BulletLine Issue #84
APR
Task Force
05
LOTTO RESULTS
08
ULTRALOTTO 6/58 36-28-29-56-46-34
10
APR
ULTRALOTTO 6/58 55-42-48-20-12-19
APR
ULTRALOTTO 6/58 14-34-48-31-22-04
Kontra
VoteMORE? Buying WANT 2 Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Mabilis na aaksyunan ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamo na may kaugnayan sa vote-buying. Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Prosecution Service at ang Public Attorney’s Office (PAO) na i-priority ang mga reklamo ukol sa isyung ito. Dapat ding tulungan ang mga indibidwal na gustong magsampa ng reklamo. Sa pangunguna rin ng Commission on Elections (COMELEC), nagbuo ang pamahalaan ng inter-agency task force ‘Kontra Bigay’ para pigilin ang vote-buying. Sa magsusumbong, magpadala sa sumbongko@ votesafe.ph 1 PIA Bulletin Online
Balota ng COMELEC, susunugin
na bakasyon, 3 Ligtas hihigpitan Kontra-Omicron variant XE OFWs kasali sa 4 1.7M absentee voting
gun ban, 5 Election pinaigting Agencies vs fake 6 8election news na Pilipino, 7 60M PhilSys registered na Filipina 8 1st Fighter Pilot
Pandem Yaki!
PITPIT-ISIP
Hmmp! Don’t tell me I didn’t warn you. WHO na ang nagsasabi sa inyo, mayroon pa ring surge. Akala nyo lang wala na kami pero nandyan, nandyan, nandyan!!!
Sagot sa Page 8
1
Dambuhalang hayop, dalawa ang buntot.
2
Kutitap kung nag-iisa, maningning kung sama-sama.
3
Koro ng maliliit, iisa ang himig.
Balota ng COMELEC,
Photo Source: PNA
susunugin
Editorial Director Benjamin Felipe
Melva C. Gayta PIA-IDPD
Editor-In-Chief Joselito Reyes
Na-imprenta na ang 67.4M na balota ng mas maaga sa target date na April 25, 2022, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ngunit ipinaliwanag ni Commissioner George Erwin Garcia na 178,990 sa mga naimprenta ay depektibo.
Susunugin ang mga defective na balota sa harap ng media, representatives of political parties, candidates and citizen’s arms official at muling mag-i-imprenta ang National Printing Office kapalit ng susunugin.
Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria
Alam niyo ba na tuwing ika-siyam ng Abril ay ginugunita ng ating bansa ang Araw ng Kagitingan? Ito ay pagkikila sa magigiting na bayani na nakibaka para sa kalayaan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong Abril 9, 1942, mahigit kumulang sa 75,000 na Pilipino at Amerikano ang sundalong sumuko sa mga Hapones sa Bataan pagtapos ng 93 days na labanan. Ang prisoners of war ay puwersahang pinag-martsa ng mahigit 24 kilometers mula Bataan hanggang Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac (ngayong ay Capas National Shrine). Tinawag itong Bataan Death March bilang pag-alala ginawang Capas National Shrine ang Camp O’Donnell. PIA Bulletin Online 2
Ligtas na bakasyon, hihigpitan Suzzane Bautista PIA-IDPD
Naglabas ang Philippine National Police (PNP) ng mga alituntunin para sa Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2022. Pinaalalahanan ang mga bakasyunista na sundin pa rin ang minimum public health standards at peace and order sa tourist destinations. Inaasahan ng PNP na marami ang magbabakasyon ngayon dahil sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa mga probinsya at Semana Santa pa. Asahan din ang regular inspections sa tourist sites at passenger terminals ng PNP.
Kontra-Omicron variant XE Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Health protocols at booster shots pa rin ang mabisang panlaban sa Omicron variant XE ayon sa mga infectious disease experts. Ipagpatuloy rin ang pagsusuot ng face mask. Ang Omicron XE ay ang pinaghalong two Omicron sub-variants na BA.1 and BA.2. Ayon sa World Health Organization, ang variant na ito ay 10% mas nakakahawa kaysa sa BA.2 na dominant variant ngayon. 3 PIA Bulletin Online
1.7M OFWs kasali sa absentee voting Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) sa Overseas Absentee Voting (OAV) para sa 2022 elections. Nasa 1,697,215 Pilipino ang lalahok sa absentee voting na magsisimula sa April 10, 2022. 1,677,631 sa mga ito ay land-based voters habang 19,584 ang sea-based voters. Sinabi ng COMELEC na tapos na ang pag-imprenta ng mga balota para sa Office for Overseas Voting (OFOV) na gagamitin ng overseas Filipinos sa mga embahada. Sa prosesong ito, makakaboto ang OFWs ng manu-mano o Automated Election System (AES). Photo Source: dfa.gov.ph
PIA Bulletin Online 4
Election gun ban, pinaigting Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapatupad ng election gun ban sa pagsisimula ng May 2022 election period. Mayroong 5,000 checkpoints nationwide ngayon para sa monitoring at inspection. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), umabot na sa 2,300 ang mga nahuling lumabag sa election gun ban.
Ipinagbabawal ng COMELEC Resolution No. 10728 ang pagdadala ng baril sa lahat ng pampublikong lugar mula January 9 hanggang June 8, 2022, maliban kung may exemption sa COMELEC. Ang mga lalabag ay maaaring makulong.
Photo Source: PNA 5 PIA Bulletin Online
8 AGENCIES
vs
fake election news Melva C. Gayta PIA-IDPD
Bumuo ang Commission on Elections (COMELEC) ng task force laban sa fake news. Ito ang magmomonitor sa election-related false information online, sabi ni Commissioner George Erwin Garcia. Sa pamumuno ni Comelec Commissioner Aimee P. Ferolino, kasali sa task force ang Department of Justice, Presidential AntiCorruption Commission, Department of the Interior and Local Government, Philippine Information Agency, National Bureau of Investigation, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Maglalabas si Commissioner Ferolino ukol sa operational guidelines ng task force. PIA Bulletin Online 6
Photo Source: panabocity.gov.ph
60M na Pilipino, PhilSys registered na Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Mahigit 60 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng biometrics para sa Philippine Identification System (PhilSys) ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Dahil sa mas maluwag na restriksyon, inaasahan ni PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, National Statistician and Civil Registrar General na
mas maraming Pilipino ang magpaparehistro pa sa PhilSys. Naglabas na ang Malacañang ng executive order na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng gobyerno at private establishments na kilalanin ang Philippine Identification (PhilID) card at PhilSys number sa iba’t ibang mga transaksyon.
Naglabas na ang Office of the President at BSP Monetary Board ng aprubadong bagong banknote na kakalat sa publiko simula sa April 18, 2022. Ang dating 1000-peso bill ng Pilipinas ay gawa sa 80% cotton at 20% abaca. Samantalang ang ipinakikilalang 1000peso bill ngayon ay gawa sa kemikal na galing sa polymer. Layunin nito na maging resistant sa dumi, bacteria at virus. Ito ay pwedeng hugasan at i-sanitize na hindi nasisira kumpara sa kasalukuyan nating perang papel. Isa pa sa layunin ng paglikha ng bagong bill na ito ay para madaling mapigil ang counterfeiting. 7 PIA Bulletin Online
1 Filipina st
r e p t i h lot g i f Photo Source: Philippine Air Force
Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Isang Pilipina ang nagtala ng kasaysayan bilang unang babaeng fighter pilot na nag-qualify sa elite jet fighter pilots. Ayon sa Philippine Air Force (PAF), kuwalipikado si 1st Lt. Jul Laiza Mae B. Camposano-Beran na magpalipad gamit ang SIAI-Marchetti AS-211 light jet combat aircraft. Ito ang karaniwang ginagamit ng air force para sa pag-atake at surveillance mission. Si Camposano-Beran ay nag-Jet Qualification Training at Intro to Fundamentals and Combat Crew Training ng AS-211 bago nakapagpalipad nang solo.
PITPIT-ISIP 1 Elepante 2 Alitaptap 3 Kuliglig PIA Bulletin Online 8