BulletLine Issue #88
LOTTO RESULTS JUN ULTRALOTTO 6/58
JUN ULTRALOTTO 6/58
10 19-44-38-33-47-43 JUN ULTRALOTTO 6/58
07 28-26-50-04-05-21 12 05-37-40-48-09-39
Oportunidad na trabaho sa Israel
para sa manggagawang Pilipino
PITPIT-ISIP 1 Salya ng salya
hindi makaarya.
2 Dalawang bolang
itim takot sa dilim. Sagot sa Page 8
WANT MORE?
2
34k schools, handa na sa F2F classes
3
Singil ng PhilHealth, tataas na!
4 5
DepEd programs may dagdag budget mula sa DBM
DSWD assistance nakatulong sa maliit na negosyo Paggamit ng ‘CTTO’ bawal sa batas Laban sa cybersecurity, pinaigting
7 8
BABALA: Mga pampaputi ng balat, pinagbawal
noong 2018. Ito ang unang Pride Month 2022 PIA-IDPD pagkakataon na binubuksan Mabibigyan ng oportunidad ng Israel sa mga dayuhang Pandem Yaki! na makapagtrabaho sa hotel manggagawa ang industriya Oh, ha! He he he! industry ang mga Pilipino ng hotel na siyang kinokontrol Just arrived na sina sa Israel. sa bansa. Omicron BA.4 at BA.5. See you. Humigit kumulang sa 500 Ang mga aplikante ay Filipino hotel workers ang unang direktang makipag-ugnayan sa kukunin ng Israel ayon sa Israeli Department of Migrant Workers Embassy sa Pilipinas. Ito ay (DMW), dating Philippine bahagi ng kasunduan na Overseas Employment nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Administration (POEA), para sa Duterte ng bumisita doon karagdagang impormasyon. Mary Rose delos Santos
1 PIA Bulletin Online
34k schools, handa na sa F2F classes Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Inanusyo ng Department of Education (DepEd) na handa na ang 34,238 schools para sa face to face (F2F) classes. Ito ay kinabibilangan ng 33,000 public schools at 1,174 private schools. Ang pagbabalik face to face classes ng mga nasabing paaralan ay mula sa clearance na ibinigay ng Department of Health (DOH), Local Government Units (LGUs) at consent ng mga magulang. Inaasahan ng DepEd na maipatutupad na ang 100% face to face classes sa next academic school year sa pamamagitan ng iba’t ibang modalities
Photo from PNA
alinsunod sa assessment ng DOH at LGU. Patuloy ring i-mo-monitor ng DepEd Regional at Divisional Offices ang guidelines na ipatutupad sa mga paaralang magsasagawa na ng F2F classes upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
DepEd programs may dagdag budget mula sa DBM Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang budget increase ng Department of Education (DepEd). Madadagdagan ang budget ng mga voucher programs ng DepEd sa ilalim ng Government Assistance and Subsidies (GAS) programs. Kabilang dito ang Senior High School Voucher Program (SHS VP) at Educational Service Contracting (ESC) para sa school year 2023-2024. Ang SHS VP ay magkakaroon ng P38.33 billion budget na kayang makatulong sa 1.3 million voucher program beneficiaries. Samantala, ang ESC naman ay may nakalaan na P11.05 billion budget na maaaring makaabot sa higit 1 million beneficiaries.
Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria
PIA Bulletin Online 2
Singil ng PhilHealth, tataas na! Jastine Angelo F. Don
buwan. Habang sa mga kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 ay P400 Magtataas na ng premium rate ang hanggang P3,200 ang buwanang Philippine Health Insurance (PhilHealth) kontribusyon. ngayong June 2022 alinsunod Sinabi din ng PhilHealth sa Republic Act (RA) 11223 na ang premium rate na o ang Universal Health 4% para sa 2022 ay Care Law. retroactively effective Batay sa PhilHealth, simula noong January mula sa kasalukuyang 2022, bagama’t ang 3% ay magtataas ang bagong contribution rate kanilang collection rate ay magkakabisa lamang ng 4%. ngayong buwan. Magiging P400 na ang Matatandaan na buwanang kontribusyon sinuspinde ng PhilHealth ang ng isang miyembro na hike contributions noong 2021 kumikita ng P10,000 pababa kada dahil sa COVID-19 pandemic. PIA-IDPD
3 PIA Bulletin Online
DSWD assistance
nakatulong sa maliit na negosyo Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Patuloy ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbahagi ng social protection sa mga maliliit na negosyo upang mapagaan ang kanilang buhay dahil sa pandemya. Sa Livelihood Assistance Grant ng DSWD, ang negosyong paglala o weaving ni BaingKong Samad Salik ng Maguindanao ay nakatanggap ng P15,000 na cash assistance para makabangon ang kanilang negosyo. Ginamit ang cash assistance para makabili ng materyales gaya ng sinulid, weaving machine at iba pang kagamitan para mapagpatuloy ang kanilang negosyo. Nitong February, nakakapagbenta na syang muli ng woven products na malong, barong, polo, gowns, at iba pa. PIA Bulletin Online 4
Paggamit ng ‘CTTO’
bawal sa batas
Jastine Angelo F. Don
PIA-IDPD
Nagbabala ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) sa mga social media user, na ang paggamit ng “CTTO” o credits to the owner at “photo not mine” ay isang paglabag sa intellectual property rights (IPR). Iginiit ng IPOPHL na ang paglalagay ng CTTO ay hindi dahilan para basta na lamang i-repost ang mga larawan o likhang sining ng ibang tao. Nararapat daw ay humingi muna ng permiso sa original owner bago ito gamitin. Mandato ng ahensya na protektahan ang creators’ intellectual property rights sa pag-i-issue ng trademark, patent at copyright.
Sinabi ng IPOPHL na ang patent at copyright infringement ay may parusa ng pagkakulong ng isa hanggang siyam na taon at multa na P50,000 hanggang P1.5 million.
Laban sa cybersecurity, pinaigting Suzzane Bautista PIA-IDPD
Nakikipagtulungan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang supervised financial institutions (BSFIs), industry associations at government agencies para masugpo ang problema sa illegal online gambling, moneylaundering, at terrorist-financing activities sa bansa. Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, mayroon na silang mga polisiya na tutulong sa BSFIs na ipatupad ang risk-based approach to cybersecurity management. Pinaalalahanan ng BSP ang mga BSFI na palakasin ang kanilang cybersecurity laban sa ilegal na online activities. 5 PIA Bulletin Online
Photo from PNA
Hinimok din ng BSP ang publiko na i-report kaagad sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kapag mayroon silang nakitang suspected unlawful activities online.
PIA Bulletin Online 6
BABALA:
Mercury sa mga pampaputi ng balat Melva C. Gayta PIA-IDPD
Ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagbabala sa publiko tungkol sa mga produktong pampaputi ng balat na may mataas na mercury content. Ito ay bunsod sa 6.6 sale ng iba’tibang online shopping sites itong buwan ng Hunyo. Ang FDA ay naglabas ng public health warnings ukol sa mga ito noong 2010 upang payuhan ang lahat na bumili lamang ng cosmetic products na may FDA market authorization, FDA License to Operate (LTO), and Product Certificates of Notifications. “Mercury-containing skin lightening products are hazardous to health. Adverse health effects of the inorganic mercury contained in skin lightening creams include: kidney damage, skin rashes, skin discoloration and scarring, reduction in the skin’s resistance to bacterial and fungal infections, anxiety, depression, psychosis and peripheral neuropathy,” ayon sa World Health Organization (WHO).
7 PIA Bulletin Online
2022 Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Ipinagdiriwang taun-taon sa buwan ng Hunyo ang Pride Month bilang pagkilala sa impluwensya at karapatan ng mga LGBT sa buong mundo. Para sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT), ang Pride Month ay isang paraan ng pagprotesta tungkol sa diskriminasyon at karahasan. Itinataguyod nito ang kanilang dignidad, pantay na karapatan, paninindigan sa sarili at isang paraan ng pagpapataas ng kamalayan ng lipunan sa mga isyung kinahaharap nila.
PITPIT-ISIP
1
Duyan
2
Mga mata PIA Bulletin Online 8