Richel dorotan paper for kumperensiya sa panitikang sebuwano

Page 1

Paksa: Ang Panitikang Sebuwano At Ang Pagbuo Ng Panitikang Pambansa Ang Tradisyon Sa Tagay At Talinghaga Ni RICHEL G. DOROTAN

I. Panimula: DALAWA ang susing salita ng paksang tatalakayin ko: una, ang Panitikang Sugboanon at ang Panitikang Pambansa. Madaling tukuyin kung ano ang Panitikang Sugboanon lalo na sa isang tulad ko na matagal nang nagsanay sumulat at sumalat ng mga talinghaga sa sariling wika; o kaya‟y magbasa ng kung ano-anong akda na nailimbag sa wika kong kinagisnan. Ang Panitikang Sugboanon, sa kabuuan, ay ang kolektibong panitikan na naglalarawan ng karanasan, ambisyon, at imahinasyon ng mga Sugboanon sa iba‟t ibang panahon o yugto ng kasaysayan. Kung susuriin, gaya ng ibang mga kultura sa Pilipinas, napakahaba na ng tradisyon ng Panitikang Sugboanon sa sinubok ng iba‟t ibang salik. Naikintal ang karanasang ito sa mga dula, kwento, sanaysay, tula, awit at maging sa mga sinaunang anyo ng panitikan gaya ng tigmo, berso-berso, garay, at iba pa. Sa madaling salita, mayaman ang baul ng kasaysayang pampanitikan ng liping Sugboanon. Samu‟t sari ang anyo nito, tema, powetika at politika, estilo o estruktura na kung paguusapan natin lahat ay baka kakapusin tayo ng panahon at espayo at baka maabutan tayo ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Ngunit itong Panitikang Pambansa, malabo ito sa huwisyo ko at siguro hindi ko ito masyadong naintindihan. Ang mga salitang “bansa” at “pambansa” ay napakapulitikal na usapin. At kung bakit ang panitikan ay kailangan pang lagyan ng tatak, para ihanay sa kungsaan dapat ihanay, hindi ko rin maintindihan. Sa totoo lang, hindi ko ito masyadong pinag-ukulan ng panahon para pag-isipan dahil nagsusulat naman ako para sa kababayang Sugboanon. Wala akong matayog na kaalaman para talakayin ang bagay na ito. Hindi ko na inambisyon iyon. Pero bilang isang manunulat, napagtanto ko na ang pagpili rin pala ng wikang gagamitin sa pagsusulat ay isang uri ng political statement. May dahilan kung bakit karamihan sa mga Sugboanon ay napaka-faithful sa wikang kanilang kinagisnan. Isa na ako rito. Paminsan-minsan, sumusulat din ako ng Tagalog at Ingles dahil kagaya ng iba, produkto rin ako ng sistema ng ating edukasyon na halaw sa kanluraning mga ideya. Pero mas tumatayo ang balahibo ko kung sa sariling wika ako kumatha, nanginginig ako, tumitibok ang puso ko, mas dama ko ang “gihigugma ko ikaw” kaysa “i love you”. Dahil alam ko, sa bawat salita na ileletra ko, nakikipagkonek ako sa aking mga ninuno na siyang unang gumamit ng wikang ito. Napakasarap bigkasin ug sulatin ng wikang kinagisnan dahil alam mong pinagtagni-tagni nito ang mga henerasyon ng iyong tribu. Para sa akin, ang wikang Sugboanong Binisaya ang last frontier ng tribung kinabibilangan ko. At least, totoo ako dito. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Panitikang Pambasa? At bakit kailangan itong bubuuin? Imbes na kasagutan ang aking matuklasan, mas dumarami ang natuklasan kong katanungan. Una, sa anong wika ba susulatin at babasahin natin ang Panitikang Pambansa? Pangawala, ano ba ang katangian ng isang panitikan upang ligtas nating sabihin na ito‟y tumatalakay sa pambansang ideyalismo at mga adhikain? At sinong mga impakto, diwata o anito ang may responsabilidad na sulatin ito? Sa kabilang dako naman, kung babansagan 1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.