BulletLine Issue #92
LOTTO RESULTS JUL ULTRALOTTO 6/58
JUL ULTRALOTTO 6/58
08 14-08-21-18-49-27 JUL ULTRALOTTO 6/58
05 37-45-22-43-04-06 10 14-42-48-22-16-30
Walang fare hike sa MRT-3 Suzzane Bautista PIA-IDPD
WANT MORE?
2
COMELEC, nagpaalala
PAGE
4
• National Disaster Resilience • Dengue cases tumataas!
5
• DSWD Visayas nag-install muli ng mechanized production system
PAGE
PAGE
Sinabi ni Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Engr. Michael Capati na walang nakaambang pagtaas ng pamasahe sa linya ng MRT-3. Ito ay kasunod ng pagtatapos ng free rides sa naturang linya ng tren noong June 30. “Sa ngayon iyong bagong administrasyon hindi pa kami nakakapag-meeting tungkol diyan pero wala kaming nakikitang dahilan para itaas iyan,” sinabi ni Capati. Dagdag ni Capati ay subsidized na ang pamasahe sa MRT-3 at mananatili ito sa P13-P28. Samantala, pinaghahandaan naman ng pamunuan ng MRT-3 ang free ride para sa mga estudyante na ipapatupad simula sa August 22 hanggang November 3.
PITPIT-ISIP 1
Pamalo ni Mang Selo Mula paa hanggang ulo Nailuluto mo rin ito.
1 PIA Bulletin Online
• 10M puno para sa kalikasan
6
PAGE
Suporta sa new normal na nutrisyon
7 Siege of Baler TESDA Online (TOP) 8 Program may mobile PAGE
PAGE
app na
Sagot sa Page 8
2
Mapa-tubig, mapa-lupa Ang dahon ay laging sariwa.
Pandem Yakitoo!
COMELEC, nagpaalala Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Pinapaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang qualified voters na maagang magparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ang voter applicants ay maaaring pumunta sa Office of the Election Officer (OEO) sa kani-kanilang district o city o municipality mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kabilang na ang mga holiday.
Photo from PNA
Ang registration ay tatagal hanggang sa Hulyo 23, 2022, kung saan ang lahat ng uri ng aplikasyon ay dapat gawin in-person. Dagdag pa ng COMELEC na maaari namang mag-apply online ang mga natanggal sa voters list. Gaganapin ang Barangay at SK elections sa darating na Disyembre 5, 2022. Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department Kevin Martin CPSD headed by Bradley de Leon Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria
PIA Bulletin Online 2
3 PIA Bulletin Online
National Disaster Resilience Month Suzzane Bautista PIA-IDPD
Ginugunita tuwing Hulyo ang National Disaster Resilience Month (NDRM). Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 29 s. 2017 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang tema para sa selebrasyon ngayong taon ay “Sambayanang Pilipino, nagkakaisa tungo sa katatagan at maunlad na kinabukasan,” na naglalayong paigtingin ang katatagan ng mga Pilipino mula sa mga panganib at kalamidad. Magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) para sa selebrasyon. Kabilang dito ang logo making contest, webinars, at video contest. Nananawagan ang NDRRMC at OCD sa lahat na makiisa sa mga aktibidad para sa NDRM na naglalayong paigtingin ang katatagan ng sambayanan. Para sa iba pang katanungan tungkol sa mga aktibidad, maaaring mag-email sa ipad@ocd. gov.ph o tumawag sa 8911-5061.
Dengue cases tumataas! Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Nagbabala ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko laban sa nakakabahalang pagtaas ng dengue sa Pilipinas. Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 45,416 kaso ng dengue mula January 1 hanggang June 11, mas mataas ng 45 percent kumpara sa 31,320 kaso na naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon. Pinayuhan ng DOH ang publiko na sundin ang 4S Strategy: Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok, Sarili ay protektahan laban sa lamok, Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue at Sumuporta sa “fogging or spraying “ kapag may banta ng outbreak.
PIA Bulletin Online 4
Siege of Baler Melva C. Gayta PIA-IDPD
Ang Siege of Baler o Pagkubkob ng Baler sa kasaysayan ng Pilipinas ay isang labanan ng Rebolusyong Pilipino at kasabay ang Digmaang EspanyolAmerikano at Digmaang PilipinoAmerikano noong Hulyo 1, 1898 Hunyo 2, 1899. Inipon ni Spanish Captain Enrique de Las Morenas y Fossí ang kanyang mga kawal sa isang simbahan ng Baler, Aurora. Ito ang ginawang kampo ng mahigit 50 sundalong Kastila sa loob ng 11 buwan o 337 araw at patuloy na nakipaglaban sa mga Filipino kahit idineklarang tapos na ang digmaan noong Hunyo 1898. Dahil nawalan ng komunikasyon sa kanilang pamahalaan, hindi batid ni Captain de Las Morenas na nakipagkasundo na ang España sa Amerika upang ilipat ang pamamahala sa Pilipinas.
Photo: National Library of Spain
Marami sa kanila ang nagutom at namatay sa sugat at sakit kaya’t 35 na lamang ang natira sa kanila. Sa pamamagitan lamang ng isang pahayagan na galing sa España, nakumbinsi ang mga sundalong Kastila na tapos na ang digmaan at mapayapa silang sumuko. Ang historic siege of Baler ay tumatanaw sa kabaitan ni Presidente Emilio Aguinaldo noong iniatas niya na ang 35 na sundalong Español na nakaligtas sa pananalakay sa simbahan ng Baler ay ituring na kaibigan at hindi bilanggo ng digmaan o prisoners of war. Ipinagkaloob noong 30 June 1898 ang safe passage para makabalik sila sa España, bilang pagpupugay sa ipinakitang katapatan at katapangan noong digmaan.
Photo: PNA, DENR 5 PIA Bulletin Online
Suporta sa new normal na nutrisyon Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Binigyang-diin ng National Nutrition Council (NNC) sa naganap na kick-off ceremony ng 2022 Nutrition Month ang panawagan para sa sama-samang pagkilos upang mapabuti ang nutrisyon habang bumubuo ng katatagan o resilience tungo sa mas mabuting new normal. Ayon sa NNC, dapat palawakin ang mga multi-sectoral na pakikipag-ugnayan upang maitaas pa ang mga nutrition intervention. Mahalaga din na mapalakas ang leadership at governance sa nutrisyon sa lahat ng antas upang makamit ang nutritional outcomes ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN).
PIA Bulletin Online 6
DSWD Visayas nag-install muli ng mechanized production system Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Visayas Disaster Resource Center (VDRC) ay muling nag-install ng Mechanized Production System (MPS) para mapalawig ang pagbibigay ng family food packs. Inaasahan na makakapag-produce ng 50,000 family food packs sa isang araw na kayang magpakain ng 250,000 na katao sa loob ng tatlong araw. Kasama sa feature ng MPS ay ang rice bagging machines, case erectors, packaging conveyor belts, at iba pa. Katuwang ang United Nations World Food Programme, ang patuloy na pag-
enhance ng MPS ay para mapahusay ang tugon ng gobyeno sa emergency response at mapaigting ang kapasidad ng supply chain.
10M puno para sa kalikasan Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD
Ang Climate Change Commission (CCC) ay nagtatag ng isang multisectoral partnership sa pagitan ng ilang government agencies at private sector na layuning makapagtanim ng 10 milyong puno hanggang sa taong 2030. Kasama ng CCC ang Professional Regulation Commission (PRC), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Society of Filipino Foresters, Inc. - Advocacy (SFFI) sa pagbuo ng Carbon Neutral Program (CNP) Convergence. Isa sa mga inisyatiba ng programa ay ang malawakang forestation activities 7 PIA Bulletin Online
Photo: Climate Change Commission
na naglalayong pataasin ang kapasidad ng carbon sequestration ng mga kagubatan sa Pilipinas. Ang carbon sequestration ay ang proseso ng pagkuha at pag-iimbak ng atmospheric carbon dioxide. Ito ay isang paraan upang mabawasan pa ang mapaminsalang epekto ng pandaigdigang pagbabago ng klima.
TESDA Online Program (TOP) may mobile app na
Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Naglunsad ang TESDA ng TOP mobile application para gawing mas accessible sa mga Pilipino ang kanilang tech-voc training. Ang TOP ay isang web-based platform na nagbibigay ng epektibo at mahusay na paraan para makapaghatid ng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa sariling lugar at oras ng mag-aaral. Ang TESDA Online Program (TOP) Mobile Application ay nagpapahusay sa mobile learning experience ng TOP learners at nagbibigay-daan sa offline na paggamit ng mga kurso nito. Pinalakas din ng TESDA ang TOP sa pagpapakilala ng mga kursong may accessibility features para matulungan ang Persons with Disabilities (PWDs).
Sa TOP Mobile App, ang learners ay maaring mag-download, mag-aral offline at i-sync/ipagpatuloy ang kanilang napag-aralan kapag mayroon silang internet access. Ang enrollees ay bibigyan ng e-Certificate of Completion pagkatapos ng kurso. Samantala, tanging ang mga nag-enrol at nakakumpleto ng mga kurso para sa full qualifications ang maaaring sumailalim sa competency assessment at makatanggap ng National Certificate. Ang TESDA Online Program (TOP) Mobile Application ay maaring ma-download sa smartphones sa pamamagitan ng Google Play at App Store. Maaari pa rin ma-access ang learning platform sa pamamagitan ng TOP website sa https://e-tesda.gov.ph/. PITPIT-ISIP
1
Upo
2
Kangkong PIA Bulletin Online 8