Pinagtagpo Pero Itinadhana sa Iisang Diyos

Page 1


Pinagtagpo pero

Itinadhana sa Iisang Diyos Tom Banton

PHILIPPINES


CONTENTS Prologue Part 1: Reminiscing Part 2: Visit to the Orphanage Part 3: Face to Face Again Part 4: Birthday Surprise Part 5: Visit to the Home for the Aged Part 6: Flashback Part 7: Special Part 8: Bloopers Part 9: Trailing Athena Part 10: The VLOG Part 11: The 13th Day Part 12: Unlocked Part 13: Confession Part 14: The Yes of Mary Part 15: Plan Part 16: Revenge Part 17: Fall for you, Floor Part 18: Unfinished Work Part 19: Disappointments Part 20: It’s Official! Part 21: Recruitments Part 22: Encounter Part 23: The Slapqueen

1 4 6 11 15 20 26 32 38 44 49 54 59 65 70 74 79 84 90 99 105 110 115 119


Part 24: Sa Classroom may Batas Part 25: The Pizza Giveaway Part 26: The Return Part 27: Kuya Returns Part 28: Examination Part 29: Carnival Night to Remember Part 30: Recovered Part 31: Going Strong Part 32: Best Friend? Part 33: The Psalmist Part 34: Ordination Day Part 35: Confusion Part 36: Reunited Part 37: Valentine’s Day Part 38: Miguel’s Vocation Part 39: Fr. Miguel’s Realization Part 40: Back to Orphanage Part 41: Meeting You Again Part 42: Athena’s Confession Part 43: Letting Her Go Part 44: [Finale] Epilogue

126 133 137 141 148 154 160 166 170 176 181 186 189 193 197 201 205 209 214 218 222 233


Prologue Paano kung hindi na lang tayo naghiwalay? Paano kung tayo pa rin hanggang ngayon? Ang sakit sakit naman Migz! Pero dahil kagustuhan mo, at kung diyan ka talaga tinatawag, masaya na rin ako. Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal no? Handa akong magparaya, sumaya ka lang. Wala lang, naaalala ko lang yung mga panahon na magkasama tayo sa Parokya; isang tambalan tayo noon, actually nagsimula lang sa asaran, hindi ko naman alam na tototohanin mo. Para sa ’kin ang perfect perfect mo Migz! Hindi mo ko hinayaan sa lahat ng bagay, altar server ka, ako naman lector. Ang swerte ko nga sabi nila kasi may nagtatapat sa akin ng electric fan kapag Misa, ha, ha (di ba ganda ko, ghorl?). Andami-dami kong masasayang moments sa ’yo. Sabay tayong umaalis para puntahan ang iba’t-ibang Marian Shrines, parehas kasi nating love si Mama Mary eh, at saka naging tayo nung birthday nya kaya laking pasasalamat ko rin kay Mama Mary na dininig nya ang panalangin ko sa isang lalaki na walang hanggan ang kabaitan. Salamat sa prayers, Mama Mary! Alam mo ba, Migz? Pasasalamat ko sa ’yo kasi sa pagmamahal ko sa ’yo, mas lalo ko ring minahal ang Diyos; ang dami mo kasing alam sa Simbahan. Lalo tuloy kitang minahal. Sobra sobra, Migz. Napakaperfect boyfriend mo para sa akin, hinding hindi ka nagkukulang. Minsan ako na nga yung laging sinusumpong pero nandyan ka pa rin. 1


2

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

February 14, akala ko perfect scene na eh. Nasa simbahan tayo. Niyaya mo ko, pero may kulang eh. Akala ko naman isusurprise mo ko. Akala ko magiging masaya ako sa sorpresa mo. Talagang simbahan pa yung napili mong place ha? Dumating ang oras na lumamig na ang simoy ng hangin, bumagsak ang buhos ng ulan kasabay ng pagtangis mong hindi mo na naiintindihan ang sarili mo. Pilit kitang iniintindi baka kasi mamaya naistress ka lang sa school pero sabi mo hindi. May iba sa puso mo na hindi mo alam, nagbabaga. Nagjoke pa ko sa yo nun! Sabi ko baka naman natapat ka lang sa apoy kasi mukha kang uling. Pero sabi mo it’s not the right time for my jokes. So I stopped. Sabi mo gusto at mahal na mahal mo ko. Nung time na yun, wala na, alam ko na sasabihin mo. So sinabi ko sa yo, “Magpapari ka?” Tumingin ka sa kin at hinawakan ang mga kamay ko pero tinanggihan ko. Nakaramdam na lang ako ng lungkot. Bakit nga ba sa lahat ng lalaki sa mundo, ikaw pa ang nakatanggap ng tawag mula sa Kanya? Napatingin na lang ako sa krus sa harap. Tiningnan ko lang si Lord at kinausap sya nang may ngiti sa aking mga labi. Sinabi ko kay Migz, “Ipinagkakatiwala na kita kay Lord,” after nun, niyakap ko sya at umalis na ako. Kahit umuulan, dere-deretso akong naglakad, di ko alam ang gagawin ko. Basang-basa na ko. Ewan, gusto ko na lang maglupasay. Bakit ikaw pa? Pero sa kabila nito sinundan mo ko at niyakap. Sobrang memorable ng Valentine’s Day na to no? Hindi nga lang masaya para sa tin, pero masaya na ko para sa ’yo.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

3

Ang hina hina ko naman kasi eh! All this time, alam ko naman na pwedeng mangyari ’to pero bakit hinayaan ko pa! Oo sa una, masakit. Pero unti unti, mas nakita ko ang kahalagahan mo sa Simbahan. Mas mabuti na nga na magparaya kasi mahal kita at mahirap karibal ang Diyos. After ng pangyayaring yon, hindi na kita nakausap. Ako, may bago na ring buhay. Ayoko nang guluhin ka; inalis ko na lahat ng posibleng komunikasyon natin. Nagalit ako sa Diyos after nun, sobrang dami kong pinagdaanan pero sa kabila ng lahat ng ’yun ay narinig ko pa rin ang tawag ng Diyos. Hindi ko alam kung gaano ang aking kasiyahan kapag nagsisilbi ako sa Panginoon, bakit ngayon ko lang ’to naramdaman? Tama ka, Migz may alab ang puso. Kaya nagpaalam ako sa aking mga magulang at pumasok ng kumbento. Eleven years after, nabalitaan ko ang ordinasyon mo. Masaya akong pumunta, well, syempre nakapang madre na ko, kaya siguro di mo ko namukhaan kasi maraming mga madre sa ordinasyon mo ha, ha, dami rin naman kasing tao, sino ba naman ang magpapalagpas sa Ordinasyon ng artistahing si Rev. Miguel Sta. Maria. Sikat na sikat ka nun sa buong bayan ’no, punung–puno ng tarpaulin ang buong bayan natin lalo na nung Thanksgiving Mass mo sa Parokya natin! Hindi magkamayaw ang mga tao sa paghalik sa mga palad mong binasbasan upang magbasbas, mga palad mong dati ay hawak ko, mga kamay mong dating nagpapatahan sa akin. Pero tama na siguro. Hindi na lang muna ako magpapakita sa yo baka kasi magulat ka. Hindi mo nabalitaan ang pagpasok ko sa kumbento pero alam mo, Migz este, “Fr. Miguel”? Nagpapasalamat ako kasi ginamit


4

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

kang instrumento ng Diyos para mapalapit ako sa Kanya. Akala ko ikaw lang ang makakatanggap ng tawag. Pero heto ako, tinawag din ng Panginoon. Gusto kitang kausapin, pero tingin ko, hindi pa tamang panahon para kamustahin ka. Oo masakit sa una ang pakikipaghiwalay mo sa kin ngunit hindi ko alam na pareho tayong magbubunga at makakatanggap ng pagtawag mula sa Diyos. Oo, pinagtagpo tayo pero itinadhana sa iisang Diyos!

❧❧❧ Part 1: Reminiscing “Isang bagong umaga na naman!” Kagigising pa lang ni Miguel at agad tumayo upang ayusin ang mga gamit. Ilang buwan na rin sya sa bago nyang assignment bilang Kura Paroko. Nakabuyangyang pa rin ang mga gamit nya, palibhasa ay busy lagi sa mga Parish works kaya hindi na nya naaayos nang husto ang mga gamit. Bigla nyang nabuklat ang isang litrato ng isang pamilyar na babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. “H-hindi ba ito si Athena? Bakit nandito ang picture nya? Habang tinitingnan nya ang lumang litrato, naalala nya ang huli nyang naging girlfriend bago pumasok sa Seminaryo. “Magpapari ka?” Nang itanong mo yan hindi ko na alam ang sasabihin ko sa ’yo, Athena. Nahihiya ako sa ’yo kasi parang feel mo iniwan kita. Ayokong nakikita kang malungkot. Ayokong iwan ka. At alam mong mahal na mahal kita. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Tinatawag ako sa mas higit na bagay.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

5

Bakit ka umalis? Pagkatapos ng yakap mo sa ’kin, sobra ko bang nasaktan ang pinakamamahal ko? Naiiyak ako kasi ayokong ayoko na nasasaktan ka. Hindi ko naman alam na ako pa ’yung mismong mananakit nang sobra sa ’yo. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ’yo. Pero alam kong magiging masaya tayo sa pinili nating buhay. Hindi ko alam kung nasaan ka ngayon. Ngunit alam ko masaya kang pinaglilingkuran pa rin ang Panginoon. Binalikan ko yung Parokya natin. Hindi ka na pala nagseserve doon matagal na. Hindi na rin nila alam kung nasaan ka; sabi nila lumipat na raw kayo ng bahay. Wala na kong magawa kundi tanggapin na lang at ipagpasa–Diyos na lang din kung nasaan ka man. Alam mo, marami kang naituro sa akin. Tinuruan mo akong mahalin ang Diyos. Ang unahin Sya kahit susunod ka na lang. Alam mo, buti di mo pinagselosan si Lord, no? He, he pero alam ko naman na malinaw sa atin na laging uunahin ang tawag ng paglilingkod bago ang relasyon natin. Napaka perfect mo para sa ’kin, Athena. Nasaan ka na kaya? Good old story itong lahat ng ’to. Miss na miss na kita. Sana makausap na kita. (May katok sa pinto) “Father, male-late na tayo sa Orphanage!” Ay! Oo nga pala, o sya tama na muna ’to. Mag-aayos muna ako ng gamit para sa Charity works ng Parokya.

❧❧❧


6

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

Part 2: Visit

to the Orphanage

(Homily of Fr. Migz) Kung papipiliin nyo ako sa dalawa, kung sino ang mas matimbang, ang Diyos nga ba o ang pinakamamahal ko? Mga kapatid, sa totoo lang ay napakahirap sagutin yan. Ngunit sa Banal na Kasulatan, si Abraham ay minsan nang nalagay sa ganitong sitwasyon. Sa huli, pinili nya ang Diyos na nagbigay sa kanya ng kanyang anak na si Isaac. Ganun din ako, alam kong may plano ang Diyos kaya mas pinili ko Sya sa tinahak kong bokasyon. Naranasan kong magmahal ngunit mas naging matimbang ang pagmamahal ko sa Diyos na nagdala sa akin sa pagkapari. (Pagkatapos ng Misa) Teka nga, bakit parang anlalim ng hugot ko dun sa sermon ko? Arghhh! Hmpf! Pero okay na nga ’yon. Mabuti na rin na naikwento ko ang maikling istorya ng aking bokasyon. Sandali nga. Asan na ba ’yung breviary ko at makapagdasal na nga bago kami tumuloy sa Orphanage. Eto naman kasing isang ’to akala ko naman eh tutuloy na kami sa Orphanage yun pala ay may Misa pa pala ako rito. May kumatok sa pintuan at narinig ang nagmamadaling tawag sa kanya. “Father! Asan na po kayo? Handa na po ang sasakyan papunta sa Orphanage eh kayo na lang po iniintay namin.” Huh?! eh akala ko ba ay tanghali pa tayo pupunta? Naku, ayus-ayusin nyo yan ha! Nililito nyo ako.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

7

“Naku pasensya na po Padre, nagkaroon lang po talaga ng pagbabago sa schedules, he, he.” O sya, ano bang schedule natin dun? “Ah, eh mag lunch daw po muna kayo kina Sister para makapagpasalamat po sila sa inyo.” O sige. Tara na. Pero samahan nyo ako magdasal ha, habang nasa byahe. Di magkamayaw sa ingay ang sasakyan nina Fr. Migz. Palibhasa ay puro mga kabataan ng Parokya ang mga kasama nya. O tara na! Magdasal na muna tayo, wala pa tayong basbas sa ating pag-alis. “Uy ha, Pads! Magkwento ka naman! Sino po ba yung minahal nyo? Eh parang anlalim po ng hugot nyo kanina sa Misa, ha?” Napangisi si Fr. Migz, “Ay kayo talaga! Tsaka na yan! Unahin muna natin ang Orphanage, kayo talaga pag Love Story ang sisipag nyo pero natutulog naman kayo sa Misa.” “Pads hindi po kami natutulog ha! Nakuu ha, ha, ha, ha,” tugon ng isang binata habang inabot kay Fr. Migz ang mikropono upang masimulan na ang pagdarasal. Agad namang binuksan ni Fr. Migz ang mikropono at nilakasan ang boses “WEHHH! Kitang kita ko sa mga mata ko na tulog kayo HAHAHAH!” “Eh pads naman, eh! Ang lakas ng boses mo magigising talaga kami!” “O sya magdasal muna tayo!” habang hawak ang Rosaryo sa mga kamay nito.


8

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

“Sige po Pads!” sabay nilang tugon. “WELCOME TO ST. MICHAEL’S ORPHANAGE” O nandito na pala tayo! Salamat sa Diyos! Tara na! Agad kinuha ni Fr. Migz ang mga gamit mula sa sasakyan. Bumungad naman sa kanila ang mga Sisters na nagpapatakbo ng Orphanage. “Welcome po, kayo po ba ang kura paroko ng Parokya ng Banal na Mag-Anak?” “Ako nga po. Naku napaka peaceful naman po rito!” “Ay naku padre! Huwag ka na magpatumpik-tumpik pa, alam namin na gutom na kayo kaya tara na po at kumain na muna tayo.” Agad na itinuro ng mga Sisters ang dining hall para sa kanilang salu-salo. Sa loob ng silid ay makikita pa rin ang mga lumang gamit nito, kahit luma na ang gusali ay nananatili pa ring maganda ang structure nito. “Magandang tanghali, Padre! Welcome po kayo rito! Naku Padre, maraming salamat po sa pagpapaunlak na mabisita kami ng inyong parokya,” sambit ng isang madre. “Naku, Sister! Wala po iyon, bilang mga Katoliko po ay nakatatak na sa atin ang pagtulong.” “Eh Padre, dito mo na ituloy yung kwento ng pagmamahal mo, YIEEE,” agad namang sabat ng mga kabataan. “Hay naku talaga kayo!” napangisi na lang si Fr. Migz.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

9

“Ay naku Sisters marami pa namang nagkagusto raw kay Padre noong kabataan nya pero nagpari sya eh,” kwento ng mga kabataan habang nakangisi naman ang iba. “Eh bakit mo nga raw naisipang magpari, Padre? Ikwento mo na at baka may mainspire ka pa sa mga Youth mo,” sabi ng isang madre habang inaabot kay Fr. Migz ang ulam. O sya, ganito kasi iyan, pag nagmamahal ka, wala kang magagawa kundi patuloy na magmahal; ni hindi mo gustong masaktan ang minamahal mo, pero paano kung mamimili ka sa dalawang pagmamahal, papaano ka makakapili sa dalawang mabuting bagay? Isa lang, mas piliin mo ang pagmamahal ng Diyos na magdadala sa iyo sa kasiyahang magtatagal. Yun ang tunay na pagmamahal, may magsasakripisyo pero it can be a great sacrifice. Sabi nga, there is no covenant if there is no sacrifice. Pag nagmamahal ka, magsasakripisyo ka. “Sobrang lalim naman nyan Padre. Naku mukhang may magpapari na rin sa ’min,” agad turo ng mga kabataan sa isang binata sa dulo ng lamesa. Agad pinuntahan ni Fr. Migz ang binata at tinapik ang mga balikat. “Iyan ang ipagdasal natin; hwag natin iasa na kapag may bokasyon ka, magiging pari ka sa dulo. Dahil ang tawag ay may response. Kung hindi ka magrespond, tingin mo magiging pari ka? Hindi! It is a process kaya ipagdasal pa natin sila mga anak, ha? Na palakasin ang kanilang loob na sagutin ang tawag ng Diyos.” “Ay naku, Padre, base sa sinasabi mo, naaalala ko yung pinakabago naming Sister dito, ganyan na ganyan ang kanyang vocation story,” tugon ng isa sa mga madre.


10

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

“O, salamat sa Diyos! Dumarami ang bokasyon!” “Eh kaso bigla syang nawala. Kanina nandito sya, kanina eh nakikinig sa ’yo. Wait, THERESE!!! Nasaan ka na? O bigla ngang nawala.” “Ay okay lang po ’yun Sister, baka may ginagawa lang sya.” “Alam mo ba Padre, iyang si Therese ay napakahalaga sa pamilya nila, unica hija, isa sa mga babaeng hindi mo aakalaing magmamadre, maganda, akala mo ay artista. Akala namin Rose ang pangalan nya alinsunod kay St. Rose of Lima pero sinabi nya na Patrona nya si St. Therese kaya napili nya ito.” “Wow! May debosyon po pala sya kay St. Therese! Ang patron ng mga misyon! Tunay ngang may misyon po sya! Amen!” May isang malamig at kilalang boses ang narinig ni Fr. Migz — “Sandali lang ho, Sister! At may tinapos lang po ako sa labas.” “O andyan ka na pala. Eto si Fr. Migz yung kura paroko ng Parokya ng Banal na Mag-Anak.” Lumingon si Fr. Migz —

❧❧❧


170

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

Part 32: Best

Friend?

Makalipas ang tatlong linggo…. “Uy Athena ha? Sikat ka ngayon sa buong Diocese!” salubong ni Kristine. “Ano ka ba? Date lang naman nila ni Miguel yon ano? Tsaka ano ka ba? Dumagundong lang naman ang buong Diocese ngayon sa angelic voice ni Athena no?” sabat ni Trisha. “Wait! Trisha? What do you mean?” tanong ni Athena. “Hmmm pagkakaalam ko lang naman Athena ha? Matunog kasi ang pangalan mo.” “Saan?” “Remember? May ordination bago ang graduation natin sa school. Matunog ang pangalan mo na baka ikaw ang kumanta ng Salmo.” “Ehhh! Ano ba yan nakakahiya ’yon no?” “Lah? Bat ka naman mahihiya? Eh para naman kay Lord ’yun di ba? Alam mo Athena, you’ve gone so far…,” ani Laika. “Wait lang ah! Ang ganda kasi talaga ng rendition nyo ni Miguel ng “Ave Maria.” Sino ba kasi ang nagpost ng video mo?” tanong ni Kristine. “Hindi mo ba alam Kristine? Eh alam mo naman famous itong kaibigan natin mula nang mag Salmo sya sa Parish, di ba?” “Ayyy nakakahiya talaga!” ulit ni Athena.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

171

“Uy ghorl? Ano ka ba? Bakit ka naman mahihiya? You have an angelic voice kaya, perfect kayo ni Miguel,” diin ni Trisha. “Tsaka wala pa naman nagsasabi sa ’kin no?” Sya namang pagtunog ng phone ni Athena, may unknown number na tumatawag. “Uy wait guys!” “See? Yan na ’ata yan Athena.” Sinagot ni Athena ang tawag. “Hello?” “Hello Ms. Athena!” “Ah hello, sino po ito?” “Sa Diocesan office ito. We got your number from your parish office.” “Yes po?” “We would like to ask if we can request you to sing the Responsorial Psalm for our upcoming ordination?” “Halaaa!? Seryoso po?” “Yes, our bishop and our church workers will be happy to hear your angelic voice at the Ordination,” sagot sa kabilang linya. “Opo, opo tinatanggap ko po.” “Salamat, I will notify you about the details, Ms. Athena.” “Sige po, salamat po.” Pagkababa ng phone, buong sayang napasigaw si Athena: “Ohhh myyy gaaals! Tinawagan ako ng Diocese!”


172

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

“My gosssh! Ano sinabi?” usisa ni Trisha. “You’re right! Kinukuha nga ako, haaay kinabahan ako bigla!” “See? Hindi nga kami nagkamali, hmmm kelan ba practice nyo? We are so proud of you Athena!” buong tuwang nasabi ni Kristine. “Pride ka talaga ng Parokya no!” pagmamalaki ni Laika. “Sabihin mo na kay Miguel no?” “Hindi na kailangan, narinig ko na!” “Uyy! Migueeel! San ka ba nanggaling?” tili ni Trisha. “Migzzz! Kakanta ako sa Ordinatiooon!” “Hmmm kelan nga ba ulit yon?” “Wala pang official date eh! Pero before yun ng graduation natin!” “Hmmm kelan ka magpraktis?” “Inotify na lang daw ako ng Diocese! Waaaah!” Niyakap ni Athena si Miguel sa tuwa. Kinilig naman ang mga kaibigan nila. “Congrats Athena!” “O Edward? Anong ginagawa mo rito?” bati ni Trisha. “Edwaaard? Bakit ka nandito? Kala ba namin iiwasan mo na sina Miguel at Athena?” tanong ni Kristine. Dinagdagan pa ni Laika ng babala: “Naku umalis ka na! Alam mo kung gaano kami kabangis.” “Uy! Easy lang kayo ha? Tsaka alam nyo naman na mabait ako di ba?” pakiusap ni Edward.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

173

Hinarap naman siya ni Athena, “Edward? Di ba sinabi ko na ’wag mo na kami guluhin ni Migz?” “I came here just to say Congratulations sa ’yo. Besides, gusto ko lang sabihin sa inyo na sa mga nakaraang araw may narealize ako. Iba pala talaga ang gusto ko.” “Good for you Edward,” tugon ni Athena. “And its you!” Sabay tingin kay Trisha. Hindi nakakibo si Trisha sa sobrang pagkabigla. “Yes, ikaw yun, Trisha!” ulit ni Edward. At biglang nagtilian sina Laika at Kristine sa narinig nila. “Alam ko namang crush mo rin ako, bakit naman ayaw mo pa ba maniwala?” sabi ni Edward. “Hoi Anong crush?” tutol ni Trisha. Pero binisto naman sya ni Laika. “Ngayon ka pa ba magsisinungaling Trisha? Ano ka ba? Nandyan na nga ’yung crush mo oh?” “Ay naku ka Trishaaa!” sigaw naman ni Kristine. “Uy wait!? Bakit hindi ko ’to alam?” tanong ni Athena. Sumagot naman si Laika, “Ay naku? Gusto mo malaman ang totoo Athena? Okay sasabihin ko sa ’yo next time.” “So pwede ba kita mayaya mamaya, Trisha?” tanong ni Edward. “San naman?” “Sa simbahan sana.” “Ay wooow, ginagaya mo mga moves ni Miguel ah?” kantiyaw ni Laika.


174

Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

“Uy hindi naman, talagang nagseserve lang ako sa simbahan.” “So ano na ang sagot mo, Trisha?” “YES! Pero ihahatid mo rin ba ako pauwi? Hahah alam mo naman, strict parents ko.” “No need, nakausap ko na sila.” “For reeeaaal??? How?” “Don’t worry, they are good! Actually they are planning to meet me later.” “Hala ka Trishaaaa!” sabi ng kinikilig na Laika. “Haaay naku ka Edward! Dapat sinasabi mo muna sa ’kin ang mga plano mo sa buhay.” “Don’t worry. Meet you later.” Umalis na si Edward at natira na lamang sila. “Uy nagtext na Migz, ang sabi punta daw tayo later sa Parish Choir loft.” “Hmm? Tayo? Kasama ako?” “Yes!” “Sure sila ha?” “Ano ka ba? Maganda naman boses ng Migz ko eh di ba?” “Uy Trishaaa? Anong nangyayari sa ’yo? Pulang pula ka naman!” sigaw ni Laika. “Uy Laika, ano na nga ba ang sasabihin mo?” paalala ni Athena. “Want me to explain Trisha?” alok ni Laika.


Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos

175

“No, ako na lang. I’m sorry Athena. Matagal ko na talagang gusto si Edward, actually dapat manghingi ako ng sorry sa ’yo kase… siniraan ko sya sa ’yo.” “Wait? What?” di makapaniwala si Athena. “Uy ano yan? Hindi ko alam yan.” “I’m sorry guys! Nagsinungaling ako… dapat matagal ko nang sinabi. Hindi totoo na maraming babae si Edward. Hindi totoo na basagulero sya. Ako ang dahilan kung bakit naging ganoon ka obsessed sya kay Athena kaya nakakagawa sya ng mga ganung bagay. Napakabait talaga ni Edward, at hindi ko makaya na makita sya na kasama ang bestfriend ko. I’m sorry for being selfish Athena.” “So you’re saying pinaglaruan mo feelings ko?” “But look at you, you have Miguel na naman di ba?” “Kahit na! So all this time? Pinagmukha mo akong utouto? How could you?” “I’m really sorry Athena. I’m sorry sa nagawa ko.” “Now? Successful ka na ba sa plano mo kaya ka ganyan? My goodneesss! Hindi ko inexpect to, lalo pa sa ’yo na kaibigan ko. Bakit mo nagawa ’to sa ’ken?” “Naiinggit ako sa ’yo Athena, bakit ikaw? Andali dali mo makuha mga gusto mo.” “Hindi sapat na dahilan ’yan Trisha.” Umalis na si Athena at hinila si Miguel palayo sa kanila.

❧❧❧



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.