Bullet.Line (PIA Bulletin Online) Issue No. 96, August 2 to 8, 2022

Page 1

BulletLine Issue #96 • Aug 1 - Aug 8, 2022

Bullet L ne

08 - 02 - 2022

ULTRALOTTO 6/58

23-48-53-06-50-07

PIA

08 - 05 - 2022

08 - 07 - 2022

ULTRALOTTO 6/58

ULTRALOTTO 6/58

04-46-58-20-34-28 52-25-19-14-54-34

PIA bulletin online

Targeted Cash Transfer, aprubado ng DBM Lyndon Plantilla PIA-IDPD

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) ang tulong ng kagawaran sa Targeted Cash Transfer (TCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maibsan ang epekto ng inflation sa kanilang mga mararalitang benepisyaryo. “Sila iyong mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng gasolina at iba pang bilihin. We want them to know and feel that their government is here for them. We are ready to help them (nais naming malaman at maramdaman nila na naririto ang pamahalaan para sa kanila),” ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman. Kamakailan inaprubahan ng kalihim ng DBM ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalagang Php 4,133,932,538 para sa ikalawang bugso (second tranche) ng TCT ng DSWD. Nauna na rito, may naipalabas nang Php 6.20 bilyon sa DSWD para

WANT MORE?

P.

process 2 Paperless para sa mga OFW

P.

P.

3

P.

Bill para protektahan ang kabataan laban sa sexual abuse at exploitation, batas na

Infectious 4 DOH: diseases hospitals

P.

ng bansa, handa laban Monkeypox

1 PIA Bulletin Online

ipantustos sa 4 na milyong validated 4Ps beneficiaries at 2 milyong social pensioners. Sa ilalim ng TCT, ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng limang daan kada buwan na ipapadala sa cash card ng Land Bank of the Philippines, ibang mga bangko o mga electric money issuer.

at 10 LGUs 5 NCR under Alert Level 1

6

Dagdag benepisyo para sa Senior Citizens at PWDs

7

Sintomas ng monkeypox virus

8

Construction ng mga kalsada sa Marawi, pinapabilis

P. P.

9

P.

Copyright Plus Program

11

Pilipinas, Tier 1 laban sa antitrafficking

12

Research week, handa na!

P.

P.

1

Kahit saan tinatangay, ginagamit habambuhay.

2

Isang tela kung titingnan, iginagalang ng mamamayan.

Sagot sa Page 12

TB naman...

10

P.

PITPIT-ISIP

Pandem Yakitoo!


Paperless process para sa mga OFW

Editor-In-Chief Joselito Reyes Assistant Editors Carlo Cañares Sixto Paulo Agato Staff Writers IDPD Art Department Kevin Martin CPSD headed by Bradley de Leon Layout Artist Gabriel Villanueva Production/ Aggregation DDCU with Team Leader Kate Shiene Austria

Josephine L. Babaran PIA-IDPD

Tututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagsasagawa ng paperless na proseso para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at DMW ay magtutulungan upang ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay maging paperless o digital, na maaaring i-store sa telepono. Ayon sa DMW, magkakaroon din ng digital solution sa immigration upang maging mabilis at maayos ang serbisyo ng bawat international airport sa bansa. Kumpiyansa ang DMW na magtatagumpay ang pagbabawas ng timeline sa pagproseso ng requirements ng mga OFW mula tatlong buwan hanggang isang buwan o tatlong linggo na lamang. PIA Bulletin Online 2


Bill para

protektahan ang kabataan laban sa

sexual abuse at exploitation, batas na

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Nag-lapse into law ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation (OSAEC) o Republic Act No. 11930 noong July 29, 2022. Nagmula ang panukalang batas na ito sa Senado na inakda at sponsored ni Senator Risa Hontiveros. Prinoprotektahan ng batas na ito ang mga menor de edad laban sa OSAEC kahit anupaman na anyo ng consent ang magmumula sa bata. Ang paggawa, kusang pag-access at pagbabahagi ng anumang anyo ng child sexual abuse and exploitative material ay bibigyan parusa sa ilalim ng batas.

3 PIA Bulletin Online

Dagdag pa rito ang grooming o pakikipagusap ng isang adult sa isang minor para magkaroon ng sekswal o romantic na relasyon o paggawa ng sekswal na materyales ay labag din sa batas. Mapaparusahan din ang manunuod o stream ng anumang uri ng child sexual abuse o subscribe sa mga channel na may content na ganito. Ayon kay Hontiveros, magkakaroon na ng pananagutan ang mga social media platforms, electronic service providers, at financial intermediaries sa pag-implementa ng batas na ito.


DOH: Infectious diseases hospitals ng bansa,

HANDA LABAN MONKEYPOX Camille N. Serrano PIA-IDPD

Sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bansa ay mayroong pasilidad gaya ng infectious diseases hospitals na kayang humawak ng mga sakit tulad ng monkeypox. Dagdag pa niya, hindi na kinakailangan ng mga special referral centers tulad noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sapagkat ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), San Lazaro Hospital at iba pang Level 3 na pasilidad sa buong bansa ay may kakayahang humawak ng katulad na mga sakit.

Photo from RITM PIA Bulletin Online 4


NCR

at 10 LGUs under Alert

Level 1 Mary Rose delos Santos PIA-IDPD

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang National Capital Region (NCR) ay mananatiling nasa Alert Level 1 habang 10 pang Local Government Units (LGUs) ang na-de-escalate o ibinaba sa parehong status mula August 1 to 15. Ang 10 local government units ay ang: Barbaza, Antique; Bato at Tabontabon sa Leyte; Payao sa Zamboanga Sibugay; Braulio E. Dujali sa Davao del Norte; Maitum sa Sarangani; Pilar sa Surigao del Norte; at Calongas, Marogong, at Tagoloan II sa Lanao del Sur. Napanatili nila ang kanilang case classification, mababang risk ng bed utilization at naabot ang vaccination thresholds para sa target population at sa senior citizen priority group population. 5 PIA Bulletin Online


Dagdag benepisyo para sa

Senior Citizens at PWDs Suzzane Bautista PIA-IDPD

Mayroong dagdag na benepisyo ang Senior Citizens at PWDs. Ito ay matapos ilabas ng Department of Trade and Industy (DTI) ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01, series of 2022 na magbibigay ng dagdag na 5% special discount sa Basic Necessities at Prime Commodities (BNPC) na bibilhin sa pamamagitan ng phone at online transactions. Binigyang diin naman ng DTI na iba ang special discount sa 20% regular discount na sumasaklaw sa iba’t ibang produkto at serbisyo para sa Senior Citizens at PWDs. Ang mga sumusunod ay ang mga BNPC na nakasaad sa amended Price Act:

Para ma-avail ang 5% special discount, ang isang indibidwal na bibili sa pamamagitan ng online platform ay dapat ideklara na sila ay Senior Citizen o PWD bago mag-order, at magbigay ng supporting documents tulad ng screenshot ng Senior Citizen o PWD ID. Para sa ibang katanungan, maaaring tumawag sa One-DTI (1-384) o mag-email sa ConsumerCare@dti.gov.ph. PIA Bulletin Online 6


Sintomas ng monkeypox virus Camille N. Serrano PIA-IDPD

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) noong July 29, 2022 ng unang kaso ng Monkeypox sa bansa. Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na mag-ingat at patuloy na sumunod sa health protocols. Ang sintomas ng monkeypox ay ang mga sumusunod: lagnat, pamamaga ng kulani, pagkakaroon ng pantal na magmu-mukhang paltos na lumilitaw 1-3 araw matapos ng lagnat, pananakit ng ulo, pagubo, pananakit ng kasu-kasuan/likod, at pamamaga ng lalamunan. Ang rashes naman ay nagsisimula at dumarami sa bandang mukha kumpara sa chickenpox na nagsisimula sa katawan. Tumatagal ito ng dalawa hanggang apat na linggo na kusang gumagaling. 7 PIA Bulletin Online

Bagama’t bihira ang fatality sa nasabing virus, mayroon ding 10% chance lalo na kung ang tatamaan ay ang mga indibidwal na immunocompromised. Epektibo pa rin ang pagsasagawa ng minimum public health standards laban sa monkeypox gaya ng laging pagsusuot ng face mask, agarang isolation sa panahon na may sintomas ng sakit, maayos na daloy ng hangin sa mga lugar na pinpuntahan, at ang palagiang paghuhugas ng kamay. Patuloy na pinapaalala ng DOH na ugaliing magbasa at magbahagi ng mga impormasyon na mula lamang sa mga opisyal na pahina ng kagawaran upang maiwasan ang ‘infodemic.’


Construction ng mga kalsada sa Marawi, pinapabilis

Melva C. Gayta PIA-IDPD

Patuloy ang rehabilitation at construction ng 18.78-kilometerong Marawi Transcentral Roads (MTR) na may 13 road sections, ayon sa ulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Emil K. Sadain. Tina-target na makukumpleto ang proyekto sa huling quarter ng 2022. Mayroon ding consultation meeting hinggil sa 19.8-kilometer Marawi Ring Road Project na kasama rin sa Road Network Development Project in Conflict Affected Areas in Mindanao na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Ayon naman kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang construction ng bagong kalsada ay magdadala ng employment opportunities at malaking tulong din sa agri-sector. Photos from DPWH PIA Bulletin Online 8


TB naman... Melva C. Gayta PIA-IDPD

Ang Tuberculosis o TB ay nakaapekto sa mahigit na isang milyong tao sa Pilipinas kaya’t hinihikayat ang lahat, lalo na sa mga nagpapakita ng sintomas na magpasuri o magpa-checkup upang malaman kung may TB o wala. Ang TB ay kumakalat sa hangin, kung kaya’t sa pag-ubo o pagbahing ay maaaring maipasa ang mikrobyong TB sa mga taong lagi kasama sa bahay o trabaho. Maaaring umabot ng 1-2 taon bago tuluyang magkaroon ng sakit ng TB ang isang tao na na-expose sa TB bacteria. Ang TB ay nagagamot ngunit sa kabila nito ay halos 60 Pilipino pa rin ang namamatay araw-araw, at marami ang hindi alam na sila ay may sakit na TB. Libre ang gamot sa TB sa mga pampublikong pagamutan sa ilalim ng Department of Health TB-DOTS program. Hindi na kailangan pang manatili sa ospital upang magpagamot at maaaring inumin na lamang ang gamot sa bahay o kaya ay kumuha sa mga health center sa inyong komunidad. Pinapayuhan din na regular na makipagkita sa health worker upang masiguro na tuluytuloy ang gamutan.

9 PIA Bulletin Online


Copyright

Plus Program

Jastine Angelo F. Don PIA-IDPD

Nagtakda ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ng mga proyekto na magbibigay sa Filipino artists ng angkop na kaalaman sa kanilang ‘copyright’. Iminungkahi ng ilang artists sa Pilipinas ang mga proyekto at pinondohan sa ilalim ng Bureau of Copyright and Related Rights’ (BCRR) Copyright Plus Program. Layunin ng Copyright Plus na tulungan ang mga marginalized creator na maintindihan ang economic and cultural benefits ng pagpaparehistro sa IPOPHL.

Ito ang proyektong kabilang sa Copyright Plus: Certain Seasons Mothers Write Dance of Disabilities The Indayog Summer Camp The Freelance Writer’s Guild of the Philippines (FWGP) Tuldok Animation Heroes Mural – Wall of Fame Project

Alam mo ba? May online na bersiyon ng Atlas ng mga Wika ng Pilipinas na inilimbag ng KWF noong 2016? Naglalaman ito ng mga datos tungkol sa tinatáyang 130 wika ng bansa at mapa ng mga wika. Bisitahin: https://kwfwikaatkultura.ph

? ? ?

?

PIA Bulletin Online 10


Pilipinas,

Tier 1 laban sa anti-trafficking

Joedie Mae D. Boliver PIA-IDPD

Napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 o pinakamataas na ginagawad sa pagsunod ng minimum standards para sa sugpuin ng malubhang anyo ng human trafficking. Ang Pilipinas ay ginawaran ng Tier 1 ranking sa United States (US) 2022 Trafficking in Persons (TIP) report noong July 20, 2022. Pitong magkakasunod na taon na napapanatili ng bansa ang antas na ito. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang pagkakaroon ng ganitong antas ay tunay na nagpapakita ng pagsisikap sa pagreport laban sa human trafficking sa kabila ng hamon ng pandemya. Dagdag pa ng DSWD na hindi magiging posible ang pagkilala na ito kung hindi dahil sa pagsisikap at suporta ng mga miyembro ng Inter-Agency Council 11 PIA Bulletin Online

Against Trafficking (IACAT). Ang DSWD ay ang co-chair ng IACAT. Patuloy na nilalabanan ng DSWD ang laban sa human trafficking sa paraan ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP) upang magbigay ng suporta sa biktima ng trafficking. Ipapagpatuloy ng ahensiya ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders para itaguyod ang karapatan ng biktima para maibsan ang kahirapan na siyang sanhi ng trafficking.


Research week, handa na! Jastine Angelo F. Don

Research and Development Consortium (CLHRDC) at ng Department of Science and Ipagdiriwang ng health research Technology III (DOST III). community ang Philippine National Nakatuon ang PNHRS sa pagbabahagi ng Health Research System (PNHRS) Week kaalaman, pananaw, at karanasan sa pagsimula August 8 hanggang 12, 2022. handle ng health crises at iba pang related Ang pagdiriwang ng PNHRS week emergencies at disasters sa pamamagitan ay may temang “Health Research: ng science-based strategies, evidenceResponding to Challenges towards based approaches, at resilient health National Recovery and Resiliency” na systems pati na rin ang kasalukuyang pangungunahan ng Central Luzon Health health research outputs.

PIA-IDPD

PITPIT-ISIP

1

Durian

2

Niyog

PIA Bulletin Online 12


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.