*GOOD FORTUNE, HAPPY LIFE* Likas na mapamahiin ang mga tao, partikular ang mga Pilipino. Marahil isa sa mga dahilan ay walang tiyak sa mundong ating ginagalawan. Tuwing magtatapos ang taon ay sinusubukan nating iwan ang mga hindi magagandang pangyayari sa ating buhay. At kasabay naman nang pagpasok ng Bagong Taon ay ang ating pag-asam na ito ay maging maganda at magdala ng swerte sa ating buhay.