Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 80, March 7 to 14, 2022

Page 1

Oil price hike: BulletLine Issue #80

Minimum wage bantayan Sixto Paulo Agato PIA-IDPD

Ini-utos ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pagrepaso sa minimum wage sa buong bansa habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis dulot ng giyera sa Russia kontra Ukraine. Inatasan ni Sec. Bello ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) na magsumite ng kanilang mga rekomendasyon sa Abril bunsod ng natatanggap nilang mga petisyon ukol sa wage increase. Giit ng DOLE chief, hindi maaaring napakababa dahil hindi rin makakatulong sa kabuhayan ng mga manggagawa at kung masyado namang mataas, posibleng may retrenchment.

MAR

06

LOTTO RESULT

MAR

ULTRALOTTO 6/58 44-54-17-11-42-49

ULTRALOTTO 6/58 16-19-29-49-53-11

MAR

ULTRALOTTO 6/58 13-42-49-30-26-27

08 11

PITPIT-ISIP

itali ay patay, 2 Nang Nang kalagan ay

Sagot sa Page 8

nabuhay.

1 Tubig na nagiging

3 Nakasabog na

bato, bato na nagiging tubig at kung sobra nakakasira ng bato.

WANT MORE?

2 3 4

Bakunahan sa klinika COVID-19, suko na ba? 45% survey says ‘gaganda ang buhay nila’ Dagdag fertilizer subsidy, aprubado Physical Graduation rites ngayong taon, pinag-aaralan

1 PIA Bulletin Online

binlid, sa umaga umaalis.

5 7 6 8

Pagbaklas sa political posters, pinatigil Underground train, sisimulan sa Mayo March, Rabies Awareness Month Online sabong, ipapatigil?

Taas-pasahe, piso o P5.00? Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Dininig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport group na taasan ang minimum fare ng Public Utility Jeepneys (PUJ) sa National Capital Region, Central Luzon at CALABARZON dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina. Ang 1-UTAK, PASANG MASDA, ALTODAP at ACTO ay humihingi ng P5.00 na dagdag sa minimum fare,

kaya posibleng mula sa P9.00 ay maging P14.00. Habang walang resulta sa petisyon, may panukala muna ang LTFRB na pisong dagdag sa minimum fare. Samantalang, humihingi naman ang LTOP ng adjustment na P15.00 sa minimum fare, at provisional increase na P3.00. Ang pagbibigay ng provisional adjustment sa minimum fare mula P9.00 hanggang P10.00 ay isinumite na para sa Board Resolution.


Bakunahan sa klinika Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Pinayagan na ng gobyerno ang mga doctor na may klinika na magbakuna na rin sa pinalawak na ‘Bayanihan Bakunahan 4.’ Magkatuwang ang Inter-Agency Task Force Against COVID-19, Philippine Medical Association (PMA) at Philippine College of Occupational Medicine para mapalapit sa publiko at maparami ang pagbabakuna ng

Life is a journey. Lahat ay dumaraan at lumilipas din. Sana may maiwan kaming bakas na maging aral sa sangkatauhan. Ops! Hindi pa naman ito final goodbye, depende pa rin sa inyo if you want to prolong our journey together.

COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Ayon sa National Vaccination Operation Center (NVOC), ang brand ng bakuna na ipapaturok sa mga klinika ay depende sa kapasidad ng kanilang cold chain facility. Ang PMA ay makikipag-ugnayan sa iba’t ibang medical societies para pag-usapan ang logistics sa pagbabakuna ng mga klinika.

COVID-19, suko na ba? Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Walang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa unang linggo ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at 38 pa na lugar sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Mas malawak na ang mobility ng tao sa Alert Level 1 pero nakatutok pa rin ang DOH na sumunod ang lahat sa health protocols. Editorial Director Benjamin Felipe

Illustrator Julius Antaran

Editor-In-Chief Joselito Reyes

Layout Artist Gabriel Villanueva

Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver

Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Staff Writers IDPD

Pandem Yaki!

Art Department CPSD headed by Bradley de Leon PIA Bulletin Online 2


45% survey says ‘gaganda ang buhay nila’ Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Mas maraming Pilipino ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay ngayong taong 2022, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 12-16, 2021. Mula sa 1,440 respondents, 45% ng mga Pilipino ang nagsabi nito. Samantala, 3% naman ang naniniwala na mas maghihirap sila at 42% ang nagsabing walang mababago. Lumalabas na mataas ang positibong pananaw na ganito kahit nagka-pandemic. Photo from PNA

Dagdag fertilizer subsidy, aprubado Melva C. Gayta PIA-IDPD

Inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na pagdagdag ng subsidies sa food security at fuel ng mga magsasaka at mangingisda upang mabawasan ang pahirap na dulot ng giyera ng Russia kontra Ukraine. Itinaas ang fertilizer subsidy sa P24 billion mula sa P12 billion. Ilalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo. 3 PIA Bulletin Online


Physical Graduation rites ngayong taon, pinag-aaralan Safe ang nicotine sa vape.

Fake news ‘yan! Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Maaaring magkaroon ng limited physical End-of-School-Year (EOSY) rites para sa School Year 2021-2022, ayon sa Department of Education (DepEd). Ito naman ay depende sa risk assessment ng mga rehiyon sa bansa.

Kung matutuloy ang physical graduation rites, nagpa-plano na ng guidelines ang Office of the Undersecretary for Curriculum and Instruction (OUCI) para maayos na magawa ang mga aktibidad.

May chemicals ang vape, gaya ng nicotine na nakaka-addict at nagiging ugat ng cancer. Lubos itong mapanganib, lalo na sa kabataan, dahil habang nagva-vape mas hinahanap na ng katawan ang nikotina at mas nagiging habit forming sa utak ang satisfaction na dulot nito. Handang tumulong ang DOH Quitline sa mga magku-quit smoking, tumawag sa 1558 (Toll-free Nationwide).

Photo from valenzuela.gov.ph PIA Bulletin Online 4


Pagbaklas sa political posters, pinatigil Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Pinatigil ng Korte Suprema ang COMELEC sa kanilang ‘Oplan Baklas’ o pagbaklas sa political campaign posters kung ang mga ito ay nasa mga pribadong ari-arian. Ayon sa COMELEC, inirerespeto nila ang Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court ngunit itutuloy pa rin ang baklas operasyon nila sa mga pampublikong lugar na naaayon sa batas. Ang Supreme Court ruling ay inilabas bilang tugon sa petisyong isinampa ng St. Anthony College of Roxas City, Inc. at dalawang self-proclaimed supporters ni Presidential Candidate Leni Robredo. 5 PIA Bulletin Online

Photo from DENR


Photo from build.gov.ph

Underground train, sisimulan sa Mayo Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Magsisimula na sa May 2022 ang underground works para sa unang subway project sa Pilipinas, ayon sa Department of Transportation (DOTr). Sa Mayo ibababa ng tunnel boring machine at sa Agosto naman ang underground works para sa Metro Manila Subway. Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways

Timothy John Batan na nasa 30.55% na ang nagagawa sa subway na sinimulan noong February 2022. Kapag operational na, mababawasan ang travel time mula Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport ng 35 minutes. Sa kasalukuyan, 1 hour and 10 minutes ang byahe. PIA Bulletin Online 6


March, Rabies Awareness Month

Suzzane Bautista PIA-IDPD

Marso ang Rabies Awareness Month na idineklara noong 1999. Ngayong taon ang tema ay ‘Rabiesfree na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino’. Kaya naglunsad ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng iba’t ibang aktibidad para maagapan mabibiktima ng rabies sa Pilipinas. May mass anti-rabies vaccinations, pet consultations and deworming,

spay and castration at film viewings tungkol sa responsible pet ownership. Hinihikayat ng BAI ang pet owners na pabakunahan kontra rabies ang kanilang mga naturang alaga. Layunin ng Rabies Awareness Month na bigyang-kaalaman ang publiko tungkol sa panganib na dulot ng rabies at kung paano ito maiiwasan.

Para ligtas ang personal information, ang bilin ng Philippine Statistics Authority (PSA) huwag iwawala ang PSA transaction slip at huwag ding i-post online. Ang PSA transaction slip ay mahalaga para maipakitang ikaw ang may-ari ng PhilID na ibibigay ng PSA. 7 PIA Bulletin Online


PIA Bulletin Online 8


Online sabong, ipapatigil?

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Kumilos na rin ang Malacañang at inutos sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na mas malalimang imbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon sa Memorandum na inilabas ng Malacañang noong March 8, 2022, anumang resulta sa imbestigasyon 9 PIA Bulletin Online

ng PNP at NBI ay isusumite sa Office of the President (OP) at Department of Justice (DOJ) within 30 days. Sa huling tala ng PNP, 31 ang mga sabungerong nawawala. Handa naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatigil ang lahat ng online sabong kung gugustuhin ni Pangulong Duterte.

Alam nyo ba?

Sa Pilipinas, itinuturing na pambihirang sakit kapag dumapo ito sa isa kada 20,000 na indibidwal. Sa ngayon, mahigit sa 6,000 ang natukoy na pambihirang sakit sa mga Pilipino. Ito ay chronic (tumatagal), progressive (lumalala), degenerative (lumulubha), disabling (nakapipinsala) at life threatening (nakamamatay).

PITPIT-ISIP 1 Asin 2 Trumpo 3 Bituin


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.