BulletLine Issue #76 FEB ULTRALOTTO 6/58 LOTTO RESULT 08 51-20-29-18-36-08 FEB
ULTRALOTTO 6/58
FEB
ULTRALOTTO 6/58
06 34-14-43-17-11-05 11 49-45-03-13-39-57
Command center at mobile app sa motorista Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO) ang Central Command Center (C3) at ang bagong incident reporting app na ‘CitiSend’ upang agarang matugunan ang mga aksidente sa lansangan. Ang mobile app na ito ay direktang linya ng motorista sa LTO na magbibigay ng atensyon sa mga aksidente sa lansangan kabilang na ang iba pang motor vehicle crimes. Ang LTO C3 ay ang operation center para sa surveillance, monitoring at alarm monitoring para sa kaligtasan ng publiko sa mga kalsada.
PITPIT-ISIP 1 Sagot sa Page 8 1 PIA Bulletin Online
WANT MORE? 2
Grade levels sa face-toface classes, dinagdagan
3
Bayanihan, Bakunahan Part III
4
Price cap ng COVID-19 antigen test kits, ibababa
5
Kumuha muli ng VaxCertPH QR code
6
COMELEC, handa na sa eleksyon
7
Sistema kontra cyber threats, pinaigting
Ayan, naglabasan na naman ang mga nag-iibigan. May chocolate at bulaklak pa. Sige, amuy-amuyin ang bulaklak, lantakan ang chocolate para mabilis na naman ang hawaan.
Pandem Yaki!
Palaso n’yang hindi nakamamatay, ang pusong tamaan ay bumibigay.
2
Bumubuka’y walang bibig, ang katawan ay matinik. Pitasin mo’t may iibig.
3
Sunog kung titingnan, matamis kung titikman. Panghandog sa kasintahan.
Grade levels sa face-toface classes, dinagdagan
Editorial Director Benjamin Felipe
Adora Rodriguez PIA-IDPD
Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang private at public schools na magdagdag ng grade level sa ‘progressive expansion ng face-to-face’ (F2F), ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcom Garma. Nais nilang bigyan ng pagkakataon ang iba pang antas para maumpisahan ang face-to-face classes sa school-bahay learning process. Ang idadagdag na grade levels ay dapat na pasado sa regulation ng School Safety Assessment Tool (SSAT). Sa kasalukuyan ay pinapayagan lang sa limited face-to-face classes ang Kindergarten, Grades 1 to 3 at Senior High School.
Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria PIA Bulletin Online 2
Bayanihan, Bakunahan Part III Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Photo from PTV News
May pangatlong round ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ sa February 10-11, 2022. Ang target ng National Vaccination Day na ito ay 6 milyon na indibidwal mula 12 years old pataas. Sinabi ni National Task Force (NTF) Chief Implementer Carlito Galvez na plano nilang magturok ng primary dose sa 2 milyong indibidwal at booster dose sa 4 milyong indibidwal.
Photo from PNA
3 PIA Bulletin Online
Price cap ng COVID-19 antigen test kits, ibababa
Photo from PNA
Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Ibababa ng Department of Health (DOH) ang price cap ng Antigen Testing Services at Antigen Rapid Diagnostic Test Kits simula sa February 20, 2022. Mula sa P900 ay ginawang P660 na lang ang price cap ng antigen testing service. Samantala, mula sa P500 ay ibinaba sa P350 ang price cap ng Antigen Rapid Diagnostic Test Kit. P350 din ang price cap para sa self-administered antigen test kit. PIA Bulletin Online 4
Kumuha muli ng VaxCertPH QR code
Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Hinikayat ng Department of Health (DOH) na kumuha uli ng QR code ang mga naisyuhan ng VaxCertPH bago magFebruary 7, 2022. Hindi na magagamit ang lumang VaxCertPH dahil ang bagong version ay may bagong features.
Makukuha ito sa vaxcert.doh.gov.ph o sa City Hall ng lugar kung saan nabakunahan. Sa mga wala pang VaxCertPH, pwedeng kumuha nito 48 hours pagkatapos ng full vaccination. Kung may tanong, mag-email sa vaxcertsupport@doh.gov.ph o tumawag sa 88-7614-88. 19,174 16,151 14,625 12,817
11,908 11,529 12,100
Alam mo ba na ang Valentine’s Day sa pagitan ng taong 2007 hanggang 2016 ay may pinakamaraming nagpakasal? Ang pinakamarami ring kasal sa huwes sa petsang February 14 ay sa Cavite, Pangasinan at Negros Occidental. Source: Philippine Statistics Authority, 13 February 2018 5 PIA Bulletin Online
12,100
10,092 7,860
2007 2008 2009 2010 2011
2012 2013 2014 2015
2016
COMELEC, handa na sa eleksyon
Photo from COMELEC
Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Tuloy-tuloy ang preparasyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa paparating na halalan. Siniguro ng COMELEC na on-time ang pag-imprenta ng balota para sa Eleksyon 2022. Nakapag-training na rin ang Electoral Boards na magsi-serve sa eleksyon para sa Mayo.
Hindi bakunado, hindi makakaboto. Fake news ‘yan! Nilinaw ng Commission on Elections na walang hahanaping proof of vaccination o Antigen/RT-PCR tests sa mga boboto. PIA Bulletin Online 6
Sistema kontra cyber threats, pinaigting Melva Gayta PIA-IDPD
Inutusan ng Department of Finance (DOF) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang kanilang sistema laban sa hacking at cyber threats. Ayon sa DOF, dapat up-to-date ang online defenses ng mga revenue-generating agencies. Resulta ito ng ilang hacking incident sa mga bangko sa Pilipinas nitong nagdaang buwan.
7 PIA Bulletin Online
Tiniyak ni Finance Undersecretary Antonette Tionko, overseer ng BOC at BIR, na ang cybersecurity ay sakop sa digitalization at modernization programs ng dalawang ahensya.
PITPIT-ISIP
1 Kupido
2 Rosas
3 Tsokolate PIA Bulletin Online 8