4 minute read
Prologue
PrOlOguE
Paano kung hindi na lang tayo naghiwalay? Paano kung tayo pa rin hanggang ngayon?
Advertisement
Ang sakit sakit naman Migz! Pero dahil kagustuhan mo, at kung diyan ka talaga tinatawag, masaya na rin ako.
Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal no? Handa akong magparaya, sumaya ka lang.
Wala lang, naaalala ko lang yung mga panahon na magkasama tayo sa Parokya; isang tambalan tayo noon, actually nagsimula lang sa asaran, hindi ko naman alam na tototohanin mo. Para sa ’kin ang perfect perfect mo Migz! Hindi mo ko hinayaan sa lahat ng bagay, altar server ka, ako naman lector.
Ang swerte ko nga sabi nila kasi may nagtatapat sa akin ng electric fan kapag Misa, ha, ha (di ba ganda ko, ghorl?). Andami-dami kong masasayang moments sa ’yo. Sabay tayong umaalis para puntahan ang iba’t-ibang Marian Shrines, parehas kasi nating love si Mama Mary eh, at saka naging tayo nung birthday nya kaya laking pasasalamat ko rin kay Mama Mary na dininig nya ang panalangin ko sa isang lalaki na walang hanggan ang kabaitan. Salamat sa prayers, Mama Mary!
Alam mo ba, Migz? Pasasalamat ko sa ’yo kasi sa pagmamahal ko sa ’yo, mas lalo ko ring minahal ang Diyos; ang dami mo kasing alam sa Simbahan. Lalo tuloy kitang minahal. Sobra sobra, Migz.
Napakaperfect boyfriend mo para sa akin, hinding hindi ka nagkukulang. Minsan ako na nga yung laging sinusumpong pero nandyan ka pa rin.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos
February 14, akala ko perfect scene na eh. Nasa simbahan tayo. Niyaya mo ko, pero may kulang eh. Akala ko naman isusurprise mo ko. Akala ko magiging masaya ako sa sorpresa mo. Talagang simbahan pa yung napili mong place ha? Dumating ang oras na lumamig na ang simoy ng hangin, bumagsak ang buhos ng ulan kasabay ng pagtangis mong hindi mo na naiintindihan ang sarili mo. Pilit kitang iniintindi baka kasi mamaya naistress ka lang sa school pero sabi mo hindi. May iba sa puso mo na hindi mo alam, nagbabaga. Nagjoke pa ko sa yo nun! Sabi ko baka naman natapat ka lang sa apoy kasi mukha kang uling.
Pero sabi mo it’s not the right time for my jokes. So I stopped. Sabi mo gusto at mahal na mahal mo ko. Nung time na yun, wala na, alam ko na sasabihin mo. So sinabi ko sa yo, “Magpapari ka?”
Tumingin ka sa kin at hinawakan ang mga kamay ko pero tinanggihan ko. Nakaramdam na lang ako ng lungkot. Bakit nga ba sa lahat ng lalaki sa mundo, ikaw pa ang nakatanggap ng tawag mula sa Kanya? Napatingin na lang ako sa krus sa harap. Tiningnan ko lang si Lord at kinausap sya nang may ngiti sa aking mga labi. Sinabi ko kay Migz, “Ipinagkakatiwala na kita kay Lord,” after nun, niyakap ko sya at umalis na ako.
Kahit umuulan, dere-deretso akong naglakad, di ko alam ang gagawin ko. Basang-basa na ko. Ewan, gusto ko na lang maglupasay. Bakit ikaw pa? Pero sa kabila nito sinundan mo ko at niyakap. Sobrang memorable ng Valentine’s Day na to no? Hindi nga lang masaya para sa tin, pero masaya na ko para sa ’yo.
Pinagtagpo pero Itinadhana sa Iisang Diyos 3
Ang hina hina ko naman kasi eh! All this time, alam ko naman na pwedeng mangyari ’to pero bakit hinayaan ko pa!
Oo sa una, masakit. Pero unti unti, mas nakita ko ang kahalagahan mo sa Simbahan. Mas mabuti na nga na magparaya kasi mahal kita at mahirap karibal ang Diyos.
After ng pangyayaring yon, hindi na kita nakausap. Ako, may bago na ring buhay. Ayoko nang guluhin ka; inalis ko na lahat ng posibleng komunikasyon natin.
Nagalit ako sa Diyos after nun, sobrang dami kong pinagdaanan pero sa kabila ng lahat ng ’yun ay narinig ko pa rin ang tawag ng Diyos. Hindi ko alam kung gaano ang aking kasiyahan kapag nagsisilbi ako sa Panginoon, bakit ngayon ko lang ’to naramdaman? Tama ka, Migz may alab ang puso. Kaya nagpaalam ako sa aking mga magulang at pumasok ng kumbento.
Eleven years after, nabalitaan ko ang ordinasyon mo. Masaya akong pumunta, well, syempre nakapang madre na ko, kaya siguro di mo ko namukhaan kasi maraming mga madre sa ordinasyon mo ha, ha, dami rin naman kasing tao, sino ba naman ang magpapalagpas sa Ordinasyon ng artistahing si Rev. Miguel Sta. Maria. Sikat na sikat ka nun sa buong bayan ’no, punung–puno ng tarpaulin ang buong bayan natin lalo na nung Thanksgiving Mass mo sa Parokya natin! Hindi magkamayaw ang mga tao sa paghalik sa mga palad mong binasbasan upang magbasbas, mga palad mong dati ay hawak ko, mga kamay mong dating nagpapatahan sa akin. Pero tama na siguro. Hindi na lang muna ako magpapakita sa yo baka kasi magulat ka. Hindi mo nabalitaan ang pagpasok ko sa kumbento pero alam mo, Migz este, “Fr. Miguel”? Nagpapasalamat ako kasi ginamit