Photo: IMO 2022
BulletLine Issue #94 • July 19 - July 25, 2022
L ne PIA
PIA b ulletin
onlin e
PINOY, TAGUMPAY sa 63rd International Mathematics Olympiad
Suzzane Bautista PIA-IDPD
Tagumpay ang anim na Pilipinong estudyante sa 63rd International Mathematics Olympiad (IMO). Ayon sa Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI), nasungkit nina Mohammad Nur Casib ng Philippine Science High School-Central Mindanao at Raphael Dylan Dalida ng the Philippine Science High School (PSHS)-Main Campus ang bronze medal. Samantala, nakatanggap naman ng honorable
mention sina Sarji Elijah Bona ng De La Salle University-Senior High School (DLSU-SHS), Filbert Ephraim Wu ng Victory Christian International School (VCIS), Rickson Caleb Tan ng MGC New Life Christian Academy (MGC), at Enrico Rolando Martinez PSHS-main campus. Sa 104 na bansang lumahok sa kompetisyon, naabot ng Pilipinas nag ika-55 na ranggo. Ang IMO ay ginanap mula July 6-16, 2022 sa Oslo, Norway.
PITPIT-ISIP 1
Pagkaing masustansya, sa amoy maraming dumidistansya.
1 PIA Bulletin Online
Sagot sa Page 12
2
Pinanggalingan ay nagiging bahay, bunga ay ikinakabuhay.
WANT MORE? 4
P. Second COVID-19 booster rollout, pinalawak
5
P. 2022 White Cane Safety Day Celebration
6
P. ‘PinasLakas’ vaccination
7
P. Genome Program, suportado!
LOTTO RESULTS JUL ULTRALOTTO 6/58
26 35-28-24-55-25-02 JUL ULTRALOTTO 6/58
29 53-10-40-45-27-37 JUL ULTRALOTTO 6/58
31 09-20-46-03-18-33
8
P. One Repatriation Command Center
9
P.
Vape’ pa more
10
P. Kaso ng COVID-19 sa bansa patuloy na tumataas, nationwide positivity rate pumalo sa 16.4%
11
P. PBBM, dadagdagan ang specialty hospitals at serbisyong pangkalusugan
Pandem Yakitoo!
PIA Bulletin Online 2
3 PIA Bulletin Online
Second COVID-19 booster rollout,
Photo:PNA
pinalawak Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Maaari na ring makatanggap ng second booster shots ang mga 50 years old pataas at mga may comorbidities na 18 to 49 years old. Ayon sa DOH, ang hakbang na ito ay inirekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC). Tanging ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines lamang ang naaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) bilang second booster
shots para sa aprubadong pangkat ng populasyon. Ang second booster dose ay dapat ibigay nang hindi bababa sa apat na buwan pagkatapos ng first booster. Bago ang hakbang na ito, ang second booster shot ay limitado lamang sa mga healthcare worker, senior citizen at immunocompromised individuals na may particular na medical condition.
Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department Kevin Martin CPSD headed by Bradley de Leon Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria
PIA Bulletin Online 4
2022
White Cane Safety Day Celebration Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Ipinagdiriwang ngayong August 1 ang White Cane Safety Day na may temang, “Puting baston, gabay at kaagapay sa isang ingklusibong komunidad”. Layunin ng pagdiriwang na maipakilala ang puting baston bilang simbolo ng tulong at tungkulin ng mga indibidwal na pangalagaan at bigyan ng paggalang ang mga person with visual impairment.
5 PIA Bulletin Online
Katuwang ng Department of Education- Bureau of Learning Development (DepEd-BLD) ang Philippine Information Agency (PIA), National Council on Disability Affairs (NCDA), Pacific Vision, Bookshare, Resources for the Blind, Philippine Blind Union and Visually Impaired Fashion and Lifestyle (VIFAL). Nakasaad sa Republic Act# 6759 o ang White Cane Act, ang pagtataguyod at pagprotekta sa pisikal, moral at panlipunang kagalingan ng lahat ng mga taong may kapansanan, tulad ng mga person with visual impairment.
‘PinasLakas’ vaccination Mary Rose delos Santos PIA-IDPD
Ang ‘PinasLakas’ ay isang pambansang vaccination drive ng kasalukuyang administrasyon upang paigtingin ang COVID-19 booster shots para sa mga kwalipikadong populasyon na nagbibigay ng karagdagang depensa laban sa virus. Ito ay inilunsad noong July 26,2022 sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa regional centers ng buong bansa kasama ang DOH Centers for Health Development (CHDs). Sa pakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs), ang launch sites ng ‘PinasLakas’ ay kinabibilangan ng mga paaralan, mall, plaza at mga lugar ng pagsamba kung saan maaaring mag-walk-in ang mga tao upang makuha ang kanilang kinakailangang COVID-19 booster shots. Layunin ng kampanyang ito na bigyan ng booster shots ang 23.8 milyong indibidwal at 90% target population ng senior citizen. The awards are given to acknowledge the outstanding participation of government agencies, regional offices, private sector, youth organizations, and local government units in the National Statistics Month (NSM) celebration and to further encourage them to be more active in their involvement in the observance of future NSM celebrations. For nomination forms and further details (e.g., mechanics and criteria), on the 32nd NSM Awards, please visit https://psa.gov.ph/ node/167556 PIA Bulletin Online 6
Genome Program,
suportado! Jastine Angelo F. Don
Photo:DOST-PCHRD
PIA-IDPD
Suportado ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) ang pagpapatayo ng pasilidad para sa Filipino Genomes Research Program (FGRP). Layunin ng FGRP na i-represent ang mga Pilipino sa pananaliksik ng genomics, bumuo ng DNA biobank at databank, magkaroon ng lokal na kapasidad at human resources sa genomics research at palakasin ang pagpapahalaga ng stakeholder sa mga konsepto at pamamaraan ng genomic.
Ito ang mga proyekto sa ilalim ng FGRP: Project 1: Filipino Forensic Genomics (Phase I) Project 2: Filipino Genomes: History, Evolution, Origins, and Applications (Phase I) Project 3: Filipino Genome Regions to Help Resolve Child Sexual Abuse Cases Inaasahan ng DOST-PCHRD na ang mga proyektong ito ay magreresulta sa mas matagumpay na health interventions para sa mga Pilipino.
7 PIA Bulletin Online
Photo:DOST
One Repatriation Command Center
Josephine L. Babaran PIA-IDPD
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ang pagtatayo ng One Repatriation Command Center (ORCC) para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Sa ilalim ng ORCC, isang social media platform at hotline ang bubuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ng agarang tulong sa mga Pilipinong nasa ibang bansa sa panahon ng life-threatening situations, krisis at pang-aabuso.
Ang ORCC ang magsisilbing proteksyon ng mga OFW at kani-kanilang pamilya habang sila ay nasa ibang bansa. Inatasan din ng Pangulo ang bagong tayong DMW at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magtulungan upang matiyak na lahat ng diplomatic posts ay makakatulong sa re-deployment ng mga OFW na nawalan ng trabaho sa mga nakaraang taon.
PIA Bulletin Online 8
a p ’ e p Va e r mo
Melva C. Gayta PIA-IDPD
Patuloy na palalaganapin ang information and education drive para sa parents, teachers, and health workers na siyang nagsisilbing mga gabay ng mga kabataan tungkol sa masamang epekto sa kalusugan ng vape o e-cigarettes at iba pang mga tobacco products, ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire. May nakapipinsalang mga chemical ang devices na ito tulad ng nicotine, ultra-fine particles, carcinogens, heavy metals, and volatile organic compounds. Ang high levels of addictive nicotine ay maaaring magresulta sa acute (malubha) or even fatal (nakamamatay) na poisoning o pagkalason dahil sa ingestion (paglunok) 9 PIA Bulletin Online
at ibang pamamaraan, ayon sa DOH. Hindi lamang ang e-cigarette aerosol na nahihinga ng mga gumagamit nito ang delikado sa kalusugan, kundi pati ang usok na mayroong second-hand aerosols (SHA) at iba pang nakakapinsalang sangkap na nalalanghap ng mga bystander. Dahil sa flavored variants at ang nakakatuwang pagkakabuo o disenyo ng produktong ito, maraming kabataan ang na-eengganyong tumangkilik nito. Dagdag din dito ay ang misconception na ang electronic cigarettes o vapes ay mas ligtas kumpara sa regular o nakasanayang sigarilyo.
Kaso ng COVID-19 sa bansa patuloy na tumataas,
Camille N. Serrano PIA-IDPD
nationwide positivity rate pumalo sa 16.4% Ayon sa datos ng DOH, 4,159 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala para sa Hulyo 31 kung saan 8 ang bagong bilang ng nasawi habang 4,038 naman ang gumaling. Sa kasalukuyan ay nasa 33,622 aktibong kaso na ng COVID-19 sa bansa. Sinabi Dr. Guido David, OCTA Research Group Fellow sa kanyang official Twitter account, na nasa 16.4% na ang positivity rate nationwide habang nasa 3,800 bagong kaso ang inaasahan para sa unang araw ng Agosto. Ang NCR pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa buong bansa na umabot sa 1,302, mas mababa kumpara sa 1,399 na kaso na naitala noong Hulyo 30. Ito ay sinundan ng dalawang probinsya sa Calabarzon: Cavite (316 bagong kaso), Laguna (307), at Cebu (209). Samantala, ang Lungsod Quezon ay nakapagtala ng 277 na bagong kaso, pinakamataas sa lahat ng HUCs at ICCs na sinundan ng Manila (170), Makati (151), at Cebu City (131).
This award aims to recognize the significant role and contribution of media in promoting and popularizing official statistical information by way of featuring data/ statistics and other products and services from the Philippine Statistical System in television, radio, print, and online news service. For nomination forms and further details, e.g., mechanics, criteria, etc., please visit https://tinyurl. com/11thNSM-Media-Awards. PIA Bulletin Online 10
PBBM, DADAGDAGAN ANG
SPECIALTY HOSPITALS AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD
Ayon kay President Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM), kailangang dagdagan ang specialty hospitals gaya ng Kidney Center, Heart Center, Lung Center at Children’s Hospital dahil nakita natin kung paano ito nakatulong sa publiko. Dagdag pa ni PBBM, hindi lang dapat nasa National Capital Region ang mga hospital na ito kundi maging sa ibang parte ng bansa. Layunin nito na mailapit ang healthcare system sa taumbayan na hindi na kailangang pumunta sa sentrong bahagi ng Pilipinas. Para sa iba pang serbisyong pangkalusugan, maglalagay din ng clinic at rural health units na pupuntahan ng mga doctor, nurse, midwife at iba pang healthcare workers para hindi na kailangan magbiyahe nang malayo ng mga pasyente upang magpagamot.
11 PIA Bulletin Online
PITPIT-ISIP
1
Durian
2
Niyog
PIA Bulletin Online 12