Mga Nilalaman Panimula 1 Panalangin kay San Jose para sa isang Magandang Kamatayan
4
Mga Panalangin para sa Nagdurusa at nasa Bingit ng Kamatayan
6
Panalangin para sa Naghihingalo
9
Panalangin Para Sa Yumao (Sa Paglalamay, Pa-Siyam, Ika-40 Araw at Babang Luksa Gayundin sa Pagdalaw sa Puntod ng Yumao lalo na Tuwing Undas) 14 Rosaryo ng Paghihirap para sa Yumaong Mahal
18
Litaniya sa Mahal na Birheng Maria
32
Para sa mga Naulila at sa Lahat ng Natitipon
41
Panalangin para sa Yumao sa Libingan
47
Panalangin kay San Jose ng Pamilya alangalang sa Kanilang Yumao 49
Panimula
I
pinahayag ni Papa Pio IX si San Jose bilang patron ng Simbahan noong 1870. Ayon sa tradisyong Katoliko, namatay siya sa “kandungan ng mga bisig nina Hesus at Maria.” Itinuturing siya na modelo ng magandang kamatayan sapagkat sa huling sandali ng kanyang buhay kapiling niya ang mga mahal niya sa buhay; at nasa pangangalaga siya ng dakilang biyaya dulot ng presensya nina Hesus at Maria. Sa ganoong diwa, tayo ay lumalapit at nananalangin kay San Jose upang katulad niya, tayo o ang mga mahal natin sa 1
buhay ay makabahagi rin sa biyaya ng magandang kamatayan. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
2
Pambungad na Panalangin
O
mapalad na San Jose, doon sa mga bisig ni Hesus at ni Maria pumanaw ka at naghandog ng iyong huling hininga, hinihiling ko sa iyo na ipamintuho para sa akin ang biyaya ng isang maligayang kamatayan. Ipagtanggol mo ako sa lahat ng kasamaan, lalo na sa huling oras ng aking buhay. Tulungan at protektahan mo ako sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, at kamtin para sa akin ang biyaya ng magandang kamatayan. O banal na San Jose, sa iyong mga kamay habilin ko ang aking puso at buhay. Amen. 3
PANALANGIN PARA SA YUMAO (Sa paglalamay, pa-siyam, ika-40 araw at babang luksa, gayundin sa pagdalaw sa puntod ng yumao lalo na kung Undas) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Panalangin ng Pagsisisi
P
anginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao ring totoo, nagpakasakit at ipinako sa krus para sa kaligtasan ng lahat ng tao. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang lahat ng pagkakasala ko sa Iyo, Ikaw na 14
aking Diyos at Panginoon na iniibig ko nang higit sa lahat. Matatag akong nagtitika na di na muling magkakasala sa Iyo at magsisikap na ikumpisal ang lahat ng aking kasalanan. Umaasa ako sa Iyong kapatawaran alangalang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay sa krus nang dahil sa akin. Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa Iyo nang buong puso. Walang nagtiwala sa Iyo na nabigo; simula ngayon, buong puso kaming susunod, sasamba at magpupuri sa Iyo. Huwag Mo kaming biguin yamang 15
Ikaw ay maamo at mapagkalinga. Kahabagan Mo kami at saklolohan. Muli Mong iparanas sa amin ang Iyong kahanga-hangang pagliligtas nang sa gayo’y muling dakilain ang Iyong pangalan, Panginoon. Panimulang Awit: Salmo 22: 1-3a, 3b-4, 5, 6
PASTOL NA NAGTATAGUYOD, SA AKIN AY KUMUKUPKOP Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop Ang Panginoong ating D’yos. Buhay ko’y di magdarahop, ako’y di maghihikahos. (T) Sa mainam na pastulan, ako ay pinahihimlay; 16