Ang Lambigit - 1st Issue

Page 1

LAMBIGIT ang

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG KAGURUAN NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SIOCON AGOSTO-SETYEMBRE 2021 • TOMO I - BILANG 1

BAGONG SIOCON. Ang modernong munisipyo na ayon kay Alkalde Lobrigas ay sumisimbolo sa mabilis na pagbabago ng Siocon ay handa nang ▶ sumerbisyo sa bawat Sioconian. PETER IAN PANTALITA

Safety seal, iginawad sa Sionahayz ▶ KRISTINE LEA SELISANA, GLAZEL PANER at MELANIE FRONDA

I

ginawad ang Safety Seal Certificate sa Mataas na Paaralan ng Siocon, ika-28 ng Hulyo, 2021. Ayon sa aming panayam kay Angelie Blessed Camelotes, Nurse II sa distrito ng Siocon, ibinibigay lamang ang safety seal sa mga paaralang nakagawa ng kumpletong pangangailangan alinsunod sa ipinapatupad na memorandum ng DILG at kung gaano kahanda ang paaralan para sa kaligtasan ng mga kawani at mga mag-aaral. Upang mabigyan ng Safety Seal, ang paaralan ay kinakailangang magkaroon ng mga sumusunod: isolation area; handwashing facility; thermal scanner at alcohol; logbook; health declaration form; foothbath; pagdisimpekta (dalawang beses isang linggo); face shield at face mask; basurahan para sa ginamit nang face mask and sharps. Maaaring mapawalang-bisa ang safety seal kapag hindi nasunod ng paaralan ang mga alituntuning nakapaloob dito. Pinangunahan ni Melinda Velasco, Municipal Local Government Operations Officer ang pagbigay ng sertipiko na tinanggap naman ni Marlon Micubo, punongguro ng Sionahayz kasama ang kaguruan at mga kawani ng nasabing paaralan.

MATAYOG NA PAG-UNLAD Makabagong munisipyo ng Siocon, napapakinabangan na ▶ EVANESSA VILLACRUSIS-JUTINGO

P

agkatapos mainagurahan ang 73 milyon na halagang Munisipyo ng Siocon sa ika8 ng Agosto nitong taon, ito ay kasalukuyang okupado na ng higit kumulang isandaang empleyado na handang maglingkod sa munisipalidad. Matatandaang naitala ng “The Pis Siyabit” base sa nakuha nitong datus noong taong 2017 na ang dating Munispyo ng Siocon ay giniba dahil ang infrastraktura ay hindi pumasa sa pamantayan ng “National Building Code of the Philippines” at hindi na nito kayang labanan ang mga sakuna at kalamidad dala ng kalumaan. Pagkatapos ng higit kumulang apat na taon, ang minimithi ni Alkalde Julius S. Lobrigas sa kanyang nasasakupang lungsod ay nakamit na dahil sa pagtatiyagang pag-iipon ng pamahalaan taon-taon upang madagdagan pa ang perang nakalaan para sa pagpapatayo ng nasabing “modernong” munisipyo. Sa mensahe ng alkalde sa inagurasyon ng gusali, binigyang-diin niya na ang naturang proyekto ay isa sa mga minimithi niyang legasiya bago magtapos ang kanyang termino. Dagdag pa niya, ang naitayung munispyo ay isa sa mga patunay sa kanyang pangako noong kasisimula pa lamang niyang

HUGAS PARA IWAS. Ginagamit nina PSDS Araceli Tomboc (Gitna) kasama nina Punonggguro Marlon Micubo (kanan) at Cluster Nurse ▶ Neoriente Ferrer (kaliwa) ang bagong tayong wash area sa harapan ng paaralan. ANGELIE BLESSED REYES

maging alkalde noong 2013 na babaguhin niya ang munisipalidad hindi lamang ang mukha nito pati na rin ang pamamalakad ng local na pamahalaan. “Our new municipal hall is the symbol of how Siocon had changed for the past eight long years [Ang ating bagong munisipyo ay isang simbolo kung paano nabago ang Siocon sa loob ng walong mahabang taon],” pagdeklara ng alkade. Sa huli, sinabi ng alkalde na ang kagandahan at tagumpay ng lungsod ay bunga ng sama-samang pagbuhos ng kahusayan at katapatan sa anumang tungkulin ng nasasakupan nito kaya hiling niya na patuloy itong arugahin. “Ating tandaan na ang kagandahang angkin ng Siocon ngayon ay patunay na kapag sama-samang ibinubuhos ang kahusayan at katapatan sa anumang tungkulin, magbubunga ito ng tagumpay at pag-asensong hangad natin. Ang Siocon ay atin. Patuloy natin itong mahalin at arugain,” pagtatapos ng alkalde. Ang pormal na gawain ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng probinsya at rehiyon na sina Governor Roberto Uy at kanyang unang ginang na si Evelyn TangUy, Vice Governor Senen Angeles, DILG Regional Director Paizal Abutazil, DILG Provincial Director Oliver Ombos, at Board Member Venus Uy. Ang munisipyo ay may tatlong palapag at modernong disenyo. Ang probinsyal na pamahalaan ay nagbigay rin ng 8 na milyon bilang karagdagang tulong sa pagpapatayo ng gusali.


2 balita AGOSTO - SETYEMBRE 2021

ANGLAMBIGIT

PAGLILIPAT-TUNGKULIN. Sa isang seremonya ay pormal na ibinigay ni Alkalde Julius Lobrigas (kaliwa) ang riso printer kasama ang dating PSDS Susan Felizarta (gitna) at Punongguro Marlon Micubo (kanan). NEORIENTE FERRER

UNANG IMPRENTA. Sinusubukang mag-imprenta nina Punongguro Marlon Micubo (kaliwa) kasama ang ingat-yaman ng PTA na si Gng. Gemma Romina sa large ▶ format printer sa kauna-unahang pagkakataon. PETER IAN PANTALITA

‘Pasidungog’, iginawad sa mga piling mag-aaral ng Siocon ▶ MELANIE FRONDA at GLAZEL PANER

S

a ikalawang pagkakataon, ang programang ‘Pasidungog sa Kahibalo’ ay naggawad ng parangal sa mga piling mag-aaral ng Siocon na ginanap sa Siocon Cultural Exhibition Center, Agosto 11,2021. Sa kabuuan, mayroong 67 na mag-aaral mula elementarya, sekundarya, senior high at kolehiyong lebel ang napiling bigyan. Ayon kay Henry Mark Casocot, Municipal Administrator at tagapangasiwa ng nasabing programa ito ay nakabatay sa ordinansa ng munisipyo MAGPATULOY SA PAHINA 4

Printers, ipinamigay ng PTA, LGU ▶ HYRA ONTANAN at KRISTINE LEA SELISANA

A

ng Parent Teacher’s Association (PTA) na pinamumunuan ni G. Dionisio F. Riconalla sa panuntunan 2020 – 2021 ay nakapaghandog sa Siocon National High School ng isang Large Format Printer (printer Epson C11CF85402) na nagkakahalagang ₱144,995.00 Sinuportahan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Siocon sa pamamagitan ng pamamahagi ng 10 rolyo ng papel na nagkakahalaga ng ₱6,500. Samantala ang ink cartridge at instolasyon ay pinondohan ng Siocon National High School mula sa School MOOE na nagkakahalaga ng ₱22,300. Ayon kay Marlon Micubo , punongguro ng Siocon NHS ang pagkakaroon ng ganitong makabagong gamit sa pag imprenta

PARANGAL. Tumanggap ng medalya at pera ang isang Grade 10 completer kasama ang kanyang magulang matapos makakuha ng ▶ pinakamataas na marka sa Junior High School-STEM Program. MELANIE FRONDA

ay makatutulong sa mga guro sa paggawa ng makukulay na Learning Activity Sheets (LAS), flyers, at iba pang materyales sa pagkatuto. malaki rin ang maititipid nito sa paglathala ng newsletter na ipamamahagi sa mga mag-aaral, magulang, at sa komunidad. “Ang PTA ay ramdam ang hirap ng bawat guro, mag-aaral at magulang sa mga panahaong ito kaya naman ang napagpasyahan naming proyekto ay large format printer na maaring magamit ng paaralan hindi lamang sa materyales ng pagkatuto kundi pati na rin sa mga materyales na nagbibigay impormasyon tungkol sa Covid 19.” sabi ni Gemma Romina, ingat yaman ng PTA. Samantala ang Pamahalaang Lokal ng Siocon sa pamumuno ni Mayor Julius S. Lobrigas ay nag ambag ng isang unit ng RISO (Risograph)printer na nagkakahalaga ng ₱220,000 . Ayon kay Mayor Lobrigas ang kanyang tangggapan ay laging nakikiisa sa Siocon National High School sa pagbibigay ng

dekalidad na ekukasyon sa ating mga kabataan.Kaya naman sa panuruang 2020-2021 ay naglaan ng pondo ang Pamahalaang Lokal ng Siocon mula sa Community Development Funds From Mayor’s Office sa pagbili ng isang unit ng dekalidad na RISO printer para sa materyales sa pagkatuto ng 2,518 magaaral. Ayon kay John Raph Dayaganon, ang nakatalaga sa pag-imprenta ng LAS, ang RISO printer ay may kakayahang mag-imprenta ng 130 kopya sa bawat isang minuto , 40,000 kopya sa isang buong araw at 2 bote lamang ng emulsion ink ang magagamit. “ Ang Siocon National High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga stakeholders, ang Pamahalaang Lokal ng Siocon ,mga magulang at PTA opisyales sa suportang ibinabahagi nila lalo na ngayon sa bagong normal na edukasyon sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng Kagawaran ng Edukasyon.”wika ni Marlon Micubo, punongguro ng Siocon NHS.


balita 3

ANGLAMBIGIT

AGOSTO - SETYEMBRE 2021

2,580 BILANG NG NAGPATALA NA BATAY SA PINAKAHULING DATOS (AGOSTO 31, 2021)

JUNIOR HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL

▶ CAROLYN LEMITARES mabot na sa 2,580 ang U bilang ng mag-aaral na nakapag-enrol sa Siocon National

High School batay sa pinakahuling datos nitong Agosto 31 at inaasahang dadagsa pa ang mga magpapatala para sa taong panuruan 2021-2022. Ito ay base sa inilabas na datos ng School Registrar na si Merlinda Torres. Sa naturang bilang, 1, 801 na mag-aaral ang nagmula sa Junior High School (JHS). 357 nito ang mag-aaral na nagpatala sa baitang 7; 453 sa baitang 8; 419 para sa baitang 9; at 572 naman ang nasa baitang 10. Samantala may 779 kabuuang bilang ng mga magaaral ang mula sa Senior High

LORENZO MALABARBAS

54 personel ng Sionahayz, bakunado na ▶ SALER J. SABTIRI at STEPHANIE BARAZON akunado na laban sa B Covid-19 bayrus ang 54 na kawani ng Siocon National High

School (Sionahayz) na sinimulan noong Hunyo 17, 2021. Sa kabuuan, may 256 empleyado na ng Kagawaran ng Edukasyon sa Siocon ang nabakunahan na. Ang pagbakuna na ginanap sa Siocon Cultural and Exhibition Centre at sa bagong tayong dome ay pinamunuan ng Rural Health Unit ng Siocon sa pangunguna ng Municipal Health Officer, Dr. Mary Therese Acevedo. Karamihan sa bakunang naiturok ay gawa ng Sinovac at may mga iilan ding naturukan

School (SHS). 444 nito ang mag-aaral sa baitang 11 at 335 ang sa baitang 12. “Sa totoo lang, medyo bumaba ang bilang ng ating magaaral na nasa baitang 7 dahil may mga barangay na nagbukas ng kanilang Integrated School”, wika ni Gng. Merlinda B. Torres. Subalit, ang pagbaba ng bilang ng mag-aaral sa baitang 7 ay siyang taas naman ng bolang ng nagpatala sa Baitang 11 na nasa 348 lamang sa nakaraang taon. Sa nakaraang taong panuruan (2020-2021), ang kabuuang datos ng mga magaaral na opisyal na nagpatala sa Sionahayz ay umabot sa 2,455.

BAKUNA ANG PAG-ASA. Isang guro ng Sionahayz ang nagpabakuna laban Covid-19 na itinurok ng gurong nars mula sa parehong paaralan.

ng bakuna mula sa Oxford-AstraZeneca at Janssen, ayon kay Angelie Blessed Reyes, nars ng Sionahayz. Saad pa niya, wala namang naiulat na malubhang epekto matapos maturukan kundi ang simpleng kirot, pamumula, at pamamaga sa lugar ng pinagbakunahan, lagnat, at panghihina lamang. Inaasahang madagdagan pa ang magpababakuna matapos ang intensibong information drive gaya ng virtual na oryentasyon at paggamit ng social media upang magpaskil ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna at paglaban sa pekeng balita.

1,801 779

Populasyon ng mag-aaral, inaasahang tataas ngayong taon


4 balita

ANGLAMBIGIT

AGOSTO - SETYEMBRE 2021

MULA PAHINA 2 Kabataan, nakilahok sa pansibikong gawain ng iCan ‘Pasidungog’... ▶ EVELYN MALBACIAS

M

atagumpay na isinagawa ang chapter recognition sa I Can Young People Organization Incorporation (I Can) sa munisipalidad ng Siocon, Marso 10. Una nang itinanyag bilang isang provincially-recognized organization ang I Can noong Pebrero 9, 2021 at tuluyang kinilala bilang isang municipal chapter ang Siocon. Nito lamang Mayo 20 ay iginawad ng Sercurities and Exchange Commission sa I Can Siocon Chapter ang Certificate of Incorporation sa pangunguna ng I Can Provincial Director, Shekainah Shamma Santiago, sa koordinasyon ng Local Government Unit ng Siocon at sa tulong ng mga piling tagapag-ugnay ng organisasyon na sina Ivan Faburada at Claudine Lobrigas. Ang nasabing organisasyon ay naglalayong mahasa at mahubog ang bawat kabataan sa pakikilahok sa pampubliko at sibikong aktibidad at upang itaguyod at ipalaganap ang apat

na core values ng Pilipinas. “It’s about time na makilahok at makibahagi ang mga kabataan. And I think I Can is a good avenue for the youth to start making a change. A real change,” ani Ivan Faburada, I CAN Siocon Chapter coordinator sa aming pakikipagpanayam. Simula ng makilala ang chapter ng Siocon, nakapagsagawa na ng Coastal Cleanup Drive, Mangrove Planting, Team-Building, at Zumba For a Cause para sa mga volunteers ang organisasyon. Kamakailan lang, pinangunahan ng I Can Siocon ang Coastal Cleanup Drive at Mangrove planting kasama ang ibang mga youth organization sa munisipalidad bilang tugon sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2021. Hangad ng organisasyon na magkaroon ng marami pang aktibidad at programa upang lubusang mahubog ang papel ng mga kabataan sa ating lipunan.

ng Siocon na ang layunin ay upang mabigyan ng pagkilala ang mga mag-aaral sa husay ng kanilang akademikong gawain. Sa unang taon ng programang Pasidungog sa Kahibalo, tanging mag-aaral lamang sa senior high ang kanilang nabigyan subalit sa ikalawang taon ay kanila nang isinali ang mga mag-aaral mula elementarya, sekundarya at maging ang kolehiyo. Ito ay taunang pagbibigay ng parangal sa mga piling magaaral bago magtapos ang klase. Ang mga piling mag-aaral ay nakatanggap ng medalya at pera. Isang libong piso (P1000) ang natanggap ng piling mag-aaral mula elementarya, Tatlong libong piso (P3000) sa sekundarya at limang libong piso naman mula sa bawat strand ng senior high at kolehiyo. Sa pambungad na mensahe ni Mayor Julius Lobrigas

kanyang ipinahayag na katuwang niya ang kanyang maybahay na si Agnes Lobrigas na siyang panauhing pandangal na ipagpapatuloy ang nasabing programa upang mabigyan ng halaga ang mga pagsisikap ng mga mag-aaral na makamit ang kanilang tagumpay. Dinaluhan ito ng mga piling mag-aaral, kanilang mga magulang, mga tagapayo, at mga punongguro mula sa iba’t bang paaralan. “Lubos ang aking pasasalamat sa mga bumubuo ng programang ito. Ako po ay labis na nasiyahan sapagkat isa ako sa mga napili at nabiyayaan. Malaking tulong po ito sa akin sa pagtuntong ko ng kolehiyo,” masayang pahayag ni Hanisa Haron, isang mag-aaral ng senior high mula sa Mataas na Paaralan ng Siocon.

MOA sa pagpapatayo ng mga paaralan, pirmado na ▶ PETER IAN PANTALITA

I

▶ PIRMANG PANUMPA . Isang guro ng Sionahayz ang nagpaturok na ng bakuna laban Covid-19 na itinurok ng gurong nars mula sa parehong paaralan. PETER IAN C. PANTALITA

sang Memorandum of Agreement (MOA) na magtatatag ng mga panibagong integrated na mga paaralan ang pormal na nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Zamboanga del Norte at ng Lokal na Pamahalaan ng Siocon sa munisipyo ng lungsod, Setyembre 1, 2021. Nakasaad sa MOA ang probisyon na maglalaan ng pera na may kaukulang badyet na P3,395,000 para sa operasyon at pagpapanatili ng mga itataguyod na Mambong Integrated Schools, Pedro Torio Integrated Schools, C. Callao Integrated School, Bucana Integrated School, at Panubigan National High School. Siniguro rin sa dokumento na mapatayo nang wasto ang mga paaralang ito.

Si Schools Division Superintendent Ma. Liza Tabilon ang kumatawan sa Kagawaran ng Edukasyon samantalang si Alkalde Julius S.Lobrigas ang sa Lokal na Pamahalaan. Sa paglagda ng kasunduan, inaasahan na mabibigyan ng karampatang akses sa edukasyon ang mga mag-aaral lalong-lalo na ang mga nakatira sa mga malalayong barangay sa lungsod. Ang MOA ay pinirmahan sa harap nina Annie Billones, Principal-in-Charge of the District (PICD) ng Siocon 1; Araceli Tomboc, Public Schools District Supervisor ng Siocon 2; Alfred Descallar, PICD ng Siocon 3; Henry Mark Casacot, Municipal Administrator; at Nivard S. De Guzman, Municipal Budget Officer.


opinyon 5

ANGLAMBIGIT

AGOSTO - SETYEMBRE 2021

ANG LAMBIGIT

PATNUGUTAN Kent Jestoni Q. Gabo Punong Patnugot Melanie E. Fronda Patnugot sa Pamamahala Evanessa V. Jutingo Pangalawang Patnugot Peter Ian C. Pantalita Patnugot sa Balita Jennifer H. Sevilla Patnugot sa Lathalain Annajeson A. Quiñones Patnugot sa Agham

Bida sa Brigada S

a pagbubukas ng taong panuruan 20212022 ay hinahanda na naman natin ang ating paaralan upang maging handa na magpaabot ng kalidad na edukasyon. Ito ang Brigada Eskwela (BE) na nagsimula nitong Agosto 3 at magtatapos sa Setyembre 30, 2021. Di na ito bago sa atin bagaman may mga natatangi tayong preparasyon bunsod ng distance learning modality. Ito ay bilang tugon sa hamon ng pademyang ating kinakaharap. Kaya naman sa bisa ng DepEd Memorandum 048, s. 2021-2021 o ang Brigada Eskwela Implementing Guidelines ay gumawa ang paaralan ng mga hakbang upang masiguro ang lubos na partisipasyon ng ating mga katuwang sa komunidad. Isa na rito ang paggawa ng BE video presentation na nagpamalas sa mga tulong ng ating mga stakeholder nitong nakaraang taon. Sa panahon ng pagsulat ng artikulong ito ay nakahakot na ng humigit kumulang 4,000 manonood at 87 Facebook shares ang naturang bidyo. Layunin ng nasabing video production na hikayatin pa ang mas maraming miyembro ng ating komunidad na makilahok sa BE sa taong ito. Maliban dito ay sinapubliko rin ng paaralan ang mga kinakailangan nito sa pa-

mamagitan ng social media at sulat. Karamihan sa mga pangangailangang ito ay para sa distance learning gaya ng pag-imprenta ng mga materyales ng pagkatuto gayundin ang mga materyales sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa Covid-19 at tamang pagdidisimpekta. Kasama rin dito ang mga hand sanitizing materials tulad ng alkohol at antibacterial na sabon. Higit sa anuman, bilang mga guro, isa tayo sa mga may pinakaimportanteng tungkulin sa pagsisiguradong ligtas ang ating paaralan para sa pasukan. Huwag lang natin ihanda ang ating paligid kundi pati na ang ating sarili. Alam na natin na ang bagong normal na edukasyon na ito ay hindi madali para sa atin. Kaya naman ang ating pagbabayanihan ay dapat higit pa sa pisikal kundi pati na rin mental, sikolohikal, at emosyonal. Ating tulungan ang bawat isa na epektibong magampanan ang kanya-kanyang tungkulin nang sa gayon ay makamit natin ang mga layunin ng ating departamento. Sa ganitong paraan lamang natin masasabing tunay nga na sa Brigada Eskwela, ang kabataan ang bida.

Peter Ian Pantalita Tagakuha ng Larawan Kent Jestoni Q. Gabo Pag-aanyo at Disenyo TAGAPAG-AMBAG Wenee Abad Abeguil May Bacaling Carolyn Lemitares Evelyn Malbacias Hyra Ontanan Glazel Paner Luisita Pasaforte Hivy Reyes Saler Sabtiri Kristine Lea Selisana KASANGGUNI Marlon P. Micubo School Principal III Araceli C. Tomboc Public Schools District Supervisor


6 opinyon AGOSTO - SETYEMBRE 2021

Laban lang! R

amdam ng lahat ang takot at pangamba dulot ng pandemya. Limitado man ang lahat ng ating galaw subalit hindi ito nagiging hadlang upang maudlot ang pagbabahagi ng ating kaalaman sa mga mag-aaral. Kaya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga naimprentang modyul ay nakapag-ambag tayo ng mga kaalaman. Ngunit hindi pa rin ito sapat sapagkat may mga magaaral pa rin ang nangangailangan ng personal na

ANGLAMBIGIT

ARACELI C. TOMBOC Public Schools District Supervisor

pag-agapay ng mga guro. Kung tayo ay bibigyan ng pagkakataon na maaprubahan ng MIATF (Municipal Inter-agency Task Force), magkakaroon ng pilot testing sa mga lugar na may mababang kaso ng Covid kung saan 10 mag-aaral lamang ang pinapayagan na pumasok. Ako’y lubos na nagpapasalamat at sumasaludo sa mga gurong walang kapagurang naghahanda ng modyul para sa kanilang mga mag-aaral at kung minsan ay personal pang iniaabot sa mga tahanan masiguro lamang na mababasa ang mga ito. Sa mga magulang ay nais

MARLON P. MICUBO School Principal III

A

ng ‘Shukran’ sa salitang Arabic ay nangangahulugang ‘Salamat.’ Akma lamang itong pamagat sa sulating ito sapagkat nais kong magpasalamat sa lahat ng ating mga katuwang at stakeholders na tumulong sa atin upang mapagtagumpayan ang mga natatanging hamon ng distance learning sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng DepEd. Unang-una, aking pinapasalamatan ang ating Local Government Unit sa pangunguna ng ating Alkalde Julius Lobrigas. Pinagkaloob ng inyong opisina ang isang riso printer na nagpadali sa pag-imprenta ng ating mga materyales ng pagkatuto. Dahil din dito ay nabawasan ang mga paghahandang kailangang gawin ng ating mga guro sapagkat ‘di na nila kailangan pang mag-imprenta ng kanilang mga learning activity sheets at di na rin kailangan pang manghingi ng printer ink para rito. Maliban pa rito, ginawang posible ng donasyon ninyo para sa papel ng aming large format printer ang paglathala ng mismong pahayagang ito pati na rin ang pag-impentra ng mga materyales upang ipalaganap ang tama at updated na

impormasyon ukol sa Covid-19. Makaaasa kayong magagamit nang wasto at maayos ang mga proyektong ito para sa ikabubuti ng ating kabataan. Alam kong hindi dito nagtatapos ang ating partnership at kami ay buong loob ding tutulong sa inyong departamento sa abot ng aming makakaya. Pangalawa, nais ko ring magpasalamat sa ating Parent-Teacher Association lalong lalo na sa mga opisyales nito na pinangungunahan ng kanilang presidente na si G. Dionisio Nelson Riconalla. Sa wakas ay atin nang naisakatuparan ang ating proyekto na large format printer. Bagaman naantala ang proyektong ito, masasabi kong naisakatuparan ito sa pinakaakmang tiyempo sapagkat naging sangkap ito upang masuportahan ang ating learning delivery modalities. Tunay ngang God’s timing is always on time. Ang pahayagang ito ang saksi ng kahalagahan ng inyong proyekto. At panghuli, aking pinapaabot ang aking marubdob na pasasalamat sa mga miyembro ng ating komunidad na nagpaabot ng tulong at suporta sa ating

kong gabayan ninyo palagi ang inyong mga anak. Wala man kami palagi sa inyong tabi ay bukas naman ang aming loob na kami ay inyong lapitan o tawagan hinggil sa pag-aaral ng inyong mga anak. Sa mga mag-aaral naman, laban lang! patuloy tayong magbasa upang matuto. Huwag nating payagan na maudlot ang ating mga pangarap. Makararaos din tayo sa gitna ng pandemya. Isipin lamang natin na may sisikat na araw sa likod ng bagyong ating hinaharap.

Shukran paaralan. Salamat sa mga opisyales ng mga barangay sa Siocon sa mainit na pagtanggap sa aming mga guro sa kanilang pamamahagi ng mga materyales ng pagkatuto sa inyong mga nasasakupan. Ako ay natutuwa na sa walang pag-aalinlangan ay tinanggap ninyo sila at pinagamit ng inyong mga pasilidad. Akin pa ngang nabalitaan na ang iba sa kanila ay inaabutan niyo ng pangmeryenda at minsan pa nga ay pati pananghalian. Ang kabutihang ito ay lalong nagbibigay motibasyon sa kanila na pagbutihin pa ang kanilang trabaho. Sa iba pang miyembro ng ating komunidad na nagpaabot ng tulong at serbisyo sa ating paaralan, hindi ko na kayo maiisa-isa ngunit tanggapin niyo ang aking taos-pusong pasasalamat. Kayo ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin kami upang isakatuparan ang mga pangarap ng ating kabataan maski sa harap ng isang nakababahalang pandemya. Nawa’y pagpalain pa kayo ng ating Maykapal. Sa inyong lahat, shukran!


lathalain 7

ANGLAMBIGIT

Laban sa Covid-19,

AGOSTO - SETYEMBRE 2021

ligtas ang may alam ▶ LUISITA PASAFORTE, WENEE ABAD at ABEGUIL MAY BACALING

N

aging mailap sa lahat ang muling pagsibol ng pag-asa sa gitna nang pagkubkob yaring ganid. Ang dating marilag ay kay daling winasak ng takot at pangamba.Hindi mahulugang karayom ang bilang ng mga taong naging biktima ng pandemyang ito, lahat ay naapektuhan mula nang magkaroon ng COVID-19 virus kabilang dito ang bansang Pilipinas. Kalakip ng patuloy nitong pagkalat sa iba’t ibang parte ng bansa ay ang pagsasakatuparan ng mga bagong protokol at patakaran upang sa ganoon ay mabigyang proteksiyon ng bawat Pilipino ang kanilang sarili. Binigyang diin ng

pamahalaan ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa COVID-19. Mahusay nilang pinag-aralan ang mga maaari at posibleng mangyari kung magpapatuloy ang pandemyang ito. Ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay naglalayong matugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Una,laging magsuot ng face mask at faceshield tuwing lumalabas ng tahanan o hindi kaya ay mayrooong nakahahalubilong ibang tao. Sa ganoon ay maiwasan ang anumang pagdapo, pagkakaroon ng pagkakataong mahawa ng hindi

makikitang sakit. Pangalawa,huwag kakalimutang panatilihin ang isang metrong espasyo sa pagitan ng mga tao sa iyo. Sa kadahilanang malaking porsiyento na posibleng mahawa ng Covid-19 virus ang isang tao kung siya ay malayang nagkakaroon ng interaksiyon sa iba. Pangatlo, laging tatandaan na maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol. Ang kamay ng tao ay tila ba kay daling dumapo sa iba’t ibang bagay na lingid lamang sa ating kaalaman. Ang pagkakaroon ng malinis na kamay ay nangangahulugang pagbibigay ng sapat na proteksiyon laban sa anumang sakit. Panghuli, panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay. Ang pagkakaroon ng maaliwalas na paligid ay nakapagdagdag ng katiyakang di madadapuan ng anumang klase ng sakit, lalo na ang Covid-19. Sa kabila ng nakatatakot at pag-aalala dulot ng pandemya ay nararapat lamang na unahin ang ating mga sarili. Sa pamamagitan ng mahusay na pagsunod sa mga nasabing health protokol ay nabibigyang sapat na proteksiyon ang bawat Pilipino. Mahalagang itatak natin sa isipan na ang kalusugan ay ang tunay na yaman. At sa gitna ng pandemya, ang pagsunod sa patakarang inilunsad ang susi ng kinabukasang kay tagal ng hinahangad.


Hampas ng alon

▶ JENNIFER H. SEVILLA at HIVY REYES

A

ng pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang propesiyon sa ating lipunan. Sinasabing kung wala ang mga guro ay wala rin ang iba pang propesiyon dahil simula sa pagkabata ng isang tao ay dumaan siya sa pagkalinga at pagtuturo ng isang guro. Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong iba’t ibang uri ng mga mag-aaral na kung saan masasaksihan at masasalamuha ng isang guro ang iba’t ibang pag-uugali, katauhan, kakayahan ng pag-iisip, at pagkatuto ng bawat isa, ngunit ito’y hindi hadlang sa mga guro upang maibigay ang angkop at dekalidad na edukasyon sa mga magaaral. Sa halip, naging hamon ito sa kanila sa paglinang ng bawat kakayahan at paghubog ng mga ito upang maging mabuting mamamayan at indibiduwal sa hinaharap. Ngunit ang hamon na ito ay naging balasik simula ng dumating ang malaking pagsubok sa ating bansa, ang paglaganap ng pandemya. Dahilan upang maapektuhan ang pagka-

tuto ng mga mag-aaral sapagkat samantalang naitigil ang pagpapasok sa paaralan dahil sa banta ng COVID 19. Dahil sa lumaganap na pandemya nabago ng tuluyan ang sistema ng ating edukasyon mula sa pisikalang klase ay pinairal ng Kagawaran ng Edukasyon ang Distance Learning alinsunod sa mandato nito na ‘’Learning must continue’’. Ngunit ang pagbabagong ito ay hindi naging madali para sa lahat, lalong-lalo na sa mga guro, mag-aaral at magulang. Ang sistema ng pagtuturo sa pagkakataong ito ay kawangis sa paghahanap ng karayom sa gitna ng talahiban,suntok sa buwan ang pagsasakutaparan ng misyon sapagkat ang balakid ay distansiya. Distansiya na naghihiwalay sa pagkakabuo ng koneksiyon sa mga guro at mag-aaral maging ang koneksiyon sa kalidad na edukasyon. Naging limitado ang nagagawa at naituturo ng tinuturing na pangalawang magulang sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral, kung dati ang mga guro ay buong hapon na nagtuturo ng mga bagong kaalaman na kasiya-siya at masigasig na paraan, ngayon ay naging limitado na lamang mula sa paghahanda ng modyul, paghahatid at pagkuha ng modyul, pagsagot sa katanungan ng mga magulang at pagtatama sa maling sagot ng mga mag-aaral. Nanatiling malaking hamon ito sa mga guro sa pagtuturo kung papaano mapaghuhusayan ang kasanayan ng mga mag-aaral ngayong nagaganap ang kanilang pag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Gayunpaman, nangingibabaw pa rin ang hangarin ng mga guro na buhayin ang dagitab ng pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral sa kabila ng balakid na nag-uudlot sa pagkamit ng magandang bukas. Hindi alintana ng mga guro na makipagsapalaran at suungin ang panganib maibigay at maihatid lamang sa kani-kanilang bahay ang mga modyul at iba pang

pang materyales sa pagkatuto. Kung mayroon man na higit na nahihirapan sa bagong normal na edukasiyon, ito ay walang iba kundi ang mga magaaral, sapagkat sila’y sanay na mag-aral at matuto sa paaraalan, ngunit dulot ng pandemya sila’y nasanay na matuto na mag-isa at pinagsisisikapang unawain ang mga leksiyon nang sa ganoon makakuha ng kaunting dunong. Hindi lingid sa ating kaalaman na iba-iba ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaya’t hindi maikakaila na may mga pagkakataon na makikita natin na sila’y nahihirapan ngunit dahil may pangarap sa buhay ito’y patuloy na pinagsumikapan. Sa kasalukuyan, tahanan ang itinuturing na paaralan kaya’t naging malaking hamon ang dala nito sa mga magulang. Higit sa pagkuha at pagsasauli ng modyul ay kinakailangan ang tamang paggabay lalong-lalo na sa pagkatuto ng kanilang anak. Ang kanilang partisipasiyon sa pag-aaral ng kanilang anak ay lalong sumidhi at lumawak. Kinakailangang ituro o ipaunawa ang mga leksiyong mahirap unawain ng kanilang mga anak. Ngunit kahigtan ang hirap na mararanasan sa mga magulang na hindi nakapagtapos ng pag-aaral, maging sa mga magulang na hindi man lamang nakapag-aral. Paano maibigay ang tamang paggabay lalong-lalo na sa larangan ng pagkatuto ng kanilang anak? Maraming magulang ang nahihirapan ngunit patuloy na nagtitiwala at lumalaban maibigay lamang sa kabataan ang magandang kinabukasan. Malaking pagsubok man ang hamon sa atin, iisa at nagkaisa naman ang ating layunin ang matugunan at maibigay ang tamang edukasiyon. Hindi natin hawak ang ihahanda ng bukas para sa ating lahat. Kaya’t anu’t- ano pa man, kinakailangan nating lumaban at suungin ang hampas ng mga along sumasalubong sa atin sa kasalukuyan upang maitawid at maiparanas sa mga mag-aaral ang kalidad ng kaalaman at kalinangan.

angLAMBIGIT lathalain

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG KAGURUAN NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SIOCON AGOSTO-SETYEMBRE 2021 • TOMO I - BILANG 1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.