Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 89, June 14 to 20, 2022

Page 1

BulletLine Issue #89

LOTTO RESULTS JUN ULTRALOTTO 6/58

JUN ULTRALOTTO 6/58

17 26-06-43-40-12-04 JUN ULTRALOTTO 6/58

Dengue Alert! 14 48-33-10-46-02-53 19 02-14-51-21-26-46

Photo from Cabanatuan City Government

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na paigtingin pa ang pagsunod sa ‘4S’ kontra dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Tumaas ng 23% ang naitalang kaso ng DOH sa dengue mula Enero hanggang Mayo 2022 kumpara sa naitalang kaso sa parehas na panahon noong 2021. Tiniyak ng DOH sa publiko na ang kaso ng dengue sa bansa ay nanatiling manageable pero inabisuhan na ang health facilities na maghanda para sa pagtaas ng admissions lalo na sa mga bata. Ang dengue ay isang viral disease. Naililipat ang virus sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng mga babaeng lamok, pangunahin ang Aedes Aegypti. Laganap ito sa tropical areas katulad ng Pilipinas.

Pandem Yaki!

Mask-free na ba kamo? Nandito pa rin ako naghihintay sa inyo kahit na deadma at tila nakalimutan nyo na ako. Hello!

Sama-sama nating sugpuin ang Dengue sa pamamagitan ng 4S:

Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok:

Hanapin at puksain ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok

Sarili ay protektahan laban sa lamok: Magsuot ng mahabang manggas at pantalon o kaya ay maglagay ng mosquito repellant lotion

Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng Dengue Magpakonsulta agad kung may mga sintomas na nararamdaman

Sumuporta sa “fogging/spraying” kapag may banta ng outbreak

PITPIT-ISIP 1

Walang dila, walang bibig, Maaari mong madinig.

2 Lima para sa isa,

Isa para sa lima.

3 Apoy na iginuhit, Isinulat sa langit. Sagot sa Page 8 1 PIA Bulletin Online

Suportahan ang mga aktibidad kontra dengue ng ating mga lokal na pamahalaan

WANT MORE?

2 3 4

Mobile blood donation ng Red Cross para sa World Blood Donor Day HOPE ng organ donors Fuel subsidy para sa mga tsuper

6

Fare hike, pinagaaralan pa ng LTFRB

7

Thyroid ay alagaan, para iwas sakit at komplikasyon

8

Seguridad sa Pinas palalakasin


Mobile blood donation ng Red Cross para sa

World Blood Donor Day

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Nagsawa ng mobile blood donation ang Philippine Red Cross at Resorts Worlds Manila noong June 14 alinsunod sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day celebration. Ang World Blood Donor Day ay ginaganap tuwing June 14 kada taon. Ang tema ngayong taon ay “Donating blood is an act of solidarity. Join the effort and save lives!”.

Ang pagdiririwang na ito ay nilikha upang: • Itaas ang global awareness para sa ligtas na dugo at produkto nito para sa transfusion; • Bigyang-diin ang kritikal na kontribusyon na boluntaryo, hindi nababayarang mga blood donors sa mga national health systems; Editorial Director Benjamin Felipe

Illustrator Julius Antaran

Editor-In-Chief Joselito Reyes

Layout Artist Gabriel Villanueva

Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon

Production/Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

• Suportahan ang nationa blood transfusion services, blood donor organizations at iba pang nongovernmental organizations a pagpapalakas at pagpapalawak ng kanilang voluntary blood donor programmes sa pamamagitan ng pagpapalakas ng national and local campaigns. PIA Bulletin Online 2


HOPE ng organ donors

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Idinaraos ngayon ang National Kidney Month at muling napagusapan na lalong dumadami ang mga nagkakasakit sa bato at end-stage organ failure. Organ transplant lamang ang pag-asa para dugtungan ang kanilang buhay, ngunit ang kakulangan sa sources ng transplantable organs ang isa sa mga dahilan ng pagkamatay ng mga pasyente. Ang Human Organ Preservation Effort (HOPE) ay itinatag ng National Kidney Transplant Institute noong 1983. Ito ang tagapag-taguyod ng organ and tissue donation, at ang paghahanap ng transplantable 3 PIA Bulletin Online

organs tulad ng kidneys, pancreas, liver, lungs, heart, corneas, bones, heart valves, at skin ng mga pumanaw (deceased) at buhay na organs donors. Hinihikayat ang mga nais tumulong sa adhikain ng HOPE at maging boluntaryo o organ donor. Maaring mag sign-up para sa ORGAN DONOR CARD sa link na ito: https://nkti.gov.ph/images/HOPE/ OrganDonorCard.pdf Para sa karagdagang detalye ay tumawag sa (02) 8924-4673, 0926053-5000 or magpadala ng email sa hope@nkti.gov.ph o log-in sa Facebook: hopenkti


Fuel subsidy para sa mga tsuper Y D I S B SU L E FU

Suzzane Bautista PIA-IDPD

Asahang makakatanggap ng fuel subsidy sa Hulyo ang mga tsuper na nahihirapan ngayon dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive director Maria

Kristina Cassion na target nilang maibigay ang second payout ng fuel subsidy sa mga drivers at operators ng public utility vehicle (PUV) sa Hulyo. Dagdag ni Cassion, hinahanda na nila ang documentary requirements at lahat ng benepisyaryo ay matatanggap ang kanilang subsidiya sa kani-kanilang Land Bank of the Philippines account. PIA Bulletin Online 4


5 PIA Bulletin Online


Photo from PNA

P9.00 minimum

P14.00 minimum

Fare hike,

pinag-aaralan pa ng LTFRB Suzzane Bautista PIA-IDPD

Pinag-aaralan pa ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga transport groups na P5 dagdag sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Sa petisyon ng mga transport groups, hinihiling nilang gawing P14 ang ang minimum na pasahe mula sa P9 dahil wala na umano silang kinikita dahil sa patuloy na pagtaas

ng produktong petrolyo. Sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na kasalukuyan nilang pinaguusapan ang hiling ng mga tsuper at nakatakda silang maglabas ng desisyon ukol dito sa Hunyo 30, bago matapos ang administrasyong Duterte. Matatandaang inaprubahan ng LTFRB ang P1 na dagdag-pasahe sa jeep sa NCR, Region 3, Region 4A at Region 4B. PIA Bulletin Online 6


Thyroid ay alagaan, para iwas sakit at komplikasyon

Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Ang Thyroid Gland (TG) ay ang pinakamalaking endocrine organ ng katawan na may kinalaman sa paglaki at metabolismo. Nakakaapekto ito sa iba’t ibang organ ng ating katawan. Ang kakulangan sa iodine ay isa sa maaaring magdulot ng sakit sa ating thyroid gland. Upang mapanatiling malusog ang thyroid, at maiwasan ang mga sakit

7 PIA Bulletin Online

na dulot ng kakulangan sa iodine, nararapat na gumamit ng Iodized Salt sa pagluluto. Nakukuha lang natin ang iodine sa ating mga kinakain. Ipinagdiriwang kada taon, tuwing buwan ng Mayo ang International Thyroid Awareness Month. Ang tema ngayong taon ay, “Thyroid ay Alagaan upang Sakit at Komplikasyon ay Maiwasan”.


Seguridad sa Pinas PALALAKASIN

Photo from PNA

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Nagkasundo ang International Criminal Police Organization (Interpol) at Bureau of Immigration (BI) sa pagpapalawak ng kanilang satellite offices sa buong bansa para sa mas mahigpit na seguridad. Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Philippine Center for Transnational Crime (PCTC), pumayag ang BI sa pagpapalawak at pagtatayo ng

Interpol Global Communication System (I-24/7) sa lahat ng kanilang tanggapan kasama ang seaports at field offices. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kanilang BI-Interpol lateral coordination ay nagresulta sa pagkakaaresto sa ilang dayuhan at mga pugante na nasasangkot sa transnational criminal activities. Ang Interpol database ay magsisilbing bahagi ng bansa sa advance security vetting para sa mga padating na foreign national. PITPIT-ISIP

1

Radio

2

Kamay o paa

3

Kidlat

PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.