KALYO
pirso
png. Isa sa mga bahaging kinalalabasan ng paghahati o pagkasira.
PI RA SO
THE PHILIPPINE ARTISAN MANILA EDITORIAL BOARD AND STAFF EDITOR-IN-CHIEF
John Carlo T. Gasic
ASSOCIATE EDITORS
Delfin Andy B. Alferez Francis Jemaiya C. Arce
MANAGING EDITORS
Kyle Shaun M. Aquino Adriel C. de Guzman
CIRCULATION MANAGER
Alrianne Jake C. Rol
NEWS EDITOR
Jan Miguel L. Garcia
FEATURES EDITOR
Joseph Roden B. Bonita
LITERARY EDITOR
Maron Liam F. Madulid
SPORTS EDITOR SENIOR STAFF WRITERS Mari-mar E. Bañares Faith G. Fidel Joanna Mae P. Barba Chandler E. Cachuela Mary Elaine M. Candoy Aubrey Gee S.A Duat Gianna Lei Pahuyo Mary Claire B. Caliplip Precious Grace Erine Jhomel Y. Guiuan Arlene Grace C. Tuazon John Carlo T. Valenzuela Katrina P. Viron
Arianne B. Diaz JUNIOR STAFF WRITERS Angela Grace Alfaro Cedrick Jay Antonio Kimberly Joice Bacos Marimar Balon Geline Mae Bertuldo Marianne Lois Boncolmo Melanie de Leon Sean Alexis Escullar John Peter Magbuhos Mary Colleen Nagera Abegail Sam Sadia Eloise Laine Sombillon Bhea Clarisse D. Tercias
CARTOONISTS
PHOTOJOURNALISTS
Ezekiel Lenin Aranzanso Jilmer Dapulang Elizabeth Bato Noeh de Torre Bryce Mercines Anne Liezel Pimentel John Kevin Roman
Adam Sewane Adrian Joseph Arbon Edd Kenneth Caayao Rochelle Lazada Bianca Lorrein Antonio Lieshan Bernadit Arianne Cano
LAYOUT ARTISTS Mark Polido Jayson Astudillo Robelynn Masindo
OSA DIRECTOR Margaret S. Aquino
“Every man's work, whether it be literature, or music, or pictures, or architecture, or anything else, is always a portrait of himself.” -Samuel Butler
6
K A LY O : P I R A S O
MULA PUNONG SA PATNUGOT
K A LY O : P I R A S O
Sa pagkalagas at pagkawala ng mga pirasong ating binubuo ay saka pa lamang natin napagtatanto ang kahalagahan nito. Ang pirasong ikinukubli tuwing may liwanag at binubuo sa pagsapit ng dilim ay tila katotohanang kahit sa panaginip ay hindi maaaring mangyari. Bagamat kulang, bahagi pa din tayo ng isang rebolusyong makabayan, o pag-ibig na banal, o ng pag-asang umahon, ngunit ay unti-unting nauupos sa pagkawala ng isang parte natin. Ngayo’y inaabot ka ng piraso mo para muling mabuhay, hindi huminga. Lumaban, hindi sumuko. Bumangon at sumali sa agos dahil, Sa bawat piraso ay nanduon ako. Sa bawat piraso ay nanduon ka. Sa bawat piraso ay nanduon tayo. Sapagkat ang bawat piraso ay ang ating kahapon, ngayon at hinaharap. Ang panulat ng pahayagan ay isang basag na bahagi ng salamin, at ang bawat letra, dibuho, imahe, linya’t kulay na nailimbag sa Kalyong ito ay nagmula sa sugat ng mga mamamahayag pang-kampus. Para sa iyo ang folio na ito, Iskolar ng Bayan. Para sa patuloy na pagsulong, paninindigan at paglaban!
Turno en Contra!
John Carlo T. Gasic Punong Patnugot 2016-2017
7
8
K A LY O : P I R A S O
B A R A N _
b r n+ di l+ y
10 12 14 15 16 17 18 19 20 22 23 24 26 27 28 30
HULING SIGAW TRIANGULO WEAVER’S CRY LAYAG LIGALIG ENTITLED PEDRO MULA KALYE 44 ABO MAGPAKAMANHID PANTASA KALIWA’T KANAN EXULANSIS KALASAG NG USANG SUGATAN THE CRIME BROKE PHLOGISTON
K A LY O : P I R A S O
D I L Y A 31 32 33 36 37 39 40 42 44 45 47 48 49 52 53 54
SEIGE EVER AGAIN TAGUBILIN AKO ANG BAWAT LIKHA TINTANG ITIM DECEPTION IKAW ANG PARATI SINO AKO AT SINO SIYA OLYMPUS COMEDY MALACH HAMAVET THE PLIGHT OF ICARUS ACHILLES DROWN MACABRE CRONE ALLEGORY
59 60 62 64 66 68 69 71 72 73 76 80 82 87 88 89 92
A LITTLE FAR FROM DISNEY DUYAN THE STORY OF THE PASSING WIND LULLABY TAMIS NG UNANG TIKIM COULD THE UNREAD MASQUERADE THE VANISHING OF ICARUS LUMOS MAXIMA ANG MAHIWAGANG SORBETES NI ALING MARYA
PIECES OF THE UNIVERSE KUNG BAKIT SIYA AT HINDI IKAW SIREN AND SORROW
911 BUKANGLIWAYWAY SIKRETONG PANANAMPALATAYA
9
10
K A LY O : P I R A S O
Huling Sigaw REVAS HADRA
Inangbayan, Inangbayan Bakit mo ako pinabayaan Ika’y aking minahal ng lubusan Inangbayan, Inangbayan Ano ang aking ginawa? Para ako’y matapat sa maling hinuha? Kung gayon, at wala kang sagot sa aking dinggin Ito, ang aking sumpa, mula sa huling hinga, tanggapin: Inangbayan! Inangbayan! Sa iyong paglapastangan sa akin Sa iyo ang balik ay sampuin Ang ngalan ko na iyong nilapastangan Ang ngalan mo sa sariling taumbayan ay kakalimutan! Inangbayan! Inangbayan! Sa iyong pagtalikod sa akin Ay balik sayo ang lahing walang dalangin Sa lahat ng taumbayan na taglay mo Ni isa, walang tunay na magmamahal sa iyo
K A LY O : P I R A S O
Inangbayan! Inangbayan! Sa sakit ng bawat taga, dinggin mo ang aking pag-ungol Sapagkat ang lahi mo sa bisyo malululong Inangbayan! Inangbayan! Sa ginawa mong pagloko sa akin Ang bayan mo sa kasinungalingan madidiin Nang sa gayon, hindi nila malalaman Ang pinagkaiba ng totoo at hindi Maging ang kabataan mo mismo ang sanhi Inangbayan! Inangbayan! Dinggin mo aking huling mithi Kung paano ang katawan ko’y pinaghati-hati Ganoon din ang paggahasa sa iyo ng mga dayuhang puti! Inangbayan! Inangbayan! Makinig ka sa aking sumpa Sa habang buhay ng sansinukob Ikaw sa buong kasaysayan ay dukha Ang sumpa ni Andres Bonifacio
11
12
K A LY O : P I R A S O
TRI NGULO BHEA CLARISSE D. TERCIAS
Panatiko, Pulitiko at Pilipino --Tatlong tau-tauhang bumubuo sa triangulo. Ang pangalawa’y nasa kaitasan, natural, Ang dalawa nama’y mga paa ng kaniyang karo. Panatiko --Taga-alay ng sampaguita sa mga pangalang pinabanguhan At sa kulay na pilit ang tingkad. Tila hindi na nakausad sa panahon ng mga ninunong Pagano, Hindi nakuntento sa dalang Sto. Niño ni Magellan at ibang conquistador. Humanap pa ng ibang sasambahin, hindi lang kahoy --May buhay rin. May buhay na gaya niya. Pulitiko --Buhay na patunay na hindi lang sa piksyon at sa Biblia Natatagpuan ang mangungusig na mapagbalat-kayo. Bulaang tagapagligtas ng bayan mula sa sarili nito. Demokrasyang ipinangakong nauwi sa Pasismo. P-Pili… Nasaan na ang Pilipino? Hayun siya’t nahihimbing pa sa lilim ng kahapon. Lulong sa euporya’t halusinasyong may kasarinlan pa ngayon. Juan, hanggang kailan mo pipiliing maging bulag na disipulo Ng mga dios-diosan at ideolohiyang hindi iyo?
K A LY O : P I R A S O
SILANG NASA ITAAS Potograpiya Lieshan Bernadit
13
14
K A LY O : P I R A S O
Weaver’s Cry
FRANCIS ARCE
I weep for the sun and its fate As it falls on the western shore And rises on the eastern mountain For it sees all things and says nothing I cry for its rays and its light For even if the heat is intense Its warmth never reaches hell Though it scorches heaven and earth I pity the embroidery of bravery At the flag of my beloved country Whose rays are those who fought And died for freedom, yet slavery won The sun is dead as all of its colors The hue of the sky and the shade of blood Of the blameless purity and false unity I envy the sun, for it no longer lives when it sets
K A LY O : P I R A S O
PHOENIX Nang ang masa’y nakinig sa panaghoy ng tabak at pluma Bumangon ang patay , dumaloy ang luha Tinapos ng liwanag ang laban ng dilim Tronong ginto’t pedestal na marmol ay naupos na Sumigaw ang langit sa ingay ng mundo… Nang dumaan ang malakas na unos Ang ugong ng pagwawakas ay sumiklab Nagsindi ng sulo ang galit na puso Dati’y basag na salamin, ngayo’y naging buo Ang mga piraso ay nagsama-sama… Nagwakas ang dilim sa pagbukas ng apoy Na siyang tumupok sa daigdig at katawan nila Nasilaw ang diwa’t kalul’wa ng lupa Naabo’t naubos ang hinagpis ng bayan At ang paglaya ay makikita na…
15
16
K A LY O : P I R A S O
ligalig RED BONITA
Baryang kumakalansing, Pamalit sa tiyang humahapdi Pira-pirasong tinapay, Kinakain ng paunti-unti. Ang simula ng bukang liwayway Kalakip ay mga busina sa paligid. Usok dito, usok doon Langhap ng utak na ligalig Ang suot na kahapon, Suot pa rin hanggang ngayon. Dungis ay nagkalat Sa damit ng buhay na salat. Sugat na nagmula noon Tila isang makamandag na lason Nagpabalisa, nagpamanhid Aking tiniis ng mahabang panahon Isipang wala sa kamalayan, Narito’t ngayo’y nakahandusay. Walang laban, walang pag-aalinlangan “Palimos po”, ng kapiraso ng masayang buhay.
K A LY O : P I R A S O
ENTITLED
JAN MIGUEL GARCIA
Four in the morning cites the rooting Crop trimmed on a farmer’s loan and interest Watered wheat from a ration’s shelter Plowed by a carabao’s racket in old days way A brimmed hat and a woolen shirt to glaze the heat Neither the land is them nor proof to give Four months tracked as where to eat Lest seven coins where daily minimum to fit Even a rat would suffice to taste and salted Damage crops will be good as dead This land dates back as ancestors born Where no title to present, they present us with guns
17
18
K A LY O : P I R A S O
PEDRO
MULA KALYE 44 BHEA CLARISSE D. TERCIAS
Limandaang piso Pantustos din yan sa bisyo Sa panggatas ni bunso Sa paggamot ni lolo Tinyo. Ano ba naman ang isang boto Kumpara sa kalam ng sikmura ko? Hindi ako deboto ng kahit anong Santo Ni laman tuwing Biyernes ng Quiapo, Pero laman ng dasal ko ang pagsamong H’wag sana ‘tong abutin ng kaapu-apuhan ko. Mga pangakong ipinako; Mga pagkukulang na hindi inako; Mga naghahari-hariang trapo; Paulit-ulit na siklo--Nasaan ang dulo?
Kayod kabayo sa maghapong nakakahapo Kapalit ng pantawid gutom halos mamiso Barya-baryang natitira sa sweldo Habang ang mga nasa puwesto’y nakaupo Walang kahit gabutil ng pawis sa kanilang noo Lagi lang bang ganito? Baka mali na tinanggap ko Ang limandaang piso Mula sa nakapulang barako Kapalit ng anim na taon pang panggagago Ngunit kanino pa ba ako makakatakbo Kung hindi ko masigurado Ang pinagkaiba ng nakabukas na palad sa nakasaradong kamao.
K A LY O : P I R A S O
abo PHOENIX
Huwag mo akong awitan, Sulo Dahil ang tinig mo’y katahimikan sa gabi Ubusin mo ang luha sa iyong mata Liwanag at init mo sa mundo’y wala na Huwag mo sa akin itanong, Sulo Kung ang ‘yong dugo ba’y dumadaloy pa O ang ‘yong laban ba’y tapos na Pagkat nakalimutan na namin kung sino ka Huwag kang tumangis, Sulo Dahil ang lupang tinupok mo’y abo na
19
20
K A LY O : P I R A S O
Magpakamanhid ABEGAIL SAM SADIA
Naglakad ka, Mag-isa, walang kasama. May nakatingin! ‘Wag mo nang lingunin. Maraming mata, Titig na titig. Hindi kumukurap. Ni hindi pumipikit. Alam mong ikaw, Sa’yo nakatingin. Yumuko ka’t, Pigilin ang paghikbi. Ramdam mong tagas, Napakatalim! Itinusok mula likod, Sa harap hindi pinaabot. Magpatuloy ka! Tiisin mo! Tumalikod na’t Maglakad ng diretso. Ganyan ang mundo, ‘Wag ka nang manibago.
K A LY O : P I R A S O
21
BY-PRODUCT KAT CAMAGAY
Water color on paper
22
K A LY O : P I R A S O
Pantasa KYLE AQUINO
Ayaw ko na, ayaw ko nang magsulat Hindi dahil sa ayaw kong magmahal o mamulat Ayaw ko nang magsulat sa maputing papel Na galing sa dati'y mayayabong na puno Kung saan ako noo'y masayang naglaro Anong kapalit ng ganitong sakripisyo? Dunong? Kakayahan? Kalayaan? Hinding-hindi ito masasagot kailanman Bagkus ito'y kamangmangang naisabatas Ng mga taong tingin sa mundo'y patas Isa akong lapis, laging napuputol at napupurol Pudpod na pambura ang aking dala-dala Sa paglalakbay sa mahaba at magulong pila Para lamang ako'y tumulis gamit ang pantasa.
K A LY O : P I R A S O
kaliwa’t kanan GEE
Di ko alam kung saan magsisimula Di ko rin sigurado kung saan ako hahantong Matagal nang naging matapang Hinarap lahat ng hambot ng gabi Minulat ko ang mata para makakita Kumapit ako sa mga lubid Di ako bumitaw kahit pilit na akong hinihila Di ako nagpatalo sa gabi Lumaban para makita ang araw Pero kahit pala anong pagsasayaw ang gawin ko Sadyang darating sa puntong sasaliwa Ang paa’t di makakasunod sa ritmo Kahit ilang beses kong kantahin ang kantang paborito Darating pa ring mawawala ako sa tono Na kahit ilang beses kong itago ang Pares ng tsinelas, Mawawala pa rin ang isa At maiiwan ang kapareha sa sulok ng lamesita
23
24
K A LY O : P I R A S O
Exulansis C R OW
You love to believe in lies.
You always believe in your words but you don't really do them. You said that you are against mental illnesses; that we should always understand the mentally ill and we should not add up to the pain they are experiencing. There was this instance, when someone in our class had a panic attack, you're the first one who said that she was over reacting and we should just ignore her. Do you even know how it feels to have a panic attack? Do you know how hard it is to think straight, when you can't even breathe? It was not me who helped her go to the clinic, but when they passed by, I saw her face. She was so pale, almost not breathing. I can almost see her hopelessness through her eyes. And that's because you add up to the stress she was feeling, you doubled the pain she was having that she passed out. You always say that when people are depressed, we should always talk to them, and let them know that we are here for them. Another lie of yours. But remember what you said when one of our classmates was so sad because her dog died? Remember that? When she doesn't even want to go to school and just lie down on her bed all night and day? Do you also
K A LY O : P I R A S O
remember what you said? "Oh please! That's just a dog! You can buy another one! Just let it go!" I walked her home that day, since you said that we should always talk to depressed people and let them know that we are here for them. She didn't talk to me that day, and I realized that depressed people don't need someone to be there and talk to them. They just need someone to be there so they won't feel alone. Yes, they're still lonely, but at least they're not alone. Especially when assholes like you, told them shit they don't need to hear. I guess you'll never understand.
Those were not only the lies you told me. You also said that when teenage girls got pregnant, we shouldn't judge them. You said that we should accept them, and not let her do any harm to the baby, even if she didn't plan to have it. You told me that the baby is always a gift even if it’s unplanned. It’s really funny how weeks after you told me those words, the girl who had the panic attack, who was also the girl who had been depressed for months, got pregnant after a year. She treated you as a friend. But do you still remember what you said to her when she told you that there's a baby inside her? She trusted you. She was hoping that you'll tell her something that will be really helpful for her and for the baby. But what did you say to her? "Why did you do that? Do your parents know this? You are so sinful. Do you know that it's a sin to have sex without marriage first?" You rained her with questions, no, insults. Until she was just sitting there on the corner, crying and confused. But her sobs didn't stop you. "You’re really crazy, aren't you? You're a crazy lustful bitch! We haven't graduated yet and you already let a guy get inside you!" She was still sobbing, her tears rushing down her face. "You know what? You should get that sinful baby out of your body. At least, the baby doesn't have to be as sinful as his mother will be." You didn't stop talking until she said she felt pain down her tummy. She was writhing in pain. Then you noticed the blood down her thighs... that's the moment when you realized all your mistakes, when it's already too late. You cried. Your tears fell down as the blood on her thighs did. You were so guilty. But it's too late, your tears won't do anything. Your guilt won't bring both of them back into life. Like you. I also can't sleep after that day. Nor the day after that, and the day after that. I realized that I also made a mistake. I took my time observing the irony between you and your words. I just watched her get hurt. I didn't do anything.
25
26
K A LY O : P I R A S O
KALASAG NG USANG SUGATAN FRANCIS ARCE Nakatatak sa seda mong kasuotan Ang bawat luha mong pumapatak At ang perlas mong kwerdas nama’y Ang hirap na yong dinadanas Nakaukit sa mukha mong brilyante Ang tatag na yong tinataglay At sa tindig mong diretso nama’y Ang pagpapanggap sa harap nila Nakapinta sayong mga ngiti Kahit pa ika’y basahan lamang Na kanilang inaapakan O bayarang kanilang pinagnanasahan Ika’y isang gatilyo na naghihintay na iputok Isang kandilang nag hihintay na umapoy Isang tabak na patuloy na hinahasa Isang agos na tatangay sa lupang sinilangan
K A LY O : P I R A S O
A dark alleyway, a perfect spot, like a spider waiting for the lot Aye, this is well for a doer like me, but this was not the fate to be Once I was the top of my gun, on a sober note I mean Working hard under the sun, a man of labor so lean My family – just my wife and I My beloved wife and coming son, in labor did both die Leaving me to grieve with time O, what crime?! What crime?! This world has taken all from me In darkness, monsters came to be Alas, not light, but shadow paved the way: Be a guise against this world’s horrid way Footsteps clop from the distance incoming Aha! Another soul has braved my turf, so becoming To regret none and live a thief’s gauge This is the act I take in the world’s stage Wait! . . .Who is this one that dares? A cop? A mugger? A thief alike compares? With his gun, he pointed and fired! And I, at the other end, riles The last piece of who I am, taken in flash Now I can say with truth in cold This world is the greatest thief of old A crime, this world, behold.
The Crime
REVAS HADRA
27
28
K A LY O : P I R A S O
BROKE L E S T E R U L I TA
K A LY O : P I R A S O
Walking In a red silk blouse A man starts his voice, refined cultured. Cautious I whisper, seeing the dark inside of my eyes Every man started off this way Feeling his breath under my washed silk Unbuttoned all the way down to my thighs Started sizzling my sensual journey Tracing my current desire Repressing my sexual feeling Confronts evil, perversity and my long-forgotten passions Hidden color, leaking, spreading out, staining It starts deep inside my stomach Fluttering! Opening, closing, Pressure building And there are sparks on my skin Like lightning skimming the surface In a cold fine morning, with my eyes closed First softly, sweetly, caressing the fabric of my bed I started to feel the pain, searing, rhythmic tears I reposition myself against my pillow Now gently opening my closed eyes My first glimpse, a thick envelope In a fictive dream, I entered again A brave slut I called, for my son who’s in anguish
29
30
K A LY O : P I R A S O
phlogiston BHEA CLARISSE D. TERCIAS Isa. Kaskas. Sindi. Apoy. Ningning. Ningas. Patuloy na pagkonsumo Ng alab sa kapirasong palito. Dalawa ---tayong dalawa. Kapit bisig na sumulong. Salungat sa lakas ng agos Ng diwa nila at prinsipyo. Ngayon, tatlo. Ikaw, sila at ako. Pinag-isang lakas at puso, Tumitindig, taas noo, Hawak ang sulo hanggang dulo.
K A LY O : P I R A S O
siege
JAN MIGUEL L. GARCIA
A wheezing sound signaled the hour’s strike Deafening noise erupted from the hideout Drum-like bangs drowned the silent night Just a casual dusk for mine brothers and sisters An array of camouflage men escorted us to safety Heavenly light filled the hell-like surrounding Casualties exceeds as rations passed through the barracks Command and orders as father finds us free of harm Rebel groups still visible along the streets and post A way of life where education and development none occurs Separated from many, likewise suspected as allies Promised land nonetheless a land of injustice and inequality
31
32
K A LY O : P I R A S O
ever again ANGELA GRACE ALFARO White to the left of me, Black to the right. I know they won’t flee, Or give up their fight. Root against its fruit, Wasting this fair land. Beliefs shadowing truth, And washing of hands. Lie after lie, I stay here, feet tied, Wondering when my People will ever bind?
K A LY O : P I R A S O
TAGUBILIN
CEDRICK JAY SAN ANTONIO
Patuloy sa pag-ikot ang kamay ng orasan Segundo’t minuto’y unti-unting nababawasan Tumayo, kumilos at makipagsapalaran Hanggang ang simula ay hindi pa nawawakasan
Tumindig, tumitig, makinig Damhin ang inog ng daigdig Lumakad, tumakbo, lumundag Takasan ang panganib ng buhay
33
34
K A LY O : P I R A S O
DALAWANG BANDILA Potograpiya Rochelle Lazada
K A LY O : P I R A S O
MUHON
Potograpiya Demielle Abillon
35
36
K A LY O : P I R A S O
Ako ang Bawat Likha MARIANNE LOIS M. BONCOLMO
Isinilang ako sa panahong mas nangingibabaw ang galit ng tao sa gobyerno kaysa pag-ibig sa bayan. Pero kung makakatagpo ako ng time machine, ipapanalangin kong ipanganak sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, total sa henerasyong ‘yon namayagpag ang panitikang Filipino. Isa akong napabayaang manunulat at ito ang kwento ko. Labing-anim na taon na akong nag-aambag ng carbon dioxide para mabuhay ang mga halaman. Labing-anim na taon na rin akong palamunin ng aking mga magulang, istorbo sa dalawa kong nakatatandang kapatid at plastik sa aking mga kaibigan. Higit sa lahat, labing-anim na taon na akong abnormal, may sapak at hindi matinong kausap. Siyam na taon ako nang magsimula akong sumulat. Mga tula at maiikling kwento ang palagi kong ginagawa at madalas itong may kinalaman sa mga bagay na gustong-gusto o kinaiinisan ko. Noong grade 4 ako, sumulat ako ng tula para sa una kong crush na si Edward, ‘yung ikalawa para kay John Joshua, ‘yung ikatlo kay Keanu Reeves na gustong makalaya sa pambubully ng kani’yang mga kaklase at may balak nang magpakamatay. Pinutakte ng samu’t-saring puri, kutya at puna ng mga nakakabasa ang mga gawa ko. May mga pagkakataon umanong napakasakit sa puso ng mga sinusulat ko, ‘yung iba nakakainis, ‘yung ilan walang kwenta, minsan ayos lang, minsan pwede na, madalas maganda. Nakakatyamba ako ng awards kapag may sinasalihang patimpalak. Mahal na mahal ako ng mga guro sa amin kasi malaki ang tyansa ng pera kapag ako ang pinanglalaban nila. Samantalang ako, maipahayag ko lang ang damdamin ko at makapaglabas ng opinyon tungkol sa isang isyu gamit ang pagsusulat ay masaya na ako. Pero mas maganda pa rin syempre ‘yung may pera, kahit 100 pesos lang. Sa pagsusulat ko binubuhos lahat ng pagmamahal na meron ako na hindi ko maibigay sa mga taong ayaw tanggapin ang pag-ibig ko. Bawat letra, salita, pangungusap, at talata ay galing sa pinakakaibuturan ng puso ko at ang bawat likha ko ay ako. Wala akong pakialam kung nasaang henerasyon ako ngayon, susulat ako dahil gusto ko. Susulat ako ng tungkol kina Edward, John Joshua at Keanu Reeves, ng tungkol sa pambubully sa akin noon, ng tungkol sa pagkakataong gusto ko nang sumuko. Susulat ako tungkol sa galit ko sa gobyerno, sa pag-ibig ko sa bayan at sa pananakop ng mga Hapon. Sumusulat ako dahil walang nakikinig, at susulat ako ng kahit ano para makilala nila ako. Susulat ako ng kahit ano, at ‘yang unang halimbawa ay itong papel na ngayon ay binabasa mo.
K A LY O : P I R A S O
Ako’y isang plumang Puno ng tinta, Kapaki-pakinabang, Matalim na sandata Ako’y isang plumang Handang magpagamit, Maubusan ng tinta, Maluma, At bawat tintang hahalik sa papel Ay titimo maging sa kaibuturan ng ‘yong puso.
Tintangitim
Ngunit ang plumang hindi nagagamit Ay nawawalan ng silbi, Ng ganang magsulat, ARIANNE B. DIAZ At higit sa lahat ay napupuno ng tintang kayang sumugat, Isang tintang maitim na nilalamon ng dilim. Ako’y isang pluma, Hindi nagagamit, Walang silbi, Wala ng ganang magsulat, At sa bawat luhang papatak ay tintang panulat Na gumuguhit ng mga letrang matalim. Ako’y isang pluma, Mananatiling tahimik, Hanggang ang luhang panulat ay masaid, Sumusugat man sa lunduyan ng aking pagkatao Patuloy paring pananatilihin ang dalisay na puso.
37
38
K A LY O : P I R A S O
VULNERABLE KAT CAMAGAY
Water color on paper
K A LY O : P I R A S O
DECEPTION
39
LIESHAN BERNADIT
It was a big lie.
She is living in a world that is full of lies. All those years she believed that she was good enough, All those months she fooled herself that she was strong, All those days she thought that everything was fine. All those hours she pretended to be happy, All those minutes they called her over the phone, and All those seconds tears ran down to her cheeks silently. Only to find that she was walking alone in a dimension of lies. A dimension where no one knows No one cares, Appreciates and Understands. Slowly everything was breaking into pieces, The curtain that hides her struggles The wave that motivates her to continue living The mirror that tells her truth The pillow that comforts her and, The bed that hears everything They are now flooded by the drops of pain She’s now riding the bus excitedly wearing a huge smile on her lips When everyone was mourning as if she was going to die. The bus started the engine and now it’s moving. She waved her hands innocently. As she looked straight, the rain poured like there’s no tomorrow. Everything was already moving, it was just like moving for 24 hours, when tears became her best friend. Now she knows, The lies from her name Are the truth behind everything.
40
K A LY O : P I R A S O
Parati IKAW ANG
M SQUARED
Leonora, Manananggal ka raw. Hindi ako naniniwala. Hindi ka buo, hindi ka rin hati, pero sinikap mong maging ikaw. Hindi ka rin aswang. Huwag kang maniwala sa sinasabi ng iba, hindi pangil ang sungki mong ngipin. Hindi pula ang iyong matang napuno ng galit. Hindi rin buntot ang nasa likod mo kundi pakpak na matagal nang gustong kumawala para ipakita sa marami na malaya ka. Binibilang ko pa rin ang mga alitaptap na hinuli natin noong isang linggo, ang iba sa kanila, napupundi na ang ibinibigay na ilaw. Ako naman, heto, umaasa sa sinag na binibigay ng lampara para maukitan ka ng liham. Maraming beses akong tinabig at tinuka ng uwak habang naglalakad, ipinapaalala nila sa akin kung gaano kita kamahal, at mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hanggang bukas, hanggang sa susunod na araw, hanggang sa mamatay lahat ng insektong inipon ko sa garapon para
K A LY O : P I R A S O
ipakita sa’yo. Matagal na akong humihingi ng umagang hindi kasing ginaw ng sementong higaan na gabi-gabi kong kapiling. Nagdarasal na sana ikaw ang kasama ko sa pagtulog, sa pagkain, pati sa pag-gising. Alam ko, Leonora, walang kasiguraduhan kung babalik pa ako ng buhay. Hindi ko ito ginagawa para sa aking sarili, ginagawa ko ‘to para sa bayan. At ikaw ang bayan ko. Sisikapin kong umuwi sayo, umayaw man ang tadhana, umatras man ang segundo na lumalakad at ibalik ako sa pangyayaring makikilala pa lang kita. Mapagod man ang mga segundo na lumalakad at puntahan ako para gisingin, masayang man ang mga minuto kakaabang sa wala. Maniwala ka, hindi ako bibitaw. Katulad ng pluma kong panulat, na galing sa piyesa ng sumbrerong dayami na iniregalo mo noon, ang tinta na nagmula sa katas ng durian na hanggang ngayon nangangamoy pa rin sa presinto. Mananatili ako at kakapit, katulad nila. Ang sabi mo noon, walang dahilan para lumaban pa ako sa mga Kastila. At wala ring dahilan para mahalin kita. Tama ka, walang dahilan. Walang dahilan para hindi kita ibigin, walang dahilan para hindi ako tumuloy sa kamalayan mo, walang dahilan para hindi ko sakupin ang malambot na espasyo ng iyong labi, walang dahilan para hindi kita hanapin at walang dahilan para hindi kita muling matagpuan. Mahal kita Leonora, at walang dahilan para hindi kita mahaling muli. Walang dahilan para hindi kita mahalin habambuhay. Mangyari mangbumagsak ang alaala ko ngayong gabi, at umiiyak ang mga tala ng sabay-sabay, babalik ako sa langit, para ikumot sayo ang matingkad na langit, sabay nating pinturahan ng itim at puti ang kalawakan, nang walang halong lungkot at dismaya.
Ikaw ang mundo kung saan ako iikot. Nagmamahal, Jose
41
42
K A LY O : P I R A S O
Sino
Ako at Sino Siya
MARIANNE LOIS M. BONCOLMO
Sa akin ka uuwi ‘pag sapit ng gabi Ako ang iyong hinihintay at ikinasasabik Yakap kita at ang iyong pagod, lumbay at pangamba Kanlungan mo ako at pag-asa sa dulo ng bawat araw Umuwi ka sa akin, hagkan ako’t humimlay ng panandalian. Ngunit bago pumikit, ipapakilala kita sa kaniya Ipapaalala niya sa’yo na buhay ka Itutulak ka niya sa kung ano’ng iyong makakaya Nandito siya tuwing iiwan ka ng iyong sinisinta Nandito siya tuwing tutulo ang iyong mga luha Ika’y imumulat sa malagim na katotohanan Sino ako at sino siya?
K A LY O : P I R A S O
ANGHEL SA LUPA Potograpiya Ulysys de Vera
43
44
K A LY O : P I R A S O
For Gods and men I shall sing and dance And do their bidding For the Fats decreed I will concede Foe war and peace I shall fight and live And fight some more For Ares never rests I will not die For glory and fervor I shall win and commit And the struggle lives on For Victory dictates I will be free For justice and truth The comedy and farce Goes on and on So shall this poem All is a lie The stage is set For the play unending My life amidst shadows And light of Gods and men. Feel my unrest…
Olympus Comedy DELIOS
K A LY O : P I R A S O
Malach Hamavet REVAS HADRA
A being as old as time Never can we look him in the eye and smile Grave is his name, never to be crossed Ever in his gaze, man’s holocaust Leader of the souls, from our world we’ve lost Of the pieces of dreams, we’ve given up in reaching For in his hands, the hourglass ever counts wanting Deliverer of the darkness, the ugly truth in spite End bringer for all those to his cape invites A measure of the abyss, for all mortals cannot miss The limit of all things good How horrid in his eyes the world that stood?
45
46
K A LY O : P I R A S O
ACROSS THE SEA Potograpiya Faith Fidel
K A LY O : P I R A S O
Icarus THE PLIGHT OF
MITSU
What Icarus always dreamed of Is to fly the highest of skies, To reach the unreachable star And reign supreme among others. So day by day, he fly so high, That he exceeds his own limits But still he is not contented 'Till he reaches his greatest goal. He tried and tried until one day, His wings got weary abd can't fly That caused him to fall very hard And that much pain from his descend. So he decided to stop this For he thinks it is pointless And impossible to fulfill But his spirit won't surrender. For the phoenix burns itself to death, And is born from its ashes.
47
48
K A LY O : P I R A S O
Achilles
GEORGIE
Sumigaw ako at sinabing kaya ko Ipinakita ang tikas Ikinubli ang lambot Naglakad at naging matapang Nagtago ako sa likod ng sarili kong ideya Ideyang mula ako sa lahi ni Ares na kabilang ako kina Alexander at Hercules Nagpatuloy ako sa paglalakad Naging totoo ako sa inyo Pero hindi sa sarili ko Nagtatago kasi ako at pilit inaabot ang gusto niyo Pero nagpatuloy ako at naglakad
K A LY O : P I R A S O
DROWNED LESTER ULITA
Time and again Boys are raised to be men Gays are raised to be discriminated Impatiently they start Fearfully they end But here was a man, Mourning tomorrow He drank, but Finally drowned in his sorrow.
49
PARTITION Potograpiya Andre Ariola
52
K A LY O : P I R A S O
Macabre Yanyań
There were flowers Pale dandelions, and bright magentas, Violets and blues— Appearing dull Like black and whites When I sow them Along crazy roads And streets −Tomorrow They decay.
K A LY O : P I R A S O
MARY ELAINE CANDOY Some claimed all beauty is enchanted They say love comes with beauty Charm, sometimes can be deceiving Even lust is mistaken for love Who do you think invented those stories? Mischief and heroism and those vulgarities? With those charmed shoes, Cinderella was wearing And how someone can fall in love in a single glamour Love is somewhat magical and enchanted it seems Deceiving people won’t cure as we please Somber times will come and time for repaying And yet defiant with the curse you are wearing You need no beauty to love and to be loved Need no bewitching and spells or poisonous mantras Perhaps sometimes all we ever need is pursue love ourselves Because true beauty is null without love itself.
53
54
K A LY O : P I R A S O
ALLEGORY DELIOS
We live in a world of images and words
But images are more loved than the latter, where colors are mere shades of truth and not the whole truth itself, and words are stories both told and untold, both innocence and boldness. In the world of false truths- not lies, for they are true to the eyes of fools, there arise false hopes and paper heroes from modern dark ages, where the said heroes are immortalized and even defied and the real ones? They are killed and persecuted by those he protected and fought for. We deal with pictures and folios of fake rainbows and sunnydays. The gullible are those vulnerable from the gaiety and festivity of absurdity, they see the world as told in the tales of the cunning and deceitful and they laugh at those who see it as it is. Yet, we are all like them; we scorn and shout at the icon of the damned, not seeing that they are still human, weak-willed and desperate. We see their image and not hear their words. Mankind has long been corrupted, since the fall of Adam and Eve, selfish, daring, boisterous and pitiful. These are words, not images, truths not lies. We have a wooden image of what we are supposed to beperfection! But it is just that- another image. We are what we are, defined by words, not pictures. Yes, we are weak, still we fight. We are vulnerable; still we struggle to define ourselves in countless letters not pixels. We are humans, not gods, not creatures of horror and tales of hollow. We fall, we rise and we are still the same. The pattern is never broken, because we are still humans, over the course of time. We live in a world where pixels rule and letters follow. That does not define us. We are humans…
K A LY O : P I R A S O
SIGWA
Potograpiya Ulysys de Vera
55
56
K A LY O : P I R A S O
ISANG PIRASONG PAPEL Potograpiya Ulysys de Vera
K A LY O : P I R A S O
BLANK Potograpiya Lieshan Bernadit
57
58
K A LY O : P I R A S O
PRECIOUS THINGS Potograpiya Lieshan Bernadit
K A LY O : P I R A S O
a little far from disney. abeth
why is it when a pair messed up, only one of them would suffer? is it because, "ah you’re the epitome of a stupid person!" one of them lacks the ability "huh I just follow your idiocy " or one of them missed the point? we are beings filled with holes, fragments of a huge mirror that keeps on cracking with every tick of the clock. we are reflections of the world we blindly see, beautiful creatures that is cursed to be a beast. we are pieces made to fit but kept clashing to know who is the strongest. we are, aren’t we? but we’re… more desperate to know. more desperate for admiration. but more further than reality and never been near to our own fantasy. we are a being more than broken, we are beings already destroyed we are far from being happy aren’t we?
59
60
K A LY O : P I R A S O
GEORGIE Ang bawat halakhak mula sa’yo Ay siyang musika para sa kanya Sa t’wing ramdam na niya ang pagod Mga ngiti mo lang ang kaniyang kailangan Walang oras ang nasasayang Kung para sa’yong kaligayahan ‘Di alintana maghirap basta’t siya ay lalaban Kakapit lang hanggang sa huli Di bibitaw hanggang sa dulo Hihintayin ang tamang pagkakataon Na kaya mo nang tumayo’t tumakbo
K A LY O : P I R A S O
SA PILING NI INAY
Potograpiya Adrian Joseph Arbon
61
62
K A LY O : P I R A S O
THE STORY OF THE
Passing Wind SPIRIT
A droplet another one after the other, dripping down from the cracks above as it echoed inside the stone walls of my cell. My work piled against me, the deafening silence shattering with every drop and every stroke of my pen. My sweat traced down my skin as every second ticks longer than it should. Another drop yet another mistake, with a scratch of ink, I marked it away, sighing as I did, laughing at my fate. A story I must write. Another form of literature from countless ones they’ve made without me; poems, novels, and all things written in paper from the days that came to pass and the days that yet to come. I had no choice; I already knew mine wouldn’t be any better than those they’ve made, not even close as I so thought. My withered hand shook as I continued to write while my candle danced to the song of the coming breeze. The scent of the air felt heavy, the dancer danced and flickered as its very song turned to wails. My hands, brittle and cold as they were, wrote stories of a land I’ve yet to see. Tales and legends where a child befriended the wind or the mother’s daughter’s tears that brought life to the barren lands. I felt my heart flutter as the very winds I wrote about danced around me and the tears of the daughter fell into cascades of water that echoed from inside my cell. Words poured out one after another like her very tears and like her tears that stained the ground, I stopped and tore apart the parchment that held it all. Like the drops that stained the ground, muddy, meaningless and filthy. What good is it if I’m writing this? What good would come of this if I just let myself decide the story?
K A LY O : P I R A S O
I hate it, every part of this story I wrote. Like the passing wind, it was free but it only carried the coldness of my cell around me, never truly free. My hands shivered as my own shadow danced with the flicker of her smile before disappearing in a puff of smoke. Her performance done, leaving me in the darkness while my demons raged inside me and outside these walls. Should I follow their steps? Write to show the world the chaotic truth we tried so hard to ignore. Should I write their stories, ones that frighten their lives and send them down to earth instead of rejoicing at the castles in the sky? I laughed as the winds wailed around me. I did what I did, empty meaningless works that showed the world something great. I did what I did yet my works are nothing more than a dream than their slaps of truth into their waking lives. If I write, should I feel like the wind or a sinking stone? If the world demands something to be done, should I try to show them something worth living for or make them feel like they lived their lives right by writing something or someone worse that’s said over and over again? The tempest raged against me as I threw another parchment to the pile. I’m tired. I’m cold. It’s ironic; they write to change something like the heroes and legends before them yet still stubbornly see the world as something cruel and unforgiving. They wish to free like me, like the wind, but failed to change in order to reach it. To say the truth, must it always be painful. I chuckled, I tried to change yet here I am in a cell, locked away as my stories showed nothing about the cruelty of kings, the war between nations, the whores that were forced to prance around the streets and starving children, nothing but the wind that passes through the cracks. The steel door clanged and the guard stood in front of me, a dear friend, a peasant to a knight, a captain of the royal guards and an emissary of literature of my native land. He held out his hand and I handed my half finished story, a part of my legacy that will live on like the passing wind.
63
64
K A LY O : P I R A S O
Lullaby
FRANCIS ARCE Carry me away my mother Let me not see my men in tears Let me not see murder nor grief For I live in it everyday Take me to thy breast and let me sleep Cradle me, oh mother! How I wish I’m with thee Wipe my tears and sorrow Empty my heart and fears For I have many, to which I flee Caress my forehead and cheeks How I miss your hand and cheeks How I miss your whisper so low Let me be in your arms As you have been in mine You have walked my dreams And have fled my waking You have filled my cup And emptied my being You took me to your grave I carried your coffin I sang at your funeral I lament at my lost Yet I am satisfied For your blood is in my hands
K A LY O : P I R A S O
UNTITLED
Potograpiya Demielle Abillon
65
66
Tamis ng Unang Tikim K A LY O : P I R A S O
M SQUARED
Nagising ako sa lamig na dala ng umaga. Ang sementadong papag na matagal ko ng higaan, picture frame naming magasawa sa gilid, unan na sasapat para sa tatlong tao. Ito ang unang sumasalubong sakin sa pagdilat ng aking mga mata. Nasanay na ako sa banayad na agos ng kape sa lalamunan, ng laging preparadong pandesal na may pahid ng mantikilya, itlog at sinangag. Sa probinsya, hindi ka magugutom kung hindi ka maarte sa pagkain. Sa Maynila, pag wala kang trabaho, mamamatay ka sa gutom. Bumangon ako sa kama. Niligpit ko ang higaan at tiniklop ang kumot. Pumapasok ang sinag ng araw sa maliit na espasyo nang aking bintana, parang nag-babadya na may pag-asa ang umagang ito. Lumabas ako ng bahay. Ang mga kawayan ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Naririnig ko ang sabay-sabay na sitsit ng mga kuliglig, kinakaskas ang mga kahoy at pilit na pinaninipis para gumawa nang ingay.
K A LY O : P I R A S O
Pumunta ako sa bakuran. Lumapit ako sa puno ng makopa. Sa troso nito, may nakasandal na pala’t asarol, gamit para tibagin ang lupa. Pinulot ko at tinitigan ang kinakalawang na hawakan. “Ayos lang,” sabi ko sa sarili, “pwede ko pa namang magamit.” Nilakad ko pa ang likod ng bahay. Dito, may isang batong marmol na tinutubuan na ng mga ligaw na rosas. Binunot ko ito. Sinimulan kong hukayin ang lupa. Hindi pa malalim. Tinuloy ko ang paghuhukay. Nangawit ang aking braso dala nang paulit-ulit na paghalay at pagkiskis ng pala sa lapag. Nakakangawit. Ngunit mas nasabik akong humukay pa, ngayong alam kong may ngiting babakas sa aking mukha pagkatapos. May tumunog na parang banggaan ng dalawang bakal. Tinigil ko ang paghuhukay. Tinabig ko ang mga tira-tirang piraso ng lupa sa tabi. Binuksan ang baul na lumitaw sa aking harapan. Mas madalas ko itong linisin kaysa sa aking bahay. “Helena,” bulong ko sa kaharap kong inuuod na bangkay, “maganda ka pa rin tulad ng dati.” Binuhat ko ang naaagnas na katawan ng aking asawa. Ang medalyong niregalo ko sa kanya noong nakaraang Pasko, suot niya pa rin. Ang blusang puti na sinuot niya sa lamay. At ang amoy ng kanyang pabango. Niyakap ko ang matigas niyang katawan. Malamig. Binuka ko ang kanyang hita. Pinasok ang nangigigil kong kalamnan sa butas ng kanyang singit. Damang-dama ko ang pang umagang hangin kaya’t kinailangan kong higpitan ang pagyapos sa kanya. Sa ganitong paglalapat ng aming mga balat, nais kong maluha, ngunit ayaw akong payagan ng kahit na sinong Dios na mabasa man lang ng luha ang aking mga pisngi, kaya sa mga ungol at paghaluyloy ko inilabas ang nararamdaman ngayong magkahalong tuwa at pangungulila.
“Helena...” bulong ko.
“Ipuputok ko sa loob ha?”
67
68
K A LY O : P I R A S O
could ABETH
She never asked for anything more than your tiny something. It could be her everything and yet you rejected her. It could have saved her dying brother or treated her sick mother. The scraps you just threw willy-nilly could have helped her widen her imagination. You could have taught her what red was and how it was never related to pink or gave her that crayon that you never used. You could but never did. You could have choose it but you blinded yourself. Hid the fact that she needed you and covered it with the words “she doesn’t deserve it”, hesitation ruled you. If you could see that she deserves what you have. She deserves better than that. She could never been better than you. She could have been the next national artist. She could but she will never be. She will learn differently than what she was planned for. She lived a life altered by us. She chose a path that was never for her. Dreaming was fantasy. Surviving was her reality but she could only ask herself “if only I could only have it”.
K A LY O : P I R A S O
the unread.
MARY CLAIRE CALIPLIP
From the very first word you read, you connect with a soul You opened a book often left unread Barely held, seldom touched, never picked As few bother to stick 'til the very end last page While the plot seems to ponder, no one actually knows No doubt this is a story hidden in the dustiest rack Waiting for a hand to lift up a world of make-believe.
69
70
K A LY O : P I R A S O
BRYCE MERCINES Ball pen and watercolor on paper
K A LY O : P I R A S O
MASQUERADE FRANCIS ARCE
Death is anonymous Faceless, raceless Neither a shadow nor a light Both a myth and the truth From the meek to the vigorous Its voice is silent yet clamorous Its voice is empty and hollow Neither fast, nor slow For Death and Life Both bonds and frees It is a feast and a funeral A game to accept or to escape
71
72
K A LY O : P I R A S O
The Vanishing of Icarus DEAN ALFEREZ
1 PUP-Manila Young Elite Writer’s Circle Poetry Writing Competition 1st Place st
I have heard your soundless mourn On the first time you flew away To find your peace, your dreams, your place To add some hues to your world of gray Showing me that the weak always choose to stay I have seen your driest tears On the day you came back to me Making me believe that here is where you belong In this haven of slums, in the nest of the Eyrie Yet the time of your stay wasn’t even long I have felt your frozen embrace When you decided to leave again Raised your wings, and stormed out of the woods Believing in yourself you can always can While I made a promise to heal my own wounds. I will be flying on my own Someday, you might again come home But when the tears are gone And the warmth has ceased When the memories finally fade. You won’t find me in that nest.
K A LY O : P I R A S O
73
BUKANGLIWAYWAY MARIANNE LOIS M. BONCOLMO
Tuwing umaga, Magkakape, Mag-iisip kung Nasaan ang asukal. Tuwing umaga, Maghihilamos, Maghahanap kung Nasaan ang gamit Na sabon. Tuwing umaga, Kikilos at gagawa Magpapahinga Dahil pagod. Tuwing umaga, Gagawin ko Lahat ng pwede ‘wag ka lang maalala.
Tuwing umaga, Maging abala Hindi kita Iisipin, Hindi kita Aalalahanin. Dahil marahil, Pagsapit ng gabi, Doon ako iiyak Maghahanap Mag-iisip Mag-aalala At magiging abala Habang nagsisising, Wala ka na.
74
K A LY O : P I R A S O
PUNUAN
Potograpiya Demielle Abillon
K A LY O : P I R A S O
STANDING
Potograpiya Rochelle Lazada
75
76
K A LY O : P I R A S O
Ang Mahiwagang Sorbetes ni Aling Marya M SQUARED
“Ang tagal na natin dito ah!” reklamo ni Walter sa kanyang kaibigan na si Jesse. “Sa tingin mo p’re dadaan dito ‘yung papatayin natin?” “Siguro. Sana di siya mapahamak.” “Tanga! Eh mamamatay din naman ‘ yun pag naabutan natin,” sagot ni Walter, “tapos gusto mo ligtas pang makarating?” “Sayang kasi’ yung paghihintay natin,” giit ni Jesse habang nagkakamot ng ulo. “Pero pre, seryoso, para lang sa ice cream papatay tayo?” “Hindi kasi ‘yun ice cream, Sorbetes ‘yon!” “Ano pinagkaiba nun?” “Yung ice cream kase, nasa loob ng garapon, yung sorbetes yung tinitinda lang d’yan sa tabi-tabi.” “Bakit, mas gusto mo yung may lalagyan?” “kinakain kase ‘yon, biskwit yon. Bobo neto!” Sa isang madilim na eskinita, dalawang magkababata, habang nagaabang sa kanilang biktima ay walang sawa silang nagtatalo upang basagin ang katahimikan sa loob. Tumayo si Walter dala ng pagod at kabagutan. Tumayo rin si Jesse. Inunat ang damit. Pinagpag ang pantalon. Kung ano ang ginagawa ni Walter ay siya ring ginagawa. “O, ‘bat mo ko ginagaya?” “Aalis ka na ba?” “Nag-stretching lang ako, tangeks.” “Ano bang meron sa sorbetes na ‘yun at wiling-wili ka?” tanong ni Jesse. “Hand aka pa talagang kumtil ng buhay ha? Limited edition ba yun? Bakit wala bang buko pandan na pleybor sa lugar n’yo? Ha? Walter?” “Hindi kasi yun normal na pamatid-init, hindi yun kagaya ng ibang sorbetes.” Sagot ni Walter. “Basta, may kung ano ‘dun na kahit na sino handang magbayad ng kahit ano, hindi ko mapaliwanag p’re! Para kang nalipad ‘pag kinain mo!” “Si Aling Marya nagtitinda nun, anoh?” “Oo, pano mo nalaman?” “Alam mo ba ‘yung balita?” “Anong balita?” “Yung tungkol kay Aling Marya…” Hindi nagsalita si Jesse. Tumigil siya sa pagsasalita. Halata naman sa mga mukha ni Walter na kinakabahan ito. Isang mahabang katahimikan. Ang kaninang sabik at gutom ay napalitan ng takot at pangamba. Seryosong
K A LY O : P I R A S O
nakatingin sa mga mata ni Walter ang mga mata ni Jesse. Hindi ito kumukurap. Handang makipag-titigan kahit ilang oras. Kahit ilang araw. “Anong balita?” nanginginig na itinanong ni Walter. “Yung misteryo…” “Anong misteryo?” “Yung tungkol kay Aling Marya…” “Para kang gago! Ano ngang misteryo? Anong meron ka Aling Marya?” “Hindi mo talaga alam?” “Hindi nga! Kaya ko nga tinatanong, diba?!” “Hahaha!” “O, bakit, anong nakakatawa?” “Ang sarap mong i-good time pare, jowk lang eh! Ikaw talaga, ‘di mabiro.” “Tangina mo. Hindi nakakatawa, tanga” Malakas na halakhak ang binitaw ni Jesse. Nakahawak sa tiyan. Hagalpak ng tawa. Tawa rito. Tawa roon. Dumating sa puntong nasamid siya sa kakatawa, napabuo, pagkatapos nito ay tumawang muli. “Hahahaha! Pare, seryoso, ang sarap tingnan ng mukha mo kanina! Klasik! Hahahaha!” “Ewan ko sayo.” “Uyyy ohhh, nagtatampo siya! Wag na magtampo bebe Walter yiehiee!” “Tss.” “Uy men, ayun di ba?” Tinuro ni Jesse sa di kalayuan ang isang binatilyong mahaba ang buhok, abot hanggang balikat, nakasuot ng pulang jacket at itim na pantalon. Sakto ang tangkad, at merong bandana sa ulo. “Jackpot parekoy. Tara na?” “Sandali, sandali.” Hinablot ni Walter ang balikat ni Jesse. Pinaatras. Sinabing wag munang lumapit hanggat hindi pa nakikita ang mukha. Siniguradong ito ang kanilang target. “Ang sabi kase saken, matangkad lang, hindi naman sinabi kung ano hitsura.” “Pwede na ‘yan! Masabi lang na— “ “Sabagay. Sayang paghihintay natin.” “Dito ka lang. Ako muna lalapit.” Tumayo si Walter sukbit ang itak sa tagiliran. Tinapon sa lapag ang sigarilyong kanina pa niya hinihithit, inapakan hanggang sa maupos ang abi, pagkatapos ay lumakad ng dahan-dahan ng walang ingay papalapit sa lalaki. Nakatalikod ito sa kanya. Nakatayo. Hindi kumikilos.
77
78
K A LY O : P I R A S O
Paikot-ikot siya hanggang sa tuluyang napundi ang liwanag ng poste.
“Hoy!” Tinawag ni Walter ang lalaki. Ngunit hindi ito humarap. Tumingin sa kaliwa si Walter, sa kanan, tiningnan niya rin sa kanyang likuran ang kaibigan niyang nag-aabang. Walang kumikibo. Nakatayo rin siya at hindi alam ang gagawin. Lalapit ba ko? Sasaksakin ko na ba? Ito ang mga tanong na tumatakbo sa kanyang isip. Litong lito. Hindi alam kung ano ang susundin. “Hoy, humarap ka dito!” “…” “Hoy!” “…” “Hoy?!” Hindi na natiis ni Walter ag inip at ikli ng pasensya. Inirangkada niya ang aspaltong daanan. Galit na galit na lumapit sa lalaki. Binunot sa kanang bahagi ng pantalon ang itak na bagong hasa. Umamba. Sumigaw ulit ng, “Humarap ka dito, putangina ka!” Nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki. Walang takot niyang tinaga ang ulo nito. Ngunit nawala ito nang biglaan sa kaniyang harapan. Inikot niya sa paligid ang mata. Wala siyang makitang anino o kahit anong palatandaan na nasa harapan niya kanina ang lalaking inaabangan nila ng kaibigan. “Anong nangyari? Putcha—Jesse?!” Tinawag niya ang kababata. Binalikan niya nang tingin ang eskinitang kanilang tinatambayan. Wala rin si Jesse. Patay-sindi ang ilaw sa poste ng Meralco. Paikot-ikot siya sa kanyang kinatatayuan. “Jesse?!” sigaw niya. Desperadong humihingi ng tulong. Hindi niya alam ang gagawin. Paikot-ikot siya hanggang sa tuluyang napundi ang liwanag ng poste. Madilim ang paligid. Walang ilaw. Binunot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nakitang may mga naiwang text messages. “Hir na kme, ingat kyo jan.. hehe” –from Badong? Tsaka ano naman kung nand’yan kayo? Edi d’yan na kayo!” Irita niyang sigaw. Taranta siyang pumunta sa flashlight app. “Buti na lang maganda ‘tong nanakaw kong cellphone, kung hindi yare, baka kinain ako ng dilim dito.” Pinaikot niya ang liwanag sa street na kanyang kinatatayuan. Pinagtitinginan sya ng tao. Pero hindi ito alam ni Walter. Si Jesse, mula sa eskinita, tinatawanan ang kanyang kaibigang sabog na sabog sa marijuana. “Hahaha! Tangina, buti na lang napupuslit namin sa sorbetes yung weeds. Pucha, ang lakas ng amats mo, Walter!”
K A LY O : P I R A S O
79
KUYA
Potograpiya Ulysys de Vera
80
K A LY O : P I R A S O
PIECES OF THE UNIVERSE ANGELA GRACE ALFARO
Isn't it weird, isn't it absurd? The way shapes are abstracted yet goes together to form a whole. It's as if the universe conspired to pick us apart just so we can cherish the moments we spend trying to find our way back to each other. Then when we thought we found the other piece of us, the one who is edgy on the same sides as we are, or curvy in the same way as we are, we'll feel frustrated by how 'us' won't work out. Because how can puzzle pieces with the same sides ever fit together? We need a space filler where we are empty, and a bounder where we might get lost! Wake up and find the right pieces which you've lost! Look into the right person, from whom you might have also taken a piece from. And it's always not a matter of who, why, when, or what caused your collision. It's just how you still fit together even if the world slides into oblivion.
K A LY O : P I R A S O
81
82
K A LY O : P I R A S O
kung bakit siya at hindi ikaw
Sapagkat naniwala akong kaya mong manatili sa piling ko.
DEAN ALFEREZ
Walang titik ang makapaglalarawan kung paano akong unti-unting nilamon Nilamon ng pagasa na akala ko’y tayo pa rin sa takdang panahon Walang salita ang makapagtutugma sa hirap ng bawat sandali na hinanap kita Hinanap, sinaliksik dahil ang buong akala ko ay magbabalik ka pa Walang pangungusap ang makapagpapahayag sa kung paanong pinatay mo ako Pinaslang sa bawat minuto at sandaling lumipas noong iniwan mo ako Kaya hindi ko alam kung bakit, Para saan at tila ba lumalapit Hindi ko maintindihan ang nangyayari Masyadong malabo ang isip ko Walang maintindihan sa mga sinasabi Naramdaman ko na lang ang ligayang ito Nang sabihin mong mahal mo pa rin ako. “Masyado ka nang huli.” (yun dapat ang sasabihin ko) “Masaya na kong muli.” (yun ang dapat nasa isipan ko) Ngunit pilit na iginigiit, pumpuslit, at ikinukubli ang galit Ng puso kong tila ba wala na yatang takot sa pait “Masyado nang masakit.” (yun dapat ang sasabihin ko) “Ayoko nang maulit.” (yun ang nararapat na isipin ko) Ngunit ang katawang nangangatog, nagngingilit sa galit Nakuhang maging mahinahon sa tangka mong paglapit Pero para sabihin ko sa iyo, Hindi para sa iyo ang tulang ito. Sapagkat kahit na hindi kita natagpuan noon,
K A LY O : P I R A S O
Mayroong dumating para ako’y makabangon Libo-libong dahilan ang maaaring lumitaw Sa kung bakit siya ang pinili ko at hindi ikaw. Siya na nagsabi sa akin na sobra-sobra na, Noong hindi ka makuntento dahil akala mo kulang na kulang pa Siya na nagmimithi ng pagmamahal ko at kalinga Noong lumuluha ka at sinabi mong napapagod ka na Libo-libong dahilan na maaaring lumitaw Sa kung bakit siya ang naging lunas ko at hindi ikaw. Siya na nakuntento sa kung ano ako, sa pagkatao ko Noong sinasabi mo na ‘di dapat ganyan, dapat ganito’ Siya na naglambing sa akin sa tuwing ako’y nagagalit Noong nilayasan mo ako at iniwanang naghihinanakit Libo-libong dahilan na maaaring lumitaw Sa kung bakit siya ang naging sandigan ko at hindi ikaw. Siya na nagpaunawa sa’kin ng pagmamahal ng walang kapalit Noong binabalewala mo lahat ng sakripisyo ko at mga pasakit Siya na sa ngalan ng pagibig ay nanatili at nanindigan Noong nakalimutan mo ang sinabi mong hindi mo ako iiwan Libo-libong dahilan na maaaring lumitaw Sa kung bakit siya ang naging lakas ko at hindi ikaw. Siya na hindi nagsawang magpatawad at magpasensiya Habang sinasabi mong tumigil na tayo dahil nasasakal ka na Siya na nagpahalaga sa pagmamay-ari nya sa kabuuan ko Habang binibilang mo ang mga problema sa personalidad ko Libo-libong dahilan na maaaring lumitaw Sa kung bakit siya ang naging langit ko at hindi ikaw. Siya na yumakap sa akin at humiling na sana’y ‘wag akong mawala Habang binabalewala mo ako at piniling maghanap ng ibang aruga Siya na itinuring ako bilang tunay na pamilya at ipinagmamalaki ako sa t’wina Habang hinahayaan mo akong manlimos sa katiting mong pagkalinga.
Libo-libong dahilan na siyang makapagpapatunay Na kung tutuusin, siya ang tunay na nagmahal at hindi ikaw.
83
84
K A LY O : P I R A S O
Humuhuni Humahagulgol Sa bawat tibok ng aking puso Humihina Humihinto Sa bawat salitang hindi mabuo Humahakbang Humahabol Sa pag-asang makakalaya na sa ala-ala mo. Kasi dapat siya na lang at hindi ikaw.
Ngunit sa paglingon ko’y natanaw ko siya Binabasa ang panyo sa luhaang mga mata
Iniipon ang lakas para makayang bumitaw Binubuo ang loob upang magawa nang lumisan Pinapaniwala ang sarili na ito lang ang tanging paraan upang mapatunayan at wag nang maging sunud-sunuran sa mga sakit na nagkukubli sa likod ng iyong ngalan. Ngunit bakit?
Bakit kailangang makaramdam ng sakit Bakit kailangan kong makatikim ng pait Bakit kailangang panghinaan sa’yong pagtalikod Bakit kailangang manghinayang sa hindi mo pagsunod Bakit ako nakakaramdam ng bahagyang kirot Na para bang sinasakal ng kamay na may poot Bakit ako nakakaramdam ng mahahapding kalmot Nang malaman kong ito ay tuluyan nang paglimot? Hindi ko maintindihan. Kung bakit nagkaroong bigla ng ganitong kalungkutan Habang pinagmamasdan ka sa unti-unti mong paglisan Sa bawat hakbang, Bawat pagtapak mo sa mas malayo pang lupa Sa bawat hininga, na unti-unting naglalaho sa pandinig ng aking mga tenga Sa bawat luha,
K A LY O : P I R A S O
na bumabakas sa pagdaloy nito sa iyong mukha Sa bawat salita, na dapat sana’y pawawalan ngunit ‘di mo na nagawa At walang ibang may kasalanan kundi ako, ikaw, tayoSa walang patid na paninisi kung bakit nga ba nagkaganito Walang ibang may kasalanan kundi ako, ikaw, tayoSa pagibig na hindi natin nagawang alagaan at mapalago Walang ibang may kasalanan kundi ako, ikaw, tayoKung bakit dumating sa puntong ito, na siya na ang nararapat at hindi ikaw. Siya, na walang ibang ginawa kundi ang ingatan ako Siya, na walang tigil na ipinapaalala na mahalaga ako Siya, na walang ibang hangad kundi ang mahalin ko Siya, na pinili kong iwanan dahil naisip ko na ikaw; na ikaw at ikaw pa rin ang kailangan ko. Kumalas at nag-aklas sa yapos ng kanyang mga kamay Nagsisigaw, tinawag ka, at pinigil sa iyong pagalis Umatras at tumakas, sa pusong may damdaming tunay Para minsan pa, ipahayag na ikaw lang ang ninanais Ngunit sa paglingon ko’y natanaw ko siya Binabasa ang panyo sa luhaang mga mata Nanampalataya na maisip ko ang dapat Umaasa na makita ko na siya itong tapat Na dapat, siya ang para sa akin at hindi ikaw Na maalala kong siya ang nanatili at hindi ikaw Na sana, manatiling siya lang at walang ala-ala ng ikaw. Sa paglubog ng araw, Sa pagtatapos ng imahinasyon Sa pagwawakas at pagkagunaw, Sa pagsapit ng dapit-hapon Walang ibang makakaintindi kundi ako, ikaw Walang nakakaalam kung sino ang susunod na bibitaw Walang malinaw na deskripsyon, o eksplanasyon Kung bakit siya ang pinili kong saktan at hindi ikaw.
85
86
K A LY O : P I R A S O
DEAN ALFREZ Colored pencil on paper
K A LY O : P I R A S O
Sirenand Sorrow
MARY ELAINE CANDOY
She's mysteriously beautiful Her charms were captivating, enchanting She was bound to immortality, strong and unbreakable The ocean she served gave her such privelege And took her as an ally above anyone else But beyond her surreal identity Was her beauty and her venomous dangers She did sing, an alluring one Very lethal, a deadly chant And yet, she yearned this for so long She had all she wanted but not all Eternity, beauty, freedom but no companion And earnestly wanted that thing the ocean can't grant her "I just wanted to be loved, need not have isolation" To be surrounded by living souls she said was true bliss And if meant frozen years be traded to warmth of life once again, She needs to wait and hope and rely on nothing but luck And that would mean a very lonely paradox, a lonesome one perhaps.
87
88
Lumos Maxima K A LY O : P I R A S O
FAITH FIDEL In the darkness of perilous time, Where wrong is being right Where love became hatred Where lies became truth Find happiness and whisper, "lumos" In the darkness of perilous time, When being crushed by the tempter When being swallowed by fear When being followed by doubt Find happiness and whisper, "lumos" In the darkness of perilous time, Where faith in humanity was lost Where justice serves no one Wherever sin dwells within you Find happiness and whisper, "lumos" In the darkness of perilous time, When being left by loved ones When being persecuted by many When being judged by world Find happiness and whisper, "lumos" In the darkness of perilous time, dare to make a difference remember to turn on the light for you will find happiness as you dare to shout "Lumos Maxima" in a world covered by shadow of darkness.
K A LY O : P I R A S O
911
BHEA TERCIAS
Daluyong ng pighati, hapdi at panlulumo Gaano man kalakas ay huhupa rin maglaon. Bagyong nag-iwan ng durog na pundasyon, Warak na pangarap at kawalang pag-asa, Manghihina’t lilisan din, muli ka lang magtiwala. Ipikit ang mga matang nangingilid pa sa luha, Huminga ng malalim, alalahaning ika’y may hininga pa. Sapagkat hindi sa dami ng nasilayang tag-araw. Nasusukat ang katatagan ng isang tao; Kundi sa bilang ng kaniyang pagbangon mula sa bawat unos. Mangako sa aking hindi ka patatangay sa agos, Kailanma’y hindi naging sagot ang basta-bastang pagsuko. Hindi ko man batid ang lahat ng dahilan sa pagtangis mo, Mga kalamidad na sinuong at inakalang hantungan na, Maniwala ka sa akin, sayo’y mayroong laging magsasalbaAng iyong sarili. Oo, ikaw mismo. Wala nang iba pa.
89
90
K A LY O : P I R A S O
LIMOS
Potograpiya Rochelle Lazada
K A LY O : P I R A S O
PANUNUMPA
Potograpiya Adam Sewane
91
92
K A LY O : P I R A S O
SikretoN Pnnmplty S I
P
A
N A
K
N A
R E
M
T O
P
A
N G
L
A
T
A
Y
A
M SQUARED
Pagbati!
Nais kong sabihin sayo na isa ka sa mase-swerteng nilalang na nakatanggap ng lathalaing ito. Isa lamang ito sa isang daan. Ikinalat ito sa pagasang mababasa ng mga kapwa natin Ellinista ang pagbabago sa bansang minahal ng lahat. Sa kasamaang palad, imbis na patuloy na umangat ang ekonomiya ay patuloy lamang itong bumaba. Galing ako sa hinaharap at nais kong ikwento ang mga naranasan ko na ayokong maranasan ng iba. Mga kasapi, mga kapatid, kababayan, ka-inuman, kasabayan sa pagligo, kasama sa lungkot, sa ligaya, sa lahat ng emosyon, ito na ang huli kong habilin. Madalas akong gumising ng madaling araw dahil ito ang nakasanayan ko sa probinsya. Hindi pa nasisinagan ng araw ang palayan pero makikita mo nang nag-aararo ng lupa ang mga kalabaw at magsasakang magkabalikat sa trabaho. Hindi uso ang alarm clock noon, tilaok ng manok ang basihan ng “umaga” at paglubog ng araw ang basihan ng “gabi”. Malamig ang hangin sa nayon at sumisingit sa matatayog na espasyo ng naglalakihang puno ang liwanag na biyaya ng langit. Kumportable ang buhay sa probinsya. Mahilig magdasal ang mga tao. Mahihiya kang dumura kung saan-saan dahil malinis ang aspaltong kalsadang dinadaanan araw-araw. Lumipat kami sa Maynila sa pag-asang makakahanap ng mas magandang trabaho. Magandang opisina lang pala ang meron dito, saka mga babae. Mas madalas ko pang masinghot yung amoy ng usok at polusyon kaysa amoy ng puno. Pero ayos lang, marami namang bago dito. Cellphone, kompyuter, maraming gadget. Nakakaaliw. Kahit umupo ka na lang maghapon, gagawin ng teknolohiya ang hiling mo sa buhay. Kung tutuusin nga, habang sinusulat ko ‘to, laptop ang gamit ko. Dati, magtatyaga ka sa lapis at papel habang buong araw mong tititigan ang blangkong espasyo dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng isulat. Bagong ideya. Bagong pamagat. Bagong istorya. Paulit-ulit na proseso ng pagtataka. Tinatanong ko rin sarili ko kung para saan ‘to. Para kanino. Saka bakit. Pangalawang tanong lang yung kaya
K A LY O : P I R A S O
kong sagutin, kaya ko siguro ‘to ginagawa, dahil gusto kong ialay kay Ella. Ella ang pangalan ng bansa ko. Hindi ko siya kasintahan. Nalungkot ka siguro dahil ang akala mo, tungkol na naman ‘to sa pag-ibig. Siguro. Medyo nga lang. Ang Ella ay dating Pilipinas. Mga portuges kasi yung nagbigay ng pangalan sa bansa ko noong nakarating sila dito dala ng paglalakbay. Kaya ngayon, sa tulong ng bagong presidente, napagdesisyunan nilang “Ella” nalang ang ipangalan. Pinaikling ala-ala. Ala-alang malungkot, ala-alang puno ng pighati, awa, iyak, gulo, galit, pandidiri, at pagtataka. Ginawang Ella ang Pilipinas. Ela-ela ganon? Ang korny, diba? Sabi ng lolo at lola ko, noong panahon daw ng dating pangulong si Rody Duterte at Bongbong Marcos, paangat na raw ‘yung ekonomiya ng Pilipinas. Sobrang taas daw. Mayaman kami noon. Dahil nga sa natural na ‘yung likas na yaman sa bansa, nagamit nang maayos, pinondohan ang mga siyentipiko para gumawa ng makinang maghuhukay sa ilalim ng lupa, kumuha ng maraming mineral, tapos ibinenta sa mga karatig-bansa. Matapos ang ilang taon, binitay si Bongbong dahil napatunayang adik siya sa methylhexane, ito ang panibagong droga ng mga adik. Kapag nahithit mo, kahit katiting lang, para kang lumilipad sa kalawakan, ito ang sabi ng mga kakilala kong gumagamit nito. Hindi ko nagawang subukan, dahil nakita ko ang epekto sa kanila. Makakalimutan mo ang pangalan mo at kung saan ka nakatira, ang buo mong pagkatao, pati ang nararamdaman mo. Mga pangunahing emosyon katulad ng lungkot, awa, takot, galit, pighati, lahat ito naglalaho kapag sumubok ka. Sa ngayon, mapapansing pababa nang muli ang ekonomiya dahil sa kaliwa’t-kanang pagwewelga ng mga aktibista sa Bagong Panay (dating Luzon). Sabayan pa nang agawan ng bigas sa Marulas (dating Mindanao), pagguho ng mga isla sa Asogra (dating Visayas) dahil sa lindol at pagmimina, at grupo nang teroristang naghahasik ng gulo na kung tawagin ay New Found Glory. Ang NFG ay mga dating sundalo, marino, NPA, MILF, MNLF, na nagsanib pwersa para paalisin ang kasalukuyang nakaupong presidenteng si Hillary Clinton. Ayaw nilang hindi taga-Ella ang mamuno sa bansang ito kaya napag-isipan nilang patalsikin. Nagwagi sila sa kanilang plano, ngunit kaakibat nito ay ang epekto ng malawakang pakikipaglaban sa gutom at kapayapaan. Nangalahati ang populasyon at lumamig ang klima dahil kaunti na lang ang nagbubuga ng carbon dioxide sa paligid. Dahil natural na agrikulturang bansa ang Ella, nagbungkal muli ng lupa ang mga mamamayan at pagsasakang muli ang pangunahing trabaho. Hindi sapat ang nutrisyon sa lupa dahil sa mga kemikal na nasisipsip nito dala ng mga pasabog. Kabilang d’yan ang granada, atomic bomb, hydrogen bomb, utot, mabahong hininga, at panis na lugaw. Okra lang ang gulay na kayang mabuhay sa ganitong klase ng lupa.
93
94
K A LY O : P I R A S O
Wala ring kahit anong pataba ang kayang magbalik ng nutrisyon nito. Tatlong buwang nagtiis sa okra ang mga Ellinista, kabilang ako. Hindi ako mahilig sa gulay pero dahil sa gutom, kahit ano lalamunin namin. Matapos ang buwan ng okra, sumunod ang buwan ng kamatis, tatlong buwan rin. Lahat kami ay nagtataka kung bakit iisang uri lang ng gulay ang kayang suportahan ng lupang tinataniman. Sumunod ang buwan ng repolyo, upo, sitaw, bataw, patani. Nakamamangha na dahil sa isang taong puro gulay ang nasa hapag kainan naming taga-Ella, gumanda ang katawan at pag-iisip ng mga tao. Nasa unang prioridad muli ang pag-aaral. Ang literacy rate ng Ella ay umangat sa 97.6% mula sa 65.3% sa nakalipas na dalawang taon. Nakaimbento ng tren ang mga inhinyero at siyentista ng Ella na kayang lumipad, maglakbay sa ilalim ng lupa at sa tubig. Ang dating arkipelagong bansa ay magkakakonekta na dahil sa riles at artipisyal na lupa. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong uri ng tren. Sobrang bilis. Minuto lang ay nasa kabilang pulo ka na. Naagapan rin ang trapik. Maluwag na ang mga kalsada dahil sa pagkawasak na dulot ng gera. Binawasan naman ang bilang ng jeepney dahil masyadong marami. Naisatupad rin ang batas na kung 4 kilometers ang layo ng pupuntahan, ineenganyong bisikleta na lang ang gamitin para sa paglalakbay. At kung uuwi ka naman ng probinsya, tren ang sasakyan mo kung gusto mong makatipid, pribadong eroplano naman kung mayaman ka. Tinanggal ang social networking sites dahil ito ang nagbubunga ng away sa Ella. Ang internet ay ginagamit na lamang ng mga sundalo at mga nagtatrabaho sa gobyerno. May katuwang na parusa ang napatunayang nam-ba-bash sa kapwa Ellinista, at kung ikaw naman ay nagsulat ng rant o reklamo sa bansa, o sa kahit kaninong taong nagtatrabaho para sa ikabubuti mo, puputulan ka ng daliri at iaalay ito sa namayapang kaluluwa ni Kuya Germs. Ginawang national music ang kantang Energy Gap ni James Reid noong walong taong gulang ako. Tuwing umaga sa flag ceremony, ito ang required na sayawin ng mga estudyante. May libre ring Milo pagkatapos. Hinati rin sa dalawa ang oras ng pagpasok, mula 6 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ang unang bahagi, 1 ng hapon hanggang 5 ng hapon ang pangalawang bahagi. Lahat ng estudyante ay kelangang pumasok ng buong araw sa eskwelahan. Kapag ikaw ay nag-cutting, ikukulong ka sa selda ng mga tigre ng tatlong araw, at kung sakaling buhay ka pa, ililipat ka naman ng isla para doon mag-aral. Isa sa mga pinagtataka ko noon ay kung bakit marami pa ring pilit na nilalabanan ang kasalukuyang gobyerno. Eh sa totoo nga lang, maayos naman. Sila lang yung may ayaw. Kaya ang ginawa sa kanila, pinatayuan sila
K A LY O : P I R A S O
ng sarili nilang bansa, pero bahagi pa rin ng Ella, wala nga lang pwedeng pumasok sa lugar na iyon bukod sa kanila. Ang tawag sa kanila ay mga Kontrista. Kontra ng kontra sa opinyon ng marami. Ang sabi sa akin, hangga’t maaari panatilihin kong maikli ang huli kong habilin. Eh hindi ko naman alam kung sinong babasa nito. Baka nga wala ring pakialam sa’kin. Baka miyembro rin ng Kontrista. Sa ngayon, habang tina-type ko ang sulating ito, nakaupo ako sa loob ng isang abandonadong kwarto kasama ang tatlo kong kaibigan at limang NFG. Ayaw kaming paalisin. Baka raw ikalat namin yung sikreto nila. Sikretong ano? Sikretong sila yung lalong nagpapagulo sa maayos na bansang ito? Na sila ang dahilan kung bakit hindi patuloy na magkaugnay ang lahat ng Ellinista? Puro sila, “Laban! Laban! Para sa bayan!” Eh wala naman silang ibang bayan bukod sa mga hinaing nila, sa mga opinyon nila, at hindi mabilang na paghingi ng permiso. Gusto kasi namin ganto, gusto kasi namin ganyan. Para daw mas maayos. Eh lalo ngang gumulo simula ng nag-aklas sila. Nasigaw ko yung huling linyang isinulat ko. Yare, narinig ata nung isa. Nilapitan ako. Tinanong ako ano raw yun. Sabi ko wala. Anong wala raw, eh bakit daw ayaw ko siya tingnan, sabi ko nagsusulat ako eh. Tinutukan ako ng baril. Aba, matapang pag may hawak. Sabagay kahit sino naman, lalakas yung loob kapag alam na lugi yung kalaban. Teka tatapusin ko na, siguro ito na rin yung huling pagkakataon na makapagsusulat pa ako. Gusto ko lang batiin ang lahat ng mga kaibigan at mahal ko sa buhay. Paumanhin, hindi ko natupad ang pangarap ng lahat na ipaglaban ang kapayapaan ng Ella. Mahina lang ako. Kayo ang nagsilbi kong lakas sa tatlong buwang pagkulong saamin dito sa loob ng selda. Abandonadong kwarto na nga tawag ko. Mukha kasing hotel. Wala nga lang bintana. Nagagalit na ‘yung rebelde, putangina ko raw, sabi ko putangina mo rin maghintay ka. Kinasa niya yung baril, sabi ko saglit lang, hindi naman ako tatayo kung gusto mong ipasok sa utak ko yung bala. Nais ko nga rin pala pasalamatan yung mga kaklase ko, kahit buong taon ninyo akong inasar na tamad, buong taon ko ring taas noong dinala iyon. Oo, tamad ako, at hanggang ngayon wala pa rin akong natatap
95
Lahat nang nailathalang gawa ay mananatiling pagmamay-ari ng may akda. Ang mga naturang akda ay hindi maaaring muling mailathala nang walang pahintulot ng sumulat. KALYO, ang opisyal na literary folio ng The Philippine Artisan-Manila ay inilalathala isang beses kada taon. Ano mang komento, mungkahi, o mga payo ay malugod naming tinatanggap at maaari ninyong ibahagi sa aming social media accounts o ipadala sa aming email:
mga kaloob Mark Polido, pabalat p1
Adrian Joseph Arbon, “Flock” pahinang pamagat p2 Robelynn Masindo, “Saan Si Ama’t Ina?” mula sa punong patnugot p6 Marianne Lois Boncolmo, “Huling Sigaw” p11
thephilippineartisanmla@gmail.com
Elizabeth Bato, “Layag” p15
@TekArtisan
Rona Fe Curia, “Fading” p24
@PhilArtisanMLA
Adam Sewane, “Broke” p29, “Upos” p67, “Lumos” p89
@PhilArtisan MLA
Ang opisina ng The Philippine ArtisanManila ay matatagpuan sa G/F. CLA Building, Technological University of the Philippines, Ayala Boulevard Corner San Marcelino Street, Ermita, Manila
KALYO Tomo LXX Issue 2 Pag-aanyo at Paglalapat Alrianne Jake C. Rol Bachelor of Science in Civil Engineering Inilathala sa Cover and Pages Printing Press Taong 2017 ©
John Kevin Roman, “Tintang Itim” p67 Alrianne Jake Rol, “Kataware-doki” p41, “Forget-me-not” p53 Ulysys de Vera, “Isang Pirasong Papel” barandilya p8, “High” p81 Rochelle Lazada, “Shattered” huling pahina p98
Pagkilala sa mga dakilang
bumubuo at patuloy na gumagabay, bumabatikos, at sumusuporta sa mapagpalayang diwa ng panitikan at pamamahayag. Ito’y para sa iyo.
PI RA SO
pirso
png. Isa sa mga bahaging kinalalabasan ng paghahati o pagkasira.
IKW+ AN PG+AS