6
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
Part 2: Visit
to the Orphanage
(Homily of Fr. Migz) Kung papipiliin nyo ako sa dalawa, kung sino ang mas matimbang, ang Diyos nga ba o ang pinakamamahal ko? Mga kapatid, sa totoo lang ay napakahirap sagutin yan. Ngunit sa Banal na Kasulatan, si Abraham ay minsan nang nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa huli, pinili nya ang Diyos na nagbigay sa kanya ng kanyang anak na si Isaac. Ganun din ako, alam kong may plano ang Diyos kaya mas pinili ko Sya sa tinahak kong bokasyon. Naranasan kong magmahal ngunit mas naging matimbang ang pagmamahal ko sa Diyos na nagdala sa akin sa pagkapari. (Pagkatapos ng Misa) Teka nga, bakit parang anlalim ng hugot ko dun sa sermon ko? Arghhh! Hmpf! Pero okay na nga ’yon. Mabuti na rin na naikwento ko ang maikling istorya ng aking bokasyon. Sandali nga. Asan na ba ’yung breviary ko at makapagdasal na nga bago kami tumuloy sa Orphanage. Eto naman kasing isang ’to akala ko naman eh tutuloy na kami sa Orphanage yun pala ay may Misa pa pala ako rito. May kumatok sa pintuan at narinig ang nagmamadaling tawag sa kanya. “Father! Asan na po kayo? Handa na po ang sasakyan papunta sa Orphanage eh kayo na lang po iniintay namin.” Huh?! eh akala ko ba ay tanghali pa tayo pupunta? Naku, ayus-ayusin nyo yan ha! Nililito nyo ako.