2 minute read
Part 1: Reminiscing
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
kang instrumento ng Diyos para mapalapit ako sa Kanya. Akala ko ikaw lang ang makakatanggap ng tawag. Pero heto ako, tinawag din ng Panginoon.
Advertisement
Gusto kitang kausapin, pero tingin ko, hindi pa tamang panahon para kamustahin ka.
Oo masakit sa una ang pakikipaghiwalay mo sa kin ngunit hindi ko alam na pareho tayong magbubunga at makakatanggap ng pagtawag mula sa Diyos.
Oo, pinagtagpo tayo pero itinadhana sa iisang Diyos!
“Isang bagong umaga na naman!” Kagigising pa lang ni Miguel at agad tumayo upang ayusin ang mga gamit. Ilang buwan na rin sya sa bago nyang assignment bilang Kura Paroko. Nakabuyangyang pa rin ang mga gamit nya, palibhasa ay busy lagi sa mga Parish works kaya hindi na nya naaayos nang husto ang mga gamit. Bigla nyang nabuklat ang isang litrato ng isang pamilyar na babae.
Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. “H-hindi ba ito si Athena? Bakit nandito ang picture nya? Habang tinitingnan nya ang lumang litrato, naalala nya ang huli nyang naging girlfriend bago pumasok sa Seminaryo.
“Magpapari ka?” Nang itanong mo yan hindi ko na alam ang sasabihin ko sa ’yo, Athena. Nahihiya ako sa ’yo kasi parang feel mo iniwan kita. Ayokong nakikita kang malungkot. Ayokong iwan ka. At alam mong mahal na mahal kita. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Tinatawag ako sa mas higit na bagay.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos 5
Bakit ka umalis? Pagkatapos ng yakap mo sa ’kin, sobra ko bang nasaktan ang pinakamamahal ko? Naiiyak ako kasi ayokong ayoko na nasasaktan ka. Hindi ko naman alam na ako pa ’yung mismong mananakit nang sobra sa ’yo.
Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ’yo. Pero alam kong magiging masaya tayo sa pinili nating buhay. Hindi ko alam kung nasaan ka ngayon. Ngunit alam ko masaya kang pinaglilingkuran pa rin ang Panginoon.
Binalikan ko yung Parokya natin. Hindi ka na pala nagseserve doon matagal na. Hindi na rin nila alam kung nasaan ka; sabi nila lumipat na raw kayo ng bahay. Wala na kong magawa kundi tanggapin na lang at ipagpasa–Diyos na lang din kung nasaan ka man.
Alam mo, marami kang naituro sa akin. Tinuruan mo akong mahalin ang Diyos. Ang unahin Sya kahit susunod ka na lang. Alam mo, buti di mo pinagselosan si Lord, no? He, he pero alam ko naman na malinaw sa atin na laging uunahin ang tawag ng paglilingkod bago ang relasyon natin.
Napaka perfect mo para sa ’kin, Athena. Nasaan ka na kaya? Good old story itong lahat ng ’to. Miss na miss na kita. Sana makausap na kita. (May katok sa pinto)
“Father, male-late na tayo sa Orphanage!”
Ay! Oo nga pala, o sya tama na muna ’to. Mag-aayos muna ako ng gamit para sa Charity works ng Parokya. ❧ ❧ ❧