Denmark R. Pergis is from Cabuyo, Torrijos, Marinduque. He is 19 years old and was born at Bacoor Cavite on March 20, 2000. His parents are Diana Pergis and Augusto Pergis and he has 6 siblings. He graduated at Cabuyo Elem. School, Tigwi NHS, and Torrijos Senior High School and currently taking up BS Law Enforcement Administration.
Using Pergis ability in writing a poetry some of his works are written in formal paper. Some of his poem written in notebook using Tagalog words and inspired by his experiences about reality. He loves watching Fliptop and spoken poetry on YouTube. He started making poetries when he was Senior High School when he met his inspiration, which is his crush. Although, he can’t explain his feelings to that person,he express it by making poem.The proposed artwork was a poetry which is closely related to the theme of Marinduque’s Centennial. It is a poetic art that is wordbased made by native Marinduqueño that required in the theme of Marinduque’s Centennial. All his works are original. MAPANGHUSGANG MUNDO Bakit ba napakaraming, mapanira sa mundo? Umaasta na perpekto, mapanghusgang mga tao Bawat galaw ay komento, kung magkwento’y di kumpleto Naturingan nga na tao, pero hayop kung umakto. Animo’y tupang mabait, kapag ikaw ay kaharap Yun pala’y isang sawa na ang talento’y mapanggap Pilit kang ibabagsak, kapag ika’y nakaangat Pag-asenso mo sa buhay ay hindi pa matanggap. Dahil sila’y naiingit sa kung anong meron ka Na sa sarili’y pinipilit, dapat meron din sila Makakati nila na dila and siyang magdidikta Kung pano ka huhusgahan kahit hindi ka kilala. May bago ka lang na gamit, sasabihan ng mayabang Pag nagsuot ng maiksi, iisiping malandi yan Pag nabuntis ang anak, pabaya daw ang magulang Ganyan ba dapat mag-isip, hindi pinag-iisipan.
Kahit ang kwento’y di alam, mag-aalam-alaman yan Pilit na uungkatin ang buhay mo’t nakaraan Sa bawat mali mong paghakbang, ay may tawang nakalaan Pinag-arala’y nasaan, para bang wala naman. Kaya’t maraming tao ang nawawalan ng pag-asa Sumusuko sa pangarap, naubusan ng kumpiyansa Mga taong magaling, sa paggawa ng istorya Sila yung mga feeling perpect kung tawagin ay tsismosa. Kaya ngayon aking tanong, paano ba matatamasa? Ang buhay na Malaya, masaya lang at payapa Kung ako ay nabubuhay sa mapanghusgang mundo Na pilit kang ibabagsak kahit ano pang tibay mo.