Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 72, January 10 to 16, 2022

Page 1

BulletLine Issue #72

LOTTO RESULT

JAN ULTRALOTTO 6/58

11 51 - 48 - 20 50 - 32 - 43

JAN ULTRALOTTO 6/58 JAN ULTRALOTTO 6/58

09 46 - 29 - 47 14 53 - 10 - 19 19 - 56 - 02

21 - 42 - 47

PITPIT-ISIP 1

Kung mahiga ay patagilid, kung nakatayo ay patiwarik.

2

Inumin at mapait pumapawi ng sakit.

3

Pulgas, gumagapang sa aso; ahas sa damo; kuto sa tao. Ano naman ang gumagapang sa kabayo? Sagot sa Page 8

Hindi bakunado

Pandem Yaki!

sa bahay lang kayo Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Pinagtibay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ‘stay at home’ order sa mga taong hindi bakunado upang maiwasan ang lubusang pagkalat ng COVID-19. Sa resolusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga hindi pa nababakunahan ay inaatasan na manatili sa kanilang mga tirahan maliban kung bibili ng mga mahahalagang produkto tulad ng pagkain at inumin. Papayagan ding makalabas kung kailangan ang serbisyong medical o magtatrabaho basta may twice a month COVID-19 test na sagot ng ayaw magpabakuna. Imo-monitor ng Mayors at Barangay Chairpersons ang mga indibidwal na hindi pa bakunado sa kanilang jurisdictions. 1 PIA Bulletin Online

WANT MORE?

days dapat mag2 Ilang quarantine? rehistradong self3 Hindi test kit, iimbestigahan Mass testing VS Riskbased testing

5

90 million vaccinated by June

Don’t tell me I didn’t warn you. ‘Pag nagcelebrate kayo ng Pasko na pabaya sa health protocols patuloy tayong magsasama together hanggang Happy New Year. Kami talagang happy ngayong New Year. packages 6 PhilHealth VS COVID-19, palawakin P2.18B SSS ‘Odette’ calamity aid ban, 7 Gun pakisamahan courses 8 10salibreng TESDA


Ilang days dapat mag-quarantine? Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Pinaikli ng Department of Health (DOH) ang protocols sa quarantine at isolation period para sa fully vaccinated COVID-19 patients at ng kanilang close contacts. Sa updated guidelines, ang isolation period sa fully vaccinated na may sintomas ay 7 days na lamang. Sa mga asymptomatic fully vaccinated patient simula nang natanggap nila ang positive test results ay 7 days din ang isolation. 10 days ang isolation period para sa partially vaccinated o hindi bakunado. Sa infected na hindi malubha, 10 days din ang isolation period kahit ano pa ang vaccination status nito. Sa COVID-19 patients na severe o critical cases, 21 days ang isolation period bakunado man o hindi. Ang quarantine period naman sa vaccinated close contact ay 5 days na lang. Samantala, 14 days pa rin ang quarantine period para sa na-expose na may isang turok pa lang o hindi talaga bakunado. PIA Bulletin Online 2


Hindi rehistradong self-test kit, iimbestigahan Adora Rodriguez PIA-IDPD

Iimbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ibinebenta sa online at sa mga tindahan na self-test antigen kits para sa COVID-19. Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, bawal itong ibenta dahil hindi pa rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA). Wala pa ring Suggested Retail Price (SRP) sa self-test kits. Ang mahuhuli na magbebenta ay mananagot at mapaparusahan.

Mass testing VS Risk-based testing Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Sa ngayon ay pinapaboran ng gobyerno ang risk-based COVID-19 testing kaysa sa mass testing dahil kulang ang resources ng Pilipinas. Ang mass testing ay ang libreng COVID-19 test para sa publiko. Ang risk-based testing 3 PIA Bulletin Online

ay nakasentro lamang sa mga na-expose sa COVID19 na may comorbidity at kabilang ang senior citizens. Sa maraming nagkakasakit ngayon at may mga sintomas na nararamdaman, ang riskbased testing ang puwede munang gawin. Muli namang pinaalalahanan ng gobyerno ang publiko na mag-isolate ang mga may sintomas o nahawa na ng COVID-19.


Ang mga bakunado ay higit na nagpapakalat ng COVID-19. Fake news po ‘yan! Lahat ay maaaring mahawa ng virus, bakunado man o hindi. Lahat ay pwedeng makapanghawa kaya kahit bakunado ay dapat mag-mask, mag-physical distancing, maghugas ng kamay at manatili sa well-ventilated areas. May mga pag-aaral din naman na ang mga bakunado ay bawas na ang virus na dala-dala kung sakali. PIA Bulletin Online 4


90 million vaccinated by June Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

The national government aims to fully vaccinate at least 90 million Filipinos by the end of the second quarter this 2022. The National Task Force (NTF) Against COVID-19 stated that they are committed to achieve the country’s vaccination target this year despite the surge of COVID-19 cases and the possible divided attention of some LGUs due to the upcoming national election. NTF chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez assured that the government has enough supply to hit the 90-million target since there are 100 million doses available in the stockpile. 5 PIA Bulletin Online


PhilHealth packages VS COVID-19, palawakin

P2.18B SSS ‘Odette’ calamity aid

Guilberto Contreras PIA-IDPD

Melva Gayta PIA-IDPD

Iminungkahi ng Malacañang sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palawakin ang COVID-19 Home Isolation Benefit Packages (CHIBP) at isama ang libreng RT-PCR testing. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles, itinutulak ng Palasyo ang pagdagdag ng free packages para sa home treatment at ito ay covered pa rin dapat ng PhilHealth. Ang free testing kasi ngayon ng PhilHealth packages ay para lamang sa mga pasyente na symptomatic at naka-confine sa public o private hospital.

Simula sa Enero 14, 2022, maglalabas na ang Social Security System (SSS) ng P2.18 bilyong piso calamity assistance package para sa mga miyembro at pensiyonado na naapektuhan ng Bagyong ‘Odette’. Ito ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at Direct House Repair and Improvement Loan (DHRIL) para sa mga miyembro, samantalang may 3-month advanced pension ang mga pensiyonado sa lugar na nasalanta ng bagyo. Makaka-avail ang mga miyembro at pensiyonado sa deklaradong state of calamity gaya ng mga taga-MIMAROPA, taga-Western Visayas, tagaCentral Visayas, taga-Eastern Visayas, taga-Northern Mindanao at taga-CARAGA. PIA Bulletin Online 6


Gun ban, pakisamahan Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang mga Pilipinong nagmamay-ari ng baril na siguraduhin na ito ay duly-licensed at mayroong gun ban exemption permits para sa 150-day nationwide election gun ban. Sinabi ni Carlos na hangga’t maaari ay limitado lamang sa visual search ang gagawin ng pulis sa bawat checkpoint. Subalit hiniling n’ya rin na kung kailangan ang mas masusing inspeksyon, nawa’y makiisa ang publiko. Magiging mahigpit ang PNP sa pagpapatupad ng gun ban para sa kaayusan at kapayapaan ng nasyunal at lokal na halalan.

7 PIA Bulletin Online


10 libreng courses sa TESDA Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Inaanyayahan ang publiko na mag-apply sa TESDA Online Program (TOP) na may 10 libreng online courses tungkol sa COVID-19 management. Ang courses ay Contact-tracing Free Coursera Course; COVID-19 Awareness; COVID-19 General Duties; COVID-19: How to put on and remove personal protective equipment (PPE); Learning Online during COVID-19; Managing TVET during COVID-19; Standard precautions: Hand hygiene; Teaching Online During COVID-19; Health Effects of Climate Change; and Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace. Hinihikayat din ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ang LGUs at private sectors na mag-avail ng kanilang libreng contact tracing training program (CTTP) at i-hire ang kanilang graduates. Sa mga interesado sa online courses, bisitahin ang https://www.e-tesda.gov.ph/. PITPIT-ISIP

1

Itak

2

Gamot

3

Plantsa PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.