*DA BEST ANG PASKONG PINOY*
Ilang araw na lang, Pasko na! Iba't Ibang Christmas displays ang makikita at iba't ibang Christmas songs ang maririnig sa paligid. Tunay na walang katulad ang Pasko sa Pilipinas, da best, ika nga nila. Subalit, nasa Pilipinas man tayo o nandito sa Japan at kahit na magkaiba ang pamamaraan ng ating pagdiriwang, ngunit kung isapuso natin ang tunay na diwa at kahulugan nito - ang kapanganakan ni Hesukristo - ay magiging maligaya pa rin ang ating Pasko.