Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 81, March 15 to 21, 2022

Page 1

BulletLine Issue #81

LOTTO RESULT March 13, 2022

ULTRALOTTO 6/58

March 15, 2022

ULTRALOTTO 6/58

57-56-03-47-44-02 March 18, 2022

ULTRALOTTO 6/58

Retain fuel excise tax for subsidies 55-46-25-16-50-35

The Department of Finance (DOF) said they have been receiving many proposals to suspend excise tax on petroleum products. DOF Sec. Carlos Dominguez III reiterated that if they suspend fuel excise taxes under Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law), total government revenue will be reduced by 105.9-B in 2022. The expected money to be collected in 2022 is already allocated for the Build Build Build Program and salaries of government employees. Instead of suspending the excise tax on fuel, Dominguez

35-25-32-09-51-02

Suzzane Bautista PIA-IDPD

recommended that the government should provide relief assistance to the most vulnerable sector of society. Since fuel prices are increasing, the government is expecting to collect higher VAT taxes which will be used for relief assistance to public transportation, farmers, and fisherfolks. The targeted beneficiaries of 4Ps will receive an additional P200 per month.

4-day work week na? Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Dahil sa banta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapatupad ng 4-day work week. Mababawasan ng isang araw ang pagbiyahe ng mga empleyado papuntang trabaho kada linggo. Ayon kay NEDA Secretary Karl Chua, magiging sampung oras naman ang pasok sa halip na walong oras lang para mabuo pa rin ang 40 hours sa isang linggo. Ang panukalang ito ay depende pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling tumaas nang husto ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.

WANT MORE?

2 3

Mainit na sa Pinas P6,500 fuel subsidy sa transport

1 PIA Bulletin Online

4 5

Presyo ng kuryente, magtataas na rin Sinovac para sa 6-17 yo PNP Ligtas-Summer

6 7 8

Edukasyon sa mga differently abled pinatibay DND kontra rebolusyon Peace Programs, pinalawak

PITPIT-ISIP 1 Naligo na nga, hindi nabasa.

Sagot sa Page 8

2 Ano ang nakikita sa kalagitnaan ng Marso at Abril?

3 Madalas mo akong kailangan para makaraos ka lang. Kapag nagkalabuan ayaw mo. Gusto mo malinaw lang. Nakakabuhay ako pero pwede rin makapatay.


Mainit na sa Pinas Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang simula ng tag-init sa Pilipinas. Batay sa PAGASA, nagwakas na ang Northeast Monsoon o Amihan noong March 16, 2022 kaya iinit na ang panahon. Inaasahan pa rin ang mga pag-ulan sa buong bansa dulot ng easterlies at localized thunderstorms. Pinaalalahanan ng PAGASA and publiko na mag-ingat sa banta ng heat stress o stroke. Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Joedie Mae Boliver Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Sobra ninyong tinutukan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at tinutukan din ang pagdami ng vaccines. Ngayong tinutukan n’yo ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, muli kaming magpaparami dahil may bago kaming kakampi, ang Omicron Subvariant. ‘Kala n’yo huh!

Pandem Yaki! PIA Bulletin Online 2


P6,500 fuel subsidy sa transport Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Umabot na sa 68,023 ang initial beneficiaries na nabigyan ng P6,500 fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na nagsimula noong March 15, 2022. Idinaan sa Land bank ang pag-credit ng fuel subsidy sa mga jeepney driver na may existing cards under Pantawid Pasada Program (PPP). Ang hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy na lehitimong beneficiary ay ginagawan ng crediting, card production at distribution. Nagbigay ng P2.5 billion na pondo sa fuel subsidy program para sa public utility buses, jeepneys, UV Express, taxi, shuttle service, tourist transport, Transportation Network Vehicle Services (TNVS), tricycles at delivery service. 3 PIA Bulletin Online


Presyo ng kuryente, magtataas na rin

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Magtataas ang presyo ng kuryente sa buwan ng Mayo ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi kahit sinabi niyang sapat naman ang supply ng coal sa Pilipinas. Ang pagtaas ay sanhi ng oil price hike kaya nakaapekto rin sa pagtaas ng presyo ng coal. Binabantayan ng DOE ang posibleng interruption ng supply para matiyak na hindi lumala ang problema.

Sinovac para sa 6-17 yo Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Bubuo ang gobyerno ng guidelines para sa Sinovac vaccines matapos itong bigyan ng emergency use authorization ng Food Drug Administration (FDA) para sa pagbabakuna sa mga batang edad 6 hanggang 17. Nangako ang Health Technology Assessment Council (HTAC) na pagaaralan nila ang Sinovac vaccine sa darating na dalawang linggo. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire aantayin nilang matapos ang pag-aaral at kanilang rekomendasyon bago sila makabuo ng guidelines. Maghahanda na rin ang LGUs kung sakaling gagamitin na ang Sinovac. Ang Sinovac ay magiging kapalit ng ayaw gumamit ng Pfizer vaccine. PIA Bulletin Online 4


PNP Ligtas-Summer Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Muling inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “Ligtas Sumvac 2022” upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong Lenten at summer vacation. Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos inaasahan nila ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista 5 PIA Bulletin Online

sa iba’t ibang tourist spots sa Pilipinas dahil mas lumuwag na ang restrictions. Naglabas ang PNP ng operational guidelines upang mas matiyak ang pagsunod sa minimum public health standards at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Kasama ng mga tourist police ang Department of Tourism (DOT) sa paggawa at pagbigay ng safety tips sa mga turista.


Edukasyon sa mga differently abled pinatibay

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas sa access ng learners with disabilities sa libre, dekalidad at angkop na basic education. Sa Republic Act no. 11650, nakasaad ang pagtatatag ng Inclusive Learning Resource Centers (ILRC) of Learners with Disability, sa lahat ng school district, municipalities at cities. Bawat ILRC ay dapat binubuo ng professionals at experts na tutulong sa paggawa ng curriculum batay sa kanilang assessments at diagnoses

sa estudyante. Kasama dito ang educational psychologists, guidance counselors, developmental pediatricians, physical therapists, occupational therapists, speech and language therapists, speech-language pathologists, reading specialists, specialists for Braille and other augmentative and alternative modes of communication, sign language specialists and interpreters, sign communication or visual specialists at special needs teachers. PIA Bulletin Online 6


DND kontra rebolusyon Sixto Paulo Agato PIA-IDPD

Nananatiling tapat ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa Saligang Batas sa kabila ng ilang sektor na nagpahayag ng panawagan para sa pagtatatag ng isang revolutionary government, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana. Bilang mamamayan ng isang demokratikong bansa, aniya, lahat ng Pilipino ay may karapatan sa kalayaan ng pamamahayag ngunit ito ay dapat gawin ng tama at sa legal na proseso. Ini-utos na ng Kalihim sa lahat ng tauhan ng Sandatahang Lakas na manatiling apolitical at neutral.

PM Sent? PM is the key? Bawal ‘yan! Tandaan na ipinagbabawal ang pagbebenta ng anumang produktong walang price tag, label o marking batay sa Republic Act 7394 sa ilalim ng Article 81 ng Consumer Act. Kung may alam na online stores o sellers na lumalabag sa batas na ito, isumbong sa DTI. Bumisita sa bit.ly/DTI_ComplaintsPage para sa detalye. 7 PIA Bulletin Online


Peace Programs, pinalawak Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Pinalawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang peace programs nito gamit ang 2-track concept sa pagpapatupad ng Executive Order 70 or Act Institutionalizing the Wholeof-Nation approach in attaining inclusive and sustainable peace. Ang unang paraan ay ang tulong sa mga former rebels (FRs) at former violent extremists (FVEs) kabilang ang kanilang mga pamilya. Ilan sa mga ito ay ang Sustainable Livelihood Program, Assistance to Individuals in Crisis Situations,

Psychosocial Interventions at iba pang protective services at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang pangalawang paraan ay ang paghahatid ng social services sa conflict-affected communities, tulad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA), Social Pension, at Supplemental Feeding Program. PITPIT-ISIP

1 Dahon ng gabi

2 ‘R’

3 Tubig

PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.