BulletLine Issue #67
Omicron variant, pinaghahandaan Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Pinaigting ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang paghahanda sa posibleng banta ng Omicron variant sa Pilipinas. Inihayag ni Chief Implementer Carlito Galvez na mahigpit na ang restriction at border control sa bansa. Hindi pinapayagang makapasok ang mga dayuhan na galing sa red list countries at mga Filipino na pabalik ng Pilipinas lamang ang makakapasok. Nagkaroon na ng inventory ang Department of Health (DOH) sa hospitals, medical personnel, treatment facilities at treatment therapies para i-scale up ang ating COVID-19 response.
WANT MORE? 5 araw, 7 milyong 2 3bakunado 6 coding ulit 7 3 Number para iwas-traffic
4
8
‘Di lang pisikal at verbal, pati digital
PITPIT ISIP
1
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.
2
LOTTO 28 34 - 05 - 39 RESULT 16 - 11 - 48
NOV ULTRALOTTO 6/58
1 PIA Bulletin Online
Wala nang penalty ang utang sa GSIS PRRD Development programs, hindi militar 3 Filipino educators, wagi sa Southeast Asian Educational Innovation Awards Tap the TOP Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. NOV ULTRALOTTO 6/58
30 51 - 45 - 24 21 - 58 - 13
3
In the spirit of Christmas, masaya kung magkakasama ang buong pamilya. Kaya po bibisita ang relative naming si Omicron dito sa bayan ni Juan. Kung sakaling maibigan nya ang Pilipino hospitality gawa ng mga pasaway sa health protocols, pwede naman mag-stay sa inyo si Omicron ng mahabang panahon.
Kung papakainin ay mabubuhay, kung papainumin ay mamamatay. DEC ULTRALOTTO 6/58
03 32 - 05 - 41 53 - 35 - 20
Pandem Yaki!
Photo from PNA
Maaaring magkaroon ng pneumonia sa pagsusuot ng facemask.
3 araw, 7 milyong bakunado
Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Nakapag tala ang National Vaccination Operations Center (NVOC) ng 7,628,432 na indibidwal na nabakunahan laban sa COVID-19 sa ginanap na ”Bayanihan Bakunahan” nitong Nov. 29 hanggang Dec. 1, 2021. Mahigit 55 milyon na ang kabuuang
bilang ng nabakunahan ng unang dose simula Pebrero hanggang ngayon. Inihahanda ng pamahalaan ang ikalawang “Bayanihan Bakunahan” National Vaccination Days sa Dec. 15 hanggang 17, 2021.
Fake news ‘yan! Hindi makakakuha ng pulmonya sa pagsusuot ng face mask. Ayon sa mga pag-aaral, higit na mas mababa ang porsyento ng pagdami ng bakterya kung protektado ng face mask. Ito rin ay mabisa sa pagpigil na mahawa ng COVID-19 ng hanggang 93%.
Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Agna
PIA Bulletin Online 2
Number coding ulit para iwastraffic Melva Gayta PIA-IDPD
Muling ipinatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa National Capital Region (NCR) simula Dec. 1, 2021. Ang mga sasakyan na bawal bumiyahe ng 5pm hanggang 8pm sa weekdays: ending na 1 at 2, bawal ibyahe ng Lunes; ending na 3 at 4, bawal sa Martes; ending na 5 at 6, bawal sa Miyerkules; ending na 7 at 8, bawal ng Huwebes; at ending na 9 at 0, bawal sa Biyernes. Walang number coding tuwing Sabado, Linggo at holidays. Exempted sa coding ang Public Utility Vehicles (PUV), transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, truck ng basura, truck ng petrolyo at sasakyang may dalang perishable goods.
Photo from Daily Tribune
3 PIA Bulletin Online
‘Di lang pisikal at verbal, pati digital Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kawani ng pamahalaan sa mahigpit na panukala ukol sa sexual harassment sa opisina. Sinabi ng CSC na ito ay sumasaklaw hindi lamang sa pisikal o verbal na mga kilos kundi pati na rin ang mga ginagawa gamit ang teknolohiya. Kabilang ang pagkomento ng homophobic o sexist remarks, cyberstalking, pag-upload ng sexual pictures/videos at pagshare ng pictures/videos online na walang pahintulot ng sangkot na mapapahiya. Ang parusa sa sexual harassment ay depende sa nilabag sa polisiya na maaaring umabot sa pagkatanggal sa serbisyo ng maysala. PIA Bulletin Online 4
Wala nang penalty ang utang sa GSIS PRRD
Photo from GSIS
Adora Rodriguez PIA-IDPD
Nananawagan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga empleyadong nag-resign sa gobyerno na mag-apply sa Program for the Restructuring and Repayment of Debts (PRRD) upang mawala na ang mga penalty sa utang sa GSIS. Ipinaliwanag ni Atty. Isagani del Rosario, GSIS Vice President for Luzon Operations Group, na hanggang December 29, 2021 5 PIA Bulletin Online
lamang makaka-avail ng GSIS-PRRD moratorium. Upang mapakinabangan ang condonation o pag-aalis ng multa, kailangang mabayaran ng borrowers ng buo ang utang sa January 31, 2022. Kung hindi ito kakayanin, ang paunang bayad o deposito ay may palugit na hanggang January 31, 2022 at ang matitirang utang ay ituturing na panibagong utang na pwedeng bayaran hanggang tatlong taon. Bisitahin ang www.gsis.gov.ph
Development programs, hindi militar Guilberto Contreras PIA-IDPD
Band-aid solution ang pananaw ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr. sa paggamit ng military lamang laban sa insurgency. Dahil sa panukalang pagtapyas sa budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ipinaliwanag ni Sec. Esperon na mahalaga itong budget na kakaltasin para sa Barangay Development Program at whole-of-nation approach. Dapat daw na manatili ang budget at nang mamamayan doon dahil hindi sapat ang maibaba ang programa sa mga kanayunan nagagawa ng mga barangay para sa kanilang kung saan madaling ma-recruit ang mga development programs. Photo from PNA
PIA Bulletin Online 6
3 Filipino educators, wagi sa Southeast Asian Educational Innovation Awards Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Tatlong Filipino educators ang kinilala sa unang Southeast Asian Educational Innovation Awards (SEA EIA) na inorganisa ng SEAMEO INNOTECH. Para sa Teacher Category, si Ms. Joana B. Romero ng Melencio M. Castelo Elementary School Quezon City ang kinilala sa kanyang Digital App sa Mathematics at Reading Video Lessons. Sa School Head Category, nagwagi si Ms. Mary Hazel Ballena ng Bucay North 7 PIA Bulletin Online
Elementary School Abra. Nakipag-partner sya sa stakeholders para magkaroon ng handheld two-way radios ang kanilang paaralan. Si Mr. Rowan L. Celestra naman ng Buenavista Elementary School Sorsogon City ay bumuo ng konsepto ng E-NAY.COM o Education for Nanay in the Community. Ang awardees sa dalawang kategorya na ito ay makakatanggap ng recognition at travel dissemination grant na 3,000 USD bawat isa.
Tap the TOP
Photo from Daily Tribune
Marites B. Paneda PIA-IDPD
Patuloy ang libreng online courses ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga manggagawang Pilipino gamit ang web-based platform na TESDA Online Program o TOP. May total na 114 kurso na iniaalok sa ilalim ng TOP kabilang na ang International Labor Organization’s (ILO) Job Readiness, English as a Medium of Instruction, Using Educational Technology in the English Language
Classroom at Microsoft’s Digital Literacy. Hinihikayat ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ang mga manggagawa na pakinabangan ang libreng online courses sa kabila ng limitadong paggalaw sanhi ng COVID 19. Bisitahin ang https://www.etesda.gov.ph. PITPIT-ISIP
1 Unan 2 Tenga 3 Apoy PIA Bulletin Online 8