Kalyo: Krusada

Page 1

K A LY O

KALYO


K

R

U

S

A

D

A


Walang umaabot sa evangelIo at kaliwanagan nang hindi muna dumadaan sa digmaan at sa kadiliman. Ang pagwasak ay proseso ng pagbuo. Iba’t ibang yugto ng paglalakbay. Samu’t saring kwento tungkol sa libu-libong kasadlakan at mangilan-ngilang tagumpay. Sa dulo ng krusada, iisa lang ang tiyak—kung ano ang sinimulan ay mag-iiba sa katapusan. kl*yo 3


EXCOMULGADO ABA GINOONG TSINA11 WALANG TITULO 12 MARIA MAGDALENA 13 DISSONANCE OF TRUTH 14 NAPARAM 15 NANG MAGAMBALA ANG SANLIBUTAN 16 RIGHTLY WRONG 18 SIMBANG GABI 19 LOST TESTAMENT 20 KADENA NG SIRANG PANGARAP 22 A CRY TO THE ONE WHO WEARS SUTANNA 26 KRUS Y’ PIKSYON 30 PURLOIN 33 IMMORTAL FOLLIES 34 EXPLODING KITTENS 36 TEORYA NG BUHAY 40 SITSIT 41 DEAD CITY STATION ZERO 42 AU REVOIR 44 REHAS 45 MARKA 46 PARA KAY - : ENSAYO 48 FALSE PROFITS 49 HUMANS FOR HUMANITY 52


EXODUS - 53 PHOSPHOROUS 54 MARAUDER’S MAP 57 DEMO(INDIO)KRASYA 58 BAGONG-GI (BAGONG BAYANI) 60 FARMLAND 62 LAKBAY ALAY 63 TRINITY OF BROKEN THINGS 64 “OO NGA!”66 MARCH OF THE UNDEAD 68 NEW AGE KING 69 STRAVROFORIA: ROADS ETERNAL 70 KALAHALAYAAN 71 EXELSIS INSOMNIYAK: EMENIUS SLEEPUS 74 DI KILALANG BAYANI 76 KOLORETE 78 SA HAPAG NG KAINAN 79 FILIOQUE 80 TAYA – TAYAAN 81 NABIGASYON 84 ANGELOS 85 PUSYAW 86 AKELDAMA 88 SAPLING 89 BULAGTA 91 PUGON NA DE-GULONG 92


MULA SA PATNUGOT

Bhea Clarisse Tercias Patnugot sa Panitikan


Walang umaabot sa ebanghelyo’t kaliwanagan Nang hindi dumadaan sa digmaan at kadiliman. Minsan ka nang ipinagkanulo ng tadhana sa kalupitan nitong mundong nasiraan ng bait. Nagsimula sa paisa-isang pasanin, hanggang sa bumigat nang bumigat ang dalahin. Lumalim nang lumalim ang hiwa sa kalamnan, nanunuot ang hapdi hanggang sa kaluluwa. Nilisan ng pag-asa. Sinakop ka nang tuluyan ng mga mapang-aliping diyablong may pakpak. Iniwan kang nakatiwangwang at wasak. Lumingon sa kaliwa’t kanan, likuran at harapan. Hinanap siyang Tagapagligtas: walang nadatnan. Nagiba. Nanlulumo, nagsusumamong sana’y isalba. Nag-iba. Natuto, ngayo’y bumabangon mag-isa. Ikaw ang krusada. Ikaw ang bawat proseso patungong lubos na kasarinlan mula sa karimlan. Ito ang iba’t ibang yugto ng iyong paglalakbay. Samu’t saring kwento tungkol sa libu-libong kasadlakan at mangilan-ngilang tagumpay. Sa dulo, iisa lang ang tiyak. Kung ano ang sinimulan ay mag-iiba sa katapusan.



EXCOMULGADO


10 kl*yo


bersyon ni Adriel de Guzman Sa ngalan ng Pangulo Ni Salvador Panelo Ni Bong Go at ng mga sigang chingchongs Amen. Aba, ginoong Tsina Napupuno ka ng grasya Karagatan at kayamanan ay sumasaiyo Bukod kang pinagpala ng Pangulo, at ng kaniyang tagasunod Na ibinibenta sa’yo ang isla ng Scarborough Aba ginoong Tsina Punong-puno na ang masa Napupuno na rin lalo na ang mga mangingisda sa iyo Bukod tanging isla Pamana, kabuhayan maging soberanya at kalayaan, Ay ipinagkanulo ng duwag at ng gobryernong walang bayag. Ang West Philippine Sea ay S-AMEN.

kl*yo 11


kyle quiambao Sa aking karanasan bilang isang Bakla marami akong natutunan at napagnilay nilayan kung bakit masaya ako bilang ako at bilang marangal na tao. B-A-K-L-A Maraming ibig sabihin kaya maraming nalalabuan. Ang salitang ito ay naka depende sa pangagalingan: Tambay, Barbero, Bata, Matanda, Magulang, Bakla. Ang salitang ito ay maaring nanlilibak, nangngungutya, nang-yuyurak, nandidismaya o nagmamalaking sinasabi. Sa mga nanlibak sa akin dahil ako ay isang Bakla, natutunan ko ang lumaban sa bawat

12 kl*yo

salitang umuukit sa puso’t isip na nagsisilbing kadena na nakapulupot sa aking Kalayaan. Sa mga nangutya dahil ako ay Bakla natutunan ko ang magpatawad at magpasensya hanggat sa aking makakaya para sa aking sariling kaligayahan. Sa mga nangyurak sa akin dahil ako ay isang Bakla natutunan ko ang tumayo sa pagkakadapa at patuloy na tahakin at ipagpatuloy ang aking buhay. Sa mga nadismaya dahil ako ay Bakla, dahil sa inyo ay natutunan kong magpursigi at galingan sa bawat hamon ng buhay maging mahirap man ito o madali. At sa bawat tao na nagsasabing ako ay Bakla, Taas noo kong sinasabi na, “Oo ako ay isang bakla lalaban hanggang sa dulo ng aking buhay” Ikaw anong natutunan mo, Bakla?


maria magdalena rona fe curia Pikit-mata nang muli kong mabasa ang mga hindi inakala, Hindi alam kung itutuloy pa ba o huwag na. At sa tuwing naaalala ko, Nasasaktan pa rin ako.

Ikaw pa rin. Ang lamig ng paligid. Wala nang kumikinang sa itaas. Hawak mo ang aking kamay habang binabagtas, Ang mitsa pala ng aking tuluyang pag-iwas. Ikaw ang tahanan at sandigan. Pamilyar ang ating tinatahak, Bakas sa akin ang pananabik at galak. Sambit mo pa'y matagal mo itong itinago. Sigurado akong tama ang kutob ko.

Nang makita ko ang mga mata mo’y parang may iba. Nakita ko ang buhay, Ang katotohanan at ang kasukdulan. Kasabay ng pagtangis mo sa nakapako sa krus, Ay ang pagngiti kong kabaligtaran sa loob.

Ikaw ang pinakamatamis na kahapon. Sa sandaling iyon ay aking naunawaan. Ikaw ang pinakagustong parte. “Uuwi na ako”, Yun lang ang nasambit ko. Ikaw ang pinakaayaw wakasan. Uuwi na, Dahil nagbabadya nang pumatak ang aking mga luha.

Ikaw ang pinakamagandang obra. Sa 'di kalayuan ay naaaninag ko kung saan tayo patungo, "Ipakikilala kita sa Kanya." Napapikit ako, Isa ba 'to sa iyong mga pakulo?

Ikaw pa rin ang pinakamamahal. Ngayon, alam ko na. Alam ko nang hindi para sa akin ang tula, pero huli na. Sabay tayong nahulog. Ako, sa’yo.

Ikaw ang pinakamasayang gunita.

Ikaw, sa Diyos.

kl*yo 13


Dissonance of Truth angela grace alfaro There’s something terrifying About laying your heart bare. Just the entirety of you— No masks, no veils. Because what if they knew All the corruption within? What if they took one look— And just glance away?

14 kl*yo


NAPARAM

mark louie peralta I. Bathala ito ang aking hiling, Tanggalin ang aking puso, Itapon kung saan mo gusto. Ibaon sa lupa nang hindi na makahinga, Takpan ang mga butas na labasan ng pagmamahal at pawian ng buhay. II. Bathala ito ang aking hiling, Alisin ang mukha niya sa aking mata, dahil sa tuwing nakikita ko siya, Nanunumbalik lang, ang tula, ang saya, ang ligaya. Palitan mo ang dating kulay na bahaghari ng puti at itim, ‘Wag mong bulagin hanggang aking maatim na wala na s’ya, Hanggang sa hindi ko na makilala ang dating diwata. III. Bathala ito ang aking hiling, Tanggalin ang romansa sa aking katawan, Alisin ang kasabikan sa minsang usapan, Ang tuwa sa tuwing maglalapat ang aming mga kamay, Alisan mo ng pandama nang hindi ko na maramdaman na minsan ko s’yang minahal. IV. Bathala ito ang aking hiling, Kapag naratay na ang aking katawan, Sa pagpapantay ng aking mga paa, ‘Wag mo syang pasilayin, Ayaw kong muling masawi, Ayaw ko nang mabuhay muli.

kl*yo 15


Nang Magambala ang mellecent mae legaspi

Wala kang pakialam. Tumatagaktak ang butil-butil niyang pawis sa noo. Kulang na lang ay mapaos siya sa kasisigaw. Nakukuba na sa bitbit bitbit na kahoy At makapal na kumpol ng peryodiko. Hindi man lamang makakuha ni isang kendi sa tinda Dahil ultimo iyon ay kanyang babayaran kung magkataon. May kanya-kanyang mundo ang mga taong nasa paligid. Dinadaan-daanan lamang siya, walang pumapansin. Hindi mo naman naman kasalanan na ayaw malaman ang mga balita, Hindi mo naman kasalanan kung nagmamadali Hindi mo naman kasalanan na ayaw huwag bumili ng kendi at sigarilyo dahil nauna na kang bumili sa kabilang tindahan. Hindi mo kasalanan. Lumipas ang mga araw, Isang malakas na kalabog ang narinig ng lahat. Tumigil ang ka, kasabay ng segundo Saksi ang mga mata mo at nagulantang ka sa nakita. Isang matanda, ang dinadaan-daanan mo, suot suot ang isang maluwang na damit na mahahalatang pinaglumaan. Hindi na mababasa pa ang laman ng peryodiko na ngayon ay punong puno ng pulang likido na dumadaloy mula sa kaniyang ulo. Nakatitig kayong lahat.

16 kl*yo


kl*yo 17


Rightly Wrong rohani langco Humankind forbids the conflagration, Your light that warms up my distraught soul, A myriad of capricious opinion, Notwithstanding our corollary foul, Crowd of nonconcurring arbitrator, Hush darling, if this world convicts on us, Our story is scrawl. Me, you as author. Be sturdy for some unforgiving cuss. Nothing counts as long as our faith holds on, A lot of things to hold on and follow, Perks of living in chaotic canons, A thought of you, hardships always blow. For upshots will always this hard and rough, It should not and won’t distinguish us both.

18 kl*yo


ross emerson realino Bukas ang simbahan ng hatinggabi Walang nakikinig sa misa ng pari Bukod sa kalapating anino ay puti Mataas ang pangarap ngunit mababa ang lipad Ang alak ng kumbento ay kanilang pinagsaluhan Bagong bili mula sa suking tindahan May kakaibang sipa ang bawat lagok Sa upuan ay ika'y mapapataob Lubhang tumatangis ang kalapati Na tila may nagaganap na eksorsismo Tinatawag ang diyos sa bawat ungol Bumubuka ang lupa sa bawat paglindol Palihim na iniabot ng paring panot Ang sobreng nilikom mula sa donasyon Hindi lang sa teolohiya nagpakadalubhasa Manggagamot din ng may sakit sa bulsa

kl*yo 19


bhea tercias We are the patron saints who failed our believers. Smear the savior’s face with dirt from the holy land For t’was his no more, but the pagans’ and non-theists’. O’ Pontio Pilato, what have you done? Sentenced unborn innocents, Crucified virgin mothers, And pardoned rapist fathers. The blood of the lamb is poured in the chalice! The blood of the child pours out from the malice. Sacred religiosity, a sacrilegious ceremony; Salvation story, a commercialized cultural parody. Drink from the wine of dogmatic holiness! Praise be to the above, To the beheaded rulers, their foolproof highness! For every starving mouth, an altar offering lay awaste. May the ambrosia of the gods spoil to distaste. To every forsaken soul, my heart bleeds with you, To every slave unsold, to every penitence untold. All have been damned to roam on Earth— Caged in hellbound living, plucked out angel wings. Is evangelion a myth? May peace redeem the cursed.

20 kl*yo


kl*yo 21


Kadena ng mga beaver paulino I. Ang bilanggo ay nakagapos ang mga kamay t’wing gabi Sa piitang patay-sindi ang ilaw, pinaliligiran ng dilim Nagsisilbing lungga ng mga naghihiyawang lasing At may nagaganap na kahindik-hindik na lagim II. Paalala, ang tulang ito ay para sa taong mulat Damhin ang init, lasapin ang pait Ito ang landas papuntang langit Ito ang hubad na katotohanan Madumi’t makati, kamutin ang balat Ito ang mukha ng kahirapan Nagmamasid sa mga sulok ng lansangan Ito ang lugar na walang kulay Kailangang magpahalay para lang mabuhay At kapag may nabuhay, ipapapatay, ipalamay, ibaon sa hukay

22 kl*yo


Sirang Pangarap III. Katawa’y bahiran ng laway at halik Ialay ang sarili sa iba’t ibang lalaki Dalawang daan kapalit ng puri Panlaman-tiyan para sa buongi gabi Tadhanang tinakda ng maling panahon Kalsadang binaha, hindi na makakaahon Gustuhin mang makawala sa mga brasong nakayapos Wala nang magagawa, antayin na lang matapos IV. Igapos ang sarili sa kadena Gising sa gabi, tulog sa umaga Madaling pumasok ngunit ‘di na makakalabas Tahakin ang kalsada na walang landas Prinsesa n’ong bata, alila pagtanda Maraming anak, maraming ama na ‘di kilala Marami mang naririnig pero kailangang tanggapin Ito ang tinatawag na ‘kapit sa patalim’ V. Dinig lamang ang tunog ng martiyo at pako

Ngunit ‘di alintana ang nasa likod ng mga kuwento Madumi man ang budhi, pero malinis ang puso Kahit lantad na ang kanyang hubad na pagkatao Sinasalamin nito ang mundo ng realidad Propesyon ba ang mali o ang mapanghusgang lipunan? Para saan pa ang dignidad Kung kumakalam naman ang tiyan? VI. Ito ang kadena ng sirang pangarap Makikita ang mukhang walang hinaharap Kapag may nakapansin, ibaling ang tingin Nasa huli talaga ang pighati’t pagsisisi Bagamat ang nangyari ay masalimuot Hindi na maaayos ang mga nilukot na gusot Wala na talagang makapagpapabago Sapagkat ang bilanggo ay mananatiling bilanggo...sa mata ng tao

kl*yo 23




gi

a cry to the one mellecent mae legaspi

If there’s one thing that I regret in my life, it would be because I didn’t stand up when the most excruciating experience knocked me down. Worst, it also knocked the life out of me. It’s not just painful. It’s emotionally unnerving. Why have you turned into a monster? Do you know how it haunts me every day, creeping into me as if it already owns my whole me? Anger is an understatement for the feeling that I’ve felt from that day. It is astonishment and complete hopelessness. Never did I imagined myself getting into this. I already questioned God why the hell does he have to let me go through this, not just once, but twice. It is true people can hurt us. But what hurts the most is when you’re hurt by someone whom you least expect to do so. I was abused and molested by my own father. By my only

26 kl*yo

family. Sounds incredulous, but true. I was nine years old by that. That horrible experience tarnished my innocent mind. My thoughts of studying and becoming a well-respected doctor was abandoned. What filled up my head is the unending questions of why it has happened to me? Why was I so unfortunate? I walked into the church I so much considered sacred to pray. I kneel on that same spot every day and pray. I was praying about everything and at the same time I was finding way to stay away from my awful and savage father. And every day you see me. You would always pat my head and place your hand on my shoulder. I thought it was comfort you give. I thought you were consoling me. But I realized you weren’t. Because one time, you were inching your way towards me. I felt myself stiffened at that moment and my whole body became rigid. The goosebumps flooded all over my skin. It was incomparable to any menacing experience I ever had, especially when your rough hands went further down my shoulders then on my thighs. I am suddenly aware of the calluses in your palms as it fiddles on my sensitive skin. It was all too much yet I cannot even utter a single word. My fear has overpowered me.


I closed my eyes as my mind went haywire because I have been caught off guard. I don’t even have the time to process what is happening to me that time. It just went blank. I was immobile. Yet I was fully conscious of everything you did to me. I don’t even have the time to think of what is happening. It just went blank. I was immobile. It went on for God knows how long and it gets more disturbing every minute. I was only able to breathe normally when you finally walked away. Before you left, you pat my shoulders and smiled at me. This was a usual habit of yours every time we were done talking. Now, it was different. Gone was the soothing and comforting smile, this one’s just a creepy and a vicious one. So, to you—To you who have morbidly wronged me. I ask you, why have you become this day’s Padre Damaso? Why mimic him for the wrong way? Does it satisfy your ‘celibate’ self to do so? I hope you do not forget my face just as your horrible figure always creep on my head. The solace you gave me when I was struggling became a tragic disaster of the past, a chaotic memory I want to forget but can’t. Your cooing words were now marked with malice unknowingly laced upon it. Your soft touch now felt like a wild fox holding its prey. Your smile turned to a grimace.

Now, I do not know myself anymore. What have you done to me? Twenty years have passed but everything is still freshly etched on my mind, submerged on my soul. Guess it would take another two decades to scrape it off. You’re supposed to be holy. But why do such an impious thing? Your lustful deed has tainted the image of your kind. What a shameful disgrace! I hope it’s only me you victimized. It would be a tragedy if many more have suffered as I have. I hope that every time you preach and speak the word of God, every time you utter Jesus’ name, you remember this person whose life you’ve wrecked and spirit you’ve shattered.

who wears sutanna

kl*yo 27




krus y’ piksyon bhea tercias

30 kl*yo


Purgatoryo — Pinupurgang Teritoryo. Pinupurga itong kaharian ng mga tao Upang magka-espasyo para sa mga uhaw at Dupang. Silang mga nanlalaki ang mata 'Pag nababanggit iyong banal na paradiso. Paradiso — Para sa mga pala-dasal na aso. Bawat isa’y nilikhang pare-pareho ngunit naging Sila at Tayo. Sila, hindi tayo. Sila at tayo: humihinga, nagpapahinga, humihingi Ng kapatawaran para sa’ting mga sala. Ama, pakiusap! Sumasanto, Kaso Sila'y sa mga lilok ng kamay at kathang isipan. Tayo, Sa kung sinong makapagliligtas sa atin mula Sa ating mga sarili. Paminsa'y sa batas ng kalikasan. O marahil ay palagian. Ama, nasaan ka na? Nais kong maliwanagan kung paano pa nila Naaatim maniwala, Paanong hindi nangangasim ang sikmura Sa bawat at kahit anong ihain sa kanila Simula pagkabata. Nguyain nang walang halong pagtataka. Lunukin mo na hijo, baka magalit pa sila. Dala ba ng takot sa bukas na walang katiyakan?

O sa posibleng destinasyon na: Impyerno — Imbakan ng mga pyesang dispalinghado. Ama, wag mo kaming iwanan dito. Nakakasulasok, nalalanghap ang usok Bumubulusok mula sa sariling buto na tinutupok Sa sulpura, pulbura at pinaghalo-halong dura Ng mga demonyong naglalaway ng asido. Tayo’y mga dispiguradong abominasyon. Sa katuparan ng propesiya, sa paggunaw ng mundo, Mabubunyag na lahat ay hamak na tau-tahuan sa kwento. Bawat pasakit at peligro ay planado. Hinayaang maagnas kahit nabubuhay pa rito.

kl*yo 31


32 kl*yo


Purloin

valentina

Our love was an art gallery. We kept solitude and tranquility, our concerns painted on each canvas that hung on the walls of our foundation.

Someone broke inside, and took the piece that I considered the most valuable of all. While they burned and destroyed the piece that you molded and adored.

Time passed. The word spread about a new gallery in town. And there it was— the stolen piece, in someone’s else’s gallery.

kl*yo 33


vincent lapuz On the accord of a raging day, came along the toxic cloud that sway. In its breath, Death, to every lung it enters, each inhaler will falter. There lay you, among the crowd, dressed in a burial shroud. With no sense of what is Tomorrow, Today, or what happened yesterday. You cling to your hopes, gods and idols on your phones. It seems swell isn’t it? Until the cloud crosses over from the hills. Fire in the nimbus fills. Makes men turn against their old for the mouthful gold. Maketh the women flay virgins for their fashion linen, as blood lay. What does the storm cloud thunder that corrupts them so vastly aloud? You can never see the blackness, for evil has made the blindness, In your attempts to cover your mouth. The blood rains all over the south. No where to hide. To all has lied. Appears no hope, air to thick, lifeline going all so thin. Running on all fours, your heart beats a tremendous force.

34 kl*yo


You carry no armor nor riches dashing ahead not knowing what is it for? The crowds scream as gas enters and bursts their lungs, you let it past. People collapse as blood runs out from the mouth, bleeding the south. You know this, it is weakness, it is the normal direness. Poison that men drank upon and gnash their teeth sharpen on. The backstabbers, lollygaggers that yield evil laughters. It ends with you, your thin back against the wall, cornered by the stall. But a weapon you bare, is neither pen nor sword, nor the blessings of the lord. Can save you at this part, the climactic attack at your human heart. The crowd you bare. You become their enemy, with anger share. Brick walls rest your weary droughts, then racing thoughts. You knew you had the will the weapon, the blessings God fill. Rage against those storms, the sins of envy, anger, greed, hatred feed. The cloud, the crowd, will no bend, all of its bleakness will end. You have your own, so never need to heed nor covet what they own. Envy amongst men, will soon lend to the wings of flame and end. You scrabble through the crowd, dance through the black cloud. Epitaphs goes ablaze men in the crowd gnash teeth, sinful habits seeth. You slip, and fall, the crowd stampedes, the cloud rain bleeds. This is the end, you smile, you dream about the good and bad for the while. Under the heels, you are crushed by the sins of men and nature. For the black cloud thunders still. The bellies of greedy men then are fill.

kl*yo kl*yo 35 35


EXPLODING KITTENS Dean Alferez

Treading the path of crimson alleys Searching for the trail that has long been lost Sneaking through doors with missing keys Praying for deliverance whatever the cost Weak as a chick in the shadow of a dragon Rushing towards escape to the abyss of darkness Bruised and beaten with some gold and iron Caught in a perpetual realm of eternal madness There is no escape Nor reconcilliation Nor any remedy Nor death Just false hope. 36 kl*yo


kl*yo 37



E X O D U S


TEORYA NG BUHAY jean claud abarquez

Kapagka ang tagdan sa pagitan ay lumundo Kapagka ang sigsig ng buhay ay nagsimulang maglaho Aanhin mo pa ang yapos ng mga dawis nitong nakaraan Kung pakiwari’y din lamang, siya ka nitong sasaktan Iwaksi yaring diwa na ang hinakdal ay hindi nagtatagal Iwaksi ang pangamba ‘pagkat ang patitis ay napapagal Hayaang humayo ang rimarim sa litid ng alinlangan Hayaang dulutan ka ng pabuyang hindi kayang tanggihan

40 kl*yo


I Bathala, Patawarin ako pero nakakasawa nang maging isang manikin sa mundong puno nang ingay at satsat. Uupo, magmamasid, mananahimik. Umaakbay s’ya sa’kin, dumidilim hanggang sa mabingi ako ng katahimikan –Shhhh.

sitsit mark louie peralta

II May kamay pero walang mukha, Mabigat pero walang katawan, Nararamdaman pero hindi nakikita, Kumikitil unti-unti hindi ng hininga kundi nang katauhan.

III Pinipilit kong umahon subalit ako’y lumulubog, lumilitaw, May nagtangkang sumagip, ako’y aabot pero ba’t parang bumibitaw, At sa pagdausdos sa ilalim, malulunod, sisigaw, Pero ako’y gising humihinga subalit ramdam ko ang ginaw, Ang dating hinog ay nagiging hilaw. IV Bathala, Sinusubukan ko namn pumipikit ako’t nananalangin pero hindi ko maintindihan Kung bakit imbis na gaan– ang nararamdaman ko sa tuwing tumitingala ako sa kalawakan– kawalan, Linalamon ako nang kalungkutan. Sawa na ako sa bigat, sa manhid, sa malamig n’yang titig. Kaya patawarin mo ako kung uunahan na kita — siguro’y sa ganitong paraan gagaan s’ya.

kl*yo 41


ZERO ross emerson realino

42 kl*yo

It’s right here, right now The sound of the news flying tonight Listen to the sirens of the dead The silent screams of the children We listen to the dead No, we don’t listen to the living Turn it on, turn me on Who’s speaking on the line Transmissions, late night crimes Phones are silent under your bed But we can hear you screaming inside my head We listen to the radio As we listen to the dead Headphones on my mouth and speakers on my head Zero help and infinite power


kl*yo 43


au revoir ferdinand quinto Para sa pinakamamahal kong anak, Kumusta ka na anak? Maayos ka naman ba? Nakakakain ka naman ba nang nasa oras? Huwag kang magpapapagod ah. Maglaan ka lagi ng oras para maging masaya, huwag puro trabaho. Miss ka na namin ng mga kapatid mo. Sabi nga nila bilihan mo raw sila ng maraming laruan. Kinukulit nga ako na tumawag raw sa iyo, kaso masyadong mahal ‘yun anak, kaya hanggang sulat lang ako. Yung tatay mo, nagpapabilin ng pabango, para raw mabango siya kapag pumapasok sa trabaho. Nak, malapit na rin pala ang bayarin sa eskwelahan nila Junior. Tapos, si Clara sinugod namin kanina sa hospital. Kailangan na rin raw operahan sa madaling panahon. Napakasaya ko dahil naging anak kita. Hindi mo kami pinabayaan hanggang dulo.

4444kl*yo kl*yo

Ang laki ng sinakripisyo mo, maski pagtigil sa pagaaral ginawa mo para lang matulungan ang pamilyang ito. Naalala ko pa yung panahong nastroke ang tatay mo, lumapit ka akin at sabi mo “Nay! Hihinto na lang po ako sa pag-aaral. Hayaan niyong tulungan ko kayo”. Nagalit ako sa iyo, pero bigla akong naiyak. Ang swete ko dahil naging anak kita. Mahal na mahal kita anak! Hindi mo man kami nakikita pero nandito lang lagi kami para sa iyo. Sa tuwing ikaw ang kakain, isipin mo kasama mo kami na kumpleto sa hapagkainan. Kapag ikaw ay nalulungkot, isipin mo yung mga binibitawang biro ng iyong ama, yung sa sobrang saya lahat tayo napapaiyak na. Tapos kapag gusto mong umiyak, magkumot ka lang, isipin mo yung pag-aagawan natin tuwing gabi. Alam kong ikaw ay lubos na nasaktan sa aming pagkawala, pero kayanin mo anak. Hanggang sa muling pagkikita. Nagmamahal, Lenin


Namumukadkad na rosas Pinipilit itago ang natural na tikas Pinipilit sumunod sa “tuwid na landas” Ngunit habang lumilipas Pananggalang ay humuhulas Maskara ay kumukupas Katotohana’y nagpupumiglas Bulaklak ay naghihintay Makawala’t makalabas Nang sa huli’y masabing “Malaya na ako, sa wakas”

REHAS gianna

kl*yo 45


gianna V Hindi siya malaya. Hanggang sa mga nalalabi niyang sandali, bigo siyang makawala sa mga bagay na kumukulong sa kanya. Maging ang sarili niya’y hindi na rin kanya, naisip niya, habang unti-unting sinasakop ng tubig ang kanyang sistema, nakikipagtunggali sa hangin para sa natitirang maliliit na espasyo sa loob ng kanyang baga. Kahit kaila’y hindi siya naging malaya. Iyon ang huling pumasok sa isip niya bago tuluyang sumuko ang kanyang katawan at nagpaangkin sa dagat. IV “Sir,” sambit niya. “Yes, Sam?” sagot ng guro na di man lang siya tinapunan ng tingin. Abala ito sa pag-aasikaso ng mga papeles na nagkalat sa lamesa nito. “Gusto ko po sana kayong makausap.” “Uhhm… Bumalik ka na lang mamaya. Medyo busy pa ako eh. Pasensya na.” Napakagat siya sa kanyang labi. Wala na. Ang huling pag-asa niya’y naglaho na. Kasabay noon, sumuko na rin ang puso’t isip niya. Tumango na lamang siya at umalis. III Itlog, harina at iba pang mga sangkap na hindi niya mawari ang kumakapit sa kanyang katawan ngayon. Naisip niya, ano naman kaya bukas?

46 kl*yo


Kilala niya ang mga kamag-aral niya. Malikhain ang mga ito. Hindi ito umuulit ng mga bagay na nagawa na nila sa kanya. Noong isang araw, nagmistulan siyang naglalakad na isda dahil sa malansang amoy ng patis na ibinuhos sa kanya. Ayaw niya na. Pagod na pagod na siya. Kaunti na lang ay bibitaw na ang katawan niya sa pag-akyat. Malapit nang mapigtas ang sinulid na kinakapitan niya. Matagal na dapat siyang sumuko kung hindi lang siya kinausap ng kanyang guro noong isang araw. Nagkaroon siya ng pag-asa na baka hindi pa huli ang lahat. Na baka may magbabago pa. Isang pagkakataon. Isang araw. Iyon lang ang ibinigay niyang palugit sa sarili niya. II “Sam…” Nanatiling nakayuko si Sam, pinipilit na iwasan ang mga matang matamang nakatitig sa kanya, inuudyukan siyang magsalita. “Sam… How should I help you kung ayaw mong magsalita?” Hindi pa rin siya kumibo. “Sam. Sabihin mo sa’kin kung sinong gumagawa nito sa’yo. Para matulungan kita.” “O-okay lang po ako,” sagot ni Sam na sa wakas ay binasag ang kanyang katahimikan. “Sigurado ka?” “O-opo.” “If you say so. Pero mangako ka sa’kin. Kapag may nanggugulo sa’yo, sabihin mo sa’kin. Nandito lang ako kapag kailangan mo ako. Tutulungan kita.” “O-opo. Sige po. Salamat.” I Kahit saan at kahit kalian’y hindi siya naging malaya. Hindi sa paaralan niya kung saan ang pagdurusa niya’y kinaaaliwan ng iba. Hindi sa tahanan niya kung saan pinagbabayaran niya ang kasalanang hindi naman kanya. At mas lalong hindi sa lipunang ginagalawan niya kung saan ang turing sa kanya’y hindi nalalayo sa isang peste—salot at walang silbi. Hindi niya kasalanan ang maging anak ng isang kriminal.

kl*yo 47


P a r a

K a y

:

E n s a y o

mark louie peralta

Maaga akong dumating sa silid n’yo para hintayin ka, naging tampulan ng tukso ang pagdating mo, tukso rito, tukso roon, totoo nahiya rin ako no’n pero, nang tumahimik ang paligid kasabay no’n ang pananatili ng aking mga mata sa’yo, tingin dito, tingin doon. At nang umalis na tayo para sa ensayo, sabay tayong lumabas, magkatabi. sabay na umalis, magkatabi. sumayaw, magkatabi kahit hindi tayo ang magkapares alam kong katabi kita. Na ang hawak ko sa baywang ay ikaw, ang nahahawakan ng aking kamay ay sayo, ang nakikita kong mga mata ay ikaw, iniisip ko na ikaw, dahil ikaw ang gusto kong makatabi, mahagkan, makahawak ng kamay.

At kung mapagod ka kakasayaw ‘wag kang mag-alala gawin mong dantalan ng ‘yong paa ng aking mga sapatos, basta’t sumabay ka lamang sa ritmo ng kanta, hahawakan ko nang mahigpit ang ‘yong mga kamay at kapag naglapat na ang mga ito’y hindi ko na bibitawan, isandal mo ang yong ulo sa aking bisig, yakapin mo ako at hindi ako mawawala. Isasayaw kita, manawa man ang buwan sa liwanag ng gabi, ang mga puno kakasabay sa indak ng ritmo ng ating musika, at ang tugtog sa oras na ‘yon ay ang kanta kong ikaw, at sa gabing yon tayo’y magiging isa, magtatagpo ang ating mga puso, sa gitna ng gabi bagaman malakas ang daluyong 48 kl*yo ng bawat bakasakali ay pipiliin pa rin kita.


I see, people who asleep While following a path where everyone goes Reading some Biblical passage A modern messiah goes off to teach “I’m now the Son of God” A pastor from the south Have faith alone It will surely save you! Come ye, and follow me I am the stairway to heaven He said. Not knowing all the time, the prophet is lurking Beautiful mansions, with imported flowers Having bucks of money carried by helicopters, secretly And make them believe that the price is worth it They end up feeding off the words he says At least that’s how he justifies what people see Those who felt that they have lost their way Desperate to cling on to something He takes control of the flock, meek and the gullible

jethro escleto

false profits

Yet what do I know Watching these devotees go “Halleluiah, Amen!” Following a mere human sitting on his lustrous throne Reiterating, “Don’t forget To give tithes on Sunday!”

kl*yo 49


Sa piitan kong sinilangan Pilit pinatotohanan ang kasinungalingan


Sa libingan kong pahingahan Mabubuhayan ang mga malaya: Turno en Contra


human

s for ity

angela grace alfaro

The knights of the kingdom have always marched; T’was for the glory, they said. The soldiers of the country have always fought; T’was for peace, they said. The warriors of the land have always killed; T’was for prowess, they said. The people of the country have always cried; Bring our souls back, they wailed. The nomads of the plains have always screamed; Bring our lands back, they plead. The minority of society have always begged; Bring our rights up, they yelled.

52 kl*yo kl*yo

For glory, and peace, and prowess, You spoil, and rage, and plunder. The sons, and lands, and rights you took Can’t equal all the ideals you’ve built, Because humanity is greater Than any legacy there will ever be.


_ She was crying. She never did cry in front of anyone. Though she supposed, she never allowed herself to feel so much when she’s not by herself. Weak and sad, the voices said. They were fighting. About how she is, what her thoughts are, why she does the things she does. They always fought, she knew, but never around her. Never like this. Couldn’t defend yourself. She wanted them to stop. Wanted everything to stop. Just scratch all her veins out and stop hurting, stop breathing. A blasphemous quitter. She wanted to scream what’s wrong.

wednesday But she didn’t know what, couldn’t root the wrongs out. They might be right after all. And what if they were? How wasteful. All this forced living, for so long―for nothing. You are nothing. She is a prisoner. Trapped in a cell that is her own mind. Bound to prove everyone right, with every erratic turn she made. Pathetic, said the voices―theirs and hers bleeding into one. She stood and went. She numbed the pain. Just another weight on her chains, slowly dragging her down. So again, past the arguments, past the voices, past the pain, she kept it all inside. Always careful not to spill all the darkness out. There isn’t really anything else to do. Repress, don’t express.

kl*yo 53


PHOSPHOROUS vincent lapuz

54 kl*yo

Look up in the sky, breath the desert sand, its warm and rotting. Thread up the tundra Frye, sheath the desert gun, the harm and longing. My uniform bears no nation, no flag, no conviction. Only a merit of a red cross lined on a cloth, Thinking of only to help, was my last thought. In spite of this, I require no explanation. Quite the contrary, my own decisions made me this. Knowing, I know all the answers to the nations. Interrogations to myself, torture to this. Alas, seeing all it was, were lost contradictions.


I carry no strife within me, my heart, my medicines. My eyes to see the wounds and remedies, My tongue to lick upon the lies and reveal the realities, My hand the last torch of humanity, My feet have walked on the fires of insanity.

Then shatter like glass, In my desperation, I pray to God, And let this storm light pass. However, I hear no respond, nor I see no Angel, I only see the burning bush, yet it calls me, Calls me like a moth to a flame.

Then I saw a light, nor was it a star nor our sun, Oh in times of war, why does it have to be the son. Me, who was raised, payed, taught, loved in a family of three. Soon I shall come home and grow the family tree. But no woman would love a healer Who carried a sword and rifle, and was a killer.

It’s the politicians, the princes, their pipes and paupers, They laud the people to their coffins Make strong men into pawn stifflings. These are the days where I think of Peace, As of much as gold or myrrh A Star that starlight shine, Across the battlefield. There I will watch it glow. As my hands that heal, will burn, My feet, my skin, my mind and body, Fall victim to the world so ever turning slowly, As it paces around the glory sun, Like the Doomsday clock ending the fun, I stand and laugh at planes, telling me I’m insane. But the chemical burns my eyes, how come, I see Angels when I am blind.

Spoke then the fireball from the stratosphere, It blinded me without plight, My eyes melt inside of my calcium skull, Visions blur out of my bleeding sockets, The heat boils my blood to evaporate, All of my bodily fluids rot in the insides, Internal organs bleed into sides, My bones are thrown in the wind,

kl*yo 55


56 kl*yo


honeyshark

MARAUDER’S MAP

I solemnly swear that I am up to no good

We swore. We are humans. Are we citizens of faith and character? Are we promoting equality and just peace? Are we ambassadors of good will and friendship? Are we messengers of truth and facts? Or are we perpetuators of lies and hate and silencers of freedom of speech? These are dangerous times. No one is safe. It is to live for a day and die on the next. Neutrality and silence will not guarantee safety. We are all victims of this lopsided society of policy makers and fascists. A chess game where we are the pawns battling against each other. A maze where we find way to escape this tragic fate we have. A storm drowning us in the deep sea of injustices. A new world once again. A new regime has formed to castigate those who criticize. To threaten the weak and the powerless. Fear cuts deeper than sword. Slowly it deepens, slowly it cuts, slowly it kills us. We fought this war before. We can’t let this happen. History repeats itself. Against historical revisionist and modernism, history will judge us. Beware the survivors and the victims. They are the evidence of atrocities done. The living proofs. Let us all remember, we must be the voice of those who can’t speak. The light bringer for the darkened souls. The shield that protects the innocents. Unity is the best weapon we have. We swore. Are we humans after all?

kl*yo 57


- Estado ng pagkalulong sa prinsipyong balbal Imbes na palawakin at palayain ang isipan. Indio na nakakulong sa demokrasya Bastardong isinilang ng maharlikang puta Sino’ng nakadali? Aba’y halo-halo ang hitsura. Minolestiya si Maria Clara Nitong mga naghahari-hariang banyaga. Pinagpasa-pasahan, binasahan, pinagpyestahan Siyang itinuring na Perlas ng Silanganan. Dinemonyong Teokrasya Patriyarkal na Republikang hawak sa bayag Ng mga prayleng bundat sa tinola. Leeg ng manok ang ihain mo sa kanila. Sahog ay bubot na papaya, ‘Yon bang mura pa katulad ng hinalay na sakristan. Sabaw mula sa tubig kanal na sinala Pampalasa’y durog na asin at paring paminta. Makuba’t madapa na sila ‘Wag lang maapakan ang luhuran. Takot sa latigo ng amang hindi nakikita. Sakaling balikan ang inabandunang tahanan, Marka ni Cain ang ilalatay sa inuugat na balat. Alipin sa sariling lupain at Nomadiko nitong nasyong watak-watak. Kumikilos na parang kalkuladong makina Bawat mosyon ayon sa utos ng pinapanginoon niya.

58 kl*yo

‘Di mo na ba maaninag kung sino siya? Binasag ang salamin nang repleksyon ay makita.

bhea tercias


D E M O (INDIO) K R A S Y A

kl*yo 59


mark louie peralta

(B AG O N G B AYA N I)

“Anak kumusta na kayo? Sapat ba yung ipinapadala ni nanay para sa pag-aaral n’yo? ‘Wag kayong mag-alala. Ginagawa ko ang lahat para sa inyo, at siya nga pala. Medyo mainit dito dala na rin ng panahon. Siguro ganyan din sa pinas, mag-iingat kayo palagi, Ay sige tawag na ako ng boss ko. Ayos lang dito si nanay” Ayos lang dito si nanay… Araw-araw kong ninanamnam ang init at alat, kasabay ng pagtagaktak ng pawis ang panlilimahid ng aking katawan sa laway na dulot nang—ay hindi pasensya na, pawis lang talaga yan. Nag tatrabaho kasi akong mabuti. Kolehiyo na kasi ang anak kong panganay at kailangan kong magbatak ng buto. Humaharap ako sa salamin tuwing gabi. Sinasabi sa sarili’y Wag kang umiyak

60 kl*yo

Habang ineensayo ang sayaw na itatanghal Habang nagsusuklay ng buhok na may bahid na ng libag dulot ng palagiang pagkiskis ng aming katawan. Nagsusukat ng damit na susuotin kapag tatawagin na sa tanghalan. Iba ito sa nakasanayan mong entablado, kami lang dalawa, ang bayad ay pasaporte. SAYAW! Iniindayog ko ang aking katawan, kaliwat kanang kembot ng tadyang. LAPIT! Lalakad akong marahan palapit sa demonyo na ang binibigay ay langit at init sa laman. HUBAD! Unti-unting tinatanggal,ang saplot, Hinihila aking buhok, Nilalamutak aking mukha Pinipiringan aking mata Itinatali ang kamay Binubusalan aking bibig at ang sabi’y h’wag aaray.


—Inay, kumusta ka na? Si bunso po ito, highest po pala ako sa exam namin kanina. Ang galing ko raw sabi ni teacher, syempre mana sayo! Ikaw kumusta po kayo dyan? “Ang galing galing naman ng anak ko! Ipagpatuloy mo ‘yan. Ayos lang dito si nanay” Ayos lang dito si nanay… Nasanay na akong Tinatanggalan ng saplot. Hindi ko mawari kung bakit meron naman sila, bakit gusto pa nila ang akin. Pagtapos paliguin, dadalhin na ang kape, gusto na naman nila ng init. Kung hindi lang buhay ang kapalit ng panlalaban ay matagal na akong namaalam. Ayan na naman sila, mga mata’y nakatitig na wari baga’y mga aso na sabik sa laman. Pagkahablot, ako’y iiyak, magmamakaawa, sila’y titigil, tititig at tatawa, sabay indayog nang suntok, bakat ang latay sa’king muka —Inay, may project ako baka pwede po kayong magpadala ng extrang pera, thesis na po kasi namin graduating na rin po ako.

Salamat ‘nay. “Ganon ba? Sige anak, ipapadala ko nalang d’yan, s’ya nga pala naaksidente rito si nanay may konting galos sa mukha pero ayos lang naman ako, sana makilala nyo pa ako.” Sana makilala mo pa ako Anak, nawa’y makilala mo pa si Ina sa aking pag-uwi. Magsasama na tayong mag-iina. Ako’y naging sunod sunuran para sa pamilya Dahil kapag nanlaba’y baka umuwing nasa kahon, Gusto ko pa kayong makapiling kaya’t tiniis ang mga Hapon. Sa umaga’y inaabangan ang takipsilim hanggang dapit hapon Umaasang isang araw na makasama kayo na para bang kahapon. Hindi lahat ng nasa ibang bansa ay bayani ng makabagong panahon, dahil kung sa Pilipinas ang pasaporte ay pera, sa kanila, ito ang iteketa para makauwing buhay, dahil dito nakabuwis ang kanilang buhay.

kl*yo 61


edbert darwin casten

1 s t P l a c e G a w a d Te k R . T i s a n English Poetry I can see a wide field full of animals whose bones are metal bars, coated with thick titanium skin, designed to be sturdy so they can withstand the ravaging sun’s heat whilst enduring hours of tiring work. The animals are fueled by hunger— the most abundant source of power. An iron fist controlling the system has programmed them to do nothing but to move their commotive bodies, so they could be nothing more than tools used merely to provide food for the living. How ironic it is: to see that the ones who do the feeding are the very ones who are starving. I am living in a huge farmland and I— am hungry. and I— am hungry.

62 kl*yo


Lakbay Alay LK*BY* ALY* Janssen Kyle Hayag Kaliwa, Kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa! Ngunit hindi ito martsa ng mga paa, Ito`y dagundong ng pusong nangangamba, Kung anong direksyon ang tatahakin ba talaga. Isang maling hakbang, gatilyo`y nakaabang, Naglakad kang patayo, uuwi kang pahalang, Laglag ang isa, pag mali ang naging timbang, Bawas ang mga rekado, timpla`y matabang. Ngayon balikan mo mga hakbang na nagawa, Kahit naisin pang gumawa ng mabuti`t tama, Huli na ang lahat, sa oras ay walang kawala, Simulan mo nang magdasal na mabago ang sistema

kl*yo 63


bhea tercias

I stood in awe of the goddess; A true wonder, she was! Behold, her highness, I held regards Above all else in this ephemeral realm. Above myself, above anyone else. Behold, her splendor, as I gazed upon her, Neither can I utter a word worthy Of her hearing, nor do I possess An offering in praise of her name. A mere mortal was I: How could I be of any value for such divinity? So I walked a distance afar from her altar, Never to be seen nor heard again. I knelt before the saint; How pure her presence was! Cautious was I with my movements, Words and intentions. Oh, I would not dare defile. longed for her sacred heart to be mine To the point of contemplating

64 kl*yo

Whether is it possible to join her crusade, Or not; whether could I uphold Holiness and forsake darkness, or not. Time foretold the answer to my prayers: A fallen angel came along, And with him, he brought a hymnal song Which lulled my saint closer to him And apart from me. I wept in agony with a human— Nay, the dread of being mundane! How limiting to be as wingless And to be as powerless. How crushing it was to bear The weight of impaired existence With these weak and frail shoulders. But alas, I gained salvation in this: To be lost is to be found, To mend means to partake in breaking, To not reach the skies and to walk on earth Is just enough, it is enough.


kl*yo 65


mark louie peralta Sukdulan ang tuwa ng langit hanggang umapaw sa kagalakan, Dahil natagpuan na ang islang pulo-pulo sa malayong silangan Pilipinas ang bansag subalit perlas ng silanganan Ginawang alipin ng kasaysayan, tagasinghot ng agiw ng dayuhan Naging sitsit ang tawag, kahit naturingang may pangalan Linabanan nila sa ulap ng sulat at naghimlayan sa karimlan Bumuhos ang luha, pero kapalit ay dugo ng kagitingan Naglaon pa ang buhay ay naging salot, Mundo’y patuloy na umiikot sobrang salimuot Manggagawa’y nagpagal, sa palad pinaikot Ginawang pamaligo ang pawis pero ang katumbas ay kalimot. Dumaan ang henerasyon ng purong mangangalakal Pinagpalit ang kaluluwa sa pera at dangal Ang dating bayang pinuhunanan ng dugo at mga palahaw Ang naging alabok na lamang ng alaala at ginawang nais na kinabukasan Dumating ang panahon na siya’y ginawang kaladkarin, Mga bundok na pagtapos lamasin ay pinatag sa lupa hanggang bahain Ang mga anyong tubig namn ay nagsilbing himlayan nitong

66 kl*yo


Basura’t mga bangkay ng yumaong kagitingan. At patuloy ang mga trapo Sa pagnanakaw ng pilak at kayamanan Patuloy na pinapakita na mas lamang ang tanso sa ginto dahil kulay ang basehan, Patuloy na nalinlang ang isip ng masang “makabayan” Totoong tunay na ang nasa isip ng nagsimula ay hindi matatapos sa gayong isipan. Hindi lahat ng sumugal ng dugo ay panibagong buhay ang palitan May mga ganid na kikitil pa rin sa pusong pilipinong Binuo ng higit sanlibong henerasyon Nang nagsimulang mag-imprenta ng mukha sa piso Nag-agawan na sila’t nagmarunong Pagkabirhen ng bayan ngayo’y patuloy nilang ibinibigay, Na parang dugo’t pawis ng bayani para makuha ang kalayaan, agad ding namatay. Totoong hindi lahat ng nasimulan ay natatapos sa gusto nating marating,

“Dahil sukduluan sa pagiging gahaman, tayo ngayo’y naging pain.”

kl*yo 67


March of the Undead ross emerson realino Woke up naked on the street Only to find Bible and meat Screwed heads of chauffeurs and cops Walking matchsticks across the stops Ticking away the arms of clock 7AM class, still on the road oh fuck Breakfast aroma of armpits and sweat It’s the march of ants into their death Prisoners of school and fishes in the net What’s the difference between math and death? It’s the flight of the moth into the fire The rise of hell and the fall of empire

68 kl*yo


new age king vincent lapuz

I am Time, says the old man in German bronze, His Face is lined by marks that come and go. Wrinkles that grouch with stress of past forego. Stress that made his hair white, and his mind blight. Thoughts that had years of wonder, Dreams and hopes in night and day yonder, Encased in his temple of a body, Yet his place of worship has gone frail. In no time sooner, in any moment. He will fall and fail. As he counts to his passing, He rest in his throne, Savoring every moment passing, To him sunlight has shone. His Eyes suddenly grew wide in surprise, His Mouth opens in awe in reprise,

No scare nor fright he feels as it came. In a parade, his young heir, a younger man. Draped in Prussian bronze, with a sword of gold. On his other hand, unrolling an ivory scroll, He tells of a prophecy that has been foretold. The Old man jeers, as the crowd cheers. His cracked legs jump, his old bones thump, Crumble as his joints raises and joins, The weight of every day has come to. A rightful pay. The Golden sword pierces his mind, his soul Then the wind blows over his ashes, Along with it, carries his soul. As this go, you can hear them sing “The old King is dead, Long live the new King!”

kl*yo 69


Stravroforia: Roads Eternal john xedricks fornillos Sealed truth, deep in the heavens , The man, unknowingly reached the forbidden. All is a jest of the disciple of hell, Void, for the crimson fruit is but an empty shell. Reflections lies in the paths of remorse, Omniscience rests in odysseys and endless roads, For god made it so he can test the bold. Obfuscated, the man was exiled from heavens, Realized that he gained wisdom on his way to verboten. In the end, the man lived to tell the legend, A slave of the fanciful fruit of knowledge.

70 kl*yo


KALAHALAYAAN

Ryan Sanguyo

Naglakbay ang dukha sa karwaheng pitpit Tungo sa iniirog nitong Kalayaan Tila naudlot ang daloy ng pag-asa Sa kalagitnaa’y naasam ng dugong ligaw Dyamanteng namulat sa liblib na dako Kintab ng kamalasan at kalupitan ang inabot Nang pagharian ng kapwa ang tuktok Sinong nakinabang, ina kong bayan?

kl*yo 71



E X C E L S I S


Insomniyak: Emenius Sleepus bhea tercias Samantalang ang damdami'y sugatan. Winakwak ang dibdib, Nakalitaw ang puso't pinapapak ng buwitre. Mamatay-matay ngunit mainit-init pa rin. Halos huminto sa pagtibok, Ngunit patuloy ang pagdurugo. Napapatid sa paghahabol ng hininga. Nais ko nang mamahinga— I. 11:59 pm

Hayaang abutan ng kapayapaan.

At muling nagsilabasan ang mga alitaptap. Isa.. dalawa, tatlo.. Nawalan nang talab ang kanilang ningning. Awitin lang ng kuliglig ang gumuguhit sa hangin. Ngunit ayaw pa rin tayong patulugin Nitong mga palaisipang tumutulak sa atin Para naisin ang hindi na muling paggising.

Hayaang yakapin ng kadiliman At kumutan ng mga mailap na butuin Hanggang sa unti-unting Ako'y maging kaisa nila.

Sa tagal na nating mulat sa realidad, Sinakop na ng itim ang natitirang puti sa mga mata, Tuluyan nang nilamon ng dilim ang napupunding liwanag. Nakapalaot sa hangin ang diwa, binabaybay Ang karagatang gawa sa malalim na kawalan.

Isa lang ang nalalabing hiling: Sa aking permanenteng paghimbing Ipahalik ang inabong labi Pabalik sa uniberso, Sa lamig ng hatinggabi. II. Gasgas na Linya “Magiging maayos din ang lahat,”

74 kl*yo


Magiging maayos din ang lahat. Magiging maayos din ang lahat. “Kinalaunan.” Kinala.. Kina—hanggang kailan? B-bakit lumalalim ang hukay ng pangungulila? Bakit lumulubha lang ang mga sintomas, Bakit lumuluha pa rin ang buwan sa itaas, Bakit lumalakas lalo ang bulong sa’kin ni satanas, Bakit gusto ko pa ring itutok sa’king sintido Ang mga salitang araw-araw kumikitil sa pag-asa ko? Putang ina. Gusto ko pa ring mamat— III. Big Bang Theory Tok, tok, kumakatok Sa pinto Ang sangkatutak na boses Nag-uudyok Na sila’y patahimikin mo Gamit Ito. Putok sa bungo Ang wakas Nito. Bakit lumuluha pa rin ang buwan sa itaas,

Bakit lumalakas lalo ang bulong sa'kin ni satanas, Bakit gusto ko pa ring itutok sa'king sintido Ang mga salitang araw-araw kumikitil sa pag-asa ko? Putang ina. Gusto ko pa ring mamat— IV. Alitaptap sa Gabi ng Pagpapatiwakal ‘Wag muna ngayong gabi Sapagkat nakakubli na ang araw sa likod ng alapaap. Imposibleng makita pa natin ang mga bagay-bagay Na sa ilalim lang ng liwanag naaaninag. 'Wag muna ngayong gabi, sige na, Sapagkat upos na ang kandilang panghalili sana Sa tanglaw na ipinagkanulo tayo't nilisan. Ano kaya't pansamantalang hayaan yaring karimlan Na maging himlayan natin at kanlungan? 'Wag ka munang bibitaw ngayong gabi, Parang awa mo na, Sapagkat baka ang bukas na walang kasiguraduhan Ay pumabor naman sa ating kahinaan. May panahong nakalaan para ito'y sukuan. Pero hindi ito 'yon. ' Wag mo akong iwanan.

kl*yo 75


‘DI KILALANG mark louie peralta Inang bayan, patmawarin mo ako hindi ko nakayanan ang pananakop nila mula umpisa hanggang sa kasalukuyan, ako’y inaalipusta, inusig, dinusta, pinaglaban ko naman ang ‘yong mga isla, Naglagay ako ng bantayog na katunayan na atin sila pero ako lang nag-iisa ang nakikipaglaban ang iba’y nagbubunyi sa nakaw na yaman. Ang iba pa nga’y kapuwa Pilipino, nakikipagkampayan ng simpatya sa mga singkit, pinagmamasdan lang ako habang nasa bingit ng kamatayan, ilan lang ‘yan sa halimbawa ng mga pagtataksil sa’yo. Masisisi mo ba ako? Pinaglaban kita, mula umpisa, ako’y Indio na naging Katupinero noong panahon ng Kastila,

76 kl*yo


Ako’y sundalo na pinapadala sa g’yera, Mga delikadong makinarya aking nakikita, uuwing may galos, pero ang baya’y wala pa rin sa ayos ako’y magsasaka na inaalagaan ang lupang sakahan subalit inaagaw nila, papatakbuhin sabay labas ng baril, may mga paslit na nakakita, BANG! ako’y Pilipino Nagbuwis ng aking buhay para lang sa kalayaan.Inang bayan, Napapagod na ako, yakapin mo naman ako. Tulungan mo akong gupitin ang piring sa mata ng kapwa ko Pilipino. Mulatin mo sila kung ano ang totoo, kung bakit ka Malayaww kung sino ang nasa likod ng ‘yong kalayaan Bayan, Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa tinagal ng panahon mong naging

Malaya, mas lalong bumaba ang tingin nila sayo? Ginawa ka na ngang kaladkarin noong una, at tinanggal ang rehas para malayang makatakbo Pero ngayon bakit parang ikaw pa ang nagkukulong sa sarili mo? sa ginanda ng likas na yaman mo, bakit hindi Pilipino ang lubos na tumatangkilik sayo? Oh maluwalhating Ina! Damhin mo ang nagpupuyos kong damdamin, takpan mo ng iyong mapagkandiling awitin balutin mo ako ng ‘yong kalayaan nang maramdaman ko na kahit matagal kitang pinaglaban, kahit hindi napansin ng iba ang pagbubuwis ko ng buhay, pawis at pagod. naging makabuluhan pa rin ang aking pagiging Pilipino.

kl*yo 77


janssen kyle hayag

KOLORETE Sa pagnanais ni Maria na matakasan ang kahapon, Isang madilim na alaala ang kaniyang itinapon. Kinuha ang mga gamit at sinimulan ang pag-aayos, Pinakawalan ang mga kasangkapan mula sa pagkakagapos. Sa bawat pilit na paglalagay ng pekeng kilay, Nais takasan ang mga kilay na sa kanya`y nakataray. Pula naman ang kulay na napiling ilagay sa mata, Pinilit bigyang pungay muli ang minsan nang lumuha. Itim naman ang inilapat, sa kanyang busilak na labi, Masdan mo ang dating Maria, sipatin mong maigi. At sa pagtatapos, puti ang minarka sa k`anyang mukha, Baka sakaling matakpan ang mga sugat at pasa. Ngayon sabihin mo sa amin Maria, tuluyan ka na bang lumaya? O inihanda mo lang ang iyong sarili sa kung sinong magbadya?

78 kl*yo


I. Pagsaluhan natin ang nakahain: Dalawang platito ng pangungulila, Isang bilao ng panaghoy, At luhang panulak Sa hindi malunok na katotohanan. Ikaw na lang ang kulang— Magsisimula na ang kainan.

elbert darwin casten

II. Ang tagal mong dumating, Tuloy ako ay nagpakatimawa; Naglango sa pag-iyak, Nagpakabusog sa pag-iisa. Napuno ang tiyan ng pag-aalala, Mabuting agad natunaw At naging pag-asa. III. Bukas, O mamaya, Kapag umungol ang sikmura Hindi na muna lalantak Sa nakasanayang pagkain Pagkat alam ko— Uuwi ka Bitbit ang ligayang sa hapag Mapagsasaluhan nating dalawa.

kl*yo 79


Filioque m squared

Huminga ka. Hindi ito ang huli mong tula. Ito’y umpisa ng ating kwento. Mga daing at sigaw, Bulong at pagtataka. Kaya huminga ka. Katulad ng simbahang hindi kinulang sa hangin, At napapalibutan ng aranya, May ngiti kang kumakain sa dilim, Halakhak na kayang bumura ng bangungot. At walang dahilan para hindi ka awitan ng koro. Kaya huminga ka. Dahil sa paligid, Kagaya ng nasa loob ng aking panaginip, May prusisyong hindi natapos sa paglalakad, Kakahanap ng rason at dahilan,

80 kl*yo

Upang ilaban ang hindi lumilingon sa kanila. Kaya’t huminga ka. Hindi ka man sigurado sa bukas, Sigurado akong kaya nating mabuhay sa ngayon, Kaya nating umibig sa kasalukuyan, Pabayaan natin ang tadhana, Para salubungin ang problema sa hinaharap, Pabayaan ang lungkot ng bukas. Sapagkat ang importante ay hihinga ako. Ang importante ay hihinga ka. Dahil sa bawat paghapo, paghinga, pagpikit, at pag-iyak. Kabag sa ating mga dibdib, Ang hindi mapapagod na tumakbo sa ating mga baga, Upang patunayang hindi luha ang papatay satin. Kundi ang ating paghinga.


kyle quiambao

TAYA

TAYA A N

Sa paglalaro sa loob ng bilog na realidad, iba’t ibang uri ng kamulatan ang pinamamalas ng hangin. May habulan, taguan, sugalan at iyakan. Mapa-bata man o matanda ay maglalaro alang-alang sa makakamit na tagumpay maging malabo man ang laban o patas na laban. Sa bawat sugat na natamo sa paglalaro ng langit lupa, bente-uno, tamaan-tao, patintero na nagdulot ng mga peklat sa aking katawan natuto akong bumangon mula sa pagkakadapa at patuloy na lumaban sa kahit anumang laro ng buhay. Sa bawat paglalakbay ng lugar na pagtataguan, nagtatago ang sakit at pagnanais na makawala sa kadena na pumupulupot sa katawan. pinipilit mahanap ang susi na makakapagpalaya sa sakit na nadarama at sa kaluluwang nais kumawala. Sa bawat sugal na naipatalo at naipanalo na nag-iwan ng leksyon sa aking buhay natutong lakasan ang loob at tanggapin ang maaring mangyari sa bawat bagay na itataya sa larong walang kasiguraduhan. At sa bawat patak ng luha nakikita ang kinahinatnan ng aking desisyon. Sa luha na ito ay masasabi ko na,

“Salamat sa laro, Ikaw naman ang taya.”

kl*yo 81


82 kl*yo



mary carinelli gabatino

nabigasyon

Pagsikat ng araw, Ganda mo’y nagniningning. Iyong rikit, tunay na nakasisilaw. Sa ‘yong kinang, kay daming nahuhumaling. Lumipas man ang ilang siglo, iyong anyo’y ‘di pa rin lumilipas Tunay na masasabing ika’y wala pa ringkupas Sa iyong ipinamamalas na latangian, Ika’y talagang kinagigiliwan Payapa kang namumuhay Tahimik at kalmado ang lagay. Nang mapagtanto nila ang ‘yong kariktan, Lahat ay nagbago, ikaw ay inangkin nila ng tuluyan Ano nga ba ang nangyari at ito ang

kl*yo 84

kinahantungan? Bakit bigla silang dumating at nakiagaw na lang? Ako ay naguguluhan sa lahat ng mga ganap Mga singkit na biglang lumaganap Diba’t amin ka naman talaga? Diba’t tayo naman noon ang magkasama? Nang mahati ang mundo, tayo ang magkalapit! Kaya’t paano nila nasasabi na ikaw ay pagmamay-ari nila Mahirap makipagtuos sa kalabang malakas ang armas Kahit pa kapanalig natin ang batas Di pa rin natin sila mapalayas, Sa atin man ang alas Paglubog ng araw, Ganda mo’y di na masisilayan. Kasabay ng unti-unti nilang pagbago sa ‘yong kaanyuan, Ay ang pahirap nang pahiirap na pagkamit sayo, dagat sa Kanluran


ANGELOS liane pega

Since the dawn of time, we were made to believe scriptures written by the hierarchy of men — those who lived to witness heaven and hell, those who lived for hundreds of years, those who were witnesses of Evangelium. Angels — benevolent beings that mediate the higher, and us the lesser. They appear to look as attractive as can be, radiating holiness and blinding light wherever they ascend; they say it is for the reason that humans won’t get frightened when they come and visit. Benevolent beings reside in Paradiso. Compared to it, the rest is nothing. The perfect Eden where anything divergent shall be banished. They are the fallen ones, The Nephilim — those who fail to comply with the standards of purity. It is once held by God as nothing but a tool, banished to the land of primates and humanity to live a life of torment for their defiance. They descend upon the Earth to live and survive as if God instigating a reign of terror that to be a human being is the worst punishment. What’s it like to be a living, breathing person on Earth?

We live to die. Beings created to praise and serve as if we’re nothing but creations of a God that seeks a way out of a humdrum existence. Happiness is but a mere stretch of high; a reward that comes in fractions. To be genuinely happy is a rare occurrence. Some say it is a choice. But what if there is no choice and only pain? Pain deteriorates emotions as they flood over an empty glass; slowly, purposefully, heavily draining one’s entirety. It begins on the horizon, distant, and slowly blankets every little feat of trying to fight. A phase of life surely all goes through but doesn’t seem to ever end. Is this our punishment for we are sons and daughters of miscreants? Much as the men of the Holy Land bearing countless sacrifices, faith, and servitude only to die — means we are living this mundane moment with no way out but death. To be a demon is to defy, to be an angel is to lose your own will. To be a human — is this the endgame?

kl*yo 85


mellecent legaspi

Itim. Binabalot ng kalungkutan ang buong paligid. Hindi mo magawang alpasan dahil ayaw ka nitong pakawalan. May mga pagkakataong ayaw mo ring makatakas. Dilaw. Sa pagsikat ng araw sa silangan ay nag-aamba ang bagong umagang kakaharapin. May saya, may lungkot. May sarap at sakit. Ikaw ang bahala kung tatanggapin mo o iiwasan. Asul. Ang matingkad na langit ay nagbibigay ng kahali-halinang pag-asa at mapayapang himlayan. Karagatang malawak na nagsusumigaw ng napakaraming posibilidad at walang humpay na pagkakataon. Berde. \Ang mga dahon sa puno na sumasabay sa indayog ng hanging malamyos. Ang pagbagsak ng mga dahon sa lupa ay simbolo ng mapayapang katapusan.

86 kl*yo


Lila. Kagandahan ng buhay at pagsabay sa daloy nito. Pula. Pag-ibig na nagdudulot ng ngiti sa iyong mga mata. Puso mong naguumapaw sa tuwa, ay maaring palitan ng sugat sa ilang segundo lamang. Kahel. Ang paglubog ng haring araw sa dakong kanluran, hudyat na nasa dulo ka na. Wala ka nang magagawa. Wala ka nang magagawa ngayon. Bukas maaari. Hintayin nalamang ang nagsusumilip na pagnubukang liwayway sa umaga. Puti. Sa bawat dilim ay may liwanag. Sa bawat hinagpis ay may saya. Sa bawat pagsisimula ay may pagtatapos. Huwag kang matakot. Kung tapos na ang ngayon, may bukas pang nalalabi.

kl*yo 87


AKELDAMA omeng Sa pagtulo ng dugo mula sa tagiliran, Kasabay ng pawis ng mga naisalba Na gumagapang sa kanilang mga balat Na sunog at tuyot sa init ng paglalakbay Sa pag-inom ng apdo ng dapat pamarisan Mga kawal ng haring nagpatirapa Paa sa kanyang mga ligaw na alagad Na humayo at naging mga huwad na gabay Sa pagluklok sa kanya sa kaharian Ag mga propeta at sugo ay nagpista Sa laman nalango at sa init nabilad Mga turo ay naging hawak ng panghahalay Sa pagbaon ay pagtatak sa kapalaran Isang paniniwalang bulag ang may akda Sa kanyang punong bunga ay salat Para sa kasulatang ang kapalit ay buha

88 kl*yo


basilleo dejesus

Sapling I am stuck down here and no one can hear me Surrounded by dirt and silt and entombed by my own shell I want to come out but fear I am too weak Yet still I try, try to have a glimpse of the unknown As I rose from the ground and out of the darkness, I was petrified. Towered by all these trees whom I am supposed to be I worry that I can’t be as grand as they can be And that I will remain like this for eternity But above the canopy is where the sun shines I can see it through its shafts, so inch by inch I grow Trying to reach the warmth that I deserve because I know in my heart atop the trees is where I belong

kl*yo 89


BUL AGTA kenth patrick gonzales Gumising akong nakapikit Kahit isa’y walang gustong lumapit Tulong ay hindi makamit Paghihirap ang tanging sinapit Wala sa kabataan ang bukas Sa matatanda na ito tumigil Wala sa sistema ang butas Nasa dulo ito ng baril Wala na sa gamot ang lunas Tao na ang sakit Hindi mababansagan mahusay kapag ika’y buhay 90 kl*yo

Tsaka na ang parangal kapag ika’y namatay Malawak na katwiran Ngunit tuyo ang kaisipan Nakatanim na kapuotan Pansamantalang tirahan Ayoko sa bukas, gusto ko sa kahapon Maaari bang maibalik ang panahon? Dito sa lupa tayo’y nalilito Bulag tayong mga Pilipino Oo bulag! Bulagta.


kl*yo 91


PUGON NA DE-GULONG (sinipi)

1st Place Carlos Palanca Memorial Awards For Literature 2016 Filipino Narrative

christopher rosales “NOONG BATA PA AKO, mga lima o anim na taong gulang, pangarap ko talagang maging isang mahusay na mandirigma. Maging tulad ni Pedro Penduko na nakapapatay ng iba’t ibang maligno, o ni Nardong Putik na hindi tinatablan ng mga bala, o ni Panday na nakagagapi ng masasamang-loob sa isang wasiwas lang ng espada. Makalipas ang halos isa’t kalahating dekada, natupad din naman ang hiling ko. Naging isang mandirigma nga ako. Iyon nga lang, wala pa rin akong taglay na anumang natatangi o nakabibilib na kapangyarihan. Hindi ko pa rin kayang iurong ang bundok sa pamamagitan ng mga daliri, pagalawin ang mga bagay gamit ang isip, magbuga ng apoy o sapot sa palad, o saluhin ang bumubulusok na eroplano sa kalangitan. Mandirigma akong ang tanging armas lang ay tibay ng tuhod, lakas ng gulugod, at mahabang-mahabang pasensya. Mandirigma akong walang tama ng bala o daplis ng kampilan mula sa mga kalaban, kundi mitig sa binti, gasgas sa braso, at sandamakmak na paltos at kalyo sa paa. Mandirigma akong araw-araw na nakikibaka sa trapik sa kalsada, araw-araw na nakikipagpatintero sa peligro ng pagsakay sa mga tren ng Maynila. Maaaring ang tingin sa akin ng ilan ay isang simpleng komyuter lang. Ngunit sa tagal na ng panahong nakikipagbuno ako sa dagsa at agos ng libo-libo,pulu-pulutong, bata-batalyong mga pasahero ng tren lalong-lalo na sa Pambansang Daang-Bakal ng Pilipinas (PNR), masasabi kong isa na akong magiting at fullblooded na Spartan (minus the abs syempre pa).” buong akda sa bit.ly/2DhW9ZB

92 kl*yo


When the Proletariat awakens And strikes with the Truth Death will spit on the grave Of the Capitalist Pigs

kl*yo 93


PAT N U G U TA N 2018-2019

Kyle Shaun Aquino, Kapatnugot sa Ingles Kailangan ang pakikibaka upang makamit ang kadakilaan ngunit ang kasakdalan sa ating katayuan ay hindi isang bagay na maaari mong gawin ngunit isang layuning dapat hangarin.

Delfin Andy Alferez, Punong Patnugot

お前はもう死んでいる

Adriel de Guzman, Kapatnugot sa Filipino Sa mga pinaslang sa Oplan Tokhang, sa 14 magsasaka ng Negros, driver ng jeep, security guards, maging sa kababaihan at LGBTQ+, sa lahat ng parte ng minorya: Kaming mga kabataan ay patuloy na lalaban para sa makamasang kaunlaran. #KABATAANPagasaNgBayan


John Kyle Quiambao, Nanunungkulang Patnugot sa Sirkulasyon

Mary Colleen Nagera, Patnugot sa Pamamahala Makalipas ang ilang taon mula ngayon ay titingnan mo at mapagtatanto mo na ang mga kabiguan at pagsisisi ay mga pinagtakpang pagpapala. Tuloy lang. Makakarating ka rin.

Isang karangalan ang maging isang Artisano na malayang magmulat, lumaban at magpahayag ng katotohanan. Maraming salamat Iskolar ng Bayan, patuloy tayong lumaban.

Jan Miguel Garcia, Patnugot sa Pamamahala

Bhea Clarisse Tercias, Patnugot sa

“Mayroon ba kayong anumang ideya kung gaano kalaki ang takot ng mga diktador sa mga taong pinahihirapan nila? Napagtatanto na nilang lahat, isang araw, sa gitna ng kanilang mga naging biktima, siguradong may isa na titindig, lalaban sa Panitikan kanila at sasalakay! “- Albus Dumbledore

Alay ay dugo para sa mga dinurog ng sistema, pawis para sa mga pinagmalabisang manggagawa, tinta para sa tumindig na masa — Alay ang lahat para sa lahat.

Angela Grace Alfaro, Patnugot sa Lathalain Para sa pagpupursigi, sa muling pagbangon, at sa pagpapatuloy sa kabila ng mga kasawian — isang pabaon para sa ating pagharap sa kinabukasan.

Jape Magbuhos, Patnugot sa Balitang Pampalakasan

Frenzy Claire Sadanguel, Nanunungkulang Patnugot sa Larawan Hangga’t may mga taong mulat sa nangyayari sa ating lipunan, may mga taong maninindigan para sa katotohanan. Ang kalyong ito ay para sa mga taong naghahangad ng kaliwanagan.

Isang pasasalamat para sa mga taong nagiging gabay ko sa tuloy-tuloy na pagkatuto: sa pamilya kong pasensyoso, kapwa artisanong masigasig magtrabaho, mga kaibigan na laging nakakaalala, kaklase at propesor. At sa strawberry jam at aso ko. Kayo ang dahilan kung bakit makulay ang mundo!

Aaron Josh Aguilar, Nanunungkulang Patnugot sa Paglalapat-Larawan Ang aklat na ito ay inihahandog namin para sa mga taong lumalaban sa kadiliman ng sariling isipan; Nang sila’y mahila sa liwanag sa pamamagitan ng mga sining at panitikan.


Mary Joyce Dioso, Manunulat

Jethro Escleto, Manunulat

Bawat bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Kaya kung hawak mo ang librong ito ngayon, ay tiyak na para ito sayo.

Lubos ang aming pasasalamat sa inyo, mga mambabasa, na tanging nagiging inspirasyon namin. Sana ay magugustuhan niyo ang mga iba’t ibang kwento, tula at litrato sa aming Kalyo: Krusada.

Ferdinand Quinto, Manunulat

Janssen Kyle Hayag, Manunulat

Rohani Langco, Manunulat

Mellecent Mae Legaspi, Manunulat

Ito ay aming inaalay sa mga mag-aaral, guro, at sa lahat ng bumubuo sa unibersidad; sa aming pamilya, sa aming mga kaibigan, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay-suporta. Sa lahat ng bumubuo ng The Philippine Artisan - Manila, mabuhay tayong lahat. Padayon!

Minsan na akong sumuko sa pagsubok upang maging ganap na miyembro ng The Philippine Artisan, pero dahil may mga naniwala sa abilidad ko, utang ko sa inyo kung bakit ako nandito. Salamat at para sa inyo ito.

Nagmula sa pangkalahatang kumakatawan sa panitikang ito, hango sa dunong na nagsilbing liwanag at panangga ng ating sariling lipunan. Nawa ay maghatid karunungan at palaisipan sa bawat makakabasa ng pahayagang ito.

Ito ay para sa iyo. Sa iyo na nakababasa, sa iyo na mayroong nais makamit, sa iyo na ma y layunin at determinado. Mapagtagumpayan mo sana ang iyong laban!

Mary Carinelli Gabatino, Manunulat

Audrey Marielle Solis, Manunulat

Sa iyo ito patungkol. Ikaw na siya sanang sumusuporta ngunit siya ring walang tiwala, na siya sanang kasama’t kasangga ngunit siya ring tumutuligsa.

Iniaalay ko ito sa aking pamilya, mga kaibigan, at mga patuloy na kumakalinga, kumikilala, at bumabatikos sa mapagpalayang pamamahayag para sa kaunlaran ng lipunan.


Alvin John Medalla, Litratista

Christopher Ryan Sanguyo, Litratista

Sa mga taong patuloy na nagbibigay buhay sa kakaibang mundong hatid ng Panitikan, ito ay para sa inyo.

Para sa mga naniniwala sa aking talento, sa aking pamilya, mga kamag aral, mga kaibigan, at sa Panginoon ay inaalay namin sa inyo ang Kalyo na ito sa ngalan ng mapagpalayang pamamahayag.

Basileo De Jesus, Mangguguhit Jean Claud Abarquez, Mangguguhit Hinabi gamit ang dedikasiyon at mapaglarong isipan, buong kaluguran naming iniaalay ang aklat na ito. Batid sa bawat pahina ang naglalagablab naming kagustuhan na handugan ang bawat mag-aaral na kikiliti sa damdamin, at magbibigay ng ngiti sa mga labi at ng galak sa inyong mga mata. Lubos ang aming pagpapasalamat, mabuhay!

Jezrylle Malazarte, Tagapaglapat Sa karangalan nang paglikha, ito’y magsisilbing inspirasyon sa lahat ng magbabasa. Ito na ang tanda, magsimula ka na.

Pagpupugay para sa mga alagad ng panitikan at sining na nagpapahayag ng kanilang karanasan at saluobin gamit lamang ang panulat. Nawa’y ang mga tula tumatak sa iyong puso.

Mark Polido, Tagapaglapat Para sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay ng kaliwanagan at gabay para sa mga taong nabulag ng mapanlinlang na paniniwala, para sa mga taong nasa panig ng katotohanan at may patas na pagtingin sa pahayag ng lahat, at lalo na sa lahat ng manggagawa na walang sawang kumakayod, sa inyo ko inaalay ang Kalyo na ito.

Vincent Leonardo Lapuz, Mangguguhit Isang pangaral ang nais magatimpala sa mga nagtrabaho ng punot dulot sa paglilikha ng mga sulat na liham ng espada tungo sa Langit at Lupa kung saan ang kanilang mga salita ay magiging dasal na nakabingibingi sa tainga ng Diyos Amang lumikha ng mga talentong ito. Mula sa kaniya rin ang mga salita na naglikha ng mundo, tayo rin ay makalilikha ng karangalan sa mundo.

Jayson Astudillo, Tagapaglapat Inihahandog namin ang Kalyo na ito bilang pasasalamat at para sa tapat na pamamahayag.


Lahat ng nailathalang akda at obra ay mananatiling pagmamay-ari ng mga may akda at ng publikasyon. Ang mga akda at obrang nakapaloob sa aklat na ito ay hindi maaaring muling mailatha sa anumang babasahin ng walang pahintulot. ANG KALYO, ANG OPISYAL NA LITERARY FOLIO NG THE PHILIPPINE ARTISAN MANILA AY INILALATHALA ISANG BESES KADA TAON. Anumang mungkahi o mga payo ay malugod naming tinatanggap at maari ninyong ipadala sa aming opisyal na email, Facebook page at Twitter account. Ang opisina ng The Philippine Artisan ay mamatagpuan sa G/F CLA Building, Technological University of the Philippines, Ayala Boulevard corner San Marcelino Street, Ermita, Manila. KALYO TOMO 71 ISSUE 3 Pagaanyo at Paglalapat Adriel de Guzman, BT-GAPT4B Jezrylle Malazarte, BFA1B Inilathala ng S.D. LEAL Printing Press Taong 2019

98 kl*yo

Mga Kaloob Frenzy Claire Sadanguel “Mekanismo”p.3 “Excomulgado”p.8 “Exodus”p.38 “Death to Duterte” p.10 “F the Poll Lease”p.45 “Inverted Perversion”p.21 “Excelsis”p.70 “Pasalubong“ p.37 “Apotheosis” p.65 Roy Chester Lorena “Perspective Through a Looking Glass” p. 6 Jean Claud Abarquez “Krus sa Loob ng Tatsulok“ p.30 “11:59“ p.76 “Gasgas na linya“ p.54

Ryan Sanguyo “Rebirth of the Flesh” p.32 “Denouement of Hamartia”p.71 “Apocryphal” p.56

Arwahin Baja “Nahapo kong Paraluman” p.17

Chen Lapuz “goddamn Indoctrination” p.49

Alvin John Medalla “Waltz of the Peculiar”p.24 “Duality of Man”p.28 “Eaten by my Own Darkness” p.84

Jezrylle Malazarte “Vox Populi, Vox Dei” p.67

Gleason Wayne Marquez “Growth” p.59

Mga Natatanging Ambag Jan Louie Señoron “Balintataw”p.43 “Old Soul”p.50 “Memory of an Amnesiac” p.90 “Double Dead”p.93 “Vivere Alla Giornota”p.99


k ru s a da



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.