Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 74, January 24 to 30, 2022

Page 1

BulletLine Issue #74

LOTTO RESULT JAN

ULTRALOTTO 6/58

JAN

ULTRALOTTO 6/58

JAN

ULTRALOTTO 6/58

25 11-21-47-53-04-34

23 46-03-39-30-28-18 28 53-05-01-38-37-17

Pa-declare-declare pa kayo ng Alert Level 3, ayan tuloy apektado ang aming mutation. Kakaunti na naman ang mga tao sa labas sa higpit ng mga leader. Ang mga leader talaga killjoy.

Pandem Yaki!

PITPIT-ISIP 1 Binili nila ng labag

sa kagustuhan, ginamit sa akin na ‘di ko na alam.

Digong tuturukan ang mga rebelde

2 Itapon mo kahit

saan, babalik sa pinanggalingan. Ingat ka lang baka mabukulan.

3 Nakakalipad ng

walang pakpak, lumuluha ng walang mata. Sagot sa Page 8

Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na payagan ang programang ‘bakunahan’ sa mga komunidad na kanilang pinapasok. Ayon sa Pangulo, maaaring gamitin ang mga sobrang COVID-19 vaccines para mabakunahan ang mismong mga miyembro ng CPP-NPANDF kahit itinuturing silang teroristang organisasyon. Hinimok din ng Pangulo ang mga rebelde na payagan ang gobyerno na mag-operate sa NPA-infiltrated areas upang matugunan ang COVID-19 pandemic pati na rin ang ibang apektado ng mga kalamidad.

WANT MORE? 3

Vax sites sa train stations

4

Antigen self-test kits, aprubado na ng FDA

7

ATM machines may pekeng bills

2

Bakuna para sa 5-11 years old

6

Phishing scam, iimbestigahan

8

P142-B contract sa PNR Bicol, kasado na

No physical contact sa election campaign

1 PIA Bulletin Online


No physical contact sa election campaign Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Naglabas ang Commission on Elections ng Resolution No. 10732, ang Section 15 ay nagsasaad ng pagbabawal sa meetings, conventions, rallies at miting de avance na ang pagtitipon ay lalabag sa MPHS (minimum public health standards). Ipinagbabawal din ang iba pang aktibidad na may physical contact ng kandidato at ng publiko. Hindi maaaring pumasok sa mga bahay habang nangangampanya ang mga kandidato kahit may pahintulot ang may-ari ng bahay ayon sa Section 14 ng resolution na ito. Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon at perpetual disqualification para kumandidato pang muli. Ang panahon ng kampanya ay magsisimula sa Pebrero 8 para sa national candidates at Marso 25 naman para sa local candidates.

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

PIA Bulletin Online 2


Vax sites sa train stations

Bakuna para sa 5-11 years old

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Melva Gayta PIA-IDPD

Tinukoy na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga istasyon ng tren na gagawan ng mobile COVID-19 vaccination sites. Siniyasat ng DOTr ang MRT-3 stations sa Ayala, Boni, Shaw Boulevard at Araneta-Cubao Station. Dagdag ito sa naunang pilot mobile vaccination 3 PIA Bulletin Online

site sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na inilunsad noong Lunes. Para naman sa mga air passengers, mayroon nang lugar na nireserba sa Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa vaccination site, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sisimulan na sa Pebrero 4 ang pagbabakuna kontra sa COVID-19 sa mga batang edad lima hanggang labing-isa, ayon kay Vaccine Czar and Secretary Carlito Galvez Jr. Pfizer ang vaccines na nasa mababang dose kumpara sa ibinakuna sa mga batang may edad labindalawa hanggang labimpito. Ilalabas ngayong linggo ang guidelines para sa bakunahan na ito. Inihayag ng Department of Health (DOH) na ipalista na ng mga magulang ang kanilang mga anak sa local government units (LGUs) para sa bakunang ito. Tinitiyak ng pamahalaan na ligtas ang gagamiting bakuna.


Antigen self-test kits, aprubado na ng FDA

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng 2 COVID-19 home self-testing antigen kits na gawa ng Abbot Panbio at Labnovation Technologies. Ang ‘Panbio COVID-19 Antigen Self-Test’ ng Abott ay mabibili ng tingi o kaya per box na may 4, 10 o 20 test kits. Samantala, ang ‘SARS-CoV-2 Antigen Rapid Test’ ng Labnovation ay mabibili pero hindi tingi kundi boxes ng 2, 5 o 20 test kits. Pinaalalahanan ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez ang publiko na ang bilhin lamang ay ang FDA-certified self-test kits sa mga pharmacy.

Ang mga nabakunahan laban sa COVID-19 ay hindi pwedeng mag-donate ng dugo. Fake news ‘yan! Sinumang nabakunahan laban sa COVID-19 ay maaaring mag-donate ng dugo anytime basta asymptomatic o 14 days matapos gumaling sa pagkahawa sa COVID-19. PIA Bulletin Online 4


5 PIA Bulletin Online


Phishing scam, iimbestigahan

Adora Rodriguez PIA-IDPD

Dahil lumalaganap ang cybercrime na tinatawag na phishing scam, paiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang krimen na ito upang matukoy kung sino ang mga salarin na bumibiktima ng mga guro. Sa scam na ito, nagpapanggap ang mga suspect na lehitimo ang kanilang transaksyon, paraan para makakuha ng mga sensitibong impormasyon sa mga may online account deposits na layuning makakulimbat sila ng pera ng binibiktima.

Binigyan ng DOJ ang NBI ng 30 days para mag-submit ng progress report ukol sa phishing scam na may mga gurong nabiktima sa kanilang Landbank accounts. Pinaalalahanan ng Landbank of the Philippines (LBP) ang publiko na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon, tulad ng One Time Password (OTP). I-report sa Bank’s Customer Hotline (02) 8-4057000 o 1-800-10-405-7000 o mag-email sa customercare@mail.landbank.com ang mga kahina-hinalang mapapansin ukol sa isyung ito. PIA Bulletin Online 6


ATM machines may pekeng bills

Guilberto Contreras PIA-IDPD

Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na regular na suriin ang mga banknote na inilalabas ng automated teller machine (ATMs) upang malaman kung may mga pekeng banknote na na-withdraw. Kung may duda sa banknote/s na iniluwa ng ATM, ipaalam agad sa bangko o security 7 PIA Bulletin Online

guard na nagmamanman sa ATM. Kung mapatunayan sa imbestigasyon ng bangko ang claim ng nakatanggap ng banknote/s, handa raw ang otoridad ng bangko na palitan ito ng tunay na bill/s. Ang tip ng BSP para masiyasat ang mga banknote ay ‘feel, look and tilt’ approach.


P142-B contract sa PNR Bicol, kasado na Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Nilagdaan na ng Department of Transportation (DOTr) at Chinese contractors ang P142-billion na kontrata upang simulan ang unang bahagi ng 565 kilometers Bicol Railway Project. Sa pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade, ang unang 380 kilometro ng Philippine National Railway (PNR) ay magmumula sa Banlic, Calamba, Laguna hanggang Daraga, Albay. Kapag operational na ay mababawasan ng walong oras ang travel time mula Manila hanggang Bicol. Mula sa kasalukuyang 12 oras ay magiging 4 na oras na lamang. Ang proyektong ito ay magbibigay ng mahigit 5,000 na trabaho kada taon.

PITPIT-ISIP

1

Kabaong/Nitso

2

Yoyo

3

Ulap

PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.