Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 70, December 20 to 26, 2021

Page 1

Price freeze sa hinagupit ni Odette Josephine L. Babaran

BulletLine Issue #70

DEC ULTRALOTTO 6/58

LOTTO RESULT DEC ULTRALOTTO 6/58

21 16-02-18-26-14-58

19 58-28-48-03-08-41

DEC ULTRALOTTO 6/58

24 14-27-16-02-34-45

PITPIT-ISIP

2 Matingkad na puno,

1 Bumili ako ng

3 Matagal kong pinag-

alipin, mataas pa sa akin.

makislap ang bola.

ipunan para gastusan at magbigay-kaligayahan.

PIA-IDPD

Ang Philippine National Police (PNP) at Department of Trade and Industry (DTI) ay mahigpit na magpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette. Nakaalerto ngayon ang mga pulis laban sa mga negosyanteng magsasamantala sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga lugar na nasa “state of calamity”, gaya ng Region IV-B MIMAROPA, Region VI, Region 7, Region VIII, Region X at CARAGA. Sa Republic Act 7581 o Ang Price Act, mananatili ang presyo ng lahat ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nabanggit. Ang mga lalabag sa batas na ito ay maaaring makulong mula isang taon hanggang 10 taon o multang mula limang libong piso hanggang isang milyong piso. interval sa WANT MORE? 6 Pinaikling COVID-19 boosters tulong sa presyo ng 2 Php2-B biktima ng Odette 7 Murang pagkain pang noche buena siniguro masasayang 3 Bakunang ni ‘Odette’, aagapan illegal na 8 P74.3B droga nakumpiska Sapat na bakuna para 4 sa 54 million target ng Administrasyong Duterte Bagong COVID-19 testing 5 rate ng PhilHealth

1 PIA Bulletin Online

DT I

Sama n’yo naman kami sa inyong party para everybody happy. At kapag nakalimutan nyo ang Mask, Iwas at Hugas, aba’y magkakasama tayo ng mas matagal at kami ay mas haping-happy.

Pandem Yaki!


Photo from PNA

Php2-B tulong sa biktima ng Odette Adora Rodriguez PIA-IDPD

Dalawang bilyong piso ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tulong sa mga lugar na hinampas ng bagyong ‘Odette’ sa Visayas at Mindanao. Hahatiin ito sa mga lugar na binagyo upang magamit ng mga nangangailangan at madali silang makabawi. Sinabi ng pangulo na ang malaking bahagi

ng ‘savings’ ng pamahalaan ay nagastos na sa COVID-19 pandemic response kaya ang P2 bilyong pangako ay kailangang likumin. Hiniling nya sa mga apektadong lokal na pamahalaan na bigyan ang gobyerno ng sapat na panahon upang maisaayos ang mga proseso ng paglalabas ng nasabing tulong pinansyal. Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes

Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong 500-piso bill na naglalarawan ng tarsier. Fake news ito. Nilinaw ng BSP na ang 500-piso banknote na may larawan nina Ninoy at Cory Aquino ay sya pa ring tunay na 500-piso bill. Ang kumakalat na pekeng bill ay nasisilip na edited lang at inilagay ang picture ng tarsier.

Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Agna

PIA Bulletin Online 2


Bakunang masasayang ni ‘Odette’, aagapan Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 vaccines dahil sa posibilidad ng wastages sa mga rehiyon na nasalanta ng Bagyong Odette. Maagap naman si Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi sa pag-utos na ibalik agad ang supply ng kuryente sa mga nasirang cold chain facilities at sa mga lugar na apektado ng kawalan ng kuryente.

Photo from The Daily Tribune

3 PIA Bulletin Online


Sapat na bakuna para sa 54 million target Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Mayroon sapat na supply ng bakuna ngayong taon para sa target na 54 million Pilipino para fully vaccinated na sila. Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez na kayang i-sustain ang supply hanggang mid2022. Dagdag pa ni Galvez, kayang suportahan ang mga nangangailangan ng booster shots kahit 10 hanggang 15 million na tao pa. Sa ngayon, 90 million na bakuna pa ang nakaimbak sa warehouses at local government units. Photo from PNA

PIA Bulletin Online 4


Bagong COVID-19 testing rate ng PhilHealth Marites B. Paneda PIA-IDPD

Naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng bagong COVID-19 testing rate packages na kung saan P800 hanggang P2,800 ang plate-based test samantalang P500 hanggang P2,450 naman ang cartridge-based Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test. Ayon sa PhilHealth, ang bagong rates ay base sa revised costing estimates at price cap na itinakda ng Department of Health (DOH) at ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang mga testing benefit na ito ay available sa mga PhilHealth-accredited testing laboratories.

Photo from The Daily Tribune

5 PIA Bulletin Online


Photo from The Daily Tribune

Pinaikling interval sa COVID-19 boosters

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magkakaroon na ng mas maikling interval para sa COVID-19 vaccine boosters. Maaari nang makatanggap ng booster ng COVID-19 vaccine at least 3 months matapos ang second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sputnik vaccine. At least 2 months para naman sa nakatanggap ng Janssen vaccine. Inulit ng DOH na ang booster doses ay hindi pa nirerekomenda sa mga menor na edad 12-17 years old. Alamin kung ano ang pwedeng booster para sa iyo, bisitahin ang www.doh.gov.ph PIA Bulletin Online 6


Murang presyo ng pagkain pang Media Noche siniguro Adora Rodriguez PIA-IDPD

Ang Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Protection Group (CPG) ay nagsiyasat sa mga presyo ng pagkaing pang-Noche Buena at pangunahing kalakal sa mga palengke ng Quezon City. Tiniyak nila na marami ang stocks ng pagkain at sinuring maigi kung sinusunod ng mga nagtitinda ang mga suggested retail price (SRP) na itinakda ng DTI. Napatunayan na tatlong supermarkets sa Quezon City ang sumusunod sa alituntunin ng SRP at mayroong isa na nagbebenta ng mga produktong walang price tag o label kaya ito ay na-isyuhan ng Show Cause Order (SCO). Alamin ang listahan ng SRP ng mga produkto sa www.dti.gov.ph/ konsyumer/e-presyo/ o tumawag sa 1-DTI (1-384) o magreklamo sa consumercare@dti.gov.ph. Photo from The Daily Tribune

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging mapanuri tayo sa mga nahahawakang 1000piso bill. Mayroon kasing kumakalat na pekeng ganito na madali raw mahahalata sa uri ng papel na ginamit. Ayon pa sa BSP, pag-kumparahin ang mga serial number para madaling makita kung magkakatulad halimbawa sa ending na -2507, maalarma na kayo. 7 PIA Bulletin Online


P74.3B illegal na droga

nakumpiska ng Administrasyong Duterte

Photo from The Daily Tribune

Melva Gayta PIA-IDPD

Umabot sa P74.3 billion ang nasamsam na illegal na droga sa ilalim ng Duterte administration, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año. Sa kabuuang halaga na ito, tumitimbang ng 9,755 kilograms ang pinagsamang

PITPIT ISIP

1

Sumbrero

2

kumpiskadong shabu, cocaine, ecstasy at marijuana. Dahil sa malawak at seryosong kampanya laban sa illegal na droga, nakapag-clear ng 23,686 drug-affected barangays sa buong Pilipinas ang administrasyong Duterte. Nakapag-conduct ng 221,657 anti-illegal drug operation at naka-aresto ng 319,229 katao, ang 13,996 dito ay high-value targets.

Christmas Tree

3

Regalo PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.