Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 75, January 31 to February 6, 2022

Page 1

Free online courses

BulletLine Issue #75

for health and wellness

Guilberto Contreras PIA-IDPD

Pinaigting ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang online courses at nagdagdag ng health-related trainings bilang suporta sa pamahalaan sa paglaban sa pandemic. Ang TESDA ay nag-aalok ng Barangay Health Services NC II at Contact Tracing Level II sa regular nitong scholarship programs na TESDA Online Program (TOP). Magdaragdag din ng Barangay Infectious Disease Management Services (BIDMS) Level II bago matapos ang first quarter ng 2022. Hinikayat ni TESDA Secretary Isidro Lapeña ang mga interesado na i-avail ang mga libreng kurso.

PITPIT-ISIP May paa, walang

LOTTO RESULT 01 54-36-27-21-03-09 JAN

ULTRALOTTO 6/58

FEB

ULTRALOTTO 6/58

FEB

ULTRALOTTO 6/58

30 22-02-14-30-10-35 04 11-27-01-03-55-32

Pababa na naman ang mga kaso ng COVID-19? Oh, di sige, maglamyerda na naman kayo at kitakits sa mga matataong lugar.

Pandem Yaki! 1 PIA Bulletin Online

1 baywang, may likod, walang tiyan.

WANT MORE?

2 Ano ang halamang hindi

nalalanta kahit natabas na?

3 Paru-paro noong maliit pa, bulate nang tumanda na.

5

24K barangays drug-cleared

2

Pilipinas nagluwag sa border control

6

Ligtas na Ugnayan Online next level na

3

Mga ahensiya ng gobyerno dapat sagutin ang kanilang hotlines

7

Kalahating bilyon ginastos ng ECC

4

Philippines capable of creating vaccines — DOH

8

LRT-1 Cavite Extension matatapos na


Pilipinas nagluwag sa border control Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Niluwagan na ng Pilipinas ang border control at hahayaan ang mga turista na makapasok na sa bansa. Simula February 10, 2022 makakapasok na sa bansa ang mga bakunadong Pilipino. Ang mga nabanggit na byahero ay hindi na required dumaan sa mandatory quarantine. Ang requirement lang sa kanila ay negative RT-PCR test na kinuha sa lob ng 48 oras bago umalis sa bansang pinagmulan. Kailangan din nilang mag-self monitor ng pitong araw pagkapasok sa bansa. Required din silang magreport sa LGU na pupuntahan kapag nakaramdam ng kahit anong sintomas.

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Mga kabataang 5-11, mababago ang DNA dahil sa COVID-19 vaccine, lalo na kung Pfizer. Fake news ‘yan! Hindi totoong binabago ng bakuna ang DNA ng nabakunahan. Gayundin, hindi ito naglalaman ng fetal cells, microchips o animal products. Huwag ding maniwala na ang mga bakuna ay may COVID-19 virus at walang pag-aaral na nagsasabing nakakaapekto ito sa fertility. PIA Bulletin Online 2


Mga ahensiya ng gobyerno dapat sagutin ang kanilang hotlines Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Marami ang nagrereklamong mamamayan sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) tungkol sa mga ahensya ng gobyerno na hindi agarang sinasagot ang kanilang mga nais idulog. Kaya nagpaalala ang ARTA sa mga ahensiya ng gobyerno na tiyaking masasagot kaagad ang tumatawag sa kanilang hotlines. Binigyang diin ni ARTA Secretary Jeremiah Belgica na kapag patuloy silang makatanggap ng reklamo, pananagutin ang mga nagpabaya. Sa ilalim ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, ang pag-set up ng mga hotline ay kasinghalaga ng paglalagay ng Public Assistance and Complaints Desks at itinuturing ito na mahalagang aspeto ng public service lalo na ngayon panahon ng pandemya.

3 PIA Bulletin Online


Philippines capable of creating vaccines — DOH

Jom Garner

The Daily Tribune

The Department of Health (DoH) on Wednesday expressed confidence that the country is capable of producing its own vaccines for future and existing infectious diseases. In a media briefing, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said that the country was able to produce prominent scientists who will work at the proposed Virology and Vaccine Science and Technology Institute (VIP). “We are really capable, our scientists in the Philippines can manufacture vaccines, and also study different organisms which can cause illnesses in the country,” Vergeire added. She noted that the Virology Institute of the Philippines will be complementary to

the DoH with regard to disease prevention, control, and surveillance. “The Virology Institute of the Philippines will focus on studying viruses as well as producing vaccines. We will be the one to effect whatever they will find out, we will base our policies out of it and implement in local governments,” she said. Once established, the official said it will pave the way for the market to be more competitive and will create a change of access for the public to vaccines. According to Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña, different virology projects like plants and animal to human virology will be studied in the Virology and Vaccine Institute of the Philippines, which also includes Covid-19. PIA Bulletin Online 4


24K barangays drug-cleared

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Umabot na sa 24,253 na barangay sa buong bansa ang naideklarang drugcleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula nang ilunsad ng pamahalaang Duterte ang paglaban sa illegal na droga noong 2016. Sa datos ng Real Numbers ang deklaradong mga barangay ay nakabatay sa tala hanggang December 31, 2021. Ang hindi pa nalilinis ay nasa 11,175 barangays. Samantala, P63 bilyong ang halaga ng shabu na nasamsam ng awtoridad mula sa iba’t ibang sindikato ng illegal na droga at P12 bilyon ang halaga ng ibang uri ng mga droga. 5 PIA Bulletin Online


Ligtas na Ugnayan Online next level na Adora Rodriguez PIA-IDPD

“Click, Respect, Connect- CRC next Level: Ligtas na Ugnayan Online” ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ng Safer Internet Day for Children-Philippines (SID-PH). Pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga ahensya ng gobyerno na kasama

sa Inter-Agency Council Against Child Pornography (IACACP) ang pagdiriwang sa Pebrero 8. Makikipag-ugnayan sila sa mga kumpanya ng internet service providers (ISPs) para makatulong sa paglaban sa abusing dinaranas ng maraming kabataan online.

Alam nyo ba na may self-assessment tool para i-check kung mayroon kang Tuberculosis? Bisitahin ang https://assessment.tbfree.ph PIA Bulletin Online 6


Kalahating bilyon ginastos ng ECC Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Inanunsyo ng Employees’ Compensation Commission (ECC) na umabot na sa P541,440,000.00 ang naipamahagi nitong financial assistance sa may kabuuang 27,072 ECC pensioners mula noong June 2021. Ang bawat qualified pensioners ay nakatanggap ng one-time financial assistance na P20,000.00 na idinaan sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS). Ang qualified recipients ng programang ito ay ang mga pensioners na nasa public at private sector na hindi bababa sa isang buwan ang tinamong permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD) o survivorship pension mula Jan 1 hanggang May 31, 2021. 7 PIA Bulletin Online


LRT-1 Cavite Extension matatapos na

Melva Gayta PIA-IDPD

Puspusan na ang construction ng LRT-1 viaduct Cavite Extension. Sinimulan ito noong September 2019. Layunin nito na mapabilis ang travel time mula sa Baclaran at Bacoor, Cavite na sa kasalukuyan ay isang oras at 10 minuto. Magiging dalawamput-limang minuto na lamang ang itatagal ng byahe kapag natapos ang proyekto. Inaasahan din na ang kasalukuyang 500,000 pasahero ay aabot sa 800,000 kada araw. Magsisimula ang viaduct station sa Dr. A. Santos Avenue hanggang sa Redemptorist sa Baclaran, ayon sa Light Rail Manila Corporation.

PITPIT-ISIP

1

Upuan

2

Buhok

3

Sitaw

PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.