Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 87, May 24 to May 30, 2022

Page 1

BulletLine Issue #87

LOTTO RESULTS MAY ULTRALOTTO 6/58

24

MAY ULTRALOTTO 6/58

27

40-51-50-19-01-32

MAY ULTRALOTTO 6/58

29

Aso at pusa welcome sa MRT-3 20-22-09-54-06-19

09-25-56-40-12-43

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Dagdag-sweldo, aprubado na

Sabi ng pamunuan ng MRT-3 pwede nang mag-joyride ang mga alaga nating aso at pusa sa kanilang vehicles.

Pero one at a time lang si Muning at si Bantay. Eto pa, diet muna sa loob ng vehicle dahil hindi pwedeng tsumitsibog ang dog and cat habang nagpapalamig sa byahe. Pasensya na ang mga pet na spoiled, bawal silang umupo sa passenger seats. Kaya may additional task ang amo na gustong ipasyal ang pets. Magdadala dapat ng enclosed pet carrier na hindi lalampas ang sukat sa 2ft. by 2ft. Para maiwasan din ang biological suffocation, required na may diaper sina Muning at Bantay. Obligado rin mag-fill out ang pet owners ng waiver form na nagsasaad na walang pananagutan ang MRT-3 kung parang magic na maglalaho ang pets o kaya magprimal sila at umangil sa mga pasahero habang nakalabas ang pangil. Pinayuhan ng MRT-3 ang pet lovers na kung i-e-educate ang mga pet about the rehabilitated MRT-3 ay ‘wag naman sa peak hours pa makipila. 1 PIA Bulletin Online

Sa Cagayan Valley, P50-P75 ang daily wage Josephine L. Babaran increase. Sa Mimaropa, PIA-IDPD P35 ang daily wage increase. Aprubado na ng National Sa dalawang rehiyon na Wages and Productivity ito dapat P1,000 monthly Commission (NWPC) ang wage increase ang ibigay mga wage order na isinumite sa mga domestic worker, para sa dagdag-sahod ng (kasambahay, tsuper, National Capital Region hardinero, labandera, (NCR), Western Visayas, yaya etc.). Cagayan Valley, Mimaropa, Sa Soccsksargen ay may Soccsksargen, Ilocos at P32 na daily wage increase. Caraga Region. Sa Ilocos Region ay P60-P90 Sa NCR ay may daily wage ang daily wage increase at increase na P33 simula sa sa Caraga ay P30 ang daily June 4, 2022, ang Western wage increase. Visayas ay may kondisyon. Batay sa batas, kapag Kapag hindi aabot sa sampu aprubado na ng NWPC at ang empleyado, P110 ang 15 days after the publication increase. Kung mahigit sa sa Regional Tripartite Wages sampu ang empleyado, and Productivity Boards P55 ang wage increase. (RTWPBs) ipatutupad na Ang dagdag-sahod sa ang wage increase orders. Western Visayas ay sa July 5, 2022 magsisimula. Follow on Page 2

WANT MORE?

3

Batong Malakas sa Bagong Bukas

PITPIT-ISIP

4 5

Omicron Sub-variant, andito na (Mas malala ba?)

Nuke power sa Pinas?

1 Hinila ko ang buto, lumaki ang ulo.

Walang pakpak, lumilipad. Walang 2 paa, lumalakad. Walang bibig, nangungusap. Baun-baon ay kalatas.

6 7

Campaign materials, huwag ibasura GSIS Condonation program i-e-extend Sagot sa Page 8

3 Maliit na baton lahat kayang matutong. 4 Buhok ni San Juan, pagbagsak sa lupa hindi mabilang.


Oh, ha! Hindi pa tapos ang laban. Ayaw n’yong maniwala kay Pandemyaki at lahat kayo super duper kampante. Introducing Omicron subvariants na mas nakakahawa at kayo pa rin ang kawawa.

Pandem Yaki!

Editorial Director Benjamin Felipe

Illustrator Julius Antaran

Editor-In-Chief Joselito Reyes

Layout Artist Gabriel Villanueva

Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato

Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon

PIA Bulletin Online 2


Batong Malakas sa Bagong Bukas Suzzane Bautista PIA-IDPD

Sa pangunguna ng National Kidney and Transplant Institute, gugunitain sa darating na buwan ng Hunyo ang National Kidney Month. Bubuksan ang isang buwang programa sa June 1, 2022 na may temang “Batong Malakas para sa Panibagong Bukas” na gaganapin sa NKTI Atrium. Nakipag-ugnayan ang NKTI sa Department of Health (DOH), Philippine Information Agency (PIA), Philippine Society of Nephrology (PSN), and Philippine Urological Association (PUA), para sa pagsulong ng pangangalaga at pagpapalakas sa bato ng tao.

Inaanyayahan ng National Kidney Month Committee ang lahat na lumahok sa selebrasyon. Sa iba pang impormasyon, tumawag sa 8-981-0300 loc. 1008 o mag-email sa pio.nkti@gmail.com. Maaari ring bisitahin ang www.facebook.com/nkti.gov.ph o ang www.nkti.gov.ph.

3 PIA Bulletin Online


Omicron Sub-variant, andito na

(Mas malala ba?) Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang Omicron subvariant BA.2.12.1 ay nakapasok na sa ating bansa. Una itong naitala sa National Capital Region (NCR) at Palawan noong May 13, 2022. Ayon sa DOH COVID-19 surveillance system, ang dalawang kasong na-detect sa NCR ay walang international travel history at parehong nakaramdam ng mild symptoms ang mga nagpositibo noong April 22, 2022. Mayroon ding 12 na kaso na na-detect sa Palawan. Ito naman ay galing sa 11 foreign nationals at isang taga-roon. Batay sa unang tala, ang subvariant na ito ay nagpapakita ng mas mataas na transmissibility o pagkahawa at malalang epekto sa immune response. Photo from PNA PIA Bulletin Online 4


Nuke power sa Pinas?

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Umaasa si President Rodrigo Duterte na pag-aaralan ng susunod na administrasyon ang paggamit ng nuclear power bilang alternative energy source ng Pilipinas. Sinabi ni Duterte na may katapusan ang supply ng oil sa bansa, kaya dapat

paghandaan ang transition mula sa oil o fossil fuel patungo sa nuclear energy. Noong February 2022, nilagdaan ni Duterte ang Executive Order No. 164, na magtatatag ng isang nuclear energy program sa Pilipinas. Samantala, ayon kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tinitingnan niya ang posibilidad na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan.

Photo from PTV 5 PIA Bulletin Online


Campaign materials,

huwag ibasura

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Umaapela ang Eco Waste Coalition (EWC) sa mga kumandidato at basurero na huwag itapon ang campaign materials na ginamit sa nakaraang eleksyon. May pagkakataon kasi na ibinabasura ito sa landfills, dagat at sinusunog sa pugon o incinerator. Ipinakita ng EWC kung paano mapapakinabangan ang paper-based materials. Halimbawa ang sample ballots, ginawang notepads at cardboard posters para sa bookmarks, envelopes, folders, name plates at iba pang mga gamit sa paaralan. Ang polyethylene plastic posters naman ay ginawang pambalot sa mga aklat at notebook. Samantalang ang polyvinyl chloride (PVC) plastic tarpaulin na gawa sa mas makapal

na materyales ay maaaring gawing bag, bola, sapatos, apron, letter/tool organizers at waste sorters. Maaari din itong gawing bubong na trapal o gamitin bilang upholstery material, protective shield sa ulan at araw ng mga pampasadang jeep, pedicabs at tricycles. Ang re-using at re-purposing ay hindi isang perpektong solusyon sa problema sa basura, lalo na ang campaign materials na kargado ng nakapipinsalang chemical. Gayon pa man, nakasisiguro tayo na ang mga mungkahing ito ay makatutulong sa pagbabawas ng basura at maiiwasan ang pagtatapon o pagtatambak sa kapaligiran at karagatan. Babala: Ang tarpaulin ay madalas na may poisonous chemicals kaya kung ire-recycle o ire-repurpose, tiyaking hindi ito palagiang nahahawakan ng tao o nalalapit sa mga hayop. Ipinapayo rin ng EWC na iwasan na ang paggamit ng tarpaulin sa anumang campaign/promo announcements. PIA Bulletin Online 6


GSIS

Condonation program i-e-extend

May incentives ang nakararanas ng negatibong epekto ng bakuna kontra COVID-19.

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Pinalawig ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang condonation program para sa mga inactive member hanggang sa June 30, 2022. Layunin ng Program for Restructuring and Repayment of Debts (PRRD) program na mabigyan ng sapat na panahon ang mga dating miyembro na mabayaran ang existing loans o makapagapply ng bagong loan. Sinabi ni GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na sa PRRD ay walang penalties sa mga naiwang loan ng mga wala na sa serbisyo. 7 PIA Bulletin Online

Fake news ‘yan! Sabi ng Department of Health huwag itong paniwalaan. Tiniyak naman daw ng gobyerno na ligtas at epektibo ang mga bakuna na ginamit sa atin. Dumaan ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto mula sa ating bansa at sa iba’t ibang mga eksperto sa mundo.


PITPIT-ISIP

1

Payong

2

Sobre at sulat

3

Palito ng posporo

4

Ulan PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.