Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 66, November 22 to 28, 2021

Page 1

Panloloko sa naghahanap ng trabaho,

BulletLine Issue #66

LOTTO RESULT NOV

ULTRALOTTO 6/58

21 26-36-41-43-21-01

NOV

ULTRALOTTO 6/58

NOV

ULTRALOTTO 6/58

23 58-19-35-46-30-10 26 20-17-12-29-10-46

ibinuko By Marites B. Paneda/PIA-IDPD

Nagbabala sa publiko ang National Privacy Commission (NPC) sa scam na kumakalat. Ang text messages na nagaalok ng trabaho gamit ang mga kilalang online shopping platform ay huwag daw patulan. Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, ang scam na ito ay ginagawa ng isang malaking sindikato para lokohin ang biktima. Paalala ni Liboro maging matalino at mapanuri sa mga mensahe at i-block ang hinihinalang numerong sangkot sa modus operandi na ito. I-report sa telecommunication companies na idinadawit sa panlilinlang na ito. Pwede ring magsumbong sa National Telecommunications Commission (NTC) at NPC. Pandem Yaki!

1 PIA Bulletin Online

Napanood ko sa TV nako-kontrol na raw ng tao ang COVID-19. Weh? ‘Di nga! Tingnan natin pagkatapos ng Pasko.

PITPIT-ISIP Dahil birthday ni Gat Andres Bonifacio. Pag-tripan natin ang Gat.

1 Ano ang Gat na masakit? 2 Ano ang Gat na pumapantal? 3 Ano ang Gat na maalat? 4 Ano ang Gat na pinagmulan? 5 Ano ang Gat na malinamnam?

WANT MORE? 2 Digital money muna ngayong Pasko - BSP

3 4 5 6 7

Sari-saring activities sa birthday ni Ka Andres ‘Bayanihan, Bakunahan’ pinaigting ni PRRD Face-to-face classes sa kolehiyo, pinalawak Paglabag sa health protocols, election offense

‘Angels of the Sea’


Digital money muna ngayong Pasko - BSP By Adora Rodriguez/PIA-IDPD

Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa paggamit ng digital money sa pamimigay ng aginaldo ngayong holiday season. Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, ang digital money transfer ay mabilis at convenient upang makapagpadala ng pera sa patutunguhan nito. Nais ng BSP na maiwasan ang physical contact sa pagitan ng nagbibigay at tumatanggap ng pamasko. Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Agna

Ang mga bata ay may ‘natural immunity’ laban sa COVID-19 at hindi na kailangang magpabakuna laban sa virus na ito. Fake news ‘yan. Ayon sa DOH, Maaari pa ring makakuha ng COVID-19 at ma-ospital ang mga bata kung mahahawa. Maipapasa rin nila sa ibang tao ang COVID-19. Kaya ang mga batang may edad na 12 hanggang 17 ay magkakaroon ng proteksyon. PIA Bulletin Online 2


Sari-saring activities sa birthday ni Ka Andres By Melva Gayta/PIA-IDPD

May wreath-laying ceremony ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) upang gunitain ang ika-158 ng anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Ang tema ngayong taon ay “Bonifacio 2021: Pagbubuklod para sa Kaligtasan at Kalusugan ng Bayan.” Inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa seremonya sa Pinaglabanan Monument sa San Juan sa November 30. Gugunitain 3 PIA Bulletin Online

din ang bayaning tagalog sa Liwasang Bonifacio sa Manila, NCHP Museo sa Cavite at sa iba’t ibang Bonifacio Monument sa Quezon City, Caloocan, Taguig at Manila. Kasabay din ng selebrasyon ay ang pagbubukas ng El Deposito Underground Reservoir sa NHCPMuseo El Deposito at ang Diorama Exhibit on the Battle of San Juan Del Monte sa NHCP-Museo ng Katipunan.

Alam nyo ba na ang ibig sabihin ng Gat ay paggalang sa isang taong kapitapitagan tulad ng pinuno ng isang pamayanan.


‘Bayanihan, Bakunahan’ pinaigting ni PRRD

By Mary Rose delos Santos/PIA-IDPD

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang lahat ng government agencies, national government agencies at lokal na pamahalaan na suportahan ang ‘Bayanihan, Bakunahan’ program at gamitin ang lahat ng resources na makakatulong sa gaganaping tatlong araw na bakunahan. Pinasalamatan naman ng Pangulo ang pribadong sektor sa pagpapagamit ng mga malls, fast food chains at pribadong hospital para maging vaccination site sa National Vaccination Days. Samantala, mula sa 15 milyon ibinaba ng pamahalaan sa 9 milyong Pilipino ang nais na mabakunahan sa gaganaping National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021 sa 16 rehiyon ng bansa.

Alam nyo ba na 89% sa mga namatay sanhi ng COVID-19 mula ng dumating ang bakuna laban sa pandemya ay hindi nabakunahan batay sa ulat ng Department of Health. PIA Bulletin Online 4


Face-to-face classes sa kolehiyo, pinalawak nasa Alert Level 2 at Alert Level 1, kasama Inanunsyo ng Commission on Higher ang Metro Manila. Education (CHED) na aprubado na ng InterBinigyang-diin ng CHED na para sa Agency Task Force (IATF) ang face-to-face expanded limited face-to-face classes classes sa iba’t ibang degree programs sa dapat bakunado ang mga estudyante at kolehiyo. faculty members, ipatupad ang minimum Ayon sa CHED, maaari nang magsimula health standards, naka-retrofit ang ngayong Disyembre ang mga kolehiyo na mga pasilidad ng kolehiyo na angkop sa makakakumpleto sa kanilang inilabas na requirements at may koordinasyon ito sa guidelines, na limitado rin sa mga lugar na lokal na pamahalaan. By Josephine L. Babaran/PIA-IDPD

5 PIA Bulletin Online


Paglabag sa health protocols, election offense By Joedie Mae D. Boliver/PIA-IDPD

Sa darating na eleksyon, ipapatupad na ng Commission on Elections (COMELEC) ang panukala na ‘election offense’ ang paglabag sa health and safety protocols sa panahon ng pangangampanya. Isinasaad sa COMELEC Resolution 10730 na dapat sumunod pa rin sa health protocols ang mga pulitiko at ang kanilang entourage, kung mayroon man. Nire-require rin ng COMELEC ang mga kandidato at political parties na mag-submit ng ‘affidavit of compliance with health protocols’ isang araw matapos ang kanilang ‘in-person campaign activity.’

PIA Bulletin Online 6


‘Angels of the Sea’ By Adora Rodriguez/PIA-IDPD

Sa unang pagkakataon ay nagtalaga ng mga babaeng Radio Operators ang Philippine Coast Guard (PCG) at tinawag na ‘Angels of the Sea’ bilang taga-bantay sa West Philippine Sea at sa iba pang katubigan sa bansa na sakop ng kanilang tungkulin, ayon sa 36th PCTC INTERPOL Manila meeting noong November 19, 2021. Nakakapagpakalma ng kalooban ang malambing na boses ng mga babae at malamyos ang tono kumpara sa karamihan sa mga lalaki na maaaring makapagdulot 7 PIA Bulletin Online

ng misinterpretation, ayon sa paliwanag ni PCG LT Florante Salcedo FJG. Laging may nakaambang panganib kapag hindi nagkakaunawaan ang Coast Guard at ang mga sasakyang pan-tubig na kanilang nasisita. Iniiwasan na maging ugat ito ng mas hindi kanais-nais na sitwasyon. Ang pagtatalaga ng ‘Angels of the Sea’ ay isang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa issue na may kaugnayan sa tungkulin ng PCG.


PITPIT-ISIP

1 Sugat

2 Kagat

3 Dagat

4 Ugat

5 Maligat PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.