Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 94, July 19 to 25, 2022

Page 1

Bullet L ne Iwas ‘WILD’ 2

LOTTO RESULTS JUL ULTRALOTTO 6/58

19 52-45-25-43-51-29 JUL ULTRALOTTO 6/58

22 13-05-41-03-15-20

PIA

PI A b u l l e t i n o n l i n e

JUL ULTRALOTTO 6/58

24 01-14-20-43-47-11

BulletLine Issue #94 • July 19 - July 25, 2022

WANT MORE?

ngayong tag-ulan

PAGE

PAGE

3

SONA, alam mo ba?

PAGE

4

Leptospirosis, ano ito?

6

Tamang nutrisyon para sa malakas na resistensiya

PAGE

8 9

PAGE

PAGE

10

PAGE

Jastine Angelo F. Don

DOH target makapagbakuna ng 23M booster shots

Pinas 2023: Trans Fat Free! Improved SSS online services Pili Nuts at Queen Pineapple Innovation Centers

payo ng mga eksperto sa kalusugan tulad ng paglilinis Nagbabala ang ng kapaligiran, huwag Pandem Yakitoo! Department of Health mamalagi sa mga mataong (DOH) sa publiko hinggil lugar at palakasin ang sa mga sakit na maaaring katawan sa pamamagitan makuha ngayong simula ng angkop na pahinga at na ng tag-ulan. pagkain ng tama. Batay sa DOH, “WILD” Maigi naman na ang mga sakit na magpakonsulta agad sa maaaring makuha kapag doktor kung makararanas tag-ulan. Ito ang Water- ng mga sintomas katulad borne diseases, Influenza, ng hirap sa paghinga, Leptospirosis at Dengue. pananakit ng katawan Pinaalalahanan ang at pagsusuka. publiko na sundin ang PIA-IDPD

1 PIA Bulletin Online


DOH target

makapagbakuna ng

23M booster shots

Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department Kevin Martin CPSD headed by Bradley de Leon Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

PITPIT-ISIP 1 Baboy

Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Target ng Department of Health (DOH) na makapagbakuna ng 23 million booster shots sa loob ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, pinahahalagahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang unang booster ay talagang magtataas ng kaligtasan sa populasyon. Nais din ng pangulo na gawing mas accessible ang booster shots sa publiko. Nauna nang inihayag ni PBBM na ang kanyang gobyerno ay maglulunsad ng malakihang booster campaign upang

makatulong sa pagpapagaan ng restrictions sa hinaharap at upang mapaghandaan ang buong pagbabalik ng face-toface classes. Samantala, muling iginiit ng dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang kanyang apela sa gobyerno na pahintulutan ang pagbibigay ng second booster dose sa mga empleyado. Sa kasalukuyan tanging mga senior citizen, health workers at immunocompromised na indibidwal lamang ang kwalipikadong makakuha ng kanilang pangalawang booster shots.

kong alaga, balahibo ay pako.

2 Saan man

makarating, makababalik kung saan nanggaling.

3 Kulisap na

lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas.

Sagot sa Page 10

PIA Bulletin Online 2


President Manuel L. Quezon delivered the first ever SONA during a special session before the National Assembly on November 25, 1935. (Photo courtesy of Official Gazette of the Philippines)

SONA,

alam mo ba? Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

President Ferdinand E. Marcos delivering his Second State of the Nation Address in the Legislative Building in Manila on January 23, 1967. (Photo courtesy of the National Library of the Philippines.)

3 PIA Bulletin Online

Ang State of the Nation Address o SONA ay isang obligasyong konstitusyonal na inatas ng Article VII, Section 23 of the 1987 Constitution. Sa kasaysayan ng mga Pangulo sa bansa, si Manuel L. Quezon ang unang nag-SONA noong Nobyembre 25, 1935. Habang walang naganap na SONA noong 1942 hanggang 1944 dahil sa pananakop ng mga Hapon. Si Ferdinand E. Marcos naman ang may pinakamaraming bilang ng SONA na may kabuuang 20. Samantala, dahil hindi nakasaad sa konstitusyon noong panahon ng kanilang panunungkulan, hindi nakapag-SONA sina Emilio Aguinaldo at Jose P. Laurel. Ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay ang ika-84 sa kasaysayan.


Leptospirosis, ano ito?

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Ang leptospirosis ay isang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na naisasalin sa pamamagitan ng ihi ng hayop gaya ng daga, baboy, aso, baka, o kabayo na nahawahan ng sakit na ito. Karaniwang sakit ito ngayong tagulan na nakukuha sa paglusong sa baha na kontaminado ng ihi na maaaring pumasok sa sugat o gasgas, mata, ilong o bibig ng tao. Ang sintomas ng leptospirosis ay lagnat, panginginig, sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, pagpapantal ng balat, pagtatae, pamumula ng mga mata at paninilaw ng balat. Inaabisuhan ng Department of Health ang mga taong may sugat, lumusong sa baha o pinaghihinalaang may leptospirosis na agad kumonsulta sa doktor at inumin lamang ang mga antibiotic na ini-reseta.

Narito ang ilang paraan para maiwasan ang leptospirosis: Panatilihing malinis ang kapaligiran at magtatapon ng basura upang mawala ang pinamamahayan ng mga daga; Gumamit ng mouse trap o ibang pest control measures; Iwasan ang paglusong o paglangoy sa tubig-baha; Mag-suot ng bota kung hindi maiiwasang lumusong sa baha; Maghugas ng paa kung lumusong sa baha.

Kung hindi agad na magamot ang leptospirosis ay maaari itong magdulot ng malalang komplikasyon gaya ng liver or kidney failure, paninilaw ng balat, pagkasira ng iba pang mahahalagang organ sa katawan o kamatayan. PIA Bulletin Online 4


5 PIA Bulletin Online


TAMANG NUTRISYON

para sa malakas na resistensiya Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Ang National Nutrition Council (NNC) ay nagbigay paalala sa mga dapat ugaliin ngayong panahon ng new normal upang magkaroon ng tamang nutrisyon ang bawat pamilya. Narito ang mga paraan upang makamit ang malakas na resistensya: Kumain ng wasto at naaayon sa Pinggang Pinoy; Kumain ng madahong gulay at pagkaing mataas sa B vitamins; Maging aktibo at regular na mag-ehersisyo; Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak; Uminom ng 8-10 baso ng tubig sa isang araw at iwasan ang matatamis na inumin.

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo ang Nutrition Month, na may layuning lumikha ng mataas na kamalayan sa mga Pilipino ukol sa kahalagahan ng nutrisyon. Ang tema ngayong taon ay, “New normal na nutrisyon, samasamang gawan ng solusyon”. #2022NutritionMonth #NutrisyongSapatParaSaLahat #NewNormalNaNutrisyon PIA Bulletin Online 6


7 PIA Bulletin Online


Pinas 2023: Trans Fat Free! Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Ang Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at National Nutrition Council (NNC) ay nagpaalala sa food companies na alisin ang mga industriallyproduced Trans Fatty Acids (iTFA) sa kanilang mga produkto hanggang July 18, 2023, alinsunod sa DOH Administrative Order 2021-0039 at FDA Circular 2021-028. Ayon sa DOH, ang Trans Fatty Acids (TFA) ay isang nakalalason na taba at nagpapataas ng panganib na magkaroon ng comorbidities at

Cardio Vascular Diseases (CVDs). Inaasahan na pagkatapos ng deadline, ang mga pre-packaged at processed food na may iTFA ay ipagbabawal na ring ibenta sa merkado. Ilan sa mga pagkaing kailangan i-reformulate ay ang margarine at instant coffee. Kaisa ng DOH, FDA at NNC ang World Health Organization (WHO) Philippines, Nutritionist-Dietitians Association of the Philippines (NDAP), at ImagineLaw sa pagtaguyod ng Pinas 2023: Trans Fat Free.

Photo from ImagineLaw PIA Bulletin Online 8


Improved SSS online services

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Karamihan sa mga serbisyo ng Social Security Service (SSS) ay na-a-access na ng publiko online. Ayon kay SSS President Michael Regino, 82.7 percent ng mga transaksyon na na-receive ng SSS noong 2021 ay ginawa gamit ang SSS online channels.

9 PIA Bulletin Online

Kabilang sa online channels ay ang my.SSS portal, SSS mobile app, textSSS, uSSSap tayo portal, at Self-service Express Terminal. Dagdag pa nito, ang my.SSS portal ay ang main online channel ng ahensiya kung saan mayroong 30 member services at higit 20 employer services. Kasama dito ang transaksyon sa membership, contributions, loan granting and repayments, benefit disbursements at iba pa. Patuloy na pinagbubuti ng SSS ang kanilang online services gaya ng pagiging accessible na rin nito sa mga mobile app para sa smartphone users. Unti-unting nagpapatupad ng mandatory online transactions ang SSS para sa kanilang mga programa at serbisyo sa publiko.


Pili Nuts at Queen Pineapple Innovation Centers

Suzzane Bautista PIA-IDPD

Mayroon ng innovation centers ang pili nuts at queen pineapple ng Bicol. Ito ay matapos mabigyan ng Department of Science and Technology (DOST) ng suporta ang dalawang produkto sa ilalim ng kanilang Science for Change Program (S4CP). Ito ay parte ng pagpapalakas ng innovation capacity ng iba’t ibang probinsya sa pamamagitan ng Niche Centers in the Regions (NICER) for Research and Development (R&D). Naglaan ang DOST ng P73 milyon para sa

PITPIT-ISIP

1

Langka

2

Kalapati

paggawa ng innovation centers. Ang Camarines Norte State College (CNSC) ang magsisilbing R&D Center ng queen pineapple habang ang Bicol UniversityCollege of Agriculture (BUCAF) naman para sa Pili R&D Center. Ayon kay S4CP head Ma. Anya Yasmin, ang layunin ng proyekto ay para mapataas ang antas ng productivity at income ng mga magsasaka sa Bicol.

3

Gamu-gamo

PIA Bulletin Online 10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.