BulletLine Issue #91
LOTTO RESULTS JUN ULTRALOTTO 6/58
JUL ULTRALOTTO 6/58
01 58-24-13-43-34-05 JUL ULTRALOTTO 6/58
28 55-54-02-58-23-09 03 42-09-25-15-18-58
Fuel subsidy para sa 600K trike drivers
Melva C. Gayta PIA-IDPD
WANT MORE?
2 3 4 5 7 8
Ibinalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Huwebes, July 28, na ang 617,806 qualified tricycle drivers nationwide ay makakatanggap ng fuel cash subsidy mula sa “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers.” Ito ay upang maibsan ang paghihirap nila dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at paghina ng biyahe dahil sa COVID-19 pandemic. Ang pag-di-distribute ay gagawin sa three batches. Ang unang batch ay para sa trike drivers na nakapagbigay 1 PIA Bulletin Online
ng e-wallet account. Ang second batch ay sa paraan na over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines (LBP) branch na pinakamalapit sa kanila. Para naman sa third batch, matatanggap ang fuel subsidy sa onsite payout sa kani-kanilang LGUs. Inimungkahi din sa City and Municipal Mayors na mag set-up ng Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk o Hotline para sa mga katanungan at reklamo ng beneficiaries.
Bakuna laban sa COVID-19 variants, inihahanda Dugo para sa lahat! Health workers, bayani ng kasalukuyang henerasyon Sanitary landfill clustering, solusyon sa basura Nutrition Month 2022 Dagdag benepisyo para sa single parents
PITPIT-ISIP 1 Kalsada ko’y sa
himpapawid, paglipad ko’y sa ibon nahahawig.
2 Ahas na gumagapang sa siyudad, libong tao ang binubuhat.
3 Paroon at parito, kung maghatid ay bulto.
Sagot sa Page 8
Pandem Yaki!
Anyare kay PandemYAKI?
Bakuna laban sa COVID-19 variants, inihahanda Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Inihahanda na ng Pfizer at Moderna ang bakuna para malabanan ang COVID-19 BA.1 Omicron variant. Inaasahan na maihahanda ang bakuna laban sa BA.1 variant sa September ayon sa Moderna. Samantala, nakapagproduce na rin ng maraming BA.1 vaccine ang Pfizer. Dagdag pa rito, nagpoproduce na rin ng bakuna laban sa BA.4 at BA.5 subvariants na inaasahang mailabas sa October o November para sa Moderna habang November naman para sa Pfizer.
Editorial Director Benjamin Felipe Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department CPSD headed by Bradley de Leon Illustrator Julius Antaran Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria PIA Bulletin Online 2
Dugo para sa lahat! Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Kasabay ng pagdiriwang ng National Blood Donors Month, inaasahan ng Department of Health – National Voluntary Blood Services Program (DOHNVBSP) na mas dadami pa ang volunteer blood donors o potential blood donors. Ayon sa DOH, maraming buhay ang maaaring mailigtas sa pagdo-donate ng dugo. Katulad na lamang ng mga pasyente na nagda-dialysis araw-araw at mga pasyenteng bumababa ang hemoglobin at platelets. Maganda rin ang benepisyo nito sa kalusugan ng mga blood donor. Inaasahan na mababa ang risk of heart attack, mapapanatiling malusog ang atay at mapalalakas ang cardiovascular health. Naglunsad naman ng Advocacy Music Video at Tiktok Challenge ang NVBSP upang mas mahikayat pa ang maraming Pilipino na magdonate ng kanilang dugo. Ang July ng bawat taon ay idineklara bilang “Blood Donors Month” ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ayon sa Proclamation No. 1021 na nilagdaan noong Hunyo 9, 1997. 3 PIA Bulletin Online
Photo: PNA
Health workers, bayani ng kasalukuyang henerasyon Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Ang healthcare workers at frontliners ay maituturing na mga bayani ng henerasyong ito dahil sa kanilang sakripisyo at pagsisikap laban sa coronavirus na nakapagligtas ng milyun-milyong buhay.
Binigyang-pugay ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang mga health personnel at volunteers ng Center for Health Development (CHD) at Regional Vaccination Operations Center (RVOC) gayundin ang LGUs frontliners, security sector, at iba’t ibang national government line agencies sa kanilang kontribusyon upang maabot ang makabuluhang bilang sa vaccination program at mabigyang proteksyon ang majority ng populasyon. PIA Bulletin Online 4
Sanitary landfill clustering, solusyon sa basura
Melva C. Gayta PIA-IDPD
Ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasama ang stakeholders ay nagbabalangkas ng Guidelines for the Clustering of Local Government Units (LGUs) for Sanitary Landfill (SLF). Inirekomenda na ang bawat munisipalidad ay may sariling sanitary landfill. Ngunit hindi lahat ng LGUs ay may kapasidad na magpagawa nito dahil sa kakulangan sa budget o walang lugar na angkop sa requirements para sa ganitong pasilidad. Ang iba pang maaaring dahilan ay malapit ang available o inimungkahing lugar sa underground water, hindi maganda ang topography o
rock formation, mahaba ang haul distance, hindi accessible o kapaki-pakinabang ang road conditions, o malapit sa residential areas. Ayon sa EMB at stakeholders, ang long-term solution ay ang pag-cluster ng municipalities at paghahanap ng lugar na angkop sa ang requirements at parameters na inilatag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) para sa isang sanitary landfill (SLF). Ang clustering ay dapat base sa geographical location ng munisipalidad. Importante din na kakayanin ng SLF ang 10-year lifespan na naka-base sa study of projected net residual waste ng clustered LGUs.
Photo: PNA, DENR 5 PIA Bulletin Online
PIA Bulletin Online 6
Nutrition Month 2022
Photo: Kidapawan City Gov
Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC), ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo ang Nutrition Month na may temang, “New normal na nutrisyon, sama-samang gawan ng solusyon!”. Ang tema ngayong taon ay nagsusulong para sa mas pinalakas na mga nutrition intervention at pagkakaisa para sa pagpapabuti ng nutrisyon sa bansa. Ang pagdiriwang ay may panawagan din na bigyang prayoridad at matiyak Para sa iba pang detalye ng 2022 na ang mga programa ng nutrisyon ay Nutrition Month activities, bisitahin ang maging bahagi ng development agenda www.nnc.gov.ph at NNC Facebook page sa bagong administration. https://www.facebook.com/nncofficial. 7 PIA Bulletin Online
Dagdag benepisyo para sa single parents Suzzane Bautista PIA-IDPD
Republic Act (RA) No.11861
Makakatanggap ng dagdag na benepisyo ang single parents. Ito ay dahil naisabatas na ang Republic Act (RA) No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Sa ilalim ng batas, bibigyan ng monthly cash subsidy na P1,000 ang mga solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa. Ang alokasyon ng pondo para sa batas na ito ay magmumula sa mga concerned city o munisipalidad ng gobyerno. Kabilang sa solo parent ang mga asawa o miyembro ng pamilya ng isang overseas Filipino workers (OFWs) na kabilang sa low/semiskilled category at malayo sa Pilipinas sa loob ng 12 buwan. Kasama rin dito ang mga lolo’t lola at miyembro ng pamilya na qualified guardians na mayroon responsibilidad sa bata. Bukod sa leave privileges, mayroon ring seven-day parental leave with pay anuman ang employment status.
PITPIT-ISIP
1
Expanded Solo Parents Welfare Act
Eroplano
2
Tren
3
Bus PIA Bulletin Online 8