Prologue Paano kung hindi na lang tayo naghiwalay? Paano kung tayo pa rin hanggang ngayon? Ang sakit sakit naman Migz! Pero dahil kagustuhan mo, at kung diyan ka talaga tinatawag, masaya na rin ako. Siguro nga ganun talaga pag nagmamahal no? Handa akong magparaya, sumaya ka lang. Wala lang, naaalala ko lang yung mga panahon na magkasama tayo sa Parokya; isang tambalan tayo noon, actually nagsimula lang sa asaran, hindi ko naman alam na tototohanin mo. Para sa ’kin ang perfect perfect mo Migz! Hindi mo ko hinayaan sa lahat ng bagay, altar server ka, ako naman lector. Ang swerte ko nga sabi nila kasi may nagtatapat sa akin ng electric fan kapag Misa, ha, ha (di ba ganda ko, ghorl?). Andami-dami kong masasayang moments sa ’yo. Sabay tayong umaalis para puntahan ang iba’t-ibang Marian Shrines, parehas kasi nating love si Mama Mary eh, at saka naging tayo nung birthday nya kaya laking pasasalamat ko rin kay Mama Mary na dininig nya ang panalangin ko sa isang lalaki na walang hanggan ang kabaitan. Salamat sa prayers, Mama Mary! Alam mo ba, Migz? Pasasalamat ko sa ’yo kasi sa pagmamahal ko sa ’yo, mas lalo ko ring minahal ang Diyos; ang dami mo kasing alam sa Simbahan. Lalo tuloy kitang minahal. Sobra sobra, Migz. Napakaperfect boyfriend mo para sa akin, hinding hindi ka nagkukulang. Minsan ako na nga yung laging sinusumpong pero nandyan ka pa rin. 1