Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 58, September 27 to October 3 , 2021

Page 1

Public COVID-19 vax starts BulletLine Issue #58

LOTTO RESULT September 28, 2021

ULTRALOTTO 6/58 21 - 58 - 34 04 - 33 - 01

October 03, 2021

ULTRALOTTO 6/58 05 - 13 - 08 31 - 17 - 06

October 01, 2021

ULTRALOTTO 6/58 18 - 49 - 23 22 - 19 - 47

WANT MORE?

2 3

By Joedie Mae D. Boliver - PIA/IDPD

President Rodrigo Roa Duterte approved the rollout in October of the COVID-19 vaccine for the general population, including minors. The country expects to receive at least 100 million vaccine doses and have administered some 55 million doses by October 30. Individuals under A1, A2, and A3 will be given an express lane to maintain the prioritization order under the National Vaccine Deployment Plan. Pandem Yaki!

1 PIA Bulletin Online

Magsisimula na ang pagbabakuna sa general population. Lalo pang dadami ang protektado. Walang kasin-lupit ang tao, walang awa sa aming mga virus. Balik na naman kami sa paniki, petmalu!

PITPIT-ISIP

Sagot sa Page 8

1

Ano ang bakunang pwedeng iturok? Aprubado. Ano ang tawag sa taong nabakunahan? Bakunado. Ano naman ang tawag sa takot magpabakuna?

2

Ano ang mayroon sa aso na mayroon din sa pusa. Dalawa sa buwaya at kabayo habang tatlo naman sa palaka.

Statutory Rape 16 anyos na pababa

GULAY NA PUSLIT, I-CONFISCATE

4

“Pasalo-Benta” Carnapping Modus

5

Fake TESDA certificates for sale

6

Voter registration, pinalawig

7

Global tourism drive ‘More Fun Awaits’ launched

8

Sementeryo sa Maynila isasara muna


Statutory Rape

16 anyos na pababa By Adora Rodriguez - PIA/IDPD

Aprubado na sa Senado ang Senate Bill 2332 na nagtaas sa statutory age of rape. Dati ay 12 anyos ang statutory age of rape at ngayon ay 16 anyos na ang sakop. Sa panukalang batas na ito, ituturing na krimen ang statutory rape o pakikipagtalik sa babae o lalaki na 16 anyos pababa. Ito ay upang maprotektahan ang mga kabataan sa lahat ng uri ng sexual exploitation at mga pag-abusong sexual.

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Melinda T. Quiñones Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Agna

PIA Bulletin Online 2


GULAY NA PUSLIT, I-CONFISCATE

By Melva Gayta - PIA/IDPD

Kukumpiskahin ng Department of Agriculture (DA) ang mga smuggled na gulay mula sa China na ngayon ay kalat na sa mga palengke. “Wala pong fresh vegetables na binibigyan ng permit mula sa ibang bansa, kasama na po ang Tsina,” pahayag ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes. Ang mga sariwang gulay tulad ng carrots, repolyo at luya ay nakalusot sa Subic Port dahil idineklara ito na “other items.” Makikita ang pagkakaiba ng mga imported na gulay sapagkat bukod sa mas mura na, mas malaki at makinis pa ang carrots at luya kumpara sa mga naaani sa Benguet at iba pang lugar sa bansa.

Photo from PTV4

P20 paper bill hanggang katapusan ng 2021 na lang puwedeng gamitin? Fake news ito. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 20-Piso New Generation Currency (NGC) banknotes ay nananatiling legal tender at maaari pang gamitin sa mga pangaraw-araw na transaksyon. Kaugnay nito, naglabas din ang BSP ng advisory sa mga bangko na i-promote ang distribution, recirculation, and mobilization ng bagong 20-peso coins. 3 PIA Bulletin Online


“Pasalo-Benta” Carnapping Modus By Marites B. Paneda - PIA/IDPD

Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa mga sindikatong nagbebenta o bumibili ng mga sasakyang hulugan gamit ang “assume balance o pasalo scheme.” Nagpapanggap na buyer ng sasakyan ang isang miyembro ng sindikato at mangangakong siya na ang magbabayad ng balanse ng car loan. Ngunit hindi niya ito babayaran at kalauna’y ibebenta sa iba gamit ang mga pekeng dokumento. Maiiwang dehado ang huling buyer sa oras na ito ay hatakin na ng bangko dahil sa hindi nababayaran ang buwanang hulog. Paalala ng BSP sa mga bangko, paigtingin ang customer identification and verification, busisiin ang transaksyon ng mga customer, at i-report ang mga kahina-hinalang transaksyon.

PIA Bulletin Online 4


Photo from Tesda

Fake TESDA certificates for sale By Mary Rose de los Santos - PIA/IDPD

Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko kaugnay sa pekeng National Certificates (NCs) na ibinebenta ng ilang grupo sa Facebook. Mabubuking din kalaunan ng kumpanyang nais pasukan ang mga mandaraya ng NCs gamit ang talaan sa website ng TESDA. Tanging ang mga nakapasa lamang sa competency assessment ang ginagawaran nito. Hinihikayat ng TESDA ang publiko na i-report sa Hotline 8887-7777 ang sinumang nagbebenta ng NCs.

5 PIA Bulletin Online


Photo from Daily Tribune

Voter registration, pinalawig

By Melinda T. Quiñones - PIA/IDPD

Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration mula Oktubre 11 hanggang Oktubre 30, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Sabi ng COMELEC walang voter registration ng Sabado at Linggo, maliban na lamang sa Oktubre 30, na natapat na araw ng Sabado at dito ay bukas sila hanggang alas-5:00 ng hapon. Inaasahan namang maghahain ng certificate of candidacy ang mga kakandidato para sa 2022 national at local elections mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

Alam n’yo ba na ang Pilipinas ang isa sa limang bansang may mataas na supply ng marino o seafarer sa mundo? Sa datos ng POEA, may 519,031 ang Filipinong marino na naka-deploy sa iba’t ibang bansa at ang remittance sa Pilipinas ay P326.9B.

PIA Bulletin Online 6


Photo from Daily Tribune

Global tourism drive ‘More Fun Awaits’ launched By Daily Tribune

The Department of Tourism (DoT) launched the “More Fun Awaits” campaign to strengthen the Philippines’ positioning as a top-of-mind tourist destination in the global market once international leisure travel to the country resumes. “More Fun Awaits” showcases the preparations that the DoT has been carrying out while tourism has been put on hold because of the pandemic. With plans that go beyond the pandemic, the campaign is more focused on communicating destinations to visit — starting with those that have been ready to welcome local tourists and have minimum health and safety protocols in place.

7 PIA Bulletin Online


Sementeryo sa Maynila isasara muna Pansamantalang isasara ang mga pampublikong sementeryo ng Manila North Cemetery sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2021. Pinapayuhan ang lahat na maglaan ng oras simula Oktubre 1 hanggang 29, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang dalawin at linisin na ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Ayon pa sa pamunuan ng Manila North Cemetery, lilimitahan sa sampu katao ang makikipaglibing at tanging ang karo ng patay na lang ang papahintulutang ipasok ng driver sa loob ng sementeryo.

Photo from Daily Tribune

PITPIT-ISIP Sagot: 1.) KABADO / 2.) A PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.