Enerhiya mula sa basura, may tumututol pa
BulletLine Issue #86
LOTTO RESULTS APR
ULTRALOTTO 6/58
APR
ULTRALOTTO 6/58
MAY
ULTRALOTTO 6/58
26 52-18-30-22-49-20 29 49-42-17-20-33-31 01 02-23-06-58-18-21
Melva C. Gayta PIA-IDPD
WANT MORE?
Life For All 2 Long 2nd booster shots sa NCR the Country’s Recovery in 3 Boosting the New Normal with Well-Informed Decisions, Better Policies
4 Regenerative Tourism? na pulis alertado sa eleksyon 5 40K Baril naging rebulto AIDS Candlelight 6 International Memorial, isang pagpupugay 7 Scholarship for BP2 beneficiaries PITPIT-ISIP
Sagot sa Page 8
1 Hinampas na ang pakpak,
bumilis pa ang lipad.
2 Bahay ni Kalbo, walang bintana
at pinto.
3 Paru-paro noong munti, latigo
nang lumaki.
4 Bumaluktot na sa katandaan,
bumubungkal pa ng parang.
1 PIA Bulletin Online
Pinagsisikapan na ng Department of Energy (DOE) ang pagpapatupad sa biomass waste-to-energy (WTE) facilities na lilikha ng power mula sa organic matter at makakapagsupply ng kuryente sa ating national grids. Ang WTE facilities ay magsusunog ng municipal solid waste o mga basura natin mula sa pamayanan para maka-generate ng elektrisidad na magbibigay ng baseload (minimum level of electricity demand required over a period of 24 hours) at makakatulong din sa pagbawas ng municipal solid waste o basura natin. Mababa ang carbon emissions ng WTE facilities kumpara sa coalfired power plants na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ngunit, masidhing nilalabanan na naman ng mga environmental group ang solusyon na ganito sa kakulangan natin sa elektrisidad. Para sa kanila magdudulot ito ng maraming pinsala sa kapaligiran at diumano sa kalusugan ng tao.
Sinabi ng Center for Renewable Energy and Sustainable Technology (CREST) na ang incinerator plants ay nagbubuga ng mas maraming carbon dioxide per megawatt-hour kaysa sa coal or oil plants. Ito ay kung hindi natin sini-segregate at hindi sapat ang pagpapatuyo natin sa susunuging basura. Ito ay mapanganib lalo na sa Asia kung saan karamihan sa mamamayan ay nakakalikha ng waste na mayroong high moisture content kaya hindi ito nasusunog ng lubos. Para maging epektibo ang proseso ng pagsunog sa mga basang basura, ang incinerators ay dapat na lagyan pa ng maraming plastic waste na gawa mula sa petroleum-based product. Dito nga tumututol ang cause-oriented groups na pabor sa kalikasan. Maaaring maging sanhi kasi ng cancer, birth defects at/o pagbubuntis ang makakalanghap ng usok mula sa incinerator sa hilaw na proseso.
Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Ipinagdiwang nitong April 24 hanggang April 30, 2022 ang World Immunization Week na programa ng World Health Organization (WHO). Ang layunin ay itaas ang antas ng kamalayan ng mga tao sa kahalagahan ng bakuna.
“Long Life for All” ang tema ng pagdiriwang ngayong taon at bakuna ang aayuda sa kalusugan at mahabang pamumuhay. Kaya hinihimok ang lahat na pabakunahan ang kabataan laban sa tigdas, rubella at Hepatitis B.
2nd booster shots sa NCR
immunosupressive drugs at mga pasyenteng nakaratay at may taning ang buhay. Kabilang din sa bibigyan ng second booster shots ang senior citizens at Joedie Mae D. Boliver health care workers. PIA-IDPD Inilunsad ang bakunahan na ito sa Nagsimula na ang pangalawang booster Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Tala Hospital, Valenzuela shots sa National Capital Region (NCR) Medical Center at lungsod ng Makati para sa mga immunocompromised na nitong April 25, 2022. nasa edad na 18 pataas. Ang COVID-19 vaccine brands na Pwede ring magpa-second booster gagamitin para sa second booster ang may Human Immunodeficiency ay ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Virus (HIV), active cancer, transplant Sinopharm at Sinovac. surgery, pasyenteng umiinom ng Pandem Yaki!
Oh ha! Mayroon na naman kaming sub-variant. Hindi pa finish ang laban. Nandito pa kami to stay and to infect ang mga makukulit. It’s official, we’re not yet done. He he heh!
Editorial Director Benjamin Felipe
Illustrator Julius Antaran
Editor-In-Chief Joselito Reyes
Layout Artist Gabriel Villanueva
Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato
Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria
Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon
PIA Bulletin Online 2
Boosting the Country’s Recovery in the New Normal with Well-Informed Decisions, Better Policies Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Sa October 2022 gaganapin ang 33rd National Statistics Month at 15th National Convention on Statistics gayunpaman pinaghahandaan na ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayon pa lamang. May temang “Boosting the Country’s Recovery in the New Normal with Well-Informed Decisions, Better Policies” at may layuning magbigay-kaalaman ukol sa kahalagahan ng statistics sa mga Pilipino. Naniniwala ang PSA na sa pamamagitan ng statistics ay makabubuo ng mahusay na policies ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapabilis ang pag-recover ng socioeconomic activities ng Pilipinas.
3 PIA Bulletin Online
Regenerative Tourism?
Photo from PNA
Melva C. Gayta PIA-IDPD
Isinusulong ng Department of Tourism (DOT) ang regenerative tourism. Ito ay sustainable tourism na kung saan ang mga tourist destinations at uri ng paglalakbay ay hindi nakakasira sa kalikasan. Isang halimbawa nito ang ang Masungi Georeserve sa Baras, Rizal na mayroong 60,000 native trees, sumusuporta sa 200 local households at nakapag-rescue ng 2,000 hectares ng lupa laban sa encroachment at illegal activities. Kilala ang lugar na ito na may mga nagsusunog ng puno para gawing uling sa hanapbuhay. Mayroon
ding land trafficking at illegal logging. Mapo-protektahan at mananatili ang conservation sa regenerative tourism na nais gawin ng DOT. Dahil dito, mayroong 313,050 na mga turistang dumating simula noong February 10, 2022 na karamihan ay galing sa United States (US), Canada at South Korea. Bagama’t ito ay malayo sa 8.26-million tourist count noong 2019, masaya pa rin itong ibinalita ni Tourism (DOT) Secretary Bernadette RomuloPuyat dahil magandang simula ito ng pagpapasigla ng turismo na sinira ng pandemya. PIA Bulletin Online 4
40K na pulis alertado sa eleksyon
Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Handang-handa na ang mahigit 40,000 na pulis para magbantay sa national at local na election sa May 9, 2022. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos na naka-latag na ang seguridad sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas at nasa ‘monitoring phase’ na sila sa ground. Nakabantay na rin ang Regional Special Operation Task Group sa mga lugar na posibleng magkaroon ng intense political rivalry at magbunga sa election violence. Sabi pa ni Carlos posibleng madagdagan sa susunod na linggo ang mga ikakalat na pulis upang siguraduhin ang mapayapang election.
Photo from PNP
Baril naging rebulto Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Mga sirang baril ng Philippine National Police (PNP) ginawang bahagi ng bantayog bilang pagkilala sa mga makabagong bayaning pulis. Inilunsad ng PNP noong April 25, 2022 ang “PNP Officer” statue. Ito ay bilang parangal sa mga pulis na gumaganap sa kanilang tungkulin upang bantayan at protektahan ang mga mamamayan. Ang mga baril ay sinalansan para maging pundasyon ng life-size metal sculpture na likha ni Maro “Ram” Mallari Jr., isang Filipino artist, na siya ring lumikha ng larger-thanlife Lapulapu statue na gawa naman mula sa scrap gun parts na nasa National Head Quarters façade. 5 PIA Bulletin Online
Photo from PNP
International AIDS Candlelight Memorial, isang pagpupugay Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Gugunitain ng Department of Health (DOH) ang International AIDS Candlelight Memorial ngayong May 22 na may temang ‘Keeping the light, Honoring our rights, Radiating pride’. Ang paggunita na ito ay may layong himukin ang mga nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIVAIDS) na mag-avail ng free services at treatment. Pagkakataon din ito para gunitain ang mga namayapa sanhi ng komplikasyon dahil nagkaroon ng HIV-AIDS. Nagsimula ang International AIDS Candlelight Memorial noong 1983 at nagpapatuloy hangga’t hindi napupuksa ang HIV-AIDS.
Photo from PNA PIA Bulletin Online 6
Scholarship for BP2 beneficiaries Suzzane Bautista PIA-IDPD
Ang Balik Probinsya, Bangong Pag-Asa (BP2) sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay may karagdagan pang benepisyo. Ang mga nag-avail ay may libreng kurso na maaaring aralin. Maaari silang mag-enroll ng Ships Catering Service National Certificate (NC) III, Cookery NC II, Driving NC II, Massage Therapy NC II, Electronics Products Assembly NC II, Organic Agriculture Production NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, and Shielded Metal Arc Welding NC I. Ayon sa TESDA, available ang mga kurso sa TESDA Technology Institutions (TTIs) o
7 PIA Bulletin Online
Technical Vocational Institutions (TVIs) sa kani-kanilang lugar ngunit hindi lahat ng nabanggit ay available na. Ang libreng edukasyon ay bahagi ng paraan ng pamahalaan para mahikayat ang mga naghihirap sa urban areas na may bagong buhay sa mga probinsya. Para sa karagdagang impormasyon i-click: www.balikprobinsya.nha.gov.ph.
Okra bilang toothpaste. It’s a FACT! Madulas-dulas na ibinalita ng Department of Science and Technology (DOST) na ang katas ng okra ay pwedeng panlinis ng ngipin, bibig at lalamunan. Dahil sa sobrang dagsa ng nabanggit na gulay sa merkado, naisip ng matatalinong siyentipiko sa DOST na i-repurpose ang okra bilang kapalit ng paborito nyong toothpaste.
Inilunsad ng PSA ang PhilSys Check o authentication system para sa PhilID. Matutulungan nito ang mga establisyemento na mapabilis ang authentication process sa bawat transaksyon ng PhilID cardholder. Ang system ay kasalukuyang available sa android smartphone devices at laptop o desktop na may Windows 11 o MacOs High Sierra. Pumunta lamang sa verify.philsys.gov.ph PITPIT-ISIP
1
Shuttlecock
2
Itlog
3
Sitaw
4
Araro PIA Bulletin Online 8