Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 64, November 8 to 14, 2021

Page 1

BulletLine Issue #64

Bayanihan, bakunahan By Guilberto Contreras/PIA-IDPD

Aarangkada na ang tatlong araw na ‘Bayanihan, Bakunahan’ sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, itinapat ang paglulunsad na ito sa paggunita ng Bonifacio Day sa November 30 dahil bayani ang turing niya sa mga Pilipinong nagpabakuna na kontra COVID-19. Sabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., hangad ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino sa tatlong araw na ito.

PITPIT-ISIP 1 PIA Bulletin Online

1

Hindi tao, hindi hayop, pumupulupot.

4

2

Kappa variant mas deadly sa Delta?

Pandemic traffic, nasisilip

7

5

WANT MORE? 3 6 8 No vaccine, no subsidy sa 4Ps?

Noche Buena Tipid tips ni Sec. Lopez

Comelec considers limited in-person campaigning NOV

ULTRALOTTO 6/58

LOTTO 07 16 - 17 - 44 RESULT 49 - 37 - 25

NOV

Christmas caroling sa new normal

Share Facts on Drugs, Save Lives

ULTRALOTTO 6/58

09 40 - 58 - 05 18 - 17 - 50

NOV

ULTRALOTTO 6/58

12 05 - 15 - 53 23 - 31 - 49

Pandem Yaki!

Mababa na ang bilang ng nahahawa sa amin sa NCR. Eh ‘di, back to normal na kayo. By the way, ang aming growing family na puro techie ay may latest addition, isisilang na si KAPPA!

2 Sa buhatan may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot sa Page 8


Kappa variant mas deadly sa Delta? By Mary Rose delos Santos/PIA-IDPD

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng COVID-19 Kappa variant o B.1.617.1 sa Pilipinas na isang local case at ito ay itinuturing na variant under monitoring. Natukoy ito sa isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga at pinagaaralan pa ito ng mga dalubhasa kung gaano ka-deadly. Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na katulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020. Tiniyak ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang unang B.1.617.1 variant sa Pilipinas.

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Melinda T. Quiñones Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Agna Photo from PNA

PIA Bulletin Online 2


No vaccine, no subsidy sa 4Ps?

By Melinda T. Quiñones/PIA-IDPD

Kailangang baguhin ang kondisyong nakasaad sa RA 11310 o 4Ps Act kaugnay sa mungkahi na dapat bakunado muna ang mga benepisyaryo. Ayon kay Assistant Secretary Glenda Relova, tagapagsalita ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), wala sa naturang batas ang kundisyon na ito. Sa ngayon, aniya, hindi pwedeng idahilan na kailangan ang pagpapabakuna para makatanggap ng ayuda ang 4Ps beneficiaries. Sa kabila nito, sinabi ni Asec. Relova na bukas ang DSWD sa mungkahi ng partner agencies, lalo na kung ito ay magbibigay ng proteksyon ng mga miyembro. Photo from Daily Tribune

3 PIA Bulletin Online


By Melinda T. Quiñones/PIA-IDPD

Bad trip sa matinding traffic sa EDSA? Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), posibleng ibalik ang number coding scheme sa kalakhang Maynila tuwing rush hours. Sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na ang dami ng mga sasakyan ngayon sa Metro Manila ay malapit na sa pre-pandemic level, at ang daloy ng trapiko ay malapot tuwing rush hours. Imo-monitor ng MMDA ang sitwasyon ng trapiko sa susunod na mga araw bago magdesisyon. Photo from Daily Tribune

PIA Bulletin Online 4


Noche Buena

Tipid tips

ni Sec. Lopez

By Marites B. Paneda/PIA-IDPD

Sa panayam kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez sa Public Briefing ng PTV4 nitong November 11, 2021, ipinaliwanag nya na ang branded products na may kaugnayan sa Noche Buena ay may dalawang tendencies. Una, mayroong mga stock na hindi magtataas ng presyo at possible pa raw na ang iba rito ay magbaba ng presyo. Ikalawa, ang mga gagawin pa lamang na produkto ay posibleng magtaas ngunit nagpaalala sya na sa product manufacturers na hindi maaaring magtaas ng lampas sa tatlong porsyento ng halaga ng produkto. Ang payo nya, piliin ang mga mas murang pang-Noche Buena. Photo from Daily Tribune

Alam n’yo bang nagpapautang ang Department of Agriculture (DA) ng kapital sa mga magsasaka at mangingisda? Ang Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program ay pautang na walang interes at collateral para sa working capital ng mga maliliit na magsasaka, mangingisda at rehistradong micro and small agri-fishery enterprises na maaaring sole proprietors, partnerships, korporasyon, asosasyon, o kooperatiba. Ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda ay maaaring umutang ng hanggang P300,000 samantalang ang rehistradong enterprise, depende sa laki ng assets nito, ay makakahiram ng hanggang P15 million. Ang nahiram ay maaaring bayaran hanggang 5 taon. Photo from ACPC

5 PIA Bulletin Online


Christmas caroling sa new normal By Melva Gayta/PIA-IDPD

Maaari nang mag-caroling sa mga lugar na deklaradong Alert Level 2, sabi ni Undersecretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ngunit ang paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas maraming respiratory droplets ang lumalabas kapag kumakanta, isa sa

rason na magpapataas ng posibilidad sa pagkalat ng COVID-19, kaya may health protocols pa rin na dapat sundin. Sa mga nagplano ng indoor at outdoor venues, pangunahing requirement ay vaccinated dapat ang carolers at guests para sa activities. Para naman sa mga street carolers mahigpit na ipinagbabawal ang walang facemask at walang face shield.

Photo from PNA

Naglabas ng 500-piso commemorative banknote ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Fake news ‘yan. Ipinapaalala ng BSP sa publiko na maging mapanuri at hinihikayat nito ang sinumang nakakaalam na may gumagamit ng pekeng salaping papel na isumbong sa pulis o sa Payments and Currency Investigation Group ng BSP (email address:currencyinvestigation@bsp.gov.ph). Sa Republic Act No. 10951, ang mga namemeke ng pera ng Pilipinas ay pwedeng maparusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa 12 taon at 1 araw at ng multang aabot sa dalawang milyong piso. PIA Bulletin Online 6


Comelec considers limited in-person campaigning By Gab Humilde Villegas/Daily Tribune

The Commission on Elections (Comelec) announced on Wednesday, 10 November 2021 that candidates in the 2022 national and municipal elections may be allowed to do limited in-person campaigning, due to a decrease in Covid-19 cases. Comelec Director Elaiza Sabile David said they are currently finalizing guidelines for the conduct of physical campaigns. “We are currently finalizing and studying the new normal guidelines. We will still have an in-person campaign but it will be very limited. So, we urge candidates to exhaust other means and methods or platforms for a campaign,” she said.

Photo from Daily Tribune

7 PIA Bulletin Online


Share Facts on Drugs, Save Lives

Photo from Daily Tribune

By Josephine L. Babaran/PIA-IDPD

Pinangunahan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week mula Nobyembre 14-20, 2021. Ayon sa Board, may maling impormasyon na namumuo sa kamalayan ng marami ukol sa drug abuse. Dapat daw evidencebased ang solusyon na ipaalam sa publiko.

Turok

Kaya nakasentro ang pagdiriwang sa temang “Share Facts on Drugs, Save Lives” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng wastong impormasyon sa paglaban sa drug abuse. Inaanyayahan ng DDB ang publiko na lumahok sa isang video contest ukol sa pag-iwas sa paggamit ng illegal na droga. Makipag-ugnayan kay Jeremy Adan sa jaadan@ddb.gov.ph para sa detalye.

Ang bagong sigaw ni Bonifacio

PITPIT-ISIP

1 Sinturon 2 Basket PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.