Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 90, June 21 to 27, 2022

Page 1

BulletLine Issue #90

LOTTO RESULTS

JUN ULTRALOTTO 6/58

24 05-55-19-22-11-02

JUN ULTRALOTTO 6/58

JUN ULTRALOTTO 6/58

21 21-12-54-31-43-48 26 53-47-15-30-32-58

Edad 12 hanggang 17, may booster na Suzzane Bautista PIA-IDPD

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na maaari nang makatanggap ng COVID-19 booster shot ang mga immunocompromised na nasa edad 12 hanggang 17. Ito ay matapos maglabas ng emergency use authorization ang Food and Drug Administration (FDA) para sa paggamit ng Pfizer BioNTech vaccines bilang booster doses sa edad 12-17. Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga maaaring makatanggap ng booster shot sa nasabing age group ang mga sumusunod:

Photo from PNA

WANT MORE?

2

4

Metro Manila, Alert Level 1 pa rin sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week

5 6 7

Sagot sa Page 8

1 PIA Bulletin Online

1

Ang hilig ay umikot-ikot, nakakarating sa iba’t ibang sulok.

Mga negosyante, paiigtingin ang climate change mitigation efforts Project MAGHANDA ng DOST

Going up, up, and up!

Maaaring makatanggap ng booster shot ang mga nabanggit 28 days pagkatapos ng kanilang 2nd dose. Inanunsyo naman ni Vergeire na sa mga susunod na linggo ang mga kabataang hindi immunocompromised naman ang mabibigyan ng booster doses.

PITPIT-ISIP

World Day Against Child Labor (WDACL) sa Pilipinas

Pandem Yaki! 2 Araw at gabi akyat panaog

ngunit hindi napapagod.

3 Buksan mo’y magsasara.

Sarhan mo’y magbubukas.


Metro Manila, Alert Level 1 pa rin

sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Hindi pa kinakailangang itaas ang alert level sa Metro Manila kasunod ng tumataas na COVID-19 cases ayon sa isang fellow independent analytics group Octa Research. Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research, ipinapakita ng kanilang projections na ang mga ospital ay mananatili sa

manageable level na may weak surge. Inaasahan nilang tataas ang COVID-19 cases sa July at magiging manageable sa August. Maaaring umabot sa 1000 kada araw ang COVID-19 cases sa katapusan ng June o unang linggo ng July. Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay mananatiling nasa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng June.

Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

PIA Bulletin Online 2


3 PIA Bulletin Online


44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week Melva C. Gayta PIA-IDPD

Ang 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week ay ipagdiriwang sa July 17- July 23 na may temang “Pamahalaan kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, tugon sa Pagpapalakas ng Taong May Kapansanan.”

Taun-taon itong selebrasyon sa pangunguna ng National Council on Disability Affairs (NCDA). Mayroong mga inihandang activities na nakatuon sa empowerment ng persons with disabilities para sa pag-angat ng economic and social status ng sektor. Inaanyayahan ang lahat na magdiwang sa linggong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa ncda. gian@gmail.com at i-follow ang Facebook page ng National Council on Disability Affairs.

PIA Bulletin Online 4


World Day Against Child Labor (WDACL) sa Pilipinas

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Ang World Day Against Child Labor (WDACL) sa Pilipinas na pinangungunahan ng National Council Against Child Labor (NCACL) ay ginugunita tuwing Hunyo kada taon. Ang tema sa taong ito ay “Karapatan at Kalagayan ng Batang Manggagawa: Sagipin, Tugunan, at Protektahan ng Bayan.” Ito ay panawagan para sa sapat at komprehensibong social protection programs and systems na may kritikal na gampanin upang maprotektahan ang bawat bata at mailayo sa child labor. 5 PIA Bulletin Online

Nagkaroon ng national-level activities ngayong taon gaya ng NCACL Logo Making Contest, information dissemination at iba’t ibang forum na inorganisa ng partner agencies. Ito ay para hikayatin ang publiko na makiisa sa adbokasiya na masagip ang mga bata mula sa child labor. Gugunitain naman ang pangwakas na selebrasyon sa June 27. Inaasahan na dadalo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at iba’t ibang miyembro ng NCACL.


Mga negosyante, paiigtingin ang climate change mitigation efforts

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Hinihimok ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga manufacturing companies, food businesses at market vendors na sikapin at apurahin ang kanilang sustainable actions sa paggamit ng nonbiodegradable and single-use plastics for packaging na pangunahing sanhi ng pagdami ng residual at solid waste. Ang paggamit ng maliliit na plastic packaging tulad ng sachets at plastic bottles ay laganap pa rin sa bansa. Pinakikiusapan ang lahat ng

manufacturing firms na gumawa ng recovery project kung saan sila ang mangongolekta at magbuy-back ng mga plastic wastes sa kanilang mga consumers o mamimili na kapalit ang food items tulad ng bigas o delata. Gayundin, hinihiling sa mga food companies na gumamit ng reusable or biodegradable food packaging. Itigil ang paggamit ng plastic utensils, styrofoam material and single-use plastic containers. Ito ang paulit-ulit na pakiusap ng opisyal nuong nakaraang pagdiriwang ng Earth Day. PIA Bulletin Online 6


Project MAGHANDA ng DOST

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Hunyo 20, 2022 ang Project MAGHANDA na nagkakahalaga ng P27.38-million. Ang Project MAGHANDA o Meteorological and Geological Hazard Advisories, Warnings, and Notifications for Decisive Action 7 PIA Bulletin Online

ay may layunin na paigtingin ang information drive tungkol sa natural hazards at makapagbigay ng maayos na responde sa panahon ng disaster. Ayon kay DOST Secretary Fortunato De la Peña, ang Project MAGHANDA ay magtataas ng antas ng kamalayan at kakayahan sa local level sa pagunawa sa mga babala ng frontline agencies tulad ng PAGASA at PHIVOLCS na papakinabangan ng mga mamamayan.


The Literacy Coordinating Council (LCC) and Council Representatives conducted its 2022 Midyear Performance Review held June 21-24, 2022 at the National Educators’ Academy of the Philippines, Malvar Batangas. The LCC council workshop aims to assess the implementation of literacy programs and projects for the 1st and 2nd quarters of 2022 and to strategically prepare for the coming quarters. The Council workshop was participated by represenatives from DILG, NEDA, PNU, PIA, E-Net and the LCC Secretariat team.

PITPIT-ISIP

1

Gulong

2

Hagdan

3

Pinto o bintana PIA Bulletin Online 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.