5 minute read
Part 2: Visit to the Orphanage
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
(Homily of Fr. Migz) Kung papipiliin nyo ako sa dalawa, kung sino ang mas matimbang, ang Diyos nga ba o ang pinakamamahal ko? Mga kapatid, sa totoo lang ay napakahirap sagutin yan. Ngunit sa Banal na Kasulatan, si Abraham ay minsan nang nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa huli, pinili nya ang Diyos na nagbigay sa kanya ng kanyang anak na si Isaac. Ganun din ako, alam kong may plano ang Diyos kaya mas pinili ko Sya sa tinahak kong bokasyon. Naranasan kong magmahal ngunit mas naging matimbang ang pagmamahal ko sa Diyos na nagdala sa akin sa pagkapari. (Pagkatapos ng Misa)
Advertisement
Teka nga, bakit parang anlalim ng hugot ko dun sa sermon ko? Arghhh! Hmpf! Pero okay na nga ’yon. Mabuti na rin na naikwento ko ang maikling istorya ng aking bokasyon.
Sandali nga. Asan na ba ’yung breviary ko at makapagdasal na nga bago kami tumuloy sa Orphanage. Eto naman kasing isang ’to akala ko naman eh tutuloy na kami sa Orphanage yun pala ay may Misa pa pala ako rito.
May kumatok sa pintuan at narinig ang nagmamadaling tawag sa kanya.
“Father! Asan na po kayo? Handa na po ang sasakyan papunta sa Orphanage eh kayo na lang po iniintay namin.”
Huh?! eh akala ko ba ay tanghali pa tayo pupunta? Naku, ayus-ayusin nyo yan ha! Nililito nyo ako.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos 7
“Naku pasensya na po Padre, nagkaroon lang po talaga ng pagbabago sa schedules, he, he.”
O sya, ano bang schedule natin dun?
“Ah, eh mag lunch daw po muna kayo kina Sister para makapagpasalamat po sila sa inyo.”
O sige. Tara na. Pero samahan nyo ako magdasal ha, habang nasa byahe.
Di magkamayaw sa ingay ang sasakyan nina Fr. Migz. Palibhasa ay puro mga kabataan ng Parokya ang mga kasama nya.
O tara na! Magdasal na muna tayo, wala pa tayong basbas sa ating pag-alis.
“Uy ha, Pads! Magkwento ka naman! Sino po ba yung minahal nyo? Eh parang anlalim po ng hugot nyo kanina sa Misa, ha?”
Napangisi si Fr. Migz, “Ay kayo talaga! Tsaka na yan! Unahin muna natin ang Orphanage, kayo talaga pag Love Story ang sisipag nyo pero natutulog naman kayo sa Misa.”
“Pads hindi po kami natutulog ha! Nakuu ha, ha, ha, ha,” tugon ng isang binata habang inabot kay Fr. Migz ang mikropono upang masimulan na ang pagdarasal.
Agad namang binuksan ni Fr. Migz ang mikropono at nilakasan ang boses “WEHHH! Kitang kita ko sa mga mata ko na tulog kayo HAHAHAH!”
“Eh pads naman, eh! Ang lakas ng boses mo magigising talaga kami!”
“O sya magdasal muna tayo!” habang hawak ang Rosaryo sa mga kamay nito.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
“Sige po Pads!” sabay nilang tugon.
“WELCOME TO ST. MICHAEL’S ORPHANAGE”
O nandito na pala tayo! Salamat sa Diyos! Tara na! Agad kinuha ni Fr. Migz ang mga gamit mula sa sasakyan. Bumungad naman sa kanila ang mga Sisters na nagpapatakbo ng Orphanage.
“Welcome po, kayo po ba ang kura paroko ng Parokya ng Banal na Mag-Anak?”
“Ako nga po. Naku napaka peaceful naman po rito!”
“Ay naku padre! Huwag ka na magpatumpik-tumpik pa, alam namin na gutom na kayo kaya tara na po at kumain na muna tayo.”
Agad na itinuro ng mga Sisters ang dining hall para sa kanilang salu-salo.
Sa loob ng silid ay makikita pa rin ang mga lumang gamit nito, kahit luma na ang gusali ay nananatili pa ring maganda ang structure nito.
“Magandang tanghali, Padre! Welcome po kayo rito! Naku Padre, maraming salamat po sa pagpapaunlak na mabisita kami ng inyong parokya,” sambit ng isang madre.
“Naku, Sister! Wala po iyon, bilang mga Katoliko po ay nakatatak na sa atin ang pagtulong.”
“Eh Padre, dito mo na ituloy yung kwento ng pagmamahal mo, YIEEE,” agad namang sabat ng mga kabataan.
“Hay naku talaga kayo!” napangisi na lang si Fr. Migz.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos 9
“Ay naku Sisters marami pa namang nagkagusto raw kay Padre noong kabataan nya pero nagpari sya eh,” kwento ng mga kabataan habang nakangisi naman ang iba.
“Eh bakit mo nga raw naisipang magpari, Padre? Ikwento mo na at baka may mainspire ka pa sa mga Youth mo,” sabi ng isang madre habang inaabot kay Fr. Migz ang ulam.
O sya, ganito kasi iyan, pag nagmamahal ka, wala kang magagawa kundi patuloy na magmahal; ni hindi mo gustong masaktan ang minamahal mo, pero paano kung mamimili ka sa dalawang pagmamahal, papaano ka makakapili sa dalawang mabuting bagay? Isa lang, mas piliin mo ang pagmamahal ng Diyos na magdadala sa iyo sa kasiyahang magtatagal. Yun ang tunay na pagmamahal, may magsasakripisyo pero it can be a great sacrifice. Sabi nga, there is no covenant if there is no sacrifice. Pag nagmamahal ka, magsasakripisyo ka.
“Sobrang lalim naman nyan Padre. Naku mukhang may magpapari na rin sa ’min,” agad turo ng mga kabataan sa isang binata sa dulo ng lamesa.
Agad pinuntahan ni Fr. Migz ang binata at tinapik ang mga balikat. “Iyan ang ipagdasal natin; hwag natin iasa na kapag may bokasyon ka, magiging pari ka sa dulo. Dahil ang tawag ay may response. Kung hindi ka magrespond, tingin mo magiging pari ka? Hindi! It is a process kaya ipagdasal pa natin sila mga anak, ha? Na palakasin ang kanilang loob na sagutin ang tawag ng Diyos.”
“Ay naku, Padre, base sa sinasabi mo, naaalala ko yung pinakabago naming Sister dito, ganyan na ganyan ang kanyang vocation story,” tugon ng isa sa mga madre.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
“O, salamat sa Diyos! Dumarami ang bokasyon!”
“Eh kaso bigla syang nawala. Kanina nandito sya, kanina eh nakikinig sa ’yo. Wait, THERESE!!! Nasaan ka na? O bigla ngang nawala.”
“Ay okay lang po ’yun Sister, baka may ginagawa lang sya.”
“Alam mo ba Padre, iyang si Therese ay napakahalaga sa pamilya nila, unica hija, isa sa mga babaeng hindi mo aakalaing magmamadre, maganda, akala mo ay artista. Akala namin Rose ang pangalan nya alinsunod kay St. Rose of Lima pero sinabi nya na Patrona nya si St. Therese kaya napili nya ito.”
“Wow! May debosyon po pala sya kay St. Therese! Ang patron ng mga misyon! Tunay ngang may misyon po sya! Amen!”
May isang malamig at kilalang boses ang narinig ni Fr. Migz —
“Sandali lang ho, Sister! At may tinapos lang po ako sa labas.”
“O andyan ka na pala. Eto si Fr. Migz yung kura paroko ng Parokya ng Banal na Mag-Anak.”
Lumingon si Fr. Migz —