagtuturo sa ng Senior High School ng Mogpog National Comprehensive High School. Sa huli, ang bato ng aking kaarawan ay “garnet” na sumisimbolo ng katapatan sa pag-ibig. Ang katapatan ng aking pag-ibig ay aking napatunayan ng ako ay makipag-isang dibdib sa aking kabiyak na si Ulysis Galloniga na isa ding guro noong ika 25 ng Abril 2019. Biniyayaan kami ng isang anak na lalaki. Dahil dito, ang bato ng aking kaarawan ang isang bagay na may kaugnayan sa aking buhay sa ngayon. Ang aking pagiging matapat sa aking kabiyak ay sumisimbolo ng katapatan ng pag-ibig na kung saan ay ito ang bato ng aking kaarawan. *** 100
SINO SI CRYSTAL L INSIGNE? Huwebes ng gabi ng magsimulang sumakit ang tiyan ng Nanay ko sa bahay. Hilot na Ninang nila ang umalalay pero maguumaga na ayaw ko pa raw lumabas kaya nagpasyang dalhin na siya ng ospital. Sabi nga ng Nanay ko maarte raw ako simula pa lang. Sa ospital sabi ng Doktor sa Nanay ko, “Misis, matagal pa po ito.” Sabay lumabas ng kuwarto. Pagtalikod ng Doktor, sumigaw daw siya. “Dok, lalabas na!” At yun nga, walang nakapigil sa paglabas ko. Hindi na nakarating ng delivery room dahil nagmadali na akong lumabas Biyernes ng umaga, Setyembre 5, 1986. Bunso sa limang magkakapatid sa Nanay na isang Guro sa Sekondarya habang ang Tatay ko naman ay isang klerk/electrician sa isang Electric Cooperative sa maliit na lalawigan ng Marinduque. Nagtapos ako ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng Balimbing at naguwi naman ng ikalawang karangalan. Sa Mataas na Paaralan ng Marinduque naman ang Sekondarya at kabilang sa Special Science Class. Pinalad akong makapasa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa ating bansa. Tanda ko pa nga sabi ng Ate ko, “It’s UP or nothing”. Kung hindi ako makakapasa sa UP, sa nag-iisang pampublikong kolehiyo sa Marinduque ako mag-aaral. Hindi makakaranas ng buhay-Maynila. Dalawa sa aking mga ate ang parehong nakatapos sa UP, kaya naman nakaatang sa balikat ko na ipagpatuloy ang legacy. Sa awa ng Diyos, binigay ang dasal ko; me kalakip pang Nokia 3310 na usong modelo ng selpon noon para makapagtext ako. Sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman natapos ko ang kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development noong 2009. Sa UP marami akong naging realisasyon. Dahil galling ako sa mahirap na pamilya sa probinsiya, isinampal sa akin ng UP kung gaano ka-unfair ang mundo. Inggit na inggit ako kapag tinitingnan ko ang mga kaklase ko dahil alam kong mayayaman, magaganda at matatalino pa sila. Iminulat din ng UP sa akin na wala akong kalaban dito kundi ang aking sarili. Saksi ang UP Moriones Tambayan sa dami ng pagsubok na pinagdaanan. Di ko na mabilang ang monay na may kesong ginawa kong tanghalian at footlong pati cheesecorn na masarap meryendahin sa uwian; nakatapos din ako, SA WAKAS! Una kong naging trabaho ay Preschool Teacher sa PAUW-UP CDC sa Diliman, Quezon City. Sa kagustuhan kong makaipon, sinubukan ko ang mangibang-bayan at magtrabaho bilang isang Kindergarten English Teacher sa Serpong, Indonesia mula 2010-2011. Sa pag-alis ko, naiwan ko sa Pilipinas ang aking panganay na anak habang ang asawa ko naman ay nagtrabaho sa Abu Dhabi, UAE. Ito ang nagbunsod sa aming mag-asawa upang muling bumalik sa lalawigan at doon alagaan at palakihin ang aming anak. Nagdesisyon akong bumalik sa pagtuturo at sinubukan ko ito sa Marinduque State College bilang isang college lecturer. Sa paghahanap ng kasiguraduhan sa trabaho, kalaunan ay napagdesisyunan kong lumipat sa DepEd bilang isang Kindergarten Teacher. Sa ngayon, marami pa ring bagay ang hindi ako sigurado, maraming bagay na gusto kong gawin o subukan. Minsan gusto kong subukan muli ang mangibang bayan o kaya ay sumubok ng ibang karera. At tama nga ang zodiac sign ko na virgo, sa panlabas, kalmado at sigurado pero ang totoo, maraming bagay sa buhay ko ang hindi pa rin ako sigurado.
*** 101
ANG AKING TALAMBUHAY Jellie Ann L. Jalac Sa araw na ito ipinaalam ng dating Presidente Ferdinand Marcos ang pagtanggap ng IMF sa isinulong na Economic Recovery Program kung saan umatang ng Pilipinas sa nasabing organisasyon. Ipinanganak ako dalawang taon bago ang EDSA Revolution. Sa mga nakalipas na mga taon tumaas ang GDP dahil sa mga inutang na pera sa iba’t-ibang pinansiyal na institusyon. Patuloy naman na bumaba ang Income Per Capita na naging dahilan ng pagiging huli ng Pilipinas sa pagsulong ng mga karatig bansa. Naging mahirap ang buhay ng aking ama kung kaya hindi sila kayang pag-aralin ng sabay sa kolehiyo. Huminto s’ya sa pag-aaral upang makapagpatuloy ang kanyang kapatid at nagtrabaho sa Marcopper Mining Corporation. Nabuntis ang nanay ko ng hindi din nakatapos at nagsimula na silang magsama. Ang aking ama ay nagsimula sa pinaka mababang posisyon at pinaka mababang sahod kung kaya umuupa lamang muna kami ng bahay. Dahil ang kumpanya ay pag-aari ng banyaga maganda ang mga pasilidad dito. Ipinanganak ako sa ospital ng kumpanya sa panahon ng Martial Law ngunit hindi naman damdam gaano sa probinsya hindi katulad sa siyudad. Dalawang taong gulang ako ng napaalis sa pwesto si Marcos at muli na namang naging demokratiko ang bansa. Nag-aral ako sa isang publikong paaralan, ang Tapian Elementary School. Ngunit dahil sa nangyaring pagbuhos ng nakalalasong likido ng Marcopper ay nagsara ito at lumipat ang pamilya sa bayan ng Mogpog. Lumipat ako ng Saint Mary’s College of Marinduque at dito nagtapos ng sekondarya. Dahil hindi sapat ang kita dito sa Pilipinas ay napilitang mangibang bansa ang aking ama upang kami ay masuportahan. Nasubukan ko ang manirahan sa Maynila bilang mag-aaral ngunit hindi ko nasabayan ang malaking pagbabago sa kultura ng aming probinsiya at Maynila. Umuwi ako at sumubok ulit mag-aral sa aming lalawigan ngunit malakas ang hatak ng barkada at tropa. Sa kasamaang palad ay naging isang batang ina. Madami ang nanghinayang at bumaba ang tingin sa akin lalo’t higit ang aking angkan. Upang ito ay malagpasan ako ay sumubok ng kapalaran sa ibang bayan. Namalagi ng dalawang taon sa UAE. Ibang-iba ang kalakaran sa bansan ito. Malinis ang paligid at maganda ang mga imprastruktura. Mayaman na bansa. At ng muling bumalik sa bansang aking sinilangan ay sinubukan ko ulit magtapos sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon na akin namang natapos. Nakahanap ako agad ng eskwelahan na papasukan pero dahil wala pa resulta ng eksamen sa pagiging propesyunal na guro ay sa pribado muna nagsimula na hindi ganoon kataasan ang aking kinikita. Matapos ang isang taon at naging ganap na propesyunal na guro ay nakapasaok sa DepEd at nagtuturo sa Bangbang National High School. Kaparehas nung ako ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan ang utang ng bansa ay tila lalo lumalaki. Taon-taon ay maririnig o mapapanood sa balita ang pag-utang bansa upang tustusan ang ilang programang pangpamahalaan. Ngunit gaya din ng panahong iyon madami pa din ang mahihirap at malayo ang agwat ng mahirap sa mayaman. Mukhang nauulit ang panahon na kung sino ang malapit sa pinuno o mga nakapwesto sa gobyerno ay nakakalusot sa saklaw ng batas ngunit kung ikaw ay nasa laylayan ng lipunan ay kalaboso ang iyong kahihinatnan. Kaya ako ay nahihirapan na magturo dahil maraming mali ang nakikita na nagpapasidhi ng nadarama. Ngunit aking naisip na hindi naman makakatulong kung mawawalan ng pag-asa bagkos ay maaaring mag pokus sa ibang aspeto ng pagiging makabansa at isa dito ay ang pagpapayabong ng kultura.
*** 102
103
104
105
106
107
PAGSILANG SA PANAHON NG LINDOL Joephet L. Lagustan Bilang isang Mindoreño, isa marahil sa hindi makalilimutang unos na dumaan sa aming lalawigan ang nangyaring paglindol noong Nobyembre 15, 2020 na may lakas na 7.1. Ayon sa tala, halos 63 katao ang binawian ng buhay hinggil sa nasabing sakuna sa aming lalawigan. Nakakalungkot. Bagamat, ako ng mga panahong iyan ay bata pa batid ko na ang laking pinsalang idinulot ng nasabing lindol. Ayon sa aking lola, nang mangyari ang nasabing pagyanig, ay labis na takot ang kanilang naramdaman. Nang sila ‘di-umano ay lumabas, nagkaroon ng mga pagbitak ng lupa sa mga kalsada. Malki ang impak ng nasabing sakuna sa buong lalawigan subalit, tulad ng ibang unos, ang nasabing lindol ay hindi pangmatagalan. Ito ay natapos at mula rito unti-unting muling bumangon an gaming lalawigan ng Silang Mindoro. Siguro ito talaga ang tatak Mangyan. Handa at hindi bumibigay sa mga hamon ng panahon. Sabi nga sa isang kasabihang mangyan, ‘Umiyak ka ngayon. Tumawa ka bukas’. Mga katagang marahil ay nagiging sandigan ko rin sa aking buhay bilang isang anak sa aming pamilya na hindi pinalad maging buo sa paglipas ng panahon. Maraming lindol din ang dumating na habang mag-isa kong itinataguyod ang aming pamilya. Napakaraming mga pagyanig at malalaking bitak ng buhay ang dinanas, subalit sa tulong at awa ng poong Maykapal, ang lahat ng ito ay aking napagtagumpayan at pagtatagumpayan pa. Dugong Mangyan, lahing Mangyan! *** I AM KATE R. LAMAC
• • • • • • • • •
Date Facts: September 22, 1998 was a Tuesday Zodiac Sign for this date is: Virgo This date was 7,904 days ago September 22nd 2020 is on a Tuesday Someone born on this date is 21 years old If you were born on this date: You've slept for 2,635 days or 7 years! Your next birthday is 132 days away You've been alive for 189,696 hours 108
• You were born on a Tuesday in late September • You are 11,381,760 minutes old • Your next birthday is on a Tuesday Birthday Personality September 22nd 1998 Star Sign.September 22nd (1998) was a Tuesday. It's the 264th day of the year (265th in leap years) in the Gregorian calendar. There are 101 days left to the end of the year.The symbol of the maiden is based on Astraea. She was the last immortal to abandon earth at the end of the Silver Age, when the gods fled to Olympus - hence the sign is association with earth. Quiet and introverted, the Virgo are the waters that runs. To the outside Virgo appear calm and collected, but on the inside you can find nervousness, intensity, desire for perfection and analyzing about everything. This kind of behaviour can be become very tiring very fast. Virgo has a big desire for improvement and perfection. This can lead to extreme pickiness. They are pure at heart and have honest motives when trying to accomplish something. Extremely faithful and amazing at communication. Serving under others gives Virgos great joy. That is exactly why they will do extremely well in many types of jobs as they are methodical, hard working and efficient. Birthday numerology calculation for people born on 22nd September 1998 • If your birth date was Sept 22 1998 then your life path number is 4 • Meaning of this life path number: Down to earth is a great way to describe life path number four. Being practical, stable, dependable and determined, you are the worker bee of society! Working yourself very hard you also expect the same from others around you. One could say that this makes you a steadying influence on everyone around you. Reliability and hard work is rewarding for you. Not looking for the easy way out your determination and steadfastness gives you the ability to bring ideas into life. Security and organization is very important to you. Everything has it's proper place for you. This is a strong point of your personality! Being a born builder others rely on you to manage, control, and make sure that everything falls into place. Knowing your place in life and leading an orderly life is the norm for you. Work related success comes to you when you can utilize your strengths which are organization and good management. Your origin of hard work and practicality will provide you with the rewards you seek and deserve. ♍ Virgo Star Sign Traits September • Element: Earth. • Quality: Mutable. • Planetary ruler: Mercury. • Birthstone: Peridot. • Flower: Pansy. 109
• Color: Navy blue. • Key characteristic: Detail-oriented. • Strengths: Precise, orderly, efficient. • Challenges: Nervous, sarcastic, overcriticial. Your birthday is on September twenty-second, 1998. Being born in late-September says a lot about you. Your zodiac sign is virgo, your birth-stone is the Sapphire, and your birth flower is the Aster (both of which make great gifts for someone with this birthday). You are 21 years old, and were born in the beginning of Generation Z. Which generation you are born into makes a huge impact on your life, click here to see our interactive table and learn more. You have been alive for 7904 days, or 189696 hours, or 11381760 minutes! Your next birthday which is in 2020, is on a Tuesday. *** Kilala nila ako bilang ako, pero sino ba ako , pano ako nagsimula? Payapa ang panahon na ako’y isilang noong ika-labing dalwa ng Agosto taong 1996. Micha Malucong Lanete ang binigay na panagalan. Napuno ng iyak ang matahimik na pagilid. Kaunaunahang supling sa aking mga magulang. Namuhay ng payapa, inaruga ng maayos , lumaking may takot sa Diyos . Nag- aral, nagsikap, kinaya ang lahat para sa panagarap.Ayon sa horpscope na lumabas noong akoy ay pinanganak, isa akong di makasariling tao, mapagpatawad at malikhain. Nag-aaral ako sa kolehiyo, dala –dala ang tatlong daan piso para sa isang lingo.Ilang taon din akong nagtyaga, pinagkakasya lahat ng ibinibigay ng aking magulang hanggang sa makapag-tapos ng pag aaral. Habang nag-rereview sa Manila, nagtatrabaho din ako sa isang pribadong paaralan. Nobyembre 2018 ng ako ay palarin sa board exam, isa na akong lisensyadong guro.Hanggang sa mag- apply ng trabaho sa pampublikong paraan, at hindi naman naging mahirap sa akin ang lahat, ako agad ay natanggap.Nakikita ko ang sarili ko na totoo ang sinasabing horoscope noong ako ay pinanganak, ako ay hindi makasarili, mula ng ako ay kumita, hinangad ko na makapag bigay sa magulang ko kasi gusto kong ibalik sa kanila lahat ng sakripisyo at hirap na ginawa nila sa kin. Kung anong meron ako, gusto ko meron sila at hindi ko lubos maisip na nagpapakasaya ako samantalang sila hindi naman. Lagi kong iniisip ang kapakanan ng pamilya ko na minsan talaga pati sarili ko nakakalimutan ko na. Bilang isang anak, bilang isang tao, ako yung tipi ng tao na handing ibigay kung ano man ang kailangan nila. Pangalawa, mapagpatawad, alam ko lahat tayo nagkakasala,nasasaktan din ako ng labis pero ano ba nag maganda kong gawin, amg magpatawad ang solusyon. Madami man tayong pinag daanan na sakit mula sa ibang tao pero masarap mabuhay ng wala tayong kasamaan ng loob. Magiging payapa ang ating isipin at puso, kung maluwag sa dibdib tayong magpapatawad. Isa pang tumatak na ganap ng ako ay ipinanganak ay ang pag –uso ng kanTang “ Macarena” nakakatawa mang isipin pero kapag napapakinggan ko tong kantang ito, napapasabay ako sa saliw ng musika. Isang kanta na nakakaindak at nag bibigay sigla. At kung ihahantulad ko ang kantang iyon, bilang ako, ako ang nag bibigay saya sa pamilya ko, ako ang “bida”kumbaga. Ang musika na nag bibigay buhay at mag bibigay saliw sa anumang agos ng buhay. Kung sino at anuman ako ngayon, ang nakaraan ang magpapatunay at magsisilbing basehan ng aking pagkatao.
110
***
X.XXIX.MCMXC
Pangalan
JOSEPH LUISAGA LOZANTA
Kapanganakan Kasarian Edad Ama Ina Mga Kapatid
OKTUBRE 29, 1990 LALAKI 29 EDGARDO MAPACPAC LOZANTA YOLANDA NALING LUISAGA RICHELLE, JAKE, MARK, ARLAN PAULO, RIO JEAN, FRANCIS VAL
Primaryang Edukasyon
LAWA PRIMARY SCHOOL (19961997) MOGPOG CENTRAL SCHOOL (1997-2003) QUEZON-ROXAS HIGH SCHOOL (2003-2007) MARINDUQUE STATE COLLEGE (2007-2011)
Elementaryang Edukasyon Sekondaryang Edukasyon Tersariyang Edukasyon
Propesyon Paaralang Pinagturuan
GURO MARINDUQUE MIDWEST COLLEGE (2012-2014) IPIL NATIONAL HIGH SCHOOL (2014- KASALUKUYAN)
Nag-iwan ng hindi malilimutang mga ala-ala sa kasaysayan ang taong 1990. Ang taong ito ang simula ng bagong dekada. Ito rin ang huling dekadang nagsara sa ika20 na siglo. Makalipas ang tatlong dekada, maraming pagbabago na ang nasaksihan ng daigdig. Ang mga kaganapang ito nang 1990 ang bumago at humulma sa kasalukuyan. 111
October 29, 1990, alas tres ng madaling-araw nang masilayan ko ang liwanag sa daigdig. Sa isang liblib na sitio Amontay, sakop ng barangay Danao sa bayan ng Mogpog, Marinduque. Manggagamot mula sa karatig na baranggay, Dulong-bayan, ang nagbigay hininga sa noon ay inakalang wala ng buhay na sanggol. Ayon sa salaysay ng aking, “Napakapayat mo noon, buto’t balat, parang butiking pasay. Akala nina tiya mo patay ka.” Binalot sa lamping yari sa sak ng harin na nanay ko mismo ang tumahi, ang butiking pasay na bata ay nagsimulang maghanap ng kanyang puwang sa mundo. Nagsimulang umiyak. Nagsimulang pumintig ang puso. Nagsimulang sumuso. Mga palatandaan na ang bata ay isang bagong buhay. Lingid sa kaalaman ng aking ina, dahil marahil na rin sa radyo lamang ang pinagkukunan ng impormasyon noon, maraming kasabayang pangyayari ang naganap sa araw ng aking kapanganakan. Pangunahing ulo ng mga balita nang araw na ito ang ginawang pagpupulong ng United Nations Security Council. Sa araw na yaon, nilagdaan ang Resolution 674. Layunin ng resolusyong ito na paalisin ang tropang militar ng Iraq na umukopa sa bansang Kuwait noong Agosto 2, 1990. Pinapanagot din ng nasabing resolusyon ang pangulo ng Iraq na si Saddam Hussein sa mga paglabag sa mga karapatang pantao. Nagdulot ng ligalig, hindi lamang sa mga bansa sa Kanlurang Asya, maging sa buong mundo, ang ginawang hakbang na ito ng Iraq. Iginigiit ng Iraq na ang Kuwait ay lihitimong bahagi ng kanilang bansa. Hindi tumalima ang Iraq sa ginawang mga resolusyong ng nasabing organisasyon. Dahil dito, naglunsad ng digmaan ang Estados Unidos sa utos ng pangulo nito na si George Bush. Masasabi kong malaki ang naging papel ng kaganapang ito sa paghubog ng aking pagkatao. Ang paghahangad sa kapayapaan ay isang mahirap na prosesong kahit ang pinakamauunlad na bansa sa mundo ay hindi makamtan. Ang kapayapaan ay hindi lamang maaaring itumbas sa kawalan ng digmaan. Sa halos tatlong dekada kong paglalakbay sa mundo, lagi kong itinatanong sa aking sarili, “Ano ba ang dakilang layunin ko?” Halos nasa kalagitnaan pa lang ako ng aking paglalakbay. Marami pa ang maaaring mangyari sa daigdig. Nakatunghay pa sa akin ang mga panahong puwedeng puwede kong hanapin ang mga kasagutan sa katanungan kong ito. Ang pangyayari sa Persian Gulf noong 1990 ang nagpapaalala sa akin na walang maidudulot na maganda ang anumang uri ng kasakiman. Ang hinahanap nating kapayapaan ay matatagpuan sa kaibuturan ng ating puso. Ngunit hindi sapat na mananatiling andito lang ito. Kinakailangan natin itong ikonekta sa iba, nang sa ganun, may bukas pa tayong ilalaan sa susunod na henerasyon. *** 112
ANG KWENTO NG BUHAY KO
Araw noon ng martes ika- 20 ng Mayo taong 1986 ng isilang ang isang batang babae. Ika- sampu sa labing- isang magkakapatid na anak nina ginoong Jaime O. Mantal at ginang Elenida M. Mascarenas. Tubong Mainit, Boac, Marinduque. Sa murang edad ay kinakitaan ng pagiging isang masayahing bata.Ang kanyang horoscope ay Taurus. At ayon dito, ang mga Taurus ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian, ang pagiging maunawain, mapagmahal, mahusay magpayo, matulungin sa kapwa, bukas palad sa mga nangangailangan, mabait, praktikal at hindi maramot. Mas pinipili o nasisiyahan sila sa lugar ng probinsya. Lumaki at nagkaisip sa piling ng kanyang malaki ngunit masayang pamilya. Hindi alintana ang hirap ng buhaydahil busog sa pagmamahal ng mga magulang at kapatid. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, naranasan ang manirahan sa mga kamag anak upang matustusan ang pag- aaral. Hindi alintana ang kalungkutan at pangungulila sa pamilyang ni minsan ay hindi nya inakalang mahihiwalay sa loob ng tatlong taon...Puno ng pag- asang matatapos din ang lahat ng pagpapagal. May mga pagkakataon ng nais nang sumuko at umuwi na lamang sa kanilang tahanan. Ngunit nanaig pa rin ang determinasyong makapag tapos ng pag- aaral. Lumipas ang araw, buwan at taon ng kanyang pagtitiis at pagtityaga, nakatapos din sa pag- aaral. Hanggang sa makahanap ng trabaho sa Maynila. Ngunit tila ba may kulang...Parang hinihila ang kanyang mga paa pabalik ng probinsya. Na ayon sa kanyang kapalaran, ang tunay na kaligayahan ay nasa piling ng pamilya. Base sa guhit ng kapalaran, ang mga Taurus din ang pinaka matiyagang tao sa lahat ng zodiac sign, mahusay magpayo, matiisin sa maraming bagay, may determinasyon at hindi madaling sumuko. Ngunit ilan sa mga negatibong katangian ay madaling mag- init ang ulo,madaling mabugnot o mainis. Ang mga nasabing katangian ng isang Taurus ay totoo. At naniniwala ako dito sapagkat ang mga nabanggit na katangian ay tinataglay ko hanggang sa ngayon. Natatandaan ko pa nung nsa high school ako, palagi ako nanghihiram ng dyaryo sa driver ng jeep na service namin upang mabasa ang aking horoscope. Nakasanayan ko na rin itong gawin sa araw – araw. At naging gabay ko rin ang horoscope sa aking buhay. ***
113
SI BISENTE JUSTINIANO ROLANDO VERSIONS 1998 & 2020
Ako si Vince Justin Roland S. Madriaga. Haba ‘no? Ito ang pangalang ibinigay sa akin ng aking ina. Nang tinanong ko siya kung saan galing ang aking pangalan, sabi niya, “’Yung Vince ay galing sa crush na crush kong basketbolista noong araw, si Vince Hizon. ‘Yung Roland naman ay galing kay ama mo. Mahal na mahal ko pa si papa mo nung mga panahong ‘yun ay, kaya nilagyan ko ng pangalan niya ‘yung pangalan ninyo ni Justfer (Rolando ang pangalan ni papa, ang pangalan naman ng nakakabata kong kapatid ay Van Justfer Roland – napakahahaba, ‘di ba?). “Ay ‘yung Justin? Saan galing ‘yun?” tanong ko. “Ah, yun? Dinagdag ko lamang ‘yun para maging JR ang palayaw mo, gusto ko kasi’y JR ang palayaw mo noon”, sagot ng mama. Napangiwi na lamang ako sa ideyang “JR” ang magiging palayaw ko. “Yuck! Hindi bagay!”, sabi ko sa sarili ko. 114
ANG AKING PAMILYA Vince ang tawag sa akin ng aking mga kaklase at mga kaibigan, Justin naman para sa aking mga kamag-anak. ‘Yung Roland, nevermind. Parang invisible na nga ang pangatlo kong pangalang iyon dahil sa hindi naman nagagamit. Hmm… Implikasyon din kaya ito ng mababaw na relasyon naming ni papa? Hindi naman siguro. OFW si papa, guro naman si mama. Lumaki akong hindi sila gaanong nakakasama. Si papa, nagsimula nang sumakay sa barko bilang chief cook bago pa man ipinanganak ang ate ko. Taon-taon naman siyang umuuwi para makasama kami, ‘yun nga lang, hindi rin kami gaanong nagkaka-bonding dahil napakaikli lamang ng oras na nananitili siya dito sa Pilipinas – isang buwan dito sa Marinduque, at isang buwan naman sa Maynila para sa kanyang training. Dalawampung taong ganito ang nagging siste namin. Si mama naman, pinag-aral ni papa ng Eduk, kaya nung nasa elementarya kami ng ate at hindi pa pumapasok si bunso, hindi rin niya kami gaanong natutukan. Busy siya sa pag-aaral at sa pagbebenta ng Avon para may makain kami. Hindi naman nagging pabaya ang aking mga magulang. Hangga’t maaari’y pinaparamdam naman nila kahit papaano ang kanilang suporta, nagkulang lamang siguro. Sa bawat program sa school, laging wala si mama, at syempre, matik nang wala rin si papa. Tuwing PTA meeting naman, laging si Lola ang dumadalo, kaya mahal na mahal ko ‘yun, eh! Kaya rin ako tinaguriang Lola’s boy. Mabuti na lang, andiyan si lola. At si Ate Grace. Si Ate Grace ang tumayong magulang sa amin ni Justfer. Siya ang nag-alaga at nag-intindi sa amin simula nung kami’y bata. Mahal na mahal ko rin ‘yun si Ate Grace. MGA TAGUMPAY SA BUHAY Kahit na hindi kami natutukan nina mama at papa, hindi naman kami naging matigas ang ulo. Sa totoo nga’y humahakot kami ng awards tuwing Recognition Day. Noong ako’y Day Care at Kinder, ako ang valedictorian ng klase. Patuloy akong nakakasama sa honor roll sa buong elementarya hanggang sa grumadweyt akong salutatorian noong ako’y nasa ika-anim na baiting. Siguro, isa rin ito sa mga paraan ko para mapansin nina mama… o para mabigyan sila ng papugay at masuklian ang hirap at pagod nila. Hayskul? Ano ‘yun? Hahaha! Joke lang. ‘Wag na nating pag-usapan ang hayskul. Sabihin na lang nating nag-enjoy akong maigi sa kabanata na ito ng aking buhay. Nagbulakbol? Hindi. Nagrebelde? Hindi. Nagsaya? Oo. Bumawi naman ako noong college. Masasabi kong ito ang pinakamagandang kabanata ng buhay estudyante ko. Marami ang nasalihang mga organisasyon, naging matataas muli ang mga marka ko, nakapunta ko sa iba’t ibang kumperensya sa pananaliksik tulad ng LingCon (Linguistic Conference) 2019 sa UST at DANUM 115
Conference sa De La Salle Lipa. Nakapunta rin ako sa ibat ibang lugar tulad ng Laguna at Lucban, Quezon nang walang bayad dahil sa paglahok ko sa pagsulat ng sanaysay sa Ingles at sa pagoging miyembro ng koral at teatro. Hayyyy… Tunay na nakaka-miss. #NostalgiaIsReal Maituturing ko ring tagumpay sa buhay ang pagkakakilala ko sa una (at huli) kong katipan sa buhay ng ako’y tumungtong ng kolehiyo. Tatlong taon at limang buwan na pala kami bukas! Ang bilis! Dumaan man sa hindi mabilang na pagsubok, ay heto, napapagtiyagaan pa rin naman ang isa’t isa. Bilang isang bagong gradweyt, napakapalad kong nakapasok bilang isang guro sa Marinduque State College, ang pinakaprestihiyosong kolehiyo sa lalawigan ng Marinduque. Mabuti na lang at naniniwala si Madam Pres sa kakayahan ng mga bataan, nabigyan tuloy ako ng pagkakataong magsilbi sa gobyerno kahit bata pa, at mahal ko ang ginagawa ko, masaya ako. ANG KAUGNAYAN Ayon sa mybirthday.ninja, ang Life Path number ko raw ay 2. Ang nire-representa raw nito’y harmony, balance, at partnership. Nasabi rin dito na nilalapitan daw ako ng aking mga kaibigan para sa aking kalmado at payapang pakikisama. Para sa akin, hanggang ngayon ay tugma ito sa akin. Sa mga hindi nakakaalam, isa akong introvert. Ang isang introvert ay ‘yaong mga taong mas komportableng mag-isa at nakakahanap ng kapayapaan ng loob kapag malayo sa maraming tao; ngunit hindi ibig sabihin nito’y anti-sosyal na kami o wala nang mga kaibigan. Ika nga sa social media, “Quality over quantity”. Mayroon akong tatlong solid na kaibigan, at isa na dun ang aking katipan. Sila ang mga taong tunay kong maaasaan sa kagipitan man o kaalwanan, ‘liban syempre sa aking pamilya. Sa kasalukuyan, harmony, balance at partnership ang tina-target ko sa buhay ko ngayon. Noo’y sobrang adik ako sa paghabol sa monetaryo at materyosong tagumpay, ngunit sa paglipas ng panahon, kasabay ng aking pagtanda ay ang paghahanap ko sa tunay na tagumpay – ang kaligayahan, kapayapaan, at balanse ng aking mga relasyon sa buhay. Nasabi rin ng isa kong matalik na kaibigan na ako raw ‘yung taong masarap kausap dahil alam daw niyang totoo akong nakikinig, at kung anuman ang mamutawi sa aking labi ay mayroon laging kabuluhan. Ika niya, isa raw akong “nurturer” – hindi man raw ako ganun kaingay ng personalidad, hindi man ako nakikipagtalbugan sa usapan, ngunit ako raw ang equilibrium o equalizer ng aming grupo. Sa kadahilanag ito, naniniwala ako sa nasabi sa mybirthday.ninja na kalmado at payapa pa rin ang aking pakikisama. 116
***
Edith Brown Haisman, the oldest living survivor of Titanic shipwreck, dies at 100 Nagulat ako. Nagulat ako na sa mismong kaarawan ko, ilang milya mula sa bahay naming, namatay ang pinakamatandang survivor ng paglubog ng Titanic. Nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa trahediyang ito noong ako’y nasa sekundarya. Ito ay sa tulong pa ng sikat sa takilyang pelikula, Titanic, at sa masugid na pagkukuwento ng aking katabi. Nakakamangha. Di lang ang pagganap ni Jack at ni Rose, kundi sa pagpapakita ng sakit, pighati, at takot na namumutawi noon sa mga tripulante’t pasahero. Ang aking palahaw, at ang palahaw ng 358 649 na mga sanggol na iniluwal noon ay siyang pagbibigay ng daan, pag-aalis ng pighati, at pagpanaw ni Edith. Ang kanyang pagkamatay ay kasama sa sirkulo ng buhay. Ang kanyang pagpanaw kalakip ang aking (o aming) pagsilang. Ang alaala ni Edith, partikular na sa trahediya ng Titanic, ay isang kuwentong di malilimutan ng tao at ng historiya. Naaalala ko ito, lalo na ang tinatawag na “premonition” or “bad omens”, tuwing ako’y aalis ng bahay. Hindi ko alam kung talagang nakalaan na ito sa sikolohikal na aspeto ng bawat tao. Ang tanging nalalaman ko lang, ito ay may katumbas na pamahiin—na ayon sa tradisyon-- dapat sundin. *** AKO, AT ANG AKING SIMULAIN Ni: Rico G. Magramo Nagsimula ang lahat ng itinadhana ng Diyos Ama ang dalawang taong walang kaugnayan pero pinag isa at binigkis ng pagmamahalan. Nagsama, nagmahalan, at bumuo ng pamilya. Pamilyang di ko inakala na ako’sy magiging bunga at bahagi pala ng kabuuan a dulo ng kwentong ito ay ako pala ang bida. Hayaan ninyong ilahad ko sa inyo ang bagay na naganap sa buwan, araw, at taon na pinakatatangi kong mahal 117
sapagkat ito ang nagbigay marka sa kung sinu at anung meron ako. Sa panahong tirik na tirik ang araw, ang init ay nanonoot sa balat na pakiwari mo’y may bagang nakadikit sa’yong balat. Ganap na alas 2 ng hapon habang ako ay nakahiga sa aming mumunting pahingahan, di namalayang naka idlip na pala ng tuluyan. Sa di inaasahan, ako ay naglakbay sa aking nakaraan. Tinahak at nilandas ang daang minsan ay aking pinagmulan. Naglakad, umupo at lumingon sa lugar na minsan ay aking pinanggalingan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at may nakita akong ale na isinakay sa isang tricycle at tila papunta ito ng ospital. Tumakbo ako at sinundan ang tricycle na humaharurot. Tumigil ito sa San Andres District Hospital at isinakay ang ale sa isang wheelchair papunta sa labor room. Patuloy ako sa pagsunod sa kanila at sinarado na ang pinto ng kwarto ngunit sa aking pagkabigla ay lumusot ako at nasaksihan ko ang buong pangyayari. Halos anim na oras naglabor ang ale na sa pagkakatanda ko ay si Myrna Gan Magramo ang pangalan na tubong San Andres, Romblon. Nalaman ko ito ng tingnan ko ang isinusulat ng nurse. Napagalaman ko rin na ang kanyang bana ay si Natalio Magramo Sr. na nagmula sa Calunacon, San Andres, Romblon. OHA OHA OHA, iyak ng isang lalaking sanggol sa may bahay paanakan ng San Andres District Hospital. Iyak na nagbabadya ng isang bagong buhay at isang bagong pag asa. Lumabas na ang bata sa sinapupunan ng ina at ito'y isang napakagwapong sanggol na lalaki. Ito'y kandong-kandong pa ng isang nurse na kalauna'y ipinatong niya sa dibdib malapit sa puso ng ina. Galak at tuwa ang mapapansin mo sa buong kwarto. Bunsong anak na lalaki ang bagong silang na sanggol. Nag-usap ang magasawa kung ano ang ipapangalan sa kanya. Unang suhestiyon ay Michael. Ito ay para bigyang parangal si St. Michael na nalalapit na ang kapistahan. Gusto rin ng ama na isunod ito sa kanyang pangalan at tawagin itong Talio. Matapos ang ilan pang minuto ay napagdesisyonan na Rico ang ipangalan bilang paggalang sa pinagsamang pangalan ng kanilang magulang na sina Rizal at Conchita. Nagising ako bigla at aking naalala na makalipas ang isa’t kalahating buwan ng aking kapanganakan ay may bagyong sumubok sa aming pamilya at sa tahanang binuo nila. Ito ay ang Typhoon Saling na tinaguriang pinakamalakas na bagyo noong 1985. Sumalanta ang bagyo sa loob ng dalawang araw. Maraming ari arian at pananim sa aming probinsiya ang nasira. Takot ang dinulot at nag mitsa ng matinding pangamba sa aking pamilya. Pero dahil sa tiwala sa Diyos, napagtagumpayan ito at sa lahat ng unos na dumating sa buhay. Isang sulok ng aming eskeneta, paglalaro ng jollens, siato, at piko ang nakahiligan. Mga kalaro’y laging kasama at siyang laging pinag lalaanan ng oras. Palo, sampal, suntok, kurot, at sabunot ay naranasan ko na sa aking magulang bilang tanda ng pagsdidisiplina sa isang pasaway at maligalig na bata na kagaya ko. Di ko yun isinip na ako’y di mahal bagkos yun ang nag turo sakin na matutong gumalang at rumespito sa patakaran sa loob at labas ng bahay. Disiplinang masakit maranasan pero ang laking tulong para ako’y maging mabuting bata sa kasalukuyan. Naalala ko sa nung ako’y bata, sa tuwing mag dadaos ako ng aking kaarawan, kasabay ko 118
nagdidiwang amg mga artistang sina Garry Valenciano, Dingdong Dantes, Heart Evangelista, at si johj pratts. Masarap isipin na may mga Personalidad sa telebesyon na parehong buwan at araw an gaming kapanganakan. Natatandaan ko pa na sa panahong ipinanganak ako, ito yung panahong naganap ang isang pagpili ng mga baguhang manlalaro na mula sa labas ng liga, na hindi rin "malayang ahente" (free agent, walang kontrata). Nagsilaban ang mga panatiko ng larong basketball. Ang unang sampung taon ng dekada ay naging kilala dahil sa masidhing labanan ng Crispa Redmanizers at Toyota Tamaraws, na hanggang sa ngayon ay kinikilala bilang isa sa mga pinakadakilang labanan sa kasaysayan ng liga. Sina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Francis Arnaiz, Atoy Co, Bogs Adornado at Philip Cezar ay naglaro sa Crispa at Toyota bago sila mabuwag noong 1983 at 1984 mahuyukhuyukon. Matapos ang kanilang pagbuwag, ang liga ay lumipat sa ULTRA sa Pasig noong 1985. Doon, ang liga ay patuloy na naging sikat matapos na lumipat ang mga dating manlalaro ng Crispa at Toyota sa iba't ibang koponan. Sa panahong ito, si Jaworksi at ang Ginebra San Miguel ay ang naging pinakasikat na koponan sa liga dahil sa kanilang "never say die" na saloobin. Ang koponan na ito ay nagkaroon rin ng masidhing labanan sa Tanduay Rhum Makers at ang Purefoods Hotdogs, na kung saan ang karibal ni Jaworski na si Ramon Fernandez at ang mga baguhang manlalaro na sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiùera at Jojo Lastimosa ay napapabilang. Pero napanalo ni Sonny Cabatu ng Shell ang MVP. Hanggang ngayon, hindi nawawala sa hilig nating mga Pilipino ang panonood ng mga Liga ng Basketball maging ito ay sa barangay, bayan, or pambansang liga man. Ang ilan sa mga naganap sa taong ako ay ipinanganak ay noong Nobyembre 3, 1985, Idineklara ni Marcos ang snap elections upang mapatunayan niya na siya pa rin ang kailangan ng bayang Pilipino. Noong Disyembre 1, 1985 din ay Ipinasimuno ni Joaquin Roces ang CAPM (Corazon Aquino for President Movement) upang tumakbo bilang pangulo ang asawa ni Ninoy Aquino at sa Disyembre 3, 1985 ay Ipinahayag ni Cory Aquino na siya'y tatakbo bilang presidente noong habang si Salvador Laurel ay tatakbo bilang bise-presidente. Mga kaganapang sumubok sa pagkakaisa, katatagan, at pagmamahalan ng Pilipino para sa bansang Pilipinas. Kung magbabalik tanaw lamang, ang tubong Romblomanon ay ipinanganak sa araw ng Byernes at may zodiac sign na Leo. Ito ay ang kinikilalang 31st Friday ng taon. Ipinanganak sa kalagitnaan ng Millennials Generation.Siya nabubuhay sa kasalukuyan sa loob ng 12,703 days, 304, 872 hours, at 18292320 minutes. Ayun sa nakalathalang pahayagan, ang Agosto 2 1885 ay pinapakita na ang aking life path sa nasa numerong 6. Nirerepresenta nito ang pagkakaroon ng tamang balansi ng hustisya, kalinangan sa pagtuturo, at ang pagiging responsibilidad. Sinasabi na ang taong pinanganak sa nabanggit na buwan, araw, at taon ay nagtataglay ng masidhing pagnanais na makatulong at mapagsilbihan ang kapwa. Ayon sa Horoscope nung ako’y ipinanganak pagdating sa pag ibig at pakikipagrelasyon ay mainam na piliin ko daw ang taong ipinanganak ng Nobyembre 14, 1971 at hindi magiging positibo ang relasyon mo sa taong ipinanganak ng May 4, 119
2000 dahil kayong magiging aso’t pusa lamang sa “love-hateâ€? na relasyon. Sa palagay ko kung aking susuriin ang horoscope na ito ay di siya tumugma sa aking personalidad at kagustuhan kasi wala pa akong naka relasyon na mas matanda sa akin at halos lahat ay mas bata pa sa akin. Dagdag pa ng Horoscope sa pahayagan, Ako daw ay maswerte sa elemento ng Apoy kasi kadalasan, kami yung mga taong sinusunod anu man ang tinitibok ng puso, positibo sa ano mang aspeto at malakas ang paniniwalang na makakamit anu man ang nanaisin, at laging positibo at kumukuha ng inspirasyon sa mga taong nakakapalibot sa kanya. Sa ganitong bagay, lubos akong naniniwala kasi yan din ang mga katangian na meron ako. Itong mga bagay na eto ay di garantiya na totoo pero nagsisilbing gabay lamang para sa mga taong kagaya ko. Ang araw ay patuloy na dumaaan, taon ang lumipas at ako ay nanatiling matatag at may pusong handang harapin anu man ang inilaan ng bukas. Ako ang Bidang si Rico Mgaramo, Tatlumpot taong gulang at kasalukuyang guro at tagapagtaguyod ng kalaaman para sa mga tinguriang Pag asa ng bayan. *** Ako si Ana Jessa J. Malco isinilang sa Sucat, Lungsod ng ParaĂąaque. Ipinanganak ako noong ika-1 ng Hulyo taong 1990. Ang aking mga magulang ay sina Fermin L. Malco at Lorna J. Malco. Ang aking ama ay isang manggagawa sa furniture at ang aking ina naman ay simpleng maybahay. Bunso ako sa aming dalawang magkapatid. Limang taon ang nakalipas mula nang ako ay ipinanganak ay umuwi kami sa probinsiya ng aking mga magulang, ang Marinduque. Mahal raw kasi ang manirahan sa lungsod ayon sa aking mga magulang. Kaya mula noon ay dito na kami na nanirahan at dito na rin kami nagsipag-aral ng aking kuya. Masasabi ko na mahilig talaga ako sa sining. Masaya ako kapag nakakapanood ng mga performances, nakikinig ng musika at nakalilikha ng mga crafts. Ngunit sa lahat ng ito pinakahilig ko talaga ang pagguhit. Sabi nga sa horoscope noong araw ng aking kapanganakan, ang mga taong ipinanganak sa araw na ito ay nag-uumapaw sa pagiging malikhain. Naalala ko pa noon, mga limang taong gulang ako nang ako ay magsimulang gumuhit. Kung anu-ano lang ang aking ginuguhit ngunit ang pinakamadalas kong iguhit ay ang bahay na may puno sa gilid. Minsan ay gumuhit ako upang ipamigay sa aking mga kapitbahay. Isa-isa kong pinuntahan ang kanilang mga bahay para iabot ang aking iginuhit sa papel. Masaya naman nilang tinanggap ang aking simpleng iginuhit. Nakauwi ako sa amin na napakasaya sapagkat naabutan ko lahat ng aking kapitbahay. Pagsapit ng hapon ay lumabas ako ng aming bahay nang nakakita ako ng papel na nakalumad sa lupa. 120
Mukha itong pamilyar kaya agad kong nilapitan. Laking gulat ko na ito pala ang aking iginuhit na ibinigay ko sa isa kong kapitbahay. Marumi na ito dahil natapakan na rin ng mga batang naglalaro sa labasan. Naramdaman ko noong araw na iyon ang matinding lungkot at pagkapahiya. Naisip ko na maaaring hindi maganda ang aking iginuhit kaya itinapon nila. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari ay hindi ako tumigil sa aking hilig na gumuhit. Noong ako ay nasa elementarya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na sumali sa mga Poster Making Contest. Nanalo ako sa school level ngunit hindi na pagdating sa matataas na level ng kompetisyon. Hanggang sa maghigh school ako ay patuloy lamang ako sa aking hilig. Third year high school ako noong kami ay kumuha ng kauna-unahang National Career Assessment Examination. Mababatid raw sa resulta ng pagsusulit na ito kung anong kurso o trabaho ang nararapat sa amin. Makalipas ang ilan buwan ay dumating ang resulta, nagulat ako na “Artistic� ang nakalagay sa aking stub result. Kaya nangarap ako noon na kumuha ng kursong Architecture. Hindi natuloy ang pagkuha ko ng Architecture dahil wala namang ganoong kurso sa aming probinsiya. Bagkus ay kumuha ako ng kursong Education major in Social Studies. Bukod kasi sa pagguhit ay paborito ko ang history subjects. Nagkaroon rin ako ng pagkakataong maisali sa mga quiz bee tulad ng Regional Super Quiz Bee at National Super Quiz Bee in General Information and International Affairs na ginanap sa Tagaytay. Kaya naman naging masaya ang pag-aaral ko ng kasaysayan at kultura. Pinagpatuloy ko rin ang pag-aaral ko at kumuha ng Masters of Arts in Education, Major in Educational Management at nagtapos noong taong 2018 sa parehong kolehiyo, ang Marinduque State College. Dahil education ang course hindi rin mawawala ang paggawa ng mga projects at visual aids. Dahil doon ay naipapakita ko rin ang aking artistic side. Sa kasalukuyan ay nakakatulong ng malaki sa aking pagtuturo ang aking pagiging malikhain at pagmamahal sa sining. Hindi man ako sing-galing ng iba ay masasabi ko naman na mayroon rin akong sariling istilo ng pagiging malikhain. Ngayong ako ay nakaquarantine sa bahay isa sa pinagkakaabalahan ko ay ang gumuhit at magsanay pa upang mapaganda ang aking mga gawa. Hindi ko alam kung totoo ba ang horoscope o mga hula pero sa parte ng pagiging artistic mukhang tumama nga sila. ***
121
Ako si Eric Nepomuceno Maningas Mercolesia y Justiniano. Ipinanganak noong Marso 20, 1989, araw ng Lunes. Anak nina Alejandro N. Maningas at Florenda M. Justiniano. Ang ika-79 na araw ng taong 1989 at ika-12 Lunes ng nasabing taon. Ipinanganak sa taon ng mga ahas at ang Lupa ang elemento nito. Ang mga numero ng aking kapanganakan ay 3, 20 at 1989 na ibig sabihin ay ang numero 5 ang aking Life Path. Sumisimbolo ito sa pag-unlad, pakikipagsapalaran at oportunidad. Nagtataglay ng katangian ng pagiging mausisa gaya ng pusa at handang maranasan ang lahat sa buhay. Ang Western Zodiac ko ay Pisces na ang Kanlurang element nito ay ang tubig. Ang gumagabay sa akin na planeta ay Neptune – ang planeta ng pangarap at imahinasyon. Ayon sa sinaunang astrolohiyang Tsino, Ahas ang mitikal na hayop nito at Lupa ang silangang elemento ng sinumang ipinanganak ng Marso 20, 1989. Ano nga ba ang mga pangyayari sa araw na ito ng aking kapanganakan? Nilagdaan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Batas Republika Blg. 6720, na idinedeklara ang Setyembre 28 ng kada taon bilang Special Non-Working Holiday sa probinsya ng Camarines Norte bilang pagbibigay alaala sa kapanganakan ni Wenceslao Q. Vinzons Sr. Siya ang pinakabatang naging kasapi ng 1935 Constitutional Convention. Gayundin siya ay namuno laban sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1941. Sa araw ding ito ay kasalukuyang ginaganap ang ika-apat na laro sa PBA Open Conference sa pagitan ng San Miguel Beermen kontra sa Fromula Shell Zoom Masters. Kung aking pakalilimiin ang kaganapan sa akin simula noong ako’y mumos pa lamang hanggang sa ako’y tumanda, mababanaag ang malaking pagbabago sa akin. Ang mahiyaing bata noon ay isang masayahin at palakaibigang ginoo sa ngayon. Bagamat may mga pangyayaring sumusubok sa aking katatagan, nananatili akong nakatayo, humahawak sa paniniwalang kaya ko ang mga ito. Na may mga taong handa akong damayan sa oras ng pangangailangan at makikramay sa akin sa luha’t pighati. Ito marahil ang katangiang taglay kaya naman aking naipapanalo ang laban. Sabi nga ng horoscope ko, ako ay mausisa at handang makibaka sa buhayy. Ang aming kahirapan sa buhay ay hindi naging sagabal para aking tawirin ang mga hakbang sa pag-abot ng aking panagarap. Ang mga kaganapan ding iyon ang maaaring humulma sa kung sino ako ngayon. Marahil ang pagbibigay atensyon ng ating pamahalaan sa mga mahahalagang tao ng kasaysayan at maging sa mga pangyayari ang giya kung bakit inililok sa aking isipan ng aking mga magulang ang pagmamahal sa pamilya at bayan. Sa katunayan, aking espesyalisasyon sa pagtuturo ay Agham Panlipunan. Naging hilig ko ang magmulat sa mga kabataan sa halaga ng nakaraan sa hinaharap. Maging ako ay batid na mahalaga na matanto ang importansya ng nakalipas upang maging gabay ko sa anumang desiyon na aking gagawin. Gayundin mayroong ilang bagay sa aking pagkatao ang hindi ko lubos na maibahagi sa aking magulang. Ito ay kung ano at sino ako. Sa takot na hindi nila matatanggap ang tunay kong pagkatao . Angkop ang awiting “The Living Years ng Mike and the Mechanics”,na sumikat noon sa mga nakaranasan ko sa buhay. Noong una ay hindi matanggap ni tatay na sa apat niyang lalaking anak ay may isang di ganap ang pagiging lalaki. Nakaranas ako ng masasakit na salita, sa pagaakalang maitutuwid niya ako. Sa kabila ng lahat, nanatili ang aking pagmamahal at respeto sa kanya. Ngayon ay tanggap na niya ang aking pagkatao.
***
122
*** Nang ako’y isinilang noong Enero 6, 1999, ang laman ng balita ay patungkol sa patuloy na pag-suporta ng kongreso sa “Death Penalty�. Base sa mababasa natin sa ating kasaysayan, ibinuhay ni Pangulong Fidel Ramos ang death penalty dahil sa taas ng crime rate noon at sinuportahan naman ito ni Pangulong Estrada dahil ayon sa kanya, ang death penalty lamang ang makakapag-bigay ng takot sa mga kriminal. Nawala naman ito ng tanggalin ito ni Pangulong Arroyo noong 2006. Nitong mga nakaraang taon, naging usap-usapan na naman ang death penalty nang maupo ang ating kasalukuyang pangulo na si pangulong Duterte. Ang usapin noong una kong minulat ang aking mga mata, ay usapin parin noong una kong minulat ang aking kaisipan. Inaamin ko na nagumpisa lamang ako makisali sa mga usaping politiko ay noong makatapak ako ng kolehiyo, lalong-lalo na noong unang beses ako makaboto. Hindi ako sumasang-ayon sa pagpapatupad ng death penalty. Hindi, kung titingnan ang sitwasyon ngayon. Maraming butas pa ang batas. Nakakalaya ang mga may sala, nakukulong ang mga inosente. Dahil dito, posibleng mapatay ang mga walang kasalanan. Subalit kung sabay na namulat ang aking mga mata at kaisipan noon, marahil baga napasang-ayon narin ako. Sobrang dami palang krimen ang naganap noong dekada nobenta. Mga kasong pangnanakaw, panggagahasa, at pagpapatay ang laman ng balita. Siguro ay epekto narin ito ng kaluwagan dahil nasobrahan ng demokrasya? Oo, nakakapagbibigay ang death penalty ng takot sa mga magtatangkang gumawa ng krimen, pero nakakapagbibigay rin ito ng kapangyarihan sa mga mapangabusong mamumuno. Hangga’t ang batas ay hawak at nakasang-ayon lamang sa mga nataas, ang death penalty ay hindi magiging patas. Dahil dito, tumatayo ako sa samahan ng mga taong mapagpahalaga sa buhay. Iba naman kasi talaga ang sitwasyon noon sa sitwasyon ngayon. Alam kong mauunawaan din ako ng aking inosenteng mga mata noon. ***
123
ANG AKING TALAMBUHAY Ako ay si Aljhon M. Mansalapus, ipinanganak sa Brgy. Laon, Mogpog, Marinduque noong ika 21 ng Disyembre 1992, araw ng Lunes. Ako ay bunsong anak nina Allen Mansalapus at Elowilyn Mirhan. Ang aking mga kapatid ay sina Eileen Mansalapus at si Alelie Mansalapus. Noong ako ay bata pa, madalas magkwento sa akin ang mga magulang ko patungkol sa aking kapanganakan. Isa na rito ay ang aking zodiac sign na Saguittarius na ang ibig sabihin ay Archer, isang matipuno at posito ang pananaw sa buhay.Madalas din maikwento sa akin ang mga pangyayari noon tulad ng matinding laban noon sa NBA ng Chicago Bulls at Miami Heat. Dito rin nailabas ang isa sa pinakasikat na kanta ni Whitney Houston na “I will always love you” na paboritong kantahin ng aking ina,at ayon pa sa kanya ay madalas daw siyang magvideoke habang pinagbubutis ako. Bilang isang bata ay nakahiligan ko ang musika, natutong umawit, at kalaunan ay natutong tumugtog ng ibat ibang instrumento. Nag-aral ako ng elementarya sa Mogpog Central School at dito nahubog ang aking kabataan, humanga sa aking mga naging guro simula grade 1 hanggang grade 6, nagaral naman ako ng sekondarya sa Marinduque Academy kung saan ay mas lalo pa akong nahubog at namulat sa pagiging estudyante. Nagtapos naman ako ng Kolehiyo sa Marinduque State College sa kursong BSEd- Music Education, dito ako namulat sa aking dapat tahakin. Sa aking pagaaral ay nakaranas ako ng maraming hirap at pagsubok na kung saan ay nagpalakas sa akin upang lumaban, nagsumikap at nagpursigiupang makamit ang pangarap. Ngayon ako ay isang ganap ng guro sa sekondarya at alam ko na ang lahat ng ito ang produkto ng aking pagsisikap at pagpupursige upang makatulong sa aking mga magulang, at naging inspirasyon ko sa aking buhay. Lahat ng tagumpay ko ay alay ko sa aking mga magulang na walang sawang gumabay, nangaral, naghirap upang mabigyan ako ng magandang bukas. Ang bagay na may kaugnayan pa din hanggang ngayon sa akin simula noong ako ay isinilang ay ang “Lampin”. Ang kahulugan nito sa akin ay ang pagalala sa aking kabataan na kung saan ay nakikita ko ang hirap at tyaga ng aking mga magulang sa pagaalaga sa akin. *** 124
TALAMBUHAY NI JOLIBEE LOREDO-MARCIANO Linggo, ganap na alas-onse y singko ng hating-gabi, taong 1990, ika –siyam ng Setyembre ay iniluwal ako sa mundo. Isinilang ako sa Bagumbayan, Taguig, Metro Manila ng aking ina na si Rubylita Loredo at katuwang sa pag-aalaga ay ang aking ama na si Cyrus Loredo. Unang anak ako kung kaya’t alam kong espesyal ako sa kanila. Mayroon akong dalawang kapatid na parehong lalaki. Sina Jamhil at Jetro Loredo. Ako ay dalawangpu’t siyam na taong gulang ngayong kasalukuyan at may “zodiac sign” na Virgo. Sinasabing ang Virgo ay may katangian ng pagiging bukas ang kaisipan at malawak na pang unawa sa mga nangyayari sa paligid. Ipinanganak ako noong ika- tatlongpu’t anim na Linggo ng taong 1990 at ang lumang kalendaryo na ginamit noon ay maaaring gamitin ulit sa taong 2029. Base sa aking pananaliksik, ang numerong 9,9, at 1990 ay nagpapahayag ng aking life path ay 1. Ang life path number 1 ay nagrerepresenta ng pagkukusa, potensyal, at kahiwagaan na kung saan ay akma sa pagkatao ko ngayon. Sinasabi din na ako ay ipinanganak upang maging isang lider at sa aking palagay ay totoo dahil na rin sa propesyon kung ano ako ngayon. Ako rin ang klase ng tao na may paninindigan sa lahat ng mga sinasabi at ginagawa. Nakakatuwang isipin na may mga sikat na personalidad sa ibang bansa na kapareho ng aking “life path”. Isa na dito si Finesse Mitchell, Heather Tom, Pamela Britton at marami pang iba. Base sa Western zodiac sign o sun sign, ang tao na pinanganak sa petsa ng aking kapanganakan ay may simbolo ng kabayo ang kan’yang “mythical animal” at “metal” naman ang kanyang elemento. Ang sikat na awitin sa panahon ng aking kapanganakan ay ang “Release Me by Wilson Phillips” May mga k’wento na ang mga ipinanganak ng petsa 9-9-1990 ay isang “earthly incarnation” ng isang matipunong lalaki na nakatira sa Ehipto na kung saan siya ay isang taga-gawa ng bahay, templo, at simbahan. Sinasabi din sa k’wento na ang pagkatao ko bago pa ako iluwal sa mundo ay pagiging walang awa, malakas, padalos- dalos mag-isip, kinaiibigan ng mga tao ngunit hindi minamahal. Base sa aking pag aanalisa, ito ay kabaliktaran ng pagkatao ko ngayon. Ako ang taong may malaking pananalig at malaki ang tiwala na makakamit ang mga pangarap sa buhay. Naalala ko ang kwento ng aking ina noong ika- 3 araw ng aking pagsilang ay pinaliguan niya ako ng maligamgam na tubig na may nakababad na mga barya. Medyo natawa ako ng marinig iyon kaya tinanong ko sa kan’ya ang ibig sabihin ng pamahiin na iyon. Sinabi niya na kailangang babaran ng mga barya ang ipanliligo sa sanggol sa unang ligo nito. Ang ibig sabihin raw nito ay upang ang bata ay hindi maging maramot pagdating sa pera. Natawa ako sa sinabi ng nanay ko dahil nagtagumpay sila sa kanilang ginawa. Kahit kailan ay hindi ako naging madamot pagdating sa pera sa tuwing may nangangailangan. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos akalain na nakakatawa at kakaiba ang pangalang mapipili nila para sa akin. May mga araw na palagi ko silang tinatanong 125
kung bakit Jolibee ang napili nilang pangalan. Ang tangi lamang nilang sagot ay sikat na sikat ang Jollibee Restaurant noong panahon na iyon at naisip lang din nila na gawing kakaiba ang pangalan ko. Hangang sa magsimula akong mag-aral ng elementarya at sekondarya at laging may pasa sa katawan sa tuwing umuuwi ng bahay galing paaralan dahil sa pakikipag-away dahil sa mapangkutya na mga kamagaral sa aking pangalan. Palagi kong ipinapagtanggol ang aking sarili sa kanila ngunit hindi sumagi sa isipan ko na sisihin ang aking mga magulang. Noong ako ay nasa sekondarya, nagkaroon ako ng inspirasyon sa aking paaralan sa katauhan ni Alger na siyang nagsilbing sandigan at takbuhan ko sa mga panahon na malungkot din ako. Siya noon ay nag-aaral sa kolehiyo sa kursong Midwifery. Nagtapos ako ng sekondarya ng taong 2007, ngunit bago pa man ako tumungtong ng kolehiyo ay nalihis ako ng landas. Maaga kong pinasok ang makamundong pagnanais kaya’t maaga akong nagkaroon ng sariling pamilya. Ngunit kahit ganoon pa man ang aking sinapit ay hindi ko pinagsisihan ang aking naging desisyon dahil na rin sa pagtanggap ng aming mga magulang ng aming sinapit kaya hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ko ang aking pagbubuntis. Taong 2007 ika-6 ng Setyembre ipinanganak ko ang aming panganay na si Sid at nagbigay ligaya sa naming buhay. Nang dumating siya sa edad na dalawa ay nagdesisyon akong ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Kumuha ako ng kursong AB English. Natapos ko ang unang taon ko sa kolehiyo sa kursong iyon. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nagdalang-tao ulit ako sa aming pangalawang anak. Napilitan akong huminto ulit sa pag-aaral dahil na rin sa desisyon ng aking kabiyak. Taong 2010 ika2 ng Agosto ng ipanganak ko ang aking bunso na si Stevy Ceazar. Lingid sa kaalaman ng iba, kami ay hindi legal na mag-asawa dahil hindi kami agad nagdesisyong magpakasal. Taong 2012 ay nagdesisyon ulit ako na bumalik sa aking pag-aaral sa panibagong kurso. Ito na nga ang BS Education. Masaya ang naging karanasan ko sa kolehiyo sa kursong aking kinuha. Taong 2015 ng napagdesisyunan naming magpakasal dahil ang aking kabiyak ay mayroon ng permanenteng trabaho. Napakachallenging din ng aking karanasan sa aking “practice teaching” dahil lingid sa aking kaalaman na iba-iba ang ugali ng bata sa paaralan ngunit hindi ito naging hadlang sa aking mga pangarap. Taong 2017 nagtapos ako ng kolehiyo at kumuha ng “board exam”. Sa pagsisikap ko at awa ng Diyos ay nakapasa at ngayon ay lisensyadong guro. Ako ay unang nagturo sa pribadong paaralan sa aming lalawigan bayan ng Gasan. Isang taon lamang ang aking nilagi sa pribadong paaralan dahil nagdesisyon ako na mag trabaho sa pampublikong paaralan. Taong 2018, ika-5 ng Nobyembre ng natanggap ako bilang pampublikong guro sa Mataas na Paaralan ng Matalaba Sta. Cruz Marinduque. 126
SI TAJING
Si Jing-Jing Lamarca Mendoza na kilala din sa tawag na “Tajing.” Siya ay ipinanganak noong Oktubre 6, 1983 sa Boac, Marinduque. Siya ay naninirahan sa Brgy. Balogo, Boac, Marinduque. Ang kanyang mga magulang ay sina Tomasito Jabat Lamarca at Lilian Lamarca Salvador. Siya ay may 4 na kapatid sa kanyang ina, sina Hazel, Michelle, Jeffrey at April.
Si Mendoza ay isang masiyahing tao at mahilig mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Sa mga panahong siya ay walang ginagawa, libangan nya ang manood ng iba’t – ibang pelikula mapa English man o pelikulang Pilipino. Siya din ay mahilig makinig ng mga awiting pangsimbahan sapagkat siya ay isang saradong Katoliko.
Noong siya ay ipinanganak, Oktubre 6, 1983, araw ng Huwebes ang bansang China ay nagsisimula na sa paggawa ng mga nuclear test sa Lop Nor, PRC. Namatay din sa nasabing taon ang cardinal ng New York na si Cardinal Terence Cooke sa edad na 62.
Ayon naman sa lunar calendar, dahil siya ay ipinanganak noong Oktubre 6, New Moon (bagong buwan) siya ay kabilang sa Zodiac sign na Libra. May mga katangian siya bilang Libra noong ipinanganak sya na katangian pa rin niya hangang ngayon. Ito ay ang mga sumusunod: mahilig siyang mag-analisa ng mga bagay-bagay, hindi mapanghusga ng mali, kung magdesisyon ay pinag-aararalang mabuti, ayaw ng gulo dahil ang nais nila laging nagkakaunawaan ang lahat, mahilig mag ayos ng gusot at pingakakasundo ang magkakagalit, mapagmahal at malambing. Ang ilan naman sa mga katangian ng Libra na nabanggit nung siya ay isinilang na hindi niya katangian noon hanggang ngayon ay ang mga sumusunod: mapagmahal na asawa, mahirap pakibagayan ng asawa dahil maselan, walang buto at maramdamin at ang nais nila ay laging nilalambing at inaamo ng minamahal. ***
127
*** 128
“Return of Investment” Ni: Mark Christopher Roi P. Montemayor
Ako si Mark Christopher Roi P. Montemayor, at ito ang aking landas ng buhay… Ang aking talambuhay ay kuwento ng masidhing pagasam ng buhay. Ito rin ay kuwento ng pagpupunyagi sa kabila ng mga naranasang hapis, hirap, at mga tiisin. Isinilang ako noong ika-15 ng Setyembre taong 1993, ganap na ika-8:35 ng gabi, sa bayan ng Boac, lalawigan ng Marinduque. Ang aking mga magulang ay sina Rolando F. Montemayor, ang aking ama, na isang arkitekto mula sa bayan ng Buenavista, Marinduque, at ang akin namang ina ay si Cathrine S. Pelobello-Montemayor, isang accountant mula sa bayan ng Gasan, Marinduque. Panganay ako sa tatlong magkakapatid. Ang aking mga kapatid ay sina Michael Ryan Cier at Cedij Rymir. Ayon sa aking namayapang Ina, labis ang kanyang kagalakan ng ako’y maayos at ligtas niyang naisilang. Ang kahulugan sa likod ng aking pangalan na “Roi”, isa sa aking mga pangalan, ay “Return of Investment”. Ayon sa aking ina, isa ito sa mga konsepto na inaaral nila sa “accounting”. Wala pang isang taon ay marunong na akong lumakad at magsalita. Nag-aral ako ng primarya sa Little Stars Pre-School sa bayan ng Boac. Nagsimula naman akong mag-aral ng elementarya sa Don Luis Hidalgo Memorial School na nasa bayan din ng Boac at lumipat sa Buenavista Central School at Good Shepherd Diocesan School-IFI, kung saan ako nagtapos ng elementarya matapos naming makapagpatayo ng sariling bahay sa bayan ng Buenavista, kung saan dito na rin ako tumanda. Simple lamang ang pamumuhay namin noong bata pa ako. Ako yung tipo ng bata na hindi ipipilit ang gustong ipabili kung hindi naman kaya ng magulang. Marahil siguro ay maagang ipinaunawa ng mga magulang ko sa amin na hindi kami mayaman, at kung gusto man naming mabili yung mga bagay na gusto namin ay mag-aral kami nang mabuti upang makapagtapos, makapagtrabaho, at mabili ang gusto namin. Nag-aral ako ng sekondarya sa Buenavista National High School taong 2006, kung saan nakapagtapos ako bilang “Valedictorian”. Noong mga panahong ito ay lagi ang pagsali ko sa mga patimpalak at iba pang mga “extra-curricular activities” ng paaralan kaya naman tinagurian akong “jack of all trades, master of none”. Sa panahon ding ito ay tinanggap ko ang pinakamataas na ranggo ng Boy Scouts of the Philippines, ang Eagle Scout Award. Sa murang edad ay batid ko ang mga pagod at sakripisyo ng mga magulang ko kaya sinikap kong mag-aral nang mabuti upang bigyang karangalan sila. 129
Habang nag-aaral ay masigla rin ako sa aking mga paglilingkod sa Panginoong Diyos. Nariyang ako’y naging sakristan, mang-aawit, pangulo ng sektor ng mga kabataan, at "lay minister" kung saan pumupunta ako sa mga liblib na dako upang magmisyon at ipangaral ang mga salita ng Diyos. Kaya naman sa mga panahong lagi akong laman ng simbahan at kumbento ay nangarap din akong maging pari, na tinutulan naman ng mga magulang ko. Nang ako’y magkolehiyo taong 2010, nag-aral ako ng BS Biology, BS Geology, at BEEd Sciece and Health sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos akong “cum laude standing” at naging nominado sa “Top Outstanding Student-Teachers of the Philippines.” Batid ko ang hirap ng aking mga magulang sa pagpapaaral sa akin sa Maynila kaya naman habang nag-aaral ay nagtrabaho ako bilang “tutor” at “student assistant”. Hindi ko ito magagawa kung sa ganang sarili ko lamang. Nariyang sinamahan ako ng Panginoong Diyos kaya sa kanya ang lahat ng kapurihan, at karangalan naman para sa aking mga magulang. Taong 2016 naman ng pumasa ako sa “Licensure Examination for Teachers” at “Civil Service Examination.” Matapos maging isang ganap na propesyunal, bunsod ng pag-ibig sa bayan at bilang iskolar ng bayan, napagpasyahan kong magturo sa Kagawaran ng Edukasyon mula taong 2017 hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, masayang-masaya ako sa aking propesyon habang nag-aaral ng “Master in Public Administration Major in Organizational Studies with Thesis” sa Marinduque State College-Boac, at “Graduate Diploma in Cultural Education” ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
Paghahambing ng aking talambuhay sa mga pangyayari noong Setyembre 15, 1993 Bagamat hindi ako naniniwala sa horoscope, kung susuriin ang mga nilalaman noong horoscope noong ika-15 ng Setyembre 1993, at ihahambing ito sa aking nagging talambuhay, masasabi natupad ang mga nakasaad sa horoscope at patuloy 130
na natutupad. Ilang halimbawa ay ang pagiging mapagbulay-bulay. Sa bawat sandali ng buhay ko, naroon lagi ang pagbubulay-bulay sa aking sarili. Nabanggit din sa horoscope ang pagiging praktikal, kung saan mula pagkabata hanggang kasalukuyan ay praktikal ako sa mga ginagawa kong desisyon sa buhay. Ayon sa horoscope, ang mga taong ipinanganak noong Seytembre 15, 1993 ay pursigido, produktibo, disiplinado, at kritical. Ang mga nabanggit na katangian ay taglay ko mula sa aking kabataan hanggang kasalukuyan. Nariyang patuloy akong nagpupursige na mangalap ng karunungan, produktibo sa mga gawain, disiplinado sa oras, at kritikal sa paligid. Ipinagpauna rin sa horoscope na ang mga taong ipinanganak noong araw ng aking kapanganakan ay maaaring magkaroon ng kondisyon na OCD (Obsessive Compulsive Disorder). Isa ito sa mga kondisyon na hanggang ngayon ay taglay ko pa. Kung zodiac sign naman ang pagbabatayan, ang mga katangiang nabanggit sa itaas ay masasalamin sa aking buong talambuhay, noon hanggang ngayon. Isa sa mga pangyayari noong Setyembre 15, 1993 ay ang paglabas sa kaunaunahang pagkakataon ng tanyag na awiting “I’d Do Anything for Love (But I Won’t Say That)” na inawit ng Meat Loaf. Naging kaunahan ito sa 28 bansa. Kung babalikan ang aking nagging talambuhay, masasabi ko na lahat ng mga pagpupunyagi ko ay bunga ng pag-ibig. Pag-ibig sa Panginoong Diyos, Pag-ibig sa bayan, Pag-ibig sa pamilya at kapwa, at pag-ibig sa sarili. *** Ang Maikli Kong Talambuhay Sa kasalukuyang bahagi ng buhay ko, minsan ay naaalala ko ang panahon ng aking kabataan. Ang mga anak ko ang isang mahalagang bahagi ng buhay ko ngayon. Nais kong maranasan at matikman din nila ang tulad ng hindi man masaganang buhay at may maipagmamalaking hanapbuhay na mayroon ako ngayon. Ako si Ronalyn R. Morong. Ipinanganak ako noong Setyembre 22 taong 1984. Lumaki ako sa Barangay Guisian, Mogpog, Marinduque.Ang aking mga magulang ay sina Rafael Lambot Regencia at Ofelia Grave Fajutagana. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Nasa musmos na gulang pa lamang ako ay alam ko na agad ang pangarap ko sa aking paglaki. Sa gabay at suorta ng aking mga magulang ay nakapagtapos ako ng aking pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay. Maiuugnay ko ang aking buhay sa kapalaran na kaugnay ng aking kaarawan. Virgo: Anumang gawaing sinimulan ay hindi titigilan hanggat hindi ito natatapos. Tama, isa itong patunay kung bakit nagtagumpay akong makamit ang pangarap ko na maging isang ganap na guro. Dahil sa kabila ng mga pagsubok, na sa panahong gusto ko ng sumuko, na gusto na akong pahintuin sa pag-aaral ng aking mga magulang dahil sa kahirapan ay hindi ako pumayag na hindi ako makakatapos ng pag-aaral. Pinanindigan ko na kung ano ang nasimulan ko ay tatapusin ko ito. 131
*** Maraming mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin makakalimutan. May mga pangyayari na masaya at malungkot, may panahon na nadadapa at bumabangon, may pagkakataong sinusubok ng panahon ngunit kahit ano pa ang dumating kakayanin natin sapagkat ang lahat ng ito ang magsisilbing gabay para marating natin ang tagumpay at mahubog ang ating katauhan upang maging isang mabuting tao. Maraming pagbabago ang nangyayari bawat araw katulad na lamang ng araw ng sabado dalawampu’t limang taon, apat na buwan, at labin tatlong araw na ang nakalilipas, Disyembre 17, 1994. Masayang masaya ang aking mga magulang na sina Angel at Margerry Ann Murillo sapagkat isinilang ang kanilang panganay na anak at ito ay pinangalanan nilang Anthony Enriquez Murillo. Ako ay napabilang sa 5, 618, 682, 132 na populasyon ng buong mundo at napakapalad ko sapagkat ng araw ding iyon ay isinilang si Darwin Ramos, na idineklara ng Vatican na “Servant of God” na siyang unang hakbang upang siya ay maging isang santo. Sa kabila ng kabatan edad 17, kahirapan at ng kanyang karamdaman na “Duchene Muscular Dystrophy” kinakitaan siya ng pagiging positibo sa buhay at higit sa lahat ay matatag na pananampalataya at pananalig sa Diyos. Katulad ng batang si Darwin may pagkakataong sinusubok ako ng panahon ngunit pinipili ko ang maging positibo sa buhay at masidhing pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos. Mahilig akong makinig ng mga awitin lalo na ang mga tugtuging makaluma o kundiman kung saan ito ay nagpapatanggal ng aking stress at pagod siguro ito ay dahil sa araw ng aking kapanganakan ay naging number-one-hit song sa U.S ang awiting “Here Comes the Hotstepper” by Ini Kamoze. Isama na din natin ang pelikulang Legends of the Fall na tinaguriang “most viewed released”ng araw na iyon. Ngunit sa di inaasahangn pangyayari ay pinaputukan ng anim na beses ang white house ng mga di pa nakikilalang suspek. Katulad ng mga pangyayaring ito ay sadyang may hindi tayo inaasahan na dadating sa ating buhay upang tayo ay subukin, upang tayo ay maging masaya ngunit nasa ating mga kamay kung anong landas ang ating tatahakin. Katulad ng nilalaman ng horoscope sa araw ng aking kapanganakan na ang Sagittarius ay isang tao na masayahin, palakaibigan, mapagmahal, may kakayahan at pagnanais na makatulong sa kapwa at may positibong pananaw sa buhay ay ilan din sa aking mga katangian habang ako ay namumulat ang kaisipan. Lagi kong sinasabi sa aking mga estudyante na nasa inyong mga kamay ang desisyon kung ano/alin ang inyong pipiliin at tatahakin sa buhay. Walang imposible kung gusto mong abutin ang iyong mga pangarap basta may pagsisikap, tiyaga at pagtitiwala sa Diyos. Katulad na lamang ng pagsusumikap ng aking mga magulang na kahit mahirap ang buhay sila ay nagsumikap para ako ay makapagtapos ng pagaaral. Kung hindi dahil sa gabay, suporta at pagmamahal nila ay wala ako dito sa aking kinalalagyan. Tandaan natin na wala sa ating kasaysayan, nilalaman ng dyaryo at horoscope ang makapagsasabi ng mangyayari sa ating buhay tanging Diyos lamang ang nakakaalam. 132
*** ANG AKING TALAMBUHAY
Ako si Rufina Laderas
Nepomunceno isinilang noong Hulyo 10, 1977 sa
Masaguisi, Sta. Cruz, Marinduque. Ang aking Mga magulang ay si Anastacia Recana Pastoral at Herminigildo Gonzales Laderas. Nakapag aral ng elementarya sa Don Luis Hidalgo Memorial School. Nakagisnan ang isang mahirap na pamumuhay. Bata pa lang ako ay madalasna akong isinasama ng aking ama’t ina sa bukid. Sa kanila ako natutong magtanim ng mga mais at gulay. Ang pagtatanim sa bukid ang bumuhay sa aming pamilya at tumustos sa aking pag aaral hanggang sa nakapagtapos ako ng sekondarya sa Marinduque National High School. Hindi naging hadlang ang kahirapan pinilit kong makapagpatuloy ng pag aaral , nagsikap at nagtiyaga hanggang sa nakapagtapos
ng Bachelor of Secondary Education Major in Biology sa
Marinduque State College. Ganap na lisensyadong guro noon taong 2000. Nakapagturo sa ibat - ibang pribadong paaralan sa Maynila sa loob ng sampung taon hanggang sa nagkapamilya. Taong 2011 ay nakalipat na ako sa pampublikong paaralan hanggang sa kasalukuyan kasama ang aking mga mahal sa buhay.
Maihahambing ko ang balita noon taong 1977 na nag organisa sila nga Kapatirang Anak-Pawis ng Pilipinas (KAP) sa Maynila. Iba sa maraming asosasyon ng manggagawa at magsasaka itinatag ang KAP batay sa
pilosopiyang “ ang
pagtataguyod sa karapatan ng paggawa ay hindi maihihiwalay sa pakikibaka para sa pambansang kasarinlan. Isinama
ng KAP sa programang nito ang isyung pag
ekonomiya, panlipunan,gayundin ang edukasyon sa paggawa. Sa kasalukuyang nararanasan nating pandemya (COVID-19), ang mga tao ay nagrereklamo sa social media dahil marami sa ating mga Pilipino ang hindi nabigyan ng ayuda , marami pa ring nagugutom , naghihirap at nawalan ng hanap buhay. *** 133
TALAMBUHAY Ang pinakamasayang araw ng ating buhay ay ang araw ng ating kapanganakan. At higit na mas masaya ang taong nagsilang sa atin, ang ating Ina. Ipinanganak ako noong July 7, 1979. Sabado sa ganap na 10:30 ng gabi. Natatandaan ko pa na sinabi ng aking Ina na ako ay ipinaglihi nya sa mura (buko), kung kaya’t napakaputi ko diumano noong ako’y kanyang ipinanganak. HANNAH CINKEE and ipinangalan sa akin ng aking Ina, HANNAH-meaning grace CINKEE ito daw ay author ng libro sapagkat sya ay isang librarian. Kaya’t ang aking palayaw ay HACIN (Heyzen). Nagmula sa HAnnah CINkee. Nagsimula akong pumasok sa bahay Nayon sa aming barangay sa gulang na 3. At hanggang sa limang taon ay nag aaral ako ng Kinder. Pumasok ng anim na taon bilang Grade 1 sa Tanza Elementary School, Grade 2 sa Immaculate Concepcion College, Grade 3-6 sa Mogpog Central School. Nag aral ng high school sa Marinduque State College-Laboratory School. Pumasok ng Kolehiyo sa far Eastern University ng first year at second year sa kursong Bachelor of Science in Physical Therapy at nagpatuloy ng pag-aaral ng third year – fifth year college sa Philippine College of Health Sciences, Inc. Nakatapos ng kolehiyo sa taong 2000. Ang masakit na pangyayari sa buhay ay dumating noong March 7, 1998 nang maagang pumanaw ang gaming ina sa edad na 43. Ako ay 18 na taon gulang pa lamag noon. Napakasakit. Walang kapantay na sakit na mawalan ng magulang lalo na ang Nanay. Ako ang tumayong ina ng dalawa kong nakababata na kapatid noon, Heinz Etienne 10 taong gulang at Hecthor Carlo, pitong taong gulang. Kinailangan kong alalayan ang aking ama sapagkat kahit hindi sya nagsasabi sa amin na siya ay nasasaktan ay ramdam ko na hindi sya handa na mamaalam ng maaga an gaming Ina na kanyang kabiyak. Nakahanap kaagad ng trabaho sa isang restaurant sa Manila ngunit hindi sapat ang aking pakiramdam na ganoon ang aking trabaho. Receptionist/Waitress. Naalala ko nung unang sweldo ko. Halos ayaw kong gastusin. Bakit kamo? Ikaw ba nmn ang tumayo ng apat na oras sa pintuan ng restaurant at magsabe ng “Herashai Mase”. At isa pang round ng apat na oras sa hapon idagdag mo pa na magpunas ng lamesa at mag refill ng unli iced tea ng mga Koreano at artista na kumakain sa Saisaki restaurant. Sinabi ko sa Papa ko, Pa ayaw ko na dun sa trabaho ko, bakit naman, tanong nya, sabi ko, nagapunas ako ng lamesa. Tanong nya ulit, gaano baga kalaki ang napunasan mo na lamesa at nagatangis ka diyan? Actually, maliit lang, pero nanliliit ako sa sarili ko. Napakahirap pala maghanap ng tranaho. Ako na 5 year course tapos waitress at receptionist ang bagsak. Sumunod kong trabaho ay Call Center Agent. Mas okay ang pasahod at hindi gaya ng unang trabaho. Naka upo lamang at telepono ang kaulayaw. 134
Maagang nag asawa sa edad na 21 sa kadahilanang nabuntis na ang lola nyo. Ikinasal noong 2001 sa lalaking ayaw ko ng alalahanin pa. (wahahahah) Naging ina sa edad na 22, ky Haeira Llerize Onycka O. Nocum. Bakit mahaba? Yan ang gusto kong pangalan nya. Walang pakialaman (hahaha). . Nagtrabaho sa Citibank Call Center sa taong 2002-2004 at nag desisyon na bumalik ng Marinduque noong April 2004. Naging full time mother sa noon ay 4 na taong kong anak. Nagsilang muli noong 2006 kay Hailey Margarette O. Nocum. Nagpasiyang mag-aral ng uniting sa Marinduque State College sapagkat sa probinsya napatanto ko na dalawa ang mapagpipilian mo na buhay at trabaho. Tranaho sa gobyerno o negosyo na stable at maayos ang kita. Noong 2007 ay pumasok ng CTPE ( Certificate in Teaching Public Education) at nagtapos noong 2008. Napasabak sa unang trabaho bilang guro sa Sta. Cruz Institute as Tesda Trainor ng Caregiving NCII. Naging Trainor din sa MMTSI, Santol Boac Marinduque, kung saan nag handle ng Household NCII at Housekeeping NCII. Taong 2009 ng mapag desisyunan ko na mag negosyo, subalit hindi pala ito biro. Mahal ang renta at halos ditto lang mapupunta ang kita mo. Fast forward, taong 2011, napaka challenging na taon sapagkat naghiwalay kami ng aking dating asawa. Pero hindi ko ito pinagsisihan. Individual indifferences sa kanya, pero sa akin ay physical, emotional at psychological abuse ang nangyari. Hindi ko na ididetalye pero since 2001 at kakakasal lamang naming at battered wife ang lola mo. Tiniis ang lahat upang maging buo ang pamilya pero hindi ko kaya. Dapat buo ka sa labas at sa loob. Noon ko napagtanto na ang kasal ay halos panglabas lamang sa aming relasyon. In short, naghiwalay na din kami. 2013 ng mag take ako ng board exam for teachers at naswertehan na makapasa. Taong 2014 ng makapag apply sa DepEd at nakapg substitute ng 4 na buwan. 2015 ng matawag na regular permanent for Secondary School Teacher 1 sa Bognuyan National High School. Taong 2016 at nagsimula ang Senior High School ay pinalad na makapasok bilang Secondary School Teacher II at magturo sa TVLCaregiving NCII. Taong 2017 ng kami ay bisitahin ng mga Japanese Nationals at anyayahan sa Japan upang mabisita ang kanilang home for the aged facilities. Pinalad kami na makapunta (School head namin) sa Hyogo, Japan noong November 12-17, 2017. At dito nagsimula ang partnership ng Bognuyan NHS at HyoujyuKai Corporation. Kinakailangang magsanay ng mga bata ng Nihongo at makapasa sa JLPT N4 exam upang makapagtrabaho sa Japan. Taong 2018- nangarap na magkaroon ng bahay at natupad noong 2019-2020. Kasama ang aking partner sa buhay, opo may partner ako ngaun. Siya ay c PEMS Jay P. Malapit, SWAT Team Leader, PPO Marinduque. Hindi siya binate pero hiwalay 135
na legal sa asawa at katulad ko, nakaproceso na din ang annulment. Ako ay nag file, December 2018. Last hearing n asana March 2020 pero napostponed dahil kay Covid-19. Sa ngayon, nakalipat na kami sa aming bahay, kasama ang dalawa kong anak na mahal na mahal din nya at itinuturing na anak na din nya. Umaasa na baling araw mabigyan kami ng chance na maikasal. At nangangarap na tumanda ng magkasama. I believe in second chances, even in love. Hindi laat ng success ibibigay sa iyo pero darating ang nararapat para sa ‘yo. Nasuklian lahat ng hirap at pasakit ko sa unang relasyon, epic failed. Pero ngayon, sobrang masaya at kuntento. Hangad ko na mas maging mapagmahal pa kami sa isa’t isa at mas maging maligaya pa sa mga darating na araw, sa gabay ng ating Dakilang Maykapal. And I, thank yoww! ***
136
*** Agosto, 1, 1988, Lunes, ika-214 araw ng taong 1988, taon ng Dragon ay nasilayan ko ang kariktan ng mundo. Pinangalanan akong Lovely, ayon na rin sa kagustuhan ng aking ina. Ang aking zodiac sign ay Leo. Sinasabi na ang mga Leo ay mapagbigay at mababait ngunit maikli ang pasensiya at mainitin ang ulo. Peridot naman ang aking birthstone-ito ay isang hiyas na may kalidad na transparent na iba't ibang olivine, isang mineral na binubuo ng silicates ng magnesium-iron. Kasabayan kong ipinanaganak ang sikat na Taiwanese singer-songwriter na si Joanna Wang. Sa halos 139,142,510 nq mga sanggol na ipinanganak ng taong ito, pang-ilan kaya ako sa mga ito? Sa araw ding ito ipinakita ang Deep Rover 1, ito ay isang submarino sa Crater Lake ng Oregon. Sa araw ding ito nagsimula ang national radio show ni Rush Limbaugh. Millenial nga pala kung kami ay tawagin. Ang henerasyong mas kilala rin sa tawag na “Generation Y” o “Gen Y”. Ang millennials ay tumutukoy din sa “echo 137
boomers� dahil sa malaking pagdaluyong daw ng birth rates sa taon 1980s at 1990s, at dahil ang mga millennial daw ay karaniwang mga anak ng baby boomers. Kung may isang bagay na may kaugnayan pa rin sa aking buhay ngayon ito ang mismong petsa na “Agosto 1�, sapagkat ito rin ang buwan at araw kung saan ako ay na-hire sa Department of Education. Nagkataon lang ba o sadyang suwerte talaga sa akin ang buwan petsang ito?. Kaya pagsapit ng araw na ito, dalawa ang aking ipinagpapasalamat. Una, ang pagkakaroon ng permanenteng trabaho na kung saan ay nagkaroon ako nang ambag sa paghubog sa kaisipan ng mga kabataang Pilipino. At ikalawa, ang araw na ito ang regalong ibinigay sa akin ng ating Panginoon, ito ang regalong mabuhay at masilayan ang kariktan ng mundong ibabaw. *** TALAMBUHAY
Ang pagpaplano ay laging nagbubuga ng pagtatagumpay. Mula sa mga salitang iyan Unti unti nabuo ang aking pagkatao. Ako ay si Johnnel Ariola Palacios, 25 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Baranggay Hupi Santa Cruz Marinduque. Ang aking mga magulang ay sina Ginoong Ricardo Palacios at Ginang Sonia Palacios. Pang- apat sa mga magkakapatid, ako ay ipinanganak noong Hulyo 13, 1994. Sa panahong kung saan ayon sa tala ang pupolasyon ng mundo ay 5, 618, 682, 132. Kung susumahin maraming pangyayari ang naging kabahagi ng aking pagsilang na ayon sa aking pananaliksik. Isa na dito ay pagkamatay ng maraming Cubans habang tumataks sa gamit ang kanilang ninankaw na Bangka ng kanilang gobyerno.at marami pang iba. Ayon sa aking mga magulang, bata palang ako ay likas na matanungin na at makulit pagdating sa mga bagay bagay. Isa sa nagiging bunga ng pagiging makulit ay ang pagkakaroon ko ng labintatlong butas sa aking ulo dulot ng paglalaro, aksidente at iba pang bagay. Sa aking paglaki ay puno ng panagral at gabay ang aking mga magulang. Mula elemetarya hanggang sekondarya ay nanatili akong panagalawa sa klase. Marahil kahit na laging pangalawa lamang ay ipinagmamalaki koi to sapagkat napanatili koi to hanggang sa pagtatapos ng hayskul. Lumaki akong walang kinilalang bisyo maging ang pagsisisgarilyo o alak. Isa ito sa katangian naming magkakapatid na naipapagmamalaki ng maing mga magulang. Sa kolehiyo, unti unting nagbago ang aking mundo. Mula sa pagiging payak sa lahat ay nabago ito at nakisabay sa modernong panahon. Kumuha ako ng kurso tungkol sa pagtuturo sa mababang paarala. Masasabi kong hindi naging madali ang aking pag-aaral sa baiting na ito dahil sa napakaraming tukso na nakapalibot. Ngunit alam ko na mayroon akong misyon kaya naman napagtagumpayan ko pa din ang kolehiyo. Hi di nawala ang aking pagiging matanungin na sa tingin ko ay naging gabay ko upang maitawid ang aking pag-aaral. Bialang isang nalalapit na guro, naging mapaghanapa ako mg katotohanan at impormasyon na makatutulong sa akin sa hinaharap. Ptuloy akong naniwala na 138
ang ikakatagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa kung gaano siya naging maaayos sa pagpaplano. Ngayon ako ay isa ng ganap na Guro na nagtuturo sa Mababang Paaralan ng Capayang. Aking isinasabuhay ang mga aral na natutunanan ko sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa mga mag-aaral. Nagsisislbi ako bilang pangalawa nilang magulang na gumagabay para sa kanilang magandang bukas. Tunay nga na napaka mahiwaga ng mundo at buhay . Mula sa isang matanong na bata, ngayon ay ako naman ang sumagot sa mga tanong ng aking mga mag-aaral tungkol sa ibat iabng kaalaman sa loo ng paaralan. *** ANG AKING TALAMBUHAY Ako nga pala si Ann Margaret Perolino, ipinanganak sa San Pedro, Laguna noong ika- 22 ng Hulyo taong 1990. Kung saan ang kwento sa akin ng aking ina ay may pangyayari siyang hindi malilimutan. Tungkol ito sa July 1990 Huge impact ng lindol na kung saan bago ako ipanganak ng nanay ko ay nangyari ang nasabing paglindol na binalita sa maraming parte n gating bansa. Dahil sumunod nito ay katakot-takot na “aftershocks” na hanggang sa araw ng aking kapanganakan ay ramdam pa rin ang pagyanig. Ang zodiac sign ko ay cancer at matatawag na ang aking taon ay Metal Horse naman. Kadikit na rin ata sa aming zodiac sign na kami ay malalambot ang puso at maawain. Isama na natin ang pagiging iyakin at mukhang kadikit ko na rin iyon sa buhay ko. Mga mahahalagang pangyayari/naganap sa panahon na ako ay ipinanganak noong HULYO 22, 1990, Araw ng Linggo. 1. Ang mga popular na ipinangalan sa anak na babae ay JESSICA sa bilang na ( 46, 475) at samantala naman ang popular na pangalan sa lalaki ay MICHAEL na may bilang na (65,282). 2. Ang Presidente sa bansang USA ay si George H.W. Bush. Samantala si Corazon Aquino ang Presidente ng Pilipinas. 3. Naging kilala ang awiting “ Healing Hands” ni Elton John. ***
139
ANG AKING TALAMBUHAY CLARISSA L. VITTO “Maganda ang magkaroon ng plano sa buhay pero talagang may mga pangyayaring hindi mo aakalain at kapag dumating ito, “Wag mo ng pagurin ang sarili mo sa dami ng mga tanong. Bagkus, ihanda mo na lang ang sarili sa pagpapatawad at sa mga aral na madadampot mo mula sa karanasang ito.” POPOY #DearMORHugots Bago ko pasimulan ang aking talambuhay, ito marahil ang isa mga aral na natutunan ko. Maraming tanong sa aking isip na marahil ay walang tiyak na kasagutan. Pero isa lamang ang alam ko at nasisiguro ko, “Ang karanasan ay isang matibay na sandata upang lumaban tayo sa hamon ng buhay sa kabila ng mga pagsubok na ating naranasan. “Experience is the best teacher, it gives first the test, the lesson afterwards”. ika nga. Linggo noon, ika-10 ng Enero taong 1988 nang ako ay ipinanganak ng aking ina na si Mena Lampas Largado kasama ang aking butihing ama na si Gil Lacdao Largado. Ito rin ang araw na palaging ikinukwento ng nanay ko na akoy kanyang iniluwal sa gitna ng kalakasan ng bagyo. Pinangalanan nila akong Clarissa, pangalang ibinigay ng tatay ko. Ako ay ipinanganak sa Barangay Bintakay, Mogpog, Marinduque. Pangalawa ako sa walong magkakapatid na sumunod sa ate ko na si Cindy. Si Carlo ang pangatlo, sumunod si Charlon, Cherrylyn, Mark Gil, Carmela at ang bunso naming naging anghel na ngayon na si Charen. Simple lamang ang buhay namin, ang ama ko ay isang masipag na traysikel drayber at isang mapag arugang ina naman ang aking ina. Masasabi kong ang buhay na aking kinalakihan ang siyang naging pundasyon upang higit pa akong magsikap sa buhay. Marahil noon, masasabi kong mas mura pa ang mga bilihin noon kasya sa ngayon ngunit ang kinikita ng aking ama ay hindi sumasapat para sa gastusin ng aming pamilya. Nagsimula akong mag-aral ng Kindergarten sa edad na limang taon sa Mababang Paaralan ng Bintakay hanggang nakagradweyt ako ng Elementarya noong Marso 2000. Ang mga karanasang hindi ko malilimutan noong ako ay nag-aaral pa ay ng lagi kaming pinaiiskwat sa harap ng klase sa tuwing hindi ko makarecite ng tama ang Multiplication table, nasa ikalawang baitang ako noon sa ilalim ng aking gurong tagapayo na si Gng. Editha J. Satana. Sa kabilang banda, mayroon pa rin naman akong natatanggap na medalya tuwing graduation. Nakatanggap ako ng unang karangalan ng nasa Kinder ako. Ikalawang Karangalan naman noong nasa Unang Baitang na ako hanggang sa makapagtapos ako Elementarya. Dito unang nahubong ang aking pagkatao. 140
Nang matapos ko ang elementarya, nag-aral naman ako ng hayskul sa isang pampublikong paaralan, Mogpog National Comprehensive High School, kung saan dito rin ako pinalad na makapagturo sa kasalukuyan. NAging masaya ang hayskul ko noon dahil marami akong nakilalang bagong kaklase at kaibigan. Bilang isang magaaral, marami din akong naging karanasan sa buhay dahilan para magsumikap pa akong lalo sa pa-aaral. Pumapasok ako na sampung piso lamang ang baon, naglalakad sa pagpasok at pag-uwi ng ekswela. Magkahalong hirap at saya ang naging karanasan noong hayskul. Minsan bigla na lang din sumasagi sa isip ko na sa layo ng nilalakad ko ay naalis bigla ang swelas ng aking sapatos habang akoy nasa gitna ng daan. Ito ang naging motibasyon ko sa aking sarili na balang araw makakabili din ako ng maraming sapatos pag ako’y may regular na hanapbuhay na. Naalala ko pa nga rin hanggang ngayon na tinuktukan ako sa ulo dahil hindi ko masolve ang equation sa Math. (Hindi ko na babanggitin dahil prinisipal na siya ngayon) dahilan para lalo akong magsumikap sa pag-aaral. Dahil dito, tumatak sa isipan ko na balang araw, magkakapaghanapbuhay din ako at magging guro din ako. Lumipas ang apat na taon ng pagtitiis sa Sekundarya at nakapagtapos ako taong 2004. Hindi ako tumigil sa aking pangarap na mag-aral ng kolehiyo kahit mahirap. Nag-aral ako sa Marinduque State College taong 2004 at nakapagtapos ako noong Abril 7, 2008 sa kursong Bachelor of Secondary Education, Major in Social Science. Noong September 28, 2008, naipasa ko ang Licensure Examination for Teachers. Nagtrabaho ako bilang isang Enumerator ng Community-Based Monitoring System sa Munisipyo ng Mogpog. Pagkatapos nito, Nobyembre 17, 2009 hanggang Marso 30, 2010 ay nagsimula akong magturo bilang isang Volunteer Teacher sa Puting Buhangin National High School. At sinundan naman nito ay sa Educational Systems Technological Institute (ESTI) taong 2011 hanggang sa nag-aplay na ako sa Department of Education, isang taong naging substitute teacher at sa awa ng Diyos ay naging regular permanent bilang Teacher I, sa Kasily National High School noong Marso 21, 2012. Nakalipat ako ng Paaralan noong Hulyo 8, 2013 sa Mogpog National Comprehensive High School hanggang sa kasalukuyan. Mula sa aytem ng pagiging guro ng Junior High School ay naging Teacher II sa Senior High School. Habang naghahanap ng mabuting kapalaran ay sinimulan ko ulit mag-aral ng Master of Arts in Education, major in Educational Management noong 2010 at nakamit ko ang CAR-Complete Academic Requirements noong 2017. Nais ko pa rin ipagpatuloy ito para sa aking sariling kaganapan at sa mag-aaral. Nakumpleto at lalong naging makulay ang mundo ko ng makilala ko ang aking 141
kabiyak. At noong Hulyo 29, 2017 nang makaisang dibdib ko ang aking asawa na si Rene Sore Vitto at biniyayaan kami ng isang supling na si Precious Nathalie. Bagaman milya-milya ang aming agwat dahil ang hanapbuhay nila ay nasa dagat. Kailangan parin magtiis, magtiwala at panatilihin ang pagmamahal sa isa’t-isa. Sa buhay natin ng tao, maraming pagsubok at karanasan. Hanggang ngayon, patuloy ko paring aasahan ang mga magagandang mangyayari sa aking buhay. “Ang buhay ay parang angkla at timon, ikaw ang magmamaneho nito sa sa habang panahon�. ***
142
IKATLONG ARAW (Mayo 13) Gawain 2 (Dagli) Panuto: Gamit ang 19 na salita, sumulat ng isang daglĂŽ tungkol sa buhay ng isang taga-probinsiya o rehiyon ng MIMAROPA ngayong pista ng peste.
143
144
***
COVID-19, Home Quarantine Nakakatakot, Nakakabagot, Sa Duque baya, Hala, arya, tanim kita. Ayun, nag-aani ng bunga! Kay saya! *** 145
Dulos Si Manong Noli pumunta sa bundok may dalang dulos. Si Vic may dalang sagwan. Si Betchay nagtinda ng sinulbot.
***
146
147
148
***
149
***
Si Kapitana Tuding, laging abala. Kasama niya mga kagawad sa pagbibigay ng mga ayuda. Sila ang aming frontliners dito.
***
Buhay sa Marinduque
Hindi madaling kalimutan Mga gawaing nakasanayan Dahil sa pandemya Buhay isinaalang- alangay Mabuti na lamang Buhay sa Marinduque ay magaan
***
150
***
Paano maging Covid19 patient sa Marinduque? Yanu! Bakit ika’y parang nakakita ng multo? Mangangamusta sana ako sa labasan eh! Bulyaw ng multo sa Covid19 patient.
SAPilipitan Yanong tuwa ni inang sa ayuda. Ang aming kabuhayan daw ay magagawa na. “Pilipit! Pilipit po kayo diyan!” 151
Nudels May inabot na relip guds si Kap. Pangdalawang araw daw. A-yown, nudels. “Neng, hingi raw ng malunggay kina Pedring!”
Sosyal distancing ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Baranggay “‘La pang kubid, me ganire na kami. Walang deket-deket sa pa-sosi, at maaarte.” Ani ng isa sa KBB.
Alikabukin “Na lintikan kang bata ka! Uwi! Ano? Nagkutkot ka naman ng lupa? Apaluin ‘ta!” Nakangising nagtatakbo pauwi ang bata. ***
152
Nagising ako sa tunog ng alarm clock, Naku! Alas-sais na pala mahuhuli ako nito. Lockdown nga pala walang pasok. Dalawang araw na lang, sambit ko sa sarili, matatapos na ang quarantine. Pagbukas ng fb binalita extended pa pala.
Pikit. Mulat. Titig. Bulid. Pikit. Mulat. Titig. Bulid. Paulit-ulit. Kakasura. Kakaiyamot. Ang Kwento ng Pagkabagot. Ang Kwento ng Quarantine. Lapit ng matapos ang Marso, kailangan ko ng maipasa ang school forms, hanggang ngayon na sa akin pa rin. *** “Madalas kong makitang nilabusang talbos ng kamote ang ulam ni lola pero binulungan niya ako fried chicken daw bukas. Kinabukasan nilabusang talbos ng kamote ang nasa hapag”. Ericjmaningas “Ilang araw ng may upuan sa labas ng aming mataas at bakal na gate. Excited na ko sa bisitang dadating. Tatlong lingo na pero wala pa din”. Ericjmaningas
***
153
*** #1 “Nang bigyan ng SAP form , nag fill-out mandin naman ako. Naghintay mabigyan ng ayuda Pero ayun! Bakit hindi kasama?” #2 “Nang pinatupad ang lock-down, sumabay ang liquior ban. Buti na lang may naitabi akong alak sa bahay namin. Wow!” #3 “Gumising. Nag-almusal na ulam ay sardinas. Naligo. Nagfacebook. Nagtanghalian na ulam ay noodles. Nagfacebook. Naghapunan na ulam ay itlog.” #4 “Papunta sa bayan ng Boac. Nabigla sa haba ng pila. Ilang oras na naghintay. Oy quarantine pass nasaan ka ” 154
***
***
155
*** “Dali- daling lumabas ng bahay ang Marinduqueño akala nila’y may ayuda, na wow mali sila , abaw! mass testing laang pala.” “Nagbahay- bahay,ininterview, pinagfill-up ng form ng SAP, pumirma, naexcite, natuwa at umasa pero sa huli ay babawiin hay covid19” *** “Dati’y buhay namin dito sa probinsya ay madali ngayon, kami ay nakakubli. Hindi makalabas, sariling tahanan ay nagsilbing rehas” “Nagising isang umaga nabago ang buhay, nawalan ng saya, hindi na malaya, hindi alam hanggang kailan sa ganitong kalagayan” “Ang buhay sa probinsya ay parang syudad na Ngunit dahil sa epidemya nagbalik sa sinauna Pagtatanim ay naalala” ***
156
LOCKDOWN Punta dito punta doon, ikot ako ng ikot, di mapakali Natataranta simula ng inanunsiyo ang paglockdown sa aming probinsya. Isa isang pinuntahan ang mga kakilala kung anong dapat gawin, at kung kelan na magsisimula ang lockdown. Nagmadali ako namili ng aming mga pangangailangan para sa preparasyon sa lockdown noong araw ding iyon. Sa ngayun habang nag iisip at nagtatanong kung kelan matatapos ang pandemyang nararanasan, gumawa ng gawaing nakakatulong sa aking komunidad. At lagi nga nila paalala ang katagang “Stay at Home”. *** Ang buhay probinsya sa ganitong pandemya, oh di ba’t kay saya. Nasa bahay ka lamang, antay antay ng ayuda.
Init ay di alintana sa araw- araw na dumadaan, maging produktibo at epektibo lamang, hardin at halamanan sa likod-bahay. Iba’t ibang luto nasubukan mo na, magpapahuli ka ba? Hindi ba tuna pie at dalgona ay nasubukan mo na?
Pagluto ng mga bagong putahe nasubukan ko na. Pati baking naalaman ko pa. May hidden talent, tara ibenta na! *** 157
***
“Dasok ng dasok ay!” “alangan ka pa nang may makain kita!” “buto ng pechay o mustasa?” “sitaw o kalabasa?” ***
Sa Iyong pagdating, buhay ay napraning. Dilag na probinsya iyong nasaling. Lahing Muryon ‘di padadaig, COVID puksain, lahat gagaling. *** 158
PANINDA Tuwing umaga Si Lola ay nag-aabang na sa pagdating ng paninda ni Manong, Tinatawag nila itong “rolling store” sa panahon ng pandemya. *** Bawat araw nitong pandemiya’y di pangkaraniwan tila ako’y nakikipaglaban, pag-iingat sa katawan, dasal na puspusan- sakit ay wag madapuan. ***
159
IKATLONG ARAW (Mayo 13) Gawain 3 (Repleksyon) Panuto: Ngayong pista ng Mahal ng Birhen ng Fatima. Isalaysay ninyo ang kuwento kina Lucia, Francisco, at Jacinta. Ano sa tingin mo ang papel nila sa buhay mo? Kung wala, bakit?
160
Kwento ni Lucia, Francisco at Jacinta sa pagpapakita ng Birheng Maria ng Fatima at ang Papel nito sa aking Buhay Isa sa mga kontrobersiyal na balitang gumimbal sa mundo ay ang sinasabing pagpapakita ng aparisyon ng Birheng Maria sa tatlong batang pastol na si Lucia dos Santos, at magkapatid na sina Jacinta at Francisco Marto sa Fatima, Portugal sa bawat ika-13 araw ng anim na sunod-sunod na buwan magmula 13 Marso 1917. Ayon sa balita, ang sampung-taong batang si Lucia dos Santos at ang kaniyang nakababatang mga pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto ay nagpapastol sa Cova da Iria na malapit sa kanilang bahay sa bayan ng Fatima sa Portugal. Dito nasabing nakita ni Lucia ang isang babaeng kaniyang inilarawan na "mas maliwanag pa kaysa sa araw, nagsasaboy ng sinag na mas malinaw at mas matingkad pa kaysa sa bolang kristal na puno ng pinakamakinang na tubig at tumagos dito ang nag-aapoy na sinag ng araw. Kinausap sila nito at nagpakilalang siya ang Birheng Maria, at hinikayat sila nitong mangumpisal, manalangin para sa sangkatauhan at magsakripisyo para mailigtas ang mga makasalanan. Sumunod naman ang mga bata at ipinagkatiwala sa mga ito ang tatlong sekreto na ngayo'y tinaguriang Tatlong Lihim ng Fatima. Dahil sa pangyayaring ito, ipinaharang at ipinakinulong sila ng administrador ng probinsiya na si Artur Santos sa paniniwalang ang mga nagaganap ay nakagugulo sa pamahalaan. Habang nasa kulungan, pinangunahan ng tatlo ang pagrorosaryo kasama ang mga bilanggong naroroon. Pinilit ang tatlo na sabihin kung ano ang sikreto, tinakot na pakukuluan sila isaisa sa kalderong may mantika ngunit tumanggi sila at nabigo ang mga naginteroga. Noong Hulyo 1917, dinagsa ang Cova da Iria ng tinatayang 70,000 katao upang saksihan ang huling aparisyon na ipinangako ng Birhen upang ang lahat ay maniwala. Nagkaroon diumano ng pagsayaw ng araw na nasaksihan ng halos lahat na naroon magiging ang nasa malayo. Habang ang mga tao naman ay nakatitig sa araw, sina Lucia, Francisco at Jacinta naman ay sinabing nakita ang mga kaibig-ibig na imahen ng Banal na Pamilya, ang Ina ng Pitong Hapis kasama si Hesukristo at nang kalaunan ang Birhen ng Bundok Carmelo. Sinabing nakita rin nila na binasbasan ni San Jose at Hesus ang mga tao. Sa personal na pananaw, ako ay hindi naniniwala sa ganitong bagay bilang hindi kasapi sa paniniwalang Romano Katoliko. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang isang magandang halimbawa na ipinakita ng tatlo noong sila ay nasa bilangguan. Magandang tularan ang kanilang desisyon na huwag sabihin ang bagay na ipinagkaloob sa kanila, at pinanatili nila ang kanilang pananampalataya kahit pa may parusang nakaambang sa kanila. Hindi sila natinag bagkus ay mas lalo nilang pinalakas ang kanilang pananalig halintulad sa mga lingkod ng Diyos noong una tulad nina Daniel, Mesach, Sadrach, Abednego, Pedro at Pablo. Tulad sa kanila, panatilihin natin ang ating pananampalataya sa anumang pagkakataon, sa kahirapan man at kagipitan. Tularan natin ang binigay na halimbawa ng mga lingkod na ito ng Diyos sa araw-araw na pakikibaka natin sa buhay. Dahil ako, ito ang aking nais gawin. *** 161
Mga pastol ng tupa ang magpipinsang sina Lucia,Jacinta,at Francisco Marto.Nakatira sila sa munting nayon ng Fatima sa Portugal. Mga pastol ng tupa ang magpipinsang sina Isang araw, habang nagpapastol ng tupa, Lucia,Jacinta,at Francisco Marto.Nakatira sila nakita nila ang isang anghel na nagliliwanag sa munting nayon ng Fatima sa Portugal. Isang na animo’y Kristal.Natulala sila. Ngunit sinaaraw, habang nagpapastol ng tupa, nakita bi sa kanila ng anghel, “ Huwag kayong nila ang isang anghel na nagliliwanag na matakot, ako ang anghel ng kapayaanimo’y Kristal.Natulala sila. Ngunit sinabi sa paan.Samahan ninyo akong manalangin”.kanila ng anghel, “ Huwag kayong matakot, ako ang anghel ng kapayapaan.Samahan ninyo akong manalangin”. Matapos ang ilang pagpapakita ng anghel ay muling nakakita ang mga bata ng kagila- gilalas na pangitain ang mga bata. Nakita nila ang nakasisilaw na anyo ng mahal na birhen. Nagliliwanag itong parang Kristal sa damit nitong puting Kumalat ang balita ng aparisyon ngunit nanatiling tikom ang mga bibig ng mga bata.Dumagsa ang mga taong nais makita ang himala sa simpleng lugar ng Fatima.Isang araw, dumagsa ang nsa 70,000 tao sa Fatima upang saksihan ang isang himala. Hindi sila nabigo at nakita nila ang pagsayaw ng araw sa kalangitan. Bagamat namatay sina Francisca at Jacinta dahil sa isang sakit, itinuring pa rin silang pinakabatang santo’t santa. Samantala, si Lucia ay nanatiling tapat sa Birhen at naging madre.
*** Noong 1917, ang Fatima ay isang madilim na nayon sa gitna ng Portugal, sa taluktok ng bundok ng Serra de Aire. Tigang ang lupa at napapalibutan ng di nagbabagong bundok na halos walang pananim. Ang mga tao sa nayon ay nabubuhay lamang sa pag-aalaga ng tupa. Sa labas ng nayon ay naroon ang Cova de Iria, isang mapanglaw na pook. Ngunit sa taon ding yaon, ang Cova de Iria ay nabago at nakikilala bilang isang mahalagang lugar sa modernong mundo. At itinampok sa buong mundo bilang dambana ng paglalakbay. Katanghalian ng ika-13 ng Mayo, taong 1917, ang tatlong bata na sina Lucia, Jacinta at Francisco, habang nag-aalaga ng kanilang tupa ay nagitla nang kumislap ang liwanag sa kalangitan na sumilaw sa kanila, bukod sa liwanag ng katanghalian, na nanggagaling sa isang punongkahoy dahil kanilang nakita ang isang napakaganda at napakayuming babae na nararamtan ng puti at may hawak na rosaryo na kumikislap na tulad sa perlas. Ang wika ng Mahal na Ina sa kanila, “huwag kayong matakot. Ako ay nagmula sa langit at nais ko, kayo ay pumarito sa Cova de Iria, sa 162
tuwing sasapit ang ika-labing tatlo ng bawat buwan.” Mula buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, maraming palatandaan at kahalagahan ang nakita ng marami. At isa sa mga patunay ng aparisyon ay ang “pagsasayaw ng araw”. Ika-labing tatlo ng Oktubre, ang ika-anim at huling araw ng aparisyon winika ng Mahal na Ina, “AKO ANG INA NG ROSARYO”. At kanyang hiniling ang pagpapatayo ng isang dambana sa kanyang karangalan. Nang dahil sa pangyayari ay maraming deboto ang nagpunta sa Cova de Iria at nagsimulang mamintuho sa Birhen ng Fatima. Noong labing tatlo ng Oktubre taong 1930, matapos ang masusing pananaliksik, ang aparisyon sa Fatima ay idineklarang simbahan na mapagkakatiwalaan. At noong 1944, isang marangal na Basilika ang itinayo sa Cova de Iria, sa karangalan ng Birhen ng Fatima. *** Sina Lucia dos Santos at ang kanyang magkapatid na pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto na taga Portugal ay ang tatlong bata na kung saan pinakitaan ng Birhen ng Fatima sa bawat ika -13 araw ng anim na sunod-sunod na buwan magmula noong ika – 13 ng Marso 1917. Ang Birhen ng Fatima o ang “Our Lady of Fatima” ay ang titulong iginawad sa Birheng Maria. Ang titulong Birhen ng Banal na Rosaryo ay karaniwang tumutukoy rin sa nasabing aparisyon, dahil ayon sa mga bata, nagpakilala sa kanila ang Bieheng Maria bilang “Mahal na Birhen ng Banal na Rosaryo”. Maraming mga kaguluhan ng mga panahong iyon, kaya nakakita ang Mahal na Birhen ng mga batang busilak ang kalooban na siyang nagdala ng kanyang mensahe mula sa langit. Nagpakita ito noong May 13, 1917 habang nagpapastol ang mga bata. Sila ay tinuruang magdasal para sa mga kaluluwang naliligaw ng landas sa Panginoon. Hindi naging madali ang kanilang layunin na maibalik sa Panginoon ang loob ng mga tao. Humarap sila sa maraming pagsubok na siyang nagpatatag sa kanilang pananampalataya. Umabot sa punto ng pagbantaan ni Senyor Santos ang buhay ng mga bata. Ngunit hindi sila natinag ng kanilang kaaway at patuloy na nanalig sa Diyos. Hindi sila nagawang ikulong pa noong Agosto 13, 1917 at pinakawalan din sila makalipas ang anim na araw. Pagkatapos ng mirakulo ng huling pagpapakita ng Mahal na Ina, kinuha rin sina Francisco at Jacinta Marto ng Panginoon noong sila ay magkasakit dulot ng Spanish Fever na laganap noon sa Portugal. Bilang natitirang saksi ng mirakulo ng Mhal na Birhen ng Fatima, pumasok siya sa kumbento ng Sisters of St. Dorothy noong Oktubre 24, 1925 at naging madre noong Oktubre 3, 1934, kung saan binansagan siya sa pangalang Sister Mary of the Sorrowful Mother. Ganap ng naging santo sina 163
Francisco at Jacinta Marto ng Fatima. Ito ay pinangunahan ni Pope Francis ang kanonisyon, kasabay ng ginanap na misa sa Portugal. Napakalaki ng papel nito sa aking buhay sapagkat sa pamamagitan nilang tatlo ay nalaman ko ang kahalagahan ng pagdarasal ng banal na santo rosaryo na kung saan ay naipararamdam nito ang kagandahan ng buhay sa kabila ng maraming pagsubok o balakid. Natatandaan ko ng maliit pa akong bata kung paano kami naturuan ng aming lola sa pagdarasal ng rosaryo tuwing hapon. Hindi ko naramdaman ang kahabaan ng pagdarasal nito bagkus ay ang kasiyahan sa tuwing matatapos na ito sapagkat tumimo sa aking musmos na isipan ang kakayahan ng pagdarasal ng banal na santo rosaryo na ibigay ang bawat hiling, gamutin ang me sakit, pakainin ang mga nagugutom at magpatawad sa kasalanan. Para sa akin, ipinakilala nilang tatlo ang Mahal na Birhen ng Banal na Rosaryo na kung saan ang papel nito sa buhay ay tulad ng “tubig”, “kanin” at “hangin” na hindi maaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito. ***
ISANG REPLEKSYON Noong taong 1917, nagkaroon ng aparisyon ang Mahal na Birheng Maria sa tatlong batang pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta. Maraming beses nagkaroon ng aparisyon tuwing ika-13 araw ng buwan mula Mayo hanggang Oktubre. Tuwing magpapakita, ang pahiwatig ng Birhen sa tatlong bata ay patuloy na magdasal ang mga tao ng rosaryo para sa kapayapaan ng mundo at pagtatapos ng digmaan. Sa huling aparisyon noong Oktubre 1917, daang libong tao ang nagsama-sama upang saksihan ang himala na ipinangako ng Birhen. Kalaunan tinawag itong “Miracles of the Sun”. Nagkatotoo nga ang sinabi ng Birhen na sina Francisco at Jacinta ay agad ding susunod sa langit dahil sa mura nilang mga edad na sampu at siyam ay binawian sila ng buhay sanhi ng isang pandemya na lumaganap ng sumunod na taon, 1918. Samantala, si Lucia naman kalaunan ay pumasok ng kumbento at naging isang madre. Namatay siya sa edad na 97 noong 2005. Ito ay ayun na din sa sinabi ng Birhen na matagal mabubuhay si Lucia upang ipakilala sa mga tao ang Birhen at mahalin Siya ng mga ito. Ako’y isang taong nagsisimba pero hindi naman sobrang Relihiyosa. Wala akong gaanong kilalang Santo at Santa. Ang alam ko lang, si Birheng Maria at si San Jose ang asawa Niya. Sila ang mga magulang ni Kristo na aking sinasamba tuwing Linggo at iba pang espesyal na araw. Hindi ako gaanong pamilyar sa Birhen ng Fatima, subalit masasabi ko na ang pagpapakita ng Birhen ng Fatima sa tatlong batang pastol ay may pagkakatulad sa pagsulpot ng COVID-19. Noong panahong iyon, malaking 164
problema din ang kinakaharap ng mundo, kabi-kabila ang giyera, taggutom, kahirapan at tensyon sa mga malalaking bansa. Mga problemang hanggang sa kasalukuyan ay kinakaharap pa rin natin. Subalit lahat ng pagkakagulong ito ay pinatigil ng COVID-19. Nanatili ang lahat sa tahanan kasama ang kani-kanilang pamilya. Ang dating normal na buhay ngayon ay tila ba bumaliktad. Binalikan ang mga dating nakagawian at nakalimutan, tulad na lamang ng pagdarasal. Ito sa tingin ko ang paraan o tila ba aparisyon din para sa lahat ng tao sa mundo, na tumigil muna saglit, magdasal, magpasalamat at magpugay dahil anumang hamon ang kinakaharap, heto tayo at nananatiling buhay sa pagmamahal ng Diyos at awa ng Birheng Maria. *** Ang mga batang taga pastol ng tupa na sina Lucia, Francisco at Jacinta ang nakasaksi sa aparisyon ng mga anghel at ng Birheng Maria sa Fatima sa bansang Portugal. Nagsimula ang aparisyon ng buwan ng Mayo upang turuan silang magdasal para sa mga kaluluwa at inatasang bumalik tuwing ika-13 ng susunod na buwan. Inilarawan nila ang Birheng Maria na mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Ibinahagi sa kanila ang pagdarasal lamang ang makatutulong upang matapos na ang digmaan at sa darating na Oktubbre 13 ay makakakita sila ng isang himala. Sa pangalawang aparisyon nong Hunyo 13, ipinaalam sa kanila na ang magkapatid na Francisco at Jacinta ay mauuna sa langit samanalang si Lucia ay magtatagal pa sa mundo. Pagdating ng nasabing araw, madaming tao ang dumagsa sa lugar na naniniwala at nais masaksihan ang himala. Sinasabing ang araw ay tila sumasayaw at maraming pagkakataon na nakita ng tatalong bata ang iba’t-ibang aparisyon. Tinatayang anim na beses nagpakita sa kanila ang Birheng Maria at dito ipinagkatiwala sa kanila ang tatlong sikreto: ang impyerno kung saan makikita ang and demonyo at mga kaluluwang nakalubog sa apoy, Pangalawang Digmaang Pandaigdig at Komunismo at ang tangkang pagpatay kay Pope John Paul II. Namatay sina Francisco at Jacinta sa sakit ng Spanish Flu at ginawang santo at santa.
Hindi ko masasabi na direktang may kaugnayan sa akin ang mga pangyayari tungkol sa mga himala ng Our Lady of Fatima. Maaaring sa aspetong ipinagdiriwang ang fiesta ng mga lugar na ang Birhen ang patron sa araw na ito o kaya naman ay kadalasang makikita mo ang Santa sa mga kabahayan ng Katolikong Pilipino. Laging nagtatalo sa aking isipin ang pagiging lohikal at pagiging empirikal sa pagpoproseso ng mga impormasyon na nakabatay sa agham ngunit dahil sa isa akong Pilipino ay malalim na nakaugat sa akin ang mga paniniwalang hindi kayang ipaliwanag ng agham. Na sa dami ng pinagdaangang hirap ng ating bayan bukod tanging sa Diyos tayo kumakapit. Kumakapit sa mga himala at magiging maayos ang lahat na inuusal sa ating dasal. Isa sa pagkakaparehas ng kwento ng tatlong bata at sa ngayon ay 165
ang epidemya. Spanish Flu ang ikinamatay ng dalawang batang sina Francisco at Jacinta na buong puso nilang tinaggap dahil sa ito ay una ng nabanggit ng Mahal ng Birhen at hindi umasa na magkakaroon ng himala upang gumaling. Sa kasalukuyan naman ay mayroong COVID-19 na halos kaparehas ng sitwasyon ng Spanish Flu noon. Ngayon ay usal ang isang himala na mawala na ang virus at bumalik sa dati ang lahat. Ipinagpapa sa Dyos na lamang ang mga bagay-bagay. Na mayroong himala
***
166
167
168
169
170
Batid natin na ang mga Pilipino ay lubhang madasalin. Masasalamin ito sa iba’t ibang aspeto ng pagkatao ng mga pinoy saan mang dako ng bansa. Hindi ito maipagkakaila sapagkat sa simula pa lamang nang tayo ay sakupin ng mga Espanyol, malaking impluwemsiya ang pagpupunla ng pananampalataya sa ating mga ninuno. Isa sa mga lubhang kinilala at niyakap ng debosyon ng mga pinoy ay ang pamimintuho sa ating mahal na Inang si Maria. Iba’t iba ang titulo ni Maria depende sa lugar kung saan niya nagbigay ng babala o nagkaroon ng aparisyon sa ilang mga piniling mga banal. Isa sa mga ito ay si Maria, bilang Birhen ng Fatima. Marahil isa na ito sa pianakamalaki at kumalat na debosyon sa mahal na ina, sapagkat maging sa ibang bansa ito ay laganap. Ilang taon na ang nakararaan ng magpakita ang mahal na Ina sa tatlong mga bata sa Fatima, Portugal. Ito ay sina, Jacinta, Lucia at Francisco. Ayon sa kwento, habang ang tatlong mga bata ay nagdarasal ng Sto. Rosaryo at nagpapastol ng kanilang mga alagang kambing, ay napakita sa kanila ang mahal na Ina sa ibabaw ng isang maliit na halaman. Nagtagubilin ang mahal na ina hinggil sa maraming bagay tulad ng pagdarasal ng Sto. Rosario alang-alang sa mga kaluluwa sa purgatoryo, kapayapaan ng mundo at ang pagbabalik-loob sa Diyos ng Rusiya. Sa kabila ng lahat ng ito, may mga tao pa ring hindi naniniwala nang ito ay sabihin ng tatlong bata sa maraming tao kung kaya’t nagpakita Siya ng isang kagila-gilalas na pangyayari ng minsang magkatipon ang mga tao ay biglang gumalaw-galaw ang araw ng araw na iyon. Lumaki ito na tila papalapit sa mga tao kung kaya’t nagdulot ito ng pagkatakot. Sa kabila nito, nagkaroon ng malaking pagbabalik-loob matapos ito. Matapos ang lahat ng ito, minsan magandang pagnilayan at tanungin lalo’t higit ngayong kapistahan ng Birhen ng Fatima ay ‘Bakit sila?’. ‘bakit ang mga batang ito?’ Marahil ang sagot ay nasa tanong din, Dahil sila ay mga BATA. Hindi kilalang pamilya ang pinagmulan ng mga batang ito, pero bata pa lamang ay namulat na sila sa buhay kabanalan. Bata pa lamang, sila ay nagdarasal na ng Sto. Rosario kahit habang sila ay nagpapastol ng mga hayop. Bata pa lamang sila ay masunurin na. marahil ang mga katangiang ito ay isang hamon sa akin bilang isang tao. Hamong tularan sina Jacinta, Lucia at Francisco. Kung minsan, dumarating sa punto ng aking buhay ang panghinaan ng loob, ang makalimot sa Diyos. Subalit ang kapistahan ng mahal na birhen ng Fatima, sa tulong ng tatlong batang ito ay nagpapaalala rin sa akin na huwag panghinawaan ang pananalangin. Huwag makalimot sa pananalangin. Ito ang paalala sa akin, paalala sa atin ng mahal na Ina mismo. 171
***
“At what age can it be said that a young person is capable—ordinarily—of doing acts of virtue to a heroic degree?” Isa ito sa mga tanong na pinag-uusapan sa panahon ng beatification ng dalawang bata , kung titingnan natin ng masa malalim ang tanong na ito tila mapapaisip ka talaga kung ano nga ba ang tamang edad para makagawa ka ng mga natatanging bagay at gawa.Ako bilang isang normal na mamamayan , laging pumapasok sa isipan ko kung ano bang tama sa mali, kelan ko ba kailangang gumawa ng mabuti para mapatunayng karapat-dapat ako sa mata ng Diyos at ng mga kapwa ko.Ang kwento ng tatlong batang ito ay nagpapakita sa akin na wala sa edad ang tamng paglilingkod at pagpapagal ng oras sa paniniwala sa kakayahan ng Poong Limikha , basta meron kang pusong mapagpatawad at isip na handang umunawa sa kabila ng lahat yan ang dadalhin kong aral mula sa kanila. *** Ayon sa aking napanuod,,ito ay ang pagpapakita o aparisyon ng Birheng Maria sa tatlong bata na sina Lucia, Jacinta at Francisco. Ayon sa mga bata nagpakita at nagpakilala sa kanila ang Mahal na Birhen. Maraming pangyayari ang naganap at nagbago. Malaki ang papel na ginagampanan nila sa buhay ko, dahil sa aking pananampalataya. Dpat maging malapit ang kaugnayan natin sa Panginoon dahil tanging siya lamang ang tanging maaasahan mo. Sa bawat pighati ng buhay, may isang SIYA na lagi mong matatawag. Ang tatlong ito ang sumisimbolo ng pananalig at kaugnayan mo sa itaas. May mga taong talagang dadating sa atin para maipamahagi ang magandang balita. At sila ang magsisilbing instrument para tayo ay sama-samang manampalataya. *** ANG BIRHEN NG FATIMA SA DALAWANG PANDEMYA Kontrobersiyal ang paghihimala ng Fatima sa kasalukuyang panahon. Tulad ng ibang pagpapakila ng Mahal na Birhen, narubdob ang ginawang pagsusuri ng Simbahang Katoliko sa pangyayaring ito noong 1917. Tatlong batang pastol na sina Lucia dos Santos at Francisco at Jacinta Marto ang naging saksi sa aparisiyong ito ng birhen sa bayan ng Fatima, Portugal. Ang buhay ng mga batang ito bilang pastol ang nagpapatunay na ang mga materyal na bagay sa daigdig ay walang anumang halaga sa mata ng Diyos. 172
Kung tataluntunin ang kasaysayan, taong 1918 nagkaroon din ng pandemya na nagmula sa Spain. Tinagurian ito ng mga dalubhasa bilang Spanish Influenza. Libolibong tao ang nalupil ng hindi pangkaraniwang sakit na ito. Kasama sa nasawi ang magkapatid na Francisco at Jacinta, mga pinsan ni Lucia. Ayon sa salaysay ng ina ng magkapatid, ilang ulit binanggit ng kanyang mga anak ang salot na darating sa daigdig, at ito ang magiging sanhi ng kanilang kamatayan. Samantala, si Lucia ay naging isang madre. Sa kumbento kung saan siya nakatira, makailang ulit nagpamalas ng aparisyon ang mahal na birhen. Sa pamamagitan ni Lucia, unti-unting nagbukas ang isipan ng mga mananampalatayang Katoliko, lalong higit ang Simbahan, sa pagpapakitang ito ng birhen. Ayon sa tala ni Lucia, batay sa interpretasiyong isinagawa ng Vatican, may tatlong pangunahing lihim ang Fatima: (1) impiyerno, (2) Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at (3) ang tangkang asasinasyon kay Pope John Paul II. Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga batang ito sa buhay pananampalataya ko. Sila ang itinuturing kong pastol ng makabagong daigdig. Sila ang itinalaga ng Panginoon upang gabayan ang sangkatauhan tungo sa kabutihan. Ang mga aparisyong ipinakita sa mga batang ito ay kakila-kilabot. Marami mang tumuligsa sa kanilang katauhan, ang katotohan pa rin ang mananaig. Pinapaalala rin ng talambuhay ng mga batang ito na ang buhay natin sa mundong ito ay panandalian lamang. Walang katiyakan, walang kasiguraduhan. “To see is too believe,” wika nga ng mga eskeptikong palaging nagtatanong sa pag-iral ng Diyos. Ang ganang akin naman, “Believe and you will see.” *** Tayong mga Katoliko ay maraming pinaniniwalaan na mga kababalaghan o mga di pangkaraniwang pangyayari. May mga kwentong napakaraming bumabalot na misteryo ngunit hindi lahat ay naniniwala sa mga ito. Sa kwento ng Mahal na Birhen ng Fatima, nagpakita siya sa tatlong bata na sina Lucia dos Santos at ang kanyang mga pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto. Ang tatlong batang ito ay isang inspirasyon at magandang modelo para sa atin. Sila ay nagpapakita ng pagiging makadiyos sapagkat sinunod nila ang utos sa kanila ng Birhen ng Fatima. Nagpinitensiya silang tatlo upang ipakita ang pagiging maka-Diyos at katapatan dito. Sa panahon ngayon at sa ating henerasyon, ito ang dapat matutunan ng lahat ng tao higit ng mga kabataan sapagkat marami sa ngayon ang naliligaw ng landas. Maraming mga tao ang nalalayo ang loon sa Diyos at tinatalikuran ang kanyang 173
kabanalan. Sila ang dapat nating tularan. Ang tatlong bata din na ito ay nagpapakita ng katapatan sa pangako sapagkat ang tatlong lihim na sinabi sa kanila ng Mahal na Birhen ng Fatima ay hindi nila pinagsabi kanino man bilang pagsunod sa nais ng panginoon. Marunong din silang manindigan sa kanilang mga sinasabi at pinaniniwalaan. Maaring ito ang dahilan kung bakit sa dinami daming mga tao ay sa kanila nagpakita ang birhen ng Fatima. Kaya masasabi kong sila ay inspirasyon na dapat natin tularan. *** Buod ng Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima Sa isang mabundok na nayon ng Cova da Iria malapit sa Fatima, Portugal, nagpakita ang Mahal na Birhen sa tatlong batang pastol, si Lucia Santos at ang magkapatid nyang pinsan sina Jacinta at Francisco Marto ang 6 na beses mula ika-13 ng Mayo hanggang ika-13 ng Oktobre 1917. Sa ikalawang aparisyon, ipinakita ng Mahal na Birhen ang imahe ng busilak niyang puso na may mga tusok bilang simbolo ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang mensahe ng Fatima ay ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo araw-araw, pagbabayad kasalanan at pagpapakabanal upang makamit ang kapayapaan at pagtatapos ng digmaan. Naganap ang apararisyon ng panahon nasa matinding sigalot at karahasan ang Europa dulot ng Unang Pandigmaang Daigdig. Ipinagkatiwala ng Mahal na Ina sa tatlong bata ang mga propesiya at pangitain na tinagurian “Ang Tatlong Lihim ng Fatima”. Ang dalawa ay inihayag sa publiko, ngunit ang pangatlo ay isinulat ni Lucia. Noong ika-13 ng Oktubre 1917, nasaksihan ng humigit kumulang na 70,000 na katao ang huling aparisyon kung saan ang araw ay nag-anyong parang apoy na umiikot at mahuhulog sa lupa. Ang pinakahuling aparisyon na ito ay itinuturing na nakakamangha at tinawag na “Himala ng Araw” Repleksiyon Marami akong napulot mula kina Lucia, Francisco, at Jacinta, at bubuurin ko ang mga ito sa isa: pananampalataya. May mga paniniwala, at nasabi rin ito sa Bibliya, na ang lahat ng magiging malapit sa Diyos ay tutuligsain, at hindi nakaligtas dito ang mga batang pastol na sina Lucia, Francisco, at Jacinta. Marami ang humusga at nanlait sa kanila, maging ang kanilang mga sariling magulang, sa kabila ng pagsasabi ng katotohanan, ngunit hindi sila tumigil. 174
Tunay man na maghihirap ang sinumang lalapit sa Panginoon, ngunit hindi ito alintana ng tunay na mga mananampalataya, sapagkat alam nila na ang tunay na kayamanan at kapahingahan ay sa piling lamang ng Poong Maykapal. Isa rin sa mga punto ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria ay ang palagian niyang pagbanggit sa kanyang anak na si Hesus bilang ating Diyos, na nasasaktan ang kanyang anak sa tuwing magkakasala ang mga tao. Makikita rito ang katotohanang hindi kailanman hiningi ni Maria na siya’s sambahin, sapagkat sa bawat aparisyon niya maliban sa Fatima, palagi niyang sinasambit na ang Diyos ang papurihan at parangalan, na instrumento lamang siya upang maghatid ng mensahe mula sa Taas. Matibay na pananampalataya ang kulang sa atin ngayon sa kasalukuyan. Madalas nating nakakalimutan na may Diyos na palaging nagmamasid at laging nakagabay sa pang-araw-araw nating gawain; na ang sinumang lumapit sa Kanya ay magkakaroon ng tunay na pahinga. Ito ang lagi nating natatalikdaan. Napakagulo na ng mundo, idagdag mo pa ang kaguluhang dulot ng bagong mundo ng social media. Masyado nang matatalino ang tao na nakakalimutan na nito na may Diyos pa na mas higit na makapangyarihan sa kahit anupamang delubyo, sakuna, o pandemiko. Nawa’y matutunan nating mas pagtibayin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Poong Maykapal, at sikaping mabawasan ang mga tinik sa puso ng ating Mahal na Ina lalo’t higit ng ating Panginoong Diyos, tulad ng ipinamalas ng tatlong bata mula sa Fatima. *** Nakilala ko ang tatlong bata sa Fatima noong ako’y nag-aaral pa sa isang private sectarian school sa Cavite. Pinag-aralan namin ito sa aming Catechism, kasama si Sr. Ekring-kring Garcia. Tumimo sa akin ang kapakumbabaan ng tatlong bata. Namangha ako, sa kanila, at sa kanilang karanasan. Nagtatanong ako noon kung saan nga ba nag-ugat itong mirakulo. Napagtanto ko, sa kapakumbabaan. Ang buhay ng tatlong bata ay simple. Sila’y mga anak ng magsasaka na mula sa maliit, at payapang barangay. Pawang mga bata, na walang ibang minimithi sa buhay kundi ang sumunod sa magulang, at magpastol. Nahinuha ko, sa mga simpleng detalye na ito, kung paano lubusang pinapakita ni Maria, ng kuwento, at ng himala ang metapora ng kapakumbabaan. Iyon din marahil ang hinihingi ng Mahal na Birhen ng Fatima—ang magpakumbaba ang tao, at magbalik sa kanya. Kung babalikan sa kasaysayan, ang siglo noon ay nakabaling sa industrialisasiyon, at pagpapaunlad ng kaalaman at siyensiya. Noon din nagkaroon ng cold war sa pagitan ng mga ruso at amerikano. Ang tao’y sadyang nakalilimot na magpakumbaba. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit ang mahal na Birhen ay 175
bumaba at nagpakita. Ngayon, ang ego, ng tao at ng lipunan, ay isang hadlang upang makita, madama, at matanggap natin ang isa’t isa. Nabubulag tayo ng pansariling pagmamataas, na kung minsa’y di natin makita na nakatapak na pala tayo sa iba. Iyan ang laging bilin ko sa sarili—ang magpakumbaba. Wala naman akong bagay na “akin” dito sa mundo. Lahat ito ay hiram. Lahat ito ay dapat ibalik. Tanging pangalan, mukha, sulatin, at alaala ang maiiwan. Mainam na ito’y aking gawing nakaaantig at makabuluhan. *** ANU KAYA ANG PAPEL NILA SA BUHAY MO? Kung Wala, Bakit? Para sa akin ang mensahe ng Fatima at ng tatlong batang pinakitaan ng berthing Fatima ay ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo araw-araw, pagbabayad kasalanan at pagpapakabanal upang makamit ang kapayapaan at pagtatapos ng digmaan. Naganap ang apararisyon ng panahon nasa matinding sigalot at karahasan ang Europa dulot ng Unang Pandigmaang Daigdig. Ipinagkatiwala ng Mahal na Ina sa tatlong bata ang mga propesiya at pangitain na tinagurian “Ang Tatlong Lihim ng Fatima. Ang kawalan ng paniniwala ng mga tao sa paligid nina Lucia, Francisco at Jacinta ay hindi sapat para mawalan ng pananampalataya. Sa mga kaguluhang nangyari, nakikita ko na maaring isa man sa atin ay makakatuolng para bigyan babala ang bawat isa. Lahat tayo ay tinuruang magdasal ng Ina para sa mga kaluluwang naliligaw sa landas ng Panginoon. Nang dahil sa tatlong bata at sa pinagkaloob sa kanilang tatlong ng Berhin, nalaman natin ang sekreto at ang bisyon ng impiyerno. Tinuruan nila tayo na manatiling magiging matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa atin.Tinuruan nila tayong ibalik sa Panginoon ang loob ng mga tao na sa tingin ko ay hindi madaling layunin pero dahil sa kanila eh nanatili tayong metatag sa presensiya ng ating Diyos Ama. Hinarap nila ang maraming pagsubok na siyang nagpatatag sa ating pananampalataya. At dahil sa kanila, unti-unting nagbalik loob ang taumbayan sa Panginoon. Sila ang naging intrumento upang maging metatag tayo sa ating pananampalataya sa ama at sa mahal na BerhingFatima. Sa pinakahuli, lagi nating isipin na may mga taong magsisislbing gabay natin para mas lalo pa tayong ilapit sa Diyos at gawing tagapamagitan sa katutuhanan para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos at ng Berhing Patima. 176
*** Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang ika-103 ng anibersaryo ng aparisyon ng Birhen ng Fatima. Ayon sa kasaysayan, noong 13 Mayo 1917, ang sampung-taong batang si Lucia dos Santos at ang kaniyang nakababatang mga pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto ay nagpapastol sa Cova da Iria na malapit sa kanilang bahay sa bayan ng Fatima sa Portugal. Dito nasabing nakita ni Lucia ang isang babaeng kaniyang inilarawan na "mas maliwanag pa kaysa sa araw, nagsasaboy ng sinag na mas malinaw at mas matingkad pa kaysa sa bolang kristal na puno ng pinakamakinang na tubig at tumagos dito ang nag-aapoy na sinag ng araw." Ang iba pang naiulat na pagpapakita ay naganap noong ika-labintatlong araw ng buwan ng Hunyo at Hulyo, na kung saan hinikayat ng Mahal na Birhen ang mga bata na mangumpisal, manalangin para sa sangkatauhan at magsakripisyo para mailigtas ang mga makasalanan. 'Di naglaon, ang mga bata ay nagtali ng mahigpit na lubid sa kanilang mga baywang upang sadya silang masaktan, nagpenitensiya gamit ang matinik na lipang-aso, nangilin sa pag-inom ng tubig tuwing mainit ang panahon, at nagsagawa ng iba't-iba pang uri at paraan ng pagpepenitensiya at pagpapakasakit sa sarili. Higit sa lahat, ayon kay Lucia humiling ang Mahal na Birhen na dasalin ang rosaryo araw-araw, at makailang-ulit din nitong sinabi na ang rosaryo ang susi sa pansarili at pandaigdigang kapayapaan. Ito ay naging matunog para sa mga Portuges, dahil marami sa kanilang mga kalalakihan, pati na rin ang mga kamaganakan ng mga bisyonaryo ay noo'y nakikipaglaban sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa salaysay ni Lucia, sa takbo ng mga pagpapakita ng Mahal na Birhen sa kanila, ipinagkatiwala nito ang tatlong sekreto na ngayo'y tinaguriang Tatlong Lihim ng Fatima. Sa totoo lamang ay ngayon ko lamang nalaman ang kwento ng tatlong bata na sina Lucia, Jacinta at Francisco. Bilang isang Kristiyano ay napakalaki ng papel na kanilang ginampanan para sa aking pananampalataya. Sa murang edad ay naipakita nila ang masidhing pananampalataya at paniniwala sa Birheng Maria. Aking napagtanto na bagamat sila ay bata ay mayroon ng paninidigan na ipaalam ang katotohanan. May mga banta man sa kanilang kaligtasan ay hindi natinag ang kanilang paniniwala. Isa itong inspirasyon sa akin, sapagkat sa mga nangyayari sa mundo ngayon, dapat ay huwag mawala ang ating pananampalataya sa Panginoon. Kaya napakahalaga ng pagdarasal ng rosaryo upang tayo ay Kanyang mailigtas. *** Sina Lucia dos Santos at Francisco at Jacinta Marto ay maitututring na mga batang naging instrumento upang mapalalim ang pananampalataya ng ilan para sa Mahal na Birhen Maria, na Ina ng Diyos at kay Hesukristo na kanyang Bugtong na Anak. Sila ang naging saksi sa naging aparisyon ng mahal na Birhen sa bayan ng 177
Fatima, Portugal. Tuwing ika-13 araw ng buwan mula mnayo hanggang Oktubre ay magpapakita ng aparisyon ang Birheng maria sa tatlong bata at kanyang hiniling na magdasal ang mga tao para sa kaligtasan ng daigidg. Oktubre 1917, dan-daang mga tao ang pumunta sa lugar ng aparisyon ng Birheng maria at sila ay nag-alay ng panalangin at tinawag itong ‘Miraacles of the Sun�. Sa simula hindi naniwala ang ina ni Jacinta tungkol sa unang aparisyon ng Birheng Maria at ito umano ay isang halusinasyon. Ayon sa salaysay ng ina ng magkapatid na Jacinta at Francisco, ilang ulit binanggit ng kanyang mga anak ang salot na darating sa daigdig, at ito ang magiging sanhi ng kanilang kamatayan. Nagkatotoo nga ang sinambit ng Birheng Maria na sina Francisco at Jacinta ay agad ding susunod sa langit at siya (Lucia) ay magtatagal sa lupa sapagkat mayroon pa siyang misyon para sa kanya (Birheng Maria). Namatay sa edad na siyam at sampu ang magkapatid na Jacinta at Francisco sanhi ng pandemya na lumaganap noong 1918. Ipinapakita dito na may mahalagang papel sa pananampalataya ang mga kabataan. Maaari sila ay munting tinig sa ilan, walang muwang at mahina. Ngunit ang katangiang ito din ng mga bata ang kinahihiligan ng Diyos (sitwasyon na hindi pinalayas ni Jesus ang mga bata sa templo na pilit itinatakwil palabas ng kanyang mga ksama). Na dapat maging malinis, walang puwang sa kasalanan ang puso at tapat sa pananampalataya sa Diyos. At bilang kabataan, hindi dapat maging sagabal ito para hindi itayo ang iyong pananampalataya. Ang paghubog ay dapt magsimula sa muarng edad nang sa gayon ay lumalim at yumabong ito sa hinaharap. Na siya namang magiging binhi upang dumami ang bunga (mananampalataya). Ako bilang kabataan ay may pananampalataya. Pananampalatayang ibabahagi at ipagtatanggol anuman ang hamon nito sa akin maipakita lamang ang aking debosyon, paniniwala at pagmamahal sa DIYOS. *** Nang aking tanungin ang mga kilala kong Romano Katoliko, napakahaba pala ng kwento nina Lucia, Francisco, at Jacinta. Napakaraming milagro at pangyayari na hindi lahat maikukuwento sa isang upuan. Akin nalang po isasalaysay ang isang tiyak na pangyayari sa kanilang kwento. Ayon sa isang bahagi ng kanilang kwento, hindi pala muna nakikita ni Francisco si Maria, dahil ang nakakakita pa lamang sa kanya habang nagdarasal ay sina Lucia at Jacinta. Tinanong ng dalawa sina Maria kung bakit hindi siya nakikita nina Francisco. Ang tugon ni Maria ay kausapin, ipagdasal, at pagdasalin nila si Francisco. 178
Nang ginawa nila iyon, nakita na ni Francisco sina Maria. Ito ang bahagi ng kwento na aking napili dahil minsan narin ako naka-relate dito, kumbaga ay naging katulad rin ako ni Francisco dati. Noong bata ako, masyado akong nalulong sa Nat Geo, Discovery Channel, Encarta, Sineskwela at kung ano pa mang medium na nagtuturo ng siyensa sa mga bata. Hilig ko ang siyensa, lalo na sa usaping “pangkalawakan”. San tayo nagmula? At hanggang saan pa tayo kayang pumunta? At higit sa lahat, may Diyos ba? O ang diyos natin ay ang Siyensa? Tumitingin ako sa itaas hindi para magdasal, kundi para kausapin ang mga bituin. Kausapin. Kung hindi ako kinausap ng nanay ko tungkol sa Panginoon, marahil hanggang ngayon, ang buwan at mga bituin parin ang aking kinakausap. Nang makilala ko na ang Diyos at ang Bibliya, napansin ko rin ang pagdarasal ng aking ina. Bagama’t hindi ko agad naintindihan kung paano magdasal, o kung para saan ang rosaryo, sinubukan ko parin gawin ito, ang magdasal. Inimagine ko nalang na ang pagdarasal ay katulad ng pakikipagusap sa telepono na kung saan ang sign of the cross ang sumisimbolo ng pag-dial sa number ni Lord. Naging mas panatag ang loob ko at nagkaroon ako ng ginhawa dahil nakahanap ako ng sagot sa aking mga katanungan. Saan tayo nagmula? At saan tayo pupunta? Galing tayo sa ating Diyos ama at babalik tayo sa kaharian niya. Nakita ko ang Diyos, gaya ng pagkakita ni Francisco kay Maria. Kausapin, ipagdasal, at pagdasalin. Yan ang mga kailangan nating gawin upang makatulong tayo sa pagpapakilala kay Lord sa ibang tao. Hindi kailangan ng dahas at mas lalong hindi kailangan gumamit ng mga kasinungalingan. Sa murang edad ay nagagawa na ito ng mga bata, tiyak magagawa rin natin ito tayon’g mga nakakatanda. *** Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima, kalakip dito ang kwnto ng tatlong batang pastol na pinagpakitaan ng Mahal na Birhen nf Fatima. Ang tatlong batang pastol na ito ay sina Lucia dos Santos at ang kanyang magkaptid na pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto.Mula sila sa mahirap na pamilya sa isang liblib na baryo sa Fatima, Portugal, sila ay pinagpakitaan ng Mahal na Birhen ng Fatima noong May 13, 1917, 10 taon si Lucia,9 na taong gulang si Franciso at 7 taon naman si Jacinta ng maganap ang aparisyon.ang tatlong bata ay nagpapastol malapit sa kanilang bahay sa bayan ng Fatima, nakita ni ng mga bata ang isang babaeng mas maliwanag pa kaysa sa araw, nagsasaboy ng sinag, atmay sinabing mensahe. Noong sinabi nila ito sa kanilang mga magulang ay hindi agad ito pinaniwalaan, hindi din ito pinaniwalaan ng mga pari sa kanilang baryo dahil akala nila ay 179
nangangarap lang ang mga ito o nagugutom, ngunit naulit ang pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Buwan ng Hunyo at Hulyo.inihayag ng mga bata ang sinabi sa kanila ng Mahal na Birhen na manalangin para sa sangkatauhan, mangumpisal at magsakripisyo upang maligtas ang mga makasalanan,humiling din ang mahal na birhen na dasalin ang rosaryo araw araw,Kalaunan ay marami nang naiwala sa aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima. Malaki ang papel sa buhay ko ng kwento ni Luica, Jacinta at Franciso, isa na rito ay ang pagiging inspirasyon, na sa kanilang murang edad ay malalim ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi sila na takot na ipahayag at iparating sa atin ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima kahit na sila ay nagmula lamang sa isang mahirap na pamilya. Ipinaparating nila na manalig at maging malalim ang paniniwala sa Diyos, isa rin sila sa naging gabay ko upang gumawa ng mabuti at magsisi sa aking mga nagawang kasalanan,isa rin sa papel nila sa akin ay ang maging alagad ng Diyos at magpahayag ng kagandahang loob sa bawat tao. Ipinapaalala rin nito sa akin na palaging manalangin at huwag makalimot sa ating panginoon.Dahil din sa kwento ni Lucia, Jacinta at Francisco ay lumalim ang aking pananampalataya at pagiging deboto sa Mahal na Birhen ng Famita. *** Ang K’wento nina Lucia, Francisco, at Jacinta Galing sa mahirap na pamilya ang magkapatid na Francisco at Jacinta Marto sa baryo ng Fatima. Siyam na taon si Francisco at pitong taon naman si Jacinta, kasama ang pinsan nilang si Lucia na sinasabing pinagpakitaan ng Birheng Maria noong May 13, 1917. Bagama’t mga bata pa ay hindi sila agad pinaniwalaan ng mga tao maging ang kanilang mga magulang at mga pari dahil sa sinasabing gumagawa lamang sila ng k’wento at naglalaro lamang. Marami sa mga kabaryo nila ang hindi sila pinaniniwalaan dahilan na rin na sila ay mahirap lamang. Base sa k’wento ay anim na beses itong nagpakita sa tatlong bata sa pagitan ng May 13 hanggang Oktobre 13, 1917. Sa ngayon ay ika-100 taon na ang nakakalipas mula nang maganap ang Fatima Aparisyon. Ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima ay nangangako na ang mundo ay magiging mapayapa at ang mga kalul’wa ay mapupunta sa langit. Ang tangi n’ya lamang pakiusap ay makinig at sumunod. Sinabi din niya na paparusahan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng digmaan, tag-gutom at kung ano-ano pang krimen kung hindi tayo makikinig at susunod sa kan’yang kahilingan. Ngunit bago pa magpakita ang Mahal na Birhen sa mga bata, taong 1916 ay may nagkaroon na din sila ng aparisyon sa isang anghel, ang anghel ng Portugal Ang mensahe ay para ihanda sila sa pagdating ng Birhen. Nakaluhod ang anghel habang kausap ng mga bata. Unulit nila ang sinabi ng anghel ng tatlong beses, “My God, I believe, I adore, I hope, and I love you. Maraming beses nagpakita sa kanila ang anghel at sa tuwing nagpapakita sa kanila ay palaging sinasabi ng anghel na 180
magdasal. Naging daan ang tatlong bata upang iparating ng Mahal na Birhen ang kanyang mensahe sa mga tao. Ang k’wento ng mga bata ay may papel sa aking buhay dahil ang ginawa nila ay higit na nagpatatag ng pananampalataya ko sa Panginoon. Dahil sa pananalig ko sa Panginoon nagkaroon ako ng peace of mind. Napakalaki ng magagawa ng panalangin at pananalig natin ngayon sa Panginoon lalo na sa kinakarap nating crisis. Hindi sapat na marami tayong kayamanan na tinatago. Kung marami man, saan natin ito gagamitin kung nasa gitna tayo ng crisis na kahit paglabas ng ating tahanan ay hindi natin magawa. Mahalaga ang pananalig sa Panginoon . Naging isang mabuti at magandang halimbawa sa akin ang mga bata at nagsilbing taga pagpaalala na ako ay may pananagutan sa Panginoon, sa aming kapwa at sa simbahan at sa tulong nila, ako ay nakasunod sa mabuting paalala ng Mahal na Birhen ng Fatima na mahalin, pagmalasakitan at paglingkuran ang iyong tahanang simbahan. *** Ngayong araw ay ipinagdariwang natin (sa kakaibang paraan) ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima. Ang kapistahang ito ay ilan sa paborito ng mga Katoliko. Saan ba ito nagsimula? Noong Mayo 13, 1917 sa Fatima sa Portugal, tatlong batang pastol na magpipinsan (isang lalaki at dalawang babae) ang nakakita ng mga pangitain mula sa langit. Naroon sila sa Cova de Iria nang magpakita sa kanila ang isang anghel. Ito ay panimula pa lamang dahil pagkatapos nito, ang Mahal na Birheng Maria naman ang dumalaw sa kanila na nagsimula noong Mayo 13. Anim na beses (tuwing ika-13 ng buwan) nakita ng mga bata at nakausap ang Mahal na Ina ng Diyos. Sa pangitain, isang magandang babae ang nakita ng mga bata at nag-utos sa kanila na magdasal ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan ng buong mundo at para sa katapusan ng digmaan, hiningi nya rin na ipagdasal ang mga makasalanan at gayundin ang bansang Russia na noon ay malapit nang mahulog sa kamay ng Komunismo. Minahal ng mga deboto ang tatlong batang pastol na naging tagapagdala ng mensahe ng Mahal na Birhen na sina Francisco, Jacinta at Lucia. Sila ay magpipinsan. At kahit batang-bata pa sila, nag-alay sila ng mga sakrispisyo ayon sa kahilingan ng Mahal na Birhen. Humantong ang mga sakripisyong ito sa kanilang kamatayan. Dalawa sa mga bata ang maagang pumanaw, si Blessed Francisco (siyam na taong gulang sa panahon ng aparisyon), ang kaisa-isang lalaki sa grupo, namatay matapos magkasakit ng influenza noong 1919. Si Blessed Jacinta (pitong gulang sa panahon ng aparisyon) ay sumunod na namatay dahil din sa influenza noong 1920, habang iniaalay niya ang kanyang mga personal na paghihirap at mga panalangin para sa kahilingang binitiwan ng Mahal ng Birhen. Ang ikatlong bata, si Lucia dos Santos (sampung taong gulang sa panahon ng aparisyon), ay masiglang lumaki at nagdalaga at lumago para sa pananampalataya bilang isang monghang Carmelita. 181
Kinilala siya bilang Sister Lucia. Nasaksihan niya ang beatification ng kanyang mga pinsan noong 2000. Namatay si Lucia noong 2005; siya ay 97 taong gulang noon. Marahil ang naging papel sa buhay ko ng tatlong batang ito ay ang maging inspirasyon sila na dalasan at sipagan ang pagdasal ng Santo Rosaryo. Ako ay saradong Katoliko subalit aminado ako na napakatamad kong magdasal ng rosaryo, nagdarasal ako nito dati para lang makatulog at may palusot pa ako sa sarili ko lagi na hindi ko natapos ang pagdasal dahil nga sa nakatulugan ko ito. Subalit ngayong panahon ng quarantine, natuto akong magdasal ng rosaryo gabi-gabi. Noong una ay pakiramdam ko sa sarili ko ay obligado lang akong magdasal dahil nga may peste, pero nitong mga huling linggo ng quarantine, awtomatiko na akong nagdarasal ng rosaryo pagkatapos kumain ng hapunan. Ngayong pyesta ng Fatima, habang ginagawa ko ang gawain na ito, naisip ko na gusto ko ng subukang gawing parte ng sistema ko ang pagdasal ng rosaryo, kung dahil ito kina Francisco, Jacinta at Lucia, marahil. ***
182
Maikling Repleksiyon sa Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima Bagamat sinasampalatayanan ko na ang Bibliya lamang ang tanging reperensiya na dapat sandiganan kung katotohanan ang pag-uusapan. Bilang siyentipiko naman, may mga ilang pangyayari sa kasaysayan ng aparisyon na para sa akin ay maaring ipaliwanag ng agham. Batay, na rin sa mga nabasa ko, maraming mga dalubahasa sa agham ang nagbigay ng paliwanag sa nangyaring himala. Sa kabilang banda, pinaalala sa akin ng tatlong bata na nabanggit ang patuloy na pananangan at pakikipaglaban para sa pananampalataya. Bagama’t nasubok ang kanilang paninindigan ay nagpatuloy sila sa kanilang mga paglilingkod. Nangyari ang aparisyon sa kanila, sa gitna ng kaguluhan o krisis. Kaya naman sa kasalukuyan, marapat lamang gawing inspirasyon ang ang ipinamalas nilang paninindigan sa pananampalataya. Ipinapaalaala rin ng tatlong batang ito ang pagiging musmos, ang pagiging inosente, at pagiging dalisay ng puso’t isipan. *** Ang kuwentong FATIMA ay tungkol sa batang magpapastol at ng kanyang dalawang pinsan kung saan habang sila ay naglalakad ay tinawag nila si Maria at ito ay nagpakita sa kanila. Sinabi ni Maria sa kanila na ipahayag sa mga tao ang mabuting balita.Ibinalita nila na nakita nila ang Birhen.Pero hindi sila pinaniwalaan. Si Fatima nag nagsilbing sugo ni Maria. Hanggang sa magpakita siya ng himala na naging dahilan upang siya ay paniwalaan. Malaki ang papel ng palabas na ito sa buhay natin bilang isang kristiyano dahil sinusubok nito ang ating pananampalataya. Lalo na sa sitwasyon ngayon na nahaharap tayo sa matinding problemang may kinalaman sa sakit. Hindi natin kailangan ng patunay ng presinsya ng Panginoon para tayo ay maniwala at sumunod ng naaayon sa kanyang utos. *** Napakalaki ng kanilang papel sa ating buhay sapagkat sila ang nagpapaalala sa atin na hindi hadlang ang edad kahit bata man ay makagagawa ka ng mabuti at sa kabila ng kaguluhan sa ating paligid lalo na ngayon ay pinapaalala nila na maspiliin nating maging mabuti at maging inspirasyon para sa iba. Hindi hadlang ang mga nangyayari sa ating paligid upang maging isang mabuting tao tayo na may busilak na kalooban na kahit humarap man tayo sa marami at matingding pagsubok gaya nila ay huwag tayong mawawalan ng pagasa bagkus maslalo pa nating pagtibayin ang ating pananampalataya. 183
Kung hindi dahil sa kanila ay marahil tuluyan ng nawala ang pananapalataya ng mga tao sa diyos marahil kabilang na tayo doon dahil kung natuloy ang pagpapatumba ng simbahang katoliko noon sa kanilang bansa ay malaki ang magiging epekto nito maging sa atin. Napakalaki ng kanilang naiambag at naitulong pagdating sa ating pananampalataya para sa akin dahil bagamat bata palang sila ay nagawa nilang maging instrumento ng ating mahal na Birhen ng Fatima dahil sa kanila kabusilakan ng kalooban upang mapagbalik loob ang mga tao sa diyos. Kng sila ngang bata nakagawa ng ganoong bagay isang hamon ito para sa akin na maslalo pang pagbutihin ang pakikitungo sa diyos at sa kapwa at hindi hadlang ang mga nangyayari sa atin ngayon kagaya ng pandemya upang mawalan ako ng tiwala sa diyos. *** Sina Francisco at Jacinta Marto ay magkapatid mula sa Aljustrel Fatima, Potugal. Pinsan nila si Lucia Dos Santos. Napabalitang habang nagpapastol ang mga bata, nagpakita ang isang angel at inanyayahan silang magdasal upang magbalik loob sa Diyos at mahugasan ang mga kasalanan. Tatlong ulit itong nangyari nuong 1916 at 1917, nagpakita na naman sa tatlong batang pastol ang Mahal na Birhen ng Fatima. Sa pamamagitan nila’y hiniling ng Birhen sa mga tao na magdasal ng Sto. Rosaryo upang maligtas ang mga kasalanan. Noon taong 1918, ang magkapatid na Jacinta at Francisco ay pumanaw sanhi ng epidemyang bumalot sa Europa. Si Lucia Dos Santos (1907-2005) ay tinaguriang santo ng may mga sakit sa mata. Masasabi ko na may naging papel ang buhay nila sa buhay natin , dahil sa nahikayat nila ang mga tao, lalong lalo na ang mga kabataan sumampalataya natin sa Diyos at taimtim na manalangin. *** Ang mga nabanggit na karater sa kwento ng Fatima ay marahil kilala lamang natin sa kwento pero ang naging papel nila sa buhay ko ay simple lang, ang paniniwala sa Diyos kahit wala kang nakikita na ebidensya ng aparisyon. Sa relasyon bilang mag asawa, bilang kapatid, kaibigan kapamilya, napaka importante ng tiwala. Pero sa pakikipag relasyon sa Diyos na lumikha sa atin, ang pananalig at pananampalataya ay ang pinakamahalaga. ***
184
*** Taong 1916, sina Lucia dos Santos at ang kanyang mga pinsan na sina Francisco at Jacinta Marto ay nasaksihan ng tatlong beses ang pagpapakita sa kanila nang anghel habang sila ay nagpapastol. Ika-13 ng Mayo, 1917 dito nasabing nakita ni Lucia ang isang babaeng kaniya namang inilarawan na "mas maliwanag pa kaysa sa araw, nagsasaboy ng sinag na mas malinaw at mas matingkad pa kaysa sa bolang kristal na puno ng pinakamakinang na tubig at tumagos dito ang nag-aapoy na sinag ng araw.� Buwan ng Hunyo at Hulyo 13, na kung saan ng magpakita sa kanila ang Mahal na Birhen ay hinikayat nito ng ang mga bata na mangumpisal, manalangin para sa sangkatauhan at magsakripisyo para mailigtas ang mga makasalanan. 'Di naglaon, ang mga bata ay nagtali ng mahigpit na lubid sa kanilang mga baywang upang sadya silang masaktan, nagpenitensiya gamit ang matinik na lipang-aso, nangilin sa paginom ng tubig tuwing mainit ang panahon, at nagsagawa ng iba't-iba pang uri at paraan ng pagpepenitensiya at pagpapakasakit sa sarili. Matapos ang mga pagpapakita ng Mahal na Birhen sa kanila, hindi pa rin nawawaglit sa kanilang mga isipan ang nakita nila sa impiyerno. 185
Oktubre, 1918, lumaganap ang Spanish Influenza sa kanilang bayan at ang buong pamilyang Marto ay nagkasakit. Mas ginusto ni Francisco na magtiis para sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan kaya hindi siya nagpadala sa ospital. Noong Abril 4, 1919 siya ay pumanaw. Lumala naman ang sakit ni Jacinta, nagkaroon siya ng pneumonia at kalaunan ay naging tuberculosis. Pumanaw si Jacinta noong Pebrero 20, 1920 Ang kuwento ng tatlong batang ito ay sumasalamin na kahit na sila ay nasa batang edad ay alam na nila ang halaga ng pag-aalay ng sarili, at ang pagbabalikloob sa poong diyos. Ano ang papel ng tatlong batang ito sa aking buhay? Ito ang pagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng panalangin at ang pagsasakripisyo para sa pagtutuwid sa mga nagawang kasalanan laban sa Diyos. Sa panahon ngayon tila ba, sinusukat ng ating Diyos ang ating pananalig sa kanya. Ang pandemyang nararanasan natin ngayon ay isa lamang pagsubok. Pagsubok na susubok sa ating pananampalataya. Kailangan lang nating magbalik-loob, manalangin ng taimtim, magsisi at magtiwala sa kanya. *** “Ang Mahal na Birhen ng Fatima ay siyang nagtuturo ng landas patungo sa PUSO ni Hesus. ‘ Aj Christian Guadalupe Ang pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima sa tatlong batang sina Lucia, Fatima at Francisco ay isang napakahalagang tala na anaging daan sa mas malalim na pagsamba ng maraming Katoliko sa ibat-ibang sulok ng mundo. Ayon sa tala, nangayri ito habang ang tatlong bata ay nagpapastol. Inilarawan ni Lucia ang babaeng kanyang nakita na mas maliwanag pa kaysa sa araw na nagsasaboy ng sina=g na mas maliwanag at mas matingkad pa sa bolang Kristal. Sinabi ng mga bata na sila ay hinihikayat nito na mangumpisal, manalangin at magsakripisyo para sasangkatauhan at maligtas ang mya mga kasalanan. Bilang tugon ang mga bata ay nagsakripisyo, nagpinetensya, nangilin at nagdasal ng rosary na nanaayon sa bilin ng Mahal na Birhen. Binilin din sa kanila na ang pagdarasal ng rosary ay susi sa pansarili at pandaigdigan kapayapaan. Pagkatapus , nagkaroon ng maraming pagdagsa ng mga tao na naniniwala sa aparisyon sa tatlong bata. Nabahala ang administrador ng lugar na iyon kaya tang tatlong bata ay ikinulong at alamin ang sikreto na itinatago ng tatlong bata. Hindi sumuko ang tatlong bata at pinangunahan pa din ang pagdarasal sa kulungan. 186
Mas maraming tao ang dumating at sinasabing nasaksihan ang isang malaking himala ng Birhen. Kahit na napakaraming pagsubok ang humarang sa pananampalataya ng tatlong bata ay patuloy pa rin silang nananlig sa Mahal na Birhen ng Fatima. Marami din pagaaral ang isanagawa ng mga iskolar upang liwanagin ang mga aparisyon na ito. Ibaiba man ang mga naging bunga ng pag-aaral, hindi maitatanggi na ang pangyayaring ito ay patuloy na nagpapayabong sa papanampalataya ng maraming tao bilang Kristyano. Ang aparisyon at mga pangyayaring ito ay nangyari sa pagitan ng mga digman kaya naman mas maraming mananampalataya ang naniwala ana magdudulot ito ng kapayapaan at kabutihan sa bawat isa.
Ang pangyayaring ito ay mahahalintulad ko din sa mga pinagdaaanan ko sa buhay. Bilang isang anak na puno ng pagtitiwala sa aking Ina ay naramdaman ko ang kalagayan nina Lucia. Hindi natin maitatanggi na ang ating mga Ina ay siyang pinaniniwalaan at minamahal natin ng lubusan. Sa pagpasok bilang isang ganap na guro ay tuwa ang aking nakita sa mukha ng aking Ina. Tuwa na alam kong bunga ng kanyang paghihirap. Ganun din ang aking Ama na kahati niya sa hirap para pagtapusin ako sa kolehiyo. Iniaalay ko ang mga unang buwan ng aking pagtuturo sa kanila at nangakong gagalingan ko pa lalo. Ngunit isang pangyayari ang nagpalayo ng loob ko sa Maykapal. Higit sa lahat ng tao, ang aking Ina ay dinapuan ng isang kakaibang sakit na madalang mong mababalita. Ito ay ang Potts Disease, isang uri ng TB na tumatama sa spinal chord ng isang tao. Iyak at hinagpis ang naging bunga nito para sa akin. Napakasakit na amakita na ang pinag alayan mo ng tagumpay ay pinapahina ng isang sakit. Nagkarron ako ng maraming tanong sa Diyos. Ngunit unti-unti kung naintindihan ang lahat. Kagaya ng tatlong bata, binalikan ko ang debosyon at pananampalataya. Hindi ko isinuko ang aking ina at inilaban siya sa harap ng kapahamakan. Kagaya ng pagpapakita ng Birhen ng Fatima, nakita ko din sa oras na iyon kung gaano dapat tayo magtiwala at magpuri sapagkat hindi Nya tayo pababayaan. Hindi natapos doon ang aking pagsubok, kasunod ng paggaling ng aking Inay ay ang pagkakasakit ng aking Itay. Siya naman ang nanghina, napagod ngunit hindi Sumuko. Nagkaroon siya ng Mild Stroke na nagpabahala na muli sakin. Muli, hinarap naming iyon ng puno ng pananalig. Sa kasalukuyan, pareho nang 187
magaling mula sa sakit ang aking mga magulang. Kagaya ng tatlong bata, hindi din ako sumuko. Ipinaglaban ang aking mga magulang kasabay ng pagpapalalim ng debosyo, kasama na din ang pagsasakripisyo. . Ito marahil ang aral na maihahalintulad ko sa karanasan ng tatlong bata. *** Makaraang aking mapanood ang isang palabas tungkol sa pagpapakita ng Our Lady of Fatima sa tatlong mabubuting bata ay may mga bagay-bagay akong napagtanto; 1. Marami ang maliligtas kung kayo ay marunong sumunod at maniwala sa May-Likha 2. Matutong magsakripisyo bagkus may maganda/kabutihan itong kapalit 3. Huwag huminto sa pananalangin, paniniwala at magdasal tulong ang rosary *** Ang mga batang sina Lucia, Francisco at Jacinta ang nagbukas sa aking isipan sa mas malalim na pananalig at pagtataglay ng masidhing pananampalataya. Noon pa man ay bukas at bukal na sa aking puso’t isipan ang pagtataglay ng pananampalataya. Bawat araw at pagmulat ng aking mata sa umaga ay masasabi ko ng isang himala. Kung kaya’t ang paniniwala nila sa Ina ng Fatima ay syang sumisimbolo ng aking paniniwala sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Lahat ng samo’t dalangin ko ay may katuparan; iyon ay dahil sa aking pananalig. Kung ano man ang mga bagay na aking natatamasa sa buhay ko ngayon, iyon ay dahil sa naniniwala ako na may Panginoon na siyang nakikinig at tumutugon sa aking mga dasal. Kung kaya’t hanggang doon na din lamang ang aking pasasalamat sa hindi mabilang na biyaya at himala na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. Ang kanilang pakikinig sa salita ng Ina ng Fatima ay katumbas ng aking pakikinig sa salita ng Diyos. Gayundin, aking isinasabuhay ang turo at salita ng Diyos. ***
188