Reaksyon: Ang Katitikang Cebuano sa Panahon ng K-12 at MTB-MLE
Kgg. Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Mga Komisyoner, opisyales, at kinatawan ng Komisyon sa Wikang Filipino Mga kapwa ko speakers sa konperensyang ito Mga nagdalo na galing sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas Mga guro, iskolar, manunulat, at estudyante
Maayong adlaw! Magandang marinig mula kay G. Godin na isang manunulat ang mga kinakaharap ng pinulungan at katitikang Cebuano sa panahon ng K-12 at MTB-MLE. Nadagdagan at napalawak na rin ni Bb. Plasencia ang mga implikasyon at mga dapat isinaalang-alang sa pinulongang Cebuano, kasama na ang mga nagaganap na pagbabago sa ating bansa ngayon, pati na rin ang mga ideological at kultural na diskuro ng pinulongang Cebuano. Bilang isang estudyante, ang importanteng aspeto na ipinapahayag ni G. Godin ay tingnan ang pinulongang Cebuano sa panglokal nitong konteksto. Ang isang halimbawa nito ay ang diskusyon ni G. Godin tungkol sa orto na binuo ng Akademiyang Bisaya nung 60’s at ang kaugnayan nito sa “pambansang ortograpiya.” Sa aspetong linggwistik at pulong, napagusapan na ang Cebuano sa konteksto ng K-12 at MTB-MLE. Gusto ko naman pag-usapan ang katitikang Cebuano sa panahon ng K-2 at MTB-MLE. Ito ay napaka-importante lalo na’t nagsisimula na
ang implementasyon nito. Napagtanto ko na nararapat tingnan ang tungkulin ng Katitikang Cebuano sa nagbabagong panahon. Sa diskusyong kong ito, di ko titingnan ang pedagogical na aspeto ng katitikang Cebuano. Hindi rin ako magbibigay ng mga kritisismo tungkol sa implementasyon nito. Siguro, gusto ko lang ibahagi kung paano ang pagbabasa at pagtuturo ng katitikan sa klasrum, lalo na sa Senior High School. Ang aking diskusyon ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) ang mga posibleng mga konsiderasyon sa pagtuturo ng katitikang Cebuano; (2) ang katitikang Cebuano sa panahon ng K-12; at (3) ang tungkulin ng paghubad sa K-12 at MTB-MLE. Kasama sa mga pagbabagong dala ng K-12 ay ang pagpasok ng mga local o rehiyonal na katitikan. Kaya’t napaka importante sa pagtuturo ng Katitikang Cebuano ay ang seleksyon ng mga babasahin nito. Paano ba dapat pinipili ang mga teksto na ituturo natin? Para sa akin, ito ang iilang mga suhestyon sa pagpili. Una, ang pagkakasulat o ang “mastery of language” dahil ang katitikan ang pinakamagandang halimbawa ng ating pinulongan. Pangalawa, dapat ding ipinapakita ang mga socio-kultural at ekonomik na realidad para maipakita ang pagka yunik ng ating kultura. Pangatlo, dapat din ituro ang mga “marginal” na mga paksa kasama na ang sexualidad at kasarian, lahi at etnolingwistikong grupo, at class. Magsilbi sanang espasyo ng dialogo ang katitikan sa mga isyu at problemang political at etikal, representasyon, at pulong. Huwag sana natin kalimutan na ang katitikan ay hindi lamang isang estetik at pangsariling gawain. Ito rin sana ay para sa ating lipunan. Sa tatlong araw nating pakikinig dito sa kumperensiya, paulit-ulit na pong nasabi ang kahalagahan ng kasaysayan at lokal na konteksto ng katitikan. Kaya naman, iminumungkahi ko na ang sa pagbabasa o pagtuturo nito sa klasrum, mapa guro, estudyante, o iskolar, ay dapat i-
historicize. Ang historicization ay ang pagpapaliwanag or paglulugar ng isang teksto mula sa lenteng pangkasaysayan. Pero, hindi naman dapat makalimutan ang kahalagahan ng “close reading� ng isang tektso. Sa paraang ito, ang pagsusuri ay nakaugat sa teksto at konteksto. Ang mga paraan sa pagtuturo ng katitikang Cebuano sa panahon ng K-12 at MTB-MLE ay marami at iba’t iba. Binuo ng DepEd ang mga dapat ituro mula elementarya hanggang Senior High School sa pamagitan ng isang programang nakatuon sa Katitikan. Doon sa Lalang (Likha) noong 2015, naikwento ni Isagani Cruz na ang pagtuturo ng katitikan ay dapat magsimula sa diskusyon ng teksto o pormal nitong aspeto patungong konteksto, kung saan ang mga bata ay inaasahang makikipagdiskurso. Halimbawa, ang mga bata ay tuturuan ng rhyme scheme, ang kombensyon ng pagsusulat atbp. Habang pataas ang antas, pataas rin ang diskurso sa pagtuturo ng katitikan. Kasali na dito ang pagtatanong ng konteksto, mga realidad na nakikita sa teksto, atbp. Halimbawa, ipapaliwanag dapat ng bata kung ano ang mga ideolohikal na implikasyon na makikita sa teksto. Ito ay ang mga pwedeng alituntunin sa pagtuturo o pagsusuri ng isang katitikan. Una, dapat tingnan kung sino ang nagsulat ng mga talang ito. Pangalawa, suriin ang produksyon at impluensya ng mga publikasyon (i.e. Bisaya Magazine o Bag-ong Kusog) sa lipunang Cebuano. Pangatlo, pwede ring tingnan kung sino ang mga nagbabasa nito at ang paraan ng kanilang pagtanggap. Maraming dahilan sa pagbabasa ng isang katitikan at tala pero dapat ito ay historicized. Dito natin makikita ang ating pagkakakilanlan bilang Cebuano at gaano tayo naiiba sa ibang mga grupong etnolinggwistik sa bansa. Magbibigay ako ng isang halimbawa. Ang isang paksa sa kultura at katitikang Cebuano na kakaunti pa lamang ang nagsasaliksik ay ang bayot. Nailathala noong 27 July 1934 sa Bag-
ong Kusog, ang sugilanon ni Osmundo Rama na pinamagatang “Bayot” na tungkol kay Raul, isang lalaking napagkamalang bayot dahil sa pinapakita niyang ugali sa ibang tao tulad ng madalas na pagpunta sa simbahan at pag-iwas sa mga babae. Pero, ang totoo ay nagmahal siya ng isang babae, si Celia, na kalaunan (spoiler alert) ay naging baliw at namatay. Dahil sa karanasang ito di na muling nagmahal si Raul. Pwede natin tingnan ang sugilanong ito sa iba’t ibang paraan o teorya. Isa na rito ang aspetong pormal. Kung babasahin ang sugilanon, magtataka ka kung bakit andaming ginamit na pandiwa sa puntong hindi mo na maintindihan ang kwento. SLIDE Pwede ring tingnan ang konseptong bayot. Halimbawa, ano ba ang mga pagbabago sa kahulugan ng salitang bayot noong 1930’s at ngayon? Mahahalintulad ba ang naisulat ni Rama sa panahon natin ngayon? Dapat ding isinaalang-alang kung saan at sino ang naglathala. Gaano ba kalaki ang impluensya ng Bag-ong Kusog noong panahong iyon? Sa sugilanong ito, ano bang mga ideolohiya ang naka-embed? Halimbawa, paano ba kinakatawan ang bayot sa kwentong ito? Ito ay iilan lamang sa mga konsiderasyon sa pagtuturo ng katitikang Cebuano sa panahon ng K-12 at MTB-MLE . Ngayon, tignan naman natin ang implikasyon ng pagbabagong dulot ng K-12 at MTB-MLE.
Katitikang Cebuano sa Panahon ng K-12 Siguro naman ay may mabuting intensyon ang implementasyon ng K-12. Pero kung tutuisin, napakalungkot isipin na ang pagbabagong ginagawa ng DepEd at CHED ay hindi nakaugat sa pagpapayaman ng ating kultura. Nailathala sa Handbook on Typology, OutcomesBased Education and Institutional Sustainability Assessment ng CHED: In a borderless society, cross-country mobility of students, workers, and businesses is bound to happen. For the Philippines, this means more opportunities for the Filipinos to study or work abroad as well as more foreign students and workers coming in the country. But to be globally competitive, there is a need to ensure that Filipinos have the right competencies and attitudes through excellent quality education at all levels. (2014, 7) Isa sa mga pinakamatinding kritisismo laban sa K-12 ay ang intensyon nito. Kung babasahin nyo ang nakasulat, ang pagbabagong ito ay higit na nakalaan para sa interes ng ibang bansa at pag-unlad ng negosyo. Di rin natin maipagkakait na ang implementasyon ng K-12 ay nakapaloob sa panahon ng globalisasyon at neoliberalisasyon. Sa kasalukuyan, walang pagkukubli ang intensyon ng gobyerno na gawing pagawaan ng skilled labor ang Pilipinas. Sa naisulat niya na pinamagatang “Business ang K-12,� sinabi ni Isagani Cruz na ang mga business groups ay kukuha ng mga gradweyt ng K-12 hangga’t pasok sa kanilang mga itinakdang pamantayan.
Tila sinasabi ng DepEd at CHED na ang pagbabagong ito ay nakatuon lamang sa paggawa ng skilled laborers, hindi mga edukadong tao na tutulong sa pag-angat ng lipunan, at mga mamamayang nagpapalambo at nagpapatibay ng kulturang Pilipino. Nasasalamin ito ni Isagani Cruz sa kanyang lektyur sa Landang (Likha). Sa kanyang presentasyon, pinakita niya na ang programang K-12 ay layong mahulma sa kamalayan ng mga studyante ang “Holistically developed Filipino with 21st Century Skills” para sila ay magiging “globally competitive.”
Kung makikita niyo ang guidelines ng DepEd ukol sa paggawa ng kurikulum para sa asignaturang katitikan, magandang isipin na binibigyan na ng rekognisyon ang mga katitikang pangrehiyon, subalit di pa rin siguro ito sapat kung ang guidelines naman ay nakabase sa isang “homogenizing� na agenda. Ang klase ng katitikan na gusto nilang ipaturo ay mga katitikang nakakalimutan ang konteksto (kahit nakasulat naman ang kahalagahan nito sa kurikulum). Hindi naisip ng gobyerno na magiging “holistically developed Filipinos in the 21st Century� lang tayo kung maipalalambo muna natin ang pagmamahal sa bayan bago tayo umalis papunta sa ibang bansa. Di ko naman sinasabi na mali ang pag-alis ng bansa para makapagtrabaho, lalo na kung matindi ang pangangailangan; ang sa akin lang ay magiging developed lang tayo bilang Cebuano at bilang Filipino kung malakas ang ating kamalayan at pagmamahal sa bayan. Sa panahon ng K-12, ang globalisasyon at internasyonalisasyon ay magsisilbing pagsubok para sa katitikang Cebuano. Ang interes ng malalaki at dayuhang mga investors at negosyante ang siyang inuuna at dinidinig ng gobyerno. Paano naman ang mga boses natin? Dito
pumapasok ang kahalagahan ng pagtuturo ng katitikan sa lokal na konteksto at sa makasaysayang lente. Sana sa panahon ng mabilis na pagbabago, ang katitikang Cebuano (at iba pang mga katitikan sa Pilipinas) ay magsisilbing instrumento para maprotektahan at ipalaganap pa ng maayos ang ating pinulongan, kultura, at lalo na ang pagkakakilanlan bilang Filipino. Bilang isang lipunan, paano ba natin maipangalagaan ang ating kultura? Sa tingin ko, ang paghubad ay isa sa mga paraan upang maprotektahan natin ang sariling atin at, kasabay nito, manatiling bukas sa mga pagbabago.
Tungkulin ng Paghubad Bago ko pag-usapan ang paghubad, dapat tingnan muna natin ang isang aspeto ng ating kultura: ito ay hybrid. Sa kasaysayan ng ating bansa, marami na ang mga dumaang mananakop na dala-dala ang kani-kanilang kultura. Ang pinulongan at katitikan natin ay may halong Espanyol, Amerikano, atbp. Nakwento ko ito dahil nabanggit ni G. Godin na ang pagiging hybrid ay “masama� o di kaya ay katanggap-tanggap lamang basta alam natin kung saan ito hiniram. Iba ang pananaw ko dito dahl mahirap malaman kung alin ang hiram at alin ang lumad. Halimbawa, ang sugilanon bilang isang teknik ay hindi galing sa atin. Sa striktong pananaw, wala na talaga tayong maitatawag na sugilanong Cebuano. Isipin na lang kaya natin na kahit marami tayong hiniram mula sa kulturang dayuhan, mas mahalagang pagtuunan ng pansin kung ano ang laman ng ating katitikan. Siguro, ang masasabi ko lang dito ay di na dapat tingnan ang pagkapuro ng isang konsepto, bagay, pulong, atbp; sa halip, dapat bigyang halaga kung paano ito naging importanteng aspeto ng ating buhay, kung paano ito hinuhulma ang ating kamalayan, na siya ring humuhubog sa ating ugali, kuro-kuro, pagpapasiya, atbp.
Sa panahon ng K-12, maging tulay sana ang paghubad. Marami nang mga kulturang naiangkop sa ating lipunan kaya kailangan ang paghubad para maintindihan din natin ang mga kulturang iba sa atin. Naisulat ng manunulat at iskolar na si Resil Mojares ang implikasyon ng paghubad. Sa kanyang akdang “From Cebuano/To Cebuano: The Politics of Literary Translation” (1990), binanggit niya na ang paghuhubad (o hubad, sa Cebuano) ay isang proseso ng paglalantad: There is the act of hubad itself. The Cebuano word for translation, hubad, is richer in sense than the Tagalog salin (literally, ‘transfer’). Hubad, used both as noun and verb, means to unravel: it is used not only to signify the translation of written texts but the act of explaining an enigma or mystery (say, a riddle, a conundrum or tanghaga), or of untying a knot, or of undressing. It has obvious associations with the Tagalog hubad, meaning ‘bare’ and ‘naked.’ To ‘translate’ in Cebuano, therefore, means to bare, make manifest, or reveal. It involves not only the act of baring, of exposure, itself, but, more important, the notion of its consequence, of the beholder or listener becoming knowledge-filled, his learning increased. (80) Di natin dapat maliitin ang kahalagahan ng paghuhubad. Ito dapat ang magsisilbing tulay natin sa kulturang dayuhan at kasangkapan para mapalawak pa natin ang katitikang Cebuano. Sa ibang bansa, ang paghuhubad ay isang paraan para pangalagaan ang sarili nilang pulong at kultura habang pumapasok ang mga dayuhang babasahin at konsepto. Halimbawa, sa Indonesia, matindi ang paghuhubad ng mga libro galing sa ibang bansa sa Bahasa. Kahanga-hangang nakasulat ang kanilang mga pag-aaral, tesis, disertasyon, atbp sa Bahasa. Sa huli, nailalagay ang mga dayuhang konsepto sa kanilang kamalayan, pulong at konteksto.
Isang magandang halimbawa rin ang India. Ayon sa Academic Affiliations ng eskwelahang Whistling Woods International sa Mumbai, India, umaabot sa higit 95% ang hinuhubad na mga pelikulang Hindi para i-export sa ibang bansa. Sa paraang ito, ang pamantayan ng kagandahan, porma at lokal na impleksyon ng kanilang kultura ay napapanatili sa paghuhubad at naipapalaganap sa ibang bansa. Sana ang paghubad ng katitikang Cebuano ay magbubukas ng pintuan para tayo ay makapagdiskurso sa iba’t ibang dayuhan, para maintindihan natin sila hindi lamang sa kanilang pananalita kundi paano sila mag-isip, kung paano hinuhulma ang kanilang kamalayan, at kung paano nila pinapahalagan ang kanilang kultura, pulong, at katitikan. Ito rin ay magsisilbing espasyo kung saan magbubukas ang dialogo para lubusan nating makilala ang iba at ipakilala ang ating sarili. Sana sa pamamagitan ng paghubad ay mas maintindihan natin ang isa’t isa at maliwanagan tayo kung bakit di tayo magkaisa. Tayo-tayo lang ang magpapayaman ng ating kultura, pinulongan, katitikan, at identidad sa nagbabagong panahon ng K-12 at MTB-MLE at sa kalagitnaan ng globalisasyon at internasyonalisasyon ang neoliberalisasyon ng ating edukasyon. Kaya’t napaka-importante na pangalagaan at pagyabungin natin ito. Para sa Katitikang Cebuano. Daghang Salamat!