Newsletter 2019

Page 1

The Official Student Publication of the Technological University of the Philippines - Manila

Newsletter

January - April 2019


2

EDITORYAL

Sa Gitna ng Kontrobersya:

Isang Pagsusuri sa Integridad ng Halalan para sa USG 2019

Kaniyang kagawian sa katiting na kapangyarihan Ay siya rin namang gagawin lalo na Sa higit pang kapangyarihan.

Matatandaan kamakailan lang ay naganap ang eleksyon para sa mga susunod na mauupo sa University Student Government (USG) 2019-2020. Inilabas ng TUP COMSELEC ang resulta ng mga nanalo noong March 18, 2019. Sa pagka-presidente, Si Ms. Allona Jade Nadera ng KAMPI Partylist ang nagwagi ng posisyon. Siya rin ang mauupo bilang Student Regent ng mga TUP Campuses. Ito ay sa kabila ng mga kasong ikinasa laban sa kanya ng PUSO Partylist campaign managers at USG Committee. Metal Straw Funds, misconduct case, petisyon para sa diskwalipikasyon— iyan ang tatlong pangunahing kaso bago pa man ang kampanya ni bagong USG President. Tungkol sa Metal Straw Funds, hindi pa umano naibabalik ang kinita mula sa proyektong ito ni Ms. Nadera. Nasasaad sa TUP Student Handbook na sinumang nais na muling tumakbo para sa posisyon, bago pa kumandidatong muli, ay dapat munang maibalik sa kinauukulan ang pondong nalikom niya sa kaniyang kasalukuyang termino. Strike one. Misconduct case. Ito ay isinumite ni Mr. Mohammad Weezar Idris, myembro ng USG Student Defenders Committee (SDC), at ni Mr. John Nicole Dela Cruz, USG Senator for STRAW. Isinalaysay nila sa complaint ang kung paano ipinahiya ni Ms. Nadera si Mr. Idris sa harap ng mga USG Officers noong June 23, 2018. Nang patapos na daw ang meeting noon tungkol sa Metal Straw Case, sumali si Ms. Nadera sa nasabing pagpupulong at kinwestiyon ang presensya roon ni Mr. Idris. “Ano role mo dito?”, “Bakit ka nandito?”, “Wala kang karapatang bumoto kasi di ka Assoc ni Nico”. Iyan ay ilan lamang sa mga isinumbat niya kay Mr. Idris. Strike two. Sa 18-c, Table of Major offenses ng TUP Student Handbook nakasaad ang

OPINYON “Anumang uri ng kawalang respeto laban sa mga faculty members, employees at officials ng Unibersidad, o ng kahit sinong nasa awtoridad..” Malinaw na pasok sa kategoryang ito ang ginawang pambabastos ni Ms. Nadera sa kapwa niyang USG official na si Mr. Idris. Ito ba ang nararapat na ehemplo ng mga estudyante? Hindi pa natatapos dito ang kwestyonableng pagkakaupo sa pwesto ng nabanggit na pangalan. Nasundan pa ito ng mga paglabag pa. Siya mismo ang nag-file ng kandidaturya para sa pagka-presidente niya. Ito ay labag sa TUP Election Code Article V Section 5, na nagsasabing ang campaign managers lang ang dapat magpapasa ng mga requirements para sa kakandidatong kapartido. Nalamang wala rin pa lang rehistradong campaign managers ang KAMPI Partylist. Ito ay panibagong paglabag na naman ayon sa TUP-USG Election Code Article IV Section 25. Strike three and four. Mukhang aabot pa ang bilang sa Strike nth raised to the nth power. At ito na nga ang pinaka-kontrobersyal sa lahat ng nabanggit na kaso. Ang petisyon para sa diskwalipikasyon ni Ms. Allona Jade Nadera. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin resolusyon ang mga naunang nabanggit na kasong ipinasa noon pa mang USG Senator pa siya. Sa kaniyang pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon, nadagdagan lamang ang mga pagsuway niya sa TUP-USG Election code at TUP Student Handbook. Malinaw na nakasaad sa TUP-USG Code Article V Section 29, na ang sinumang may nakabinbin pang kaso ay diskwalipikado para sa pagtakbo sa susunod na eleksyon. Nagpatung-patong na nga ang naging paglapastangan sa batas—bakit nakatakbo pa rin at ngayo’y nahalal na? Sagot: ibinasura itong lahat. Ayon sa resolusyong inilabas ng TUP COMSELEC noong Marso 21, 2019, ipinapa-sawalang bisa ang mga isinumiteng kaso base sa dalawang artikulo. Ang una, TUP-USG Election Code Article XI Section 62 na nagsasad na ang lahat na complaints ukol sa mga kumakandidato ay dapat isumite nang hindi lalagpas sa tatlong araw matapos ang eleksyon. Sinasabi nilang Marso 20,2019 daw ikinasa ang petisyon laban kay Ms. Nadera. Gaano ito katotoo, kung may inilabas na resolusyon noong Marso 4, 2019 tungkol sa nasabing petisyon? Ang pangalawa naman ay ang Article XI Section 63 na nagsasabing mali nang napag-addressan ng letter ang mga nagsumite ng complaint. Dapat sa Commission o sa SET mismo at hindi sa mga teknikal na adviser nito. Maliit na pagkukulang ang itinugon sa mabibigat na ebidensya. Sapat na bang konklusyon ito? Papayag ka bang ganito ang mamuno at magrepresenta sa’yo?

pagitan ng mga sipsip, duwag at ng mga tunay na bayani.

THE PHILIPPINE ARTISAN MANILA - PUNONG PATNUGUTAN DELFIN ANDY ALFEREZ Punong Patnugot / Patnugot sa Balita

Delfin Andy Alferez EDITOR-IN-CHIEF

ADRIEL DE GUZMAN Pangalawang Punong Patnugot

Bachelor of Science in Mechanical Engineering alferezandy@gmail.com

KYLE SHAUN AQUINO Pangalawang Punong Patnugot ANGELA GRACE ALFARO Patnugot sa Lathalain BHEA CLARISSE TERCIAS Patnugot sa Panitikan JOHN PETER MAGBUHOS Patnugot sa Isports MARY COLLEEN NAGERA Tagapamahalang Patnugot JAN MIGUEL GARCIA Tagapamahalang Patnugot JOHN KYLE QUIAMBAO Tagapamahala ng Sirkulasyon FRENZY CLAIRE SADANGUEL Patnugot sa Dibuho AARON JOSH AGUILAR Patnugot sa Paglalapat - MGA MANUNULAT Mari-mar Bañares Mary Joyce Dioso Jethro Esceleto Mary Carinelli Gabatino Jansenn Kyle Hayag Rohani Langco Mellecent Mae Legaspi Ferdinand Quinto Audrey Marielle Solis - MGA TAGAPAG-GUHIT Jean Claude Arbarquez Basileo De Jesus Vincent Leonardo Lapuz - MGA LITRATISTA Alvin John Medalla Christopher Ryan Sanguyo - MGA TAGAPAGLAPAT Jayson Astudillo Mark Polido Jezreel Malazarte

Ranchor Facade

Para Kanino ang Boto Ko?

N

apakasakit pagmasdan kung paano tayo hinahati ng pulitika.

Bagamat ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo bilang isang “third world country”, hindi naman maipagkakaila na aktibo ang mga mamamayan nito sa pakikisali sa mga pulitikal na diskusyon. Kahit saan ka magpunta, o anumang estado sa buhay ng iyong makausap ay hindi tayo mawawalan ng sariling opinyon patungkol sa mga opisyal ng gobyerno at kalagayan ng pulitika sa ating bayan. Hindi rin maiiwasan na pagmulan ito ng mga pagtatalo at alitan na nagreresulta sa di pagkakaunawaaan sa pagitan ng mga samahan at maging ng ating mga kapamilya. Sa hinaba-haba ng kasaysayan ng Pilipinas, marami tayong mapupulot na aral kung paanong nagkawatak-watak ang mga Pilipino kung kailan mas kailangan nating magkaisa. Mga kuwento ng pagdikit sa makapangyarihan para sa sariling pakinabang. Mga karumal-dumal na pagpaslang sa kapwa Pilipino mapagsilbihan lamang ang sariling interes. Nabuo ang mga paksyon na naghihiwalay, pinagaaway ang mga magkakababayang dapat sana ay nagtutulungang pabagsakin ang tunay na kaaway. Walang pinagkaiba sa kasalukuyang panahon. Pilipino sa Pilipino, kapatid sa kapatid – walang pinipiling sirain ang maduming pulitika na meron tayo ngayon. Mabilis lang para sa atin na bansagan ng “Dilawan” o “Dutertard” ang sinumang may salungat na paniniwalang pulitikal sa atin. Tila ba inuulit lang natin ang kasaysayanang trayduran sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang. Ang hidwaan sa mga negosyante ant tunay na makabayan. Ang tunggalian sa

Sa panahon ng halalan, makikita natin kung gaano katindi ang epekto ng pagkakawatak-watak na ito sa ating mga Pilipino. Masyadong nakatuon ang ating pansin sa kung paanong wawasakin ang kabilang kampo para lamang manalo ang ating mga iniidolo. Mas pipiliin pa ng marami sa atin na muling maghalal ng mga mandaraya at magnanakaw (basta gwapo at mabait) wag lang makakuha ng puwesto ang kinamumuhian partido. Sa madaling salita, mga panatiko. Masigasig ikampanya ang kung sinong prominente ngunit walang pangarap para sa sariling kinabukasan.

Mababaw ba ang mga Pilipino?

Hindi. Bilang isang magaaral na nasa sapat nang gulang para bumoto, naniniwala ako na may kakayanan ang mga Pilipino na magluklok ng mga personalidad na may tunay na malasakit para sa bayan. Naniniwala akong hindi malabnaw ang kakayanan nating magsuri at mag-analisa. At naniniwala ako na kung aalisin lamang natin sa ating mga puso ang pansariling interes at labis na pagkamuhi sa isang kandidato o partido at magbabase sa kanilang kredibilidad at sinseridad, makakanuo tayo ng isang pamahalaang binubuo ng mga taong may tunay na malasakit sa ating bayan. Tigilan na natin ang ating nakasanayan. Kung sa nakaraang mga dekada ay nalinlang tayo ng idelohiyang nagpahamak sa ating bayan. Panahon na upang wakasan natin ang kultura ng pagkakawatak-watak at pagaalay ng ating boto para sa mga indibidwal at partido na hindi naman natin magiging kakampi sa Senado at Kongreso. Itigil na natin ang pagkampi sa Pula. Itigil na natin ang pagtangkilik sa Dilaw. Lagi nating piliin natin ang Pilipinas.

Nais mo bang mapabilang sa ating Pahayagan? Ang Philippine Artisan ang opisyal na pahayagan ng mga magaaral ng Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas. Simula sa Agosto 2019, kami ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa mga sumusunod na posisyon: - Manunulat (Writer) - Tagapagguhit (Illustrator) - Litratista (Photographer) - Tagapaglapat ng Disenyo (Layout Designer) Ang sinumang interesado ay maaaring magtungo sa aming opisina sa pagitan ng USG at Campus Ministry, o magiwan ng mensahe sa aming Facebook page: https://www.facebook.com/ TekArtisan/

3


4

BALITA

Gawad Tek, Muling Isinagawa Sa panulat ni Delfin Andy Alferez

L

abinlimang magaaral ng TUP Manila ang ginawaran ng mga parangal sa katatapos na Gawad Tek R. Tisan na idinaos noong ika-11 ng Pebrero 2019 sa IRTC Conference Hall. Ang Gawad Tek R. Tisan ay ang taunang patimpalak na pampanitikang isinasagawa ng Philippine Artisan kung saan ay layunin nitong ipunin at tanghalin ang mga pinakamahuhusay na akda at obra sa sumusunod na kategorya: Pasulat ng Maikling Kuwento (Filipino at Ingles), Pagsulat ng Tula (Filipino at Ingles), Pagkuha ng Litrato, at Pagguhit. Mahigit sa 60 na akda at obra ang inilahok, at naitanghal ang 18 na parangal na napunta naman sa 15 na magaaral, kung saan ang ilan sa kanila ay nagkamit rin ng parangal sa higit sa isang kategorya. Ang pagpapasa ng mga kalahok ay nagsimula noong Disyembre 2018 at tumagal nang dalawang buwan. Samantala, ang mga tumayo namang hurado para sa pagpapasya ng mga mananalo ay ang mga patnugot ng Philippine Artisan,

sa pangunguna ng Patnugot Pampanitikan na si Bhea Clarisse Tercias. Kasama rin sa mga panauhing hurado ang mga alumni ng Philippine Artisan na sina Engr. Chris Rosales (para sa Pagsulat ng Tula), Demielle Abilon (para sa Pagsulat ng Maikling Kuwento), at Gleason Wayne Marquez (para sa Pagguhit at Pagkuha ng Litrato). Matatandaan na ang nasabing parangal ay naudlot at huling idinaos ng pahayagan noong 2012, at sa kabutihang palad ay muling isinagawa dahil na rin sa inisyatibo ng kasalukuyang mga patnugot. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng mga medalya, tropeyo, at premyo na makikita sa listahan sa ibaba: Pagsulat ng Tula (Filipino) Jerico R. Renico BGT-MDT 4A (Kampeon, Php 2,000.00) Kenneth Hanopol BET-ECET 1A (Ikalawang Parangal, Php 1,500.00) Jerryl Del Rosario BSCE-5B (Ikatlong Parangal, Php 1,000.00)

Proyekto ng mga Mag-aaral na ECE, Wagi sa Ika-12 ARAW Sa panulat nina Jan Miguel L. Garcia at Audrey Marielle A. Solis

I

sang proyekto na pinamagatang “Arduino-based Sound Acquisition System for Classifying Coconut Maturity using Fast Fourier Transform” ang nanalo ng unang gantimpala sa kategoryang Komersalisasyon sa ika-12 Annual Research Awards (ARAW) noong ika-8 ng Marso taong kasalukuyan na ginanap sa Balagtas Hall, Politeknik na Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Mula sa 122 na entries sa pananaliksik, siyam ang napili bilang mga finalist sa kategoryang pang-agham, komersyalisasyon, at makabagong ideya.

Ang mga tagapagtaguyod ng pananaliksik ay sina Mark B. Cruz, Jonalyn E. Escosio, Louiejim C. Hernandez, Camille V. Lumogdang, Eddieson P. Real, at Michelle Andrea V. Tamase na pawang nagmula sa departamento ng ECE. Si Engr. Edmon O. Fernandez naman ang nagsilbing tagapayo ng grupo. “Nais naming pasalamatan ang lahat ng tao, organisasyon at ahensya na nag-ambag sa paglikha ng proyekto. Una sa lahat, pagkilala sa kagawaran ng ECE lalo na sa aming thesis adviser na si Engr. Edmon O. Fernandez, Engr. Lean Karlo S. Tolentino, pinuno ng kagawaran, at Engr. Agosto C. Thio-Ac, Engr.

Universal Health Care Act, naisabatas na Sa panulat ni Mary Carinelli R.Gabatino

Pagsulat ng Tula (Ingles) Edbert Darwin Casten BT-EET 3-B (Kampeon, Php 2,000.00) Rionel Lapuz Jr. (Ikalawang Parangal, 1,500.00) Jayson Barona BFA-1A (Ikatlong Parangal, Php 1,000.00) Pagsulat ng Maikling Kuwento (Filipino) Angelo Aberilla BSIT-4B (Kampeon, Php 2,000.00) Jayson Barona BFA-1A (Ikalawang Parangal, 1,500.00) Queenie Pantoja BSA-1A (Ikatlong Parangal, Php 1, 000.00) Pagsulat ng Maikling Kuwento (Ingles) Robyn Velasco (Kampeon, Php 2,000.00) Carl Rioboca BT-IT 4A (Ikalawang Parangal, 1,500.00) Erika Pearl Odulio BSIS-4A (Ikatlong Parangal, Php 1,000.00) Pagkuha ng Larawan John Carlo Flores BSCE-4A (Unang Parangal, Php 2,000.00) Terence Francia (Ikalawang Parangal, 1,500.00) Jerico R. Renico BGT-MDT 4A (Ikatlong Parangal, Php 1,000.00) Pagguhit Johnrey Bacal BSIT - 4A (Kampeon, Php 2,000.00) Jayson Barona BFA-1A (Ikalawang Parangal, 1,500.00) Jao Pelaez BFA-1B (Ikatlong Parangal, Php 1,000.00)

Romeo L. Jorda, Engr. John Carlo V. Puno, mga panel. Pangalawa ay pasasalamat kay Engr. Nilo M. Arago, propesor sa asignatura, para sa pagbibigay sa amin ng oportunidad at pagkakataon na maibahagi ang aming proyekto. Sa PUP ARAW, para sa paggawad ng Commercialization Research of the Year Award. Sa wakas, gusto naming pasalamatan ang Diyos, ang aming mga magulang, ang mga may-ari ng deployment area at lahat ng mga taong tumulong sa amin,” pahayag ni Cruz sa isang panayam. Ang pangunahing layunin ng ARAW ay magbigay ng angkop na pagkilala sa mga pinakamahuhusay na pananaliksik ng mga estudyante sa larangan ng inhinyera sa buong bansa.

N

either as population-based or individualbased health services: Provided, That the goods and services to be included shall be determined through a fair and transparent HTA process.

Layunin ng batas na palawakin ang benepisyong matatanggap ng mamamayang Pilipino ukol sa pangangalaga sa kalusugan na sakop ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Higit dito, ang mga sumusunod ay ang nakasaad sa ika-siyam na Kabanata ng Saligang Batas na pagkukunan ng pondo sa pagpapatupad ng nito:

ilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11223 o kilala rin bilang Universal Health Care Act noong ika-20 ng Pebrero, taong kasalukyan.

Nasasaad sa Sekyon 6 ng RA 11223 ang mga benepisyong makukuha ng bawat Pilipino, Sec. 6. Service Coverage. - (a) Every Filipino shall be granted immediate eligibility and access to preventive, promotive, curative, rehabilitative, and palliative care for medical, dental, mental and emergency health services, delivered

Ang kabuuang koleksiyon ng Sin Tax Reform Law, liban sa ibang mga mandatong paglalaanan nito; Limampung porsyentong parte ng gobyerno mula sa kita ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR); Apatnapung porsyento ng charity fund, tubo ng Documentary Stamp Tax Payments, at mga mandatong kontribusyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office; Primyadong

BALITA

5

kontribusyong ng mga miyembro; Ang nakalaang pondo nang Kagawarang ng Kalusugan at; Subsidy na nakalaan sa PhilHealth. Ang nasabing batas ay unang ipinanukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto simula pa lamang noong 15th Congress at siya ring unang nagpasa ng mga takda ng UHC Act sa 17th Congress. Sa kabilang banda, si Senador JV Ejercito, bilang chairperson ng Senate health committee, ang siyang naging principal sponsor ng Universal Health Care Act. Ayon sa batas, ang Universal Health Care Act ay dapat ipatupad labing limang araw matapos mailimbag sa Official Gazette o anumang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon.

Eleksyon ng USG, isinagawa

I

Sa panulat nina Jan Miguel Garcia at Mary Colleen L. Nagera

pinahayag ng Komisyon sa Halalan ng mga Mag-aaral (COMSELEC) ang bagong hanay ng mga Opisyal ng Pamahalaang Pang-Estudyante ng Unibersidad (USG) para sa taong 2019-2020 noong Marso 18, 2019 na ginanap sa Sentenaryong Entablado ng TUP. Nakapagtala ng 23.65% na botong kalahok mula sa mga estudyante ang COMSELEC sa 11 na presinto sa loob ng unibersidad na isinagawa sa pamamagitan ng manu-manong sistema ng pagboto. Narito ang resulta ng nakaraang halalan. Samantala, magsisilbing kinatawan ng rehenteng estudyante sa kalakhan ng TUP si Allona Jade Nadera kasabay ng kanyang panunungkulan bilang presidente ng USG.

TUPEG 2019, Idinaos

ang pakikiisa ng bawat publikasyon tungo sa isang responsable at malayang pamamahayag na may temang “TUPEG: Advancement of Campus Journalism to its Core Competency to Modern World”.

Sa panulat ni Audrey Marielle A. Solis

Sinimulan ni Atty. Emmanuel Jatayna, mananaliksik at manunulat na nagmula sa Ateneo De Manila University (ADMU) ang unang pagbibigay ng mga payo sa mga delegado na pinamagatang, “ABCs of Responsible Writing”. Sa ikalawang araw, sinundan ni G. Mikhail Flores, nagtapos ng BS Journalism sa University of the Philippines-Diliman (UPD), ang pagbibigay ng mga kadahilanan kung bakit nagsusulat ang mga mamamahayag, at ang importansya ng pagkilala sa totoong impormasyon. Pinagpatuloy ni G. Glenn Ford B. Tolentino,

A

ng ika-13 na pagdiriwang ng TUP Editors’ Guild (TUPEG) ay ginanap noong ika-23-25 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Doña Jovita Garden Resort, Calamba City, Laguna sa pangunguna ng The Philippine Artisan - Taguig. Ang TUPEG ay ang taunang pagsasama ng apat na kasaping publikasyon ng Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas (TUP). Ito ay may layunin na panatilihin

isang filmmaker, ang pagbibigay ng mga alituntunin sa pagiging isang epektibong at karampatang mamamahayag. Ipinamahagi rin niya ang kasaysayan ng campus journalism. Ang huling pahayag ay galing kay G. Reggie Cutanda, isang graphic designer, na nagbigay ng mga ideya kung ano ang graphic design at paano isinasagawa ang layouts, importansya ng typography at mga panuntunan nito. Sa huling araw ng TUPEG ay nagsagawa ng team building ang apat na publikasyon at niratipikahan ang Constitution and By-Laws (CBL) upang magkaroon ng isang sistematiko batayan ng mga alituntunin.


6

BALITA

BALITA

Philippine Artisan, Nagdaos ng Grand Alumni Homecoming

7

Sa panulat ni Delfin Andy Alferez

M

ahigit sa 30 alumni ng Philippine Artisan ang dumalo sa kaunaunahang Grand Alumni Homecoming ng pahayagan na idinaos noong ika-11 ng Pebrero 2019 sa IRTC Conference Hall. Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong ipagdiwang ang ilang dekada ng serbisyo ng Philippine Artisan sa Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas bilang opisyal na pahayagan ng mga magaaral. Ang programa ay sinimulan sa isang pagbati mula kay Dr. Margaret Aquino, Direktor ng OSA at isa ring dating patnugot at tagapayo ng Philippine Artisan. Tatlong tagapagsalita naman na pawing mga dating Punong Patnugot ng nasabing publikasyon ang

tumalakay sa mga sumusunod na paksa: “Ang Artisan bilang isang Iskolar ng Bayan” – Prof. Dada Horuichi “Ang Artisan bilang isang Estudyanteng Mamamahayag” – Engr. Benj Barcoma “Ang Artisan bilang isang Alumni ng TUP at TPA” Engr. Aleksandre Pates Matapos ang mga paksang ito ay natapos naman ang programa sa isang

hapunan na pinagsaluhan ng lahat ng Artisan, at nagwakas sa isang pasasalamat mula kay Delfin Andy B. Alferez ang kasalukuyang Punong Patnugot ng Philippine Artisan. Samantala, naapagpasyahan din ng mga kasalukuyang patnugot at mga alumni ng Artisan na kumalap ng mga donasyon na magagamit ng pahayagan sa pagbili ng mga kagamitan at materyales na mapapakinabangan para mas lubos pa nilang mapagsilbihan ang komunidad ng TUP.

TUP, Nagdaos ng Kauna-unahang Graduation Ball Sa panulat nina Kyle Quiambao at Bhea Tercias

M

arso 23, 2019- Ginanap ang kaunaunahang TUP Graduation Ball sa Le Pavillon Hotel, Pasay City na dinaluhan ng mga magsisipagtapos na magaaral ng ating unibersidad. Sa naganap na kasiyahan ay nagtalumpati si Prof Virgilio Rosario na nagbigay-aral at inspirasyon para sa mga magtatapos ngayong taon. Nagtanghal din ang bandang Silent Sanctuary na naging

pangunahing tampok ng gabi. Naidaos nang matiwasay ang nasabing pagtitipon ng mga magsisipagtapos. Samantala, ang bise presidente ng USG na si Mr. Adonis Ramirez ay ang tao sa likod ng matagumpay na gradball sa tulong ng kaniyang kasamahan sa USG na si Mr. Timothy Capulong at si Ms. Kristal Maris Cabrera kasama rin ang OSA Direktor na si Dr. Margaret Aquino. Sa panayam kay Mr. Adonis Ramirez, ang kaniyang iniiwang pahayag

Zero Waste Campaign: Hakbang tungo sa Bagong TUP Sa panulat nina Ferdinand M. Quinto at Mellecent H. Legaspi

TUPians, bumida sa Siklab 2019 Sa panulat ni Mellecent Mae H. Legaspi

S

a temang SAGWAN: Ang Sining at Galing ni Juan, matagumpay na idinaos noong ika-27 ng Pebrero ng Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyong Pampalakasan ang SIKLAB 2019 na naglalayong ipamalas ang galing at talento ng mga mag-aaral ng unibersidad sa pamamagitan ng mga awitin at sayaw mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas,

K

asabay nang patuloy na paglipas ng panahon ay ang paglala ng pagkasira ng ating kapaligiran. Isa sa mga patunay ay ang pagdami ng mga basura sa kapaligiran na nakapagdudulot ng mga sakit.

mula noon hanggang ngayon. Kabilang sa mga nagtanghal ang Kalinangan Dance Troupe, Kalinangan Singers, Grayhawks Dance Crew, at TUP Drum and Lyre. Nagpakitang gilas din sina Mr. Adriane Roy Calangian, na nagtapos ng pag-aaral sa TUP at Prof. Leonard Agustin sa larangan ng pagkanta; at sina Mr. Artemio Reyes Jr. at Ms. Cheryloize Ocido sa dance sport. Pinaunlakan din ng PNU Balingsasayaw Dance Troupe ang ating unibersidad bilang panauhing tagapagtanghal sa nasabing programa. Kasama sa mga dumalo at nakiisa sa mga pagtatanghal ay ang Dekana ng Kolehiyo ng Malalayang Sining na si Dr. Juliet Catane at pinuno ng Kagawaran ng Edukasyong Pampalakasan na si Armando Santiago.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng kawani ng ating mahal na unibersidad na nagbigay ng suporta sa pagtatanghal na ito at sa mga estudyanteng nagtanghal at nanood. Makakaasa kayo na sa susunod na taon, mas pagagandahin, mas maraming pasabog, at gagawing mas kahali-halina ang aming magiging pagtatanghal,” ani Prof. Bernadette Alavazo, Direktor sa Kultura ng TUP at nagsilbi ring pangunahing tagapagdaloy ng programa.

in our own tiny way, we will be contributing to the preservation of our Earth”, pahayag niya sa pakikipanayam ng mga miyembro ng aming pahayagan.

Kaugnay nito, nitong Marso ay ipinatupad ni Dr. Jesus Rodrigo F. Torres, pangulo ng Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, ang “Zero Waste Campaign”, na naglalayong mabawasan ang mga basura na nakokolekta sa Unibersidad. Sinimulang ipagbawal ang mga papel at plastic na lalagyan ng mga pagkaing ibinibenta sa Tayuman Canteen, at pinayuhan ang mga mag-aaral na magdala ng sariling lalagyan, kutsara, at tinidor.

“Maliit na bagay lang ‘yan. But, even

Aminado siya na hindi naging madali ang pagpapatupad ng kampanya na ipagbawal ang mga papel at plastic dahil hindi sanay ang

para sa mga susunod na student lider ay, “We must be brave enough to take all the risk for the students” and “If you don’t take risk, you cannot create a future. Kaya sa mga Iskolar ng Bayan, huwag matakot sumubok at sumugal. Para sa bayan. For the Students! Serve the Students!” Kalakip ng bawat proyekto at kaganapan ay ang hindi maiiwasang mga kontrobersya. Sa nasabing okasyong ito, may dalawang umusbong na isyu. Una, ang ilan sa mga dumalo ay naubusan di umano ng pagkain. Ang pangalawa naman, ayon sa Head Registrar, ang pondo ng gradball ay hindi pa naibabalik ng buo. Ipinapangako ng mga nagorganisa na ang balanse ay ibabalik bago matapos ang bakasyon.

mga mag-aaral ng Unibersidad sa nasabing kaugalian. Sa kabila nito, nakatanggap naman siya ng iba’t ibang papuri mula sa mga magaaral at empleyado ng TUP. “Ang proyekto ay pagbibigay diin sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Ika nga hindi naman masama ang pagbabago kung ang kapalit nito ay ikabubuti ng nakararami. Ang patuloy na proyekto na isinasagawa ng ating pangulo ay may malaking ambag sa kapaligiran gayundin sa ating buong unibersidad.” pahayag ni Victor James Escolano, mag-aaral sa kursong BAM-IM 3A. “We should change the culture of complacency and develop a culture where people will consider the TUP as their own responsibility. TUP is their home and TUP is something that should be loved.” tugon ni Dr. Torres, TUP President nang tanungin kung anong legasiya ang gusto niyang iwan sa Unibersidad sa kanyang apat na taong panunungkulan.


8

LATHALAIN

WAVE: Pagpapakilala sa Unang Pilipinang Bida ng Marvel Comics

LATHALAIN

Dear President Sa panulat ni Janssen Kyle G. Hayag

M

akalipas ang anim na buwan mula nang maitalaga sa pagkapangulo si Dr. Jesus Rodrigo F. Torres, hindi maitatanggi na nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng ating unibersidad. Pagpapalagay ng mga drinking fountains sa paligid ng unibersidad at pagpapatupad ng zero waste campaign management ang iilan na sa mga nagawang proyekto ni Pang. Torres.

Sa kabila ng paunti-unting pagbabago sa unibersidad, hindi pa rin maiiwasan ang ilang puna at batikos sa pagkukulang sa paaralan. Nagsagawa kami ng maikling panayam sa mga mag-aaral sa unibersidad kung ano ang mga nakikita nilang problema na dapat bigyang pansin ng bagong administrasyon. Narito ang ilan sa mga nakalap naming hinaing

Sa panulat nina Aaron Josh Aguilar at Mellecent Mae H. Legaspi

K

asabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan noong ika-8 ng Marso, inanunsyo ng isa sa mga tagapagsulat ng komiks na Marvel ang bagong kuwento na pagbibidahan ng isang babaeng superhero na tatawaging “Wave.” Siya ay lalabas sa bagong serye ng komiks na “War of the Realms: Agents of Atlas #1,” ngayong Mayo.

Bersyon ng Marvel hero na si Wave ni Aaron Josh Aguilar

Inanunsyo ito ni Greg Pak sa Twitter at SXSW Conference sa Austin, Texas. Kaugnay din ng tweet na ito ang isang cover art para sa karakter na nilikha ni Gang HyukLim at ng Pinoy na tagalikha rin ng komiks na si Francis Yu, na siya ring kasama sa gumawa at nagdisenyo ng karakter na “Wave.” Ang kasuotan ng bidang si “Wave” ay sumasalamin sa isang diwata na may gintong

baluti, palamuti sa ulo, at nagliliwanag na mga pakpak. Siya rin ay may pares ng talim na tila hinalaw mula sa isang katutubong espada na kung tawagin ay kampilan. Wala pang detalye patungkol sa kanyang mga kakayahan ngunit base sa kanyang cover art, ito ay maaring kaugnay sa tubig at mahika. Hindi si “Wave” ang unang Pilipinong superhero ng Marvel. Noong 2008, ipinakilala ng Marvel ang grupo ng mga Pilipinong superhero na tinawag na “Triumph Division” o Pangkat ng Tagumpay bilang mga sekondaryang karakter sa “Invincible Iron Man Volume 2 #2.” Hindi man siya ang unang Pilipinong superhero na ipinakilala ng Marvel, ngunit siya marahil ang unang magiging sentro ng mundo ng nasabing kumpanya.

Ang Mabuting Balita mula kay Panginoong Dutete Sa panulat ni Prinses Teyya Mabangis Putangina! Magsiluhod kayo mga anak kung hinde, oobosen ko kayo. Tokhangin ko kayo wala akong pake mga sonovvabitch. Buti pa si Bung Go, mabaet na bata binura na nya yong dragon balls tattoo sa likud niya. Ewan ko nga lang baket bayag ng dragun yung simbolo ng drug frat nila dati. Ops, wala akong sinabing druga galit ako diyan. Mahal ko kayong mga anak ko, kaya ko nga hinalekan yung isang OFW sa harap ng medja. Nagalit din ako nung may na-rape sa Davao, dapat mayor ang mauna. Ako Davao mayor nuon na-reyp yong napakagandang Australyana, bago niyo pa ako ginawang pangenoon. Sa mga na-rape din diyan, i donnat gibba pak kase hanggang may babae may marape talaga. Ako man nuong binata ako, ginlagay ko pinger ko sa salawal ng katolong ko.

2016 naupo ako sa Malacanan. Salamat pala anak sa pagbuto at pagtanggol mo saken sa pesbok ha. Salamat din sa mga ka-dinuguan naten diyan, mga mahal kong INCorporated dahil sa pagkampanya sa aken. Ewan ko lang baket nanahimek sila bigla ebritaym na nagmumura ako sa mga spits ko. Pak the Pope. God is stuped. Mga bayot naman iyang mga Pari na ‘yan. Mga bakla. Nung bata ako, henawakan ako ni Father. Sigoro kaya din lumake etong batota ko hehe. Di ko nga binabalot ng twalya bewang ko apfter maligo, tas ipakita ko sa mga babae. Yawa nagagalet sila saken kasi hinde daw ako tumigel makipag-kwan sa kanela. Nuong bata din ako, halos umabot na ito sa langit. Pero anak alam mo, sa inelake nito, wala man akong balls para ipagtanggol kayo sa

mga Chingchong. Tatahol lang tayo para di mona nila tayo sakopin. Hindi pa. Kahet ginobos nila giant clams at teritoryo natin, kahit gawin nila kayong Ma-Ling, kahit patayen din nila fishermen naten sa scarburo. Pinaotang naman nila tayo para sa Bil Bil Build. Malake nga lang interes, pati mga messayl at barko nela. Pero maliet naman mga batuteng nila kaya kahet i-reyp nila ang pinas, hindi siya sobra mawarak. Baka nga lang gawin siyang siopao pag sawa na. Idol ko si Marcos kaya ibabaon ko pa. Kayong mga potangina niyo sa otang. Buwis niyo naman ibabayad kaya okey lang anak. Sanay naman kayo sa kontraktwalisasyon at sa mababang sahod, diba?

Tatlo lang yan: natawa ka, nakornihan or na-trigger sa nabasa mo. Hindi ‘to purong piksyon o fake news. Ito ay ayon mismo sa mga sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte. I-access ang link na (tiny.cc/0hho5y) para mapunta sa google drive kung saan nakatipon ang mga balitang pinagbasehan ng sulating ito. Maaring ikaw rin mismo ang humanap sa Google ng sagot.

9

Pagkatapos po ma-implement yung pagbabawal ng mga plastic sa Tayuman, yung nakikita ko pong problema ay yung kakulangan sa pwesto na makakainan sa tayuman canteen. So yung request ko po sana ay mahanapan ng panibagong pwesto sa paglalagay ng mga karagdagang la mesa para may malaking lugar na pagkakainan ng mga estudyante.” – Jhon Warner Bangayan

Concern lang po kami sa sanitation sa canteen pati na din po yung sa mga cr na walang flush. Tapos yung mga computer po particularly sa GAPT Department kulang po kaya napipilitan po yung mga estudyante na mag provide ng sariling pc eh hindi naman po lahat kayang magprovide so sana may budget pong nilalaan dito. Dagdagan din po sana yung bilang ng mga professor kasi minsan po paulit-ulit nalang yung mga prof.” – Amayah Kim Pedere

Napapansin ko po na tuwing program madalas na nagpapalipad ng lobo sa TUP eh alam naman po natin na nakakasama poi yon sa kalikasan. Isa pa pong concern ko ay bilang kilalang isyu ngayon ay ang sexual harassment, nararapat lamang na bigyang pansin ito sa ating unibersidad, hindi lamang para sa mga kababaihan kundi para sa lahat. Maaring maglagay po ng help desk para may makikinig sa kanilang reklamo dahil hindi sa pananahimik natatapos ang isyu.” – Kimberly Tubo

Sana po madagdagan yung electric fan lalo na po sa Math Department. And yung sa uniform po mafollow up na din at yung refund ng entrance exam. Proper ventilation po sa tayuman at sana palakihin din yung space na pagkakainan sa tayuman.” – Rea Joyce Prudenciado

Yung concern ko lang po is yung sistema po sa entrance and exit na pinapatupad sa mga gate ng TUP. Maganda po yung idea na iniiwasan natin yung aksidente sa San Marcelino pero kahit naman po ibawal ang pagexit sa CIT/CAFA gate eh useless din kasi dun pa rin naman po kami dadaan at dun ang mga kainan. Bale parang umikot lang po kami ng malayo pero yung hazard, andun pa rin.” – Anonymous

Sa mga may nais pang iparating na hinaing o suhestiyon hinggil sa mga isyu sa unibersidad, maaring bisitahin ang Facebook page na President`s Corner o buksan sa link na ito https://www.facebook.com/Presidents-Corner-1670377026531879/


10

LATHALAIN

LATHALAIN

Rehabilitasyon ng Manila Zoo, Ipinatupad Sa panulat nina Jethro Escleto at Ferdinand M. Quinto

Mula naman kay Atty. Jasyrr Garcia, Punong Tagapangasiwa ng Public Recreations Bureau (PRB) Manila, na ang nasabing rehabilitasyon ay tatagal ng tatlo hanggang apat na buwan. Ang Manila Zoological and Botanical Garden o mas kilala bilang Manila Zoo ay binuksan noong ika-25 ng Hulyo taong 1959. Ito ay may sukat na mahigit limang hektarya, na matatagpuan sa Adriatico Street, Malate, Manila. Naging tahanan ito ng mahigit isandaang hayop kabilang ang pinakakilala na si Mali, isang elepante. Ito ay may edad na 44 na nanggaling pa sa bansang Sri Lanka.

K

amakailan, ipinasara ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Zoo dahil sa inilabas na ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na isa ito sa mga nagpapadumi ng tubig sa Manila Bay. Isa sa mga rason ay ang kawalan ng sewer line o sewage treatment plant na nagiging dahilan upang mapadumi ang tubig sa ilang estero. Ito rin ay bilang pagsuporta sa proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa dating ganda ang Manila Bay na

sinimulan noong Enero 11 taong kasalukuyan. Kinumpirma rin sa isang pagsusuri ni Environment Secretary Roy Cimatu na kulang ang mga pasilidad na kailangan para sa paglilinis ng tubig at napupunta ito sa Manila Bay. Ayon kay Cimatu, ang estero ay mayroon 1.3 billion most probable number (MPN) per milliliters ng fecal coliform ng tubig imbes na 100 MPN per 100 ml lang. Dagdag pa niya na lahat ng estero ay dapat nang linisin, “It will include cleanup of all esteros, Laguna Lake and all outfalls”.

Noong nakaraang taon, nag-viral sa social media ang kalunos-lunos na kalagayan ni Raffy, isang leon, na nakaranas ng seizure. Base sa video, makikita ang leon na bigla nalang nadapa at nagkaroon ng convulsion. Nanindigan naman ang pamahalaan ng zoo na hindi kulang sa sustansiya ang nasabing leon at ito ay maaring epekto lamang ng nagdaang Bagyong Ompong. Isa lamang ito sa mga problemang kinahaharap ng Manila Zoo. Matagal nang nanawagan ang mga Animal Rights group sa permanenteng pagsasara ng Manila Zoo dahil sa kulang-kulang na pasilidad at di wastong pagtrato sa mga hayop na nakatira rito.

Serbisyo Publiko, Inulunsad ng BRead Society

I

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Andrew Saludes, “Ang misyon ng grupo ay ipalaganap ang mga salita ng Diyos upang magiya ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng Bibliya…” Si Saludes ay nagsilibing presidente nang nakaraang taon at naging tagapangulo ng League of Student Organization.

Ang Bread, ay isang organisayong

Pagsulat ng Tula Paparating na. Jerico Renico (Unang Parangal)

Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalang Rodrigo Duterte. Ang pangulo, sa walang kabuluhan. Baka maisilid ka sa sako ng kalakal. o baka mapagbintangan kang Liberal. Sapagkat yayariin ng panginoon ang iyong buhay at sasalain kahit walang sala. Ipako sa krus lagyan ng Karatulang: pusher ako, ‘wag tularan. Dapat palaging may hosana sa ngalan niya. Baka sabihan kang tanga ng mga trapong pulitiko, mga busog na bulsa ng kongreso, At nakapiring na mata ng mga panatiko. Dapat may pagsamba, dahil lahat pinaluhod at tinaniman sa ulo ng bala. pagdila sa kamay, paghalik sa paa upang mawala ang lansa. Papakitaan ka ng kaawaan, sa ilang libo-libong umibig sa kanya at ilang libong pinaslang niya. Sumunod kayo sa utos niya. Ang anak ng tao ay naging diyus-diyosan. Dumating ang kaluwalhatian, At ang mga anghel ay umawit, ang trumpeta ng mga kanyon ay binugahan. Kung gayon, uupo siya sa trono. Ang nagugutom ay mas lalong magugutom. Ang kamatayan ay batis ng mga dugo kung umagos. Panahon ito ng pangalawang paghatol. Paparating na ang diyos-diyusan. Paparating na ang diktador.

Sa panulat ni Adriel de Guzman nulunsad ng Bible Readers (BRead) Society ang serbisyong publiko kaalinsabay ng ika-dalampung taon ng pagkakatatag noong Pebrero: dalawampung gawain sa dalawampung lugar ang ikinasa sa iba’t ibang unibersidad kabilang ang TUP. Libreng print, photocopy, at kape ang ibinigay sa mahigit isang daan na estudyante.

Mga nagwagi sa Gawad Tek R. Tisan 2019

pangrelihiyon (hindi pangkatin), NGO, sociosibiko na bukas sa lahat. Clean-up drive, Brigada Eskwela ay ilan lamang sa gawain nainululunsad taun-taon. Samantala, nagtagumpay ang Bread-TUP sa Luzon-Wide Bible Festival: ginawaran ng ikalawang gantimpala para sa Poster Making si Rowell Llanes; sa kategoryang Biblical Cosplay ginawaran si Michael Ray Pangilinan sa ikatlong pwesto at kasalukuyang tagapangulo ng kapisanan; sina Dexter Burig at Rommel Esteeves

ay nasungkit ang ikatlong gantimpala sa kategoryang Quiz Bee.

Golgota

“Ang gumawa ng mabuti sa lahat - sa mga kapwa namin estudyante at para maging ehemplo para gayahin na kung pwedeng gayahin ay pwedeng pwede dahil isa yun sa mga [bagay] na nag-uudyok sa amin para mas gumawa pa ng mabuti.” ani ni Saludes.

ni Jerryl Del Rosario (Ikatlong Parangal) Dugo ang sagisag ng pangakong Paparating na pagbabago Kuyom ang kamaong pasulong Ikinintal sa mga uhaw na isipan Na ang lipunang dinatnan Ay iaahon sa kasadlakan.

Ang Bread Society ay ginawaran bilang Third Best Organization 2018: kauna-unahang samahan-pangrelihiyon na nakasama sa talaan ng parangal sa Unibersidad.

Binalot ng dahas ang lansangan Gumapang ang hamog ng karahasan

11

LILIM

Kung sino man mahuli, sa krus ay ipapako/ Nagsi-bungad sa digmaan, dugo ay naghahalo, Hapdi ng senaryo ang pilit na inaako/

Ibinilanggo ng kasaysayan ang bawat paglalakbay, Na sa liwanag o kabutihan ay may aninong gasuklay/ Nag-krusada-an ang mga pananaw na taglay, Napawi’t nahimlay nang may puot na kaakbay/

Isa,dalawa,tatlo at marami pang putok, Marami na ang nasawi na mayroong hawak na gulok/ Mga bangkay nakahandusay sa kalsada na bulok, Walang habag,parang bulag ang mga taong niluklok/

( Liwanag sa Dilim) Kenneth Hanopol (Ikalawang Parangal)

Ito’y pahina kung sa’n ‘di naitala ang kabanata, Mga tau-tauhang nilaro ng tadhana/ Lupa ang saksi sa mga luhang namintana, At dugo ang umukit sa mga imaheng pinalaya/

Binuro ng panahon ang mga tagpong kalumo-lumo, Pugot-ulo ang tugon sa mga lumalaban na ninuno/ Ngunit siklab sa puso ng mga kristiyanong namuno, Ang nag-udyok lumaban upang lupa ‘di isuko/

Ito ang banal na lupa, pook sa Jerusalem, Kalauna’y naging kanlungan ng mga utak Saracen/ Lugar na ginalugad upang hostiya’y nguyain, At dala nilang patnugot ang agad na sambahin/

Pangalawang pagkakataon, tyansa’y naging malabo, Alitan sa pagitan ng haring nagsi-dayo/ Ang naging hudyat upang gapiin ng mga turko, Ang libong relihiyoso, sa Edessa ay nililo/

Sinimulan ang simulain nang may isang minimithi, Ang maibalik sa lupa ang ipinunlang binhi/ Digmaan ang pumagitan sa naging bunga at sanhi, Sa iba ay kabanalan sa ilan ay para sa salapi/ Ekspedisyong militar, lulan ay libong krusador, Pinangunahan ng mga hari, duke’t emperador/ Mula sa sinilangan, mananakop itinaboy, Matagumpay na nabawi, yugtong sa kanila’y pumabor/ Ngunit kakambal na ng galak, ang pighating dudurog, Na sa gitna ng katahimikan, may muling mambubulabog/ Inilarawan ng kuran ang bibliyang sinunog, Na may haring luluhod sa muli nilang pagsugod/

Maka-ilang ulit nabigo, sa nais na pagbawi, Kasawian sa pagitan ng mga sultan at hari/ Makasaysayang labanan, istoryang pilit hinahabi, Puno’t dulo man nito’y kasadlakan ang humahawi/ Isa lang ang masasabi, habang mayroong tinatamasa, Ay asahang may kahati sa mundong ginagahasa/ Ideyang sasalamin sa kuwento ng krusada, Na sa liwanag o dilim ay mayroong kang makakasama/ Ibinilanggo ng kasaysayan ang bawat paglalakbay, Na sa liwanag o kabutihan ay may aninong gasuklay/ Sinimulan ang simulain nang may isang minimithi, Ang maibalik sa lupa ang ipinunlang binhi/

Sinalakay nang muli, tungo ay sa kabilang dako,

Sa ilalim ng malamlam na buwan Nalagas ang mga dahon Nabali ang mga tangkay Ngunit muling lumago Pagkat nanatili ang mga ugat Ipinandilig ang dugo Na nagbunga Ng pighating di masukat Ng mga tinggang bumutas Sa bungo at kalamnan Pumailanlang Ang mga panaghoy at hiyaw.

Malayo pa Ni hindi abot-tanaw Pagkat naliligaw Ang mga nangunguna Unti-unting inihahatid sa hukay Ang mga nakakapit sa laylayan Marami na ang bulag at bingi Ipinagdiriwang Ang balat-kayong tagumpay Ng bakal na kamay.


12 LATHALAIN The Geek’s Guide to Netflix Series Sa panulat ni Angela Grace Alfaro

M

ula sa Bird Box at To All The Boys I’ve Loved Before, masasabing isa ang Netflix sa mga naghahatid ng kaaliwan sa porma ng mga palabas. Isa itong online application kung saan pwedeng manood ng baryasyon ng mga pelikula o TV series mapa-horror o rom-com. Bukod sa mga palabas ng ibang studios at companies, gumagawa rin sila ng sarili nilang produksyon na talaga namang tinatangkilik ng marami. Halina’t magscroll sa kung anong orihinal na gawang Netflix ang pinaka-pumatok sa subscribers at critics nitong mga nagdaang taon.

May cast ng talentadong kabataan at nostalgic na setting? Garantisado agad na makaka-relate dito ang buong pamilya, pati mga tita niyo. Bukod pa diyan ang horror-mystery na plotline ng palabas na talagang aaresto sa interes ng manonood. Unang inilabas ang Stranger Things noong 2016 at inaabangan ng fandom nito ang ikatlong season sa Hulyo. At syempre may kinikimkim tayong mga katanungan mula sa season 2—nanahimik na ba talaga ang Demogorgons at Shadow Monster? Paano napanatili ni Steve ang cool-guy hairstyle niya kahit may mga takbuhan at labanang nagaganap? At gaano kalaki ang epekto ng Shadowplace sa kaligtasan ng ating mundo?

2011 pa nag-umpisa ang series na ito ngunit nanatiling underrated-Netflixgem hanggang dumating ang Black Mirror: Bandersnatch na nangalampag sa sci-fi at gaming scene dahil interaktibo ito—ang manonood ang pipili ng aksyon na magaganap sa pelikula. Pwede nating pag-usapan ang kahusayan ng Bandersnatch nang mga ilang oras pa pero kailangan natin ng hiwalay na isyu para dun. Ngayon, isa sa mga kagandahan ng series ay iba ang kwento nila kada episode kaya jam packed mula season 1 hanggang season 4. Tinatalakay nila ang pag-unlad ng teknolohiya at ang epekto nito sa tao, kaya mapapaisip ka ng what-ifs ukol sa kasalukuyang paraan natin ng pamumuhay, hindi lang tungkol sa past relationships mo.

Nagwagi ng Emmy Awards at Golden Globes at patuloy na umaani ng papuri mula sa mga kritiko ang series na ito hindi lang dahil sa sense of humor kundi pati sa makatotohanang pagkwento sa buhay ng mga tao mula sa iba’t ibang lahi, ang kanilang hirap at saya ng mga karanasan sa romansa, sa propesyon, at sa kultura. Kung gusto niyo ng cast na parang supermodels, PDA love teams, at neon aesthetics— bakit kayo nandito? Charot. Pero sa kabila ng kakulangan sa supermodel na mga artista, busog naman kayo sa tawa at realisasyon sa buhay—yun ang dulot ng Master of None. Diba gusto naman natin yung kahit hindi magaling sa maraming bagay, kaya naman tayong pasayahin at suportahan?

Taas kamay ng mga true crime fans! Lahat tayo kabarkada ng Netflix kahit sabihin pa ng iba na mga weirdo tayo. Pagaganahin ng Mindhunter ang utak natin habang kinakalikot ang utak ng serial killers at mga kaso nila. Paano nga ba mag-isip ang mga kriminal na ito at bakit dapat nating baguhin ang toxic coping mechanisms natin (oo, nakakabaliw yan minsan). Nakakatakot bang mag-interview ng mga mamamatay-tao? Si Jonathan Groff naman ang kasama natin, walang problema diyan (*winks*).

Paano pag pinagsama natin ang dark millennial humor, weird characters, at mabibigat na problema sa buhay, pero animated? Say no more, dahil nandito si BoJack para maging relatable mood natin sa araw-araw. Sa unang tingin ay parang puro kalokohan at katatawanan ang kartuns na ito, pero nagtatago sa makukulay

na animasyon ang mahusay nitong pagpinta sa mga isyung may kinalaman sa mental health na dapat nating pagtuunan ng pansin, at higit sa lahat—hindi nito tinangkilik ang depresyon o adiksyon bilang quirk na pwedeng i-sensationalize at pagkakitaan.

Sa pamagat palang masasabi nang marami tayong matututunan mula rito, gaya ng kung paano maglagay ng condom at kung ano ang scissoring. Pero hindi lang tungkol sa mga ari ang tinatalakay ng palabas na ito. May mga leksyon din tungkol sa kahalagahan ng pagkakaibigan, pagtitiwala, pamilya, at pananagutan sa mga aksyon na ginagawa natin. Hindi lang nito papainitin ang mga gabi niyo kundi pati ang puso at damdamin dahil mapapamahal ang kahit sino sa mga tauhan ng Sex Education. At may pagkakataon na mapapaisip ka kung bakit lahat ng nagiging roles ni Asa Butterfield ay awkward soft boi type.

Mga emo at comic fans magkaisa!— Para sa superhero series na ito mula sa panulat ni Gerard Way (need I say more?). Ang kwento ay tungkol sa dysfunctional na pamilya ng magkakapatid na superheroes at ang pagiimbestiga nila sa biglaang pagkamatay ng kanilang ama…na maaaring may kinalaman sa katapusan ng mundo? Basta, sa mga kakaibang karakter at superpowers palang gugustuhin mo biglang bumuo ng marching band patungo sa pagkagunaw ng lahat kasama ang Umbrella Academy. Bukod sa mga series na iyan ay mapapanood din sa Netflix ang mga pelikulang galing Pinas gaya ng Birdshot at Heneral Luna; at ilalabas na rin sa mga susunod na buwan ang Buy Bust at Kita Kita—bawat isa ay nakatanggap ng papuri mula sa mga kritiko at manonood dito sa ating bansa. Pero diyan na natin puputulin ang TBW list dahil baka matambakan tayo lalo. Masayang pampalipas ng oras at stress ang pagbinge watch ng kung ano-ano sa Netflix, pero huwag kalimutan ang iba pang gawain! Mahalaga rin na kung anong magagandang katangian mula sa mga palabas na ito ay magamit natin irl. Sabi nga nila: ano mang porma ng sining ay sumasalamin sa tunay na buhay.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.