July 22, 2012
“Sa unang araw ng pista ng tinapay na walang pampaalsa, kaugalian nilang magkatay ng batang tupa ng Paglagpas. Sinabi ng mga alagad ni Jesus sa kaniya: Saan mo nais na kami ay pumunta upang maihanda namin ang hapunang Paglagpas upang ikaw ay makakain?13 Kaya sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila: Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya. 14 Sabihin ninyo sa may-ari ng sambahayan na kaniyang papasukan. Sinabi ng guro: Saan ang silid-pampanauhin na aking kakainan ng hapunan para sa Paglagpas kasama ng aking mga alagad? 15 Ipapakita niya ang malaking silid sa itaas na may mga kagamitan at nakaayos na. Doon kayo maghanda para sa atin.16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod. Natagpuan nila roon ang gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. Inihanda nila ang hapunang Paglagpas.17 Nang gumabi na, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawang alagad. 18 Habang nakadulog at kumakain, sinabi ni Jesus: Katotohonang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kumakaing kasalo ko. 19 Sila ay nagsimulang nalungkot at isa-isang nagsabi sa kaniya: Ako ba? Sinabi rin ng iba: Ako ba? 20 Sumagot sa kanila si Jesus: Ang isa sa inyo sa labindalawang alagad na kasabay ko sa pagsawsaw sa mangkok, siya iyon. 21 Ang naisulat patungkol sa Anak ng Tao ay siyang mangyayari sa akin. Ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya