MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Mensahe DR. MERIAN P. CATAJAY-MANI SUC President III, Marinduque State College
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Message DR. REX EMMANUEL L. ASUNCION Project Director, MSC-GDCE
School year 2020 is about to commence the second batch of GDCE program and I would like to take this opportunity to welcome you all neophytes. This time, I would like our students to throw paints as they can on the canvas of their education. I appeal to the students to value and uphold the importance of intrinsic motivation. You will have good professors in dealing with your subjects who are experts, talented and excellent in their field. I have no doubt that as the GDCE students will immerse themselves in education they will make the most of the canvas of opportunity that are offered and they will paint the goals that they aspire as long as they remain motivated in the classroom to achieve them.
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
This kind of education is sound, creative and innovative and the Marinduque State College in partnership with the NCCA will help everyone to make this a reality. I welcome you all GDCE students and I do hope you all will enjoy and excel in all the subjects administered by MSC and the NCCA. Mabuhay ang GDCE program!
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Message DR. RANDY T. NOBLEZA Project Coordinator, MSC-GDCE
Between March 15 and May 30, under the national health emergency Marinduque State College pushed through with the 2nd batch of the Graduate Diploma in Cultural Education in partnership with the National Commission for Culture and the Arts, Philippine Cultural Education Program along with the Department of Education MIMAROPA. There were at least 46 teacher-applicants who took the qualifying test last April 17 administered by the DepEd regional coordinator Mam Bheng Marmol. A total of 34 teacher-scholars in Oriental Mindoro, Romblon and Marinduque had their online orientation last May 8 allowed interaction about delivery mode, enrolment procedures, scholarship contract and other relevant concerns for a Cultural Education scholar. The first GDCE course, CulEd 205 Philippine Arts under Dr.Victor Emmanuel Carmelo Nadera Jr of the University of the Philippines and Likhaan Institute of Creative Writing was held from May 11-16 provided the benchmark for the succeeding GDCE courses. Followed by CulEd203 Cultural Diversity and Philippine languages under Bulacan State University College of Arts and Sciences dean Dr. Mary Bulaong from May 18 to 23 via zoom platform, google classroom and FB group chats. The next GDCE course, CulEd 204 Re-view of Philippine history and heritage with the supervision of Prof. Michael Charleston Chua from De La Salle University Manila from May 25 to 30 highlighted the local history and rich heritage of the island provinces in the region. Finally, like bookends, the last GDCE course was handled by the former National Committee on Cultural Education and NCCA Commissioner for Cultural Dissemination Dr. Orlando Magno from University of Cebu
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
capped the summer term 2020 from June 1 to 6 with the lesson integration of cultural resources. Despite the precarity and risks-involved with COVID19, the GDCE teacher-scholars of MIMAROPA pursued what others might have found restricting, limiting or just plain too difficult. I salute the local heroes of the island provinces with the promise of making most of the learnings from the first half of the GDCE for every student within and beyond the classroom setting. I hope the next half of the journey would be much fulfilling, productive and more creative than the previous one. Congratulations in advance, may you transcend and overcome all obstacles. I look forward to the full fruition of blood, sweat and tears of the GDCE faculty, MSC administration, NCCA PCEP’s generosity and opportunity extended to the GDCE teacherscholars’ zeal and spirit through their proceedings which would be curated and be made available to the public through other platforms like tactile, rich/interactive media and microsites.
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Mensahe PROP. VICTOR EMMANUEL CARMELO “VIM” D. NADERA, JR. Propesor, CulEd 205: Philippine Arts University of the Philppines-Diliman
Kumusta? Matagal ko nang itinuturo ang Cultural Education 205 Philippine Arts subalit ito ang pinakamakasaysayan. Una, dahil ngayon lamang ako nagkaroon ng klaseng online dito. Ikalawa, dahil ngayon lamang ako nagturo sa Region IV-B gayong ako ay tagaRegion IV-A lamang. Ikatlo, dahil ngayon lamang ako nakapagturo sa Marinduque State College kahit inanyayahan na ako noon pang unang batch. Ikaapat, dahil nagkataon ding itinuro ko ito noong Buwan ng Pamana. Ikalima, dahil nagturo ako mula Mayo 11 hanggang Mayo 16 — kahit maraming mahahalagang petsa bago ito — gaya ng sariwa pa noong pagsasara ng ABS-CBN noong 5 Mayo. Ikaanim, dahil pinalad kaming gunitain ang Kapistahan ng Birhen noong Mayo 13 ng Fatima at ang Kapistahan ng Patron ng mga Magsasaka na si San Isidro Labrador noong Mayo 15.
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Ikapito, dahil bukod sa ganitong gintong pagkakataon, nagkataon namang nagsulputang parang kabute sa tag-ulan ang mga materyal na maaaring gamitin sa pagtuturo. Ikawalo, dahil panitikan ang tuon ng aking pansin nagawa kong umpisahan lahat sa pagbabalik sa prehispanikong yugto hanggang post-modernong realidad ngayon. Ikasiyam, dahil lagi’t laging historikal ang dulog ko sa pagtuturo ng literatura sa tulong ng mga pangyayaring naganap sa loob ng piste ng peste! Ikasampu, dahil sa Historikaliteraturo! Noong Abril 21, ipinagdiwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Tula sa pamamagitan ng pagbubukas ng timpalak pampanulaang DionaTweet sa tulong ng Rappler kung saan ako nagsusulat bilang kolumnista. Ito ay ang pagsulat ng katutubong anyo ng tula na may tatlong linyang magkakatugma na ang bawat taludtod ay may tigpi-pitong pantig o Diona! Sinundan ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Panitikan, o Pambansang Buwan ng Panitikan, sa buong Abril. Mula Abril 1 hanggang Abril 31, pinasulat namin ang sambayanan ng katutubo ring uri ng kuwento — o Dagli — tungkol sa kasalukuyang pandemya kaya tinawag namin itong COVIDagli gamit ang 19 na salita dahil nga sa COVID-19. Pagdating ng Mayo 1 hanggang Mayo 31, nagpasulat naman kami ng isa pang katutubong klase ng tula at ito ay ang Dalit — o tulang may tig-aapat na linyang magkakatugma na ang bawat taludtod ay may tigwa-walong pantig kung kaya ito ay naging COVIDalit. Binabanggit ko ang mga ito sapagkat pasok na pasok ang Diona at Dalit sa pagtuturo ko ng tula samantalang ang Dagli ay para naman sa kuwento. Bihira lamang kasi ang mga babasahin tungkol dito na matatagpuan sa internet. Kaya, di-sinasadyang ang tatlo kong sanaysay ay naging Teaching/Learning Materials (TLM).
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Pati ang katatapos ko lamang na panayam na Love (Poetry) in the Time of Corona para sa Museo ng Kaalamang Katutubo (MusKat) ang ginawa kong paraan para magpakilala sa aking mga mag-aaral. Kahit paano, nang magklase na ako mula alas-nuwebe ng umaga hanggang tanghali, pakiramdam ko ay parang matagal na kaming magkakakilala. Bagamat ni hindi man lamang kami nagkita. Nang harap-harapan. Gaya ng dati, paulit-ulit kong sinasabi na ang Panitikan, o Malikhaing Pagsulat, kung isang kurso ay pinag-aaralan nang matagal. Anim na taon, halimbawa, sa Philippine High School for the Arts (PHSA) kung saan ako dating naglingkod mula 2013 hanggang 2019. Apat na taon, halimbawa, sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) kung saan ako naglilingkod muli matapos ang aking nasabing secondment sa Makiling. Para sa CULED 205, itinuturo ko lamang ito sa loob ng anim na araw. Kung baga, marami pa silang dapat kainin, wika nga. Patikim pa lamang ito. Harinawa, kahit sa konting pagtingin nila sa panitikan, hindi nila ito makaligtaan. Maikli subalit matamis. Walang iniwan sa Unang Halik!
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Mensahe PROP. MARIA S. BULAONG Propesor, CulEd 203: Cultural Diversity and Languages of the Philippines Bulacan State University
Kumusta mga iskolar ng bayan! Naks! naka-base one na kayo. Tapos na ang inyong unang taon. Kaya’t pagbati sa inyong lahat. Lagi kong sinasabi nang paulit-ulit sa mga klase ko, na ako ay humahanga sa mga scholar ng GDCE sapagkat kahit iba-iba ang inyong pinakadalubhasaan ay nasa inyong mga puso ang pagmamahal sa wika, sining, panitikan at kulturang Pilipino, at iilan lang kayo na tinawag at tumugon. Binabati ko kayo sa kakaibang pagmamahal na ipinakita at inilaan ninyo sa pagpapaunlad ng sarili para sa bayan. Hindi ito madali, lalo na sa panahon ngayon ng globalisasyon na halos lunurin ang marami ng kolonyal na pag-iisip…pero heto kayo, tayo, at patuloy na nakakapit at iginigiit na Pilipino muna bago ang iba. Masasabi kong kaunti lamang tayo sa bilang, pero hindi ibig sabihin ay mahina tayo. 34 lang kayo sa klase, pero higit doon ang katumbas sa husay at prinsipyo. Dito pa lamang ay sulit na ang scholarship grant na ibinigay sa inyo ng NCCA. Kakaiba ang inyong determinasyong ipinakita sa pag-aaral. Bakit ko nasabi? Narito ang mga patunay. Pinilit ninyong makapag-aral sa kabila ng krisis..walang nagawa ang veerus...kahit data lamang ang gamit, tuloy ang klase. Nakita ko ang effort ng bawat estudyante, may nagkaklase kahit nagbibyahe dahil sa reponsibilidad na kailangan ding gawain at tapusin, may nasa labas at humahanap ng lugar na may mas maayos-ayos na signal, may idiot board na nakatali sa puno, may on and off ang signal na sa kagustuhang makapag-recite, kahit chappy ay nandun ang pagnanais na makapag-bigay ng idea. Signal pa lang, pahirap na, pero nairaos naman ang klase. Alam n’yo bang sa dry run call pa lang namin ni Dok Randy, para i-try kung ok ang signal ay ipinakita niya sa akin ang mga pictures nyo?, At noon pa lang ay nalaman ko ng batang-bata ang mga scholar, ang Batch 2. Masarap turuan ang mga batang guro dahil trainable at game sa lahat ng bagay…pero may agam-agam akong baka mababaw lang ang pagtanggap sa kurso, dahil mga bata nga. May hamon sa edad, kapag paksang kultura at kasaysayan ang pinag-uusapan…bibihira sa kabataan ang may interes dito…alam kong nakukuha ninyo ang ibig kong sabihin….pero nang makita ko na ang mga output at performances ng grupo, napanatag na ako. Tama, di
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
nagkamali si Dok Randy sa pagpili sa inyo. Sulit ang gastos ng PCEP NCCA sa inyo. Ang inyong husay na ipinakita ay higit sa inaasahan ko. Nakaka-believe ang Batch 2. Super creative, pang-artista ang peg n’yo. Biyahe ni Drew ang katulad ng promo video ni Sir Joseph, sarap panoorin ng todo- bigay na paggiling ng dancer na si Mam Kryzta, ang napakahusay na presentasyon ni Mam Riza sa kanyang stick puppet na pangprograma sa telebisyon ang dating, na may freebee pang kanta at tugtog, ang karilyo ni Mam Romilyn, ang boses ni Sir Mark, na nakaka-inlove, si Mam Margaux na bumibirit, Sir Sir Vince na pang-matinee idol ang boses, ang magandang konseptong ng video ni Mam Jellie, ang kakaibang informative na video ni Sir Johnnel, ang pangkalinangang sayaw ni Sir Jophet, ang husay ng mga kompositor na mang-aawit at manunugtog na sina Sir Rico, Sir Jerahmeel, Mam Romilyn at Sir John Earl, ang mahusay na parodiya na ipinakita/ipinadinig nina Mam Joanne, Mam Mica, Sir Aljun, Mam Crystal, Sir Marco, Mam Krizzia, Mam Ronalyn, Mam Ria, Mam Jing, Sir Arwin, at Mam Clarisse; ang kakaibang song story ni Sir John Michael, ang napakahusay na pagkakabuo ng coffee art ni Mam Jessa, Mam Romilyn, Mam Clarise, Sir Eric, Mam Ja, Mam Hannah, Sir Vince, Sir Arwin, Mam Roffie, Mam Kate, Mam Mica, Mam Myra, Mam Ronalyn at Sir Anthony; at ang islogan nina Sir Mark Christoper, Sir Joseph at Sir Jerahmeel na talagang pag-iisipan ng makababasa nito. Ang huhusay! Huuuu! Woooow na Wooow!! Nakita ko ang uniqueness ng bawat isa. Nabanaag ko ang inyong mga personalidad, sa inyong mga trabaho at pananalita. Tunay na mga sundalo kayo ng sining at kultura. At siyempre malilimutan ko ba namang pasalamatan ang napakaresponsible, masuporta at walang kapagurang Director ng GDCE na si Dok Randy Nobleza ng Marinduque State University. Naikot ko na rin ang mga rehiyon sa bansa na may programang katulad nito, pero si Dr Randy ang nakita kong may 100% dedication sa trabaho niya, palibhasa kaisa rin natin sa grupo ng mga tagapagtaguyod ng wika, sining at kultura, kaya’t buhay sa kanyang katauhan ang ganitong mga katangian. Salamat Dok! Sana ay masundan ninyo ang halimbawang ipinakikita ni Dok Randy. Ganito ang inaasahan ng PCEP NCCA sa inyo! Sa huli…Hamon ko’y pag-igihan pa ang inyong pag-aaral sa susunod pang mga taon. PADAYON, mga ‘Igan!! God Bless. Mabuhay ang sining at kultura ng bansa! Mabuhay tayong lahat!
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Mensahe PROP. MICHAEL CHARLESTON “XIAO� B. CHUA Propesor, CulEd 204: Re-view of Philippine History and Heritage
Mga kaguro, Binabati ko kayo sa inyong pagsisikap na tapusin ang Level 1 ng GDCE sa panahon na ito ng pandemya. Nakapaganda sana kung nagakadaupang-palad tayo ng personal. Marami akong pagkakaibigan na nabuo dahil sa mga paglalakbay ko sa buong Pilipinas upang magturo ng Culed 204. Natuto ako sa aming mga Lakbay-Aral maging sa mga kainan pagkatapos ng klase. Ikinalulungkot ko na hindi natin ito nagawa. Nanghihinayang ako na hindi ko kayo nakapiling. Subalit anupaman, sa kabila ng kahirapan ng online learning, tayo ay nagkasama pa rin sa Zoom at ang pinakamasaya ako mismo ay nagkaroon ng pagkatuto mula sa inyo. Sapagkat hindi mapipigilan ng pandemya ang pagpapatuloy ng kulturang Pilipino. Salamat kaguro at hinarap natin ang hamon, at sama-samang nagtagumpay. Marami pa tayong haharapin sa panahon ng ating pinakamalaking hamon sa kasaysayan matapos ang maraming taon, pero kapit lang, malalampasan din natin ito. At kapag bumalik tayo sa klasrum, bibigyan natin ng bagong sigla ang ating mga estudyante dahil ang natutunan na nila mula sa inyo ay mas malapit sa kanilang kultura. Padayon sa kabila ng hamon. Magtagumpay mga kaibigan. Karangalan na maging guro ninyo at maging guro ko kayo.
Ang inyong lingkod, XIAO
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
Mensahe DR. ORLANDO B. MAGNO Propesor, CulEd 200: Pedagogy of Cultural Education
Malaking pagbabago ang pamamaraan ng aming pagtuturo sa PCEP-GDCE at GDTA ngayong Summer 2020, dahilan sa COVID-19 pandemya. Nangailangan itong iayon sa pangangailangan at pagsunod sa kautusang pangkalusugan ng ating pamahalaan, gaya ng social distancing at ang no face-to-face teaching instruction. Nakipag-ugnayan ang PCEP sa Marinduque State College at napagkasunduan na ang mabisa at episyente online learning modality na gagamitin ay blended flexibility learning. Batay sa updated syllabus ng CulEd 200, pinili ko lamang ang mga basic at importanteng competencies na aking ipamahagi sa mga teacher-scholars sa nabanggit na klase. Isinaalang-alang ko ang mga sumusunod: 1. ang mga teacher-scholars ay may kasanayan na sa pagtuturo; ihahanda na lamang nila sa dulog na Culture-based Pedagogy; 2. may karanasan at tanggap na nila ang bagong learning modality na gagamiting Sistema sa pagtuturo at pagkakatuto; 3. may kahusayan na sila sa independent learning at goal directed learners naman na sila; 4. may kasanayan at kahusayan na naman sila sa komonikasyon upang makasunod sa mga tuntuning pasulat; 5. magkakaroon ng takdang panahon upang mag-klase sa pamamagitan ng Zoom at sa Google Classroom; 6. pagkakasundo sa assessment, evaluation, at feedback ng mga activities at requirements; 7. bago nagsimula ang isang linggong klase, naipadala na ang mga reading materials, lessons, activities, at requirements na kakailanganin nila; at
MARINDUQUE STATE COLLEGE School of Graduate Education and Professional Studies Graduate Diploma in Cultural Education
8. ang laha ng sessions at tasks ay inihanda upang magkaroon sila ng modelo sa paggawa ng online lessons o modules sa kani-kanilang mga klase sa darating na pasukan. Ang mga paghahanda at gawaing nabanggit ay naging maayos naman ang daloy; bagama’t may kailangang ihaing mungkahi: 1. sa learning modality na ito, makabubuting magkaroon ng retooling o revisit of the summer courses taken. Maaring in-service training o conference, at 2. magkaroon ng training o follow-up of the teacher-scholars on how they implement culture-based pedagogy sa kani-kanilang eskwelahan na pinagtuturuan. Sa naging karanasan ko ngayon ay naging mapanghamon at nangailangan ng malikhaing gawain sa mga individual at group activities na inihanda sa bawat session. Ang pag-unawa, pakikiisa at pagtulong ng aming coordinator na si D. Randy Noblesa at ng kaniyang pamamahala sa programs ay naging mahusay upang ang inaasahang bunga at tunguhin ng kurso ay nagampanan.